You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay:
a) nakikilala ang mga hudyat sa transisyon ng mga pahayag;
b) nakagagamit ng hudyat sa transisyon ng mga pahayag sa
pagpapahayag; at
c) nakabubuo ng pangungusap na nagpapakita ng angkop na hudyat
sa transisyon ng mga pahayag.
II. Paksang aralin:
Paksa: “Mga hudyat sa transisyon ng mga pahayag”
Kagamitan: Kagamitang biswal, marker, kartolina at yeso.
Sanggunian: Pluma 10 (Pahina 85-91)

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon po, sir.

Tumayo ang lahat para sa panalangin. (Tatayo ang lahat at manalangin)

Bago kayo maupo klas, maaari bang


pulutin ninyo ang mga kalat na nasa ilalim
ng inyong upuan. Paki-ayos din sa mga
upuang wala sa linya. (Mamumulot at mag-aayos)

(Pagtala ng liban) (Depende kung sino ang lumiban)

(Pagbibigay alituntunin)

Bago tayo magsimula, mayroon tayong


alituntunin sa loob ng ating klase, ito ang
magiging gabay natin upang maganda
ang daloy ng ating talakayan. Alituntunin:
1. Makinig at makilahok sa talakayan
2. Magbigay galang sa nagsasalita
3. Itaas ang kanang kamay kung
sasagot o magtatanong.
4. Kapag itinaas ng guro ang
kanyang kamay ay
nangangahulugang masyadong
maingay na sa klase at
kinakailangang tumahimik na ang
lahat.
5. Itago ang selpon upang hindi
makadisturbo sa klase.
(Balik- aral)

A. Pagganyak:
Handa na ba kayo sa ating klase, klas? Opo sir!
Mabuti kung ganon.
Bago tayo dumako sa ating talakayan
klas, may inihanda akong gawain na may
kaugnayan sa ating aralin ngayong
hapon.

Gawain 1: BUUIN MO, IPASKIL MO!


(Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral
sa tatlo).

Ang gawain ay pinamagatang, “Buuin


Mo!”. Ang tanging gagawin ninyo ay
buuin ang mga ginulong pantig ng salita
na nasa loob ng sobre at paunahan na
ipaskil sa pisara. Habang ipinapaskil sa
pisara ng ilang kasapi sa grupo ang
salita, ang mga naiwan ay dapat mag-
yell.
Opo sir!
Naintindihan klas?

Mga salitang ipaskil


1. PAMANAHON
2. PAGWAWAKAS
3. PAGDARAGDAG
4. PAGTATANGI (Ginagawa ng mga mag-aaral ang
5. PAGHAHAMBING ipinagawa ng guro)
6. PAG-UULIT

Ang paksa ay tungkol sa hudyat sa


B. Paglalahad: transisyon ng mga pahayag.
Ngayon klas, batay sa gawaing
ipinagawa ko sa inyo. Ano kaya ang
paksa natin?

Magaling! ang ating aralin ay nakasentro


sa mga hudyat sa transisyon ng mga
pahayag.
Pagkatapos ng talakayan, ang
Bago tayo dadako sa pagtakay sa ating mga mag-aaral ay:
paksa ay babasahin muna natin ang ating a) nakikilala ang mga
layunin. hudyat sa transisyon
ng mga pahayag;
b) nakagagamit ng
hudyat sa transisyon
ng mga pahayag sa
pagpapahayag; at
c) nakabubuo ng
pangungusap na
nagpapakita ng
angkop na hudyat sa
transisyon ng mga
pahayag.

Mga panandang-salita o pariralang


C. Pagtalakay: ginagamit upang magkaroon ng ugnayan
Ano nga ba ang hudyat sa transisyon ng ang mga kaisipan sa isang
mga pahayag, klas? pagpapahayag.

Tama!

Ngayon naman ay may ipapabasa ako sa


inyo. Bibigyan ko lamang kayo ng limang
(5) minuto sa pagbasa.

Mayroong sampung (10) hudyat sa


transisyon ng mga pahayag:
Pagsusunod, Pamanahon, Pagwawakas,
Pagbubuod, Pagdaragdag, Pagtatangi,
Paghahambing, Pagbibigay-diin, Pag-
uulit, at Pagbibigay halimbawa.

