You are on page 1of 8

FILIPINO 8

Ikatlong Markahan – Modyul 6:


Pagsusuring Pampelikula
Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakitang mga gumagalaw na larawan ang litratong pelikula sa kasaysayan,
kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula.

Ang pelikula ay isang anyo ng sining. Ito ay tanyag na libangan at negosyo.


Nililikha ito sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay sa kamera, at/o
sa pamamagitan ng kartong-biswal na nagtatangkang makita ang reyalidad at
katotohanan ng buhay.

Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

Kailangang ipakilala sa unang talata ang paksa ng pelikula. Maaaring magsimula


ang may-akda sa mga simpleng detalye tulad ng pamagat ng pelikula, mga aktor at
aktres na nagsiganap, at pati na rin sa pook at panahon kung saan nangyari ang
kuwento.

Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang masakop ng manunulat ang kabuoan ng


istorya liban na lang sa pagwawakas nito upang naisin pa rin ng mambabasa na
panoorin ang pelikula. Maaaring magbigay ng mga halimbawang eksenang
mahalaga at pati na rin ang mga eksenang tatatak sa isipan ng manonood.

Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong talata sa isang partikular na aspekto ng


pelikula. Maaaring pagpilian ang mga aktor at aktres na gumanap, ang pagkahabi ng
kuwento, ang hitsura ng mga eksena, ang kalidad ng tunog at musika, at pati na rin
ang mga tema, simbolismo, at mensaheng gusting ipahayag ng pelikula. Magbigay
ng mga halimbawa sa pelikula upang suportahan ang mga kritisismo.

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang ba


ang mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang
kontrabida (antagonista)?

2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong
kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay
ng kanilang mga karanasan sa buhay?

3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may kaugnayan


sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.

1
4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang ipahayag
o ipaalam.

Ayon kay Thomas Caryle, itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan;
gayonpaman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplotkalamnan, ang
mismong katawan ng kaisipan. Kaya naman, ang wika ay mahalaga sa paggawa ng
isang pelikula dahil kung wala ito hindi tatakbo ang kuwento na iyong isinasagawa.
Maaari ding gumamit ng ibang wika tulad ng Ingles o maaari din namang Taglish
depende sa dyandra ng pelikulang iyong ginagawa o depende sa nakasaad sa
iskrip.

Ang paggamit ng tamang wika ay makatutulong sa pagkakaroon ng magandang


komunikasyon sa ibang tao at maipahayag ang damdamin at kaisipan nito.
Mahalaga rin ang wika sa pagbuo ng isang pelikula upang maipadama ng mga
karakter o aktres sa kuwento ang emosyon at damdamin na kanilang inihahatid sa
mga manonood gamit ang wikang kanilang sinasabi o binibitawan.

Ang mga salitang ginagamit ay depende sa kung anong uri ng pelikula ito:
halimbawa, sa mga palabas na ang tema ay drama, pag-ibig, romansa musikal ay
ginagamit ang balbal, lalawiganin at pambansang salita. Samantala sa komedya,
aksyon, musikal at katatakutan ay pormal, balbal, pampanitikan at lalawiganin
naman ang naaangkop gamitin.

Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan


2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte o
may eksenang hindi maaayos ang pagkakagawa.
4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang
pagkuha ng eksena.
5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
6. Derek – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw
sa pelikula.
7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na.
10. Break! Break! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena.
11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte.
12. Artista – mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng istorya
13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng bawat
tauhan.
14. Iskrip – kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa
pelikula kasama ang detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal na
kailangan sa produksyon.

2
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Pelikula bilang Lundayan ng Komunikasyong Panlipunan
Suring-Pelikula

Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Pagsusuri ng Pelikula


1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin.
2. Simulan ang talata gamit ang gramatika sa paglalahad ng paksa at buod ng
pelikula.
3. Sa ikalawang talata, isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang nagsiganap.
4. Sa ikatlong talata, ilalahad ang puna tungkol sa direksiyon/direktor ng
nasabing pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika.
6. Sa ikalimang talata, isusulat ang isyung mahihinuha sa pelikula na may
kaugnayan sa kasalukuyan.

