You are on page 1of 9

J.

H CERILLES STATE COLLEGE


Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Email add: jhcsc.main@yahoo.com
School of Teacher Education
4A’s-Masusing Banghay Aralin Sa Filipino G10

Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
a. naibibigay ang mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa isang
bansa;
b. nakapagbabahagi ng sariling pananaw sa epektong dulot ng globalisasyon sa
Pilipinas; at
c. nakapagpapakita ng pangyayari na hatid ng globalisasyon.

I. Paksang Aralin:
Paksa: Globalisasyon at ang dulot nito sa Pilipinas
Kwarter: Una
Kagamitan: Biswal eyds, manila paper, bond paper, marker
Mga Sanggunian: Araling Panlipunan 10 (Pahina 69-73)
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain- Paghahanda
 Panalangin
Magandang hapon, klas! Magandang hapon po, G. Juwie!

Bago tayo magsimula ay manalangin muna


tayo. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
espiritu santo... Amen…
 Pagbati/Pagpapanatili sa kalinisan

Bago kayo maupo ay mangyaring pulutan


muna ang mga kalat na nasa ilalim ng inyong
upuan at ayusin ang mga upuang wala sa
hanay.

 Pagtala sa Liban Wala po, Sir!


Okay, May lumiban ba sa araw na ito?

Magaling kung gayon, nangangahulugan na


ang lahat ay handang matuto sa hapong ito.

 Pagbibigay Alituntunin
Bago tayo magsimula, mayroon tayong
alituntunin sa loob ng ating klase, ito ang
magiging gabay natin upang maganda ang Alituntunin:
daloy ng ating talakayan. 1. Makinig at makilahok sa
talakayan.
2. Alisin ang sagabal sa isipan at
mag-focus lang sa klase.
3. Gawin ang ipapagawa ng guro.
4. Alalahanin na bawal gumamit
ng selpon kung walang
pahintulot ng guro.
5. Naisin mong makaintindi sa
talakayan upang makasagot sa
mga gawain.
6. Dapat ay tumulong sa ka-grupo
sa pangkatang gawain upang
makakuha ng malaking puntos.
7. Alitan ay bawal sa klase kaya
respituhin ang kaklase.

B. Pagbabalik-aral
(Pag-alala sa nakaraang talakayan) Ako sir.

Sino sa inyo ang nakaalala sa ating


nakaraang talakayan? Mga Isyung Ekonomiko, sir.

Sige nga, Tricia. Ano ang paksa noong


nakaraang tagpo? Ako sir!

Mahusay! Ano-anong mga isyung ekonomiko


sa Pilipinas?
Sige, Jordan magbigay ng isa. Labis na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.
Magaling! Talagang isyu ang pagtaas ng
presyo ng mga primarying bilihin lalo na sa
kasalukuyan.

Ang huhusay ninyo klas. Masasabi ko mula


sa inyong mga sagot na nakinig talaga kayo
sa nakaraang talakayan.
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

*Aktibiti
C. Pagganyak
Sa puntong ito ay magkaroon tayo ng
paunang gawain. Tinawag ko itong,
LARAWAN KO, KILALANIN MO!
May ipapakita ako sa inyong mga larawan.
Masdan ninyong mabuti dahil tatanungin ko
kayo.

Unang larawan

Anong nakikita ninyo. Sinong gustong mag-


share, pwede ninyong itaas ang inyong
kamay para ma-recognize ko kayo.
Sige nga Liza, anong nakikita mo sa unang Mga flag ng mga bansa sa mundo sir.
larawan?

Tama. Ang Flag ang sagisag ng isang bansa.

Ikalawang larawan

Anong makikita natin sa ikalawang larawan? Avengers, sir.


Anong nakikita mo, Edilyn.

Ayun, Tama! Ito ay Avengers, isang sikat na


series sa Hollywood.

Ikatlong larawan

Sino-sino ang mga taong ito, klas? Yes, sir!


