You are on page 1of 19

5

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 3
Pagsusuri sa mga tauhan/tagpuan sa
napanood na pelikula, kaya mo ba?

AIRs - LM
Filipino 5
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Pagsusuri sa mga tauhan / tagpuan sa napanood na
pelikula, kaya mo ba?
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Therese O. Ortaliza


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo!

Ikaw ba ay may nakilalang bagong kaibigan? Bagong kalaro? May


bagong lugar na napasyalan?
Siguro ay naging pampalipas oras mo rin ang panonood ng mga
pelikula, ng mga kuwentong pambata at iba pang mga kuwentong
napapalabas sa telebisyon o kaya ay napapanood sa internet.

Hindi ba’t iba’t-ibang emosyon ang ating nararamdaman sa tuwing


nanonood tayo ng pelikula? Nakararamdam tayo ng tuwa, galit, inggit, sakit,
pagmamahal, awa, gigil at iba pang emosyon.

Ikaw kaibigan, anong pelikula ang iyong nagustuhan? Bakit? Naantig


ba nito ang iyong damdamin o nadama mo ring isa ka sa artistang
nagsiganap sapagkat may kaugnayan ito sa mga pangyayari sa iyong
buhay?

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na layunin:

Learning Competency
a. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula
(F5PD-lllc-i-16)
b. Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F5PS-lllb-e-3.1)

Subtasks:
1. Nailalarawan ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling
pelikula;
2. Nasasagot ang mga tanong sa napanood na maikling pelikula;
3. Nasusulat ang mga nararapat na pamantayan sa matalinong
panonood ng maikling pelikula.
4. Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan.
Aralin Nasusuri ang mga
tauhan/tagpuan sa napanood

1 na maikling pelikula

Simulan

Naaalala mo pa ba ang kuwento ng huli mong napanood na


pelikula? Sino o sino-sino ang mga kasama mong nanood? Maganda ba
ito? Magagaling ba ang mga tauhan sa pelikula? Ano-anong mga
emosyon ang naramdaman mo habang ikaw ay nanonood?

Gawain: Balikan Natin!

Panuto: Humanap ng kapareha mula sa miyembro ng pamilya. Inyong


alalahanin kung anong pelikula o palabas sa telebisyon ang
huli ninyong napanood ng magkasama. Magtulungan sa
pagsagot ng mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pamagat ng pelikula o palabas sa telebisyon ang huli ninyong
pinanood?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa pelikula
3. Sino sa mga tauhan ang paborito mo? Ano ang ginagampanan niya sa
pelikula?
4. Saan ang lugar na pinangyarihan ng pelikula?

Lakbayin

Ang pelikula ay isang obrang pansining na kakikitaan ng galing,


tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin at pagpapahalaga ng tao o bansang
pinagmulan nito.
Ang Pelikulang Pilipino ay pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at
pinakapopular na uri ng libangan.

Ang Tauhan at Tagpuan ay ilan lamang sa mga sangkap ng pelikula.

Tauhan – karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng


pelikula ito man ay protagonist (bida) o antagonist (kontrabida).

Tagpuan- ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kuwento. Ito


ay mahalagang elemento upang makagawa ng isang epektibong kuwento na
tiyak na makakapagpawili sa mga manonood.

Halimbawa ng tagpuan:
a. Tahanan
b. Simbahan
c. Paaralan
d. Kumunidad
e. Tabing-dagat
f. Bundok
g. Hardin
h. Lumang gusali
i. Parke
j. Templo
k. Pamilihan
l. Tulay at iba pa
Iba’t-ibang Uri ng Pelikula
1. Drama 2. Animasyon
3. Historikal 4. Aksyon
5. Musikal 6. Katatakutan
7. Pag-ibig o Romansa 8. Epiko
9. Pantasya
Sa paaralan, ginagamit din ang mga pelikula bilang materyal sa
pagtuturo. Mga iba’t-ibang uri pelikulang pambata ang ginagamit ng mga
guro sa kanilang leksyon. Upang maunawaang mabuti ang iyong
pinapanood na pelikula ay dapat mong isaalang-alang ang mga sumusunod
na pamantayan sa panood:

a. Tumahimik at makinig sa pinapanood


b. Umupo nang maayos sa ganoon ay hindi ka antokin
c. Isulat sa kuwaderno ang mga mahahalagang impormasyon
d. Unawain ang mga mensaheng nais ihatid ng panoorin
e. Humanda sa talakayan pagkatapos manood
f. Maging mabilis sa pagsusulat upang maitala mo lahat ang
impormasyon.

Galugarin

Gawain 1: Mga Sikat sa Larangan ng Sining


Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang
isulat.

HANAY A HANAY B
1. Marilou Diaz-Abaya A. mang- aawit
2. Ibong Adarna B. direktor
3. Regine Velazquez-Alcasid C. pamagat ng pelikula
4. Liza Soberano D. aktres
5. Parokya ni Edgar E. banda
Palalimin

Gawain: Masasagot Mo Kaya?

Basahing mabuti ang mga katanungan


mula sa palabas na Encantadia. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
Panuto:
1. Ano ang pangalan ng Hari ng Hathoria?
A. Meno B. Arvak C. Agane D. Gurna
2. Sino sa magkakapatid na Sang’gre ang ayaw maging reyna si Lireo?
A. Pirena B. Alena C. Danaya D. Amihan
3. Ano ang pangalan ng sandatang ipinagkaloob ni Hagorn kay Pirena?
A. Baga B. Silab C. Liyab D. Agos
4. Sino ang pumaslang kay Reyna Mine-a?
A. Asval B. Pirena C. Agane D. Meno
5. Ano ang tawag sa bilangguan ng Lireo?
A. Carcero B. Bakut C. Balaak D. Apot
Sukatin
Gawain 1 A:

Gawain: Kilala mo ba ang Idolo mo?


Panuto: Suriin ang katangian ng mga bidang sina Agimat at Enteng mula
sa pelikulang “Si Agimat at Si Enteng Kabisote”.
Link:https://www.youtube.com/watch?v=l91ex73Vu3k

KALAKASAN KAHINAAN

KALAKASAN KAHINAAN
Gawain 2: Tandaan Mo
Panuto: Isulat sa patlang ang mga nararapat na pamantayan sa matlinong
panonood ng maikling pelikula.

Mga nararapat na pamantayan sa matlinong


panonood ng maikling pelikula:
1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tumutukoy sa


Hanay A. Isulat sa kahon bago ang bilang
ang titik ng tamang sagot.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=hCWBAABFDwE

A. Siya ang pangalawang anak ni Don


Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo,
1. Don Pedro
siya ang pinakatahimik. Lagi siyang
sumusunod sa mga utos ni Don Pedro.
B. Siya ang bunsong anak ni Haring
Fernando. Sa tatlo, siya ang pinakamahal
ni Don Fernando dahil sa siya ay puno ng
2. Don Juan
kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don
Juan ang mga kapatid niya. Siya din ang
nakahuli ng Ibong Adarna.
3. Don Diego C. Siya ang hari ng Barbanya. Asawa niya si
Reyna Valeriana. Siya ay nagkasakit dahil
sa kanyang masamang panaginip. Ang
tanging lunas lamang sa kanyang sakit ay
ang awit ng Ibong adarna.
D.Isang engkantadong ibon. Ito ay
nagpapahinga sa punong may pilak na
mga dahon kung sumasapit ang
4.Haring
hatinggabi. Ang huni ng kanyang pag-
Fernando
awit ay maaaring magdulot ng
kapahamakan o kaya naman ay lunas sa
anumang uri ng sakit.
E. Siya ang panganay na anak ni Haring
Fernando. Sa tatlo, siya ng pinakamacho
5. Ibong Adarna ang katawan at kaiman ang postura.
Tinaksilan niya ang kanyang kapatid
dahil sa selos.
Aralin
Naibabahagi ang Isang Pangyayaring

2 Nasaksihan

Simulan

Kaibigan, mahilig ka rin bang dumalo sa mga


pagtitipon o selebrasyon sa inyong pamayanan?
Ano-anong mga pagtitipon o pagdiriwang ang
iyo ng nadaluhan? Maaari mo bang ibahagi ang
iyong naging karanasan?