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat
II. Buod ng Pelikula
III. Mga Tauhan
IV. Direksiyon/Direktor
V. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
VI. Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan
Sa pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang ang mga kahusayang
gramatikal tulad ng sumusunod:

1. Tamang Pagbabantas
Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suringpelikula ay
kailangan upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay
nagbubunga ng maling interpretasyon sa ipinahihiwatig na ideya.

2. Tamang Baybay
Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring pelikula upang
hindi mapulaan ang isang manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng kaniyang
pagsusuri. Makailang basahin ito upang makita ang kawastuhan sa baybay.

3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap


Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga pangungusap, kailangang
wasto ang gamit ng mga salita sa loob ng pangungusap, gayundin ang organisasyon
ng mga ideya.

3
100 Tula Para Kay Stella
2017 Philippine romantic film directed by Jason Paul Laxamana

Maaari din itong mapanood sa https://www.youtube.com/watch?v=8-LzsrUV9UE

Stella (Bela Padilla)


Fidel (JC Santos)

Noong 2004, sa unang taon sa kolehiyo – Pampanga Agricultural College sa


kursong Sikolohiya, isang 17 taong gulang na nagngangalang Fidel ang nagpakilala
sa kaniyang mga kaklase at mula dito siya ay nakilala bilang isang taong uutal utal
kapag kinausap, duwag at may mababang loob. Sa mismong araw din na iyon,
nakilala niya si Mrs. Barloza na isa sa nagmungkahi upang siya ay magpatuloy sa
pagsulat ng mga tula at inanyayahan ito na magpasa sa diyaryo ng paaralan ang
Seedling. Dahil siya ay isa pa lamang freshmen, naglakas loob siyang pumunta sa
event ng kanilang paaralan “Freshies night” kung saan niya unang nakita si Stella. Si
Stella ang tumulong sa kaniya at nagpagaang nang kaniyang loob dahil sa ang
pantalon nito ay may mantsa sa nakakahiyang parte. At sa mismong gabing iyon,
unang tumibok ang puso ni Fidel kay Stella ng nakita niya na ang babaeng tumulong
sa kaniya ay ang babaeng kumakanta sa harapan kasama ang banda.

Sa pangyayaring iyon, nagkaroon na siya ng inspirasyon, inspirasyon na


nagdulot sa kaniya upang magsulat ng mga tula na may pinaglalaanan. Naging mas
madalas magkasama si Fidel at Stella dahil magkaklase sila sa mga asignatura gaya
ng P.E. at nagpatuloy ang pagkikilala sa bawat isa pati ang damdamin ni Fidel sa
kaniya ay tuluyan ngang lumalago. Ngunit dumating ang panahon na hindi tinanggap
ang mga tula ni Fidel para ipublish sa diyaryo, ito sana ang magsisilbing paraan
upang masabi niya ang kaniyang nararamdaman para kay Stella. Sa parehong
panahon na iyon, unang naranasan ni Fidel ang “heartbreak” dahil nakita niyang
may kasamang lalaki si Stella na kasintahan pala niya, noong ibibigay na sana ni
Fidel ang mga 9 tula dito. Kaya naman mas pinagbuti at tinutukan niya muna ang
kaniyang pag aaral at samahan sa kaniyang mga kamag-aral. Ngunit si Stella ay
muli bagsak nanamang muli at nakita siya ni Fidel at dito niya nabuhos ang concern
kay Stella.

