You are on page 1of 8

MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Munting Ilog, Silang, Cavite

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 5
LEARNING ACTIVITY SHEETS

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang


popular sa kulturang Pilipino

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaralay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa


pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa
- Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa
- Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan
LAYUNIN:
a. Natutukoy ang paksa, layon, tono ng akdang binasa.
b. Nabubuo ang mga salita na may kaugnayan sa paksa.
c. Nabibigyang-halaga ang mga programang napanood sa telebisyon.

ARALIN 5: Kontemporaryong Programang Pantelebisyon

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular Na Babasahin. Department of Education – Division of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Mahilig ka bang manood ng mga programang pantelebisyon tulad ng mga teleserye? Anong linya sa mga
teleseryeng iyong napanood ang tumatak sa iyo? Basahin mo ang linya ni Amor Power mula sa teleseryeng ‘Pangako
Sa ‘Yo’. Maaari rin itong panoorin sa link na https://www.youtube.com/watch?
app=desktop&v=wrQMXjbaUzs&fbclid=IwAR0wFfccIjwaXN9mckpaulCXFXqocRhk90s_2PIhAPxpKesRjziETK-XSkc

“Saksi ang Diyos, hindi lahat ng araw sa inyo. Hindi lahat ng batas kayo. Lahat ng ginawa ninyo sa akin,
nakaukit sa puso at diwa ko. Lahat ng hirap at sakit ibabalik ko sa inyo. Lahat kayo! Matitikman ninyo ang
batas ng isang api.”

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa binasang linya. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ano ang binibigyang pansin sa linyang binasa?
2. Ano ang damdaming nangingibabaw rito?
3. Sa iyong palagay, anong ipinapahiwatig nito?
4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Amor Power, pareho rin ba kayo ng mararamdaman? Bakit?
5. Kung ikaw ay may cellphone gamit ang ating facebook page, ibahagi ang iyong reaksiyon sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang spoken poetry na binubuo ng mga ilang salita o hanggang apat na linya lamang. Ipost ito sa ating fb
page. Kung wala naman, maaaring isulat na lamang ito sa sagutang papel. Huwag kalimutan lagyang ng seksyon at
pangalan.

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT
1
Ano ang programang pantelebisyon?

Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing
libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang
panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay
maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
May tinatawag na infotainment na isang uri ng media na nagbibigay ng mga impormasyon at kasiyahan sa
mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pantelebisyon. Ang mga programang ito ay nagsisilbing libangan
na rin ng mga tao sapagkat naaaliw sila sa panonood ng mga game show, variety show, at iba pang programa tulad
ng panonood ng teleserye. Panandaliang nawawala ang kanilang problema sa pamamagitan ng panonood ng mga
ito. Sa kasalukuyan, ang mga milenyal ay nahuhumaling naman sa panonood ng dramang mula sa South Korea.
Samakatuwid, may kani-kaniyang audience ang mga programang pantelebisyon: may pambata, pangkabataan,
pangmatanda, at iba pa. May mga programa rin sa telebisyon na nagbibigay ng serbisyo sa mga tao na malaking
bagay para sa masang Pilipino. Sa ganitong paraan, natutugunan ng telebisyon ang iba’t ibang pangangailangan ng
mga tao.
Katulad ng mga programang pantelebisyon na ang layunin ay makapagbigay ng totoong kalagayan ng mga
tao sa isang lugar tulad ng mga dokumentaryong programang pantelebisyon. Ito ay mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Karagdagang kaalaman:
Ang paghihinuha ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap. Ito
ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkakaintindi sa isang konteksto ng pangyayari.

Paksa-bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.


Layon - intensiyong tinutukoy sa isang akda.
Tono - tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
Ang pagsusuri ay proseso ng paghimay ng isang paksa sa maliit na bahagi upang magkaroon ng mas mainam na
pagkaintindi sa paksa.

