You are on page 1of 8

MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Munting Ilog, Silang, Cavite

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 7
LEARNING ACTIVITY SHEETS

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit ng mga salita at mga tauhan.
- Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.
- Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na pelikula.
- Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/talata
sa pagsulat ng isang suring-pelikula.)

LAYUNIN:
1. Nalalaman ang mga salitang ginagamit sa pelikula.
2. Nakasusulat ng suring pelikula na may kahusayang gramatikal.
3. Nabibigyang-halaga ang pelikula batay sa paksa/tema at layon nito.

ARALIN 7: Pagsusuring Pampelikula

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagsusuring Pampelikula. Department of Education – Division of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


PANUTO: Para sa bilang 1-4, punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin at   isulat sa hiwalay na papel
ang letra ng tamang sagot. 

1. Ang trailer ________ upcoming KathDen film na “Hello, Love, Goodbye” ay mukhang nakuha na nito ang puso ng
madla. 
A. nang C. lang 
B. ng D. sa 
2. Nagpunta ng Sapporo, Japan _______ Lea at Tonyo. 
A. kina C. sina 
B. nina D. sino
3. "Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo _____ ako... And I'm so stupid  to make the biggest mistake of falling in
love with my best friend." ~  Bujoy (Jolina Magdangal) to Ned (Marvin Agustin).  
A. ba C. na 
B. lang D. rin 
4. Pelikula kilala _______ bilang sine at pinilakang tabing.
A. daw C. raw 
B. din D. rin 
Para sa bilang 5-10, ihayag ang sariling pananaw tungkol sa ilang mga sikat na iconic  movie lines na tumatak sa mga
manonood. Basahin at unawain ang mga  tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel. 

5. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya  mahal mo ako?” – Claudine Baretto, Milan
(2004). Sa suring – pelikula  ito ay tungkol sa ________. 
A. paglimot C. pagpapaalam 
B. pagmamahal D. pagsuko 
6. Sa buhay ano ang mas higit na dapat sundin, piliin sa mga linya ng  pelikula sa ibaba ang pinakaangkop na
diyalogo para sa pahayag na  ito. 

1
A. “There was never on us. There will never on us.”-Sarah  Geronimo, Maybe this time (2014) 
B. “Matalino akong tao e, Pero parang sayo, ewan ko, natatanga  ako.” Kathryn Bernardo, The How’s of Us (2019) 
C. “Ethan, mahal kita pero sa ngayon mas mahal ko ang sarili  ko. Sana mapatawad mo ako.” Kathryn Bernardo,
Hello Love,  Goodbye (2019) 
7. “Hindi naman talaga tayo napapagod masaktan eh, dahil sa totoo lang,  hindi rin naman tayo napapagod na
magmahal.” – Angel Locsin,  Unofficially Yours (2012). Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan  sa pahayag na
binanggit? 
A. Huwag mawalan ng pag-asa. 
B. Maging matiyaga at matiisin. 
C. Magmahal hanggang sa wakas. 
D. Kapag umiibig huwag magsawang maghintay at ipaglaban.
8. “I was willing to wait, kaya lang napagod ako, napagod ang puso ko na  maghintay, magtanong, magalit.”- Piolo
Pascual, Starting Over Again,  2014, ano ang mahihinuha sa pahayag? 
A. Mahirap maghintay. 
B. Nakapapagod magmahal. 
C. Ang pagmamahal ay may limitasyon. 
D. Nakasasawang maghanap ng sagot sa mga tanong. 
9. “Siguro, kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin, dahil may darating  pang ibang mas magmamahal sa ‘tin – ‘yung
hindi tayo sasaktan at  paaasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” – John  Lloyd Cruz, One More
Chance (2007). Ano ang nais ipabatid ng pahayag  na ito? 
A. magbigay ng inspirasyon sa iba 
B. maging matibay sa lahat ng pagsubok 
C. huwag susuko sa anomang hamon ng buhay 
D. lahat ng bagay na nangyayari ng may kadahilanan

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT

Pagsusuring Pampelikula

Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula 

Kailangang ipakilala sa unang talata ang paksa ng pelikula. Maaaring  magsimula ang may-akda sa mga
simpleng detalye tulad ng pamagat ng  pelikula, mga aktor at aktres na nagsiganap, at pati na rin sa pook at  panahon
kung saan nangyari ang kuwento.

Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang masakop ng manunulat  ang kabuoan ng istorya liban na lang sa
pagwawakas nito upang naisin pa  rin ng mambabasa na panoorin ang pelikula. Maaaring magbigay ng mga 
halimbawang eksenang mahalaga at pati na rin ang mga eksenang tatatak sa  isipan ng manonood. 

Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong talata sa isang partikular  na aspekto ng pelikula. Maaaring
pagpilian ang mga aktor at aktres na  gumanap, ang pagkahabi ng kuwento, ang hitsura ng mga eksena, ang  kalidad
ng tunog at musika, at pati na rin ang mga tema, simbolismo, at  mensaheng gusting ipahayag ng pelikula. Magbigay
ng mga halimbawa sa  pelikula upang suportahan ang mga kritisismo. 

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang  ba ang mga katangian ng tauhan upang
makilala ang bida  (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)? 
2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong  kaisipan at diwang titimo sa isip at
damdamin ng mga manonood na  kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay? 
3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may  kaugnayan sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa
pangyayari. 4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang  ipahayag o ipaalam. 

Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula 

1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan 


2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte  o may eksenang hindi maaayos ang
pagkakagawa. 
4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang  pagkuha ng eksena. 
2
5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
6. Derek – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang  gagalaw sa pelikula. 
7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula. 
8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang  pelikula. 
9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na. 10. Break! Break! – saglit na pamamahinga
o pagtigil sa pagkuha ng  eksena. 
11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte. 12. Artista – mga taong gumaganap ng
bawat papel na hinihingi ng  istorya 
13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng bawat  tauhan. 
14. Iskrip – kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa  pelikula kasama ang detalye ng aksyon at
mga patnubay na teknikal  na kailangan sa produksyon.

Suring-Pelikula 

Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Pagsusuri ng Pelikula 


1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin. 
2. Simulan ang talata gamit ang gramatika sa paglalahad ng paksa at  buod ng pelikula. 
3. Sa ikalawang talata, isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang  nagsiganap. 
4. Sa ikatlong talata, ilalahad ang puna tungkol sa direksiyon/direktor ng  nasabing pelikula. 
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika.
6. Sa ikalimang talata, isusulat ang isyung mahihinuha sa pelikula na  may kaugnayan sa kasalukuyan. 

Pormat ng Panunuring Pampelikula 


I. Pamagat 
II. Buod ng Pelikula 
III. Mga Tauhan 
IV. Direksiyon/Direktor 
V. Mga Aspektong Teknikal 
a. Sinematograpiya 
b. Musika 
VI. Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan 

Sa pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang ang mga kahusayang gramatikal tulad ng sumusunod: 

1. Tamang Pagbabantas 
Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suring pelikula ay kailangan upang maging epektibo ang
pagsulat. Ang maling  paggamit ng bantas ay nagbubunga ng maling interpretasyon sa  ipinahihiwatig na ideya.
2. Tamang Baybay 
Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring  pelikula upang hindi mapulaan ang isang manunuri na
hindi maayos ang  pagkakasulat ng kaniyang pagsusuri. Makailang basahin ito upang  makita ang kawastuhan sa
baybay. 
3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap 
Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga pangungusap,  kailangang wasto ang gamit ng mga salita sa loob ng
pangungusap,  gayundin ang organisasyon ng mga ideya. 

PAKIKIPAGPALIHAN / ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


PANUTO: Suriin ang pelikulang “Seven Sundays” batay sa paksa/tema, layon,  gamit ng salita at mga tauhan nito.
Gayahin ang pattern at sagutan ito sa  hiwalay na papel.

