You are on page 1of 23

Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Fil 111- Barayti at Baryasyon ng Wika

Gurong Nagsasanay: Allisa Niña B. Lugo Taon at Seksyon: BSED Filipino 1-2
Gurong Tagapagmasid: G. John Nerie P. Gentallan Petsa at Oras: April 1, 2022
8:30 – 11:30

I. Layunin:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
A. Nalalaman ang mga kaugnay na konsepto sa pag-aaral ng Varayti ng
Wika;
B. Naibabahagi sa klase ang kahalagahan sa pag-aaral sa mga kaugnay na
konsepto sa pag-aaral ng Varayti ng Wika; at
C. Nakagagawa ng isang tula na nagpapatungkol sa natutunan sa paksang
tinalakay.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Kaugnay na Konsepto sa Pag-aaral ng Varayti ng wika
B. Sanggunian: Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon p1-8
https://www.scribd.com/presentation/530862762/Pluralidad-Tungo-Sa-
Identidad-Ang-Varayti-Ng-Wikang-Filipino-Sa-Pagbuo-Ng-Wika-at-
Kamalayang-Pambansa
https://www.scribd.com/doc/147232061/KOMUNIKASYON-SA-
AKADEMIKONG-FILIPINO
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation
D. Halagang Pangkatauhan: Naibabahagi sa klase ang kahalagahan ng mga
kaugnay na konsepto sa pag-aaral ng Varayti ng Wika sa pang araw-araw
na pamumuhay ng tao
E. Kasanayan: Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabahagi
ng kanilang ideya o opinion hinggil sa paksa.

III. Estratehiya
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda
 Maghanda ang lahat para sa
panalangin. Pangunahan mo
Bb. _____  Sa ngalan ng ama, ng anak…
 Magandang umaga sa lahat!  Magandang umaga po Ma’am!

 Monitor paki-tsek ang


attendance ng mga dumalo sa
ating virtual class at itala ang
listahan ng mga lumiban.  Opo Ma’am
Pakibigay ito sa akin mamaya

 Bago natin sisimulan ang


ating mga gagawin sa araw
na ito ay hayaan muna Ninyo
akong ipakilala ang aking
sarili. Akon ga pala si Bb.
Allisa Niña B. Lugo,
dalawampu’t dalawang taong
gulang, mula sa lungsod ng
San Isidro, at kasalukuyang
nasa ika- apat na taon ng
kursong Batselyer sa
Sekondarya medyor sa
Filipino. Ako ang isa sa
inyong mga gurong
nagsasanay sa asignaturang
Fil 111 Barayti at Baryasyon  Mabuti naman po
ng Wika.

 Kumusta ang araw ninyo


ngayon?

 Mabuti naman kung ganon.  Ang ipinagawa sa amin ni G.


Ngayon ay magkakaroon tayo Gentallan noong nakaraan ay
ng pagbabalik-aral. Mayroon ipinasaliksik niya ang sa amin
bang ipinagawa sa inyo si ang Wikang Filipino bilang
Ginoong Gentallan noong konsepto at mga Barayti ng Wika
nakaraan? Ano iyon G. ___
 Opo Ma’am!

 Maraming Salamat. Ginawa ba


ninyo ito?

 Mabuti naman kung ganon,


natitiyak ko na handa na kayo
sa ating gagawing
pagtatalakay.

B. Pagganyak

 Ngunit bago tayo magsimula


sa ating pormal na talakayan  Dayalek, Sosyolek, Idyolek at
ay mayroon muna akong Register
ipapasagot sa inyo. Mag-
uunahan kayo sa pagsagot.
(Ipapakita sa screen ang
tanong)
 Ano ang mga sagot Bb. ____?
 Ang tatalakayin po natin ngayon
ay patungkol sa mga kaugnay na
 Tama! Magaling Bb. ____ konsepto ng Varayti ng Wika.

 Ngayon ay may ideya na ba


kayo sa kung ano ang ating
tatalakayin ngayon? Bb. ____

 Tama ka Bb. ______  (Binasa ang mga layuning


nakalahad sa screen)
C. Paglalahad

 Narito ang ating mga layunin


para sa tagpong ito. Maaari
 Opo Ma’am
bang basahin ng sabay-sabay

 Makakamtan lamang natin ang


lahat na ito kapag ang lahat ay
may PPR. Pakikinig,
Partisipasyon at Respeto sa
isa’t isa. Maliwanag ba?

