Professional Documents
Culture Documents
SANGKAP NG DULA
Ang dula ay mayroon sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.
PANULAAN
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng
wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang
mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,
lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May
tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
ELEMENTO NG TULA
1. Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
2. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang
tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.
3. Tugma - Tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
a. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang
salita ay nagtatapos sa patinig.
b. Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita
ay nagtatapos sa katinig.
c. Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
i. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
ii. Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y
Ang mga kwentong pambata ay mga kwentong naisulat at nagawa para sa mga batang
manunuod. Sakop nito ang mga picture books, tula, maikiling kwento, dula, nobela at mga palabas
sa pelikula, telebisyon at radyo. Hindi katulad ng ibang uri ng panitikan, mas may pokus ito sa
mambabasa kaysa teknikal na depinisyon nito.
Madalas na nagsisimula ang mga kwentong pambata bilang mga kwentong pasalita na
pinagpapasapasahan. Kung tutuusin, walang pagkakakaiba ang mga kwentong ito sa mga
kwentong naisalin ng mga ninuno natin mula noon hanggang ngayon. Sa paglipas ng panahon,
nagbago ang anyo ng mga kwentong bayan upang maging angkop sa mga batang nakakarinig dito.
Sa tradisyong Pilipino, wala masyadong kwento na ibinagay para sa mga bata. Maari pa
ang mga na kinakanta ng mga ina sa kanilang mga anak na sanggol upang sila'y patulugin, o kaya
mga bugtong ng mga bata sa kanilang paglalaro. Sa matagal na panahon, ang mga kwento ay
naririnig na kasama ang buong komunidad, bata man o matanda.
Sa pagdating ng mga Espanyol, wala silang masyadong ginawa upang baguhin ito, dahil
na rin sa kawalan ng pormal na sistemang pang-edukasyon sa bansa. Kung mayroon mang mga
kwentong nakapasok sa bansa, marami sa mga ito ay mga salin mula sa mga kwento sa Europa.
Sa pag-aaral ng mga eksperto, walang patunay na may mga aklat ang mga batang Pilipino noon na
nagtuturo sa kanila na magbasa o kaya sila'y aliwin.
Nagbago ang lahat sa panahon ng mga Amerikano. Unang dumating sa mga paaralan sa
bansa ang mga aklat na tinatawag na Baldwin Readers, kung saan tinuruan ang mga Pilipino na
magbasa at magsulat; kahit na hindi angkop ang mga nilalaman ng aklat sa kulturang Pilipino.
Nasundan ito ng ilang ulit na pagbabago upang maging mas angkop sa kultura ang mga aklat,
katulad ng Insular Readers at Pepe at Pilar. Ngunit kapansin-pansin sa mga aklat na ito na wala
itong silbi kundi turuan lamang ang mga bata sa pagbabasa, kaya naman wala itong naging lugar
sa puso ng mga Pilipino.
Nagbago ang lahat nang nailunsad ang Mga Kwento ni Lola Basyang sa peryodikong
Liwayway noong 1925, sa panulat ni Severino Reyes. Umabot ito sa 400 na kwento, marami ay
salin o pagsasalaysay ng mga kwento mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Masasabin pumatok
ito dahil sa naiiba nitong anyo, taliwas sa mga kwentong pambata ng panahon na marami'y naisulat
upang magturo lamang.
Nasundan ang Lola Basyang ng iba't iba pang aklat at kwentong pambata pagkatapos ng
digmaan. Marami sa mga ito ay muling pagsasalaysay ng mga kwentong Pilipino. Sa panahon ding
ito nabuo ang iba't ibang samahan na naglalayong maangat ang antas ng kwentong pambata, tulad
ng Pamana at Bookmark. Ngunit dahil sa pagdagsa ng mga imported na aklat ay nawala din sa
pamilihan ang mga kwentong ito.
