You are on page 1of 2

REVIEWER IN FILIPINO 5

PAYAK AT TAMBALANG PANGUNGUSAP


(URI NG PANGUNGUSAP AYON SA PAGKAKABUO/KAYARIAN)

1. PAYAK – pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito ay maaaring


magtaglay ng payak o tambalang simuno o panaguri.

Halimbawa:

Si Andres Bonifacio ay galing sa mahirap na pamilya.


(payak ang simuno at payak ang panaguri)

Sina Andres Bonifacio at Jose Rizal ay mga bayaning Pilipino.


(tambalang simuno at payak na panaguri)

Si Andres Bonifacio ay bayaning Pilipino at mahusay na manunulat.


(payak na simuno at tambalang panaguri)

Sina Andres Bonifacio at Jose Rizal ay mga bayaning Pilipino at mahuhusay na manunulat.
(tambalang simuno at tambalang panaguri)

2. TAMBALAN – pangungusap na nagpapahayag ng dalawang kaisipan at pinag-uugnay ng mga


pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit.

Halimbawa:

Hindi siya nakapagkolehiyo ngunit siya ay matalino at madiskarte sa buhay.

PAGSASANAY:
PAGSULAT NG ISANG REBYU SA ISANG PELIKULA

PAGREREBYU O PAGSUSURI NG PELIKULA – ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula


kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito.

PAGSUSURI – tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting


bagay na dapat isangalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula.

MGA ELEMENTO NA DAPAT ISANGALANG-ALANG SA PAGSUSURI NG PELIKULA


1. Kuwento – tumutukoy sa istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.

Mga tanong na pagtutuunan:


-bago o luma ba ang istorya?
-ito ba ay ordinary o gasgas na?
-malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
-nakapupukaw bai to ng interes?

2. Tema – ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
- Napapanahon ba ang paksa?
- Malakas ba ang dating o impact sa mga manonood?
- Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito ginawa?

3. Pamagat – ang pamagat ng pelikula ang naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito rin ay
nagsisilbing panghatak ng pelikula.
- Ito ba ay angkop sa pelikula?
- Nakakatawag bai to ng pansin?
- Mayroon bai tong simbolo o pahiwatig?

4. Tauhan – ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento o pelikula.


- Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
- Makatotohanan bai to?
- Angkop ba ang pagganap ng mga artista sa pelikula?

5. Diyalogo – mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


- Naisasangalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
- Matino, bulgar o naaangkop ba ang mga ginamit na salita?
- Angkop ba sa edad o target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

6. Cinematography – ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.


- Mahusay ba ang mga anggulong nakunan?
- Naipakita ba ng camera shots ang mga kaisipang nais palutangn?
- Ang lente ba ng camera ay na-adjust para sa susunod na galaw ng artista?

7. Iba pang aspektong teknikal – paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special
effects, at editing.
- Akma ba ang musika at nababagay sat ema?
- Maayos ba ang pagkaka-edit sa pelikula?
- Ang ilaw ba at tunog ay coordinated sa eksena?
- Akma o makatotohanan ba ang special effects?

You might also like