You are on page 1of 16

University of Santo Tomas

Espaa Blvd, Sampaloc, Manila, Metro Manila


Senior High School

Ugnayan ng Teorya ng Multiple Intelligences

ni Howard Gardner sa Pamamahala ng Negosyo

Nina

Kabigting, Maria Kathleen J.

Lim, Jethro Luis G.

Manuele, Jalila Andrea Mae Q.

Mendoza, Allieah

Mundo, Allia C.

Paez, Carl Joseph A.

Mayo 2017

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa ugnayan ng Teorya ng Multiple Intelligences ni Howard
Gardner sa Pamamahala ng Negosyo. Ipinaliliwanag ng Teorya ng Multiple Intelligences ang
iba't ibang uri ng katalinuhang maaring taglayin ng isang tao. Nais bigyang pansin ng pag-
aaral na ito ang ganitong uri ng salik na maaaring makaapekto sa pamamahala ng negosyo.
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang iba't ibang katalinuhang nakasaad sa Teorya ng
Multiple Intelligences ni Howard Gardner at kung ano ang posibleng ugnayan at epekto nito sa
pamamahala ng negosyo. Bilang pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito, tutukuyin ang
ugnayan ng nasabing teorya sa pamamahala ng negosyo sa pamamagitan ng mga datos na
magmumula sa panayam sa mga manager ng sikat na fast food chains sa Pilipinas at iba't ibang
mga pananaliksik na maaaring pagbasehan. Sa pakikipagpanayam na ito, tutukuyin ang uri ng
katalinuhang itinataglay ng manager ng nasabing fast food chain at ang implikasyon nito sa
takbo ng kanilang negosyo. Inaasahang makapagbibigay ang pag-aaral na ito ng mga tamang
perspektiba at posibleng estatehiya patungo sa epektibong pamamahala ng isang negosyo.

KABANATA I
Panimula

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga suliraning pang-ekonomiyang kasalukuyan at


patuloy na hinaharap ng bansang Pilipinas. Ang ating bansa ay dinodomina ng mga dayuhan na
siyang nagpapayaman sa mga dayuhan, sa iilang mga mamamayan subalit madalang sa kaniyang
mga manggagawa (Sepeda, 2011). Naging palaasa ang ating bansa sa pandaigdigang pamilihan
sapagkat ito ang nagdidikta kung ano ang mga pangangailangang kailangan tugunan. Ang ating
ekonomiya ay nakasandig sa ekonomiya ng ibang bansa upang umunlad.

Ang pamamahala ng negosyo sa ibat ibang lugar sa loob ng bansa ay isa lamang sa mga
napakaraming salik na nakaaapekto sa takbo ng ekonomiya. Sa patutuloy na pag-aaral ng ibat
ibang pamamaraan upang epektibong mapatakbo ang isang negosyo at ibat ibang mga salik na
nakaaapekto rito, unti-unting matutuklasan at makabubuo ang bawat mamamayang Pilipino ng
sariling mga ideya na siyang magiging daan patungo sa kaunlaran ng bansang Pilipinas.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang epektibong pamamaraan ng pamamahala ng


negosyo. Nais sagutin ng pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang ugnayan ng Teorya ng Multiple Intelligences ni Howard Gardner sa
pamamahala ng negosyo?
2. Ano-ano ang mga implikasyon ng nasabing teorya sa pamamahala ng negosyo?
3. Ano-ano ang mga katalinuhang kadalasang nagagamit sa pagnenegosyo at paano ito
nakatutulong sa pamamahala ng negosyo?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga mag-aaral

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga estudyante, partikular sa mga naghahangad


na maging negosyante sa hinaharap, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng
epektibong pamamaraan ng pamamahala ng negosyo.
Sa mga guro
Mailalahad ng pananaliksik na ito ang mga salik na maaari pang bigyan ng pansin sa
pagtuturo partikular sa larangan ng pagnenegosyo.