Gawain:

Panuto: Tukuyin kung anong pagdiriwang o kaganapan ang makikita sa


bawat larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. 2.
_____________________ ______________________

3. 4.

_____________________________ ____________________________
Pasko awayan sunog

Kasalan bicycle race

5.

____________________________

Lakbayin

Ano ang kadalasang nakikita natin tuwing Mahal na Araw? Anong mga
pangyayari ang masasaksihan natin? Pansinin ang mga larawan.

Kalbaryo Palaspas Prusisyn


Kalbaryo Kalbaryo

Ang Pabasa

Noong Mahal na Araw sa lalawigan ng lolo ko ako nagpunta.


Napanood ako roon ng Pabasa. Ayon sa lolo Roger, isa raw itong
matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga Espanyol. Ang
Pabasa ay paawit na pabasa ng uhay ni Jesus mula ng ipinaglilihi
siya hanggang sa siya ay mamatay sa krus.

Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na


Pasyon. Sinisimulan ang Pabasa mula sa pagpasok ng Mahal na
Araw hanggang Biyernes Santo.

Nagaanyaya ng mga babasa ang may pabasa hanggang


matapos ang Pasyon. Iba-iba rin ang istilo o punto ng pagbasa.
Tandaan:

Sa pagsasalay ng karanasan, gumagamit ng mga salitang


naglalarawan upang maging kawili-wiling pakinggan ang kuwento. Isaayos
ang pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Gamitin ang
malalaking titik at mga bantas na kailangan.

Galugarin

Kaibigan, naghanda ako ng mga


pagsasanay upang mas lalo mong
mapaghusay ang iyong kaalaman tungkol
sa araling ito.

Gawain
Panuto: Magtala ng mga pangyayaring inyong nasaksihan sa loob ng
paaralan, tahanan at pamayanan. Isulat ang iyong sagot sa patlang
sa loob ng kahon.

Pangyayaring Nasaksihan

Paaralan Tahanan

Pamayanan
Palalimin

May karanasan ka bang hindi mo malilimutan? Ito ba


ay nakakatawa? Malungkot? Nakakatakot o
nakakakilig?

Tara kaibigan! Ibahagi mo sa amin ang karanasan


mong ito!

Gawain

Panuto: Sa isang talata, ibahagi ang isang karanasang hindi mo


malilimutan. Maaaring ito ay nakakatuwa, nakakatakot,
nakakikilig o malungkot. Isulat ang pangungusap sa loob ng
kahon.

_______________________________

(Pamagat)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsusulat ng Talata

1 2 3 4 5

Mahirap May May mga bura Malinis at Malinis at


basahin dahil kahirapang at hindi lahat maayos ang maayos ang
hindi maayos unawain ang ay maayos ang pagkakasulat pagkakasulat
at hindi pagkakasulat pagkakasulat ngunit at malinaw
malinis ang ng ng mga masyadong ang m
pagkakasulat pangungusap pangungusap. maintidihan nilalaman na
Hindi ang nilalaman nakapaloob sa
masyadong ng talata. talata.
maintidihan
ang nilalaman
ng talata.

Gawain

Panuto: Sumulat ng tungkol sa iyong kaarawan sa pamamgitan ng pagbubuo ng


talata.

Sa Aking Kaarawan

Naging _____________________ ang aking nakaraang kaarawan.


