You are on page 1of 5

FILIPINO GURU

Malalim at masusing pag-aaral ng iba't ibang genre ng panitikang Filipino

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

August 22, 2011

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng tauhan
upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas
na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan
ng mga manonood?

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang
lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

4. Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng


manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang


paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?

6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa
isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat

II. Mga Tauhan


III. Buod ng Pelikula

IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)

a. Tagpuan

b. Protagonista

c. Antagonista

d. Suliranin

e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin

f. Mga ibinunga

V. Paksa o Tema

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

b. Musika

c. Visual effects

d. Set Design

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Comments

Teofilo ValicuatroNovember 30, 2017 at 4:31 PM

matsala po sa impormasyong ito


REPLY

UnknownJuly 10, 2019 at 5:16 PM

Tanx...it help me a lot.

REPLY

UnknownAugust 14, 2019 at 8:33 PM

Thankyou so much it helps me alot

REPLY

UnknownAugust 15, 2019 at 4:26 AM

Arigatougozaimashita

REPLY

UnknownSeptember 28, 2019 at 3:47 AM

Kamsahamnida😊

REPLY

Post a Comment

Popular posts from this blog

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO


July 27, 2012

1. Mga Mungkahi Upang Madaling Makapagsulat ng Kwento Hinihingi na ng guro ang iyong proyektong
kwento? Wala ka pang naisusulat. Wag kang magmukmok. Heto ang ilang punto upang makabuo ka ng
sariling kwento.

Tandaan: Huwag kang mangongopya ng kwento ng iba, maaari kang humiram ng ideya subalit hindi ng
buong obra.

a. Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin? b. Ano ang mga
gagawin niyang pagkilos upang matupad ang kanyang nais na mangyari? c. Ano ang mga hindi
inaasahang pangyayari – kaugnay sa ikinilos protagonist – ang magpapaigting sa damdamin ng kwento?
d. Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na damdamin ang makatutulong upang
mabuo mo ang iyong kwento? e. Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng
kwento? (Nararapat lamang na makatarungan ang desisyong ito at hindi inaasahan ng mga
mambabasa.)Ipakita ito sa mahusay na paggamit ng mga salita upang gisingin ang damdamin ng mga
bumabasa.

Nahihirapan ka pa ba…

READ MORE

MGA URI NG TULA

September 26, 2011

A.Ayon sa Kaanyuan ·Tulang pasalaysay o buhay – Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o
pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito. Nahahati ang mga
tulang pasalaysay sa mga sumusunod: 1.Epiko – Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao,
mga tagumpay niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi
kapani-paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob. Mauuri
ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya. 2.Awit (song) at korido –
Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa nito ay hinango sa pangyayari na
tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya
ng hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. 3.Balad – Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
Naglalaman ito ng madamdaming pagsalaysay. ·Tulang pandamdamin o liriko – Nagpapahayag ang mga
tulang ito ng damdaming pansaril…

READ MORE

Powered by Blogger
Theme images by Veronica Olson

Archive

Labels

Report Abuse

You might also like