You are on page 1of 8

Ang batang iyon, higit sa lahat, ang nakatawag ng aking pansin, hindi

sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng panahong aming


ipinagkilala. Sa loob ng may dalawang linggo, ang batang yao’y isa
lamang sa animnapung batang aking kinakausap, tinatanong,
sinasagot, pinangangaralan, inaalo. Siya’y isa sa animnapung
nangakikilala ko sa ayos ng mukha lamang.
Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan kong
ang mukhang iyon na may kaitiman sa karaniwan, may ilong na sarat,
may bibig na makipot ngunit may makapal na labi at maamong mata
ay sa isang batang lalaking may walong taong gulang lamang at
nagngangalang Leoncio Santos.
Leoncio Santos! Yaon nga – ang pangalang yaon ang naging
palatandaan ko sa kanya upang tumayo, upang magsalita, upang
sumunod sa bawat iutos ko. Isa lamang siya sa animnapung bata na sa
loob ng limang araw sa sanlinggo at nakaharap ko sa tinuring silid. Isa
lamang sa pulutong na yaon na kung bagama’t nagkakaiba ay
ipinalalagay kong magkakawangki sa maraming bagay. Gaya
halimbawa sa karaniwang ugali ng mga batang makipagtuksuhan,
makipagbabag upang pagkatapos ay makipagkasundo.
Ang malaking ikinaiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay ang
kanyang pagkamaibigin sa pag-iisa. Ito’y aking napansin nang
lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan, kasabay ng
pagkakatanda kong may maitim na mukhang iyon, na may ilong na
sarat at may makipot na bibig at makapal na labi ngunit maamong
mata, ay tumutugon sa pangalang Leonio Santos. Sa isang paglalaro
ng mga bata sa loob ng bakuran ng paaralan ay nakita kong may
malaking ikinaiiba si Leonio Santos sa mga kapwa bata. Nakita ko
siyang titingin-tingin lamang sa mga naglalaro; hindi nakikiisa sa
pagsasaya’t pag-iingat ng ibang bata. Napuna ko siya at mula noo’y
pinag-ukulan ko ng panahon ang pagmamatyag sa batang iyon.
Nang una’y naisip kong marahil ay may karamdaman lamang si
Leoncio kung kaya ayaw makipaglaro sa mga kamag-aral. Ngunit sa
loob ng silid ay napansin ko namang wala siyang karamdaman. Ni
hindi man siya nagkukulang sa pagpasok upang hinuhain kong may
sakit niya. Araw-araw ay nakikita kong si Leoncio, sa oras ng
paglalaro, ay patingin-tingin lamangl ung minsa’y nakasandal sa puno
ng manggang nasa loob ng bakuran; kung minsa’y nakaupo sa damong
malamig at luntian.
“Baka kaya siya walang kabatian, a!” nasabi ko sa sarili samantalang
minamasid ang kaawa=awang anyong iyon na nakagilig sa puno ng
mangga. Bagama’t naniniwala ako sa kasabihan ang mga bata’y
madaling magkaunawaan, anuman ang kanilang mga wika, bumuko
naman sa aking dibdib ang pagtulong sa kanya nang hindi niya
namamalayan. Kinausap ko ang ilang batang kamag-aaral ni Leoncio.
Iminungkahi kong makipaglaro sila kay Leoncio, sapagkay ito’y
mabait, mapagbigay, at hindi magaso. Nangako naman ang mga bata
na tutuparin ang aking hiniling sa kanila.
Ngunit nang muli akong gumungaw sa aking silid, nang ipukol ko ang
aking paningin sa lilim ng punong mangga ay naroo’t nakahilig si
Leoncio Santos – na katulad ng dati. Hinanap ng aking paningin ang
mga batang kinausap ko at sila’y nakita kong masayang-masayang
nagsisipaglaro.