PAKIKIPAGPALIHAN/ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon. Maaari itong panoorin sa link
na https://www.youtube.com/watch?v=XOaVzEOnDrU

Pagpag for Sale


ni Howie Severino at ulat ni Arnold Clavio
Pananaliksik ni Mayeth M. Salvacion
Mga Tauhan:
Arnold Clavio - tagapag-ulat
Boy Ignacio - kumukuha ng basura
Amy Ignacio - kumukuha ng pagpag
Aileen Ignacio - kumakain ng pagpag
Domeng Villanueva - kumakain ng pagpag
Jeffrey Flores - kumakain ng pagpag
Rebecca - suki ng pagpag Tagapanayam - nag-iinterbyu sa mga residente
Romeo Halocon - District Officer Sanitation Depatment
Eloisa Donor - Nutritionist (dalubpaniya)

Arnold: “May pera sa basura” naniniwala ang magkapatid na Boy at Rey sa kasabihang ito. Ito kasi ang kanilang pinagkakakitaan
gabi-gabi sa loob ng dalawang taon, ang magkapatid dedma sa masangsang at nakasusulasok na basura para sa kanila ito ang
amoy ng pera ng pagkain sa lamensa at ang pang-araw-araw na gastusin.
Boy: Kahit hindi na ako lumabas pa sa iba, dito sigurado kikita na ako.
Tagapanayam: Magkano po kikitain ninyo diyan?
Boy: Mababa lang.
Tagapanayam: Mga magkano po estimate (tantiya)?