1. Pagsusunod-sunod
- Una, ikalawa, ikatlo…; A, B,
C…; bago, una rito,
pagkatapos, pagkaraan,
sumunod dito, kasunod nito,
kaya naman sa susunod.
2. Pamanahon
- Kanina, ngayon, mamaya,
nang lumaon, pagkalipas, isang
saglit, isang minuto, isang oras,
isang araw, isang taon, noong
tag-araw/tag-ulan, at iba pa.
3. Pagwawakas
- Sa wakas, sa huli, sa
katapusan, bilang pagkatapos,
sa bandang.
4. Pagbubuod o Paglalahad
- Samaktwid, sa madaling salita,
sa kabuoan, bilang kalahatan,
bilang kongklusyon, bilang
resulta.
5. Pagdaragdag
- At, saka, bukod pa rito,
gayundin, bilang karagdagan,
isa pa.
6. Pagtatangi
- Kahit pa, maski pa, sa kabila
ng/ nito
7. Paghahambing
- Samantala, ngunit, sa kabilang
banda, gayunpaman,
bagaman, kung ihahambing,
higit na, di gaanong, katulad.
8. Pagbibigay-diin
- Tunay, siyang tunay, natural,
walang duda, walang pasubali,
sigurado, tiyak, talaga naman,
sa katunayan.
9. Pag-uulit
- Sa madaling sabi, gaya ng
nasabi, tulad ng nabanggit na,
katulad ng napagkasunduan.
10. Pagbibigay-halimbawa
- Halimbawa, kunwari, sa
sandaling ito, sa kasong iyon,
sa isa pang pagkakataon,
upang ipakita, tingnan ang
nangyari.

Ang lahat ng mga hudyat sa transisyon


ay mahalaga upang maipahayag at
mailahad natin nang maayos ang ating
ideya, kaisipan o saloobin.

Batid kong alam n’yo na kung ano ang


mga hudyat sa transisyon ng mga Opo sir!
pahayag. Kaya, magkaroon na tayo ng
paunang gawain.

Ang gawain ay pinamagatan ko’ng


KILALANIN MO!
May ipapakita ako sa inyo na mga piling
salita at ang bawat isa sa inyo ay
magpaunahan sa pagsabi kung anong uri
ng hudyat sa transisyon ng mga pahayag
ito. Maliwanag ba klas?

Matagumpay nating natapos ang unang


gawain. Nasisiyahan ako na nakilala na
ninyo ang mga hudyat sa transisyon ng
mga pahayag. Ngayon naman ay
papangkatin ko kayo sa tatlo para
isagawa ang pangalawang gawain na
pinamagatan ko’ng NARITO AKO,
GAMITIN MO!

Ang bawat pangkat ay gagawa ng


dialogue o dayalogo. Sa dayalogo ay
dapat nagagamit ang mga hudyat sa
transisyon ng mga pahayag na
ipapagamit ko sa inyo. Bibigyan ko
lamang kayo ng Limang (5) minuto sa
(Binabasa ng mga mag-aaral ang
pagbuo at dapat hindi lalampas sa tatlong
pamantayan)
(5) minuto ang presentasyon.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman- 5
Pagkamalikhain- 5
Disiplina 5
KABUUAN 15
Bago ninyo gagawin ang aktibiti ay
basahin muna ng sabay-sabay ang
pamantayan.
Mga pagpipiliang hudyat sa transisyon sa
pagpapahayag

Unang pangkat- Una, kanina, mamaya,


samantala, walang duda, sa huli,
kunwari, at, hindi gaanong, katulad ng
napagkasunduan, noong tag-araw/tag-
ulan, katulad, natural, saka
Ikalawang pangkat- Pagkatapos,
mamaya, sa wakas, sa kabuoan, isa
pa, kahit pa, ngunit, sigurado, kaya
naman sa susunod, isang minuto,
bagaman, kung ihahambing, kaya
naman sa susunod, tignan ang
nangyari
Wow! ang galing ninyong lahat. Ngayon
naman gagawin natin ang huling
pangkatang gawain na pinamagatan
ko’ng ISULAT MO AKO!

Ngayon naman ay bubuo kayo.


