You are on page 1of 12

Walong Taong Gulang

Ni Genoveva D. Edroza

Ang batang iyon, higit sa lahat, ang nakatawag ng aking pansin, hindi sa una pa lamang malas
kundi sa tinagal-tagal ng panahong aming ipinagkilala. Sa loob ng may dalawang linggo, ang
batang yao'y isa lamang sa animnapung batang aking kinakausap, tinatanong, sinasagot,
pinangangaralan, inaalo. Siya'y isa sa animnapung nangakikilala ko sa ayos ngmukha lamang.

Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan kong ang mukhang iyon na may
kaitiman sa karaniwan, may sarat na ilong, may bibig na makipot ngunit may makapal na labi

at may maaamong mata ay isang batanglalaking may walong taong gulanglamang at


nagngangalang LeoncioSantos.

Leoncio Santos! Yaon ngang pangalang yaon ang naging palatandaan ko sa kanya upang
tumayo, upang magsalita, upang sumunod sa bawat inuutos ko. Isa lamang siya sa animnapung
bata na sa loob ng limang araw sa sanlinggo ay nakakaharap ko sa tinurang silid. Isa lamang sa
pulutong na yaon na kung bagamat nagkakaiba ay ipinalalagay kong magkakawangki sa
maraming nagay. Gaya hałimbawa sa karaniwang ugali ng mga batang makipagtuksuhan,
makipagbabag upang pagkatapos aymakipagkasundo.

Ang malaking ikinaiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay ang kanyang pagkamaibigin sa pag-
isa. Ito'y aking napansin nang lumalakad na ang ikatong buwan ng pasukan, kasabay, ng
Pagkakatanda Ko na ang may maitim na mukhang iyon na may sarat na ilong atmayolpgna
makpotatmakakapal na labi ngunit may maaamong mata ay tumutugon Sa pangalang Leoncio
Santos.

Sa isang paglalaro ng mga bata sa loob ng bakuran ng paaralan ay nakita kong may malaking
ikinaiiba si Leoncio Santos sa mga kapwa bata. Nakita ko siyang titingin-tingin lamang sa mga
naglalaro; hindi nakikiisa sa pagsasaya't pag-iingay ng mga ibang

bata. Napuna ko siya at mula noo'y pinag-ukulan ko ng panahon ang pagsubaybay sa batang
iyon.
Nang unay naisip kong marahil ay may karamdaman lamang Leoncio kung kaya ayaw
makipaglaro sa mga kamag-aaral. Ngunit sa loob ng silid ay napansin ko namang wala siyang
karamdaman pang namang wala siyang karamdaman. Ni hindi man siya nagkukulang sa
pagpasok hinuhain kong si Leoncio ay may sakit.

Araw-araw ay nakikita kong si Leoncio, sa oras ng paglalaro, ay ng patingin-tingin kung lamang:


kung minsa' y nakasandal sa puno ng manggang nasa minsa'y nakaupo sa damong malamig at
luntian.

"Baka kaya siya walang kabatian, a, "ang nasabi ko sa sarili samantalang minamasid ang kaawa-
awang anyong iyon na nakahilig sa punong mangga. Bagamat naniniwala ako sa palasak na
kasabihang ang mga bata' y madaling magkaunawaa, ako ang kanilang wika, bumuko naman sa
aking dibdib ang pagtulong sa kanya nang hindi niya mamamalayan. Kinausap ko ang may ilang
batang kamag-aaral ni Leoncio, minungkahi kong makipaglaro sila kay Leoncio, sapagkat ito y
mabait, mapagbigay at hindi magaso. Nangako naman ang mga bata na tutuparin ang aking
hiniling sa kanila.

Ngunit nang muli akong dumungaw sa aking silid, nang ipukol ko ang aking paningin sa lilim ng
punong mangga ay naroo't nakahilig si Leoncio Santos na katulad nang dati. Hinanap ng aking
paningin ang mga batang kinausap ko at sila'y nakita kong masayang-masayang nagsisipaglaro.

Nang sila'y muling mag-akyatan, ang mga bata'y tinawag ko at sa isang tinig na marahan ay
ipinadama ko sa kanilang hindi nila ako, sinunod. Gaano ang aking pagtataka nang sabihin ng isa
ang ganito: "Amin nga po siyang tinawag upang maglaro pinilit pa po namin, e ayaw pong
talaga."

"Bakit daw? Hindi ba sinabi ang dahilan?" aniko naman.

"Hindi po. Bastat ayaw pong sumali sa amin"

Kayat nang sumunod na araw, sa oras ng paglalaro, ay tinawag ko ang aking mga tinuturuan at
sa kanilay itinanong ko kung ako'y nais nilang isali. Gayon na lamang ang katuwaan at sa isang
kisapmata ay napaligiran ako ng may animnapung kaluluwang nananabik. Isang tingin lamang
sa mganakapaligid na iyon at tila ko na natitiyak ko na wala ang maliit na batang aking hanap. At
tunay nga--sa umpukang yao'y wala si Leoncio.

