Professional Documents
Culture Documents
Mga Suliraning
Pangkapaligiran sa
Sariling Pamayanan
(PAGPAPAKITANG-TURO)
Inihanda ni:
Iniwasto ni:
Marso 2023
Ikalawang Semestre
I. Layunin:
a. Naipaliliwanag ang mga konsepto, sanhi at bunga ng mga suliraning
pangkapaligiran nakasentro sa pagkasira ng mga tahanan.
b. Napahahalagahan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapayaman at
pangangalaga sa mga likas na yaman na kailangan para sa pang araw-araw na
pamumuhay.
c. Nakagagawa ng islogan na makapanghihikayat sa mga tao na pagyamanin ang mga
likas na yaman.
II. Paksang Aralin:
a. Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran saSariling Pamayanan
b. Kagamitan: TV, Laptop, Iba't ibang mga Larawan, Kartolina, atbp.
c. Sanggunian: Padayon: Mga Kontemporaneong Isyu, Pahina 125-139
d. Pagpapahalaga: “Nabibigyang diwa ang kahalagahan ng kapaligiran sa
pamamagitan ng pagpapayaman at pangangalaga sa mga likas na yaman na
kailangan para sa pang araw-araw na pamumuhay.”
A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
Magandang Araw sainyong
lahat!
B. Balik-Aral
“I-BULUNG M0”
Proseso ng Gawain:
1. Ang klase ay igugrupo sa tatlong pangkat
2. Ang bawat pangkat ay magbibigay ng kanilang isang representante para sumali sa
gawain
3. Ang bawat representante ay bibigyan ng isang pamaypay at dahon para gamitin sa
gawain
4. Ang bawat representante ay magpapaunahan sa pagpaypay ng dahon patungo sa
harap upang buuin ang mga salita na naka-iskrambol sa mga papel na dahon.
5. Pagkabuo ng salita ito ay ididikit ito sa green tsart na ginawa ng guro.
6. Ang bawat saling mabubuo ay may karampatang premyo.
7. Ang gawaing ito ay magtatagal lamang ng limang minuto.
GAGIRANPAKLI
KALIS MIDOKAPIYSON
PADAYONSAT
Mga kasagutan:
• Kapaligirang Likas
• Modipikasyon
• Adaptasyon
Tama!
Nakakatuwang isipin na ang lahat ay
nakinig sa ating nakaraang talakayan.
Inaasahan ko na nakadagdag sa inyong
kaalaman ang natalakay natin hinggil
sa mga suliraning pang kapaligiran.
C. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin, tayo
muna ay magkakaroon ng isa pang
gawain.
Pamprosesong Tanong
D. Paglalahad
na nakakasira sakanya.
mundo.
E. Pagtatalakay
Mga alituntunin sa
Ang modernisasyon ng agrikultura uparig mapataas ang ani para sa pagkain ay banta rin sa
biodiversity ng lugar. Sa halip na magtanim ng mga lokal o katutubong pananim na
pangkaraniwan sa isang lugar, ang ang magsasaka ay mas pinipili ang mga dayuhang species
(alien invasive species) na magbibigay ng mas maraming ani at malaking kita. Bunga nito,
maraming mga likas o lokal na pananim ay pakaunti nang pakaunti ang nagtatanim.
Sa kabuoang lupain ng bansa na 30 milyong ektarya, 15.9 milyon ang may klasipikasyon
bilang forestlands. Sa nabanggit na forestlands, 2.7 milyong ektarya ang idineklara o
itinuturing na protected areas. Batay sa 2010 satellite imageries na isinagawa ng National
Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), binubuo ang kagubatan ng
bansa ng open forest na nasa 68% (4.595 milyon ektarya) ng kabuoang forest cover ng bansa,
28% bilang closed forest at ang natitira ay mga mangrove. Batay sa rehiyon ang mga nanguna
sa may pinakamataas na forest cover ay ang Rehiyon 2 na nasa 1.04 milyon ektarya, Region
4-8 (915,664 ektarya). Cordillera Administrative Region (773,191 ektarya). Region 13
(683,112 ektarya). Region 3 (520,598 ektarya). Eastern Visayas (514,464 ektarya). Region
11 (428.716 ektarya). Northern Mindanao (377,858 ektarya), at Autonomous Region in
Muslim Mindanao (301,894 ektarya).