2
Boy: Mga 200. Tapos ikakarga ko na pauwi. Duon ko na pagpipilian sa bahay.
Tagapanayam: Ano po ginagawa ninyo sa mga iyan?
Boy: Pinipili at hinihiwalay ko lang yung mga kaps, kutsara, mga takip tapos yung styro.
Arnold: Pagdating itinali na ni Boy ang kayamanang nakuha niya sa gabi.
Boy: Uuwi na ako, matutulog na.
Arnold: Kinabukasan, kasama na ni Boy ang asawang si Amy, pagkakalkal sa tabi ng kabundok na basura naman ang kanilang
pinagkakaabalahan sa pagkakataong ito hindi mga plastik, styro at kung ano-ano pang gamit ang kanilang misyon, mga tira-tirang
pagkain mula sa iba’t ibang mga kainan, ang tawag daw dito, pagpag.
Amy: Nandito yung mga pagpag kung tawagin. Yung ganito yung mga manok na tira-tira na mga kinain, mga kinain ng tao, tapos
binebenta namin.
Arnold: Bakas man sa laman ng manok ang kagat ng mga kumain nito, marami pang laman. Ayon kila Amy hit (patok) raw ang
pagpag sa kanilang lugar.
Amy: Sigurado na po ito kasi kung baga may permante ko na siyang kinukunan, hindi katulad nung kumukuha ka sa labas,
kumukuha ka ng karton, nakikipagsapalaran ka pa, ito siguradong may hawak ka na talagang hindi ka na magugutom.
Arnold: Sa tabi mismo ng kalkalan, nakilala namin ang mag-inang Aileen pati ang kanyang isang taon na gulang na anak, pagpag
ang kinakain.
Tagapanayam: Ano po kinakain niya?
Aileen: Piniritong pagpag po.
Tagapanayam: Matagal na po ba siyang kumakain niyan?
Aileen: Matagal na po.
Tagapanayan: Wala po siyang nararamdaman?
Aileen: Wala po.
Arnold: Inaabot sila ng dalawang oras sa pag-iipon ng pagpag. Dadalhin na ito sa karinderya na kanyang biyanan na si Rosalina
para ipagbili. Ayon kay Amy ang pagpag hindi lang laman ng tiyan nila, ito rin ang bumubusog sa kanilang gutom na bulsa.
Singkuwenta pesos din daw ang isang kahong pagpag, matapos ang bentahan inihahanda na ito para lutuin.
Tagapanayam: Ano po ang ginagawa ninyo?
Boy: Tumutulong.
Tagapanayam: Ano po iyan? Bakit ninyo po tinataga?
Boy: Tinatanggal yung mga hindi napapakinabangan.
Tagapanayam: Yung buto po?
Boy: Oo, yung buto.
Arnold: Dalawang beses na binabanlawan ang mga ito sa mainit na tubig bago lutuin.
Tagapanayam: Nanay ano po ang niluluto ninyo ngayon?
Rosalina: Heto pong pagpag.
Tagapanayam: Ano pong luto iyan?
Rosalina: Afritada. Ewan ko ba ito ang nahiligan ko kasi mabili. Nuong subukan ko mabili talaga.
Arnold: Sa isang buong araw nakakatatlong malalaking kawali ng afritadang pagpag si Aling Rosalina, sa dami nang kumakain,
pagkatapos ng araw simut’ sarap ang mga kaserola ni Aling Rosalina. Sampung piso ang isang order ng pagpag, mas mahal lang
ng limang piso ang piniritong pagpag. Ayon pa kay Aling Rosalina alam naman ng mga parokyanong na pagpag ang kanilang
binebenta, pero dahil mura kusang binubura nila sa isipan ang pinaggalingan ng mga ulam.
Domeng: Hindi naman madumi iyan.
Tagapanayam: Bakit po?
Domeng: Kasi iyan mga kinakain ng kostumer na konting kagat lang tapos sigurong hindi na kayang kainin.
Jeffrey: Huwag nilang sasabihin na kahit ganito lang ang pagkatao namin, yung marurumi ang mga pagkain namin hindi, pantawid
gutom para makatipid kami para makaipon kami para sa pamilya namin.
Arnold: Ang tingin naman ni Rebecca masustansiya ang pagpag kahit galing pa ito sa basura kaya inaaraw-araw niya ito.
Rebecca: Hanggang maghapon kami iyan ang inuulam namin.
Tagapanayam: Wala po kayong nararamdaman na kahit ano?
Rebecca: Heto at tumataba pa nga ako, ang lakas ko pa bumubuhat ako ng dalamang container (lalagyan) na tubig. Pampalakas
itong pagpag, kapag hindi ako nakakain nito, humihina ako. Kailangang kumain ako ng pagpag.
Arnold: Masaya man silang kumakain, naalarma kami sa sitwasyon. Ligtas ba sila sa pagkain ng pagpag? Nagdala kami ng
dalawang nutritionist (dalubpaniya) mula sa Makati Medical Center upang ipaliwanag ang mga sakit na maaaring makuha sa
pagkain na mga pinupulot sa basura.
Eloisa: Yuon ang ibig naming iparating kasi kung maiiwasan din lang yung mga sakit na galing din sa pagkain kung pagkain din
lang naman ang solusyon.
Arnold: Paliwanag nutritionist (dalubpaniya) ang mga ganitong klaseng pagkain ay may dalang matitibay na bakterya na hindi
namamatay sa init nang pagluluto. Ilan sa mga bakterya ay ang Salmonella, Staphylococcus aureus, at E. Coli, nakukuha ito sa
mga basurahan o kahit mismo sa mga laway na mga unang kumain na mga pagkain.
Eloisa: Yung salmonella in a big amount (malaking halaga), actually wala siyang specific (tiyak) na sakit as in sakit na kunyari
Hepatitis, walang ganon, salmonellosis lang pero yuong symtoms ( sintomiya) niya dehydration o panunuyo, pagtatae, pagtatae,
lagnat.
Arnold: At kapag hindi naagapan maaari itong humantong sa kamatayan.
Rosalina: Kaya wala akong piligro na ano, bukod sa nabanlian na ipipirito pa ulet sa mantika kaya wala namang piligro dahil
nuong una pa lang hindi na ako nagtinda.
Arnold: Tugon naman ng nutrinionist (dalubpaniya) sa tinder maaaring malakas na ang immune system (sistemang imyuno) ng
mga residente kung kaya’t wala pang nababalitaan na nagkakasakit nang malala.
3
Eloisa: Kasi young immune system (sistemang imyuno) ng tao would by duon sa environment (kapaligiran) na ginagalawan niya.
Arnold: Gayon man hindi nangangahulugan na ligtas na ang kalusugan ng mga kumakain nito. Dahil ang ibang bakterya nananatili
sa loob ng bituka at duon ito naiipon at dumarami. Hiningi rin naming ang opinyon ng Manila Health Department Sanitation
Services tungkol sa panuntunan ng mga maliliit na karinderya.
Romeo: Meron kaming guidelines (mga patnubay) na sinusunod sa sanitation code (kodigo ng sanitasyon) atsaka sa implementing
rules and regulations on food safety (pagpapatupad sa panuntunan at regulasyon sa kaligtasan para sa mga pagkain).
Arnold: Ayon pa kay Romeo, dapat malinis ang tubig na ipanglilinis o ipanghahalo sa mga pagkain. Mahalaga rin daw na may suot
na hairnet at apron sa tuwing maghahanda at magluluto ng pagkain.
Romeo: Para yuong cross contamination from the cook duon sa kanyang pagkaing inihahanda mapoprotektahan.
Arnold: Panatilihin ding mainit ang pagkain kung galing sa init at malamig naman kung galing sa lamig para maiwasan itong
mapanis. Dapat din magkaroon ng kitchen counter na ginagamit sa paghahanda ng pagkain upang mapanatili ang linis ng pagkain.
Matagal ng problema ang pagpag pero ang pagbebenta nito sa karinderya ngayon lang daw nila nalaman.
Romeo: Meron pa lang ganito na ginagawa young ating mga kababayan na nakukuha pa nila na ibenta ito for General Consuming
Public.
Arnold: Aminado rin sila na kulang ang imbestigasyon pagdating sa kalinisan ng mga pagkain sa karinderya sa kanilang
nasasakupan.
Romeo. Kasi may mga areas (mga lugar) hindi na natutukan ng mga sanitary inspector (inspektor sa kalinisan). Mahina ang aming
monitoring surveillance (pamamatiyag).
Arnold: Pero nangako naman sila sa amin na simula ngayon tutukan nila ang pagpapalakad sa mga karinderyang nagbebenta ng
pagpag.
Romeo: Ang dapat nating mabigyang-pansin itong problemang ito. Siguro duon sa aming pagpapatupad sa food safety (kaligtasan
para sa mga pagkain).
Arnold: Tulad ni Aling Rosalina, sa pagpag na kumukuha ng kabuhayan ang ilan sa mga residente rito. Pero kung hindi ito
mabibigyan ng pansin ng mga awtoridad, sa lalong madaling panahon imbis na laman tiyan, ang pagpag ay makapagdulot ng
kapahamakan sa kalusugan. Hahantayin pa ba natin na may mapahamak bago matakot at gumawa ng aksyon.