Tinanaw ko siya, at nakita kong nakaupo sa damong malamig at luntian na malapit sa bakod ng
paaralan. Kinawayan ko siya. Lumingon siyang tila nang nangangambang mayroon akong
tinatawag sa kanyang likuran, at nang makitang nag-iisa lamang damuhang yaon ay tumindig.
Nakita kong ibang-iba sa karaniwang bata kung siya'y tumindig. Hindi siya mabilis na gayang iba.
Habulan ang iminungkahing laro ng bate. Pusa at daga. Habulan ng pusa ang daga. Isang
malaking bilog ang ginawa ng mga bata sapamamagitan ng paghawak sa kamay ng isa't isa.

Isang batang nagngangalang Anselmo ang pinatupad ko ng tungkuling pusa, at si Leoncio, na


nais kong magsaya't makipaglaro, si Leoncio na ayaw kong makitang tila isang matandang may
alalahanin sa buhay, ang pinatupad ko ng sa daga.

Sinimulan ko ang awiting dapat isaliw sa larong iyon. At limampu't walong tinig ang sumunod sa
akin.

Nakita kong tumakbong palingun-lingon si Leoncio na paligid-ligid sa limampu't walong


kalaro,pumasok at lumabas sa kabilugan ng magkakapit na mga kamay, muling tumakbong
palayo sa mga kalaro. Kitang-kita ko ang kanyang paghingal.Mabilis ang sibad ni Anselmo. Nang
halos aabutan na lamang ang munting daga-dagaan ay parang isang tinig ang pahiyaw na
nagsabing, "Takbo! Takbo!" Muling lumingon si Leoncio at lalong binilisan ang pagtakbo-at
kitang-kita ko ang kanyang pagkaripas.

Lamampang-lampa! Di sanay maglaro! Ito ang katotohanang natambad sa akingisipan.Mula


noon, madalas ko siyang kausapin pagkatapos ng klase.

"Leoncio," ang madalas kong sabihin sa kanya, "mabuti sa bata ang naglalaro.

Lalakas ang iyong katawan at darami ang iyong kaibigan. Ayaw mo bang lumakas Ka

-katulad ni Anselmo? Ayaw mo bang dumami ang iyong kaibigan?"

"Opo, Miss de la Rosa," ang kanyang isinagot, "gusto ko po."


At siya'y pinapangako kong makikipaglaro sa mga kamag-aaral.Datapwat sa tuwing ako'y
durungaw sa oras ng paglalaro ay nakikita kong naroo't nakasandal din sa puno ng mangga ang
maliit na si Leoncio, o kaya y nakaupo sa damong malamig at luntian, nanonooa, nanonood na
8aya nang dati. Pigilan ko ma'y di mapigil ang pagkalungkot sa kanyang anyo. Ngunit higit ang
pagdaramdam naraon kung makita ko siyang dali-daling sumasali sa laro Kapag ako'y
natatanaw.

Sa loob ng klase ay isa sa pinakamatalino si Leoncio Santos. Ang totoo'y madali siyang
makapangunguna sa lahat ng mga batang iyon kung di lamang sa ilang bagay. Ang ilang bagay
na ito'y ang pangyayaring si Leoncio ay madalas na tila hindi nakikinig, madalas na tila
walangmalasakit attila wala sa loob angpag-aaral. Madalas na hindi masagot angisang
katanungang hindi ko inult. Siya'y iniupo ko sa gawingunahan, ngunit gayon din ang inaasal
niya.

Si Leoncio ay laging malinis pati kanyang damit, bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi
agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli naman, na tila
pinagkalakhan.

Minsan noong hindi pa oras ng klase, si Leoncio ay napasukan kong nakasubsobsa harap ng
kanyang upuan. Nilapitan ko siya at tinanong kung inaantok, ngunit umiling siya nang bahagya
at tumindig sa kanyang mabagal na gawi. Nang ako'y lumingon, nakita kong palabas siya sa silid.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumunta sa damuhang malapit sa bakuran, Dumapa si
Leoncio sa malamig at luntiang damo.

Higit na balisa si Leoncio nang hapong iyon. Ayaw makinig at tila inaantok siyang nasagot sa
aking mga tanong Sa pag-uuwian, ang dating mapag-isang si Leoncio ay sumabay sa batang

lalaking nangangalang Cesar. Tinanaw ko sila mula sa pintuan ng bakuran. Nakita kong si
Leoncio ay nakahawak sa bisig ni Cesar at marahan ang kanilang lakad Isang araw na hindi
pumasok si Leoncio, Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng di niya pagpasok. Nang
siya'y dumating nang sumunod na araw ay tinawag ko at tinanong ang dahilan ng di niya
pagpasok.

