You are on page 1of 4

Cognitive..

Ayon kina Bjorklund & Causey (2017), tinutukoy ng salitang kognisyon ang proseso o
kakayahan kung papaano nakukuha ang kaalaman at kung paano ito patakbuhin. Ang tingin
kadalasa sa kognisyon ay pang-kaisipan pero ang kognisyon ay repleksyon lamang ng kaisipan.

Ang teoryang kognitibo ay nakapukos sa pag-iisip ng bawat isa bilang nagpapaliwanag


ng kanyang mga emosyon at ng kanyang pag-uugali (Heffner, n.d.). Ayon kina Schneider,
Schumann-Hengsteler & Sodian (2014) Ang pag-aaral sa cognitive development ay ilang ulit
nang nagbago sa nakalipas na tatlong dekada. Sa pag-aral sa development ng mga bata sa
kanilang pag-uunawa, ipinakita na may kaugnayan ang mental na domeyn sa iba’t ibang dulog sa
koginitib debelopment ng bata. Bagaman ang pangunahin tuon ng teorya ay kung paano nakuha
ng mga bata ang iba’t ibang paniniwala.

Sa pag-aaral nina Bjorklund & Causey (2017), ang cognitive development ay napapaligiran
ng malawak saklawa ng mga paksa. Bukod pa rito ang mga cognitive developmentalists ay
palakontra, magkaiba ang kanilang mga paniniwala kung ano ang mabisang paraan kung paano
iconceptualize ang pagbabago ng pag-iisip mula sanggol pa ito hanggang sa pagtanda. Dadag pa
sa kanilang aklat kanilang isinaad ang anim na katutuhan tungkol sa cognitive development.

1. Ang cognitive development ay mga nalikom na mga resulta ng dinamiko at tugon sa mga
salik mapainternal man ito o eksternal.
2. Ang cognitive development ay ibinuo sa loob sosyal na konteksto
3. Ang cognitive development ay kinasasangkutan ng parehong katibayan at possible ring
mabago.
4. Ang cognitive development ay kinasasangkutan ng pagbabago kung paano ang
impormasyon inipresenta.
5. Mas lalong nadedebelop ng mga bata ang intensyonal na kontrol higit pa sa kanilang pag-
uugali at asal.
6. Ang cognitive development ay kinakasangkutan ng pagbabago ng parehong general-
domain at ispisipikong domain ng mga abilidad.

Ayon kay Melecio (2017), sa pagkatuto ng bata ang bagong kaalaman o ang dating alam niya
ay pwedeng mabago nang dahil sa kanyang mga karanasan. Ang cognitive learning theory ay
nakapukos kung paano nauunawaan at magbigay ng rason ang isang tao na nakaaapekto sa
kanyang pag-uugali. Kabilang sa mga sumusunod ang mga simulain ng teoryang kognitib:

1. Positibong pananaw na binigyang diin ang may malay na pag-iisip.


2. Nakapukos sa indibibwal ang aktibong pag-buo ng kaalaman.
3. Kahalagahan sa pagsuri ng pagsulong sa mga pagbabago sa pag-iisip ng bata.
Ang mga simulain ay nakatutulong sa pagpapaliwanag at pagkakaintindi na ang tao ay
kalimitang iniisip kung ang ano ang tama habang gumagawa ng desisiyon at pagpili. Ito ay
nangangahulugan na ang karamihan ay patuloy pa ring tinatangkilik kung ano ang mahalaga.

Sa pananaw naman ni Jean Piaget sinasabing sa isang ispisipikong interes sa cognitive


development mas lalong maiintindihan ang paniniwala ng isang bata hanggang sa ito ay tumanda
na magbabago at magbabago talaga ang pag-iisip (Cherry,n.d.). kahalintulad ng kay Einstein, si
Piaget ay kanyang ipinaliwanag ang kognitibong pagbabago ng isang bata ay kinasasangkutan ng
isang prosesong nakabase sa mga kilos at gawi na kalaunan ay siyang maging isa sa mga dahilan
sa pagbabago ng pag-iisip ng isang tao (Cherry,n.d.). Kabilang sa mga pananaw ni Piaget ang
mga sumusonod:

1. Iskima – mga kategorya sa kaalaman na tumutulong sa pag-uunawa sa mundong


ginagalawan.
2. Asimilasyon – isang proseso sa pagkuha ng bagong impormasyon na idadagdag sa dating
iskima.
3. Akomodisyon - ang pagbago og pagpalit sa dating iskima tungo sa bago.

