You are on page 1of 9

MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Munting Ilog, Silang, Cavite

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 3
LEARNING ACTIVITY SHEETS

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang


popular sa kulturang Pilipino

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaralay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa


pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng kausap
- Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
- Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan

LAYUNIN:
a. Natutukoy ang positibo at negatibong pahayag sa napakinggan
b. Napaghahambing ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng kausap
c. Nabibigyang-halaga ang mga balitang napanood at napakinggan.

ARALIN 1: Kontemporaryong Programang Panradyo

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular Na Babasahin. Department of Education – Division of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Tukuyin kung katotohanan, hinuha, opinyon o personal na interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag.
Piliin lamang ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ayon sa sikat na manghuhulang si Rudy Baldwin, asahan na natin ang mga sunod-sunod na lindol sa mga susunod
na araw.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
2. Malabo nang maibalik ang face to face classes ngayong Taong Panuruang 2020-2021.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
3. Posibleng ibalik sa lockdown ang Pilipinas sa sandaling makapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
4. Para sa akin, marami pa ring dapat ipagpasalamat sa kabila ng mga suliraning naganap sa nagdaang taong 2020.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
5. Sa tingin ko, bumaba ang bilang ng krimen ngayong 2020 dahil sa matagal na namalagi ang mga tao sa kanilang
tahanan.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
6. Masuwerte raw ang mga ipinanganak ng Year of the Rooster ngayong taong 2021.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
7. Maagang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 pandemic ay hindi magiging kahuli-
hulihan dahil sa inaasahang may mga susunod pang katulad nito sa hinaharap
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
8. Sinabi ni Pangulong Duterte na karamihan sa mga nabakunahan kontra COVID-19 ay halos lahat ng mga
miyembro ng militar at mula sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

1
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
9. Umasa ang may 50% ng mga Pilipino ng masayang Pasko kahit may COVID-19 pandemic, batay sa pinakahuling
survey ng Social Weather Stations noong nakaraang Kapaskuhan.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
10. Ayon kay DA Secretary William Dar, mahigit 213,500 baboy mula sa Visayas at Mindanao ang naipasok sa Metro
Manila at kalapit-lalawigan para punan ang malaking demand dito noong holiday season.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT

Sa kasalukuyang panahon, marami nang mga pagbabago sa teknolohiya gaya ng bagong gadgets,
automated machines, smart TVs at maging kakaibang applications sa gadgets, at marami pang iba. Gayon pa man,
hindi pa rin nawawala ang pakikinig sa radyo ng maraming Pilipino. Mayroon na ring iba’t ibang programang panradyo
ang mapakikinggan gaya ng dulang panradyo, mga serye ng kuwento, at maging pagtalakay sa mga napapanahong
isyu gaya ng komentaryong panradyo.

Nagugustuhan pa rin ng marami ang makinig sa radyo lalo na ang mga abala at walang oras upang
makapagbasa ng diyaryo, makapanood ng telebisyon, o makapag-surf sa internet. Isinasabay na lamang ng iba ang
pakikinig habang nakasakay sa dyip at trapik o kaya naman ay habang naglalaba o naglilinis ng bahay o habang
naghihintay sa pila at kung ano -ano pang pinagkakaabalahang gawain.
Nagbibigay pa rin ng kasiyahan, libangan at maging kaalaman ang radyo sa mga tagapakinig. Mahalagang
malaman lamang ng mga tagapakinig ang wastong pag-unawa sa napakinggan gaya ng pinagkaiba ng katotohanan,
hinuha, opinyon at personal na interpretasyon mula sa napakinggan.

Kontemporaryong Programang Panradyo

Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikang impormasyon


sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit na media sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig sa
radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig minsan sa isang linggo.
Nananatili rin itong pinakalaganap na media na nakaaabot kahit na sa
pinakaliblib na mga lugar sa bansa.
May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito
ay ang Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM). Ang
mga istasyon na FM ay nakapokus ang nilalaman unang-una sa musika
samantalang ang mga istasyon na AM ay nag-uulat ng mga balita,
kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko, seryal na drama at mga
programang tumatalakay sa mga napapanahong isyu. Mas nakikinig ang
mga tao sa FM kaysa sa AM na istasyon ng radyo kaya mas maraming
istasyon ng FM ang mayroon sa bansa. Batay sa datos mula sa National
Telecommunications Commission (NTC) noong Hunyo 2016, may 416
na istasyon na AM at 1,042 istasyon na FM sa buong bansa, kasama na
ang mga aplikasyong hindi pa napagpapasyahan.
May iba’t ibang programang panradyo sa bansa na may layuning magbigay ng kasiyahan, libangan at
kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa mga kontemporaryong programang panradyo ay ang dulang panradyo, game
shows, reality shows, teleserye, teleradyo at komentaryong panradyo na iyong nabasa sa unang bahagi ng modyul na
ito.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon
ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon
pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