Sa bansa

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng ibat ibang paraan ng


epektibong pamamahala ng isang negosyo na siyang makapag-aambag sa patuloy na pag-unlad
ng bansa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Bibigyang-diin ng pag-aaral na ito ang mga katalinuhang konektado sa pamamahala ng


negosyo. Sakop ng pananaliksik ang mga kainan bilang isang uri ng negosyo.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ekonomiya

Ang ekonomiya ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Ito rin
ay sumasalamin kung mayroon bang naging pagbabago sa nakalipas na panahon hanggang sa
kasalukuyang sitwasyon. Dito malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, kumakaharap sa
matinding problemang pang-ekonomiya o may malaking positibong pagbabago sa hinaharap. Sa
madaling salita, ang ekonomiya ay sumasalamin sa sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
Ang artikulong ito ay magbubukas ng mas malawak pang kaalaman sa kung ano ang ekonomiya.

Multiple Intelligence

Ibat ibang mga katalinuhang nakasaad sa Teorya ng Multiple Intelligences ni Howard Gardner

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA

TEORYA NG MULTIPLE INTELLIGENCES ayon kay Dr. Howard Gardner (1983)

- BISWAL NA KATALINUHAN (Visual/Spatial Intelligence)

Ang mga taong natututo sa pamamagitan ng paningin. May kakayahan silang ilarawan sa
kanilang isip ang mga bagay-bagay upang matuto o makalutas ng suliranin. Inilalarawan nila ang
mga ideya upang sa lubos nila itong maintindihan. Ang katalinuhang ito ay may kaugnayan rin sa
matematika. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyero.

- KATALINUHAN SA LINGGWISTIKA (Verbal/Linguistic Intelligence)

Ang mga taong nabiyayaan ng gantiong katalinuhan ay madaling matuto sa pamamagitan


ng pagbabasa, pagsusulat, pakikinig o pakikipagdebate sa ibang tao. Ang mga taong may
ganiyong katalinuhan ay magaling sa pagbigkas o sa pagsulat ng smga alita. May taglay silang
kahusayan at katalinuhan sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento at pagmememorya ng mga salita
at mahahalagang araw. Mahusay sila sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati, o
paghihikayat sa pamamagitan ng pananalita. Ang larangan na nababagay sa mga ito ay pagsulat,
abogasya, pamamahayag, politika, at pagtuturo.

- KATALINUHAN SA MATEMATIKA AT LOHIKA (Mathematical/Logical


Intelligence)

Ang taong nabiyayaan ng katalinuhang ito ay nagtataglay ng pagkatuto sa pamamagitan


ng pangangatuwiran at paglutas ng problema. Ang katalinuhang ito ay nakaugnay sa lohika,
paghahalaw at numero. Ang mga taong nagtataglay ng ganitong katalinuhan ay may kahusayan
sa matematika, chess, at computer programming. May kakayahan sila sa siyentipikong pag-iisip
at pagsisiyasat; sa abstract patterns at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos o
pagsusuma. Ang angkop na larangan rito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero,
doktor at ekonomista.

- KATALINUHAN SA PISIKAL NA GAWAIN (Bodily/Kinesthetic Intelligence)


Ang mga taong nagtataglay ng ganitong katalinuhan ay natututo sa pamamagitan ng
kongkretong karanasan at interaksyon sa kapaligiran. Nakukuha nila ang mga kaalaman sa
paggamit ng katawan tulad ng pagsasayaw at paglalaro. Mataas ang muscle memory ng kanilang
katawan kung kayat natututo sila agad. Mahusay rin sila sa paggawa at pagbuo ng mga bagay-
bagay. Ang larangan na angkop sa katalinuhang ito ay pagsasayaw, sports, pagiging musikero,
pag-aartista, pagiging doktor lalo na sa nag-oopera, konstruksyon, pagkakarpintero, pagpupulis,
at pagsusundalo.

- KATALINUHAN SA MUSIKA (Musical/Rhythmic Intelligence)

Ang mga taong nagtataglay ng katalinuhang ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,


ritmo o musika. Hindi lamang ito pagkatututo sa pandinig kundi sa paulit-ulit na tunog o
karanasan. Ang larangan na nababagay sa kanila ay sa larangan ng musika.

- KATALINUHANG PANSARILI (Intrapersonal Intelligence)

Ang mga taong nagtataglay ng katalinuhang ito ay natututo sa pamamagitan ng


damdamin, halaga at pananaw. Mabilis nilang nauunawaan at natutugunan ang kanilang
nararamdaman at motibasyon. Alam na alam nila ang kanilang talento, kakayahan pati na din ang
kahinaan. Ang larangan nababagay sa talinong ito ay pagiging researcher, manunulat o
negosyante.

