You are on page 1of 44

THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE

Don Reinoso St. Poblacion


Alaminos City, Pangasinan

Ni:
Rowena O. Meneses
Bsed III- Filipino

Ipinasa kay:
Orlando B. Balgua MAED
Tagapatnubay

Akademikong Taon 2020-2021


Summer Class June 15- July 31

1
UNANG BAHAGI

I- Ibigay ang kahulugan ng Panulaan ayon sa kanyang kaanyuan, pagbabagong hugis ng buhay,
paksa at kalakasan sa lipunan.

 Ang Panulaan o Tula ay isang sining ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao sa


pamamagitan ng saknong na binubuo naman ng taludtod. Ang pagpapahayag ng magagandang
kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng taludtod. Gumagamit ito ng maririkit na salita.

 Ang panulaan ay mga ibat’ ibang kaanyuan gaya ng Tulang Pandamdamin o Liriko, Tulang
Pasalaysay at Tulang Pandulaan.

 Ang pagbabagong hugis ng buhay ng panulaan ay isang paglalarawan ng buhay na hinango sa


guniguni na ipinararating sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang nag-aagkin ng
wastong aliw-iwat higit na mainam kung may wastong tugma at sukat sa taludturan.

 Ang paksa at ang kalakasan sa lipunan ng panulaan ay maaaring sinasalamin ang mga karanasan
ng mga indibidwal. Ang isang akda ay nagiging repleksyon ngmga karanasan ng mga
mamamayan gayundin ang mga pangyayari sa kasaysayan.

II – Ano ang tawag sa mga sumusunod: ibigay ang kaguluhan o pagkakaiba- iba ng bawat isa ayon
sa paksang panulaan.

1. Denotasyon at Konotasyon

 Mahalaga sa pag-uunawa ng tula anginterpretasyon o pagbibigay kahulugan. Ang aktuwal na


kahulugan o kahulugang pangdiksyunaryo ay tintawag na denotasyon.samantala, ang
konotayson ay kahulugang ipinapahiwatig ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita.

2. Diksyon ng Tula

 Diksyon ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng makata o kahit sinong manunulat
hindi dapat ipagkamali ang diksyon ng tula sa diksyon ng karaniwang pananalita.

3. Poetic license

 Tinatawag na poetic license ang karapatan ng makatang umiiwas sa anumang pamantayan at


mga tuntunin upang magkaroon ng bisa o epekto. Maaari niyang gamitin ang pangngalan na
maging pang-uri o isang pandiwa gaya ng linis (pangngalan) maglinis (pandiwa) at maglinis pang-
uri.malaya rin ang makata sa sintaks o palaugnayan at sa pagaayos ng mga salita sa
pangungusap. May mga tula minsan na binubuo lamang ng mga salita at parirala imbes ng
kumpletong pangungusap. Nakasalalay ito sa estilo at porma ng salita.

2
4. Persona

 Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula.

 Ang persona at ang makata ay maaring pareho o iisa ngunit hindi dapat ipagkamali na makata at
ang persona ay laging iisa.

 Ang persona ay maaring may buhay o wala. Maaring magsalita ang anumang bagay o taong may
buhay.

 May mga persona na ispesipiko at agarang matutukoy. Mga mga persona namang hindi
ispesipiko at maging ang kausap ay hindi matukoy.

5. Paggamit ng Simbolo

 Ang simbolo sa sining ng pagtula ay pagpapahiwatig o paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao
o kaisipan sa pamamagitan ng mga pananda(signs) at mga sagisag. Sa simbolo may nakukubling
kahulugang ipinapahiwatig lamang ng makata sa halip na tahasang ipahayag.

6. Talinghaga

 Ayon kay Virgilio Almario ang talinghaga ang utak ng paglilikha at disiplinang pumapatnubay sa
haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula. Ang talinghaga ay may kahulugang
higit na malalim sa literal na ipinapahayag.

III – Ibigay ang tatlong kaanyuan ng tula: kahulugan nito o paliwanag at mga halimbawa ng bawat
kaanyuan.

KAANYUAN NG TULA

1. Tulang Pasalaysay o Buhay – Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari.
Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.

Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:

a.) Epiko – Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa
digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-paniwala
sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob. Mauuri ang
epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.

b.) Awit (song) at korido – Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa nito
ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o pakikipagsapalaran. Ang
mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.

3
c.) Balad – Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. Naglalaman ito ng madamdaming
pagsalaysay.

2. Tulang pandamdamin o liriko – Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming pansarili ng
kumatha o ng kaya ay ng ibang tao. Maaari rin iton likha ng mapangarapin imahinasyon ng
makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at medaling maunawaan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/liriko.

a.)  Awit – Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kawalang-
pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

b.)  Soneto – Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan may
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa sa kabuuan.

c.)  Oda – Nagpapahayag ito ng isang papuri,ng isang panaghoy o iba pang masiglang damdamin.
Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

D.) Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

e.) Pastoral – Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.

f.)  Dalit – Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting
pilosopiya sa buhay.

3. Tulang pandulaan – Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad ng


nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.

a.) Melodrama - Ang dulang ito ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't
ang uring ito'y may malulungkot na sangkap, kung minsan ay labis ang pananalita at
damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama
sa mga musical na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

b.) Komedya- Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o
dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-
alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang
epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang
ipagdiwang ang pyesta ng patron.

c.) Trahedya- Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa
pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya
sa Balay ni Kadil.

d.) Parsa – Ito ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng isang


dulang nakakatawa.

4
e.) Saynete – Ito ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng pangunahing
tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin

4. Tulang sagutan / patnigan – Ito ay mga tulang pampagtatalo at pangangatwiran. Ang mga
halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.

a.) Balagtasan - Mula sa pangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar.- Tinaguriang Ama ng


Panulaang Tagalog. Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres
sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog.

Huseng Batute- Unang Hari ng Balagtasan.

Lakandiwa - Siya ang namamagitan sa dalawang makatang nagtatalo sa Balagtasan.

Batutian- Hango sa sagisag ng panulat ni Jose Corazon de Jesus na Huseng Batute.

Lakambunyi - Namamagitan sa dalawang makatang nagtatalo sa Batutian.

Mahahalagang isyu o paksa- Karaniwang pinagtatalunan sa Balagtasan at Batutian .

b.) Karagatan- Isang paligsahan sa tula na nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong
parangal sa isang yumao na ginagawa noong bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang paksa nito'y tungkol sa alamat ng singsing ng isang dalaga, na umano'y nahulog sa gitna
ng karagatan at sa binatang makakakuha nito ay nakalaang ipagkaloob ng dalagang may-ari ng
singsing ang kanyang pag-ibig bilang gantimpala.Binubuo ng mga saknong na apat ang
taludtod at may sukat na lalabindalawahin. Ito'y higit na makinis kaysa sa duplo at nag-
aangkin ng malulundong talinhaga at malalalim na palaisipan.

c.) Duplo- Nang lumipas and panahon ng Karagatan, ito'y humalili. Ito'y pagtatalo sa tula at
pahusayan sa pagbigakas. Ang mga matuwid na ginagamit dito'y karaniwang hango sa mga
salawikain, kawikaan at kasabihan, at sa iba't ibang tadhana ng batas ng bayan.

IV – SALIKSIKIN/BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Magbigay ng mga mga halimbawa ng tula sa mga panahong nabanggit, tagtatatlong tula
bawat panahon na binubuo ng tag –apat na saknong.

2. Ibigay kung anong aklat sinipi ang mga at kung sino ang mga manunulat.

3. Sa bawat tulang sinipi, magbigay ng puna o mensahe kung ano ang ipinapahiwatig nito.

4. Anong aral na mapupulot sa bawat tula.

5
A. PANAHON NG KASTILA (1565- 1872)

“FLORANTE AT LAURA” NI FRANCISO BALTAZAR

Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-
kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang
si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde
Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.

Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni  Florante. Aladin ang
pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang
umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya
si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.

Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin.
Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa
tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat
ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng
isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at
kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na
siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante.
Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.

Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang – na sina Duke Briseo at Prinsesa


Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya
natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa
paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na
ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at
pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.

Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa


kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap
si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang
si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa
Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian
ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa
mga Persa (Persian). Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.

Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa
pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.

Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral


ng Persiya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa
pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa
Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan
ang watawat ng Persiya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang
mga kalabang Persa (Persian). Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula

6
sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng
Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang
ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.

Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng AMiramolin, isang kilalang


mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng
isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga
ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan
si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo
si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama
at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno
ng akasya.

Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa
kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito,
ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit
ni Aladin – na isa palang Persa (Persian) – ang katotohanan nakatulad rin ng kay Florante ang kaniyang
kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang
mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng
ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan
ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na
magpakasal sa sultan.

Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento
hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng
babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon.
Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang
matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad
na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang
si Flerida.

Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo
sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan
ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay siAdolfo na sirain
ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si  Adolfo, kung kaya’t
napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang
kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas
si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.

Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa
buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman
sina Aladin at Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang
ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

PUNA

 Ang puna ko sa akdang ito ay isang tulang may damdamin at nakakaantig ng puso ang kwentong
patula ito,dito ay masasabi kong una ay puro pahirap ang nangyari sa kay Florante at Aladin at

7
dahil di nila nakasama ang kanilang pinakamamahal na babae ng dahil sa mga digmaang
nagaganap. Kahit na sa tinagal ng panahon ay mahal parin ni Florante si Laura at ganon din ito sa
kanya. At ganon din ang kwento ni Aladin at ni Flerida na ngayon ay magkasama narin.

ARAL

 Sa tulang pasalaysay na ito ang aral na mapupulot dito ay kailangan mayroon respeto kung sino
ang kanyang minamahal. At huwag maging mainggitin sa kapwa dahil wala tayong mapapala.
Magkakaiba ang sitwasyon at pananaw natin sa buhay kaya’t dapat na magpokus na lamang
tayo sa ating sariling kaganapan sa buhay at upang mapaunlad pa ntin ito.

“IBONG ADARNA” Ni: JOSE DELA CRUZ

Birheng kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip,
nang sa layo’y di malihis.

Ako’y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa,
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.

Labis yaring pangangambana


lumayag na mag-isa,
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.

PUNA

 Isang uri ng tulang korido na nagpapahayag ng pag-ibig, pagtataksil. Ito rin ay isang tula na
gumamit ng matatalinghaga na salita.

ARAL

 Ang mapupulot na aral sa tulang Ibong Adarna na kailangan ay pag nagmahal ay iisa
lamang,kailangan ntin maniwala at magdasal sa lumikha.huwag maging sakim at tumulong sa
nangangailangan. Sa magkakapatid ay kailangan magtulungan upang maayos ang problema. Sa
ating sarili ay maniwala lang sa ating kakayahan.at lahat ng paghihirap ay may ginhawang
kapalit.

8
“ISANG BANSA,WIKA’T DIWA” Ni: HERMINIA R. SALONGA

Ang bayaning si Jose Rizal ang nagpagunita,


Kung anong kahalagahan ng wika sa ating nilikha,
Aniya’y “Ang di magmahal sa sariling wika’y ,
Mahigit pa sa hayop at malansang isda.”

Matagal narin si GAT ay namatay,


Ngunit ang sinabi niya’y nananatiling buhay,
Sinasambit-sambit ito ng matanda o bata man,
Na sa sarili niyang wika ay may pagmamahal.

Paano maipapakita tayo’y may isang bansa,


Na tayo’y nagkakaisa’tnabubuklod ng isang diwa,
Kung ang maririnig sa ati’y iba’t ibang wika,
Pagkat ang sariling wika’y ating ikinahihiya

May isang Pilipino di man nakipagdigma,


Itinuturing ding bayani pagkat magiti’t dakila,
Siya’y si Manuel Quezon na nang di pa namayapa,
Ang siyang nagtaguyod ng ating Wikang Pambansa.

PUNA

 Ang tulang ito ay masasalamin sa ating bayani. Ito ay patungkol sa pagpapahalaga at


pagmamahal natin sa ating wika at ito’y ating ipagmalaki at tangkilin. Tungkol sa iba’t ibang wika
na ating ginagamit at itaguyod ang sariling atin.

ARAL

 Ang mapupulot na aral sa tulang ito ay magkaroon tayo ng pagmamahal at ipagmalaki ang
sariling wika. pagtibayin lalo ito at linangin ng higit upang hindi mawalan ng saysay ang mga
nagawa ng ating mga bayani noong panahon. At huwag maging banyaga sa sariling bansa.

