You are on page 1of 12

FILIPINO 8

PANGALAN: BAITANG/SEKSYON:

Kwarter IV – Linggo 3

Paglalahad ng Pangyayari sa Aralin


at Kahulugan ng Matatalinghagang
Ekspresyon

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 3: Paglalahad ng Pangyayari sa Aralin at Kahulugan ng
Matatalinghagang Ekspresyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity
Sheets Mga Manunulat: Maricel A. Zamora at Evelyn D. Peralta

Pangnilalamang Patnugot: Lynee C. Cariazo

Editor ng Wika: Jonalyn F. Pedigan

Tagawasto: Evelyn D. Peralta

Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B.


Dongor at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora

Tagalapat: Maricel A. Zamora

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS
Manager Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian
II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello, Enrile O. Abrigo Jr., Maja Jorey B. Dongor
at Ernesto P. Socrates Jr.
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Paglalahad ng Pangyayari sa Aralin
at Kahulugan ng Matatalinghagang Ekspresyon

MELCs: Nailalahad ang ilang pangyayari sa napakinggang aralin (F8PN-1V-c-d-34); at


Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon,tayutay at simbolo.
(F8PT-1V-c-d-34)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga uri ng tayutay na makikita sa pahayag.
2. Natutukoy ang ilang pangyayari sa napakinggang aralin.
3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo.

Subukin Natin

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Ito ay pahayag na sinadyang mailayo sa karaniwang salita o pananalita upang
maging masining.
A. kuwento B. sanaysay C. tayutay D. simbolo

2. Ito ay pananda na nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang bagay


na kumakatawan sa nais isagisag nito.
A. sanaysay B. tayutay C. simbolo D. matatalinghagang salita

3. Adonis ang kaniyang tindig. Ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita ay


?
A. guwapo B. pangit C. matatag D. malakas

4. Ito ay malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang


kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
A. simbolo C. kuwento
B. matatalinghagang ekspresyon D. sanaysay

5. Naghahambing ng dalawang magkaibang bagay ngunit hindi gumagamit ng mga


salitang gaya, tulad, kumpara, kawangis at iba pa.
A. metapora B. personipikasyon C. hayperbole D. simili

6. Ito ay paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao
lamang.
A. simili B. metapora C. personipikasyon D. hayperbole

7. Ito ay pinakasimpleng paraan ng paglalarawan at paghahambing na gumagamit ng


mga salitang panulad.
A. metapora B. simili C. hayperbole D. personipikasyon

8. Tumatakbo ang oras. Anong uri ng tayutay ang isinasaad ng pahayag?


A. metapora B. simili C. hayperbole D. personipikasyon

1
9. Sintaas ng tore ni Babel ang bagong gusali. Ang pahayag ay halimbawa ng
tayutay na .
A. metapora B. personipikasyon C. hayperbole D. simili

10. Ito’y isang maliit at madilim na butas sa isang lawa sa timog Italya.
A. Aberno B. Pluton C. Higera D. Nimpas

Ating Alamin at Tuklasin

kalusot ang akda sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol sa panahong iyon. Gumamit siya ng mga simbolong tulad ng syerpe, basilisko

May natatandaan ka pa bang matatalinghagang pahayag noong tayo ay nasa ikapitong baitang?
salaysay

hang butiki
dilim na butas sa isang lawa sa timog Italya
g mataas at tuwid lahat ang sanga
, malalapad ang dahon subalit di namumunga

Mitolohiyang Griyego , isang binatang ubod ng kisig kaya’t hinahangaan at iniibig ng maraming nimpas
es sa Mitolohiyang Griyego na hari ng Kadiliman o impiyerno
ang panahon ng mga Hentil.
wata o diyosa ng kagubatan
Oo naman, naalala ko pa nga ang halimbawang ibinigay ng aking guro noong ako ay nahuli sa klase ang sab

an mo pa ba ang nabasa mong mga saknong sa CLAS 2? Sana ay naalala mo pa ito. Ngayon ay daragdagan natin ang iyong kaalaman t
Basahin at unawain ang mga saknong 1-11 ng Florante at Laura