Sinong nakakikilala sa kanila?
Kilala mo ba sila, Justine? BTS, sir.
Ano ang pangalan ng kanilang grupo?

Mahusay. Sila ang BTS, tanyag na K-POP


group sa buong mundo.

Ikaapat na larawan

Si Morissette, sir.
Sino ba sa inyo ang nakakikilala sa kanya?
Ikaw nga, Jerry.

Tama! Siya si Morissette na kilala bilang


Asia’s Phoenix. Sikat siya hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa pati na rin sa Asia at sa iba
pang mga bansa sa buong mundo.
Tinatangkilik din ng mga dayuhan ang
kanyang myusik.

*Analysis Mga ipinagmamalaki ng mga bansa,


Batay sa mga larawang ipinakita ko sa inyo, sir!
ano ang mga naiisip ninyo?

Tama! Ang mga ipinakita ko ay nagmumula


sa isang bansa.
Tungkol sa trend sa mundo, sir!
Base sa inyong naging sagot ano sa tingin
ninyo ang ating magiging leksyon sa araw na
ito?

Maaaring tama!

Ang ating talakayan ay naka sa sentro sa


Globalisasyon at ang dulot nito sa Pilipinas.
Ngunit bago tayo dadako sa talakayan klas, Sa katapusan ng aralin, ang mga
babasahin muna natin ang ating layunin. mag-aaral ay:
Pakibasa…. A. naibibigay ang mga positibo at
negatibong epekto ng
globalisasyon sa isang bansa;
B. nakapagbabahagi ng sariling
pananaw sa epektong dulot ng
globalisasyon sa Pilipinas; at
C. nakapagpapakita ng
pangyayari na hatid ng
globalisasyon.

Ang ating mga layunin ay ating matatamo


kung kayo ay maging aktibo sa diskasyon. Opo, sir!
Maaasahan ko ba ang inyong aktibong
partsipasyon klas?

Pormal na Pagtalakay
Globalisasyon
-Ito ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalapit sa ugnayan ng mga bansa sa
iba’t ibang aspekto, tulad ng ekonomiko,
kultural, at politikal, dahil sa mas mabilis na
pagdaloy ng kaalaman.

Layunin ng globalisasyon
-Layon nitong magsama-sama sa pag-unlad
ang lahat ng tao sa daigdig sa aspektong
panlipunan at pangkabuhayan sa
pamamagitan ng malayang pagdaloy ng mga
produkto, serbisyo, at kaalaman, at maging
ang pagkilos ng tao sa lahat ng posibleng
hangganan.

Mga aspekto ng tao na apektado sa


globalisasyon
-Pamumuhay, pagkain, pananamit,
pinanonood sa telebisyon, paglalakbay, at
pamimili sa tindahan.

Saklaw sa pangunahing layunin ng


globalisasyon ang kaunlaran ng lahat ng tao.

Kaya narito ang mga katangian ng


globalisasyong ekonomiko.

Mga Katangian ng Globalisasyong Ekonomiko


Katangian Kahulugan Manipestasyon
sa Pilipinas
Liberalisasyon Pag-alis o Pagtanggal ng
(Liberalization) pagtanggal sa mga import at
limitasyon o export duty at
hadlang sa surcharge;
malayang pagbubukas ng
palitan ng mga industriya ng
produkto sa pagbabangko
pagitan ng para sa mga
mga bansa dayuhang bangko
alinsunod sa
Republic Act No.
10641
Pribatisasyon Paglilipat ng Pagsasapribado
(Privatization) pagmamay-ari ng mga
ng isang ari- pampublikong
arian o serbisyo tulad ng
Negosyo mula kuryente at tubig;
sa paglilipat ng
pamahalaan pagmamay-ari ng
patungo sa Philippine Airlines
isang
pribadong
entidad
Deregulasyon Pag-alis o Deregulasyon ng
(Deregulation pagtanggal sa industriya ng
) kapangyarihan langis alinsunod
ng estado sa sa Republic Act
isang No. 8479;
partikular na pagtataguyod ng
industriya mas maraming
upang mamumuhunan
makalikha ng para sa industriya
mas ng
maraming telekomunikasyon
kompetisyon alinsunod sa
Republic Act No.
7925

