You are on page 1of 4

Modyul 16 : Filipino

QUARTER 3 : Ikalawang linggo ng Pebrero


Grade Level : GRADE 8

Aralin: Anak
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaaral ay inaasahang;
1. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa gamit nito sa pangungusap;
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa isyung nangyayari sa pamilya;
3. Natutukoy ang kawastuhan o kamalian sa pagkakagamit ng mga bantas.
PAGLINANG:
Pagganyak:

Ano
ang

kaugnayan ng mga larawan sa isa’t isa?

Ano ang kadalasang sinasapit ng ilang mga OFW sa kamay ng kanilang mga amo?

Kung ikaw ay magiging o isa nang anak ng OFW, paano mo kinakaya ang lungkot na mawalay sa iyong ina/ama na
nasa ibang bansa?

Pagtatalakay:
Alam mo ba!
Ang pelikulang Pilipino ay itinuturing na isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang libangan ngayon ng mga
Pilipino sa bansa. Ayon sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa sa
Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 na hango sa Zarzuelang isinulat
nina Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio. Ang mga unang pelikula noon ay kalimitang batay lamang sa mga
pelikulang gawa sa Hollywood kung hindi man ay hinahango ang istorya ng mga ito sa mga aklat.
Noong 1929, ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang, pelikulang may saliw na tunog— walang iba kundi
ang Syncopation, na ipinalabas sa Radio Theater Sta. Cruz, Maynila. Taong 1932 naman nang ipalabas ang Ang
Aswang, na may temang katatakutan, ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng tunog sa bansa. Noong dekada
'30 nauso ang mga pelikulang tumatalakay sa mga naging karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop
tulad ng Patria Amore (love of Country) at Mutya ng Katipunan (Muse of Katipunan) na pawang may elemento
ng propagandang laban sa Espanya. Nilikha ang mga ito ni Julian Manansala na kinilalang “Ama ng Pelikulang
Pilipino" at siyang nagtatag ng Malayan Movies na kauna-unahang Filipino studio sa bansa, Samantalang si
Carmen Concha, ang unang babaeng direktor sa Pilipinas ay gumawa rin ng ilang pelikulang tumatalakay sa buhay
ng mga Pilipino tulad ng Nagkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939 sa ilalim ng Parlatone
Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikulang Pilipinong nabuo at naipalabas sa bansa. Ilan
sa mga ito ay nakilala at tumanggap pa ng mga parangal maging sa ibang mga bansa tulad ng pelikulang Anak na
kinilala bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino. Ito ay ipinalabas noong 2000 bilang handog sa mga
overseas Filipino worker na pinagbidahan ni Vilma Santos. Magtungo sa inyong CLE uoang mapanood ang
videoclip ng Anak at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
 Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa kanyang ina? Sa iyong palagay, makatarungan ba ang kanyang
ginawang pagrerebelde laban sa kanyang ina? Bakit?

 Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong magulang? Kung mayroon man,
paano mo ito tinatanggap sa iyong bü hay? Kagaya ka rin ba ni Carla na nagawang magrebelde sa
kanyang magulang?

 Bilang anak, ano-ano naman ang iyong masasabi sa mga pagkukulang mo sa iyong magulang? Ano-ano
naman ang iyong ginagawa para iyong maipakita na nais mong makabawi sa iyong mga pagkukulang o
pagkakamali?

Akdang Pampanitikan
Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan
ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi
låmang sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda
ng pelikula.
Ang sumusunod na mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:

 Kuwento —Tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng
pelikula pagtuonan ng pansin ang sumusunod na mga tanong:
 Bago o luma ba ang istorya?
 Ito ba ay ordinaryo?
 Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
 Nakapupukaw ba ito ng interes?

 Tema— Ito ang paksa ng pelikula. lto ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
 Napapanahon ba ang paksa?
 Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip?
 Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

 Pamagat - Ang pamagat pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng
pelikula.
 Ito ba ay angkop sa pelikula?
 Nakatatawag ba ito ng pansin?
 Mayoon ba itong simbolo o pahiwatig?

 Tauhan—Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.


 Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
 Makatotohanan ba ang mga ito?
 Angkop ba ang pagganapng artista sa pelikula?

 Diyalogo — Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


 Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
 Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuoan ng pelikula?
 Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

 Cinematography—lto ay ang matapat na paglalarawan sa bú hay ng pelikula.


 Mahusay ba ang nnga anggulong kinunan?
 Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
 Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para sumunod sa galaw ng artista?

 Iba pang Aspektong Teknikal—Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng
eksena, special effects, at editing.
 Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?
 Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula?
 Wala bang bahaging parang putol?
 Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
 Akma o makatotohanan ba ang special effects, blastings; pagkawala, pagliit o paglaki ng bagay;
animasyon, make-up ng mga artista; paggamit ng computer graphics, at iba pa.

PAGPAPALALIM:
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Gawing basehan ang aklat
sa pahina 410 at isulat ang sagot sa isang buong papel.

PAGTATAYA:
Gamit ang graphic organizer sa pahina 424, suriin ang pelikulang Anak o ibang pelikulang sasang-ayunan o
ibbigay ng iyong guro batay sa mga hinihingi sa organizer. Gawin ito sa isang buong papel.

PAMAGAT

PAGLALAGOM at PAGPAPAHALAGA:
Kung ihahambing mo ang iyong ina sa isang bagay o tao, ano o sino kaya ito? Bakit?
.

Nilagdaan ni: Inihanda ni:

Ms. Blesaida N. Mendoza Ms. Mary Ann P.


Andaya

Susi sa Pagwawasto

1.f
2.e
3.d
4.c
5.b

You might also like