D. Pagtatalakay
 Ang paksang tatalakayin natin
ngayon ay tungkol sa Mga
Kaugnay na Konsepto sa Pag-
aaral ng Varayti ng Wika.
Nabubuhay tayo sa daigdig ng
mga salita (Fromkin at
Rodman, 1983). Mula sa
paggising sa umaga
patungong pagtulog sa gabi,
nagsasalita tayo dahil
nakikipag-usap tayo. May mga
taong kumakausap sa hayop,  (Babasahin ang nakapaskil sa
may mga taong kahit natutulog screen)
ay nagsasalita. Kinakausap din
natin ang ating sarili sa ating
pag-iisa o kahit may kaharap
na iba pang tao. Ngunit ano
nga ba ang Wika? Maari bang
basahin G.____ ang mga
sumusunod na depinisyon?

 Maraming salamat Ginoo,


Ayon kay Edward Sapir, ang
wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin. Ibig
sabihin na ang paggamit ng  Ang paraang arbitraryo ay ang
wika ay isang natural na mga tunog na binibigkas na pinili
kapamaraanan ng tao sa para layunin at gamit ng
pagbabahagi ng kanyang nagsasalita o gumagamit.
mensahe. Ayon naman kay
Gleason, ang wika ay
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang
arbitraryo. Ano ang ibig sabihin
ng paraang arbitraryo Bb.
___?

 Tama! Magaling Bb. ____. Ang  Opo Ma’am


paraang arbitraryo ay hindi
pagtunton sa katwiran o
anumang sistema ng
pagpapasya, kung kaya
nakakabuo ang mga tao ng
iba’t ibang salita na sila
lamang ang nagkakaunawaan.
Halimbawa nito ay ang
salitang “tsibog na” ana ibig
sabihin ay kakain na.
Naiintindihan ba kung ano ang
paraang arbitraryo?

 Mabuti naman, ngayon ay


dumako naman tayo kay Todd
(1987), para sa kanya ang
wika ay isang set o kabuuan
ng mga sagisag na ginagamit
sa komunikasyon. Ang wikang
ginagamit ng tao ay hindi  Ibig sabihin po nito ay binubuo
lamang binibigkas na tunog ng mga tinuhog na tunog na
kundi ito’y sinusulat din. Ibig pamilyar at alam ng gumagamit.
sabihin na ang wika ay hindi
lang sinasalita ngunit maaari
rin itong isulat o nakasulat.

 Kasunod ay ang kahulugan ng


wika. Ang wika ay isang  (Babasahin ang nasa screen)
sistema, ibig sabihin may
konsistensi o may sinusunod
na patern. Ito ay binubuo ng
mga arbitraryong simbolo ng
mga tunog. Ano ang ibig
sabihin nito G. ___?

 Napakagaling mo G. ___.
Ngayon ay dumako naman
tayo sa kalikasan ng wika.
Maaari bang basahin ang nasa
screen Bb. _?

 Ayon kay Austero, et al. (1999)


ang kalikasan ng wika ay
pinagsama-samang tunog na
nauunawaan ng mga
tagagamit nito na kapag
tinuhog ay nakabubuo ng
salita. Ito ay may dalang
kahulugan kung saan bawat
salita ay may taglay na
kahulugan sa kanyang sarili
lalo’t higit kung ginagamit na
sa pangungusap. Ito ay may
ispeling o baybay at may
gramatikal istraktur na binubuo
ng ponolohiya at morpolohiya,
sentaks, semantics at
pragmatiks. Ang wika rin daw
ay sistemang oral-awral na
kung saan ito ay sistemang
sensura sa paraang pasalita
(oral), at pakikinig (awral). Ang
dalawang mahalagang organo  Wala na po ma’am.
na binubuo ng bibig at tainga
ang nagbibigay-hugis sa mga
tunog na napapakinggan.
Nasa kalikasan din ng wika
ang pagkawala o ekstinksyon
ng wika na maaaring mawala
ang wika kapag di nagagamit o  (Babasahin ang nasa screen)
wala ng gumagamit at
panghuling kalikasan ng wika
ay ito ay iba-iba, diversifayd at
pangkatutubo o indijenus sa
kadahilanang iba-ibang
kulturang pinagmulan ng lahi
ng tao.
 Naiintindihan ba ang kalikasan
ng wika? May mga
katanungan ba tungkol dito?