Sa puntong ito klas ay may ipapabasa ako sa


inyo. Bibigyan ko kayo isa-isa at basahin ng
tahimik sa loob ng 7 minuto. Intindihing
mabuti ang ipapabasa upang makagawa sa
aking ipapagawa mamaya.

Maraming nagtatagisang posisyon ang mababasa


tungkol sa epekto ng globalisasyon sa isang bansa.

Para sa mga positibo ang pananaw sa


globalisasyon, makadaragdag ito sa hanapbu hay ng
mga mamamayan dahil sa pagkakaroon ng mga
mamumuhunan at pagbubukas ng mga bagong
negosyo. Kaalinsabay nito ang pagtanggap ng mga
bansang maunlad ng mga manggagawa mula sa mga
bansang papaunlad tulad ng Pilipinas. Nagagawa ring
makapag-aral na sa ibang bansa dahil sa dami ng
mga institusyong tumatanggap ng mg banyagang
mag-aaral bilang iskolar o kaya nama'y bilang
exchange student.
Nagdadala din ng kompetisyon ang globalisasyon na
nagbubunsod ng pagkakaroon ng mga de-kalidad na
produkto na tinatangkilik ng mga mamimili sa kabila
ng mataas na presyo nito. Sa kabilang dako, bumaba
naman ang presyo ng ilang bilihin dahil sa matinding
kompetisyon.

Para sa mga may negatibong pananaw sa


globalisasyon, nakikita nila ito bilang dahilan ng
diumanong hindi pagkakapantay-pantay sa aspektong
pangkabuhayan dahil patuloy lamang na yumayaman
ang mayayaman samantalang naghihirap lalo ang
mahihirap. Habang nagiging mas makapangyarihan
ang mga bansang maunlad na, napagiiwanan o di
kaya naman ay mabagal ang pag-unlad ng mga
bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Sa
mga papaunlad na bansa, nagreresulta ito sa mas
maraming produktong inaangkat kaysa sa iniluluwas
kung kaya't nagkakaroon ng malaking trade deficit.
Dagdag pa dito ang pagpapabaya sa mga lokal na
manggagawa dahil sa pagpopokus ng interes at
pagbibigay priyoridad sa mga banyagang kompanya.
Apektado rin maging ang mga lokal na industriya dahil
sa kawalan ng kakayahang makipagtagisan sa mga
pro duktong pumapasok mula sa ibang bansa kaya't
ipinagbibili nila ang kanilang produkto sa mas
mababang halaga.

Sa Pilipinas, dahil sa liberalisasyon sa kalakalan,


tumataas ang pag-angkat ng mga produktong
agrikultural mula sa ibang bansa. Ikinalulungkot ng
ibang sektor ang katoto hanang ito lalo't nakadepende
ang halos 2/3 ng kabuoang populasyon ng Pilipinas sa
sektor ng agrikultura. Halimbawa, napipilitan ang mga
taga-Cordillera na makipagsa bayan sa puwersa ng
globalisasyon sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
cash crop tulad ng mga gulay, kape, at beans.
Gayunpaman, lubhang mas mataas ang presyo ng
mga gulay na itinanim sa Pilipinas kung ihahambing
sa mga gulay mula sa ibang bansa.
Kaakibat din ng globalisasyon ang pagkasira ng
kalikasan at pagkalat ng sakit dahi malayang pagkilos
ng tao sa iba't ibang bahagi ng mundo. Makikita rin
ang negatibo epekto ng globalisasyon sa
pangangamkam ng ilang malalaking korporasyon sa
mg lupain ng mga katutubo upang pagtayuan ng
kanilang negosyo.