"Nahilo po ako, Miss de la Rosa, ang kanyang sabi.

"Ngayon ba'y hindi ka na nahihilo?" ang aking tanong

At ang sagot niya'y hindi raw."Sabihin mo sa iyong nanay," ang aking patuloy, "na ikaw ay
Pakanin niyang

madalas ng gulay, itlog ng manok at mga bungangkahoy at painumin gatas na

sariwa, hane?

"Opo" , anya.

Anong lambot ng laman ni Leoncio sa kanyang yayat na bisig.Nang tanungin ko siya kung nasabi
niya sa kanyang ina ang aking ipinagbilin sinagot niya ako ng Isang bahagyang tango.

"Ano ang sagot ng iyong nanay, Leoncio" ? ang aking tanong.

Tumingin siya sa akin nang isang saglit, pagkatapos ay binawi ang mga mata,pinako sa ibaba at
sa isang maliit na tinig ay sinagot ako ng: "Wala po."

May ilang buwan na ang nakaraan ay wala paring pagbabago akong namamalaskay Leoncio.
Maliban sa suot niyang kung bagaman malinis ay parati rin namang may tanda ng kalumaan.

Lagi rin siya sa lilim ng punong mangga at sa damuhan kung oras ng paglalaro.
Isa rin siya sa pinakamatatalino sa klase ngunit kailan ma' y hindi nanguna dahil sa kanyang
pinagkaugaliang di pakikinig at di pagsasaloob sa pag-aaral.Yayat pa rin ang kanyang maliit na
katawan at makalawa na siyang nahilo sa loob ng klase

"Bakit, ayaw mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng bungang kahoy

na sinabi ko sa iyo?" ang minsa'y naitanong ko sa kanya. "At ang gatas na sariwa"

Aywan ko kung ako'y kanyang narinig, ngunit ako'y hindi niya salsinagot

Kinailangan kong ulitin ang mga katanungan bago niya ako tinugon ng isang marahang iling.

"Bakit, hindi mo ba sinabi sa iyong nanay na yao'y makabubuti sa iyo"

"Sinabi po."

"Hindi ka ba niya ibinili?

Muli siyang nindi sumagot. Ang kanyang paningi'y may pinagkakaabalanan sa sahig ng silid.

Sinapo ko ang kanyang baba at itinaas ko ang kanyang mukha.Isinunod niya ang pagtaas ng
kanyang mukha, ngunit ang maamo niyang mata'y ayaw ititig sa akin.

Hindi ka ba niya ibinili, Leoncio?" ang aking ulit.


Sabay sa kanyang pag-iling ay may gumulong sa maitim niyang pisngi na nagmula sa maamo
niyang mata.

Nang araw ding yaon, sa oras ng pagkakainan... Tinanaw ko ang paglalabasan ng aking
animnapung tinuturuan. Sa hagdanan pa lamang ay nakita ko nang sa pook na binibilhan ng
pagkain sila nangakatanaw. Tila mga kalapating nabulabog, ang animnapung ito'y nagkawatak-
watak. Ang karamiha'y patakbong tumungo sa pook na bilihan ng pagkain, ang ilan ay
nagsitabing binubuksan ang maliliit na balutan ng baon.

Patungo ako sa karatig na silid nang aking marinig ang salitaan ng dalawangbata.

"Pirming walang baon, ano?"

"Oo nga, at naku! Kung makatingin sa ating pagkain! Nakikita mo ba?"

Biglang pumasok sa aking isipan ang isang munting batang walong taong gulang na nakataas sa
akin ang ulo ngunit ang mata'y ayaw ititig at mula sa mga yao'y.

Nanaog ako. Hinanap ko siya. Nakita kong nakatayo sa isang tabi. Ang isang paa'y nakataas sa
bakod na kinasasandalan, at sa isang paa lamang nakatayo. Isang batang may kinakaing tinapay
ang malapit sa kanya. At iyon ay kanyang tinitingnan Madaling tinungo ang isang pulutong ng
nagsisipaglaro nang ako'y makita. Ngunit siya'y tinawag ko at pinapanhik sa aking silid.
Napakamahiyain ni Leoncio Santos. Ako y naggalit-galitan bago niya pinaunlakan
ang aking ipinagkaloob.

Hindi ko natagalan ang natambad sa aking paningin. Ni ayaw ko nang alalahanin pa ngayon
kung paano akong lumabas sa silid-sapagkat di matagalan ang kanyang naging ayos.