Panuto: Bigyang-hinuha ang paksa, layon, at tono sa akdang binasang “Pagpag for Sale”. Kopyahin ang pormat at
isulat ang sagot sa papel.
PAGPAG FOR SALE

PAKSA LAYON TONO

(Ano ang (Ano ang (Ano ang


binibigyang layunin ng damdaming
diin sa akda?) may akda sa nangingibabaw
sa akda?)
pagsulat nito?)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Tukuyin ang tamang salita na isinasaad ng mga pahayag na nasa ibaba at hanapin ito sa puzzle na may
kaugnayan sa araling tinalakay.
K D T E L E B I S Y O N
A T B G S I D A L P U G
L I N H W D E M L I K A
U O S I P G N A M I L P
K T R E H A S Y U S T G
M A M B N R T A Y O L A
U T G H E W S L A S E P
O Y R A T N E M U K O D

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakakaaliw at kawili-wili.


2. Nagsisilbing pagkain at hanapbuhay ng mga residente
3. Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kanyang paligid.
4. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radio o telebisyon.
5. Halaga ng piniritong pagpag

PAGLALAPAT / ASSIMILATION
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
4
Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang mga pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang talata. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

Nakakatulong ang media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao


dahil______________________________________________________________.
Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang media sa aking pag-aaral
sapagkat__________________________________________________________.

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 6
LEARNING ACTIVITY SHEETS
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.
- Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga), paraan-resulta)
- Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita.

LAYUNIN:
1. Nalalaman ang mga ekspresyong hudyat na nagpapahayag ng kaugnayang lohikal.
2. Nakasusulat ng isang sanaysay patungkol sa kanilang sariling pananaw gamit ang mga ekspresyong hudyat.
3. Nabibigyang-halaga ang pananaw at katuwiran ng bawat isa.

ARALIN 6: Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal. Department of Education –
Division of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


PANUTO: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag sa bawat bilang,  at MALI naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel. 
1. Ang infotainment ay uri ng media na nagbibigay ng impormasyon  at kasiyahan sa mga tao sa pamamagitan ng
iba’t ibang  programang pantelebisyon. 
2. Maituturing na isang sining ang programang pantelebisyon na  nagsisilbing libangan na gumigising sa isip at
damdamin ng  isang tao. 
3. Tinatawag na pangatnig na pananhi ang mga salitang ginagamit  sa pagbibigay ng sanhi at bunga. 
4. Ang konseptong may kaugnayang sikolohikal ay nakabubuo ng  isang makahulugang pahayag. 
5. Kapag pinaghiwalay ang ugnayang sanhi at bunga, makabubuo  ng pahayag na ugnayang lohikal.