Sa aspektong kultural, nakaliligtaan na ang mga lokal


na sining dahil sa globa lisasyon. Halimbawa, dahil sa
pagkahilig ng bagong henerasyon sa panitikan, musi
ka, pelikula at laro mula sa ibang bansa. nalilimutan
na nila ang mga katutubong panitikan at sining, tulad
ng balagtasan, bugtungan, at kundiman. Mas
nahuhumal ing sila ngayon sa mga pelikula at
personal idad na likha sa Hollywood, tulad nina Cap
tain America, Iron Man, at ng mga Avengers. Sa halip
na maglaro ng mga katutubong laro tulad ng patintero,
tumbang-preso, at luksong-baka, ginugugol ng
maraming kabataan ang ang kanilang oras at pana
hon sa harap ng kanilang mga kompyuter o
smartphones upang maglaro o di kaya'y gumamit ng
social media applications tulad ng Facebook, Twitter,
Instagram, at iba pa.

Handa na nga ba ang Pilipinas sa mga pagbabagong


dulot ng globalisasyon? Nang maging kasapi tayo ng
World Trade Organization noong 1995, nananatiling
mabagal ang kaunlarang pangkabuhayan ng Pilipinas
kung ihahambing sa mga karatig bansa sa Timog-
silangang Asya. Posibleng dulot ito ng kawalan ng
kahandaan o kakulangan ng kaunlaran sa sariling
ekonomiya ng bansa. Hadlang din sa kaunlaran ang
talamak na ka hirapan at laganap na katiwalian sa
pamahalaan.
Noong unang bahagi ng 2015, kinailangan ng isang
pamilyang may limang kasapi ang buwanang sahod
na nagkakahalaga ng P6,365 upang magkaroon ng
sapat na gastusin para sa pagkain. Samantala,
kinailangan ng isang pamilyang may limang miyembro
ang halagang P9,140 bawat buwan upang matustusan
ang pangangailangan sa pagkain at iba pang
mahahalagang gastusin, tulad ng sa pabahay, damit,
trasportasyon, edukasyon, at kalusugan. Sa parehong
panahon, tinatayang nasa 26,3 porsiyento ang
bahagdan ng mga Pilipinong nabubuhay sa ilalim ng
antas ng kahirapan. Samantala, nasa ika-105 puwesto
ang Pilipinas pagdating sa mga pinakatiwaling bansa
sa buong daigdig noong 2012 batay sa Corruption
Perceptions Index na isinagawa ng Transparency
International.

Sa puntong ito klas ay papangkatin ko kayo


sa lima (5) upang gawin ninyo ang gawaing
pinamagatan kong IBIGAY NYO! Ang Yes Sir!
gagawin ninyo ay isulat nang naka bullet sa
kahon ang positibo at negatibong epekto ng
globalisasyon. Bibigyan lamang kayo ng
limang (5).

*Abstraction
Nasisiyahan ako klas na matagumpay nating (Depende sa sagot ng estudyante)
natapos ang gawaing katatapos lang.
Ngayon naman ay may inihanda akong mga
katanungan at tatanungin ko kayo. Ang sino
man sa inyo ang makasagot ay (Depende sa sagot ng estudyante)
makakatanggap ng regalo mula sa akin.

Handa naba ang lahat para sa katanungan


klas?

Okay, ito ang unang tanong.

Sa iyong sariling pananaw, ano-ano ang mga


epektong dulot ng globalisasyon sa
Pilipinas?

Bakit may negatibong dulot ang


globalisasyon sa Pilipinas sa kabila ng mga
magandang oportunidad na ibinigay nito sa
mga tao?

Sa pangkalahatan klas, makatutulong ang


globalisasyon sa kaunlaran ng Pilipinas kung
mapabababa ng pamahalaan ang insidente
ng kahirapan sa lipunan at mapatataas ang
oportunidad para sa mas maraming Pilipino
upang makapagtrabaho.