2
Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon

Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang programa, malimit na gumagamit ng makatotohanang


pagpapahayag na kung saan ang impormasyon ay balido dahil may pinagbatayan, ito ang nagiging daan upang ang
isang broadcaster ay magkaroon ng kredibilidad sa pamamahayag. Ngunit may mga pagkakataong sila rin ay
nagbibigay ng hinuha, mga sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa na kanilang tinatalakay. May interaksyon
ding namamagitan sa radio broadcasting dahil hindi maaaring magkaroon ng dull time o patay na oras habang on air
ang isang broadcaster. Kalimitang nagpapahayag sila ng opinyon at maaari ding pinalalawig ito ng mga taong
nakapakinig sa kanila na maaaring co-broadcaster o tagapakinig ng programa sa pamamagitan ng mga personal na
interpretasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Ngayon ay iyong basahin at unawain ang halimbawa ng komentaryong panradyo. Ito ay tungkol sa bakuna
kontra COVID-19. Narito ang isang bahagi ng nasabing talakayan sa radyo.

Iskrip ng Komentaryong Panradyo


Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19
Ni Hanah F. Garcia

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZGP, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag na
sina Anna Domingo at Erick Bidanez at ito ang Radyo Ekspres.

Erick: Magandang buhay sa inyong lahat!

Anna: Magandang buhay, partner!

Erick: Partner, talaga namang mainit na usapin ngayon ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at
kapulisan.

Anna: Oo nga, partner. Umaalma ang marami. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang
frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno.

Erick: Totoo ‘yan, partner! May punto rin naman nga sila.

Anna: Pero bakit nga ba uunahin ang mga sundalo at kapulisan na mabakunahan kontra COVID-19?
Erick: Giit ni Pangulong Duterte, nais niyang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan kontra COVID-19
para mapanatili ang kanilang kalusugan habang nangangalaga sa peace and order sa bansa.

Anna: Naku! Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan?

Erick: Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan dahil sila
talaga ang laging nakasuong sa laban kontra COVID-19. Sila ang tagaprotekta ng bawat lugar upang maging ligtas sa
COVID-19.
Anna:Pero ang alam ko, partner, ang vaccine na mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm ang
gagamitin na may efficacy rate na 79.34% lamang. At hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA)
ha.

3
Erick:Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang magkakaroon ng 100% efficacy
rate. Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy rate na 95%. Ang
mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.

Anna: Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner? Pero, sige na nga, sila na mauna.
Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon ng mga eksperto sa mga ganiyang bagay dahil sila ang
higit na nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Erick: Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon ng mga eksperto sa mga ganiyang bagay dahil
sila ang higit na nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Pag-unawa sa Binasa
1. Tungkol saan ang binasang komentaryong panradyo?
2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa nasabing programa?
3. Ano ang iyong masasabi tungkol sa usaping kanilang tinalakay?
4. Sang-ayon ka ba na mga sundalo at kapulisan ang unang mabakunahan kontra COVID-19? Bakit?
5. Bilang mag-aaral, paano nakatulong sa iyo ang nabasang komentaryo?

PAKIKIPAGPALIHAN/ENGAGEMENT
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong pahayag mula sa binasang komentaryong panradyo kaugnay ng
bakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at kapulisan. Ilagay sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Positibong Pahayag Negatibong Pahayag


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Panuto: Batay sa binasang komentaryong panradyo, napag-iiba-iba ang Katotohanan, Hinuha, Opinyon, o Personal
na Interpretasyon. Isulat ang K kung katotohanan, H kung hinuha, O kung opinyon at P kung personal na
interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang tamang sagot.
1. Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner.
2. Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan.
3. Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan dahil sila talaga
ang laging nakasuong sa laban kontra COVID-19.
4. Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang magkakaroon ng 100% efficacy
rate. Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy rate na 95%. Ang
mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.
5. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang
empleyado ng gobyerno.

PAGLALAPAT / ASSIMILATION
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang mga pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang talata. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

Sa pakikinig sa radyo, maging sa panonood ng telebisyon, mahalagang malaman at matukoy ang pinagkaiba ng mga
pahayag na nagsasaad ng katotohanan, hinuha, opinyon at personal na interpretasyon dahil
_____________________________________________________________________________________________.
Gayon din, mainam na maisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag sa napakinggan o napanood man upang
_____________________________________________________________________________________________.