 Mabuti naman kung ganun


dahil sa palagay ko ay madali
lang naman intindihin ang
kalikasan ng wika. Kung kaya
ngayon ay dumako naman
tayo sa katangian ng wika.
Maaari bang basahin Bb. ___?

 Maraming salamat Bb. ___.


Ayon kay Austero ang wika ay
dinamiko/buhay dahil patuloy
itong dumarami,
nadaragdagan at umuunlad.
Ang wika rin daw ay may lebel
o antas sapagkat may wikang
batay sa gamit ay tinatawag na  Dahil ang bawat
formal at di-formal, pang- disiplina/propesyon ay may
edukado, balbal, kolokyal, partikular na wikang ginagamit.
lalawiganin, pansyensya at
pampanitikan. Ayon pa rin kay
Austero ang wika ay
komunikasyon at natatangi
dahil ang tunay na wika ay
sinasalita at bawat wika ay
may kaibahan sa ibang wika.
Magkabuhol din daw ang wika
at kultura, dahil anuman ang
umiiral sa kultura ng isang
lipunan, ay masasalamin sa
wikang ginagamit ng nasabing  (Babasahin ang nasa screen)
lipunan at ang panghuli, ang
wika ay gamit sa lahat ng uri
ng disiplina/propesyon.

 Para sa inyo bakit gamit ang


wika sa lahat ng disiplina o
propesyon Bb. ____?

 Tumpak! Magaling Bb. ___.


Gamit ang wika sa lahat ng
disiplina dahil bawat disiplina
ay may particular na wikang
ginagamit, kung kaya may
mga particular na rejister na
lumalabas o nabubuo.

 Ngayon ay dumako naman


tayo sa pangunahing gamit ng  Opo Ma’am
wika. G. ___ anu-ano ang mga
pangunahing gamit wika
maaari mo bang basahin?
 Wala po Ma’am

 Maraming salamat G. ___.


Ang pangunahing gamit ng
wika ay una pagpapangalan o
Labeling kung saan mas
napapadali ang
pakikipagkomunikasyon kung  (Babasahin ang nasa screen)
may tiyak na panawag sa mga
bagay na nasa paligid natin.
Pangalawang gamit ay
Interaksiyon kung saan ito ay
nakapokus sa pagbabahagian
o pagpapalitan ng mga
saloobin, ideya at iba pa.
Pangatlo ay ang Transmisyon
dahil walang katapusan ang
pagsasalin o pagpapasa ng
mga impormasyon.

 Naiintindihan ba ang mga


pangunahing gamit ng wika?

 Mayroon bang mga


klaripikasyon patungkol dito?

 Okay, kung wala ay dadako na


naman tayo sa kahalagahan
ng wika. Maaari bang basahin
kung ano ang mga
kahalagahan ng wika G.
_____?

 Maraming Salamat G. ___.


Ayon kina Buenseuceso, et al.
(1996) ang mga kahalagahan
ng wika ay una, behikulo ng
kaisipan o tagapaghatid ng
mga ideya o kaisipan na
nagsisilbing tulay ng
pagkakaunawaan ng bawat
indibidwal o grupo man.
Pangalawa, ang wika ay daan
tungo sa puso ng isang tao, ito
ay tagapaghatid ng mga
mensaheng pangkaibigan o
pakikipaglagayang loob.
Pangatlo, ang wika ay
nagbibigay ng mga kautusan o
nagpapakilala sa tungkulin at
katayuan sa lipunan ng
nagsasalita, ibig sabihin na sa
pamamagitan ng wikang
ginagamit ng isang tao
makikilala kung nasa anong
posisyon o istatus ng buhay
mayroon ang nagsasalita.
Pang-apat, ang wika ay
kasasalaminan ng kultura ng
isang lahi, maging ng kanilang  Opo Ma’am.
karanasan. Pang-lima, Ang
wika ay pagkakakilanlan ng
bawat pangkat o grupong
gumagamit ng kakaibang mga
salitang hindi laganap. Pang-  Dahil kahit na maraming
anim, Ang wika ay luklukan ng lenggwahe ang mga tao sa ating
panitikan sa kanyang bansa ay mayroon naman
artistikong gamit dahil sa tayong Lingua Franca na
pamamagitan ng wika ay naiintindihan ng lahat ng tao sa
naipahahayag ang yamang- loob ng ating bansa.
isip ng bawat pangkat.
Pangpito, ang wika ay
kasangkapan sa pag-aaral ng
kultura ng ibang lahi, ibig
sabihin na wika ang dahilan
kung bakit napag-aralan ang
kultura ng iba’t ibang pangkat
kahit nasa malayo man silang
lugar. Panghuli, ang wika ay
tagapagbigkis ng lipunan.  Ang barayti ng wika ay ang
Wikang panlahat ang tagpag- bunga ng pagkakaroon ng
ugnay ng bawat mamamayan marami o iba ibang wika.
para mabuo ang solidong
pagkakaunawaan at kapatiran
sa bawat bansa o mundo.
Halimbawa – Filipino ang
linggwa franka sa buong
Pilipinas. Nauunawaan ba ang
kahalagahan ng wika?

