You are on page 1of 7

RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin 1 Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura

MELC: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan


ng: pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito,
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri ng akda
pagkatapos itong isulat.
(F8PB-4a-b-33)

Susing Konsepto
Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar

Si Francisco “Balagtas” Baltazar ay isang kilalang Pilipinong makata


at may-akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o “Ama
ng Balagtasan”. Ang kanyang palayaw ay Kiko. Isinilang ang makatang si Francisco
Balagtas noong ika- 2 ng Abril taong 1788 sa Panginay, Bigaa (Balagtas), Bulacan.
Si Kiko ay bunso sa apat na anak nina Juana dela Cruz, isang maybahay, at Juan
Baltazar, isang panday. Ang kanyang mga kapatid ay sina Nicolasa, Felipe at
Concha. Noong siya ay nasa edad na upang mag-aral, ipinadala siya ng ina sa isang
kamag-anak sa Tondo, Maynila. Labing-isang taon si Kiko nang lumuwas upang
mamasukan bilang utusan kay Doña Trinidad. Dahil sa kasipagan at mabuting
paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Jose. Ang mga asignaturang
pinag-aralan niya ay Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina Christiana at Batas sa
Canones. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Ang
kanyang mga asignaturang pinag-aralan ay Teolohiya, Humanidades at Pilosopiya.
Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil. Samantala naging guro naman niya sa
larangan ng panulaan si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), isang bantog na makata at
mandudulang Tagalog sa Tondo. Natuto si Balagtas na sumulat at bumigkas ng tula
ngunit nagsilbing hamon kay Balagtas dahil hindi tumulong si Jo se dela Cruz sa
pag-aayos ng tula sa kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad.
Namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas.

Mula sa Tondo ay lumipat siya sa Pandacan, Manila. Dito niya


nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera. Naging magkasintahan
sila subalit karibal niya sa pag-ibig si Mariano “Nanong” Capule,
isang mayaman at mula sa makapangyarihang pamilya. Ipinabilanggo niya si
Balagtas upang hindi siya makahadlang sa panunuyo sa dalaga.
Pinaniniwalaang dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa loob ng bilangguan
ang obrang Florante at Laura.
Sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas matapos makalaya. Dito niya
nakilala si Juana Tiambeng. Ikinasal siya sa edad na 54. Nagkaroon sila ng
11 anak. Dahil may mataas na pinag-aralan si Balagtas, humawak siya ng
matataas na tungkulin sa Bataan tulad ng pagiging tagapagsalin at tenyente
mayor.

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Sa lalawigan ng Bataan, muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa


paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan. Lumaban
siya sa kaso at naubos ang kanyang kayamanan sa pag-apela. Paglabas niya
sa bilangguan, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsulat hanggang bawian siya
ng buhay noong Ika-20 ng Pebrero taong 1860 sa gulang na 74.

Ilan sa mga akda ni Francisco Balagtas ay ang:


• Orosman at Zafira (1860) Komedya na may apat na bahagi
• Hatol Hari Kaya (Kundiman)
• Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (Tula)
• Rodolfo at Rosamunda ( Komedya)
• Pagpupuri kay Isabel II, Reyna ng Espana (tula)

Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura


Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar
noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa
panahong ito, mahigpit na ipinatupad ang sensura kaya ipinagbawal ang mga
babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol.Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag
sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o sa
paglalaban ng Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro,
gayundin ang diksyonaryo at aklat-panggramatika. Sa kabila ng mahigpit na
sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang
kanyang awit at ang paglalaban ng mga Moro at Kristyanismo rin ang
temang ginamit niya rito bagamat naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina
Florante at Laura. Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya
ang mensaheng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga
Espanyol. Gumamit din siya ng simbolismo na kakikitaan ng pailalim na
diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng
kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga
naganap na kataksilan, kalupitan at ang kawalang katarungan sa Pilipinas
sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Ang Florante at Laura ay
nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay
naglalaman ng mga mahahalagang-aral sa buhay tulad ng:

• Wastong pagpapalaki sa anak


• Pagiging mabuting magulang
• Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
• Pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at makasarili
• Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa
pinunong sakim at mapaghangad sa yaman

Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura at hindi mapapabulaanang


ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani
ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga
Pilpino hanggang sa kasalukuyang panahon.