Nang sila’y muling mag-akyatan, ang mga bata’y tinatawag ko at sa
isang tinig na marahan ay ipinadama ko sa kanilang di nila ako
sinunod. Gaano ang aking pagtataka nang sabihin ng isa ang ganito.
“Amin nga po siyang tinwag upang maglaro – pinilit pa po namin, e
ayaw pong talaga.”
“Bakit daw? Hindi ba sinabi ang dahilan?” ani ko naman.
Hindi po. Basta’ ayaw pong sumali sa amin.”
Kaya’t nang sumusunod na araw, sa oras ng paglalaro ay tinawag ko
ang aking mga tinuturuan at sa kanila’y itinanong ko kung ako’y nais
nilang isali. Gayon na lamang ang katuwaan nila at sa isang kanila’y
itinanong ko kung ako’y nais nilang isali. Gayon na lamang ang
katuwaan nila at sa isang kisapmata’t napaligiran ako ng may
animnapung kaluluwang nananabik. Isang tingin lamang sa mga
nakapaligid na iyon – at tila ko na natitiyak na walang maliit na
batang aking hanap. At tunay nga sa umpukang yao’y wala si Leoncio.
Tinanaw ko siya, at nakita kong nakaupo sa damong malamig at
luntian na malapit sa bakod ng paaralan. Kinawayan ko siya.
Lumingin siya, tila nangangambang mayroon akong tinatawag sa
kanyang likuran, at nang makitang nag-iisa lamang siya sa damuhang
yaon ay tuminding. Nakita kong ibang-iba sa araniwang bata kung
siya’y tumindig.
Hindi siya mabilis gaya ng iba. Habulan ang iminungkahing laro ng
mga bata.Pusa’tdaga. Hahabulin ng pusa ang daga. Isang malaking
kabilugan ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng paghawak sa
kamat ng isa’t isa.
Isang batang nagngangalang Anselmo ang pinatupad ko ng tungkuling
pusa, at si Leoncio, na nais kong magsaya’t makipaglaro si Leoncio na
ayaw kong makitang ila isang matandang may mga alalahanin sa
buhay – ang pinatupad ko ng sa daga.
Sinimulan ko ang awiting dapat isaliw sa larong iyon. At limampu’t
walong tinig ang sumunod sa akin.
Nakita kong umakbong palingun-lingon si Leoncio na paligid-paligid
sa limampau’t walong kalaro, pumasok at lumabas sa kabilugan ng
magkakapit na mga kamay, muling tumakbong palayo sa mga kalaro.
Kitang-kita ko ang kanyang paghingal.
Mabilis ang sibad ni Anselmo. Nang halos aabutan na lamang ang
munting “daga-dagaan” ay parang isang tinig ang lahat sa paghiyaw ng
“Takbo! Takbo!” Muling lumingon si Leoncio at lalong binilisan ang
pagtakbo-at kitang-kita ko ang kanyang pagkarapa.
Lampang-lampa! Ito ang katotohanang natambad sa aking isipan.
Mula noon, madalas ko siyang kausapin pagkatapos ng klase.
“Leoncio,” ang madalas kong sabihin sa kanya, “mabuti sa bata ang
maglaro. Lalakas ang iyong katawan at darami ang iyong kaibigan.
Ayaw mo bang lumakas ka katulad ni Anselmo? Ayaw mo dumarami
ang iyong kaibigan?”
“Opo, Miss dela Rosa,” ang kanyang isinagot, “gusto ko po.”
At siya’y pinapangako kong makikipaglaro sa mga kamag-aral.
Datapwat sa tuwing ako’y dudungaw sa oras ng paglalaro ay nakikita
kong naroo’t nakasandal din sa puno ng mangga ang maliit na si
Leoncio, o kaya’y nakaupo sa damong malamig at luntian, nanonood,
nanonood na gaya ng dati. Pigilin ko ma’y di ko mapigil ang
malungkot sa kanyang anyo. Ngunit higit ang pagdaramdam na yaon
kung makita ko siyang dali-daling sumasali sa laro kapag ako’y
kanyang natatanaw.