9
B. PANAHON NG PROPAGANDA (1872- 1896)

“SA KABATAANG FILIPINO” Ni: DR. JOSE RIZAL


Itaas ang iyong  Ikaw na lagi nang pataas nag lipad, At ikaw, na siyang 
Malinis na noo Sa pakpak ng iyong Mayamang Sa may iba’t ibang
Sa araw na ito, pangarap, Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Kabataang Pilipino! Na iyong Makita sa Ilimpong ulap Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Igilas mo na rin ang kumikinang mong Ang lalong matamis Na siayng sa guhit ng pinsel mong
Mayamang sanghaya Na mag tulaing pinakananais, tanga’y
Magandang pag-asa ng Bayan kong Ng higit ang sarap  Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Mutya! Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas 
Ng mga bulaklak. Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal 
Makapangyarihang wani’y lumilipad, Na ningas ng wani’y nais maputungan 
At binibigyang ka ng muning mataas, Ikaw na may tinig Kayong naglalama’y,
Na maitutulad ng ganap na lakas, Na buhat sa langit, At maipamansag ng tambuling tangan,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad, Kaagaw sa tamis Saan man humanggan,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad. Na kay Filomenang Malinis na hiomig, Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Sa gabing tahimik Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Ikaw ay bumaba Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Na taglay ang ilaw Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas Malwalhating araw,
Ng sining at agham Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Sa paglalabanan, Ng buhay at gilas, Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Bunying kabataan, At ang alaalang makislap Dahilan sa kanyang mapagmahal,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang Ay nabibigayan ng kamay mong masikap Na ikaw’y pahatdan.
Tanikalang bakal na kinatalian Ng buhay na walang masasabing wakes.
Ng matulain mong waning kinagisnan.

PUNA

 Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming
makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang
masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na
ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

 Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay
unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang
ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.

ARAL

 Ang aral na mapupulot kaugnay dito ay ang pagpapatuloy na linangin ang ating wika. Maging
bihasa sa wikang kanilang itinaguyod para sa ating mga Pilipino. Mapanuri tayo sa mga salitang
ating binibigkas upang lumawak pa ng higit ang ating pagsasanay dito.

10
“HULING PAALAM” NA SALIN NI ANDRES BONIFACIO
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Kung sa libingan ko’y tumubong
Lupang iniirog ng sikat ng araw, mamalas kaipala’y marinig doon ang taginting,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan, sa malagong damo mahinhing tunog ng gitara’t salterio’y magsaliw,
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw. bulaklak, ako, Bayan yao’t kita’y aawitan.
Masayang sa iyo’y aking idudulot sa mga labi mo’y mangyayaring ilapat,
ang lanta kong buhay na lubhang sa kaluluwa ko halik ay igawad. Kung ang libingan ko’y limot na ng
malungkot;maging maringal man at lahat
labis ang alindog sa kagalingan mo ay At sa aking noo nawa’y iparamdam, at wala ng kurus at batong mabakas,
akin ding handog. sa lamig ng lupa ng aking libingan, bayaang linangin ng taong masipag,
ang init ng iyong paghingang dalisay lupa’y asarolin at kahuya’y ikalat.
Sa pakikidigma at pamimiyapis at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
ang alay ng iba’y ang buhay na kipkip, Ang mga buto ko ay bago matunaw,
walang agam-agam, maluwag sa Bayaang ang buwan sa aki’y ititig mauwi sa wala at kusang maparam,
dibdib, ang liwanag niyang lamlam at tahimik, alabok na iyong latag ay bayaang
matamis sa puso at di ikahahapis. liwayway bayaang sa aki’y ihatid siya ang babalang doo’y makipisan.
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Saan man mautas ay di kailangan, Kung magkagayon ma’y, alintanahin
cipres o laurel, lirio ma’y patungan Kung sakasakaling bumabang na ako sa limot iyong ihabilin,
pakikipaghamok, at ang bibitayan, humantong pagka’t himpapawid at ang
yaon ay gayon din kung hiling ng sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon, panganorin,
Bayan. doon ay bayaan humuning hinahon mga lansangan mo’y aking lilibutin.
at dalitin niya payapang panahon.
Ako’y mamamatay, ngayong Bayaan ang ningas ng sikat ng araw Matining na tunog ako sa dinig mo,
namamalas ula’y pasingawin noong kainitan, ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
na sa Silanganan ay namamanaag magbalik sa langit ng buong dalisay ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
yaong maligayang araw na sisikat kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. pag-asang dalisay ng pananalig ko.
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Bayaang sino man sa katotong giliw Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Ang kulay na pula kung kinakailangan tangisang maagang sa buhay pagkitil; Katagalugan kong pinakaliliyag,
na maitina sa iyong liwayway, kung tungkol sa akin ay may dinggin mo ang aking
dugo ko’y isaboy at siyang ikikinang manalangin pagpapahimakas;
ng kislap ng iyong maningning na ilaw. idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ang aking adhika sapul magkaisip Idalanging lahat yaong nangamatay, Ako’y patutungo sa walang busabos,
noong kasalukuyang bata pang maliit, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; walang umiinis at berdugong hayop;
ay ang tanghaling ka at minsang mga ina naming walang kapalaran pananalig doo’y di nakasasalot,
masilip na inihihibik ay kapighatian. si Bathala lamang doo’y haring lubos.
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Ang mga balo’t pinapangulila, Paalam, magulang at mga kapatid
Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; kapilas ng aking kaluluwa’t dibdib
taas na ang noo’t walang kapootan, dalanginin namang kanilang makita mga kaibigan, bata pang maliit,
walang bakas kunot ng kapighatian ang kalayaan mong ikagiginhawa. sa aking tahanan di na masisilip.
gabahid man dungis niyong kahihiyan
Sa kabuhayan ko ang laging gunita At kung ang madilim na gabing Pag-papasalamat at napahinga rin,
maningas na aking ninanasa-nasa mapanglaw paalam estranherang kasuyo ko’t aliw,
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa ay lumaganap na doon sa libinga’t paalam sa inyo, mga ginigiliw;
paghingang papanaw ngayong biglang- tanging mga patay ang mamatay ay siyang pagkakagupiling!
bigla. Ikaw’y guminhawa laking nangaglalamay,
kagandahang huwag bagabagin ang katahimikan.
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, Ang kanyang hiwaga’y huwag
hininga’y malagot, mabuhay ka lamang gambalain;
bangkay ko’y maisilong sa iyong
Kalangitan.

11
PUNA O MENSAHE

 Ang Huling Paalam ay isinalin ni Andres Bonifacio na siyang akda ni Dr. Jose Rizal sa
lenggwaheng espanyol.

 ang orihinal na tula ay may 28 saknong.

 Sa “Huling Paalam” ang mensahe ay mabuti, ito ay tinuturo na dapat tayo ay maging
makabayan. Ito ay importante dahil bilang isang Pilipino dapat ipakita natin ang mahal natin sa
bansa, kasi ito ay ang ating lupa at wala ibang bansa pwede nating puntahan maliban dito, ang
Pilipinas. Importante rin ito dahil pinag-aawayan ang mga dating Pilipino ang bansa nito at dapat
ipakita natin ang pasalamat natin sa pagiging makabayan. Ito lahat ay nakikita sa mga sinulat ni
Jose Rizal sa Huling Paalam. Nakikita sa sulat niya na lagi niyang iniisip ang Pilipinas kahit
mamamatay na siya, ang naiisip niya ay sa kinabukasan ay maging maunlad ang Pilipinas. Ito ay
sinulat ni Jose Rizal sa Huling Paalam at dito talaga makikita natin gaano kamahal ni Rizal ang
bansa niya.

ARAL

 Ang pwede natin kunin na aral dito ay maging makabayan. Dahil sa sulat ni Rizal sa liham
nakikita natin na kahit namamatay na siya lagi niya pinag-iisipan ang Pilipinas, at bilang isang
Pilipino dapat rin gawin natin ito. Hindi kailangan na gawin natin ito pero dapat ang gawin natin
ay may puso at hindi lahat aksyon lamang. Ang makukuha rin natin sa Huling Paalam ay paano ni
Rizal pinag-iisipan ang Pilipinas. Ito ay nagpapakita na kung tayo ay maging makabayan, hindi
tayo lamang ay gagawa ng madaming bagay pero dapat rin umiisip tayo ng tamang paraan na
paano pwede tayo tumulong ng bansa natin.

“MANGGAGAWA”
ni Jose Corazon de Jesus
16 pantig bawat taludtod

Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan
Nang tipakin mo ang bato / ay natayo ang katedral,
nang pukpukin mo ang tanso / ay umugong ang batingaw
nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, / tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata / ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo / ang kurus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari ka ng dangal

12
dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay.

PUNA O MENSAHE

 Mula sa tula ay mababanaag ang nararamdamang pagpupunyagi ng may-akda sa itinuturing


bayani ng lipunan – manggagawa. Hindi aniya maitatatwa na malaki ang gampanin ng
manggawa para maging matagumpay ang isang lipunang kaniyang ginagalawan. Ang lipunan na
binuo at pinanday mula sa kamay ng mga manggagawa. 

ARAL

 Ang aral na mapupulot sa tulang ito ay mapagmulat. dapat lamang isang idambana sapagkat sila
ay dapat bigyan ng pagkilala sa mga paghihirap at sakripisyong ginawa nila para sa
bayan.Maraming tulang nagsasalaysay na ang tingin ng marami ay simpleng maikling tulang
nagsalaysay lamang sa ilang pangyayari, ngunit kapag ito’y sinuring maigi ay mapapansin ang
hiyas ng diwang naglalarawan na pala ng tunggalian ng uri sa lipunan.

13
C. PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896- 1900)

“KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS” NI: ANDRES BONIFACIO

Sumikat na, Ina sa sinisilangan


Ang araw ng poot ng Katagalugan, Wala nang namamana itong Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban
Tatlong daang taong aming iningatan Pilipinas kami'y di na iyo saan man
sa dagat ng dusa ng karalitaan. na layaw sa Ina kundi pawang humanggan
Walang isinuway kaming iyong anak hirap ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa bagyong masasal ng dalita't hirap, tiis ay pasulong, patente'y sa mawawakawak na maraming
Iisa ang puso nitong Pilipinas nagkalat bangkay.
at ikaw ay di na Ina naming lahat recargo't impuwesto'y nagsala-
. salabat. Sa sangmaliwanag ngayon ay
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis sasabog
Ang layaw ng anak: dalita't pasakit; Sari-saring silo sa ami'y inisip ang barila't kanyong katulad ay
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, kasabay ng utos na tutuparing pilit kulog
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. may sa alumbrado bayad ang sigwang masasal sa dugong
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; kami'y tikis aagos
hinain sa sikad, kulata at suntok kahit isang ilaw ay walang masilip ng kanilang bala na magpapamook.
makinahi't ibiting parang isang hayop Ang lupa at buhay na tinatahanan
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? bukid at tubigang kalawak- Di na kailangan sa Espanya ang awa
lawakan ng mga Tagalog, O Inang kuhila
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon at gayon din pati ng mga paraiso namin ang kami't mapuksa
barilin, lasunin, nang kami'y malipol. halamanan langit mo naman kung kami'y
sa aming Tagalog, ito baga'y hatol sa paring Kastila ay binubuwisan. madusta.
Inang mahabagin, sa lahat ng Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pa
kampon. huwag nang saysayin, O Inang Paalam na Ina, itong Pilipinas,
Espanya paalam na Ina, itong nasa hirap,
Aming tinitiis hanggang sa mamatay sunod kaming lahat hanggang may paalam, paalam, Inang walang
bangkay nang mistula'y ayaw pang hininga habag,
tigilan, Tagalog di'y siyang minamasama paalam na ngayon, katapusang
kaya kung ihulog sa mga libingan, pa. tawag.
linsad na ang buto't lumuray ang
laman. .

MENSAHE

 Sa tulang ito nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa.  Mahigit na
tatlong daang taon ding nagsawalang-kibo ang mga Tagalog sa mga kamay ng kanyang
mananakop sa dahilang makapangyarihan ang mga ito.  Marami naman sa kanila ang
mga Pilipino tulad ng kanilang kultura, pananalita, relihiyon at kung anu-ano pa na hanggang
ngayon ay isinusunod natin—subalit hindi tayo nagkaroon ng tunay at ganap na kalayaan.

ARAL

 Ang aral na mapupulot ng mga tulang “hibik” ay ang nagpapaalala sa ating mga Pilipino na ating
pahalagahan ang mga sakripisyo at mga mapapit na alaala ng kahapon.huwag natin ito
baliwalain dahil isa rin ito sa nagsimula ang mga tinatamasa nating kalayaan sa kasalukuyan.