4
FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 4
LEARNING ACTIVITY SHEETS
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
- Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio broadcasting.
- Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
- Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-
ayon sa, sa akala, iba pa)

LAYUNIN:
1. Nalalaman ang konsepto ng pananaw sa programang panradyo.
2. Nakasusulat ng komentaryong panradyo gamit ang natutuhang ekspresyon na nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw.
3. Nabibigyang-halaga ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin.

ARALIN 4: Konsepto ng Pananaw sa Programang Panradyo

SANGGUNIAN:
Miranda, Lourdes L. Punla: Mga Panitikang Pambansa. Sampaloc, Manila. 2017. Ma. Risa R. Maguinsay.
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Konsepto ng Pananaw sa Programang Panradyo. Department of Education – Division
of Gapan City.

PANIMULA / INTRODUCTION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


PANUTO: Tingnan nang mabuti ang bawat larawan sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

1. Alin sa mga anyong multimedia ang sa palagay mo’y naghahatid ng matalas na komentaryo sa mga Pilipino?
Bakit?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

2. May itinatangi ka bang istasyon/programa/kolum na sa tingin mo ay matalino ang pagbabahagi at paghimay


sa mga ideya?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

PAGPAPAUNLAD / DEVELOPMENT

Radio Broadcasting - ay isang uri ng pagsasahimpapawid ng impormasyon  o balita, lokal man o internasyonal sa
pamamagitan ng radio waves. 

Dulaang panradyo - isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang  boses at iba’t ibang tunog katulad ng
yabag ng mga tauhan, kalansing o  tunog ng mga kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa. Ginigising nito  ang
ating panlasa, pang-amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito ang  malikhaing kamalayan sa ating naririnig.

Dokumentaryong panradyo - isang programang naglalahad ng katotohanan  at impormasyon, maaaring isyu tungkol
sa lipunan, politikal o historikal. Maaaring gawin din ang paglalahad sa pamamagitan ng dulaang panradyo. 

5
Iskrip - mahalaga ang iskrip sa pagsasahimpapawid ng mga naririnig natin  sa radyo. Ito ang dahilan kung bakit
organisado ang pagpapahayag ng  balita. 

Ang SFX, BIZ, SOM, CHORD at Standard Chord ay mga salitang ginagamit sa pagbuo ng isang iskrip para sa
pagsasahimpapawid sa  radyo (radio broadcasting)
Ang SFX ay tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo.
Ang BIZ ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng  programa.
Ang SOM ay ang maikling musika na nag-uugnay sa putol-putol  na bahagi ng iskrip sa radyo.
Ang Chord ay nangangahulugang musika na maririnig mula sa  malayo o background.

Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay karaniwang ginagamit sa  pagsusulat ng iskrip para sa
pagsasahimpapawid sa radyo (dokumentaryo  at programang panradyo), subalit hindi ito sapat upang magpatunay
na  wasto ang mga bibigkasin natin habang tayo ay nag-aanunsyo sa radyo. 

Narito ang mga salitang ginagamit para sa pagpapahayag ng konsepto  ng pananaw ng isang tagapagbalita.
Ang mga wikang ito ay idinaragdag sa  midyum ng komunikasyon ng mga tagapamahayag (announcer) o
komentarista (commentator) sa pagsasahimpapawid ng mga balita, ulat, at  mga puna tungkol sa mga naganap,
nagaganap at magaganap pa sa ating  bansa.

Konsepto ng Pananaw

1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw tulad ng mga salitang ayon/batay/para/sang-
ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng at iba pa. Sa pamamagitan ng mga
ekspresyong ito naipahihiwatig ang iniisip, natutukoy ang sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:
Batay sa Responsible Parenthood Act 2012, may garantiya ang mga Pilipino sa mga benepisyong kaugnay
ng pagpaplanong pampamilya at kalusugan ng ina.
Sa paningin/paniniwala/pananaw ni Loren, magiging pagkakataon pa sa katiwalaan ang batas RH kapag ito’y
isinakatuparan na.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig naman ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw tulad ng
gayon man/di tulad nag/sa isang banda/sa kabilang dako.

Halimbawa:
Gayon man, hindi laging dapat asahan ang ganap na tagumpay ng isang batas. Mangyayari at mangyayari
ang mga suliraning dapat ay pinaghandaan kaagad ng pamahalaan.
Sa isang banda, kailangan ng isang pangulo ang dalawang termino upang matiyak ang pagpapatuloy ng
kanyang mga nasimulang proyekto at landas ng pagbabago para sa bansa.