Mapanglaw na GUBAT
(Saknong 1-11)
1 7
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
Ito’y gubat man ding sa pinto’y
dawag na matinik ay walang pagitan;
malapit, sa abernong reyno ni Plutong
halos naghihirap ang kay Pebong silang,
masungit; nasasakupang lupa’y
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
dinidilig
2
ng ilog kusitong kamandag ang tubig.
Malalaking kahoy, ang inihahandog,
8
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat
huni ng ibon ay nakalulunos
may punong higera daho’y kulay pupas
sa lalong matimpi’t masasayang loob.
dito’y nakagapos ang kahabag-habag,
3
isang pinag-usig ng masamang palad.
Tanang mga baging na namimilipit,
9
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
Bagong taong basal ang anyo at tindig,
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
kahit nakatali kamay, paa’t, leeg,
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.
kung di si Narciso’y tunay na adonis
4
mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
10
pinakamaputing nag-uunos sa dahon;
Makinis ang balat at anaki’y burok,
pawang kulay luksa at nakikiayon
pilik-mata’t kilay mistulang balantok;
sa nakaliliyong masangsang na amoy
gagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
5
sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.
Karamiha’y sipres at higerang kutad
11
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
Dangan doo’y walang oreadas nimpas,
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
gubat na palasyo ng masidhing harpias;
na nakadidilim sa loob ng gubat.
nangaawa disi’t naakay lumiyag
6
sa himalang tipon ng karikta’t hirap.
Ang mga hayup na dito’y gumagala
karamiha’y syerpe’t basiliskong madla;
(Pinagkunan: Glady E. Gimena, Leslie S.
hiyena’t tigreng ganid na nagsisila Navarro, Ofelia E. Concepcion, Ang Pinaikling
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa. Bersiyon – Florante at Laura ni Francisco
Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality
Printing Corp, 2010, 2-3.)
Tayutay – ay isang pahayag na sinadyang mailayo sa karaniwang salita o pananalita
upang maging masining.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng Tayutay:
1. Simili/Pagtutulad – paghahambing ng dalawang bagay na gumagamit ng mga
salitang panulad tulad ng: tulad ng, parang, gaya ng, anaki, tila, animo, kapwa, kasing-,
sing- at ga-.
Halimbawa: Sing-alat ng bagoong ang suwerte niya ngayon.
2. Metapora/Pagwawangis – paghahambing ng dalawang bagay na hindi
gumagamit ng salitang panulad o diretsahang paghahambing.
Halimbawa: Ang buhay ay guryon.
3. Personipikasyon/Pagsasatao – katangian ng tao na ibinibigay sa
bagay. Halimbawa: Masdan mo ang halaman sa hardin, nanalangin.
4. Hayperbole – eksaheradong paglalarawan, madalas na hindi na kapani-
paniwala.
Halimbawa: Timba-timba ang pawis niya.

Matatalinghagang ekspresyon – ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.


Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Halimbawa: tulog mantika, magsunog ng kilay at nagtataingang kawali

Simbolo – ay pananda na nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang


bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito.
Halimbawa: Kalapati - kapayapaan o pakikiisa
Tinik - sagabal, pagsubok o kahirapan
Pusong Itim -masama ang hangarin o hindi mabuting tao

Tayo’y Magsanay

Gawain 1

Panuto: Isaayos ang mga titik upang matukoy ang salitang hiram na binigyang-kahulugan.
Isulat sa tatsulok ang sagot.

1. NERAVO - Impiyerno

PERYES - Ahas
2.
IGAHER – Punong may malalapad na dahoon at di-namumunga
3.

LUTNOP – Hari ng kadiliman o impiyerno


4.

MSAPIN – diyosa ng kagubatan


5.
Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon at
isulat sa patlang ang tamang sagot bago ang bilang.

Simili Hayperbole
Metapora Personipikasyon

1. Di mahulugang karayom ang pagbubukas ng Acacia Tunnel sa


Inagawan, Puerto Princesa City.
2. Bakit kalangita’y bingi ka sa akin, ang tapat kong luhog ay hindi mo
dinggin.
3. Makinis ang balat anaki’y burok
4. Leon siya kung magalit.
5. Nakikiusap ang hangin sa aking guni-guni.

Mabisa bang gamitin ang mga tayutay upang maipahayag ang iyong nais sabihin?

Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga kahulugan ng nakasalungguhit na


matatalinghagang eskspresyon sa bawat pahayag. Piliin at isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Nagpapakita ng kawalang C. Kawalan ng pag-asa


kalayaan

B. Mga matang maningning at


D. Kakikitaan ng labis na takot at
masaya
sakit ng katawan

E. Kapaligirang nagsasaad ng labis na kalungkutan, pagkatalo, at


kawalang pag-asa

1. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon, sa nakaliliyong


masangsang na amoy.
2. Kung ginagawa mo ang aking sagisag, dalawa mong mata’y nanalo mong
perlas.
3. Sa punong kahoy ay napayukayok, ang leeg ay supil ng lubid na gapos.
4. Bangkay na mistula ang kulay na burok, ng kanyang mukha’y naging puting
lubos.
5. Sa isang madilim na gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang
pagitan.
Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pangyayari na simbolo sa bawat pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante
A. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
B. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon
C. Ang mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng
sambayanan

2. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera


A. Ang kawalang kayamanan ng mga Pilipino sa panahong iyon
B. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyon
C. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon

3. Ang mga syerpe’t (ahas o serpiyenteng ) basiliskong gumagala sa gubat


A. Ang mga mananakop na tila nag-aabang na makagawa ng masama sa mga
Pilipino.
B. Ang mababangis na hayop sa gubat na anumang oras ay handang sumila o
pumatay
C. Ang mga sakit o karamdamang hindi nabigyang-lunas sa panahong iyon

4. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan


A. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa
buhay ng may buhay
B. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa
pagmamalabis ng mga mananakop
C. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang pamumuno sa
ating bansa

5. Ang kalis (espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig na


pinagmumulan ng katotohanan
A. Ang makapangyarihang mga Espanyol na handang magparusa sa sinumang
Pilipinong maglalakas-loob na lumaban o maglahad ng katotohanan
B. Ang mga sundalong Espanyol na handang magtanggol sa mga Pilipino
kapag sila’y naapi ng sinuman
C. Ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit pang
humusay ang kanilang kakayahan sa larangang ito.

Napaunlad mo ba ang iyong kakayanan sa paggamit ng simbolo bilang pagpapalawak ng salita?


Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita/pariralang maaaring ipuno sa bawat patlang
upang mabuo ang pahayag.

hayperbole simbolo
matatalinghagang pahayag metapora tayutay

DUDUGTUNGAN KO!
ng dalawang bagay na gumagamit ng mga salitang panulad,
bigay sa bagay at3. na eksaheradong paglalarawan, madalas na hindi na kapani-paniwala. Ang 4. naman ay pa
Ating Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

1. Sa isang madilim na gubat na mapanglaw natagpuan ni Aladin si Florante. Ang


salitang may salungguhit ay nangangahulugang .
A. malawak B. malayo C. malungkot D. masaya

2. Ang mga huni ng ibon sa gubat ay nakalulunos. Anong kahulugan ng salitang


may salungguhit?
A. nakaaawa B. nakagugulat C. nakatatakot D. nakatutuwa

3. Sino ang lalaking nakagapos sa punong higera?


A. Adolfo B. Aladin C. Florante D. Menandro

4. Ang mata’t kilay mistulang balantok. Ang pahayag ay halimbawa ng tayutay na


?
A. hayperbole B. metapora C. personipikasyon. D. simili

5. “Ang gubat na mapanglaw”. Ang pahayag na ito ay halimbawa ng tayutay na


?
A. hayperbole B. metapora C. personipikasyon D. simili

6. Ang dahon ng punong higera ay kulay .


A. berde B. kupas C. pula D. pupas

7. Saan natagpuan ni Aladin si Florante?


A. hardin B. gubat C. ilog D. lawa

8. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon sa nakaliliyong


masangsang na amoy. Ang pahayag ay halimbawa na .
A. parirala C. simbolo
B. matatalinghagang ekspresyon D. sugnay

9. Ang nagligtas kay Florante sa mapanglaw na gubat ay si .


A. Adolfo B. Aladin C. Haring Linceo D. Menandro

10. Ang setro’t korona ay sumisimbolo ng .


A. kabutihan C. kapayapaan
B. kapangyarihan D. kayamanan
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay
Ating Subukin Ating Tayahin
Gawain 1
1. C
1. Aberno 1. C
2. Syerpe 2. A
2. C 3. C
3. Higera 3. A
4. Pluton 4. D
4. B
5. Nimpas 5. C
5. A
Gawain 2 6. C 6. D
1. hayperbole 7. B 7. B
2. personipikasyon 8. D 8. B
3. simili 9. D 9. B
4. metapora 10. A 10. B
5. personipikasyon

Ating Pagyamanin Ang Aking Natutuhan

Gawain 1 1. tayutay
1. E 2. metapora
2. B 3. hayperbole
3. A 4. simbolo
4. D 5. matatalinghagang pahayag
5. C
Gawain 2
1. A
2. C
3. A
4. B
5. A

Sanggunian

Aklat
Gimena, Glady E., Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion. Ang Pinaikling Bersiyon –
Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality
Printing Corp. 2010.
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono :

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like