Sa mga pamayanang rural sa bansa, ang pagkawala ng integridad ng mga watershed (loss of
watershed integrity) at ang degradasyon ng mga lupang agrikultural (degradation of agricultural
land base) ang dalawang nangungunang suliraning pangkapaligiran. Itinuturing na sanhi nito
ang hindi angkop at hindi sustainable na paggamit ng lupa at pamamaraan sa pagsasaka sa
upland areas, laganap na deforestation, at pagmimina sa ilang probinsiya. Tinatayang mahigit
sa 267 watershed ang nangangailangan ng rehabilitasyon sa buong bansa. Ang watershed
ang ipunan ng tubig sa ibabaw at ilalim ng lupa na dumadaloy sa isang river system.
Sumusuporta ang mga watershed sa national irrigation systems at siyang pangunahing
pinagkukunan ng tubig na ginagamit sa mga kabahayan.
Batay sa population density, ang siyudad ng Manila ang pinakasiksikan na mayroong 71,263
katao sa bawat square kilometer, kasunod ang Mandaluyong na may 41,580 katao sa bawat
square kilometer at Pasay City na may 29,815 katao sa bawat square kilometer. Ang mga
naturang datos ay 6 beses namas mataas kaysa sa national average population density na 337
katao bawat square kilometer.
Sa labas ng Metro Manila, ang mga nangunguna sa pagiging siksikan batay sa population
density. Ang mga urban center sa pangunguna ng Metro Manila ay nagpapamalas na ng mga
problemang iniuugnay sa hindi maayos na pangangasiwa ng urbanisasyon gaya ng polusyon sa
hangin, tubig, ingay, at lupa, kakulangan sa suplay ng tubig, mahinang impraestruktura ng
"sewerage" at pagtatapon ng basura, traffic congestion, mataas na bilang ng mga "informal
settler" e iskwater, at mataas na unemployment at antas ng krimen. Ang mataas na populasyon
at urban migration ay nagbunga rin sa mabilisan at hindi maayos na conversion ng mga
produktibong lupang agrikultural para sa panahanan at iba pang gamit pang-urban.
F. Pangwakas na Gawain
Pagkasira
ng
Tirahan
Mga
Suliraning
Pang-
Kapaligiran
Pamayanang
Pagkakalbo
Rural at
ng kagubatan
Urban
b. Pagpapahalaga
Pagtataya
A. Mga Katanungan
Panuto: Ibigay ang suliraning pangkapaligiran na tinutukoy. Piliin at isulat sa patlang
ang letra ng wastong sagot.
a. Pagkasira ng Tirahan d. Pagkakalbo ng Kagubatan
b. Pang Urban e. Pang Rural
c. Pagkawala ng Biodiversity f. Polusyon
___1. Ito ang epekto ng malawakang pagkaubos ng mga puno sa mga bundok at gubat.
___2. Ang mga suliranin na ito ay nararansan sa kapatagan.
___3. Ito ang pagkaubos ng mga ekosistema ng mga ibat-ibang uri ng nilalang.
___4. Ito ang pagkawasak ng mga natural na tirahan mapa karagatan o kalupaan.
___5. Ang mga suliranin na ito ay madalas na nararanasan sa mga kabudukan at mga
l liblib na lugar.
B. Mga Kasagutan
A. Kasagutan sa katawaganang tinutukoy:
1. d
2. b
3. c
4. a
5. e
IV. Takdang-Aralin
Batayan sa Pagmamarka
Nilalaman – 25%
Impak – 15%
Organisasyon at Kalinisan – 20%
Pagkamalikhain – 25%
Pagkakahulugan – 15%
Kabuuan – 100
Pahina 136