14
“ HIBIK NG PILIPINAS SA INANG ESPANYA” “SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS”
NI HERMENEGILDO FLORES NI MARCELO H. DEL PILAR

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, Puso ko’y nahambal ng aking marinig


nasaan ang iyong pagtingin sa anak? bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,
akong iyong bunsong abang Pilipinas wala ka, anak kong, sariling hinagpis
tingni't sa dalita’y di na makaiwas. na hindi karamay ang in among ibig.
Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; Wala kang dalita, walang sa kahirapan
ngayo’y inuusig at di pagitawin na tinitiis kang di ko dinaramdam:
ng mga prayleng kaaway mong lihim. ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,
Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, ang kadustaan mo’y aking kadustaan.
ayaw ng prayleng ako’y makinabang,
sa mga anak ko’y ang ibig lamang Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. nang panahong ako’y di pa nagsasalat
Nang di maisigaw ang santong matuwid walang inadhika ang in among liyag
na laban sa madla nilang ninanais kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.
palibhasa'y wala silang iniisip
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Sa awa ng langit ikaw ay sagana
Sa pagpapalago ng kanilang yaman ng sukat iyamang malalagong lupa,
bendita't bendisyon lamang ang lahat ng pananim wala mang alaga
puhunan,induluhensiya't iba't ibang bahay sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.
ng mga sagrado naman ang kalakal…
Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak
abaka at tubo’y kailangang lahat,
sa mga lupa mo’y tantong naggugubat
itong sa sangmundo’y hirap mahagilap…

PUNA O MENSAHE

 Ang “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” ay binubuo ng mga saknong, kung saan ang makata
na nagsasalita bilang isang pinahihirapan na anak na babae ay nagbubuhos ng kanyang
pangunahing karaingan sa Inang Espanya – tulad ng mga pang-aabuso ng mga prayle, ng mga
pari! Ang hibik ni H. Flores ay tinig ng isang anak na nagsusumbong sa ina na nasa malayo. Tuon
ng sumbong niya ang iba't ibang uri ng abusong ginagawa ng mga fraile laban sa kaniyang
pamilya (dahil lumilitaw na ang anak na si Filipinas ay nag-asawa na at may mga anak), mula sa
mga paraan ng panggigipit upang makamkam ang yaman ni Filipinas, sari-saring panloloko
upang lustayin ng mga anak ni Filipinas ang salapi sa mga pista't gastos pansimbahan,
pakikisabwatan sa mga opisyal para sa pagdudulot ng inhustisya sa mga tao, hanggang sa
paglalabas ng mga librito upang takutin ang mga tao laban sa pag-aalsa

 Ang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” Isang makasaysayan pang yugto ang magaganap pitong
taon mula ng maisulat ni del Pilar (1889), ang kanyang sagot sa tula ni Flores,   “Sagot ng Espana
sa Hibik ng Pilipinas” (1889). Mas mahaba with 82 na mga saknong. Sa kabilang dako, ang sagot
ni M.H. del Pilar ay pang-alo ng isang ina na walang magawa upang dumamay sa anak. Inamin ni

15
Inang Espania na mahal na mahal niya ang anak ngunit lubhang matanda na siya at naghihirap
din upang makatulong. Inamin din niya na nagkamali siya ng nahirang na "tagaiwi" - ang mga
fraile - ng anak. Inakala niyang dahil relihiyoso ay magiging uliran sa kabutihan ang mga
fraile. Gayunman, naalala din niyang may masamang karanasan din ang Europa sa mga fraile at
kaya pinaghimagsikan din sila doon. Sa dulo, ipinayo ng Espana na magtiis ang anak at mga anak
nito kung hindi kayang palayasin ang mga fraile.

ARAL

 Sa akin nabasang mga tula na “Hibik Pilipinas sa Inang Espanya”, ‘Sagot sa Hibik ng Pilipinas” at
Katapusang Hibik ng Pilipinas” ay mga hinaing ng mga manunulat at mga pahayag nila sa mga
taong tumutuligsa sa ating bayan.ito ay nagpapahayg rin kun ano ang mga pangyayaring sa
nagagnap sa ating lipunan noong kapanahunan n gating mga bayani. Masasabi kong dapat natin
itong pahalagahan upang maipakita natin sa mga bansang nais manakop sa atin ang ating
masidhing pagmamahal sa ating bansang sinilangan. A patuloy natin itong ipagmalaki.

D. PANAHON NG AMERIKANO (1900- 1942)

“ANG HALIK” NI FLORENTINO COLLANTES


May nangagsasabing ang halik ng tao Ang halik ay bugtong na kataka-taka
Ay isang pagkaing lutong paraiso Pabango ng puso at ng kaluluwa
Anang iba naman ay lutong impyerno Sa iisang tao ay walang halaga
Ewan ko kung alin dito ang totoo, Ngunit pulot gata kapag sa dalawa.
Marahil sa langgam ang tao natuto
Sapagkat una na ang hayop na ito. Ang halik ay mahal,banal at dakila
Ngunit nahihingi kung sa munting bata
At tayong Pilipino sa Kastila lamang Ito’y ninanakaw ng mga binata
Umano natuto ng paghahalikan Ngunit binibili ng mga matanda.
Sa Amerikano tayo nasanay
Ng gawang paghalik kahit sa lansangan. Ang halik sa sanggol isang kautangan
Sa mutyang kasuyo ito’y karapatan
Datapwat sa aking ganang pagkabatid Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal
Tayo’y may sarili’t katutubong halik Ngunit balatkayo ng pusong tulisan.
May halik Pilipino may halik Ingles
May halik Kastila at may halik Intsik. Ang halik sa sinta pag-asang sariwa
Sa mutyang asawa’y pagsintang dakila
Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway Datapwat sa isang dalagang matanda
Pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw Ang halik ay isang pagkakawanggawa.
Parang humuhithit sa kwako ng apyan
Parang pumapangos ng tubong sinambay

Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso


Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng nguso
Datapwa ang atin, ang halik Pilipino
Ay hinid pasipsip ni hindi pasupsop
Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.

16
PUNA O MENSAHE

 Sa tulang ito ng “ halik” ay isang payak tula na hindi gaano nilapatan ng matalinghaga salita. Ito
ay mga katangian ng bawat lahi kung sino,paano,at saan ginagamit ang halik gaya ng Intsik,
Amerikano, at sa kapwa Pilipinong binata at matanda. Ito ay ang pagkukumpara ng ibang lahi
gamit ang halik.

ARAL

 Mapupulot ang aral na ang lahat ng kaugalian ng mga Pilipino ay di dapat maaring kalimutan
bagkus gamitin natin ito at turuan ang mga susunod na henerasyon na makilala ang ating
kulturang Pilipino sapagkat ito ang ating pagkakalinlan bilang bahagi ng mamamayang makatao.

“BUGTONG” NI INIGO ED REGALADO

May isang dalagang may buwan sa May isang babaing matigas ang puso, Ito’y isang bugtong na may-kagaanan,
dibdib, sa ano mang taghoy, hindi kumikibo, nguni’t pusta tayo, di mo matuturan,
may tala sa noo na kaakit-akit, kapag nag-iisa, luha’y tumutulo ang dahilan ay ‘di sa hindi mo alam
nang aking makita’y natutong humibik, may lihim na awa sa namimintuho… kundi sa ugaling matimpiing tunay.
nabinhi sa puso ang isang pag-ibig.
May isang lalaking matibay ang dibdib, Nguni’t balang araw ‘di mo matitiis
May isang binatang may luha sa mata, sa bayo ng dusa’y marunong magtiis; na ‘di ipagtapat ang laman ng dibdib,
may tinik sa puso at tigib ng dusa, ma-gabi, ma-araw walang iniisip ang bugtong ko naman sabay isusulit
ang binatang ito nang iyong makita kundi makarating sa pinto ng langit. na ang kahuluga’y tayo sa pag-ibig.
nakaramdam ka rin ng munting balisa

MENSAHE

 Ang tulang ito ay isang nakakapagbigay ng tanong sa aking isipan sapagkat mababasa rito ang
literal na pagpapakahulugan ngunit kung iyong susumahin mayroon itong ibang nais
ipakahulugan. Sa aking pagkakaunawa ang literal na ito ay tungkol sa isang dalaga na
inilalarawan ang kanyang magandang pag-uugali at nabighani ang nakakita rito, makikitaan din
ito ng tapang. Isa rinn sa aking pagkakaunawa ang binata may tinataglay na kalungkutan, ngunit
sa kabila nito’y malakas ang loob na harapin ang bukas ng maraming pagsubok.

 Ang malalim na pagpapakahulugan ko kaugnay sa aking naunawaan sa tula ang binabanggit na


dalaga ay sumisimbolo sa Inang bayan sapagkat ito’y may kaparehong kalagayan noon panahon
an gating inang bayan ay nasakop ng dayuhan. At ang pakahulugan naman sa binatang
nabanggit sa tula ay ang mga bayaning nagbuwis ng kalayaan sa ating bansa. Nababanaag ditto
ang kanilang katangian na may pagmamahal sa Inang Bayan.

17
ARAL

 Ang mapupulot na aral sa aking binasang tula na ang pamagat ay “BUGTONG” ni Inigo Ed
Regalado ay babakas dto na sa kabila ng mga hinagpis na naranasan ng ating mga bayani at
Inang bayan. Masasabi kong dapat nating mahalin ang sariling bansa natin, kailangan natin
maging matapang na harapin ang nais sumakop sa ating bansa. Maraming taon rin nakipaglaban
an gating mga bayani upang makamit ang kalayaan, kaya dapat lamang natin itong pahalagahan
at ipaglaban.

“ANG PANDAY” NI AMADO V. HERNANDEZ


Kaputol na bakal na galing sa bundok, Ang lumang araro’y pinagbagang muli
Sa dila ng apoy kanyang pinalambot; At saka pinanday nang nagdudumali,
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok; Naging tabak namang tila humihingi,
At pinagkahugis sa nasa ng loob. Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Walang anu-ano’y naging kagamitan. Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Araro na pala ang bakal na iyan; Ang kahalagahan ay di matingkala —
Ang mga bukiri’y payapang binungkal, Ginawang araro, pambuhay ng madla
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan. Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,
At ang boong bayan ay bulkang sumubo, Bakal na hindi man makapagmalaki;
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo, Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Pagka’t may laban nang nag-aalimpuyo! Nariyan ang buhay at pagsasarili!

PUNA O MENSAHE

 Ang panday ay sumisimbolo sa mga manggagawa ng bansa. Ang bakal nasiyang ginagamit ng
panday ay sumisimbolo sa kanyang lakas at bunga nito.Ang tulang ito ay nauuganay para sa
pagmamahal ni Amado V. Hernandes sa  mga dukhang manggagawa. Siya ay naging isang pinuno
ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong panahon  ng pananakop ng amerikano. Ang tulang ito ay nagpapahayag kung
anong bagay ang unang pinanday ng mga manggagawa at ito ay ang araro upang maging
kasangkapan ng mga magsasaka na mapadali ang pagtatanim sa bukid, at noong nagsimula na
magkaroon sila ng kamalayan sa mga ginagawa ng mga mananakop ay doon naisip ng
manggagawa sa pandayan na baguhin at hulmahin ang araro sa isang tabak. Ito ay nagIging
sandata nila upang maipagtanggol ang kanilang sarili pati na ang Inang bayan sa
lumalapastangang mga dayuhan.

ARAL

 Ang aral na mapupulot ukol sa tulang ito ay pagpapahalaga sa ating mga manggagawa dahil ang
mga manggagawang Pilipino ay isang malaking yaman sa ating mga pangangailangan sila ang

18
gumagawa ng mga ito upang maging kasangkapan sa ating pamumuhay. At dahil sa panahon
ngayon marami ng mga bagong imbensyon na mapapadali ang paggawa gaya ng mga
teknolohiyang laptop, selpon, makinarya sa pananahi, paggawa ng mga pagkain gamit ang
bagon imbensyon. Ngunit wala rin ang mga bagay na ito kung wala ang mga manggagawa.

E. PANAHON NG HAPON ( 1942- 1945)

“TUTUBI” “ PALAY”
NI GONZALO K. FLORES NI ILDEFONSO SANTOS

hila mo’y tabak… Palay siyang matino,


ang bulaklak, nanginig! Nang humangi'y yumuko;
sa paglapit mo. Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.

PUNA SA TULANG “TUTUBI”

 Sa tulang “TUTUBI” Ang mga bulaklak ay takot sa paglapit ng mga tutubi dahil panganib ang
dala nito. Ang pakahulugan ko ukol dito ay ang lumaganap sa panahon ng lipunan noon. Ang
simbolo ng bulaklak ay ang mga mamamayang Pilipino na takot, at ang tutubi ay ang mga
dayuhang Hapon na nanakop sa atin bansa.

ARAL

 Maging mapanuri. Huwag agad maniniwala sa mga palamuti sa bibig o salitang mabulaklak sa
bibig dahil ito’y lason sa isip. Makukuha nila ang ninanais kapag hindi ka nag-isip. Magiging pain
ito upang kontrolin ka na gawin ang kanilang pakay. Kaya kung ayaw mong patakbuhin ka ng iba
huwag kang papadaig na hamakin ang iyong isip.