Seven Sundays
Sa direksyon ni Cathy Molina-Garcia

Ito ay tungkol sa isang relasyong pampamilya, hindi ng isang  perpektong pamilya kundi ng isang ordinaryong
pamilyang Pilipino na  dumaan sa mga pagsubok sa buhay sa larangan ng pera, pagsasama at pagkakabuklod.  
Tinatalakay ng pelikulang ito ang sitwasyon ng isang pamilya, hindi  sugar-coated, kundi mga sitwasyong
totoong nangyari at mangyayari sa  isang pagsasamahan. Tumutukoy sa kakulangan ng bawat isa sa kaniyang 
tungkulin bilang ama sa kaniyang mga anak, ang anak sa kaniyang ama at  kapatid sa kapatid. Minsan sa ating buhay
3
ay nakakalimutan natin ang  ating relasyon sa pamilya. Subalit sa pagkakaroon ng problema, naroon ang  ating mga
kapatid na handang tumulong at sumuporta sa lahat ng oras. 
Ang pelikulang ito ang magpapaalala sa atin na kahit anong mangyari  sa ating buhay masama man o mabuti,
may mga taong laging nandyan para  sa atin para sumuporta at akayin tayo pabalik sa ating pamilya.  
Mula sa mga magagaling na nagsiganap ng pelikulang ito ay  madadala ka sa emosyon at kukurutin nila ang
iyong puso. Pelikula na  pinagsama ang iyong luha at tawa. Tumatawa ka habang lumuluha o ‘di  kaya naman
lumuluha ka habang tumatawa.  
Mahalagang malaman kung paano ang pagbibigay ng bayas o  pagkiling sa isang paksa o sa pinag-uusapan.
Hindi tayo makapaglalahad ng  ating pagkiling kung hindi natin alam ang pinagmulan nito.  

Layon: ____________________________________________________________________________.
Paksa/Tema: ____________________________________________________________________.
Gamit ng Salita: __________________________________________________________________.
Tauhan: ________________________________________________________________________.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


PANUTO: Mula sa mga letra na nasa ibaba,  gumamit ng kahusayang gramatikal sa pamamagitan ng tamang baybay
at  bantas upang maging magkakaugnay ang mga pahayag. Isulat muli sa  hiwalay na papel ang wastong sagot. 

sapagtataposmahihinuhanasifidelaymapapaibigkay
solatganoondinsisolsakaniyabeholdthisisanew
chapterforsomeonewiserandstrongerthanapebble
nowbolder
1._____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

sapangyayaringiyonnagkaroonnasiyang
inspirasyoninspirasyonnanagdulotsakaniyaupang
magsulatngmgatulanamaypinaglalaanan
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

dahilsiyaayisapalamangfreshmannaglakasloob
siyangpumuntasaeventngkanilangpaaralan
freshiesnightkungsaanniyaunangnakitasistella
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGLALAPAT / ASSIMILATION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


PANUTO: Manood ng isang pelikulang Pilipino na may rating na General Patronage(GP). Gamitin ang pormat ng
suring-pelikula na nasa itaas sa pagsulat nito.

Pamantayan:
Nilalaman – 30 puntos
Pagbabantas – 25 puntos
Pagkakasunod-sunod ng kaisipan – 25 puntos
Presentasyon – 20 puntos
Kabuuan – 100 puntos

4
FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 8
LEARNING ACTIVITY SHEETS

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang


popular sa kulturang Pilipino

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaralay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa


pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa binasang mga impormasyon
-Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng
multimedia
-Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social awareness campaign

LAYUNIN:
a. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan
b. Nakabubuo ng social awareness campaign gamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa
pamamagitan ng multimedia
c. Nabibigyang-halaga ang mga kampanya tungo sa panlipunang kamalayan

ARALIN 8: Kampanyang Panlipunan (Social Awareness Campaign)

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular Na Babasahin. Department of Education – Division of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan na nasa ibaba.Pagkatapos, sagutin ang mga tanong batay dito.