PAKIKIPAGPALIHAN / ENGAGEMENT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


PANUTO: Basahin ang komentaryong panradyo na nasa ibaba at sagutan ang mga tanong pagkatapos nito.

6
Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Reproducive Health Bill (RH Bill)
Corazon L. Santos

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZVT, narito na ang inyong pinagkakatiwalaan at


matatapang na mamamahayag na sina Loren Dakila at Vic Loma at ito ang Kapanalig Mo.
Vic: Magandang umaga sa inyong lahat mga kapanalig!
Loren: Magandang umaga mahal kong partner!
Vic: Oh, partner, mainit na pinag-uusapan ngayon ang kapapasa lang na Reproductive Health Bill.
Loren: Tama ka diyan, partner. Marami kasi sa mga politikong di sang-ayon dito ang nangangamba
sa implementasyon nito. Nagkakasundo sa pangkalahatan sa batas pero malaking debate ang usaping
pagpopondo ng gobyerno at pribadong sektor.
Vic: Aba partner, hindi na nakapagtataka iyan dahil alam natin ang antas ng katiwalian sa bansa.
Baka kung kanino na naming bulsa mapunta ang benepisyong para sa mamamayan.
Loren: Naku, partner, dapat na nating maunawaang mabuti ang RH Bill na malaki ang maitutulong
sa mga Pilipino at makapagpapababa ng bilang ng naghihirap na pamilya sa bansa.
Vic: Ano ba talaga ang RH Bill, partner?
Loren: Ang RH Bill, partner ay ang Responsible Parenthood Act of 2012. Sang-ayon sa panukalang
batas na ito, binibigyan ng garantiya ang mamamayan na magkaroon ng access sa mga metodo ng
contraception, fertility control, sexual education, at maternal care. Dahil dito, mapagpaplanuhang mabuti
ang pagpapamilya. Para sa mahirap na bansang tulad ng Pilipinas, mahirap magtaguyod ng pamilya na
malaki ang bilang (na may malaking gastusin) sa maliit na kinikita ng ordinaryong mamamayang
Pilipino. Para sa mga tagapagsulong, isang kalidad na buhay at pamumuhay ang maibibigay nito sa
bawat isisilang na sanggol at tunay na kalusugan din para sa mga nanay. Maganda na bahagi rin ito ng
edukasyon ng kabataang Pilipino para hind maging padalos-dalos sa pagpapasya.
Vic: Maganda ang nilalaman ng RH Bill na iyan, partner! Bakit ba may kumokontra sa panukalang
batas na iyan? Hindi ba’t naghuhumiyaw na katotohanan ang laganap na kahirapan sa Pilipinas? Kung
hindi nakikita bilang tagapagdulot ng kalidad ng buhay sa bawat batang Pilipino at pangangalaga sa
kalusugan ng kababaihan ang mga nasa batas na iyan, ay naku, hindi ko na talaga maintindihan,
partner!
Loren: Sa isang banda kasi partner, malaking trabaho ang implementasyong dapat pag-ingatan dahil
ang batas na ito ang magpapahintulot sa distribusyon ng family planning devices tulad ng birth control
pills at iba pa. Bukod pa sa isyu ng katiwalian ng puwedeng-puwedeng mangyari kapag walang
mekanismo sa pagbabantay sa implemtasyon.
Vic: Ang magandang gawin diyan partner ay magbalangkas na dapat ang gobyerno ng sistema sa
pagbabantay sa pagsasakatuparan ng batas na ito para makarating naman sa mamamayan ang
benepisyo.
Loren: Dapat, mabusisi ang estruktura o sistemang iyan ha, partner. Baka naman sa salita lamang
maging maganda ang batas. Sayang naman. Napakatindi pa naman ng pinagdaanang debate nito sa
pagitan ng mga eskperto, nasa akademya, relihiyoso at ng mga politiko upang timbangin ang benepisyo
kaysa perhuwisyo.
Vic: Huwag naman sana, partner! Trabaho na dapat para sa bayan!
Halaw ang ilang tala sa: www.doh.gov.ph/content/rh-bill-circus.html

A. Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang komentaryong panradyo?
2. Ano ang bentaha (advantage) at disbentaha (disadvantage) ng RH Bill ayon sa binasang teksto?
Ipaliwanag.
3. Ano ang mungkahi ng komentarista upang maagapan ang suliraning maaaring kakambal ng batas sa
antas ng implementasyon nito? Ipaliwanag.
4. Nagbibigay ng garantiya ang batas RH sa access ng mamamayan sa mga bagay na direktang kaugnay
ng kanyang “pagpaplanong pampamilya at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina”. Ano ang
maimumungkahi mong paraan upang matiyak ang katuparan nito?
5. Ano ang pinakamahalagang papel ng radyo bilang isang anyo ng broadcast media sa panahong ito para
sa mamamayang Pilipino?