Nagbigay daan din ito para tulungan niya si Stella na turuan ito sa kaniyang
pag-aaral sa susunod na taon. At sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral
nagbukas din ito ng panibagong pinto para kay Stella, kung saan ang kaniyang
pananamit at mga bagay na nakakasira sa kaniyang pag- aaral ay kaniya nang inalis
kaya naman lalong nabighani si Fidel. Natuto naring mag-ayos si Fidel. Bukod pa
rito, nagbigay din ito ng panibagong samahan sa pagitan ni Stella at Fidel dahil
magkaklase sila sa dalawang asignatura. Isang araw humingi ng tulong si Stella kay
Fidel na kung pwede turuan siya nito sa kanilang subject dahil malapit na ang mid-
terms, nagtakda sila ng araw kung saan pwede siyang turuan nito sa kanilang
bahay. Labis na pinaghandaan ni Fidel ang araw ng Linggo at umaga palang

4
naglilinis na siya ng bahay, di mapakali sa pagdating ni Stella pagsapit ng gabi. Dahil
sa mismong araw na iyon sasabihin niya na din ang kaniyang lihim na pag tingin kay
Stella.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakarating si Stella dahil sa ang kasama


nito ay si Barrie dahil sa oportunidad na kaniyang nakita para matupad ang kaniyang
pangarap na sumikat bilang isang mang-aawit. Doon siya aksidenteng nagpalipas ng
gabi dahil hindi siya nito pinaalis. Kinabukasan, dito na nangyari ang pagkakasira ng
pagkakaibigan nila. Nagtalo si Fidel at Stella, inilabas ni Fidel ang sama ng loob niya
dito, na mas inuna niya pa si Barrie. Pinapili niya si Stella kung pag-aaral ba o pag
babanda, kanyang nalaman na hindi talaga pag-aaral ang gusto nito.

Ang pangyayaring ito ang nagbunsod kay Fidel upang maging sigurado na sa
kaniyang sitwasyon, ito ang magpatuloy ng pag-aaral sa Maynila, kung saan dito
maiiwasan niya na si Stella at makakapagpokus siyang mag-aral. Ito ay sa Philippine
Republic University. Sa Maynila na siya mag-aaral. Sa kolehiyong ito, nakilala niya si
Chuck na isang homosekswal na nagbebeatbox at ito ang isa sa naging matalik
niyang kaibigan. Sa una nilang pagkikita, kaniyang narinig na may angking boses si
Fidel. Kaya naisip niyang isali ito sa kanilang grupo. Sa kabila ng di pagtanggap
dahil sa kababaan ng loob nito, siya ay lumago at nakilala ang kanilang grupo sa
kanilang paaralan lalong lalo na siya. Ang dating di makabasag pinggan ay ngayong
nakakaharap na sa ibang tao ng may kompiyansa sa sarili at ang kaniyang
pananamit at kilos ay gumanda at umayos

Si Fidel ay inimbitahan ni Danica, na nagpakita nang selos ng biglaang


dumating si Stella. Nagkita sila muli ni Stella noong nagkaroon ng reunion ang
kanilang block sa dati nitong paaralan at kita sa mga mata ni Fidel na mahal pa rin
niya ito. Sa pagkakataon na iyon, muli nilang binalikang pag-usapan ang mga
pinagsamahan nila noong sila’y magkaibigan pa at nag karoon ng pagkaklaro bukod
sa pagmamahal ni Fidel sa kaniya. Hanggang sa dumating ang oras kung saan
naglaro sila ng spin the bottle at si Stella na ang tinanong. Hindi niya sinagot ang
tanong na kung sino nga ba ang papasa sa kaniya para maging boyfriend niya dahil
may kasintahan na daw siya. Ngunit si Danica na nagseselos at naiirita na sa tabi at
nag aabang sa sagot niya ay muli siyang tinano ng. Ngunit naputol ito ng may
sumuka sa kanilang grupo.

Samantala, nagkita ang dating magkakilala noon na si Stella at si Von na


alam ang bawat sikreto nito, ang bilang kung ilan na ang kanyang naging kasintahan
at kung ano ang mga pinaggagawa niya noon. Noong aalis na si Fidel upang
bumalik sa Maynila, tinangka nanaman niyang ipaalam kay Stella ang
nararamdaman niya. Iniwan niya ang lahat ng bagay na magpapaaalala sa kaniya
tungkol kay Stella para tuluyan na siyang makalimot ngunit kinuha niya itong muli. At
ito na nga, sinundo na si Stella ng kaniyang panibagong boyfriend upang dumiretso
sa isang record bar upang ipasa ang kaniyang kanta ngunit hindi ito tinggap dahil
hindi na ito bago sa pandinig. Iminungkahi nila na sumali nalang muna si Stella sa

