You are on page 1of 4

CLARK ANDREI CASULLA AND FRANCIA BARTILET TO DIYALAOGO

Ang dalawang anyo ng panitikan ay tuluyan at patula...

1. Tuluyan - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang
takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. Patula - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-
tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.
Mga Uri ng Anyong Tuluyan/Prosa:

1. Alamat – Ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundo.

2. Anekdota – Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.

3. Mitolohiya/Mito – Kwento tungkol sa Diyos at Diyosa, pinagmulan ng sandaigdigan. (Halimbawa: Alamat ng Maria
Makiling)

4. Nobela o Kathambuhay – Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag-iisip.

5. Pabula – Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.

6. Parabula – Mga kwento na hango sa bibliya.

7. Maikling Kwento – Maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy sa nangungunang tauhan.

8. Balita – paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.

9. Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na pangyayari o
impormasyon.

10. Sanaysay – Maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.

11. Talumpati – Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado.

12. Kwentong Bayan – Mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamayan na kapupulutan ng araw.

13. Dula – Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto.

14. Editoryal – Ito ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro-kuro ng editor.

15. Liham – Tumutukoy sa saloobin ng manunulat.

16. Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan

Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang makapagpahinga ang mga
natatanghal gayon din ang mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan


2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
magkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto

Mga Elemento ng Dula:

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon,
tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang
pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga
pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang
nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa
matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang
mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang
pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita

CRIS ANN BALINGQUIT, ALISON MAE SABA, AND DON MARC RICARDO TO SARSWELA
Mga uri ng Patula

Kahulugan: Masining na pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at tugma.

1. Tulang Liriko/Damdamin:

a. Oda- Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao.

b. Dalit- Tulang nagpaparangal sa maykapal.

c. Soneto- Tulang walang saknong, may palagiang anyo na 14 na taludtod at


nagtataglay ng aral sa buhay.

d. Elehiya- Tula na may kaugnayan sa kamatayan.

e. Awit- Awit ng pag-ibig, kantahing bayan.

2. Tulang Pasalaysay

a. Awit- Tula tungkil sa prinsipe at prinsesa mayroong 12 na pantig. Ang mabuting

halimbawa nito ay ang Florante at Laura.

b. Kurido- Tula tungkol sa pagiging maginoo mayroong 8 na pantig. Halimbawa: Ibong

Adarna.

c. Epiko- Tulang tungkol sa pagkabayani. Halimbawa: Biag ni Lam-ang.

3. Tulang Patnigan – Tulang nangagaliangan ng sagutan.

a. Balagtasan- Pagtatalo ng dalawang panig sa paraang patula.

b. Duplo- Tula na nauso sa panahon ng kastila. Ito ay debate na patula na kalimitang

ginagawa kapag may pa-siyam. Kinapapalooban ng mga belyako, belyaka at berdugo.

c. Karagatan- Ito ay isang tula na kadalasang sumusubok sa mga manliligaw ng babae.

4. Tulang Pandulaan -Tulang itinatanghal ng padula.

a. Senakulo- Pagsasalarawan sa pagkabuhay at pagkamatay ni Hesus.

b. Moro-moro- Naglalaman ng paglalaban ng Muslim at Kristyano.

c. Sarsuwela- Itinatanghal sa anyong pasayaw na may masayang awit.

FRONDA,CALAPE, DE LOYOLA, TOLIBAS, MACALLA, AND CRISANTA DOWN TO KAHALAGAHAN NG PANTITIKAN

Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo


Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang ganap ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa
Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan ( salawikain, sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at
nasasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita
sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, at mithiin ng isang bansa. Simulan natin ang iyong pag-aaral
sa bahaging ito. Una nating tatalakayin ang tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan gayundin,
ang dalawang uri ng
paghahambing. Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan na minana
pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat
payak ay mabuting hanguan ng
mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot
ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Sa bahaging ito,nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman
naisulat noong Panahon ng Espaıol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating
mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa
mga Pilipino sa iba’t ibang panahon

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-katutubo.html

https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-sapanahonngkatila

https://prezi.com/i2_cwybzzh9c/panahon-ng-paggising-ng-damdaming-makabayan/

https://www.scribd.com/doc/38997278/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-Himagsikan

https://www.slideshare.net/ErnieChrisLamug/panitikan-sa-kasalukuyan

https://www.scribd.com/document/319471644/Kahalagahan-Ng-Panitikan

You might also like