Ngunit nagbalik agad ang mga ito noong panahon ng Martial Law kung saan nagnais ng
mga manunulat na ipakita ang mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino. Isa sa mga
pinakamatagumpay ay ang Aklat Adarna, na nakapaglimbag ng mahigit 150 na aklat na mura at
nakaka-akit sa maraming pamilyang Pilipino. Sa panahon din itong lumabas ang Philippine Board
on Books for Young People (PBBY) na naglalayong palakasin ang paglilimbag ng mga kwentong
pambata at pagkilala sa mga pinakamagaling na kwentista pambata ng panahong iyon.
Ang mga kwentong pambata sa Pilipinas ay masasabing umuunlad kung ikukumpara noon
kung saan walang nagnanais na bumili ito. Masasabing dahil na rin ito sa kakaibang dating ng
panitikang ito, na mas may pokus sa mambabasa kaysa sa panulat. Maituturing din itong ebidensya
ng pagnanais ng mga magulang na turuan ang mga bata na mabuhay ng marangal.
1. Banghay - burador o buod ng kwento. Ito ang gabay na sinusundan ng isang kwentista sa
kanyang pagsisimula.
2. Tunggalian - labanan, salpukan at banggan ng mga lakas ng mga tao o kaya puwersa ng
kapangyarihan. Dito nakabatay ang aksyon ng mga tauhan sa akda.
3. Tema - mga inspirasyon o motibasyon ng manunulat upang magkwento
4. Tauhan - tumutukoy sa mga personalidad ng mga tauhan na inilalarawan o kinakatawan
sa kwento.
5. Tagpo - ang lunan kung saan nagaganap at ang panahon kung kailan nagaganap ang
pinangyayarihan ng narartibo o galaw sa akda.
6. Diyalogo - kumbersasyon, pag-uusap o pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa o higit pang
tao sa isang naratibo.
7. Panauhan - perspektibo, posisyon, o pagtinging pinagmumulan ng kwentong isasalaysay
o susulatin para sa mambabasa
Severino Reyes
Juan C. Laya
Ceres Alabado
Amelia Bonifacio
Virgilio S. Almario
Rene Villanueva
Gloria Guzman
Maria Elena Paterno
Saturnina Fadul
NOBELA
URI NG NOBELA
1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan,
mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
sistema
ELEMENTO NG NOBELA
1. Tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a) una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b) pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c) pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – istilo ng manunulat
8. Pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
LAYUNIN NG NOBELA
1. Gumising sa diwa at damdamin
2. Nananawagan sa talino ng guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
KATANGIAN NG NOBELA
1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. Pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. Binubuo ng 20 000-40 000 na salitatemplate:fact
6. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
KOMIKS
Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay
ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat
lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino. Noong unang bahagi ng
ika-20 siglo, naglipana at naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa ang
Pilipinas sa mga pinakamalalaking tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga
nagdaang dekada, bumababa ang popularidad ng komiks dahil sa iba't ibang salik, kabilang na
rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng telebisyon at Internet
KASAYSAYAN
Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na
"Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon,
ilang magasin ang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito
ay ang "Miao" at "Te Con Leche". Sa pagkatalo ng Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino
na kontra sa pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malalayang pamamahayag. Ang mga
nasyonalista ay binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang lumathala ng
ilang babasahing satiriko upang batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa mga magasing
ito ay nakalathala lamang sa Tagalog at Espanyol, ang dalawang wikang hindi naiintidihan ng
mga Amerikano. Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim
ng pangangasiwa ni Lope K. Santos. Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at
nagtataglay ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga Amerikanong opisyal. Ang
paglalathala ng magasin na ito ay natigil din noong 1909.
Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler
sa mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling
binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons na laban sa mga
Amerikano at mga pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na
nagpasimula sa mga komiks sa Pilipinas.
Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong mga
panahong iyon: ang "Kiko at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa bagong
Lipang Kalabaw.
Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito
nagtataglay ng mga serye ng komiks, pero pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin
ang "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito.
Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na
naging representasyon ng mga kabataang may pagiisip na kolonyal noong 1930s.