Ang pananawala ni Jean Piaget ay nagsasabi na ang tao nakikiayon sa patuloy na pagbabago,
sa pagbabago sa iba’t ibang aspeto sa buhay ng isang tao kabilang na ang pagkatuto ang
pagbabago sa sarili (Melecio, 2017).

Para naman kay Vygotsky na kapareho ang pananaw katulad ng kay Piaget na pinagkaiba
lang ng kaunti. Ipinaliwanag ni Vygotsky na ang mga bata ay magkakaroon ng kabuluhan ang
pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon sa kapwa, pagkakaroon ng gabay ng mga nakatatanda
sa kanilang paligid (Macarelli, 2006). Ayon sa teorya ni Vygotsky na ang bata makakagawa sa
higit pa sa inaasahan sa pamamagitan ng paggagabay ng mga nakatatanda o mga tao nakapaligid
sa kanya na may roong alam (Macarelli, 2006).

Sa pagkatuto naman ng wika may kinalaman din ang teroyang kognitib dito. Ayon (Amon,
2017), habang ginagamit ng tao ang wika, nakagagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa
proseso ay nakabubuo siya ng mga tuntunin sa gamit ng wika. Ayon sa pananaw ng teoryang
kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika
ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na
impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailipat ang mga ito upang makabuo ng
orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa
pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya nama‘y naiilapat nang mali
ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa
mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at
hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist
bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga
pagkaklaseng batay sa teoryang kognitibist. Nakapokus ito sa patuklas na pagkatuto sa
pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro
ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na
pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang kognitibist ay palaging nakapokus sa
kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong kaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin
ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito‘y
maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang
himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalayan at pag-usapan ang wika upang
mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.
Reference:

Bjorklund, D. F., & Causey, K. B. (2017). Children's thinking: Cognitive development and individual
differences. SAGE Publications.

Heffner, C. L. (n.d.). Cognitive theory. Retrieved July 17, 2017, from


https://allpsych.com/personalitysynopsis/cognitive/

Schneider, W., Schumann-Hengsteler, R., & Sodian, B. (Eds.). (2014). Young children's
cognitive development: Interrelationships among executive functioning, working memory, verbal
ability, and theory of mind. Psychology Press.

Bjorklund, D. F. (Ed.). (2013). Children's strategies: Contemporary views of cognitive


development. Psychology Press.

Crisostomo, E. (2017). Aralin 6 Sosyo –Kognitib Na Pananaw Sa Pagsulat. [online]


Academia.edu.Available at:
https://www.academia.edu/11124025/Aralin_6_Sosyo_Kognitib_Na_Pananaw_Sa_Pagsulat [Accessed
17 Jul. 2017].

Anon, (2017). [online] Available at:


http://amses.weebly.com/uploads/8/8/3/6/8836963/module_6.2_filipino.pdf [Accessed 17 Jul. 2017].

Melecio, N. (2017). Cognitive Learning Theory. [online] Academia.edu. Available at:


https://www.academia.edu/12300686/Cognitive_Learning_Theory [Accessed 17 Jul. 2017].

Cherry, K. (n.d.) Background and key concepts of Piaget’s theory. Retrieved fromhttp-
//psychology.about.com/od/piagetstheoryandkeyconcepts.htm

Macarelli, S. (2006). Vygotsky’s theory of cognitive development. Retrieved fromhttp-


//voices.yahoo.comarticlevygotskys5theory5cognitive5development518.html

You might also like