MENSAHE SA TULANG “PALAY”

 Ang akdang tula na “Palay” ni Ildefonso Santos ay may aral na mapupulot at may pakahulugan.
Ang simbolo sa tulang palay ay ang ating bansang Pilipinas na kahit na may mga pagsubok at
suliranin sa ating ekonomiya ay hindi sumusuko bagkus gumagawa ng paraan upang
masulusyunan ang problema. Ihahalintulad ko narin sa palay ang bawat tao, dahil masasabi kong
lahat ng tao ay nagkakamali minsan sa kanilang buhay subalit humahanap ng mga paraan upang
ang pagkakamali na iyon ang magiging inspirasyon nila upang maitayo ang sarili sa maayos na
pamumuhay. Hindi lahat ng taong nagkakamali ay maling tao na bagkus ang nagkakamaling tao
karamihan ay natututong bumangon upang huwag bumalik sa pagkakamali at nagiging mas higit
na matagumpay sa buhay.

19
ARAL

 Ang aral na aking maibabahagi na mapupulot sa tulang ito ay maging matatag sa buhay, na kahit
anong unos ay huwag papatinag bagkus gawing motibasyon ang suliranin upang makagawa ng
magandang kasagutan hahatak sayo paitaas ng tagumpay.

“PAG-IBIG” NI TEODORE GENER

Umiibig ako, at ang iniibig Umiibig ako’t sumisintang tunay,


ay hindi ang dilag na kaakit-akit di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman…
pagka’t kung talagang ganda lang ang nais, Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
hindi ba’t nariyan ang nunungong langit? na di nagtitikim ng kaligayahan…

Lumiliyag ako, at ang nililiyag Ang kaligayahan ay wala sa langit


ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag wala rin sa dagat ng hiwang tubig…
pagka’t kundi totoong perlas lang ang ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
hangad
di ba’t masisisid ang pusod ng dagat? na inaawitan ng aking pag-ibig …

PUNA

 Ang tula ay nagpapahiwatig ng tunay pag-ibig. Nagsasaad ng pagmamahal.

ARAL

 Ang aral na mapupulot dito ay nagpapahayag na ang pag-ibig ay hindi nauudyukan ng kahit
anong bagay sa mundo bagkus ito ay malayang nararamdaman ng sinuman. Ang pag-ibig ay
hindi lang basta emosyon na nararamdaman bagkus ito ay ito ay isang desisyon na dapat
panindigan.

20
F. PANAHON NG REPUBLIKA MAKARAAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1945-1972)

“AKO ANG DAIGDIG” NI ALEJANDRO J.ABADILLA


I II III IV
ako ako ako ako
ang daigdig ang daigdig ng tula ang damdaming ang daigdig
ako ako malaya sa tula
ang tula ang tula ng daigdig ako ako
ako ako ang larawang ang daigdig
ang daigdig ang malayang ako buhay ng tula
ang tula matapat sa sarili ako ako
ako sa aking daigdig ang buhay ang daigdig
ang daigdig ng tula na walang hanggan ako
ng tula ako ako ang tula
ang tula ang tula ang damdamin daigdig
ng daigdig sa daigdig ang larawan tula
ako ako ang buhay ako
ang walang maliw na ako ang daigdig damdamin
ng tula larawan
ang walang kamatayang ako buhay
ako tula
ang tula ng daigdig ako

MENSAHE

 Tulang ako ang daigdig ni Alejandro Abadilla ay ikaw mismo ang nagkokontrol sa sarili na
siyang pakakahulugang   walang dapat na magdikta sa'yo at kaya paulit-ulit ng salitang 'Ako'
dahil ikaw mismo ang daigdig.Ikaw ang driver ng buhay mo.

ARAL

 Ang mapupulot na aral sa tula ay huwag papadikta sa mga bagay na gusto lalo na kung ito’y
nakakabuti upang maging isang mabuting tao. Huwag papaabuso sa mga taong kinakaya ka
lamang dahil pinapakitaan natin sila ng maganda bagkus huwag kang papasilaw sa mga salita at
gawang nagpapakita ng di maganda. Lahat tayo ay may kanya kanya naisin sa buhay na gusto
makamit kaya nasa atin ang susi ng ating kinabukasan.

21
“ISANG DIPANG LANGIT” NI AMADO V. HERNANDEZ
Ako’y ipiniit ng linsil na puno Ang maghapo’y tila isang tanikala Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
hangad palibhasang diwa ko’y piitin, na kala-kaladkad ng paang madugo at batis pa rin itong aking puso:
katawang marupok, aniya’y pagsuko, ang buong magdamag ay kulambong piita’y bahagi ng pakikilamas,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. luksa mapiit ay tanda ng di pagsuko.
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Ikinulong ako sa kutang malupit: Ang tao’t Bathala ay di natutulog
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; Kung minsa’y magdaan ang payak na at di habang araw ang api ay api,
lubos na tiwalag sa buong daigdig yabag, tanang paniniil ay may pagtutuos,
at inaring kahit buhay man ay patay. kawil ng kadena ang kumakalanding; habang may Bastilya’y may bayang
sa maputlang araw saglit ibibilad, gaganti.
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Sa munting dungawan, tanging abot- At bukas, diyan din, aking matatanaw
malas Kung minsan, ang gabi’y biglang sa sandipang langit na wala nang luha,
ay sandipang langit na puno ng luha, magulantang sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
maramot na birang ng pusong may sa hudyat – may takas! – at asod ng layang sasalubong ako sa paglaya!
sugat, punlo;
watawat ng aking pagkapariwara. kung minsa’y tumangis ang lumang
batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit; At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
anaki’y atungal ng hayop sa yungib. sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

PUNA

 Ang tulang ito ay kakitaan ng mga matatalinghaga gamit na salita. Ito ay pinamagatang “ Isang
Dipang Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –asang maabot pa at matanaw ang sikat ng
araw na tanda ng tagumpay habang nasa loob ng bilangguan ang manunulat. Si Amado
HernandeS “ Isang Dipang Langit” humalili kay Jose Corazon de Jesus bilang pangunahing
makata sa Tagalog. Siya ay nagkamit ng Republica Cultural Award. Ang tulang ito ay nagtataglay
Nghindi lang mapanghimagsik na kanyang sinulat sa loob ng bartolina ng Muntinlupa
noong Abril 1789. Nabilanggo sya dahil sa bintang na isa syang komunista dahil sa pagtatanggol
nya sa mga dukha at manggagawa.

ARAL

 Ang aral na mapupulot sa tula ay matutong ipaglaban ang karapatan. Pagiging matatag sa bawat
pagsubok ng buhay. Ipagtanggol ang sariling karapatan, laging magtiwala sa sariling kakayahan
at laging manalig sa diyos

22
“MAYNILA” NI BIENVINIDO RAMOS

Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa nagpapaubaya ang kandungang-lagim


ay nanakluhod sa iyong eskolta; sa kawalang-muwang na nangaglalasing;
kayrikit ng ilaw ang iyong pagtawa
sa iyong libingan isang libo’t isang hiwaga sa dilim
ng mga bulaklak na nangakatawa ang isinisilang at inililibing!
habang nilalagas ng hayok na pita!
nag-aanyaya kang bagong paraiso,
ang nagmamadaling sala mong maharot may ngiting salubong sa singki at dayo;
ay dumadapurak sa banal na loob; kung mayakap ka na
sa iyong simbahan saka mapupuna
buwitreng naglisaw na ang kariktan mong akala’y kung sino
ang abalang nasang kahit nakaluhod may ikinukubling maruming estero.
ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos!

PUNA

 Sa tulang ito ipinakita ng makata ang mukha ng lungsod ng Maynila: ang pangit at magandang
mukha nito. Ngunit higit na binigyang diin ng makata ang pangit na mukha ng lungsod dahil sa
likod ng lahat ng kariktan at kasaganaan nito ay naroon ang lahat ng uri ngkasamaan! karahasan!
katiwalian at pagkukunwari. 

ARAL

 Sa tulang ito ang aral na mapupulot ay hindi lamang nakikita sa panlabas na anyo ang
kagandahan ng isang bagay o lugar bagkus ito ay mas pahahalagahan kung ito’y may
natatanging kagandahan sa loob. Katulad rin ng isang tao market man sa ating paningin ay dapat
mayroon din dalisay ang kalooban.

G. PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN (1972-1985)

“BAHAY KUBO” NI VICTORS. FERNANDEZ

Bahay-kubo kahit munti, Maging kundol at patola;


Ang halama'y sarisari. Manggang hinog, kahit Bahay-kubo kahit munti,
Bubong, dingding gumigiray; pinya, Ang halamana'y sarisari.
Ang haligi'y di humapay. Amer'kano ang pumutpot, Sarisari ring halimaw
Halamanan ay sinimot. Ang nabundat at
Ang singkamas, tubo, talong nagnakaw.
Na inimpok sa may silong, Pati luya at kamatis
May Kastilang nagkagusto O saging mang matatamis,
Nang kamkami'y todo-todo. May Hapones na dorobo
Ang bakuran ay kinalbo.

23
MENSAHE

 Ang tulang ito ay nagpapabatid kung anong buhay mayroon sa bukid. Naglalarawan patungkol sa
mga ganid ng ating bansa.

ARAL

 Kakapulutan ito ng aral na mabasa ang isang halimbawa ng tulang liriko na pastoral. Dito
mababatid na kahit pala ang buhay ay simple lang sa probinsiya mayroon at mayroon pa rin mga
kurakot at gahaman sa pera sa lugar. Kaya’t tayo ay maging maingat sa mga taong ito upang
tayo hindi maloko.

“PILIPINO: ISANG DEPINISYON” NI POCIANO PINEDA


(lahat) (lalaki)
Ano ka? Ano siya? Ano tayo? Walang abog
Sabi nila’y Pilipino Mula sa kanluran ang dalo’y sumapit
Ugat natin ay silangan Ako’y hinamak ako’y inapi
Anak dapat ang ninunong hatid dito ng barangay Ikaw ay hinamig
Galing doon sa malayo sa matandang Siniil ang laya kinamkam ang yaman
Kalupaan Barangay ay binuwag
Dito sila ipinadpad ng kapalaran Mga tala ay sinunnog
Abakada’y ipinagbawal
(solo) Pinasiya ang mangmang
Naibigan itong pulo kaya dito nangagkuta Ang lahat ng katutubong kayuimanggi ang
Naninarahan, nangaglahi, nangabuhay Kulay
Ng masagana
May ugaling katutubo may gobyerno’t (babae-medium)
May bathala At nagiging alipin ang bayan kong irog
May samahan at ibigan maayos at payapa Ma-iloko ma –bisaya ma-kapampangan
may sariling wika Ma-tagalog
tayo raw ito
sa ante-panahon na kolonisasyon (babae-high)
At sa halip at sa halip
Pinalitang lahat lahat
Ang gobyerno ang relihyon ang ugali
Ang kultura
Kinastila itong dila.

MENSAHE

 Ang naipapahayag sa tulang ito ay naglalarawang sa mga dayuhan kung paano sila napadpad
dito. Kung paano sila napamahal sa ating bansa at kamkamin ang lupang sinilangan. Sa pagsakop
sa bansa pinalitan lahat ang mga nakagawiang kultura.

24
ARAL

 Sa panahon ng nakalipas na panahon masasabi kong ito ay isang halimbawa ng mga pangyayari
na dapat natin bigyan ng importansya at halaga. Dito’y nababanaag natin ang mga alala noon na
magmumulat sa ating sa panahong ngayon na huwag magpasakop sa ibang dayuhan dahil kung
ito’y mangyayari ay ibig sabihin na nagpatalo tayo sa laban mula sa gustong angkinin ang ating
bansa.

“ANG PANDAY” NI AMADO HERNANDES


Kaputol na bakal na galing sa bundok, Ang lumang araro’y pinagbagang muli
Sa dila ng apoy kanyang pinalambot; At saka pinanday nang nagdudumali,
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok; Naging tabak namang tila humihingi,
At pinagkahugis sa nasa ng loob. Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Walang anu-ano’y naging kagamitan. Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Araro na pala ang bakal na iyan; Ang kahalagahan ay di matingkala —
Ang mga bukiri’y payapang binungkal, Ginawang araro, pambuhay ng madla
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan. Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,
At ang boong bayan ay bulkang sumubo, Bakal na hindi man makapagmalaki;
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo, Subalit sa kanyang kamay n
Pagka’t may laban nang nag-aalimpuyo! a marumi,
Nariyan ang buhay at pagsasarili!