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Mga Pagsasanay

Gawain 1
Panuto: Alamin ang sagot sa mga pahayag sa pamamagitan ng pagtukoy sa
mga katumbas na letra ng mga bilang sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa:

FRANCISCO- 6-18-1-14-3-9-19-3-15

1. Ito ang lalawigan kung saan isinilang si Francisco Baltazar.

2-21-12-1-3-1-14

2. Ito ang palayaw na itinatawag kay Francisco ng kanyang mga magulang


at ng mga malalapit na kamag-anak.

11-9-11-15

3. Siya ang babaeng unang inibig ni Francisco, ngunit naghatid sa kanya


ng labis na kabiguan.

19-5-12-25-1

4. Siya ang babaeng nakilala ni Francisco matapos ang matagal na


panahong pagkakabilanggo, pinakasalan niya ito sa gulang na 54.

10-21-1-14-1 20-9-1-13-2-5-14-7

5. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nakilala ni Francisco ang huling


babaeng minahal.

16-1-14-4-1-3-1-14

Gawain 2
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag tungkol
sa kaligirang kasaysayan ay wasto at isulat ang MALI kung hindi
wasto.
1. Naisulat ang Florante at Laura sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
2. Ipinagbabawal ng mga Espanyol ang pagsulat ng mga akdang
tumutuligsa sa kanila subalit nailathala pa rin ang Florante at Laura
na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
3. Ang Florante at Laura ay nagsisilbing gabay sa wastong pag-uugali
kagaya ng pagsunod sa magulang at pagmamahal at pagmamalasakit
sa bayan.

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

4. Ang akda ni Balagtas ay punong-puno ng mga simbolismo at talinhaga.


5. Maituturing na ang Florante at Laura ay isa sa mga akdang gumising
sa kaisipan ng mga Pilipino upang lumaban sa mga Kastila.

Gawain 3
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na kasagutan kaugnay ng
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura.

Sektor ng Lipunan Kalagayan noong Epekto ng akda


panahon ng pagkatapos
Espanyol maisulat

A. Mamamayang Pilipino Naging alipin


B. Pananampalataya Pinahahalagahan
ang simbahan at
pananampalataya
C. Pamahalaan

D. Panitikan Ipinagbawal ang mga


babasahin at
pagsulat na laban sa
mga kastila

Gawain 4
Panuto:Punan ang mapa ng konsepto ng angkop na kasagutan kaugnay
ng iyong naunawaan sa pag-aaral ng kaligirang kasaysayan ng akda.

Layunin ni
Francisco
Balagtas sa
Pagsulat ng
Akda

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang kalagayan ng bansang Pilipinas sa panahong naisulat ang


awit na Florante at Laura?
2. Bakit isinulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura?
3. Paano itinago ni Balagtas sa mga kastila ang totoong kahulugang
tinataglay ng Florante at Laura?
4. Paano nakatulong ang akda ni Balagtas sa paggising sa natutulog na
kamalayan ng mga Pilipino?

5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1
1. Bulacan
2. Kiko
3. Selya
4. Juana Tiambeng
5. Pandacan
Gawain 2
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Gawain 3

Sektor ng Lipunan Kalagayan noong Epekto ng akda


panahon ng pagkatapos
Espanyol maisulat
A. Mamamayang Naging alipin Naimulat ang
Pilipino mga kaisipan
B. Pananampalataya Paglalaban ng mga Pinahahalagahan
Pananampalataya ang simbahan at
pananampalataya
C. Pamahalaan Malupit sa mga Lumalaban para
Pilipino sa bansa at
karapatan
D. Panitikan Ipinagbawal ang mga Kinilala ang
babasahin at mga manunulat
pagsulat na laban sa at marami pang
mga kastila akda ang
nailathala

Gawain 4
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Mga gabay na tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Pinagyamang Pluma Baitang 8
Obra Maestra II

Inihanda ni:
Rhea T. Bejasa

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Magdalena B. Morales

Sinuri ni:
Liezl E. Orbeta

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like