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT

Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang  makahulugang pahayag. Halimbawa
nito ang ugnayang sanhi at bunga na  tinatawag ding pangatnig na pananhi. Kapag pinagsama ang dalawang ito, 
nakalilikha ng pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang lohikal. 

Halimbawang pangungusap: 
Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya nang labis.
Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang sanhi/dahilan ng  pangyayari na may isang salungguhit at ang
bunga/resulta ay may dalawang  salungguhit. Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. 
Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa  at kasi sa pagsasabi ng dahilan o
5
sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta  o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at
bunga  nito. May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at layunin.

Halimbawang pangungusap: 
Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang  kanilang buhay at mabigyan ng magandang
kinabukasan ang  anak. 

Sa pangungusap, ang mga salitang may iisang salungguhit na  tumutukoy sa paraan ay ang sugnay na
makapag-iisa samantalang ang  sugnay na ‘di-makapag-iisa ay may dalawang salungguhit na tumutukoy sa  layunin
kung bakit nagpapakahirap si Bing.  Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang  sa
ganoon upang maihudyat ang layunin. Bukod sa ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayang  paraan
at resulta.

Halimbawang pangungusap:  
 Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng   kaligayahan ang matanda.  

Ang sugnay na ‘di-makapag-iisa na may isang salungguhit ay  tumutukoy sa paraan samantalang ang may
dalawang salungguhit ay ang  resulta o bunga ng ginawa ni Jay.  Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na
dahil sa upang  maihudyat ang paraan.  Tandaan na maaaring gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng  kaugnayang
lohikal sa pagsulat ng sanaysay.

Pagbibigay ng Sariling Bayas o Pagkiling

Ang bayas ay isang inklinasyon predisposisyon o pagkakagusto na  nagiging balakid upang maging kapani-
paniwala ang isang pinagmumulan  ng impormasyon. Minsan, pinoprotektahan ng isang pinanggagalingan ng 
impormasyon ang opinyon niya na nagiging sanhi ng pagkawala ng kaniyang  pokus sa katotohanan. Kapag nangyari
ito, may bayas o pagkiling na ang taong iyon. Mahalaga na malaman mo ang mga bayas sa kahit anong 
impormasyon na iyong natatanggap upang hindi ka madaling malilinlang o  maloloko. Maaaring may bayas ang isang
impormasyon na hindi nagbibigay  ng kumpletong katotohanan. Maraming mga bayas o pagkiling ang nasa  porma ng
propaganda techniques. 

PAKIKIPAGPALIHAN / ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


PANUTO: Basahin ang mga pangungusap at hanapin ang mga ginamit na  ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal. Isulat ang tamang sagot sa  hiwalay na papel.  
1. Nagpunta si Ken sa Tarlac para bisitahin ang kaniyang lolo at lola. 
2. Naglinis ng bahay si Kelly upang maging maayos ito sa paningin ng  kaniyang bisita.  
3. Marunong makiharap sa bisita si Popoy kaya marami ang natutuwa sa  kaniya. 
4. Nagtungo sa bukid si Bryan para bigyan ng miryenda ang kaniyang  tatay. 
5. Dahil sa pagtitipid ni Thea, nakaipon siya ng pambili ng pangarap  niyang smart phone.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


PANUTO: Basahin ang transkrip ng dokumentaryong, “Pag-asa sa Pagbasa” ni  Kara David at sagutin ang mga
tanong kaugnay nito sa hiwalay na papel.  Kung mayroon kang kompyuter at koneksyon sa internet, puntahan ang
link at panoorin ito. 

https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM&feature=share 

“Pag-asa sa Pagbasa”
Ni Kara David

Sa Sauyo High School sa  Quezon City, may isang section kung  saan ang itinuturo ay pagbaybay ng  mga
salita, pagsusulat ng mga letra  at pagkilala sa mga kulay. Pero ang  klaseng ito, wala sa elementarya  kundi nasa
high school na. Sila ang  Section Darwin, isang klase na  binubuo ng dalawampu't siyam na  mga estudyanteng
nakatuntong sa  Grade 7 pero hindi pa rin  nakapagsusulat at nakababasa. Kabilang sa Section Darwin  ang dose
anyos na si Louie.  Bagama't hirap maski sa simpleng  pagsusulat at pagbabasa, taon-taon  siyang ipinapasa ng
kaniyang mga guro at ngayo'y nakatuntong pa ng Grade 7. Imbis din na aralin ang mga leksyon pagkatapos   ng klase,

6
sa tambakan ang diretso ni Louie para mangalakal. Ang  kakarampot kasing kikitain niya ay malaking tulong na raw
sa  kanilang pamilya.