Sa loob ng klase ay isa sa pinakamatalino si Leoncio Santos. Ang
totoo’y madali siyang makapangunguna sa lahat ng mga batang iyon
kung di lamang sa ilang bagay.
Ang ilang bagay na ito’y ang pangyayaring si Leonio’y madalas na tila
hindi nakikinig, madalas na tila walang malasakit sa nangyayari sa
paligid, at tila wala sa loob ang pag-aaral. Madalas na hindi masagot
ang isang katanungang hindi ko inulit. Siya’y iniupo ko sa gawing
unahan, ngunit gayon din ang inaasal niya.
Si Leoncio ay laging malinis – pati ang kanyang damit, bagaman ang
karamihan sa mga ito ay hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong
mahahaba at ang ilan ay maiikli naman – na tila pinagkalakhan.
Minsan noong hindi pa oras ng klase, si Leoncio ay napasukan kong
nakasubsob sa harap ng kanyang upuan. Nilapitan ko siya’t tinanong
kung inaantok, ngunit umiling siya nang bahagya ay tumindig sa
kanyang mabagal na gawi. Nang ako’y lumingon at nakita kong
palabas na siya sa silid. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong
pumatong sa damuhang malapit sa bakuran. Dumapa si Leonio sa
lamig at luntiang damuhan.
Higit na balisa si Leoncio nang hapong yaon. Ayaw makinig at tila
inaantok. Wala siyang nasagot sa aking mga tanong.
Sa pag-uuwian, ang dating mapag-isang Leoncio ay sumabay sa isang
batang lalaking nagngangalang Cesar. Tinanaw ko sila mula sa
pintuan ng bakuran. Nakita kong si Leoncio ay nakahawak sa bisig ni
Cesar at marahan ang kanilang lakad.
Isang araw na hindi pumasok si Leoncio. Walang makapagsabi kung
ano ang dahilan ng di niya pagpasok.
Nang siya’y pumasok nang sumunod na araw ay tinawag ko’t tinanong
ang dahilan ng di niya pagpasok.
“Nahilo po ako, Mis dela Rosa,” ang kanyang sagot.
“Ngayon ba’y hindi ka na nahihilo?” ang aking tanong. At ang sagot
niya’y hindi na raw.
“Sabihin mo sa iyong nanay,” ang aking patuloy, “na ikaw ay pakainin
niyang madalas ng mga gulay, itlog ng manok, at mga bungang-kahoy,
at painumin ng gatas na sariwa, hane?”
“Opo,” anya.
Anong lambot ng laman ni Leoncio sa kanyang payat na bisig.
Nang tanungin ko siya kung nasabi niya sa kanyang ina ang aking
ipinagbilin ay sinagot niya ako sa bahagyang tango.
“Ano ang sagot ng iyong nanay, Leoncio?” ang aking tanong
Tumingin siya sa akin nang ilang saglit, pagkatapos ay binawi ang mga
paningin, ipinako sa ibaba at sa isang maliit na tinig at sinagot ako ng:
“Wala po.”
May ilang buwan na ang nakaraan ay wala pa ring pagbabago akong
namamalas kay Leoncio. Maliban sa kasuotan niyang kung bagaman
palaging malinis ay parati rin namang may mga tanda ng kalumaan.
Lagi rin siya sa lilim ng punong mangga at sa damuhan kung oras ng
paglalaro.
Isa rin siya sa pinakamatalino sa klase, ngunit kailanma’y hindi
naguna dahilan sa kanyang pinagkaugaliang di pakikinig at di
pagsasaloob ng pag-aaral.
Payat parin ang kanyang maliit na katawan at makalawa na siyang
nahilo sa loob ng klase.