- KATALINUHAN SA PAKIKIPAGKAPWA-TAO (Interpersonal Intelligence)

Ang taong nagtataglay ng ganitong katalinuhan ay nakukuha ang pagkatuto sa


interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. May kakayahan silang makihalubilo at makiisa sa
isang grupo. Bukas ang kanilang loob sa pakikipagkapwa-tao. May pagdama at pag-unawa sa
damdamin ng kapwa kung kayat madali nilang nakukuha ang loob ng ibang tao. Ang larangan
na babagay sa katalinuhang ito ay kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo at social work.
Mabisa silang pinuno o taga-sunod.

- KATALINUHAN SA KAPALIGIRAN (Natural/Nature Intelligence)

Ang taong nagtataglay nito ay may talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan


ng mga bagay-bagay. Madali nilang nalalaman ang maliliit na pagkakaiba o pagkakaparehas.
Ang talino na ito ay hindi lamang angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Kadalasan ang mga taong nagtataglay ng ganitong talino ay nagiging environmentalist, botanist
o magsasaka.

KADALASANG NAGAGAMIT NA URI NG KATALINUHAN SA PAGNENEGOSYO

Ayon sa isang artikulo sa Business Insider, sinasabing sa walong uri ng katalinuhan ayon
kay Howard Gardner, ang kadalasang uri ng katalinuhan nagagamit sa pagnenegosyo isang tao
ay ang mga katalinuhan sa linggwistika, lohika at matematika, at intrapersonal o pansarili.
KABANATA III

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik ay deskriptibo at analitik na pamamaraan. Ipinapahayag,


inilalarawan at sinusuri ng pag-aaral na ito ang ugnayan ng Teorya ng Multiple Intelligences ni
Howard Gardner sa pamamahala ng negosyo.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng maikling panayam sa mga may-ari ng


negosyo. Naglaan ng talatanungan ang mga mananaliksik na naglalayong makalikom ng datos
patungkol sa maaaring maging implikasyon ng Teorya ng Multiple Intelligences sa kani-kanilang
mga pinapamahalaang negosyo.
Kalakip ng maikling pakikipanayam sa epektibong pagsasagawa ng pananaliksik ang
pangangalap ng ibat ibang mga impormasyon sa mga aklat, dyornal, artikulo at internet.

POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga negosyanteng nagmamay-ari


ng mga kainan sa Maynila. Binibigyang-diin ng pananaliksik na ito ang implikasyon ng
katalinuhang kanilang itinataglay sa uri ng napiling negosyo at pamamaraan ng pamamahala rito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Panayam

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay isang maikling


panayam. Naglalayon ang mga katanungan sa pakikipagpanayam na makalikom ng datos
patungkol sa maaaring maging implikasyon ng Teorya ng Multiple Intelligences sa kani-kanilang
mga pinapamahalaang negosyo.
TRITMENT SA MGA DATOS

Sa pag-alam ng kani-kanilang katalinuhang itinataglay, gumamit ang mga mananaliksik


ng isang standardized test. Isinaayos ang mga datos na nakalap sa pakikipagpanayam sa isang
hanay.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Pangalawang Pangatlong
Uri ng Katalinuhan Unang Respondente
Respondente Respondente
Biswal 24 23 27
Linggwistika 15 20 22
Matematika at
21 19 22
Lohika
Pisikal 33 33 16
Musika 9 21 14
Pansarili 34 28 25
Pakikipagkapwa-tao 33 33 30
Kapaligiran 26 23 22

Talaan 1. Uri ng Katalinuhan ng mga Respondente

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
SANGGUNIAN
Sepeda, B. S. (2011). Pilosopiyang Pang-ekonomiya nina Recto, Tanada, at Diokno: Isang
Paghahabi. Retrieved May 24, 2017, from https://ejournals.ph

Multiple Intelligence Quiz (n.d)/ Retrieved March 29, 2017 from


http://www.collegesuccess1.com

APENDIKS A

Sulat na humihingi ng pahintulot sa isasagawang maikling panayam


Petsa

Pangalan ng makapapanayam
Institusyon na kinabibilangan
Maynila

Sa kinauukulan,

Magandang araw!

