You are on page 1of 3

Isang Mala-masusing Banghay – Aralin sa Filipino 5

Inihanda para sa Pakitang-turo sa Pandistritong Pagsasanay ng PRIMALS-Filipino


Ikaapat na Markahan
Hunyo 4, 2021
I-Layunin
Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan. F5PN-IVa-d-22
Pagsasanib na mga Layunin
1. Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang kwento at tekstong
pang-impormasyon. F5PB-Ia-3.1
2. Nakapagpapakita ng pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran. EsP5PPP-IIId-27
II-Paksa
A.Paksang-aralin Paggawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan
at pagsagot ng mga tanong sa napakinggang kwento at tekstong pang-impormasyon
at pagpapakita ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.
B. Sanggunian F5PN-IVa-d-22, F5PT-IVd-f-1.13, EsP5PPP-IIId-27, online resources, at iba pa
C. Kagamitan Laptop, mga larawan, AVP, charts, at iba pa
D.Pagpapahalaga Pangangalaga sa kapaligiran

III- Pamamaraan
A. Panimulang
Gawain
1. Pamukaw- Pakinggan ang kantang “KAPALIGIRAN”
siglang- gawain
2.Balik-aral Aral ko, balikan mo!

Salita ko, kahulugan mo!


3.Paghahawan ng turista, nagtampo, malasakit
Balakid
4. Pagganyak Panoorin ang bidyung ” It’s More Fun in Davao Oriental”
5. Pangganyak na Tanong ko, sagot mo!
Tanong a. Ano-ano ang mga nakikita ninyo sa bidyu?
b. May napuntahan na ba kayo sa bidyung inyong napanuod? Ibahagi ang iyong
karanasan.
B. Panlinang na
Gawain
1.Paglalahad (Bidyu ko, panoorin mo!)
Maglahad ng bidyung “Nang Magtampo Ang Ilog”.

2. Pag-unawa Tanungin ang mga mag-aaral gamit ang estratehiyang “ Tanong ko, sagot mo-
sa Teksto Pagbubusa ng kaalaman”
Mga Pamantayan:
a. Makinig sa tunog ng kawayan.
b. Ang huling tunog na maririnig ay hudyat na maaaring tumayo at sumagot
pasalita ang lahat.
c. Isang kahulugan lamang ang isasagot sa bawat tanong ng guro na maaring
magkatulad o magkaiba ang sagot ng bawat isa.

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang bidyu?
2. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Dakung Suba?
3. Pagtatalakay Pagtatalakay sa ugnayang sanhi at bunga. Ibigay ang mga kahulugan nito at
magbigay ng mga halimbawa.
Sanhi- ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng pangyayari.
Bunga- ay siyang kinalabasan o epekto ng pangyayari.
4.Pangkatang (Galing mo, Ipakita mo!)
gawain a. SI BIMBO MAKALAT
b. Ang bawat lider ng pangkat ay kukuha ng sobre na naglalaman ng mga
gawain.
c. Bibigyan ng 2-3 minuto ang mga mag-aaral upang makahanda.
d. Ang bawat pangkat ay magtanghal sa paraang kanilang nabunot na gawain sa
loob ng 1-2 minuto.
e. Bibigyan ng marka ang bawat pangkat gamit ang rubrik.
5. Paglalahat Sanhi- ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng pangyayari

Bunga- ay siyang kinalabasan o epekto ng pangyayari.

Ang Sanhi at Bunga ay kadalasan pinagdurugtong ng mga pang-ugnay tulad ng :


dahil, kung kaya, kasi, nang dahil sa, kapag at sapagkat.

C. Pangwakas
na Gawain
1.Pagsasanay Pagtatanong “Ang kalinisan ng ating lugar ay katulad ng kalinisan ng ating kalooban”

2. Paglalapat
LARAWAN KO, GAWIN AT SAGUTIN MO!

Panuto: Gumawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga at gamitin ang mga


larawan na mula sa kuwentong napakinggan at sagutin ang mga tanong ukol dito na
nagpapakita ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran..

3. Pagpapahalaga Paano mo ipinapakita ang pagmamahal sa iyong kapaligran?

IV- Pagtataya Panuto: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro. Pagkatapos, gumawa ng
dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan at sagutin ang
mga tanong sa napakinggang kwento at tekstong pang-impormasyon na nagpapakita
ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.
Inang Kalikasan

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito


nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at
kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin
nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha
ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga
hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang
turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay
hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong
paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura,
maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan
kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna.
Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide,
phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay
dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong
ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat
dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin
nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa
panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng
kalikasan.
Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad.
Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa
atin ng Panginoon

Mga tanong:

Ano-ano ang mga sanhi ng pagkasira ng kalikasan? Ano-ano naman ang mga
bunga ng pagkasira nito?

Magtala ng limang pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat at gawin


ito sa dayagram na nasa ibaba

V-Takdang-aralin Panuto:. Gumawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan sa radyo na nagpapakita ng pagiging responsible sa kapaligiran.

Inihanda ni:

JOVIL C. GERAM
Guro III

Namasid nina:

THELMA P. CASTARDO DIVINA D. PASAY


Dalubhasang Guro I Dalubhasang Guro I

Pinagtibay:

PERCIVAL A. LIBERA
Tagamasid Pampurok

You might also like