Nasa Section Darwin naman ng Grade 8 ang kinse anyos  na si Jack. Dahil madalas na walang naibibigay na
pambaon ang  kaniyang mga magulang, lumiliban na lang noon si Jack sa  kaniyang mga klase at kalauna'y napag-
iwanan. Hanggang sa  makaabot siya ng high school nang hindi nakapagsusulat at  nakababasa. Pero dahil sa
kagustuhang matuto at dahil na rin  sa suporta ng kaniyang pamilya at mga guro, nakapagsusulat at  nakapagbabasa
na ngayon si Jack. 
Pero bakit ipinapasa ng eskuwelahan ang mga kagaya  nilang “non-reader” at “slow reader?” Hindi ba ipinatutupad
ng  Department of Education ang “No Read, No Pass Policy?” Kanino  raw ba dapat isisi kung bakit umaabot sila ng
high school nang  hindi nakababasa at nakapagsusulat; sa mga guro, sa  kahirapan, sa kakulangan ng suporta mula
sa magulang o sa  mismong kagustuhan nila na matuto? 

Mga Gabay na Tanong: 


1. Ano ang binibigyang-diin sa binasang dokumentaryo? 
2. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang binabasa ang  dokumentaryo? 
3. Nagsisilbing daan ba ang dokumentaryong pantelebisyon upang  maihatid ang mahahalagang kaganapan sa bawat
sulok ng bansa?  Pangatuwiranan ang iyong sagot. 
4. Batay sa iyong pananaw, bakit may mag-aaral na umaabot ng high  school nang hindi nakababasa at
nakapagsusulat? Pangatuwiranan. 5. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa ganitong 
sitwasyon?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


PANUTO: Basahin ang mga sitwasyong mula sa “Pag-asa sa Pagbasa” ni  Kara David. Gamit ang mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang  lohikal, ipahayag ang iyong pananaw tungkol dito. Isulat ang iyong  sagot sa hiwalay na
papel. 
1. Bilang isang mag-aaral, kanino raw ba dapat isisi kung bakit may mga  mag-aaral na umaabot ng high school nang
hindi nakababasa at  nakapagsusulat, sa mga guro, sa kahirapan, sa kakulangan ng suporta  mula sa magulang o sa
mismong kagustuhan nilang matuto?  Pangatuwiranan mo ang iyong sagot. 
2. Pagkatapos ng klase ni Louie, imbis na aralin niya ang mga leksyon ay  dumidiretso siya sa tambakan para
mangalakal at nang may maitulong  sa pamilya. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Louie, ano ang gagawin  mo?

PAGLALAPAT / ASSIMILATION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


PANUTO: Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal,  sumulat ng sanaysay at ipahayag ang iyong
pananaw sa nararanasang  pandemya sa kasalukuyan. Hindi dapat bababa sa limang (5)  pangungusap ang iyong
mabubuo. 

Pamantayan sa Pagmamarka: 
Nilalaman --------------- 10 pts 
Kaugnayan sa Tema --------------- 10 pts 
Paggamit ng Salita --------------- 10 pts 
Kabuuan ----------------- 30 pts

SUSI SA PAGWAWASTO

7
Aralin 5 Aralin 6

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


1. Bigat ng pinapasan niya sa kanyang puso at GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
paghihigante
2. Galit at poot 1. Tama
3. Naglalayon ito na ipadama ang sakit na 2. Tama
nararamdaman niya sa mga taong nang-api sa kanya
4. (sariling opinyon)
3. Tama
5. (spoken poetry) 4. Mali
5. Mali
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
(Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa
pagkakaunawa nila.) GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2

1. Para
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 2. Upang
1. Telebisyon
2. Pagpag 3. Kaya
3. Dokumentaryo 4. Para
4. Balita 5. Dahil sa
5. Limang piso
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa
(Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa pagkakaunawa nila.
pagkakaunawa nila.)
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4

Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa


pagkakaunawa nila.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5

Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa


pagkakaunawa nila.

You might also like