MENSAHE

 Sa tulang “Ang Panday”, masasalamin na nais ipakita ng may-akda ang mga karanasang


nasaksihan niya sa kanyang lipunan. Isinatitik niya ang mga naging kaganapan noon sa panahong
naghahanap ng kalayaan at kasarinlan ang bansang Pilipinas. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay subalit nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging
epektibo ang kanyang isinulat.

ARAL

 Ang tulang ito ay kapupulutan ng aral ito ay isang patunay  na may paninindigan at kadakilaang
taglay ang mga Pilipino. Maliitin man, apak-apakan man ng makailang beses, matututo itong
bumangon upang ipaglaban ang salinlahi.

25
H. PANAHON NG IKA-APAT NA REPUBLIKA (1986- HANGGANG SA KASALUKUYAN)

“LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNIE” NI RUTH MABANGLO

Ako�y guro, asawa at ina. Kahit may propesyo�t kumikita ng salapi.


Isang babae--pupol ng pabango, pulbos at seda, Iyo�t iyon din ang ruta ng araw-araw--
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama. Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Napagod yata ako�t nanghinawa, Ng bahay at paaralan,
Nagsikap mangibang-lupa. Ng kusina�t higaan.
   
Iyo�t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera, May karapatan ba akong magmukmok?
Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga. Saan ako tatakbo kung ako�y malungkot?
Naghihintay siya ng kape May beerhouse at massage parlor na tambayan
At naninigarilyo, Ang kabiyak kong nag-aasam,
Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro, Nasa bintana ako�t maghihintay.
Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo. Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,
Hindi siya nag-aangat ng mukha May krus ang dila ko�t di makapangusap.
Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,
Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo, Itinotodo ko ang bolyum ng radyo.
Inaaliw kung mainit ang ulo. Napagod yata ako�t nanghinawa,
Wala siyang paliwanag Nagsikap mangibang-lupa.
Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,  
Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo Noon ako nanaginip na nakapantalon,
Kapag umaalis ako ng Linggo. Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.
Ayaw niya ng galunggong at saluyot Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag,
Kahit pipis ang sobreng inabot, Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas.
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam Aaminin kong ako�y nangungulila
Kahit ang pangrenta�y laging kulang. Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.
  Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha�t
Ako�y guro, asawa at ina. pinto,
Isang babae-- napapagal sa pagiging babae. Sa telepono�y nabubusog ang puso.
Itinakda ng kabahaging Umiiyak ako noong una,
Masumpa sa walis, labada�t oyayi Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.
 
Ito lamang ang sagot,
Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.

PUNA O MENSAHE

 Sa aking tulang nabasa ang aking punang ipapahayag ay kaunti lamang ang mga matatalinghaga
mga salita at karamihan ay literal na pagpapahayag sa tula. Ang mensahe sa tulang ito ay
tungkol sa isang babae na guro, asawa at ina na umalis sa ating bansa upang kumita ng malaki
upang itaguyod ang kanyang pamilya. Nagpapahayag ng kanyang buhay bilang isang ina, asawa
at guro na halos siya na ang naging ama ng kanilang tahanan. Nabanggit din dito ang kanyang
asawa na walang ginagawa kundi maghintay ng biyaya galing sa asawa.

 Ipinapakita rin dito ang hindi pantay na responsibilidad ng mag-asawa sa gampanin bilang
pamilya. At di katulad noon na hati ang responsibilidad at pantay na trato sa babae.
Nagpapahayag dito ang pagiging mababa sa lipunan na hanggang ngayon ay nagaganap na
pinapabatid sa tula.

26
ARAL

 Ang tulang ito ay isang instrumento upang maihatid sa mga mambabasa ang mga hinaing ng
isang babaeng puno ng sakripisyong nakaatang sa kamay niya. Ito ay makakatulong na ipabasa
at mabasa ng mga kalalakihan na ‘di inilalagay ang sitwasyon ng babae sa kanila, upang
mapagtanto at maliwanagan na mabago ang kanilang pananaw na dapat ang kababaihan ay ang
ilaw ng tahanan at pinapahalagahan.

 Dapat nating bigyan ng parangal ang ating mga magulang dahil sa mga sakripisyo na ginawa nila
upang tayo’y itaguyod. Huwag sayangin ito at ipakita ang pagmamahal at pasasalamat habang
sila’y kasama natin dahil minsan lang natin sila makakasama sapagkat ang buhay ay walang
balikan pag lupa na.

“GITING NG BAYAN” NI FRANCISO RODRIGO


I Salamat at ngayo’y sumiklab
Akala ni Marcos ay Ang giting
Pampalagiang Nitong bayang dati ay inaalipin.
Kanyang mambobola’t,
Mapaglalaruan III
Kaya nama’t ngayon ay taas noo
Ang dating maamo At nating Pilipino sa harap ng mundo
Sunudsunurang pagkat tayo’y laang
Mga matiisin nating magsakripisyo
taong bayan. sa ngalan ng laya ng tama’t
totoo
II
Salamat sa Diyos, ngayon ay
Gumising
Itong bayang dating wari’y
Nahihimbing

PUNA

 Ang tulang ito’y nagpapahayag ng tunay na damdamin ng makata noong panahon ng


rebulosyon. Pagpapahayag ng panunuligsa sa mga nanunugkulan lalo na kay dating pangulong
Marcos sa mga katiwaliang idinulot. Ito rin ay pagpapahayag ng paninindigan sa pagsakripisyo sa
bayan ng mga mamamayan na hangad ang pagiging Malaya na dulot ay katotohanan.

ARAL

 Ang pagiging malakas ang loob at hindi sumusuko sa laban yan ang katangian ng Pilipino na
dapat natin tularan sa hinaharap upang matamasa natin ang malayang bansa. Ang tulang ito ay
isa sa mga nabasa kong napapakita ng katatagan na matamo ang kalayaan.

27
“BAGONG TAON” NI ALEJANDRO J. ABADILLA
I
Bagong sigla Bagong taon
Bagong sigla ng pag-asa Nang ang bata’y mahagkan moay lumakas
Kung sa daho’y lantang dahon at tuyo na At sa gayon ang hinahanap
Bagong taon Kanyang palad
Sa pagdatal mong mukha ay Masaya
Sumariwa itong pita IV
Pagkaraka! Bagong aliw
Bagong aliw ng mithiing
II Kung sa puso’y kuyom kuyom ng hilahil
Bagong diwa Bagong taon
Bagong diwa ng makatang Nang lumapit ka sa kanyang may paggiliw
Kung sa bati ay batisang walang tula Nahango mo sa tiising may
Bagong taon Maglilibing.
Pag-ngiti mo ang batisa’y nagkamutya
Nanag kumanta’y walang sawa V
Bakit kaya? Bagong taon
Bagong taon muli ngayon
III At ng bawat tao’y tila mayroong layon
Bagong balak Bagong taon
Bagong balak ng pangarap Ikaw baga’y magbabalik kay kahapon
Ay musmos pa’t walang kayang makalakad Natigmak na sa linggatong
Huwag gayon.

PUNA O MENSAHE

 Sa tulang ito’y ang ibang mga salita ay inuulit gaya ng “bago”. Naghahatid ng mithiin at pag –asa
mula sa kalayaan. At pagkatapos ng mga nagdaang laban. Naipapahayag ang maaring mangyari
sa hinaharap na may hangaring makamit. At naipapahayag rin ang katanungan kung gustong
bumalik sa nakaraang na walang malayang kilos.

ARAL

 Huwag magpadalos- dalos sa desisyon. Sapagkat maaaring madapa ka kung ito’y agarang
magplano lamang kayat pag-isipan itong mabuti upang ang tagumpay ay makamit.

28
V- ANO ANG ESTITIKA NG PANITIKANG PILIPINO?

 Ang estitika ng Panitikang Pilipino ay masasabing isang sining ng magagandang paglalarawan sa


mga obrang nilikha pasulat man o pasalita na nagbibigay ng matatalinghagang mga salita na
nakaka-akit sa sinuman.

1. Ano ang pananaw ni Dr. Lumbera (1994:1-2) tungkol dito?

 Ang estetika ng panitikang Filipino ay usapin ng kamalayang tunay na Filipino” (93).


Mahalaga ang “datíng” sapagkat nakabatay ito sa bisa ng isang likhang-sining sa
ating kultura at kasaysayan. Kung gayon, ito ang salita nating makapagbubukas ng
talakayan sa mga sangkap ng sarili nating estetika (94). Sa diwa ng “dating”
isinesentro ni Lumbera ang perspektiba ng audience sa pagsusuri ng likhang-sining
sapagkat ang perspektibang ito higit sa ano pa man, ang nagpapatampok sa lipunan,
kultura, at kasaysayang kinapapalooban ng likha. Pinatunayan niyang hindi
kailanman personal lamang o nakahiwalay sa lipunan ang tugon o interpretasyon ng
audience; bagkus hinuhubog ito ng mga kongkretong kondisyon ng kaniyang
lipunan. At dahil may partikularidad ang bawat lipunan, iginigiit din ni Lumbera na
espesipiko ang karanasan at pananaw ng mga Pilipino sa kabila ng unibersal na
batas ng paglikha (100)

2. Ano naman ang ayon kay Plato at Aristotle?

 Si Plato ang nagsabing dapat magturo at magpaliwanag ang panitikan upang itoy
maging kapakipakinabang (utile) ayon naman kay Aristotle, ang Panitikan ay dapat
magbigay kasiyahan, manlibang at magpagaan ng kalooban (dulce).

 Si Aristotle ay pinapanigan niya ang panulaan bilang katotohanan at katibayan ng


tula bilang institusyon ng kalikasano bilang isang anyo ng kaalaman at pang pang-
moral ng katwiran sa kaisipan. Ang panulaan para kay Aristotle ay higit na mataas at
pilosopikal kaysa kasaysayan, takot at habag ang kinakasangkapan sa dalawang
batayang damdamin upang maging matagumpay ang trahedya.

29
3. Sipiin ang tulang ang “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio at Maria Luisa
Torres- Reyes na “Bakit Kami Nagdarasal”

Bakit Kami Nagdarasal

Sapagkat Sapagkat ang Diyos-diyosang


Ang aming aba Amerikano
Ginoong maria Ay may suwelduhang
Ay naubusan na Butangerong
Ng grasya Pilipino

Sapagkat Sapagkat kami’y sumasamo


Ang bukod Na dito sa lupa
Na pinagpala Ay hindi sana
Sa babaing lahat para nang sa langit
Ay nagpapala sa iilan lamang siya nawa.
Sa aming lipunan

Sapagkat
Ang panginoong may lupa
Ay maligaya

30
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya At ang balang kahoy at ang balang sanga Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
sa pagkadalisay at pagkadakila na parang niya’t gubat na kaaya-aya na di-aakayin sa gawang magdamdam
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? sukat ang makita’t sa ala-ala pusong naglilipak sa pagka-sukaban
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. ang ina’t ang giliw lampas sa saya. na hindi gumugol ng dugo at buhay.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog Mangyari kayang ito’y masulyap
at isa-isahing talastasing pilit bukal sa batisang nagkalat sa bundok ng mga Tagalog at hindi lumingap
ang salita’t buhay na limbag at titik malambot na huni ng matuling agos sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng isang katauhan ito’y namamasid. na nakaka aliw sa pusong may lungkot ng kasuklam-suklam na Castilang
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! hamak.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
sa tapat na puso ng sino’t alinman, walang ala-ala’t inaasam-asam Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang kundi ang makita’ng lupang tinubuan. nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
nagiging dakila at iginagalang. bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
Pati na’ng magdusa’t sampung at natitilihang ito’y mapanuod.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad kamatayan
sa bayan ng taong may dangal na ingat, wari ay masarap kung dahil sa Bayan Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
umawit, tumula, kumatha’t sumulat, at lalong maghirap. O! himalang bagay, sa pag-asang lubos na kaginhawahan
kalakhan din nila’y isinisiwalat. lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Walang mahalagang hindi inihandog Kung ang bayang ito’y nasa panganib
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, at siya ay dapat na ipagtangkilik Kayong antayan na sa kapapasakit
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, ang anak, asawa, magulang, kapatid ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. isang tawag niya’y tatalikdang pilit. muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-
na hinahandugan ng buong pag kasi Tagalogan
na sa lalong mahal kapangyayari Kayong mga pusong kusang inuusal
ay nilalapastangan at niyuyurakan
at ginugugulan ng buhay na iwi. ng daya at bagsik ng ganid na asal,
katwiran, puri niya’t kamahalan
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
ng sama ng lilong ibang bayan.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, agawin sa kuko ng mga sukaban.
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng kawili-wiling liwanag ng araw Kayong mga dukhang walang tanging
ng pusong Tagalog sa puring nalait
na nagbibigay init sa lunong katawan. sikap
at aling kaluoban na lalong tahimik
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap ampunin ang bayan kung nasa
ng simoy ng hanging nagbigay lunas, ay lunas
sa inis na puso na sisinghap-singhap, Saan magbubuhat ang paghihinay sapagkat ang ginhawa niya ay sa
sa balong malalim ng siphayo’t hirap. sa paghihiganti’t gumugol ng buhay lahat.
kung wala ring ibang kasasadlakan
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan kundi ang lugami sa kaalipinan?
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal hanggang sa mga dugo’y ubusang
mula sa masaya’t gasong kasanggulan. Kung ang pagka-baon niya’t pagka- itangis
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan. busabos kung sa pagtatanggol, buhay ay
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop mapatid
Ang nangakaraang panahon ng aliw, supil ng pang-hampas tanikalang gapos ito’y kapalaran at tunay na langit.
ang inaasahang araw na darating at luha na lamang ang pinaa-agos
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin? Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
. pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

31
a.) Suriin ang unang saknong sa tula ni Andres Bonifacio.