Naghanda ang aking ina ng ______________________ na pagkain para sa aking
mga kaibigan. Bumili naman ang aking tatay ng ____________ na cake.
Pagkatapos ng ______________ salo-salo, nagkaroon ng palaro. Isang
____________ pabitin ang ginawa ng aking tatay. Nagsabit dito ang aking ate
ng mga _________________. Ang _____________ kong kaibigan ang nakaabot ng
bola sa pabitin. Lahat ng dumalo ay _________________ pagkat may uwi
silang laruan. Naibigan ko ang mga regalong bigay sa akin ngunit ang
pinakagusto ko ay ang __________________. Ang buong mag-anak ay
______________ subalit nasiyahan sila dahil naging masaya ang lahat.
Sukatin

Panuto: Bumuo ng maikling talata upang maibahagi ang iyong nasaksihan


sa dinaluhan mong pagdiriwang. Pumili lamang ng isa sa mga
larawan.

Rubriks sa Pagsusulat ng Talata

1 2 3 4 5

Mahirap May May mga bura Malinis at Malinis at


basahin dahil kahirapang at hindi lahat maayos ang maayos ang
hindi maayos unawain ang ay maayos ang pagkakasulat pagkakasulat
at hindi pagkakasulat pagkakasulat ngunit at malinaw
malinis ang ng ng mga masyadong ang nilalaman
pagkakasulat pangungusap pangungusap. maintidihan na nakapaloob
Hindi ang nilalaman sa talata.
masyadong ng talata.
maintidihan
ang nilalaman
ng talata.
ARALIN 1
Simulan
1-4 Maaaring magkakaiba ang
sagot
Gawain 2
Galugarin
Maaaring magkakaiba ang sagot
sa bawat bilang 1. B
a. Tumahimik at making sa 2. C
pinapanood
b. Umupo nang maayos sa ganoon 3. A
ay hindi ka antokin
c. Isulat sa kuwaderno ang mga 4. D
mahahalagang impormasyon
d. Unawain ang mga mensaheng 5. E
nais ihatid ng panoorin
e. Humanda sa talakayan
pagkatapos manood
f. Maging mabilis sa pagsusulat
upang maitala mo lahat ang Palalimin
impormasyon
1. B
2. A
Gawain 3 3. B
4. A
1. A
5. A
2. B
3. A
4. C Sukatin
5. D
Gawain 1
Maaaring magkakaiba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 2
Simulan
1. Bicycle race
2. sunog
3. pasko
4. kasal
5. awayan
Galugarin
(Maaaring magkaiba-iba ang mga
sagot)
Palalimin
Gamitin ang rubriks bilang gabay
sa pagbibigay ng puntos
(Maaaring magkaiba-iba ang mga
sagot)
Sukatin
Gamitin ang rubriks bilang gabay
sa pagbibigay ng puntos
Sanggunian

• https://www.google.com/search?q=kahulugan+ng+pelikula&source=lnms&t
bm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjojP_r-IbuAhXp-
GEKHZohCeMQ_AUoAXoECAUQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=oGxnYOvyY
ohPdM
• https://www.google.com/search?q=mga+uri+ng+pelikula&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjBvYPx-IbuAhVL95QKHW3ECvIQ2-
cCegQIABAA&oq=mga+uri+ng+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgUIAB
CxAzIECAAQQzIICAAQsQMQgwEyBQgAELEDMggIABCxAxCDATIICAAQsQM
QgwEyBAgAEEMyAggAMgIIADoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BAgAEBg6CggA
ELEDEIMBEEM6BwgAELEDEENQ_fIQWMqMEWCinBFoAHAAeASAAecCiAH
LG5IBBzAuOC40LjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=
img&ei=Lnz1X8HuL8vu0wTtiKuQDw&bih=657&biw=1366
• https://www.youtube.com/watch?v=l91ex73Vu3k
• https://www.youtube.com/watch?v=CrxarlUFvAE
• https://www.youtube.com/watch?v=J9yRHN4LxQQ

You might also like