5
isang grupo na walang ginawa kundi ang gumiling. Sa mismong araw na iyon, buhat
sa kanilang pagtatalo nalaman ng kanyang kasintahan na ginagamit lang talaga siya
ni Stella kaya naghiwalay na sila. At muli nanaman siyang napariwara lalo sa buhay
dahil di niya naabot ang pangarap niya. Nagtalo sila ng kaniyang kapatid at ito ang
nagtulak sa kaniya upang maglayas at humingi ng tulong kay Fidel.

Nagkita silang muli, nag-usap at labis na umiyak si Stella kay Fidel. Di ito
matiis ni Fidel lalo na nang sinabi nito na wala siyang matutuluyan at kinuhanan pa
niya ito ng sariling apartment si Stella. Sa apartment na iyon, ay pinatuloy saglit ni
Stella si Fidel at hinalikan siya ni Stella. Nagulat siya sa padalos dalos nitong ginawa
at sinabing hindi niya magawang samantalahin ang kahinaan nito. Sa gabing iyon,
sinamahan siya ni Fidel. Kinabukasan inimbita ni Fidel si Stella upang manood ng
kaniyang pagkanta kasama ang kaniyang grupo sa paaralan. Labis itong ikinagalak
ng isang manonood at binigyan siya ng oportunidad na kumanta sa kaininan nito.
Ngunit si Stella ay nakaramdam ng pagkainggit.

Bumalik na si Stella sa kanilang tahanan, sinalubong siya ng kaniyang kapatid


ng may pag-aalala ngunit mas pinili niyang umalis at piliin pa rin ang kaniyang
pangarap. Naglayas siyang muli at sa paglayas niyang iyon wala na siyang
matuluyan, sinubukang magnakaw ng pagkain at nagpabasa sa ulan. Ngunit nakita
siya ni Von na basang-basa na sa ulan, kinupkop siya nito pansamantala sa
kaniyang bahay. Habang si Fidel ay patuloy pa ring nagsusulat ng mga tula para kay
Stella at umabot na ito ng 90. Kapansinpansin din ang lalong paghusay nito sa
pagsulat habang tumatagal. Kung noon tagalog lamang ang kaniyang gamit, ngayon
Ingles na at palalim ng palalim ang kahulugan.

Sa pagtagal ng pamamalagi ni Stella sa bahay nila Von, dumating ito sa


punto na gusto niyang magpakamatay ginupit-gupit niya ang kaniyang buhok dahil
sa matinding emosyon, sa depresyon na idunulot ng halo-halong problema na
kaniyang pinagdadaanan. Inaawat siya ni Von. Kinabukasan ninais ni Stella na
umalis na sa bahay ni Von ng walang kasiguraduhan kung saan siya makikituloy.
Ngunit hindi siya hinayaan nito at pinilit na manatili sa bahay niya.

Samantala, si Fidel naman ay puno ng galak dahil natapos na niya ang 100
tula na kaniyang ibibigay sa mismong araw na iyon para kay Stella. Dumayo pa siya
sa kaniyang dating kolehiyo noon para magtanong tanong tungkol kay Stella ngunit
wala na silang balita dito. Hanggang sa nakita siya ni Danica. Labis itong natuwa
kasi akala niya siya ang pinunta ni Fidel ngunit ito ay dahil may ibibigay at aamin na
siya kay Stella dahil tanggap nito na si Stella ang gusto niya. At dito inamin din ni
Danica na may pagtingin siya noon kay Fidel ngunit tapos na ito pagkasabi niya ng
masamang balita. Ikinasal na ito kay Von noong nakaraang linggo. Kaya labis itong
ikinagulat ni Fidel. Pinunit punit niya ang mga tulang para dapat kay Stella. Kita sa
kaniya ang galit, paano n angyari iyon at bakit si Von ang pinili nito. Sinabi ni Danica
na dahil si Von ang kasama nito noong mga panahong kailangan siya ni Stella.