Kami po ay mga mag-aaral ng Baitang 11 at kasalukuyang sumusulat ng pamanahong papel sa Filipino. Nilalayon
ng aming pananaliksik na masuri ang implikasyon ng ibat ibang uri ng katalinuhang nakasaad sa Teorya ni Howard
Gardner sa pagtatagumpay ng isang negosyo.

Kaugnay po nito, nais po naming kayong sumagot sa maikling ebalwasyon sa uri ng katalinuhang inyong itinataglay
(batay sa Teorya ng Multiple Intelligences ni Howard Gardner) at makapanayam tungkol sa karanasan ng inyong
negosyo na siyang makatutulong sa nilalayon ng aming pag-aaral. Umasa po kayo na ang mga makakalap na
impormasyon sa panayam ay magiging kompidensiyal at gagamitin lamang upang makamit ang layunin ng
kasalukuyang pamanahong papel.

Ikagagalak po naming ang inyong maagap na pahintulot. Kami po ay tutugon sa bakanteng oras na inyong ibibigay.
Kung may katanungan o may nais po kayong ipaalam sa grupo, maaari po kayong tumawag o magpadala ng
mensahe sa numerong 09272541504 o sa e-mail address na ito: manuele.jam@gmail.com.

Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong para sa panayam.

Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

Maria Kathleen Kabigting


Jethro Luis Lim
Jalila Andrea Mae Manuele
Allieah Mendoza
Allia Mundo
Carl Joseph Paez
Mga Mananaliksik

Sa patnubay at binibigyang-pansin:
G. Jonathan Geronimo
Propesor sa Filipino

APENDIKS B

Talatanungan
1. Tutukuyin po namin ang katalinuhang inyong itinataglay ayon sa nakasaad sa Teorya ng
Multiple Intelligences ni Howard Gardner sa pamamagitan ng isang pagsusulit. (Ang
talatanungan ay maaaring makita sa susunod na pahina)

Multiple Intelligence Quiz (n.d)/ Retrieved March 29, 2017 from


http://www.collegesuccess1.com

2. Sagutin ang mga sumusunod:


a. Sumasang-ayon po ba kayo sa naging resulta ng maikling ebalwasyon? Bakit
Bakit hindi?
b. Alin sa mga uri ng katalinuhan (batay sa Teorya ng Multiple Intelligence ni
Howard Gardner) ang karaniwang nagagamit sa inyong negosyo?
c. Sa aling mga aspekto ng inyong negosyo karaniwang ginagamit ang ganitong uri
ng katalinuhan?
d. Sa inyong palagay, nakatutulong ba ang mga napiling uri ng katalinuhan sa
pagtatagumpay ng inyong negosyo?
e. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging implikasyon nito sa pamamaraan ng
pamamahala ng inyong negosyo?
f. Sa paanong paraan po ninyo pinapamahalaan ang negosyo?

3. Punan ng sapat na impormasyon ang sumusunod:

Panuto: Basahing mabuti at sumagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng negosyo


5- Lubos na sumasang-ayon 2- Hindi sumasang-ayon

4- Sumasang-ayon 1- Lubos na hindi sumasang-ayon

3- Nyutral

Pagsusuri sa takbo ng inyong negosyo 1 2 3 4 5


Kakayahang Kumita (Profitability)
Ang kita ng nasabing negosyo ay sapat upang matugunan ang mga
pangangailangan ng negosyo at mga empleyado upang patuloy na
lumago.
Kaluguran ng mga Mamimili (Customer Satisfaction)
Natutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamimili magmula sa
seguridad, kalidad ng pagkain, kaginhawaan sa lugar at serbisyo

Kaluguran ng mga Empleyado (Employee Satisfaction)


Natutugunan ang pangangailangan ng mga empleyado

Kaluguran ng May-ari (Owner Satisfaction)


Natutugunan ang mga inaasahang layunin at minimithi bilang may-ari

Dami ng Mamimili (Customer Base)


Patuloy na dumarami ang bilang ng mga mamimili

Katayuan ng Negosyo (Competitive Stance)


Patuloy na nakikipagsabayan ang nasabing negosyo sa iba pang mga
negosyo

Katanyagan ng Negosyo (Popularity of the Business)


Kilala ang nasabing negosyo sa karamihan ng mga mamimili

You might also like