1. Ano ang isinasaad nito?

 Ang isinasaad ng tula sa unang saknong ni Andres Bonifacio ay katanungan at kasagutan


na sa lahat ng pag-ibig alin ang mas kapuri-puri? Bilang isang mamamayan na kung
paano maipapahayag sa lupang iyong pinagmulan ang iyong pagka- pilipino. At ito ay
ang pagmamahal sa bayan at ipinagmamalaki natin sa ibang bansa ang pagka-pilipino at
ito’y wala nang hihigit pa.

2. Ano ang panawagan ni Andres Bonifacio?

Panawagan ni Andres Bonifacio

 Panawagan sa mga Pilipino upang ihanda ang loob para sa isang himagsikan.
 Sinabi niya na ang kamatayan sa digmaan laban sa mga kastila ay kapurihang
maipapamana sa Inang bayan, sa kanilang Lahi at kanilang Angkan.
 Binibigyan ng parangal ni Bonifacio ang Katipunan sa kanilang katapangan.
 Kinokondena niya ang pagsunog sa mga kabahayan,pagpatay sa mga
kamataan,pagdungis sa kapurihan ng mga babae, atbp.
 Sinabi rin niya na dapat marangal nag pakikibaka ng mga Katipunero at hindi
uhumantong sa mga gawain ng mga kastila.
 Hindi rin daw dapat matakot sapagsakripisyo upang maging malaya ang bayan
dahil kung hindi nilagagawin iyon ay libu- libo pang mga Pilipino ang mamamaty
ng marahas sa kamay ng mga kastila.
 Sinabi rin niyang kailangan nilang maghimagsikan alang-alang sa mga Pilipino
nkakulong,nawalay sa kanilang mga pamilya at kay Dr. Jose Rizal.

3. Ano ang masasabi mo sa tulang ito?

 Ang masasabi ko tungkol sa Tulang ito na isinulat ni Andres Bonifacio na


napakatapang at nagsilbi ring isang inspirasyon sa mga sumusunod na mga
bayani na katulad nila ni Dr. Jose Rizal. Ang tulang ito ay inilimbag sa tagalog

32
upang mas lalong maunawaan ng mga mamamayan ang pahayag nito. Masasabi
ko rin na ito ay nagsasaad ng mga matatalinghaga mga salita sa tagalog. Ito ay
nagpapahayag ng mga pangyayari nagaganap sa ating mamamayan at bayan
noong panahon ng kolonisasyong kastila.

4. Ano ag ipinapahiwatig ng bawat taludtod?

 Unang Taludtod. Sinabi niya na ang pagmamahal sa bayan ang pinkamagandang


pagmamahal.
 Pangalawang Taludtod. Lahat ng tao ay nagnanais ng ipuri ang kanilang bansa
sapagkat ang bansa nila ay may integral at dangal.
 Pangatlo at Pang-Limang taludtod. Ang mga taong mapagmahal, ay gagawin
lahat para sa bayan, kahit na sarili nilang dugo, yaman o khit ano, pati buhay ay
ibibigay para lang sa bayan. Ayon kay Bonifacio, ang inang bayan ay tila
kinalimutan na ng sikat ng araw. Hindi na ito naaarawan (parang sinasabing wala
nang pag-asa).
 Pang –Anim at Pang- pitong taludtod. Sinabi ni Bonifacio na ang pagmamahal
ng mga Pilipino sa inang bayan ay sobrang laki na kung may panganib ay hindi
sila maaatubiling tumulong. Sinasabi niyang ang tunay na kaligayahan at langit
ang isang bayang Malaya dahil pinagtanggol ng kanyang mga tao hanggang
kamatayan.
 Labing-walo hanggang Labing-tatlong taludtod. Pagbabalik kagandahan at
katiwasayan ng bayan ang isinasagunita sa mga saknong na ito. Ipinapaalala ng
akda na ang kanilang lupang tinubuan ay kanila, maunkad ito at dapat na
ikinasasay at ikinasasabik pa lalo ng mga naninirahan ditto. Kahit nga ang sino
man daw na napalalaalayo sa lupang tinubuang ito ay nalulungkot at nag-aasam
na siya’y makabalik agad.
 Labing- apat. Dito ay ipinunto ni Andres Bonifacio na ang maghirap, magdusa,
mamatay, at mag-alay ng buong pag-ibig para ipagtanggol at buhayin ang bayan
ay ang pinakamakasaysayang bagay na magagawa ng sinuman.
 Labing-lima hanggang labing-anim. Ditto ay may pagdiriin na kung aapihin ang
bayna lalo’t ng mga dayuhan, dapat ay magkaroon pagsasama-sama at
pagkakaisa para ipagtanggol ang bayan. Ang paglaban ay hidni dapat
isinasantabi kung nakasalalay ang kalayaan.
 Labing-pito hanggang labing walo. Sinsasabi rito ang paghihimagsik ay may
layuning makapagbukas-isip, puso, at diwa para labanan ang pag-aalipin sa
bayan . ang hindi pagkilos at paglaban ay lalo lamang makapagpapaalala ng
paghihinagpis ng lupang tinubuan. Mapapansin ang pagka-Tagalog ni Bonifacio
dahil dahil sa relihiyonalisom pa ang kaugalian sa Pilipinas..hindi pa ksi tayo
nakararanas ng kalayaan noong panahong iyon.
 Labing –siyam hanggang dalawampu’t dalawa. Walang sinuman ang
makakalunas ng pagkakasira ng inang bayan kundi ang mga sarili nitong anak.
Ito ang mensahe ng mga saknong na ito. Tinatanong nito ang natutulog na
konsensya ng mga Pilipino kung dayuhan na hamakin at maliitain lamang ang

33
kanyang bayan. Ang mga saknong na ito ay may madiin na temang
paghahamon.
 Dalawampu’t tatlo hanggang dalawampu’t pito. Dito ay makikita ang
pagtatawag ng mga Pilipinoupang upng magkaisa at makibaka laban sa pang-
aalipin sa kanilang inang bayan. Ito ang mga hinahanap ng akda,mga Pilipinong
handang ibigay ang lahat ng mayroon sila’t taglay upang paglingkuran at iahon
ang kanyang bayan, kanyang mga kababayan. Kasarinlan at kasakiman para kay
Bonifacio ang hindi maghimagsik.

5. Bilang mamamayang Pilipino ano ang masasabi mo sa tulang ito ni Andres


Bonifacio?

 Masasabi ko bilang mamamayang Pilipino sa tanyag na sulating tula ng ating


bayaning si Andres Bonifacio ay nakakalugod basahin ito sapagkat ang tulang
ito’y nagbuklod sa mga mamamayang Pilipino upang mamulat sa mga sakim at
ganid na mga kastilang sumakop sa ating bansa. Dito ay napatunayan nating
may mga taong handang isakripisyo ang kanilang sarili para sa ating bansang
Pilipinas n kalaunan naman ay nakamit ang ating kalayaan. Datapuwat
nakakalungkot isipin na sa panahong kasalukuyan ay tila may mga bansang nais
sakupin ang teritoryo ng ating bansa gaya na lamang ng West Philippine sea na
unti- unti nang nagkakaroon ng mga estrukturang gawa ng mga Hapon kayat
ito’y nakakabahala. Subalit di papatinag ang mga opisyal ng ating bansa upang
hindi nakawin ang sariling atin.

b.) Ano ang nilalaman ng tula ni Maria Luisa Torres-Reyes?

1. Ano ang mga pahiwatig sa bawat taludtod ng “Bakit Kami Nagdarasal”.

 Nagpapakilala sa isang uri sa nakararami sa lipunan. Maraming nagdarasal


upang panawagan at paniniwala na may kapangyarihang maaring tumulong.
Ritwal sa pagsamba. Si Marcelo H. Del Pilar ay sumulat din ng mga parodya ng
mga popular na dasal.Sa tula ni Torres-Reyes sumasanib sa teksto ang poot na
taglay na mgatula ni Plaridel mula sa kilusang Propaganda.

2.Ano ang umiiral na kalagayan sa ating lipunan?

 Sa kalagayan ng ating lipunan ngayon ay hindi lang iisang bansa ang apektado
kundi buong mundo dahil sa nakakabahalang sakit na mabilis kumalat sa tao.
Ito ang tinatawag na Coronavirus o CoVid- 19. Ito ay isang nakakahawang
inpeksyon na nakakamatay na kumakalat sa iba’t ibang panig ng mundo at isa na

34
rito ang ating mga kababayan sa ating bansang Pilipinas. Bukod pa dito,
padagdag nang padagdag ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa sakit na ito.
Sa pandemyang ito ang mga mamamayang Pilipino ay lubos na apektado dahil
sa pagtalaga ng pamahalaan na ihinto ang mga pangunahing pinagkakakitaan
katulad trabaho ng mga Pilipino, establisyemento at transportasyon. Kaya ang
mga mamamayan ay walang mapagkitaan ng pangtustos sa kanilang mga
pamilya at kaya ang pamahalaan ay nagbigay ng ayuda sa bawat pamilyang
nangangailangan. Sa panahong ito ay ‘di dapat piliin ng mga nanunugkulan kung
sino lang ang bibigyan bagkus kailangan ito’y pantay pantay sapagkat lahat tayo
ay nakakaranas ng sitwasyon ito.

 Isa pang nakakaalarma kalagayan ng ating bansa habang nasa krisis ay


nagkakaroon ng pagkakataon na magtayo ng mga istruktura sa Kanlurang Dagat
ng Pilipinas (WEST PHILIPPINE SEA) ang mga Tsino at bukod pa rito ay pinayagan
ang mga tsino ni Pangulong Duterte na mangisda sa ating teritoryo. Sa aking
napanuod na balita ayon sa isang Direktor ng UP INSTITUTE FOR MARITIME
AFFAIRS AND LAW OF THE SEA “Kung papayagan natin ang ibang bansa na
kumuha ng ating likas na yaman dahil lang sa sinasabing ‘we’re friends’ ay
mawawalan tayo ng oportunidad upang maprotektahan ang ating sariling
pinagkukunang yaman ng Pilipinas.” "Nilalabag niya ang kaniyang sinumpaang
tungkulin bilang Pangulo na ipatupad ang Konstitusyon so culpable violation of
the Constitution. Tapos ang pinag-uusapan pa kasi natin dito, soberanya,
teritoryo, likas na yaman ng bansa na para dapat sa mga Pilipino," ani Act-
Teachers party-list Rep. Antonio Tinio. Pero nanindigan ang Malacañang na
dapat magtiwala pa rin sa mga hakbang ni Duterte. "Sila'y magtiwala sa Pangulo
sapagka't siya ay gumagalaw, lahat ng hakbangin niya ay batay sa probisyon ng
Saligang Batas na bigyan ng proteksyon ang sambayanang Pilipino at pagsilbihan
ito," ani Panelo.

3. Paano mo ito bibigyan ng kahalagahan?

 Sa suliraning kinakaharap ng ating bansa katulad ng pandemyang hanggang sa


ngayon ay ating dinaranas. Hindi lang mga “ frontliners” ang gagawa ng kanilang
tungkulin upang tayo’y matulungan bagkus tayong lahat ay tutulong. Bilang
isang mamayan ay kinakailangan sumunod sa inimplementahang alintuntunin n
gating pamahalaan. Manatili sa bahay kung wala naman importanteng
pupuntahan. At kung maraming biyayang natatanggap magkusang tumulong sa
mas nangangailangan dahil ramdam natin kung paano ang walang
mapagkukuhanang pangangailangan sa panahong ito. At higit sa lahat magdasal
dahil alam ng ating Panginoon kung kailan tayo muli makakabangon sa
pagkakadapa.

 Sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas kailangan nating magtiwala kay Pangulong


Duterte na binigyan niya ng pahintulot ang mga tsino upang mangisda. Ngunit
kung hindi na ito tama at higit na ang kanilang pagkuha ng ating likas na yaman

35
kailangan kumilos na ang bansang Pilipinas upang ipaglaban ito sapagkat
mawawalan ng saysay at di mapapahalagahan ang mga nagdaang panahon ng
mga bayaning ipinaglaban ang buong bansang Pilipinas makamit lamang ang
ating kalayaan. Kailangan na huwag tayong magbulag- bulagan at huwag
pasasakop sa mga nais magtangkang angkinin ang ating bansa. Dahil wala
tayong mga Pilipino sa ating tinatamasang kalayaan ngayon kung walang mga
nagbuwis ng buhay para ipagtanggol at ipaglaban ito at upang magkaroon ng
sariling identidad ang ating bayang Pilipinas.

VI- TATLONG KATEGORYA NG MGA MAKATA; SINO SINO SILA ( PANAHON NG


AMERIKANO)

– Makata ng Puso, Makata ng Buhay, Makata ng Dulaan.


– Magbigay ng tig-iisang halimbawa sa mga akda ng mga makatang ito.
– Ilarawan ang konteksto o nilalaman ng bawat tula.

“MAKATA NG PUSO”
BAYAN KO
NI JOSE CORAZON DE JESUS

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Ng-alay ng ganda’t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya!

NILALAMAN NG TULA:

 Naririnig natin siya pag nagluluksa ang bayan, pag may krisis sa bansa, at pag may nananganib sa
kalayaan ng Pilipinas. Sa mga nakaraang araw, paulit-ulit siyang kinakanta alay sa yumaong
dating pangulong Aquino at ang kanyang ipinaglaban.  

36
 Unang saknong. Mga dahilan na ipagmalaki natin ang sarili nating bayan. Itong bansa natin ay
isang lugar na maraming likas na yaman, at marami rin mga pagkakataon para matupad ang
pangarap. Hindi na kailangan na palaging mangarap umalis ng bansa para umunlad. Pero ang isa
sa mga pinakamagandang yaman ng Pilipinas ay ang Pilipino mismo. Kung titignan natin, kakaiba
ang ugali ng mga Pilipino. Hindi lang tayo mapagtanggap, masayahin at rehilyoso. Tayo ay isang
mapagmahal na lahi. Kung hindi tayo mapagmahal, di mangyayari ang EDSA, ang GK, at kung
anu ano pang mga pangaraw-araw na milagro na nagiging mga ilaw sa ating bansa.

 Pangalawang saknong.Ang malungkot na isipin: mas nakikinabang ang mga dayuhan sa atin mga
gawain kaysa sa sarili nating mga kababayan. Ang mas masaklap pa ay ito: mas nakikita ng mga
taga-ibang bansa ang mga kakayahan ng mga Pilipino kaysa tayo mismo. Oo, sinakop ng mga
Kastila, Amerikano at Hapon ang Pilipinas nang napakahabang panahon. Hindi natin yan
maitatakwil. Sinulat nga ni Jose Corazon de Jesus ang kanta ito sa panahon na tayo ay sinakop ng
mga Amerikano. Pero maari nga ba na iba na ang bumibihag sa atin? Maari na iba ang
nananakop ngayon---hindi sa lupa, pero sa isipan at puso ng bawat Pilipino? Baka hindi lang neo-
koloyanlismo: pwede rin ang korupsyon, kawalan ng disiplina, pagiinggit, kulang sa pagmamahal
sa bayan o kulang sa pakialam. At dahil tayo ay tumitigil lamang sa pagdusa at pagiyak, di pa ba
natin nakikita ang sarili nating lakas na bumangon nang husto mula sa nakaraan?

 Pangatlong saknong.Karapatan ng bawat Pilipino na manatiling malaya. Nasa Saligang Batas


natin yan (baguhin man ito, hindi ito mawawala sa Bill of Rights). Ang kalayaan ito ay may mga
implikasyon: dapat malaya ang bawat Pilipino na mabuhay ng mapayapa. Ang bawat Pilipino ay
may kaligtasan sa ilalim ng ating mga batas. Hindi siya pwedeng apihin ng sinuman na wala sa
dahilan. Ang bansa natin ay may pagkakakilanlan: Republika ng Pilipinas, malaya sa pananakop
at pagaari ng iba mga maykapangyarihan. Ang Pilipinas ay hindi ang pamamayari ng iisang tao o
pamilya o grupo. Dapat ang ating pamahalaan ay maglilingkod sa kabuuan ng bansa at di lamang
sa interes ng iilan. At dapat ang mga mamamayan ay kikilos sa mga paraan na makakaangat sa
dangal ng ating bayan. Mahalaga na itaguyod natin ang karapatan ng bawat Pilipino at ang
pagkakakilanlan ng bayan. Kung sa maliit na bagay gaya ng ating sariling buhay tayo ay may paki,
mawalan ng konting kalayaan dahil sa trabaho o pagaaral o kahirapan tayo ay umaangal, bakit di
natin kaya ipaglaban rin ang kapwa at bayan?

 Pang –apat ng saknong. Ito ang minimithi ng ating mga ninuno panahon pa nina Rizal hanggang
sa ating mga magulang. Ang isyu ng kalayaan ng ating bansa ay hindi pwedeng pabayaan. Sa
isang simpleng analohiya: ating mga karaniwang buhay, hahayaan ba natin na aangkinin ng iba
ang sarili nating mga tahanan? Hindi naman siguro. Kung ipapalalim pa natin ito, makikita natin
na ang kalayaan ng ating bayan ay may kinalaman sa ating mga katauhan. Di natin maihihiwalay
ang pagiging "Pilipino" sa ating mga indibidwal na buhay. Kung may nagbahid sa itong bahagi ng
ating katauhan, maapektuhan ang kabuuan nating pagkatao. Mahirap (hindi imposible) na
matamasa natin ang kabuuan ng ating dignidad at dangal kung nahihiya tayo sa ating
pinanggalingan: ang bayang Pilipinas. Bahagi ng ating pagsibol bilang mga tao ay ang pagtulong
sa ating bayan at sa lipunan na naghubog sa atin. Kung hindi, habangbuhay tayo mananatiling
naguguluhan sa ating kalagayan sapagkat hindi natin nagagawan ng paraan na gawin mas
makatao ang ating konteks at panahon na natatangi sa atin.

37
“MAKATA NG BUHAY”
PAGTATAPAT
NI: LOPE K. SANTOS

Ibig kong kung ikaw ay iniisip Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo
Sa ulo mo’y ako angbong masilid; Ay mabyaran ko ng libong pangako;

Ibig kong kung iyang mata’y tumititig Nasa kong sa bawat luha mong tumulo
Sa balintataw mo ako’y mapadikit; Ay mg lanbi ko ang gamiting panyo.

Ibig kong tumong bubukhin ang bibig Nasis kong sa aklat ng aking pagsinta
Ang lbi ko’y siyang lumasap ng tamis; Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa;

Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibidb Nasi kong sa mukha ng ating ligaya
Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Batik man ng hapis ay walang makita;

Hangad kong kung ika’y ang siyang naguutos Nais kong ang linis ng ating panata’y
Ako ako lamang ang makakasunod Huwag marungisan ng ating balisa;

Hangad kong sa iyong mga bungang- tulog Nais kong sa buhay n gating pag-asa’y
Kaluluwa ko lang ang makakapulot; Walang makatagpong anino ng dusa.

Hangad ko sa sarap ng iyong alindog Mithi kong sa lantang bulaklak nasa’y


Ay diwa ko lamang ang makakaluhod; Hamog ng halik mo’y magpapasariwa;

Hangad kong sa latar ang iyong pag-irog Mith kong sa minsanng pagsikat ng tala;
Kamanyang ko lamang ang naisusuob. Ay wala ng ulap na makagambala;

Nasa kong kung ikaw’y may tinik sa puso Mithi kong ang tiba’y ng minasanang sumpa’y
Dini sa puso kong maunang tumimo; Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;

Nasa kong ang iyong tampo’t panibughoy Mithi kong kung ako’y mabalik sa wala
maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Ay sa walang yao’y huwag kang mawala.

NILALAMAN NG TULA:

 Pagtatapat ng mga damdamin at ng mga hinihiling niya sa kanyang minamahal


 Ito ay gumagamit ng pagtutulad. Inihahambing ang pagmamahal niya gaya ng tala atbp.

38
 Ito rin ay isa sa maraming halimbawa ng pagmamahal.

“MAKATA NG DULAAN”
BUOD NG WALANG SUGAT
NI: SEVERINO REYES

Magkaharap noon sina Julia at Tenyong habang nagbuburda ang dalaga ng bigalang dumating
ang kaibigan nitong si Lucas na nagbalita na nadakip ang kanyang ama dahil napagkamalan itong isang
tulisan. Napatay ang ama niya na si Kapitan Inggo nais maghiganti ni Tenyong kahit labag sa sa kalooban
ng kanyang kasintahan na si Julia at inang si Kapitana Puten ay wala silang nagawa. Nagkalayo sina Julia
at Tenyong at habang malayo sila sa isat-isa ay may dumating namang mangliligaw si Julia isang
mayaman na si Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya nagpadala ng liham si Julia kay
Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na ngunit di ito nasagot ni Tenyong sapagkat biglang nagkaroon
ng labanan. Ibinilin na lamang ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na
patay na si Tenyong  kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.
Nang araw ng kasal dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na pinatawag ang
kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan ni Tenyong ay ikasal siya kay Julia,
pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana ina ni Julia sapagkat mamatay din naman si
Tenyong at makakasal din sa kanyang anak. Ngunit biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang
lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal
kay Julia.

NILALAMAN NG DULA
 Namamayani rito ang emosyon o damdamin sa halip na pagiisip. Layunin nitong ipamalas
ang iba’t-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bayan at mundong kinalakihan.Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng
isang nilalang ang lahatupang maipaalam lamang ang kaniyang pag-ibig sa tao o sa bayan.

 Ang walang sugat ay ang pagpapatawad sa isang tao na hindi mo ibig patawarin. Gayundin
ang pakikipaglaban natin sa ating mismong karapatan. Dahil ang mga tao ay malapit sa isa't
isa, napakadaling magsalita at makipag-usap tungkol sa mga bagay na hindi lamang tungkol
sa mga ito kundi pati na rin sa iba pang mga tao. At dahil dito ang mga kuwento ay
kumakalat nang higit pa at mas maraming tao. At maaaring hindi ito totoo sa halos lahat ng
oras.

39
VII- HAIKU AT TANAGA.

a. Sumipi ng tagsasampung Haiku at Tanaga. Ibigay ang mga mensahe ng bawat siniping Haiku
at Tanaga.

HALIMBAWA NG HAIKU

1. DAPAT TAPAT – Ito ay tungkol sa katangian ng isang kaibigan na dapat pakisamahan at


Kung maghahanap kapag nakahanap ka ng tapat na kaibigan ay dahil hindi niya magagawang
Kaibigang kausap sabihin ang mga bagay na pribado tungkol sa’yo at walang halong plastic.
Dapat ay tapat.
2. BALATKAYO - Ito ay katangian ng akala mong kaibigan dahil sa sitwasyon lamang na kayo
May kaibigan masaya ay iyong nakakasama subalit kapag ikaw ay may problema ay
nasa tabi mo lamang tatalikuran ka na.
kapag kasiyahan.
3. EDUKASYON - Pagpapakahulugan ito na ang edukasyon ay ang susi sa ating pinapangarap
Ang edukasyon sa buhay kaya’t tayo ay magsumikap na makamit ang tagumpay.
Ay ating kailangan
Upang umunlad.
4. HUWAG BALASUBAS - Ito ay nagsasabi ng isang pagpapahayag na marunong tayong magkusang
Dapat bayaran magbayad ng utang kapag tayo ay nakakaluwag na, dahil hindi rin marapat
Utang sa kaibigan ng isang kaibigang nagpautang ang kinakalimutan ang inutang ng kaibigan
Huwag kalimutan. dahil sa panahon ngayon mahirap kumita ng salapi.
5. PANGARAP - Sa pag abot ng mithiin sa buhay ay kailangan na magkaroon tayo ng lakas
Buo ang isip ng ating loob at inspirasyon upang tayo ay magpursige sa buhay. Kapag tayo
Aabutin kong pilit ay nadapa,bangon lang dahil habang nadadapa tayo ito ang nagsisilbing
Sana’y makamit pagsubok upang makamit ang anumang nais sa buhay.
6. PAMILYA - ang mensaheng ito ang nagsasaad na kapag tayo ay nabibigo sa buhay ay
Kasama lagi nandyan an gating mahal sa buhay upang tayo’y damayan. Hindi lang sa
Tuwa man pighati kasiyahan nagsisilbing karamay. Ang pamilya ay isa sa natatanging
Suporta’y tunay dedikasyon natin upang tayo’y magpatuloy sa buhay.
7. MANGGAGAMIT - Ito ay nagpapahayag ng isang mensahe tungkol sa kanyang kaibigan na sa
Ako’y may ‘igan tuwing siya’y may nais na pabor ay doon lamang namamansin at kapag wala