Mga Tanong:
1. Ibigay ang iyong reaksyon at pagsasalarawan sa mga larawang nasa taas.
2. Anong isyung panlipunan ang pinapalutang ng mga ito?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maibabahagi mo upang makatulong sa
mga isyung panlipunan na lumalaganap sa ating bansa?

Ano ba ang Isyung Panlipunan?


Ang isyung panlipunan ay mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa loob ng bansa na may
malawakang epekto sa iba't ibang sektor ng lipunan na kinabibiloangan ng PAMILYA, SIMBAHAN,
PAMAHALAAN, PAARALAN AT EKONOMIYA.

5
PAGPAPAUNLAD/DEVELOPMENT

Alam mo ba na ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay isang mabisang pamamaraan
ng pakikipagkomunikasyon sa publiko dahil nagbibigay at nagpapahayag ito ng mahahalagang impormasyon,
kaalaman, at maging babala para sa lahat. Maraming mga estratehiyang maaaring gamitin upang mas mapadali ang
pagpapalaganap ng mga impormasyon tulad ng paggawa ng poster, paggamit ng flyer, maaari ring gamitin ang
telebisyon, radyo, pahayagan, magasin at maging ang social media.

Kampanyang Panlipunan (Social Awareness Campaign)

Ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng


mahahalagang impormasyon, kaalaman o babala para sa lahat. Ito ay mga current isuues na dapat malaman ng mas
nakararaming grupo o indibidwal.Ang pagsasagawa ng isang social awareness campaign ay isang instrumento sa
pagpapalaganap ng bagong impormasyon o adbokasiya ng pamahalaan sa pribadong institusyon, at sa iba‘t ibang
samahan o organisasyon. Isa sa hangarin ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay magkaroon
ng kamulatan ang publiko sa anomang produkto at adbokasiya ng iba’t ibang organisasyon.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Isang Social Awareness Campaign o Kamalayang Panlipunan


1.Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness campaign
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao na nais mong makabasa, makarinig, makakita o makanood ng
kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-pansin upang
magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.
4.Alamin kung anong paraan ang iyong gagamitin sa pgsasagawa ng iyong kampanya.
5.Magsagawa ng mahusay na pagpaplano sa pagbuo ng balangkas ng isasagawang campaign material.
6.Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya tulad ng pamumudmod ng maliliit na polyeto, paggawa ng
malaki at makulay na poster, paglikha ng mga flyer, at iba pa.
7. Isaalang-alang ang tamang panahon sa pagsasagawa ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign).
Halimbawa:
a. Pangangampanya sa pagpapalaganap ng wikang Filipino – buwan ng Agosto
b. Pangangampanya sa pag-iwas sa sunog – buwan ng Marso
c. Pangangampanya sa pagdating ng bagyo – buwan ng Hunyo at Hulyo
8.Makatutulong din ang paggamit ng mga angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign).

Paggamit ng angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social awareness campaign
Ang pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay maituturing na isang pampublikong
komunikasyon dahil nagpapalawak ito ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon sa
publiko.
Bukod dito, pinipili ang mga salitang ginagamit na angkop sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness
campaign). Inaayos din ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang ipinahahayag sa pagbuo ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign). Dito pumapasok ang sinasabing angkop na mga
komunikatibong pahayag.
1. Paggamit ng salawikain/kasabihang makikita sa poster
Halimbawa:
• • “Sumunod ka sa konsensya mo, ngunit gamitin mo rin ang utak mo.”
• • “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.”
• • “Lingapin ang kapaligiran nang dengue ay maiwasan.”
2. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at langkapan)
3. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (paturol, pasalaysay, pautos, padamdam at patanong)
4. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
• a. Huwag magpauna sa takot…
• b. LINDOL!
5. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.
Halimbawa:
• Paggamit ng balloon upang maipahayag ang damdamin ng pagkatakot at babala

6
PAKIKIPAGPALIHAN/ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Suriin ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng
pagsagot ng gabay na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

PANDEMYA!