 Para sa inyo paano niyo


mapapatunyan na ang wika ay
tagapagbigkis ng lipunan o  Ito ay dahil sa pagdaan ng
bansa? May ideya ba Bb. panahon nagiging ispesyalisado
____? ang gawain at tungkulin ng tao at
ito ay nagreresulta ng
pagkakaiba-iba ng kultura at
wika na siyang nagiging panukat
sa progreso ng tao.
 Napakahusay mo Bb. ___.
Tama ka sa iyong naging
sagot. Ngayon ay dumako na
naman tayo sa Barayti at
Baryasyon ng Wika. Ano ba  Ang dalawang uri ng Barayti at
ang barayti ng wika? Bakit Baryasyon ng wika ay una ang
nagkaroon ng barayti ang Permanente kung saan likas na
wika? May ideya ka ba kung gamit at linang sa sinumang
ano ito G. ___? tagapagsalita o tagabasa.
Pangalawang uri ay ang
Pansamantala kung saan
 Tama! Maraming salamat G. nagbabago batay sa pagbabago
___. Ang barayti ng wika ay ng sitwasyon.
bunga ng paniniwala ng mga
linggwista na ang wika ay
heterogenous o nagkakaiba-
iba. Dala ito ng nagkakaibang
pangkat ng tao na may iba’t
ibang lugar na tinitirahan,
interes, gawain, pinag-aaralan
at iba pa. Ano naman ang
baryasyon Bb. ____?

 (Babasahin ang nasa screen)


 Magaling! Maraming salamat
Bb. ____.

 May dalawang uri ng Barayti at


Baryasyon ng Wika, maaari
mo bang basahin Bb. ___
kung ano ang mga ito?  (Babasahin ang nasa screen)

 Opo Ma’am

 Wala po Ma’am

 Maraming Salamat Bb. ___.


Madali lang unawain ang
dalawang uri ng Barayti at
baryasyon ng Wika, sa
pangalan pa lang nila ay
mahihinuha mo na ang
kahulugan nito. Kaya ngayon
ay aalamin naman natin kung  (Babasahin ang nasa screen)
anu-ano nga ba ang mga
Barayti at Baryasyon ng Wika.

 Una ay Dayalek. G. ____


maaari bang basahin ang
kahulugan nito?

 Maraming salamat G. ___.


Ang Dayalek ay ang mga
linggwahe ng isang partikular
na lugar.

 (Magpapakita ng mga
halimbawa sa screen)

 Naiintindihan ba kung ano ang


Dayalek?  (Babasahin ang mga halimbawa)
 May katanungan ba patungkol
dito?

 Mabuti naman. Kasunod ay


ang Register. Ito ay Barayti ng
wikang espisyalisadong
ginagamit ng isang particular
na domeyn. Ibig sabihin ito ay
ang mga wika na ginagamit
nga mga base sa domeyn na
 (Babasahin ang nasa screen)
kanilang pinaggagamitan. Ano
ang mga domeyn na ito Bb.
__?  Opo Ma’am
 Maraming salamat Bb. ___.
Ang unang domeyn ay ang  Wala po Ma’am
Tenor o tono nga kausap o
tagapakinig na sa Ingles ay
Tenor of Discourse, kung saan
inaayon ang wika sa sino ang
nag-uusap o batay sa kausap  Ang Idyolek nakagawiang
at/ o sa okasyon, nagbabago pamamaraan sa pagsasalita ng
ang antas ng pormalidad ng isang individual o ng isang
wika. pangkat ng mga tao.