“Bakit, ayaw mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng
bungang-kahoy na sinasabi ko sa iyo?” ang minsa’y naitanong ko sa
kanya, “At ang gatas na sariwa?”
Aywan ko kung ako’y kanyang narinig, ngunit ako’y hindi niya sinagot.
Kinailangan kong ulitin ang mga katanungan bago niya ako tinugon ng
isang marahang iling.
“Bakit, hindi mo ba sinasabi sa iyong nanay na yao’y makabubuti sa
iyo?”
“Sinabi po.”
“Hindi ka ba niya ibinibili?”
At hindi naman siya sumagot. Ang kanyang paningi’y may
pinagkakaabalahan sa gawing lapag ng silid.
Sinapo ko ang kanyang baba at itinaas ko ang kanyang mukha, ngunit
ang maaamo niyang mata’y ayaw ititig sa akin.
“Hindi ka ba niya ibinibili, Leoncio?” ang aking ulit.
Sabay sa kanyang pag-iling ay may gumulong sa maitim niyang pisngi
na nagmula sa maaamo niyang mata.
Nang araw ring yaon, sa oras ng pagkakainan, tinanaw ko ang
paglalabasan ng aking animnapung tinuturuan. Sa hagdanan pa
lamang ay nakikita ko nang sa pook na binibilhan ng pagkain sila
nangakatanaw.
Tila mga kapalating nabulabog, ang animnapung ito’y nagkawatak-
watak. Ang karamiha’y patakbong tinungo ang pook ng bilihan ng
pagkainl ang ilan ay nagsitabing binubuksan ang maliliit na balutan ng
baon.
Patungo ako noon sa karatig na silid nang aking marinig ang salitaan
ng dalawang bata.
“Pirming walang baon ano?”
“Oo nga. At naku! Kung makatingin sa ating pagkain. Nakikita mo
ba?” ang ulo ngunit ang mata’y ayaw ititig, at mula sa mga yao’y…..
Nanaog ako. Hinanap ko siya. Nakita kong nakaatayo sa isang tabi.
Ang isang paa’y nakataas sa bakod na kinasasandalan, at sa isang paa
lamang nakatayo. Isang batang may kinakain tinapay ang malapit sa
kanya. At iyon ay kanyang tinitingnan.
Madali niyang tinungo ang isang palutong na nagsisipaglaro nang
ako’y makita. Ngunit siya’y tinawag ko at pinapanhik sa aming silid.
Napakamahiyain ni Leoncio Santos. Ako’y naggalit-galitan bago niya
pinaunlakan ang aking ipinagkakaloob.
Hindi ko natagalan ang natambad sa aking paningin. Ni ayaw ko nang
alalalahanin pa ngayon kung paano akong lumabas sa silid – sapagkat
di natagalan ang kanyang naging ayos.
May ilang araw nang hindi pumapasok si Leoncio. Kung makita ko ang
upuan walang laman ay para kong nakikita ang isang maitim na
mukhang may sarat na ilong, may makipot na bibig, makakapal na
labi, at may maaamong mata. Kung ako’y dumurungaw ay nakikita ko
sa lilim ng punong mangga, gayon din sa malamig at luntiang damo,
ang isang batang may walong taong gulang na titingin-tingin lamang –
sa paglalaro, sa pagkakainan.
Gaya ng una, walang makapagsabi kung bakit hindi pumapasok si
Leoncio.
Limang araw nang hiindi siya pumapasok nang ako’y summa sa
dalawang batang umuuwi sa dako ng tahan ni Leoncio.
Baku-bakong landas ang aming tinunton. Nakiraan kami sa loob ng
maraming bakuran. Nang dumatal kami sa kinaroroonan ng tahanan
ng dalawa kong kasama, sila’y pinauwi ko na at ako’y nagpatuloy nang
nag-iisa.
Malyu-layo rin ang aking nilakad buhat sa tahanan ng dalawang
batang sinamahan ko. Sa wakas ay nakita ko ang tahanan may bilang
na gaya ng nasa nsa aking talaan.
Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang sumagot sa aking
pagpapatao-po.
Pagbungad ko sa pintuan ay nakita ko ang malaon ko nang
pinangangambahang makita. Sa isang banig na nakalatag sa sahig ay
naroon ang munting katawan ni Leonio Santos.
“Ang titser,” anya nang ako’y makita.
“Halikayo, maestra,” anang babaeng nagpatuloy sa akin, “salamat at
inyong nadalaw ang aking anak. Halikayo, dito kayo maupo,” at
nagpalinga-linga tila may hinahanap na luklukan.
Madaling lumabas at nang pumasok ay may dala nang upuan, ngunit
ako’y nakaupo na sa sahig at hinahaplos ang noo ni Leoncio.
“Naku maestra, huwag diyan. Dito, dito kayo umupo,” anang babaeng
nagpupumilit. “Kahiya-hiya sa inyo. Hindi kayo sanay….”
“Huwag! Huwag ninyong sabihin ako’y ….sanay po, sanay!” At aking
tinig ay nagbago. May humalang sa aking lalamunan.
“Napatingnan na po ba ninyo siya sa manggagamot?”
Hinaplos-haplos niya ang ulo ng maysakit bago siya tumugon.
“Hindi po. Paano po’y… Alam ninyo, may kapitbahay kami riyang
nagsasabing dinikdik na murang dahon ng bayabas ay mabuti,
gayundin ang pagtatapal ng dahon ng ikmo….”
Di ko gaanong napakinggan ang sinabi ng aking kausap. Paano’y
sinisisi ko ang aking sarili sa pagkakatanong ng gayon.
Lubog na ang araw nnang aking ipukol ang mga paningin sa gawing
durungawan.
“Leoncio,” ang sabi ko sa maysakit, “magpapagaling kang madali.
Kainin mo itong dala ko sa iyo, hane? Pagpasok mo’y mayroon akong
ipakikita sa iyo.”
Ako’y inihatid ng kanyang ina hanggang sa may hagdanan. Ako’y
inihatid ng kanyang mga matang lalong umamo sa pagkakatitig.
Napakamahiyain ang ina ni Leoncio. Ako’y naggalit-galitan bago niya
pinaunlakan ang aking ipinagkakaloob.
Ngunit sa kanyang pagpapaunlak ay nakita kong aking nasaling ang
isang pusong sugatan.
Sa may hagdanang iyon, sa tinig na basag at paputol-putol ay inilantad
niya sa aking paningin ang sanhi ng kahiwagaan ni Leoncio….
…pamahalaan….pag-aalsa…. Bulag na pagsunod…ama ni Leoncio…
nadaya….mapagpanggap na lider… bilangguan…apat na taon na…
Leoncio…Leoncio…”
Iyang mga katagang iyan ang nagbabagang katotohanang nag-iwan ng
bakas sa aking kaluluwa.
Napatotohanan ko ang kasabihang kung kailan maraming sasabihin
ang isang tao ay saka siya walang masabi. Nagumapaw sa aking puso
ang isang damdaming ayaw magpagalaw sa aking labi.
“Adyos po. Dahan-dahan kayo … mahina na ang hagdanang iyan.
Salamat po, maestra. Adyos po!”
Humakbang na ako sa tarangkahan.
“Inay, umalis na ba ang titse? Ang sarap ng kanyang dala. Halina
kayo… di pa kayo nanananghali, a!”
Sa kadiliman ng landas na aking tinatahak ay nakita ko ang isang
batang wawalong taong gulang, maitim sa karanwian, sarat ang ilong,
makipot ang bibig na may makapal na labi, maaamo ang mata, na
tinatanong ko ng:
“Bakit, ayaw mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng
bungang-kahoy na sinabi ko sa iyo? At ang gatas na sariwa?”

You might also like