7
6. Paano nagiging behikulo ang aliw o entertainment ang radio sa panahong ito? Magbigay ng mga patunay
o halimbawa.

B. Hanapin at bigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa  pagsasahimpapawid sa radyo (Radio
Broadcasting) sa nabasa mong iskrip  ng programang panradyo. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mga Salitang Ginamit Kahulugan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


PANUTO: Subuking sumulat ng komentaryong panradyo. Isangkap sa isusulat ang natutuhan sa mga ekspresyon na
nagpapahayag ng Konsepto ng Pnanaw. Para sa pormat, gamiting pardon/modelo ang binasang komentaryo hinggil
sa RH Bill. 

Pamantayan:
1. Nilalaman - 5 puntos
2. Wastong paggamit ng ekspresyon sa konsepto ng pananaw - 5 puntos
3. Malinis/maayos na pagkakagawa - 5 puntos 
Kabuuan 15 puntos

PAGLALAPAT / ASSIMILATION

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


PANUTO: May interesanteng anime story ka ba na naiisip na magandang gawing dulang panradyo? Makinig ng isang
halimbawa ng dulang panradyo at gamiting modelo sa paggawa ng iskrip (bahagi lamang) ng anime story na
isasadulang panradyo. Isulat ang nabuo mong iskrip sa hiwalay na papel.

Pamantayan:
1. Nilalaman - 5 puntos
2. Wastong paggamit ng ekspresyon sa konsepto ng pananaw - 5 puntos
3. Malinis/maayos na pagkakagawa - 5 puntos 
Kabuuan 15 puntos

SUSI SA PAGWAWASTO
8
Aralin 3 ARALIN 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1


1. B
2. C 1. Laptop – dahil nasa modernong panahon na
3. D tayo, mas interesado na ang mga tao na
4. C
5. D magbasa gamit ang iba’t-ibang social media
6. B sites.
7. A 2. Mayroon – 24 Oras
8. A
9. A
10. A

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2


1. Bakuna kontra Covid-19
2. Anna at Erick 1. RH Bill
3. Kailangan talaga ng kapulisan at mga sundalo natin 2. Bentaha – pagkakaroon ng access sa mga
ng proteksyon kontra Covid-19 metodo ng contraception, fertility control,
4. Oo, nararapat lang talaga na unahin ang mga pulis at sexual education at maternal care
sundalo dahil sila ay nagsisilbing frontliner ng ating
bansa Disbentaha – malaking trabaho ang
5. Napalawak nito ang aking kaalaman ukol sa paksa. implementasyon nito
(sa bilang 3,4 at 5 maaaring magkaroon ng sariling 3. Balangkas ng batas na ito
opinyon ang mag-aaral) 4. Kooperasyon ng bawat mamamayan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
5. Tagapagbigay impormasyon at
tagapagpakalat ng balita kahit nasaan ka
Positibong Pahayag Negatibong Pahayag man.
1. Ganoon na nga, partner. 1. Naku! Hindi ba lagi na 6. Sadyang naaaliw ang mga tagapakinig sa
Kaya hayaan na natin ang lang pinapaboran ni bawat kuwentong dala ng dulaang panradyo.
desisyon ng mga eksperto Pangulong Duterte ang mga
sa mga ganiyang bagay sundalo at kapulisan?
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3
dahil sila ang higit na 2.
nakaaalam kung ano ang 3.
makabubuti para sa lahat.
Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa
2. pagkakaunawa nila.
3.
Tandaan: Magbigay ng tig-3 sa bawat kolumn. GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 Sasagutan ng mga mag-aaral batay sa


1.P pagkakaunawa nila.
2.H
3. O
4. K
5.P

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Sa pakikinig sa radyo, maging sa panonood ng telebisyon,
mahalagang malaman at matukoy ang pinagkaiba ng mga
pahayag na nagsasaad ng katotohanan, hinuha, opinyon at
personal na interpretasyon dahil ito ang nagiging basehan ng
isang mamamahayag sa kredibilidad ng kanilang ibinabalita at
nakakapagbigay sila ng kanilang pananaw batay dito.
Gayon din, mainam na maisa-isa ang mga positibo at
negatibong pahayag sa napakinggan o napanood man upang
matukoy ang pagkakaiaba ng mga opinyon ng mamamahayag.

You might also like