Protektahan ang sarili at maging ang iba sa banta ng

Kapag Itapon agad


bumabahi bumabahing, ang tissue sa
at umuub , takpan ang basurahang
ilong at bibig gamit ang may takip
tissue, panyo o siko. pagkatapos gamitin.

Linisin ang kamay gamit ang alcohol o


hugasan ng sabon sa loob ng 20 segundo
tuwing: - pagkatapos umubo o Iwasang hawakan ang
bumahing,kapag nag-aalaga ng may sakit,
bago habang at pagkatapos mga,ilong at bibig
kumain,pagkatapos gumamit
ng palikuran, kapag nakikitang
marumi na ang kamay

Ikaw, Ako, Tayo ay may


pananagutan sa bawat isa.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang nabasang kampanyang panlipunan (social awareness campaign)?
2. Ano-ano ang iyong napansin sa anyo ng social awareness campaign na ito? Ilarawan.
3. Mabisa at naaangkop ba ang ginamit ng mga pahayag sa kampanyang ito? Bakit?
4. Paano mo gagawing mabisa at makatawag-pansin ang isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) kung ikaw ang gagawa nito?
5. Bilang mag-aaral, paano ka makikiisa sa kampanyang ito?

PAGLALAPAT / ASSIMILATION
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba upang makabuo ng isang malinaw na kampanyang panlipunan ( social awareness
campaign) at isagawa ito sa tulong ng multimedia. Maaring gumawa ng powerpoint,videoclip,audiorecord,facebook post at
iba pa. Maaari itong ipost sa ating facebook page (Grade 8 Filipino) o isend sa guro. Kung walang kakayahan na gumamit
ng multimedia, maaaring gamitin ang kartolina,makukulay na papel,bondpaper,o papel at isulat ito.(tingnan ang halimbawa
sa itaas).Gumamit ng mga angkop na komunikatibong pahayag sa pagbuo nito. (Paalala: Malaya ang mag-aaral na pumili
ng iba’t ibang pamamaraan na angkop sa kakayahan ng mag-aaral.)
Paksang pamimilian:
• Kampanya laban sa kahirapan
• Kampanya laban sa basura
• Kampanya sa pagsugpo sa COVID-19
• Kampanya laban sa kalamidad
• Kampanya laban sa pang-aabuso sa kapaligiran/likas na yaman
Pamantayan sa Pagmamarka:
Paglalahad ng mensahe ----------------------------------- 40puntos
Paggamit ng komunikatibong pahayag------------------ 30 puntos
Pagkamalikhain------------------------------------------------30puntos
Kabuuan--------------------------------------------------------100 puntos

7
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 7 Aralin 8

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1


GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
1. A
2. C Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa
3. B pagkakaunawa nila.
4. B GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2
5. B
6. C 1.pandemya
7. D 2. gumamit ng iba’t ibang estratehiya para
8. C maipahayag ang mga upang maipahayag ang
9. D mahahalagang impormasyon
3. oo,dahil lubos na mas mauunawaan at mahihikayat
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 nag mambabasa at makakakita nito
4. sariling opinyon
Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa 5. sariling opinyon
pagkakaunawa nila.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3
(gagawa ang mag-aaral ng isang kampanyang
1. Sa pagtatapos, mahihinuha na si Fidel ay
panlipunan batay sa kakayahan nila)
mapapaibig kay Sol at ganoon din si Sol sa
kaniya. “Behold this is a new chapter. For
someone wiser and stronger. Than a pebble
now bolder.”
2. Sa pangyayaring iyon, nagkaroon na siya ng
inspirasyon, inspirasyon na nagdulot sa
kaniya upang magsulat ng mga tula na may
pinaglalaanan.
3. Dahil siya ay isa pa lamang freshman,
naglakas loob siyang pumunta sa event ng
kanilang paaralan “Freshies Night” kung saan
niya unang nakita si Stella.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4

Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa


pagkakaunawa nila.

You might also like