40
Lumalapit lang siya na siya kailangan ay wala nang pagpapahalaga ang kaibigan niya.
kapag may kailangan
8. KASAL - Ito ay isang mensahe tungkol sa isang lalaki at isang babaeng nais ng
‘Di na makapaghintay magpakasal. Sila ay nagmamahalan at magsama sa bawat araw na dadaan
Pagmamahalang na sabay tatahakin ang magandang kinabukasan.
Pang habambuhay
9. KALIKASAN - Ito ay mensahe tungkol sa ating likas na yaman na walang kupas na
Sinag ng araw pagmasdan. Nagpapagaan at nakakapang –akit sa paningin ang mga
Huni ng ibon magagandang tanawin.
Ang Kaygandang
pagmasdan
10. ROSAS - ito ay tumutukoy sa dalawang magkaibang interpretasyon tungkol sa
Napakatinik bulaklak na rosas at sa magandang binibini.
Gandang hirap
makuha
Nakaka-akit

HALIMBAWA NG TANAGA

1. NILILIYAG -Ito ay tumutukoy sa isang taong may pagmamahal sa isang babae. Sa


Ang kanyang tinging titig, tuwing ito’y kanyang nakikita ay halos hindi na kumurap ang mata. At
Sa sintang iniibig, laging tuwang-tuwang kapag ito’y napagmamasdan. Ang tibok ng
Ay luksong malalagkit, kanyang puso ay mabilis.
May alab din ng init.
2. ULING - Ito ay patungkol sa isang mensahe ng likas na yaman na katulad ng
Putul-putol na ugat, mga puno sa kagubatan na patuloy silang pinuputol at ginagawang
Sa dibdib nitong gubat, panibagong gamit. Kailangan nating palitan ang mga punong- kahoy na
Ay nakikipag-usap, ating tinutroso ng isang punla na ating itatanim upang di maubosat
Sa nag-iwi ng tabak! mapanatili ang ating likas na yaman.
3.KALIKASAN -Tungkol din ito sa ating likas na yaman gaya ng hangin. Ang hangin ay
Ganito nga ang hangin isang mahalagang yaman sa atin dahil ito ang dahilan ng ating buhay.
Simoy na lalanghapin Ito ang ating nilalanghap upang tayo ay nananatiling buhay. Upang
Pilit panatilihin ito’y kahali-halinang langhapin bilang isang mamamayan huwag tayong
Para sa buhay natin. magsunog ng mga basura upang di ito maihalo sa hangin. Katulad din
ng mga sasakyan na may kulay itim na usok na lumalabas sa likod na
bahagi nito kailngan natin na palitan ang gasoline na inilalagay sa
sasakyan.
4.KULTURA - Ang mensahe na ito ay nagpapahayag na bilang isang mamamayang
Angkinin natin ito Pilipino ay dapat natin ipagmalaki ang sariling yaman at produkto ng
Yamang gaya ng ginto ating bansa. Huwag natin itong hayaang makuha ng iba.

41
Nakawi'y imposible
Iba 'pag kultura eh.
5.PAG-IBIG - Ito ay mensahe na nagpapahayag ng damdamin sa kanyang
Balagtas ay sumulat minamahal na kaya niya gawin ang lahat makuha lamang ang matamis
Hahamakin ang lahat niyang oo.
Masunod ka lamang at
'to'y Pag-ibig na tapat.
6. PAG-IISA - Ito ay mensahe na nagpapahayag ng sitwasyon na siya ay nasa
Tahimik at malayo payapang lugar na walang naririnig na tunog na malakas at maingay.
Sa ingay at huntahan Siya ay nagpapahinga nang mag-isa.
Magkakape ako at
Buntong hininga
Sarap mag-isa  
7. PAGBABAGO -Ito ay mensahe tungkol sa sarili na kung ikaw ay may nais,pangarap sa
Magsimula sa buhay kailangan mo magsumikap at upang ito’y matupad kailangan na
Sarili muna dahil mag-umpisa sa pansariling pagbabago gaya ng pananaw at estilo
Dapat sa'yo ang natin. Dahil ang susi sa taguapay ay ang pagbabago sa sarili.
Umpisa ng gusto mo
Gusto mong pagbabago
8. SIPAG - Ito’y mensahe na nagpapahayag na kailangan natin magsumikap sa
Magsikhay ng mabuti buhay upang matamasa nating ang bagay na gusto nating makamit at
Sa araw man o gabi maranasan sa hinaharap. Kailangan natin maging masipag sa araw-
Hindi mamumulubi araw na dumarating sa atin. Dahil minsan lang tayo mabuhay kaya
Magbubuhay na hari. gawin natin ang ating magagawa upang tayo ay umunlad.
9. PIPI - Ito ay tungkol sa pagpapahayag na mensahe ng isang Pipi. Walang
Puso ko’y sumisigaw imik dahil di makapagsalita, ‘di maipahayag ang nais sabihin.
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!
10. ISIP- KOLONYAL -Ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng isang indibidwal ng colonial
Ang anyo mo ay sipi, mentality o mentalidad na kolonyal. Ito ay pagtangkilik ng mga
Nalimot na ang lahi. produkto at kultura ng ibang bansa na kinalimutan na ang sariling
Sa dayuha’y natali, kultura dahil ito ang nauuso sa naturang bansa. Sa ating pag-usbong ng
Sarili’y inaglahi. kulturang popular ay huwag natin kalimutan tangkilikin ang sariling
atin.

b. Gumawa ng tagsasampung Haiku at Tanaga, Ipaliwanag ang ibig ipahiwatig ng bawat isa.

HALIMBAWA NG HAIKU

1. Sa sinilangan Sa tulang ito bawat tao ay may kani-kaniyang bayan kung saan
Na iyong kinalakhan nagkamulat at lumaki marapat lamang ito’y huwag talikuran kung ikaw
Pahalagahan. ay nangibang bayan dahil yan ang sarili mong pagkakakilanlan.

42
2. Tuwing kasama Pahalagahan ang mga alaala ng mga taong iyong nakasama at nagbigay
Masaya bawat oras ng magagandang payo sa iyong pagtahak ng buhay. Dahil minsan mo
Ginugunita. lang sila makakasama sa bawat taon at araw na dumadaan.
3. Ang Edukasyon Kung tayo nagkaroon ng magandang oportunidad na mag-aral ito’y ating
Ito’y huwag sayangin pagsikapan sapagkat ito ang magiging daan upang mahasa pa ang iyong
Ating linangin. kakayahan sa pag-abot ng pangarap.
4. Sa pakiramdam Ito ay tumutukoy sa mga kabataan sa paggamit ng mga magagalang na
Nararamdamang gaan mga salita. Ito’y nakakapagbigay respeto sa nakakarinig at nakakagaan
Pag gumagalang ng dibdib. Ito’y nagsisilbing naturuan ng magandang asal at ang
kinlakhan lugar ng mga kabataan.
5. Sa likas yaman tungkol naman ito sa ating kapaligiran na kailangan natin ingatan at
Ito’y pahalagahan palaguin pa sapagkat ito’y nagiging proteksyon din natin ditto sa ting
Pakaingatan paligid na nakakapagbigay ng hanging sariwa at malamig.

6.Sarap balikan Ito ay ang paggunita sa nagdaan kasama ang mga kababata na madalas
Ang maligo sa ulan maligo kapag umuulan.
Ang kabataan.
7. Sa takip silim Ito ay tungkol sa pangyayari sa dapit-hapon na nag-iisip kung ano ang
Bukas ay umaga na maaring gawin sa kinakabukasan. Naglislista ng dapat asikasuhin.
Inaalala.
8. walang sasakyan Tungkol ito sa kasalukuyan nagaganap na halos walang masakyan na
Tila nakakabagot pampublikong dyip..nakakalungkot at nakakainip na walang
Walang pasyalan. mapuntahang magandang pasyalan.
9. ‘ Kala magaling Nagpapabatid na huwag masyadong mahangin upang hindi mapag-
Sa una lang pala ay usapan ng iba. Kung ano ang maaaring ibigay, ibigay ang buong
May ibubuga. makakaya.
10. Huwag pasilaw Halimbawa nalang sa relasyon hindi mo makikita ang tunay na katangian
Sa unang pagkikita ng isang tao sa unang pagkikita bagkus makikita ito habang tumatagal na
Baka ika’y magsisi. kay magtiwala ngunit maging mausisa.

HALIMBAWA NG TANAGA

1. Katutubong wika ay Sa mga bagong henerasyon sa kasalukuyan marapat lamang na ito’y


Dapat nating alamin ipahayag at ituro sa kanila upang mapabatid sa kanila ang panahon ng
Ito’y sumasalamin una nating “Alibata”
Noong panahon natin.
2. Makatang Pilipino Ang mga ambag ng mga manunulat ay isang bahagi ng ating kasaysayan
Ating ipagmalaki na binigyan ng pagkakataon mailabas ang saloobin upang mapabatid ang
Sa kanilang panulat kalagayan ng ating nkalipas na nagdaan.
Ating nagisnang muli.
3. Luntian na pananim Tumutukoy ito sa ating mga pangunahing pangangailangan ang pagkain
Sumasabay sa hangin ito ay ang palay na. Huwag natin sayangin dahil pagod at pawis ng ating
Laking pag-aalaga mga manggagawa magsasaka ang puhunan nila rito.
Ng ating magsasaka.
4. Mala rosas na ganda Ito ay tungkol sa isang binibini na may taglay kagandahan at ang pag-
Ating nkaikita at uugali niya ay masayin na hindi kakakitaan ng kalungkutan. Subalit ang

43
Ang kalooban niya mga ganitong katangian ay sinasabing magalaing matago ng problema
Puno ng komediya. nakakubli lamang ito sa kanyang mga pagtawa.
5. Ikaw ay niluklok na Ito ay nagmemensahe sa ating mahal na pangulo at mga kasaping
Magtaguyod sa bansa nagtataguyod ng ating pangkalahatang ekonomiya sa ating bansa. Na
Huwag kang mapapagod patuloy na sinusuong ang mga pagsubok magampanan lamang ang
Sa ating Inang Bayan. kanilang tungkulin. Ating ipabatid na maging malakas upang
masulosyunan ang mga kinakaharap pang suliranin.
6. Huwag sanang lumapit Ito’y tumutukoy sa isang magnanakaw na iba’t ibang tao ang
Ibon na mandaragit nabibiktima. Dinadagit ang bulsa ng walang kaalam-alam na may laman
Sa bulsang ninanais na salapi. Sa daraanan ng taong may salapi huwag sanang lumapit
Ito’y sikap ng pawis. sapagkat pagod at pawis ang puhunan upang ito’y makamit.
7. Sipag na mag-aangat Ito ay tumutukoy sa taong matiyaga at may pangarap sa buhay na ang
Sa mukha na may hangad bawat oras at panahon ay hindi sinasayang dahil sa taong may mithiin sa
Bawat oras lumipas buhay ay bawat Segundo ay mahalaga.
Mahalaga sa lahat.
8. Ang dalangin ko’y huwag Tungkol ito sa isang bata na lumaki sanang may galang at takot sa Diyos
Lumaki ng may yabang upang hindi maligaw ng kanyang landas na matuwa ang lahat. At
Bagkus mapagkumbaba. nakatapak ang mga paa sa lupa.
9. Huwag kang mapanlinlang Minsan sa sinasabi ng ating kapwa ay naniniwala tayo agad ngunit sa
Mga kilos mo’t galaw kanyang galaw nakabase ang lahat ng binanggit na salita na pawing
Ang makakapagsabi kasinungalingan ang lahat. Kaya huwag papalansi sa taong na iba ang
Ng iyong sinasabi. sinasabi sa ginagawa. Maging mapagmatiyag.

10. Ang respeto at galang Kung ano ang nakita ng musmos na bata na ginagawa at sinasabi ng mas
Sa mga matatanda nakakatanda ito’y iniisp nilang tama kaya ginagayang isalita at igawa.
Sapagkat ginagawa Kaya marapat ang mas nakakatanda ang huwaran ng bata upang maging
Batang nakakakita. mapagkumbaba sa mga susunod na kabataan.

Sipi ng pinagsaliksikan:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan

https://quizlet.com/328443019/uri-ng-tulang-patnigan-flash-cards/

https://quizlet.com/336968646/panulaan-3-flash-cards/

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-
tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html

https://twitter.com/terenscendent/status/1112189162080223234

44

You might also like