May ilang raw nang hindi pumapasok si Leoncio. Kung makita ko ang upuang walang tao ay para
kong nakikita ang isang maitim na mukhang may sarat na ilong may makipot na bibig at
makakapal na labi at may maaamong mata. Kung ako'y dumurungaw ay nakikita ko sa lilim ng
punong mangga, gayon din sa malamig at luntiang damo, ang isang batangmay walong taong
gulang na titingin-tingin lamang

-sa paglalaro, sa pagkakainan.

Gaya ng una, walang makapagsabi kung bakit hindi pumapasok si Leoncio. Limang araw nang
hindi siya pumapasok nang ako'y sumama sa dalawang batang umuuwi sa dako ng tahanan ni
Leoncio. Baku-bakong landas ang aming tinunton. Nakiraan kami sa maraming bakuran

Nang dumating kami sa kinaroonan ng tahanan ng dalawa kong kasama, sila'y pinauwi ko na at
ako' y nagpatuloy ng nag-iisa.

Malayu-layo rin ang aking nilakad buhat sa tahanan ng dalawang batangsinamahan ko. Sa
wakas ay nakita ko ang tahanang may bilang na gaya ng nasa talaan.

Isang babaeng nasa katanghalian ng buhay ang sumagot sa aking pagpapataopo.


Pagbungad ko sa pintuan ay nakita ko ang malaon ko nang pinangangambahang makita. Sa
isang banig na nakalatag sa sahig ay naroon ang munting katawan ni Leoncio

Santos.

"Ang titser," anya nang ako'y makita.

"Halikayo, maestra," anang babaeng nagpatuloy sa akin. " Salamat at inyong nadalaw ang aking
anak". Halikayo, dito kayo maupo," at nagpalinga-linga tila mayhinahanap na luklukan.

Madaling lumabas at nang pumasok ay may dala nang upuan, ngunit ako'ynakaupo na sa sahig
at hinahaplos ang noo ni Leoncio.

"Naku, maestra, huwag diyan. Dito, dito kayo maupo, anang babaeng nagpupumilit. "Kahiya-
hiya sa inyo. Hindi kayo sanay"

"Huwag, huwag ninyong sabihing ako'y... sanay po, sanay!

At ang aking tinig ay nagbago. May humalang sa aking lalamunan.

""Napatingnan na po ba ninyo sa manggagamot?"

Hinaplus-haplos niya ang ulo ng maysakit bago siya tumugon.

"Hindi po. Paano po'y..Alam ninyo, may kapitbahay kami riyang nagsabing ang dinikdik na
murang dahon ng bayabas ay mabuti, gayon din ang pagtatapal ng dahon ng ikmo ."

Hindi ko gaanong napakinggan ang sinasabi ng aking kausap. Paano'y sinisisi ko ang aking sarili
sa pagkakatanong nang gayon.
Lubog na ang araw nang aking ipukol ang mga paningin sa gawing durungawan.

"Leoncio," ang sabi ko sa maysakit. "Magpagaling kang madali. Kanin mo itong

dala ko sa iyo, hane? Pagpasok mo'y mayroon akong ipakikita sa iyo.

Ako'y inihatid ng kanyang ina hanggang sa may hagdanan. Ako'y inihatid ng kanyang mga
matang lalong umamo sa pagkakatitig.

Napakamahiyain ng ina ni Leoncio, Ako'y naggalit-galitan bago niya napaunlakan ang aking
ipinagkaloob.

Ngunit sa kanyang pagpapaunlak ay nakita kong nasaling ko ang isang pusong sugata.

"...Pamanalaan pag-aalsa ...bulag na pagsunod ama ni Leoncio...nadaya...mapagpanngap na


lider... bilangguan... apat na taon na...Leoncio...Leoncio..."

Ang salitang iyan ang nagbabagang katotohanang nag-iwan ng bakas sa aking kaluluwa.

Napatotohanan ko ang kasabihang kung kailan maraming sasabihin ang tao ay saka siya walang
masabi. Nag-umapaw sa aking puso ang isang damdaming ayaw magpagalaw sa aking mga labi.

"Adyos po. Dahan-dahan kayo. mahina na ang hagdanang iyan. Salamat po,maestra. Adyos po"

Humakbang na ako sa tarangkahan.

"Inay, umalis na ba ang titser? Ang sarap ng kanyang dala. Halina kayo, di pa kayo nanananghali,
a!"

Sa kadiliman ng landas na aking tinatahak ay nakikita ko ang isang batang wawalong taong
gulang, maitim sa karaniwan, sarat ang ilong, makipot ang bibig na may makakapal na labi,
maamo ang mata, na tinatanong ko ng:

"Bakit, ayaw mo ba ang gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng bungangkahoy


na sinabi ko sa iyo? At ang gatas na sariwa"

You might also like