You are on page 1of 6

Comembo Elem.

School
Banghay Aralin sa Filipino 5

I.LAYUNIN
 Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang- impormasyon
 Nakapagtatala ng mahahalagang pangyayari sa napanood na dokumentaryo
 Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa
isang paksa
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic

II. PAKSANG-ARALIN
 Pag-uugnay ng sariling karanasan sa napakinggang teksto
 Pagsagot sa mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon
 Pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa napanood na dokumentaryo
 Paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isang
paksa
Paggamit ng pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic

Sanggunian:
Hiyas sa Pagbasa V p. 104
Landas sa Pagbasa 5 p. 78-79

Mga Kagamitan:
Batayang Aklat sa Pagbasa
Dokumentaryo: 100% Pinoy
Downloaded na mga larawan ng Exotic Animals / Zoo
Laptop, TV, Encyclopedia, Atlas, Dictionary

Pagpapahalaga: Pagprepreserba ng mga Exotic na mga hayop sa bansa

III. A. Panimulang Gawain


1. Pagpapaawit/Pagsasayaw
2. Pagwawasto ng takda
3. Balik-aral:

Panuto: Basahin ang salaysay sa ibaba. Tukuyin ang paksa ng bawat


talata.
1. Bagamat maituturing na isang maliit na bansa lamang ang
Pilipinas, sagana naman ito sa mga likas na kayamanan, yamang mula sa
malalawak na katubigang nakapaligid sa kapuluan at yamang mula sa
mga kapatagan at kabundukan ng bansa.
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang anyo ng lupa.
Matatagpuan dito ang maraming kapatagan, talampas, burol, lambak, at
kabundukan na nababalutan ng makakapal na gubat.
3. Sa mga gubat sa kabundukan nanggagaling ang mga trosong
pinagkakakitaan ng maraming tao sa ating bansa. Ang mga kabundukan
ng Pilipinas ay mayayaman sa mina ng ginto, pilak, tanso, karbon, at iba
pang mineral.

4. Dril
Panuto: Sabiihin ang kayarian ng pang-uri.
1. tanyag - _________ 6. makalangit - _______
2. anak-pawis - ______ 7. masagana - ________
3. galit na galit - ______ 8. lantang-lanta - _______
4. hugis-puso - _______ 9. basag-ulo - _________
5. magulo - __________ 10. dukha - ___________

5. Pagganyak
(Pagpapakita ng mga larawan)
1. Manila Zoo
2. Avilon Zoo
3. Rave of Pasig
4. Malabon Zoo
5. Subic Safari

Tanong: Ano ang pamilyar na matatagpuan o makikita sa mga lugar pasyalan na


inyong nakita?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagtatanda ng mga pamantayan sa panonood.
* Ano-ano ang dapat tandaan habang nanonood?
2. Gawaing Panonood
* Dokumentaryo: 100% PINOY Exotic Animals in the
Philippines
3. Pagtatalakay:
ITANONG:
1. Ano-anong mga mahahalagang detalye ang inyong naitala habang
kayo ay nanonood?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga Exotic Animals na matataguan
dito sa Pilipinas.
3. Ano-ano ang 2 tampok na hayop ang tinalakay sa dokumentaryong
inyong napanood sa 100% PINOY?
4. Ano-anong mahahalagang detalye ang inyong naitala tungkol sa
TARSIERS at mga UNGGOY?
5. Bilang mga responsableng mag-aaral/mamamayan, sa papaanong
paraan kayo makatutulong sa pagpre-preserba ng mga Exotic
Animals sa ating bansa upang di sila tuluyang maubos ang bilang ng
kanilang lahi.

C. Paglinang ng Kasanayan
1. Pagpapakita sa mga mag-aaral ng:
a. Diksiyonaryo
b. Atlas
c. Ensiklopedya
2. Pagtalakay sa gamit ng mga sangguniang aklat.
a. Diksiyonaryo – Aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika
na nakaayos nang paalpabeto at may kaukulang paliwanag o
kahulugan; talatinigan.
b. Atlas – Katipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat.
c. Ensiklopedya – Aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay ng
kaalaman sa lahat ng sangay ng karunungan, kung saan ang mga
lathalain ay inayos nang paalpabeto.

D. PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 1
Pumili ng 3 Exotic na hayop sa inyong napanood.
Magtala ng mahalagang impormasyon tungkol dito.

PANGKAT 2
Sumulat ng maikling talata tungkol sa inyong sariling
karanasan sa – “ISANG ARAW SA ZOO”.
PANGKAT 3
Gamitin ang sangguniang aklat na Ensiklopedya, Atlas,
at Diksiyunaryo sa pagtatala ng impormasyon tungkol
sa TARSIER.

PANGKAT 4
A. Sagutin ang kasunod na mga tanong tungkol sa kuwentong
inyong binasa. Ibigay ang kinakailangang aklat sa aklatan kung
saan mababasa ang kinakailangan ninyong impormasyon.

________1. Saan mo natututuhan ang kahulugan ng bagong


salitang nabasa mo na hindi mo mauunawaan?
________2. Saan mo hahanapin ang kinaroroonan ng Imus,
Cavite?
________3. Saan mo makikita ang impormasyon sa naging
bahay ni G. Leonardo S. Sarao?

* Pag-uulat ng bawat pangkat.


* Pagbibigay-puna at pagpapahalaga

E. Paglalapat
Panuto: Isulat kung anong sangguniang aklat ang maaaring
gamitin sa mga sumusunod: (Ensiklopedya/Atlas/Diksiyunaryo)

_______1. exotic
_______2. mapa ng China
_______3. Underground River ng Palawan
_______4. lahi
_______5. Luzon/Visayas/Mindanao
_______6. Lorenzo Ruiz
_______7. Kontinente ng Asya
_______8. dokumentaryo
_______9. mapa
_______10. 7 Wonders of the World

F. Paglalahat
*Ano ang nilalaman at gamit ng sangguniang aklat na:
1. Atlas
2. Diksiyunaryo
3. Ensiklopedya

IV. Pagtataya
Panuto: Punan nang wastong sagot ang bawat patlang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
Bohol
Atlas Diksiyunaryo
Ensiklopedya Exotic

1. Ang exotic na hayop na mga Tarsiers ay matatagpuan sa lalawigan ng _____.


2. Ang sangguniang aklat na ________ ay naglalaman ng mga mapa.
3. Ito ay sanggunian na nagbibigay ng kaalaman sa lahat ng sangay ng karunungan.
4. ________ ay nakaayos ng paalpabeto, may kaukulang paliwanag at kahulugan.
5. Ang kahulugan ng salitang ________ ay kakaibang uri ng hayop o halaman.

V. Takdang-Aralin:
Magtala ng iba pang mga sangguniang aklat na ginagamit at makikita sa silid-
aklatan.

Ipinasa ni:

GNG. JOCELYN D. JAVIER

Binigyang pansin ni:

G. BENZON T. GERMAN

GNG. MARIA FE C. BALABA


EPS I - Filipino

You might also like