 Pangalawang domeyn ay ang


Field o Larangan (field of
discourse), ito ay batay sa
larangan na tinatalakay at sa
panahon. Iniaangkop nito ang
usapin sa larangan
 (Babasahin ang nasa screen)
 (Magpapakita ng mga
halimbawa sa screen)

 Pangatlong domeyn ay ang  Ang Sosyolek ay uri ng barayti


Moda (mode of discourse), ito na pansamantala lang at
ay tumutukoy sa pasalita o ginagamit sa isang particular na
pasulat na pagtalima sa mga grupo. Tinatawag minsan na
panunturang dapat sundin “sosyalek”. Ito ay uri ng wika na
batay sa uri ng piniling paraan ginagamit ng isang partikular na
ng pag-uusap kung ito ba ay grupo. Ang mga salitang ito ay
pasalita ba o pasulat. may kinalaman sa katayuang
sosyo ekonomiko at kasarian ng
 (Magpapakita ng mga indibidwal na gumagamit ng mga
halimbawa ng Register) naturang salita.
 Nauunawaan ba ang tatlong
domeyn?

 May katanungan o
klaripikasyon ba sa parteng
ito?

 Kung ganoon ay dito na


naman tayo sa Idyolek. Ano
ang Idyolek, maaari mo bang
basahin Bb. ___?

 Maraming salamat Bb. ___.  (Babasahin ang nasa screen)


Ibig sabihin nito na ang Idyolek
ay ang personal na paggamit
ng salita ng isang indibidwal.
Bawat indibidwal ay may istilo
sa pamamahayag at  (Babasahin ang nasa screen)
pananalita.
 (Magpapakita ng mga
halimbawa sa screen)
 Kasunod ay ang Sosyolek.
Maaari bang pakibasa kung
ano ito G. ____?

 Maraming salamat G. ___.


Ang Sosyalek ay uri ng wika
na umusbong kasabay ng  Opo Ma’am
panahon. Kadalasan dito ay
ang mga salita o wika na
nagging uso o pinauso nga  Ang Ekolek ay kadalasang
mga tao. Kasali na rito ang ginagamit sa ating tirahan. Ito
mga wika o salita na pinauso ang karaniwan nating ginagamit
ng mga tao na may kinalaman sa pakikipagtalastasan sa ating
sa kanilang katayuang sosyo- komunidad. Ito ay kadalasang
ekonomiko. Upang lubos na nagmumula sa mga bibig ng
maunawaan ay narito ang mga bata at matanda.
halimbawa.

 (Magpapakita ng mga
halimbawa sa screen)

 Kasunod ay ang Etnolek.


Maaari bang pakibasa nang
sabay-sabay kung ano ang
Etnolek
 (Babasahin ang mga halimbawa)
 Ibig sabihin na ang Etnolek ay
ang iba’t ibang wika mula sa
iba’t ibang pangkat etniko sa  Ang Pidgin ay wala itong pormal
ating bansa. na estruktura at tinatawag ding
“lengwahe ng wala ninuman”.
 Halimbawa ng mga salita sa Ginagamit ito sa mga tao na
iba’t ibang pangkat etniko ay nasa ibang lugar o bansa.
ang:
 Tohan – tawag sa Diyos
(Maranao)
 Tekaw – nabigla o nagulat
(Maranao)
 Solutan – Sultan (Maranao)
 Tepad – baba ka ng sasakyan
(Maranao)
 Munsala – tawag sa sayaw
(Ifugao)

 Naiitindihan ba kung ano ang


Etnolek?

 Kasunod ay ang Ekolek.


Maaari bang basahin ito Bb.?

 Maraming salamat Bb. ___.


