You are on page 1of 3

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin

Magandang araw sa inyong lahat!


Bago natin simulan ang ating aralin ngayong araw, atin munang babalikan ang ating
katatapos na aralin
Ano ang kaibahan ng gender at sex?
Ano ang take home o natutunan mong aral mula sa nakaraang paksa?
Magaling! Mukhang marami na kayong natutunan mula sa nakalipas na aralin

May ipaparinig akong awitin sa inyo na pinamagatang “Ituloy Mo Lang” ng


Siakol. Inaasahang masasagot ninyo sa pagtatapos ng awitin ang
katanungang:
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?
2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa napakinggang awitin?
Mahusay! Mula sa inyong napakinggan, may ideya naba kayo kung ano ang paksa
ng ating aralin ngayong araw?
Magaling! Ang tatalakayin natin ngayong araw ay diskriminasyon sa mga hindi
lamang sa LGBT, maging sa mga kababaihan at kalalakihan.

Para sa inyo ba, ano ang diskriminasyon?


Tama! Nabanggit ng inyong mga kamag-aral na binabase sa katangian ng isang tao
kung kaya’t nagkakaroon ng diskriminasyon. Diyan papasok ang mga salik na
nagiging dahilan ng diskriminasyon.
Ngayon, upang matalakay natin ang mga salik ng diskriminasyon, may ipapakita
akong mga larawan sa inyo. Sila ang personalidad na naging matagumpay sa kani-
kanilang mga napiling larangan sa kabila ng mga diskriminasyon sa kanilang
kinaharap.
Sino ang taong nakikita nyo at ano ang alam nyo tungkol sa kanya?
Tama! Sa tingin ninyo, anong diskriminasyon ang kinaharap ni VP Jejomar Binay
bago nya narating ang tagumpay?
Magaling! Maari ba kayong magbigay ng iba pang halimbawa ng diskriminasyon sa
pisikal na kaanyuan?
Mahusay! Sino naman ito?
Magaling! Anong uri ng diskriminasyon ang pinagdaanan ni Pacquiao bago marating
ang kanyang tinatamasa ngayon?
Tama! May iba pa ba kayong alam na halimbawa na tumutukoy sa diskriminasyon
sa edukasyon?
Mahusay! Sino naman ito?
Tama! Sa inyong palagay, anong uri ng diskriminasyon ang kinaharap ni Steph
Curry bago niya maabot ang tagumpay ngayon? Siya po ay naging biktima ng
diskriminasyon sa relihiyon. Ngunit sa kabila ng mapanuring mata ng lipunan ay
nagawa po niyang mapanindigan ang kanyang paniniwala at nagtagumpay parin sa
buhay.
Mahusay! Maaari pa ba kayong magbigay ng ibang halimbawa ng diskriminasyon sa
relihiyon o kultura? Sir, isa na pong halimbawa diyan ang kasalukuyang nangyayari
sa Pilipinas na kapag iba ang relihiyon mo sa iba o di kaya iba ang nakagisnan
mong kultura, nagiging sanhi din po ito ng diskriminasyon. Madalas pong
patampulan ng pangungutya ang ilan nating mga katutubo dahil sa iba ang kanilang
kultura kumpara sa nakasanayan natin
Tama! At para sa ating huling larawan…
Magaling! Anong diskriminasyon naman ang kanyang pinagdaanan bago nya
naabot ang kanyang kinalalagyan?
Sa tingin ninyo, bakit maaaring maging dahilan ng diskriminasyon ang kasarian ng
isang tao?
Mahusay! Ano ang nais kong iparating sa inyo nang ipakita ko ang mga larawan ng
mga personalidad na iyon?
Ilan lahat ang mga uri ng diskriminasyon na ating natalakay ngayon?

Matapos nating makilala ang ilan sa mga personalidad na naging matagumpay sa


ibat-ibang larangan, magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain ukol sa mga epekto
ng diskriminasyon
1 - Pisikal na Kaanyuan – Pagsasadula
2 – Edukasyon – Poster Making
3 – Relihiyon - Awit
4 – Trabaho – Pag -uulat
5 – Kasarian – Kasabihan
Pamantayan:
Nilalaman - 50%
Pagkamalikhain - 40%
Pagkakaisa - 10%
__________
100%
“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o
maiwasan ang diskriminasyon lalo na sa aspetong pangkasarian?

Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon?

Takdang Aralin:
Isaliksik ang mga sumusunod:
1. Gender Role
2. Same Sex Marriage
3. RH Law
4. Prostitusyon
5. Gender and Sexuality

You might also like