You are on page 1of 6

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAYTANG 8

Bilang 9 Kuwarter 3
Pangalan ng Mag-aaral:___________________________________________________

Baytang/Seksiyon:____________________________________Petsa:______________

Panimulang Konsepto
Sa araling ito ay matututo kang magsuri ng pelikula batay sa
paksa o tema

Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon,
gamit ng mga salita, mga tauhan. (F8PB-IIIg-h-32)

Mga Gawain
A. Balikan Mo!
Basahin ang mga pahayag. Ibigay ang nawawalang letra.

1. Tumutukoy sa puso ng pelikula na tumutukoy din sa


kabuuang mensahe.
P_ksa
2. Ang nagpapatingkad at nagbibigay-linaw sa dayalogo
ng bawat tauhan.
Angk_p na g_mit ng s_lit_
3. Tumutukoy sa mensahe ng pelikula.
Lay_n
4. Nagbibigay-buhay sa mga tauhan sa kuwento ng pelikula
upang ihatid ang malinaw na mensahe sa mga
manonood.
Art_st_
5. Ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang
popular na uri ng libangan.
Peli_ulang Pil_p_no
B. Pag-aralan Mo!
PAKSA, TEMA, ANGKOP NA GAMIT NG
SALITA, ARTISTA
Ang PAKSA O TEMA ay tumutukoy sa puso ng pelikula na tumutukoy din
sa kabuuang mensahe.
Ang LAYON naman ay tumutukoy sa mensahe ng pelikula.
Ang ANGKOP NA GAMIT NG MGA SALITA ang nagpapatingkad at
nagbibigay-linaw sa dayalogo ng bawat tauhan.
Ang mga ARTISTA naman ang nagbibigay-buhay sa mga tauhan sa
kuwento ng pelikula upang ihatid ang malinaw na mensahe sa mga
manonood.

C. Pagsanayan Mo!
Itapat sa Hanay B ang mga tinutukoy na sangkap ng pelikula sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

1. Sila ang gumaganap na tauhan sa kuwento a. Layon


ng pelikula na maaaring protagonista (bida) b. Paksa o Tema
o antagonista (kontra-bida) c. Angkop na Gamit ng mga
2. Ito ang nunuot sa puso’t isipan ng manonood Salita
matapos mapanood ang pelikula. Ang aral d. Artista
nito ay maaaring tumagal nang mahabang e. Hollywood
panahon. f. Pelikulang Pilipino
3. Sa unang minuto ng panonood ay ito ang
siyang nangingibabaw dahil sa hayagan
itong nakikita sa daloy ng kuwento.
4. Tumutukoy ito sa kabisahan ng mga linyang
paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan
matapos mapanood ang pelikula.
5. Isa itong uri ng libangan na hindi lamang
tinatangkilik ng mga may edad na ngunit
gayon din ng mga kabataang Filipino
D. Tandaan Mo!
Ang Paksa o tema ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa akda o teksto na
nunuot sa puso at isipan ng manonood na maaaring tumagal nang
mahabang panahon. Ang layon naman ay tumutukoy sa layunin o nais
iparating ng isang partikular na akda. Maaari itong manghikayat,
magpahalaga, magpasaya, magpaiyak at iba pa. Kapag wasto at angkop
ang gamit ng mga salita sa dayalogo.Maaari itong magpaulit-ulit sa isipan
ng mga manonood. Ang mga artista naman na nagsasabuhay sa mga
tauhan o karakter ay maaaring mauri sa dalawa—Protagonista o bida at
Antagonista o kontra-bida.

E. Pagtataya
Basahin ang buod ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo at
Alden Richards. Sagutin ang sumusunod na Tsart.
HELLO, LOVE, GOODBYE
Buod
Ang Hello, Love, Goodbye ay nakasentro sa buhay ng isang babaeng nagngangalang Joy.
Si Joy ay masipag, mapagmahal sa pamilya at mataas ang pangarap. Siya ay nakapagtapos ng
kursong Nursing.
Nagtrabaho siya sa Hong Kong bilang isang domestic helper sa kabila ng naabot ng
kanyang pag-aaral. Ito ay dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa kanyang pamilya. Gusto rin
niyang makapagtrabaho sa Canada ng sa gayo'y mabago ang estado ng kanyang pamumuhay.
Nag-aalaga si Joy ng isang matandang babae at isang batang babae. Bukod dito ay
nagtitinda rin siya ng iba't ibang paninda upang makadagdag sa kaniyang kita. Ngunit siya ay
sinubok ng pagkakataon ng magipit ang kanyang amo at akmang siya ay tatanggalin na sa
trabaho. Nakiusap siyang ipagpapatuloy ang kanyang trabaho kahit na kalahati lang ang
ipasuweldo sa kanya. Naghanap din siya ng iba pang puwedeng pagkunan ng kanyang pantustos
sa pamilya.
Nag-apply siya bilang ilegal na waitress sa isang bar. Dito niya nakilala si Ethan, ang
matipuno ngunit babaerong bar tender ng kanyang napasukang bar. At dahil ilegal ang kanyang
trabaho, siya ay nagtatakbo ng makakita siya ng pulis na rumoronda. Doon ay nagawa niyang
malusutan ang mga pulis ngunit si Ethan ay pabirong sumunod sa kanya at nagbirong isang pulis.
Dito nagsimula ang kanilang pagkilala sa isa't isa.
Masugid na niligawan ni Ethan si Joy kahit na hindi siya nito pinapansin noong una. Ngunit
si Ethan ay may lihim na nakaraan kung saan ang kanyang huling kasintahan ay iniwan siya. Noon
ay pumunta ang huling kasintahan ni Ethan sa Canada at pinili ni Ethan na sumunod sa kaniya.
Nahuli siya ng gobyerno ng Canada sa salang overstaying at pinatawan ng pagbabawal sa
pagtungtong muli sa bansa.
Natutuhang mahalin ni Joy si Ethan pagkatapos niya itong lubos na makilala. Bagama't
ang kanyang kagustuhan pa rin na makapagtrabaho sa Canada ay di pa rin nagbabago. Si Ethan
ay hindi na muling makapupunta sa naturang bansa dahil sa pagbabawal sa kanya ng embahada.
Silang dalawa ay lubos ng nagmamahalan ngunit minabuti nilang maghiwalay upang
maipagpatuloy ang kani-kanilang pangarap.
PAKSA/TEMA

LAYON

URI NG WIKA O SALITANG


GAMIT

MGA TAUHAN
Susi sa Pagwawasto

A. Balikan Mo! C.Pagsanayan Mo!


1. Paksa 1.d
2. Angkop na gamit ng salita 2.b
3.a
3. Layon
4.c
4. Artista 5.f
5. Pelikulang Pilipino
E. Pagtataya
Sanggunian

Infantado, R.V. (2016). Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8. Rex


Publishing

inihanda ni:

Ma. Krystel Joy G. Bongon


Guro I, Manunulat
Mataas na Paaralang Pambansa ng Rodriguez,
Distrito ng Pili,
Camarines Sur,
Rehiyon V

You might also like