You are on page 1of 8

Pagpapakitang Turo sa Filipino V

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nilalaman

Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling


ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakasasali sa isang usapan tungkol sa paksang napanood.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Sa dulo ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Tiyak na Layunin:

1. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F5PB-IIc-6.1)


2. Naipadarama ang pagmamalasakit sa kapaligiran
3. Nakagagawa ng pangungusap na mayroon sanhi at bunga.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari.

Sanggunian: K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum

B. Mga Kagamitan: tsart, pictures, videos , powerpoint

Halagang Pangkatauhan: Unti-unti nang nasisira ang ating kapaligiran, Pangalagaan ang
ating kapaligiran.

Pagpapahalaga: Pagkamaingat at Pagmamalasakit

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at Pagsisimula ng Bagong Aralin

a. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin.

b. Bigyan ng maikling pagsasanay sa pasulat o pasalita ang mga mag-aaral


batay sa nakaraang aralin.
Isang parada ng mga gulay ang itinampok ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang.
May suot na damit na tila sarisaring gulay ang bawat isa. Karaniwang kulay luntian ang mga
suot nilang costume. Mayroon ding gumamit ng mga mascara. Samantala, ang mga guro
naman ay may dala-dalang bilao ng mga sariwang gulay. Nais itampok ng paradang ito ang
kahalagahan ng pagkain ng mga gulay para sa malusog na katawan at isipan.

Mahalaga sa ating kalusugan ang pagkain nang tama. Nagiging malakas ang ating
katawan. Sumisigla ang ating isipan. Hindi tayo medaling nagkakasakit. Naiiwasan ang
paggastos nang malaki dahil ang mga pagkaing masusustansiya ay hindi kinakailangang
maging mahal.

Pamilyar Di-pamilyar

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Pagganyak)

1. Tukoy-alam:

1. Walang dumi o mantsa

M l n i

2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar

p m a m S a l

3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan

U m a p W

4. Natatakot sa anumang mangyari

N n g g A m b

5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay

k m l s

2. Pagganyak

a) Ilarawan ang unang larawan.


b) Ilarawan naman ang ikalawang larawan

c) Paghambingin ang dalawang larawan.

C. Pag- uugnay ng mga


halimbawa sa bagong
aralin (Pagtalakay)

a) Ibibigay ng guro ang mga pamantayan sa panonood.

b) Pagpapanood ng Video clip na may kantang "masdan ang ating kapaligiran".

Masdan ang ating kapaligiran


By Asin

Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?


Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.

mga batang ngayon lang isinilang


hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin
may hangin pa kayang matitikman?
ang ating narating ngunit
may mga puno pa kaya silang aakyatin
masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul
may mga ilog pa kayang lalanguyan?
ngayo'y naging itim ang mga duming ating
ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin
bakit di natin pagisipan ang nangyayari
upang kung tayo'y pumanaw man,
sa ating kapaligiran
hindi na masama ang pag-unlad
sariwang hangin sa langit natin matitikman
kung hindi nakakasira ng kalikasandarating
mayron lang akong hinihiling
ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan
sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
masdan moang mga punong dati ay kay tatag
gitara ko ay aking dadalhin upang
ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
sa ulap na lang tayo magkantahan

lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos


kahit nong ika'y wala pa ingatan natin
at 'wag nang sirain pa pagkat
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paglalahad ng bagong kasanayan.
Blg.1 (Gawin Ninyo)
 Talakayin ang napanood na video clip.
 Pagtatanong sa mga mag-aaral.
 Sagutin ang mga tanong.

1.Tungkol saan ang paksang napanood mula sa telebisyon?


2. Ano ang nais ipabatid ng kanta?
3. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng ating likas yaman?
4. Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng ating likas yaman?

Integrasyon:

1. Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa dati?


2. Paano mo paproprotektahan ang mga wawa o ilog sa iyong paraan?
3. Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang kapaligiran ?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paglalahad ng bagong kasanayan


Blg.1 (Gawin mo)
Pangkatang Gawain: Hatiin sa apat na grupo ang klase. Muling ipaala-ala
ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.

Pangkat I - Panuto: Isulat ang maaaring maging bunga ng mga sumusunod.


Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita.
SANHI BUNGA
1. Madalas na hindi pagpasok sa klase.
2. Walang tigil na pagputol ng mga puno ng
kagubatan.
3. Paliligo sa ulan ng matagal.
4. Pagtatapon ng balat ng saging sa daanan.
5. Hindi pagsunod sa utos ng mga magulang.

Pangkat II - Panuto: Isulat ang sanhi ng mga sumusunod na bunga


Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas.

SANHI BUNGA
1. Nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit.
2. Nasunog ang sinaing na bigas.
3. Nahuli sa klase.
4. Napagalitan ng guro sa klase.
5. Nasunog ang pinaplantsang damit.

Pangkat III- Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga estero at
kanal.

Sanhi
Sanhi

Bunga
Bunga Bunga
Bunga Bunga
Bunga
Pangkat IV - Bigyan ng mga pangungusap na may sanhi at bunga ang mga magkakatambal na
larawan.
1. 4.

2.
5.

3.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


(Ibibigay ng guro).

G. Paglalapat
ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagpapahalaga)
Pag-usapan: Ibibigay ng guro na angkop sa layunin.

Mga Pamantayan Bihira Paminsa Madala


n-minsan s

1. Paggamit ng mga bagay na nakasisira

sa kapaligiran tulad ng mga styrofoam o

spraynet.

2. Paglilinis ng kapaligiran

3. Pagtulong sa proyekto ng pamahalaan.

3. Pagtulong sa proyekto ng pamahalaan.

4. Pagbibigay-paalala sa mga nakikitang


maling gawa ng kapwa.

5. Pagwawalang bahala sa mga

ginagawang kapabayaan sa kapaligiran.

H. Paglalahat ng Aralin
Itanong: Paglalahat: Patnubayan ng guro na makabuo ng kaisipan ang mga mag-
aaral tungkol sa katatapos pa lamang na aralin.

Tandaan:

 Ang sanhi ang dahilan ng pangyayari.

 Ang bunga ay resulta ng pangyayari.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Pagtambalin ang sanhi nasa Hanay A na angkop sa bunga na nasa Hanay
B.Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid

2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog

3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda

4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao

5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop

f. Pagkakalbo ng kagubatan

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/remediation.


(Ibibigay nang guro).

IV. MGA TALA


Ang mga datos na ibibigay ng guro ay nakabatay sa resulta ng
kompetensi ng katatapos pa lamang na aralin.

Inihanda ni:

Eligen C. Espino

You might also like