*Aplikasyon
Ngayon klas ay papangkatin ko ulit kayo sa
lima. Ang gagawin ninyo ay magsasadula sa
senaryong ibibigay ko inyo. Bibigyan lamang
kayo ng sampung (10) minuto sa
preparasyon at dapat hindi lalampas sa
limang (5) minuto ang presentasyon.
Unang Pangkat: Nagsagawa ang mga
doctor at nurse’s ng operasyon sa pasyente Pagganap o Pag-arte -30%
gamit ang mga makabagong kagamitan sa Pagsasalita -30%
medisina. Akmang anyo ng mukha -25
Ikalawang Pangkat: Naglibot sa mga Pagtindig sa harap ng klase-15%
pasyalan ng South Korea habang Kabuuan: 100%
nagbabakasyon.
Ikatlong Pangkat: Nagpupulong ang mga
lider ng iba’t ibang bansa para sa siguridad.
Ikaapat na Pangkat: Nag-shopping sa mall
(bumibili ng mga mamahaling kasuotan)
Ikalimang Pangkat: Kumakain ang
magkakaibigan ng iba’t ibang delikasis mula
sa mga dayuhang bansa habang nag-uusap.

Pero bago ninyo iyan gawin klas ay


babasahin nyo muna ang gabay sa
pagmamarka.

IV. Pagtataya

Ngayon bibigyan ko kayo ng pagsusulit


upang subukin ang inyong kalaaman sa ating
paksa.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa proseso ng


pagpapalapit sa ugnayan ng mga bansa
sa iba't ibang aspekto, tulad ng
ekonomiko, kultural, at politikal, dahil sa
mas mabilis na pagdaloy ng kaalaman.

a. Liberalisasyon b. Globalisasyon
c. Deregulasyon

2. Ito ay nangngahulugang paglilipat ng


pagmamay-ari ng isang ari-arian o
Negosyo mula sa pamahalaan patungo
sa isang pribadong entidad
a. Globalisasyon b. Pribatisasyon
b. Deregulasyon

3. Kailan nagsimulang naging kasapi ang


Pilipinas sa World Trade Organization?
a. 1995 b. 1990 c. 2000

4. Ang globalisasyon ay makaragdag sa


hanapbuhay ng mga mamamayan dahil
sa pagkakaroon ng mga mamumuhunan
at pagbubukas ng mga bagong negosyo.
a. Tama b. Mali c.Pweding tama,
pweding mali

5. Dahil sa_________ sa kalakalan,


tumataas ang pag-angkat ng mga
produktong agrikultural mula sa ibang
bansa.
a. Globalisasyon b. Liberalisasyon
c.Pribatisasyon

6. Ang sumusunod ay mga pangunahing


salik ng globalisasyon maliban sa isa.
a. Kalakalan b. Edukasyon
c. Migrasyon

7. Ano ang tawag sa pag-alis o pagtanggal


sa kapangyarihan ng estado sa isang
partikular na industriya upang makalikha
ng mas maraming kompetisyon?
a. Liberalisasyon b. Pribatisasyon
c. Deregulasyon

8. Dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga


Pilipino sa gawang dayuhan ay malimit
nalilimutan na ang mga gawang Pinoy.
a. Tama b. Mali

9. Anong ahensiya ang nagsabi na may apat


na salita ang globalisasyon at ito ang:
Kalakalan, Puhunan, Migrasyon at
kaalaman.
a. Internal Monetary Fund
b. International Monetary Fund
c. International Monitary Fund

10. Anong bansa ang pinag-uusapan sa


talakayan na naging sentro sa epektong
dulot ng globalisasyon?
a. Pilipinas b. China c. USA

Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga halimbawa ng likas na


yaman at isulat sa ¼ na papel

Inihanda ni: G. Juwie Consolacion

You might also like