Ibig sabihin ang Ekolek ay
mga salita na karaniwan
maririnig na gamitin sa ating  (Babasahin ang nasa screen)
bahay o tahanan. Upang lubos
na maunawaan kung ano ito
ay ito ang mga halimbawa.  Ito ang barayti ng wika na
nadebelop dahil sa mga
 (Magpapakita sa screen ng pinaghalo-halong salita ng
mga halimbawa) indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging
 Kasunod ay ang Pidgin, pangunahing wika ng partikular
maaari bang basahin kung ano na lugar. Halimbawa dito ay
ito G.? __ pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano),
halong Arican at Espanyol (ang
Palenquero), at ang halong
 Maraming salamat G. __. Ibig Portuguese at Espanyol (ang
sabihin ang Pidgin ay barayti Annobonese).
ng wika na walang sinusunod
na estruktura. Kadalasang
makikita o maririnig mo na
gumagamit ng Pidgin na wika
ay ang mga tao na galling
ibang bansa, halimbawa na
dito ang Tsinong negosyante
na walang ibang bukam-bibig  (Babasahin ang nasa screen)
kundi “Ikaw bili akin tinda, Ikaw
bigyan ko diskawnt”.
Mahihinuha mo na sa paraan  Opo Ma’am
pa lamang ng kanyang
pagsasalita ay malalaman mo
na ang taong ito ay hindi  Wala po Ma’am
bihasa sa ating wika o wikang
Pambansa sapagkat naiiba
ang tono at estilo ng kanyang
pagbigkas sa bawat salita.
Mahihinuha mo na wala  (Babasahin kung ano ang nasa
talagang pormal o sinusunod screen)
na estruktura.

 Ito pa ang ibang halimbawa


para lubos niyo na
maunawaan kung ano ang
Pidgin. (Magpapakita ng mga
halimbawa sa screen)

 Kasunod ay ang Creole, Bb.


___ maaari mo bang basahin?

 Opo Ma’am

 Ibig sabihin na ang Creole ay


ang pinagsamang salita mula
sa ibang lugar na nagging wika
na rin ng particular na lugar na
pinag-usbungan nito. Narito
ang mga halimbawa;
 Pagkakakilanlan po Ma’am
 (Magpapakita ng mga
halimbawa)
 Bansang Indonesia
 Naiintindihan ba ang Creole?

 Mayroon bang hindi


naunawaan sa tinalakay natin?

 Kung ganoon ay ang kasunod


naman ay ang Lingua Franca.
G. ___ maaari bang basahin
kung ano ito?

 Maraming salamat G. ___.


Ang Lingua Franca ay ang
pagkakaroon ng wikang mag-  Bansang Pilipinas
uugnay sa dalawa o higit pang
tao o grupo ng tao na may
kanya-kanyang sariling wika.
Halimbawa nito ay ang wikang
Ingles na ngayo’y itinuturing na
Lingua Franca ng mundo na
nagsisilbing tulay sa
pagkakaintindihan ng mga tao
sa buong mundo. Habang sa
ating bansa naman ay ang
wikang Filipino ang ating
Lingua Franca na nagbubuklod
sa mga mamamayang Pilipino
kahit na malayo at marami
tayong mga wikang  Mayroon po
kinagisnan.

 Naiintindihan ba kung ano ang


Lingua Franca?

 Kung ganoon ay pag-uusapan


at pag-aaralan naman natin
ang Pluralidad Tungo sa
Identidad: Varayti ng Wikang
Filipino sa Pagbuo ng Wika at
Kamalayang Pambansa.
Kung maririnig mo ang
salitang identidad ano ang
ideyang maiisip mo Bb. ___?

 Anong bansa nabibilang ang


bandila sa larawan sa screen?

 Tama! Ang bandila sa ibaba ay


ang bandila ng Indonesia.
Sinisimbolo ng bandilang ito
ang “Pagkakaisa sa
Pagkakaiba”. Ito ang batayang
ideolohikal ng pagkahirang sa
Bahasa Indonesia bilang
pambansang wika ng bansang
Indonesia.

 Anong bansa naman


nabibilang ang ang bandilang
ito?

 Tama! At ito ay ang ating


pambansang bandila o
watawat. “Isang Bansa, Isang
Diwa, Isang Wika”, ito naman
ang pinakamimithi para sa
Pilipinas ng ilang mga
institusyon at mamamayan na
nagtataguyod sa pambansang
wika-- Wikang Filipino.

 Tingnan ang mga larawan sa


screen at basahin ang bawat
deskripsyon ng mga ito.
Mayroon bang pagkakapareho
ang dalawang wika at bansang
ito?