6
Sa pagbalik ni Fidel, labis niya itong dinamdam. Pati ang pag-aaral niya
maging ang grupo niya ay naapektuhan. Ngunit muling pinalakas ni Chuck ang loob
ni Fidel na hindi dapat niyang gawing miserable ang kaniyang buhay ng dahil kay
Stella. At dahil dito nagpatuloy ang kaniyang buhay siya ay nakapagtapos ng pag-
aaral. Sa kasamaang palad, limang buwan na hindi pa din siya nakakakuha ng
trabaho at dahil pa rin kay Stella. Muli siyang tinawagan ni Stella sa kasagsagan ng
paghahanap niya ng trabaho dahil na kuha na pala niya ang mga tula na ginawa ni
Fidel para sa kaniya. Ibinigay ito ni Danica.

Nagkita sila ni Fidel sa Pampanga at sinumulan ni Stella ang pagsasalita


patungkol sa mga tula na halatang halata ang galing nito sa pagsusulat habang
tumatagal, na ang totoong buhay ni Stella ang sinasalamin ng mga tula pero sa
kalahating dulo, hindi na. Habang pinagmamasdan nila ang bundok Arayat, tinanong
ni Fidel kung nabasa niya na ang pang100 na tula, ngunit ito ay burado sabi ni Stella
kaya hindi pa niya ito nababasa. Tinatanong niya si Fidel kung anong pamagat o
nakasulat dito hindi na niya maalala. At nagpasya nalang siya na umuwi. Ngunit
habang sila’y naglalakad pauwi, tinawag niya si Stella at sinabi niya na ang
nilalaman ng huling tula ay “Gusto kita. Mahal kita” at simula freshmen palang ay
nararamdaman na niya ito.

Sa parteng ito, mararamdaman ang makabagbag damdaming eksena nila.


Nagtaka si Stella kung bakit ngayon niya lang sinabi, kung bakit ngayon kung kailan
huli na ang lahat. Sa seryosong pagsasalita niya itinanong ito kay Fidel, kung
parehas sila ng nararamdaman. Ang sagot ni Stella ay oo simula third year noong
nakita niya na handang magsakripisyo si Fidel para sa kaniya sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kaniya ng oportunidad na siya na ang kumanta sa resto bar.

Mahal niya si Fidel kaya lang hindi niya ito naipaglaban dahil sa ayaw niyang
gamitin niya lang ito para sa pangarap niya. Mahal niya si Fidel ngunit hindi na
maari. Dahil nagdadalang tao na siya at kasal na siya kay Von na tinuruan siyang
magmahal ng hindi nanggagamit, kaya hiniling niya na kalimutan nalang nila ang
isa’t isa. At bilang pagtatapos, natanggap ni Fidel 13 ang katotohanang hindi na si
Stella ang para sa kaniya. Masaya siya at nagpapatuloy ng buhay ng normal.
Hanggang nagkita sila sa di inaasahan ng kaniyang guro noon na si Mrs. Barloza
kasama ang kaniyang anak na si Sol. Sa pagtatapos, mahihinuha na si Fidel ay
mapapaibig kay Sol at ganoon din si Sol sa kaniya. “Behold this is a new chapter.
For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder. This world he… WE
conquer.

7
PANGWAKAS NA GAWAIN

SURI-KULA
Panuto: Sumulat ng sariling pagsusuri tungkol sa pelikulng “100 Tula
para kay Stella” gamit ang kahusayang gramatikal at ihayag ang
sariling pananaw sa mahahalagang isyung mahihinuha. Gamitin ang
pormat sa panunuring pampelikula. Gawin ito sa short bond paper na
papel.

Pormat sa Gagawing Pagsusuri ng Pampelikula


I. Pamagat
II. Buod ng Pelikula
III. Mga Tauhan (isa-isahin at ilarawan)
IV. Direksiyon/Direktor (maikling paglalarawan tungkol sa direktor)
V. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
VI. Isyung mahihinuha/makikita sa pelikula na may kaugnayan sa
kasalukuyan

You might also like