Papangkatin ko kayo sa lima at ang
bawat pangkat bubuo ng pangungusap
na nagpapakita ng angkop na hudyat sa
transisyon ng mga pahayag. Malaya
kayong mamili kung alin sa mga Dahil tumutulong ang mga hudyat sa
panandang-salita ang inyong gagamitin. transisyon na maipahayag at mailahad
Bibigyan ko lamang kayo ng limang (5) natin nang maayos ang ating ideya,
minuto sa pagbuo at tatlong (3) minuto sa kaisipan o saloobin.
paglalahad.

D. Paglalahat
Naunawaan ba ng lahat ang ating paksa? Hindi. Dahil hindi nagiging angkop at
Wala naba kayong mga katanungan? madulas ang paglilipat-diwa mula sa
Kung wala na, ako ang magtatanong sa isang kaisipan tungo sa kasunod.
inyo.

Bakit mahalaga ang mga hudyat sa


transisyon ng mga pahayag?

Mauunawaan kaya ng mga tagapakinig


ang salita o ng mambabasa ang teksto
kung hindi ginagamitan ng mga
panandang nagbibigay hudyat sa
transisyon ng pahayag?

Sa pakikipagtalastasan o kapag tayo’y


nagkukuwento kailangan malinaw na
naipapahayag ang nais nating sabihin.

Sa tulong ng hudyat sa transisyon ng


mga pahayag nagiging angkop at
madulas ang paglilipat-diwa mula sa is
ang kaisipan tungo sa kasunod.

E. Pagtataya

Maraming pagpipilian: Ikahon ang titik ng


tamang hudyat sa transisyon ng mga
pahayag.

1. Ito ay hudyat sa transisyon ng mga


pahayag na naglalayong isunod-
sunod ang mga pangyayari.
a. Pamanahon b. Pagwawakas
c. Pagsusunod-sunod

2. ______ang pantablay ay charger


na ginagamit natin upang
mapunan ang ubos nating mga
baterya.
a. talaga naman b. Sa madaling
sabi c. kahit pa

3. Si Ainee ay masipag___ matalino.


a. saka b. isa pa c. at

4. ______nagkatuluyan sila at
nabuhay ng tahimik.
a. sa katunayan b. Sa huli c.
natural

5. Alin sa mga sumusununod ang


kabilang sa pagbibigay
halimbawa?
a. kahit pa b. gayundin c. kunwari

6. Alin sa mga sumusunod ang


naghuhudyat ng pagtatangi?
a. Kahit pa b. sigurado c. tiyak

7. Natulog muna siya____ naligo.


a. ikalawa b. saka c. natural

8. Si Anna ay pumunta na sa
skwelahan ______ ang kanyang
kapatid ay kumakain pa.
a. isang araw b. pagkaraan c.
samantala

9. Ang dalawang panandang salita ay


kabilang sa hudyat pangwakas
maliban sa isa.
a. bilang pagtatapos b.
pagkatapos c. sa katapusan
10. Alin sa mga sumusunod ang
nagbibigay-halimbawa
a. Sa katunayan b. sa sandalling
ito c. sa bandang huli

Mga susi sa pagwawasto


1. C
2. B
3. C
4. B
5. C
6. A
7. B
8. C
9. B
10. B

F. Takdang Aralin:

Magbasa ng mitolohiya at salungguhitan ang mga panandang salita na nagbibigay


hudyat sa transisyon ng mga pahayag sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari.

G. Pagninilay

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA AKTIBITING NARITO AKO, GAMITIN MO!


Pamantayan 5 4 3
Organisado at Organisado at Hindi gaanong
Nilalaman nagagamit nang nagagamit ang organisado at hindi
maayos ang panandang salita nagagamit ang mga
mga panandang na ipinagamit. panandang salita na
salita na ipinagamit.
ipinagamit.

Napakalinaw na Malinaw na Hindi gaanong malinaw


nailahad ang nailahad ang ang pagkakalahad sa
Pagkamalikhain kaisipan at kaisipan at kaisipan.
kakikitaan ng maayos.
kaayusan.

Tulong-tulong Tulong-tulong Hindi tumutulong ang


Disiplina ang lahat at ang lahat ngunit lahat at bahagyang
walang hindi bahagyang maingay.
kanais-nais na maingay.
ingay.

You might also like