 Tama! Ang pagkakapareho ng


dalawa ay kapuwa sila
nasakop ng mga dayuhan sa
panahon ng mga eksplorasyon
sa Europa noong ika-16 na
siglo. Kapuwa din sila binubuo
ng mga multi-etniko at
multilingguwal na mga grupo –
ang Pilipinas ng mahigit na
isandaang grupo, ang
Indonesia ng mahigit
dalawandaan. At kapuwa mga
lingua franca ang mga wikang
pambansa ng mga bansang
ito.

 Pero dito nagtatapos ang


pagkakapareho ng dalawa.
May wikang pambansa ang
Indonesia na tinanggap ng  (Babasahin ang nasa sreen)
nakakarami sa panahong nasa
ilalim pa sila ng mga dayuhan.
May mga wikang pambansa
(Tagalog, Pilipino at Filipino)
naman ang Pilipinas na
hanggang sa kasalukuyan ay
naggigiit sa dapat kalagyan sa
sariling bayan. Kung may
kakumpitensiya man ang
Bahasa Indonesia, ito’y isang
katutubong wika, ang wikang
Java/Jawa. Sa Pilipinas,
banyagang wika, ang Ingles,
ang kumukumpetensiya sa
wikang pambansa, ang
Filipino. Dahilan ito kung bakit  Sa aking palagay po ay naging
pinoproblema hanggang problema ito kasi ito ang dahilan
ngayon ang pagbuo ng wikang kung bakit nagkakaroon ng hindi
ito na siyang humahadlang sa pagkakaintindihan ang mga tao.
pagpapatingkad ng
pambansang kamalayan.

 Mapapansin na mas malala


ang kalagayan ng
pambansang wika natin kaysa
sa Bahasa Indonesia ng
Indonesia. Kung sa Indonesia
ay ang kakompetensya ng
kanilang pambansang wika ay
katutubong wika na galing  Ito ay ang paglalapit ng
naman mismo sa kanilang dalawang bagay at nagiging isa.
bansa, sa atin ay
kakompetensya ng wikang
Filipino ang banyagang wika
na Ingles. At ang problemang
ito ang siyang naging dahilan
kung bakit nabuo ang
konsepto ng wikang Filipino.
Sa 1973 at 1987 Konstitusyon,
kaakibat ng katawagang ito
ang pagbabago ng konsepto
ng wikang pambansa. Mula sa
wikang batay sa isang wika
lang, nagging batay ito sa
lahat ng wika sa Pilipinas  Ito naman po ay ang pilit na
kasama ng Espanyol at Ingles, pagpapakilala sa indentidad.
ang mga banyagang wikang
nagkaroon ng impluwensiya at
epekto sa pambansang
karanasan.

 Ngayon ay pag-uusapan
naman natin ang mga palagay,
konsepto, at teorya sa varayti
ng wika. Maaari bang basahin
ang nasa screen Bb. ____?

 Ibig sabihhin lamang nito na


ang mga palagay, konsepto at
tearyang ito pinagkunan ng  Ito naman po ay impluwensiya
base at dahilan kung bakit ng isang wika sa ibang bansa.
nabuo ang ating wikang
Pambansa.

 Ngayon ay dumako naman


tayo sa Herarkiya sa Wika. Ito
ay problema bunga ng
pagkakaroon ng iba’t ibang
varayti/anyo/register ng wika.
Para sa inyo bakit kaya ito
nagging problema, G. ____
maaari bang ibahagi sa klase
ang iyong opinion?  Ito ay pagdadagdag ng salita
sa nakagisnang salita.

 Magaling! Tumpak ka sa iyong


sinabi G. ___. Naging
problema ito dahil may
mataas/mababa, may  Opo Ma’am
istandard/di-istandard at iba
pa.
 Ngayon ay dumako naman  Wala po Ma’am
tayo sa Convergence /
Divergence, Interference, at
Interlanguage. Una ang
Convergence. Magbigay ng
ideya Bb. ___  Ito ay ang pagbabago ng
konsepto ng wikang pambansa
na nagbubunga ng
pagkakaroon ng mga varayti
 Tama! Ibig sabihin nito na sa nito ay maaaring magpabago sa
pamamagitan ng interaksiyon atityud ng mga Filipino sa
ng mga tao, nagkakaroon ng wikang pambansa.
tendensiya na gumaya o
bumagay sa pagsasalita ng
kausap para bigyang-halaga
ang pakikiisa, pakikilahok,
pakikipagpalagayang-loob,
pakikisama o kaya’y
pagmamalaki sa pagiging
kabilang o kasapi ng grupo.

 Ano naman ang Divergence


Bb. ____?

 Magaling Bb. ___. Ibig  Sa aking sariling opinion po


sabihin nito na kung minsan, Ma’am ay ito po ay may
pilit namang iibahin ang kinalaman sa pag-aaral sa wika
pananalita sa kausap para
ipakita o ipahayag ang
pagiging iba o naiiba, di-
pakikiisa. O kaya’y lalong
pagigiit sa sariling kakayahan
at identidad
 Kasunod ay ang Interference
Phenomenon at
Interlanguage. Ito ay
nakapokus sa mga wikang
kasangkot. Ano ang
Interference Phenomenon?

 Magaling! Ito ay ang


tumatalakay sa impluwensya
ng unang wika sa  Opo Ma’am
pangalawang wika.
 Wala na po Ma’am
 Halimbawa: o Tagalog at
English.

 Kasunod ay Interlanguage,
ano naman ito G. ____?
 Mahalaga na pag-aralan ito
 Magaling! Ito ay tinatawag na
upang mas lalo nating
mental grammar na nabubuo
maintindihan ang pinagmulan ng
ng tao sa pagdating sa
ating wika at kung paano ito
proseso ng pagkatuto niya ng
nabuo. Isa pang dahilan ay para
pangalawang wika.
mahalin pa natin at paunlarin
 Naiintindihan ba klas?
ang sariling wika.
 May mga katanungan ba o
klaripikasyon ?

 Mabuti kung ganon. Dumako


naman tayo sa Implikasyon  Opo Ma’am
sa Saliksik sa Wika. Una ang
sikolohikal. Ano ito Bb. __?
 Wala na po Ma’am

 Mahusay Bb. __. Kasunod


namn ang Pedagohical na
kung saan ito ay ang pagtuturo
sa mga mag-aaral para sa
isang wika. Sa puntong
pedagohikal, magagamit ito
para mamulat ang mga mag-
aaral sa kanilang papel sa
pagdedevelop ng wika.

 Ang panghuli ay ang


scholarship, ano naman kaya
ito sa iyong palagay G. ___?

 Mayroon kang ideya roon sa


iyong sinabi G. __. Sa punto
ng scholarship, masasabing
bagong larangan ito ng
mayamang balon ng mga
paksa at gawaing
kinakailangang saliksikin ng
guro at maging ng estudyante
sa anumang antas – mula
elementarya hanggang
graduate school – mula sa
basta paglilista lamang ng
mga salita hanggang sa
malalimang pagsusuri dito.
 Naiintindihan ba ang nais
ipahiwatig sa ating talakayan
ngayon?

 May mga katanungan ba o


klaripikasyon?

E. Paggpapahalaga

 Kung ganon ay ako ang


magtatanong sa inyo. Para sa
inyo ano ang kahalagahan ng
pag-aaral sa mga kaugnay na
konsepto sa pag-aaral ng wika
varayti ng wika? Bb. ___ may
ideya ka ba?

 Magaling! Bigyan ng tatlong


bagsak si Bb. ____. At sa
palagay ko ay maiintindihan na
ang paksang tinatalakay, tama
ba ako?

 May mga katanungan ba? O


klaripikasyon?

 Maraming salamat sa inyong


aktibong partisipasyon at
pakikinig klas.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Sumulat ng tulang may malayang taludturan na binubuo ng apat na
taludtod. Ang tema ng tulang inyong isusulat ay nagpapatungkol sa iyong natutunan
sa paksang tinalakay.

Krayterya:
Nilalaman--------------------------------------------------------------------------15 puntos
Kasanayan sa paggamit ng wika --------------------------------------------15 puntos
Kaugnayan sa paksa------------------------------------------------------------10 puntos
Organisasyon ng mga ideya---------------------------------------------------10 puntos
_____________________________________________________________
Kabuohan-------------------------------------------------------------------------50 puntos

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng sanaysay patungkol sa kahalagahan ng wika. Ito ay binubuo
lamang ng 15 pangungusap.

Krayterya:
Kasanayan sa paggamit ng wika----------------------15puntos
Nilalaman------------------------------------------------------5puntos
Organisasyon-------------------------------------------------5puntos
_______________________________________________
Kabuuan----------------------------------------------------25puntos

You might also like