You are on page 1of 4

Filipino Grade 7-SAMPAGUITA- 10-14-19

PAGHAHAMBING (Magkatulad at Di-Magkatulad) LP2019/Q2-L1

Aralin 1
Kasanayang Panggramatika
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan
C. Kasanayan sa Pagkatuto
F7WG-IIc-d-8 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-
gaano, di-gasino, at iba pa)

Layunin (KSA): Pagkatapos ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Natutukoy nang wasto ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-
gasino, at iba pa)
 Nasusuri nang wasto ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-
gasino, at iba pa)
 Napapahalagahan ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-gasino, at
iba pa)
II. NILALAMAN
Paksang Aralin : Kasanayang Panggramatika:
Pahambing na Magkatulad, Pahambing na Di-Magkatulad
III. MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian
1. Supplemental Filipino High School Grade 7
2. Gabay ng Guro: Aralin 1
3. Pahina sa Gabay ng Guro: pahina 4-5
B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
 Video presentation
 Powerpoint presentation
 Worksheets

IV. PAMAMARAAN
A. Pagtalakay sa nagdaang
aralin  Pagtalakay sa nakaraang aralin
B. Pagganyak  Pagpapakita ng mga larawan
Indicator 1
Apply knowledge of content
across curriculum teaching areas.
(A.P. at Science)
1. 2.
Page1

 Pagbibigay ng mga katanungan


 Ano-ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?
 Ano ang pagkakaiba/pagkakatulad sa unang larawan?
 Ano naman ang pagkakaiba/pagkakatulad sa ikalawang larawan?
 Bakit mahalaga ang mga ito sa buhay ng tao?

C. Pagtalakay sa Aralin
Indicator 8  Pagpapakita ng video (Paghahambing) Apply knowledge of content within
Select, develop, organize, and use curriculum teaching area.
Teacher: Mrs. Renee C. Ariate (T-III)
appropriate teaching and
learning resources, including
ICT, to address learning goals.

D. Pagtalakay tungkol sa Uri ng


Paghahambing
Indicator 2
Use a range of teaching strategies
that enhance learner achievement
in literacy and numeracy skills

 Pagbibigay ng mahahalagang tanong:


 Ano ang paghahambing?
 Ano-ano ang 2 uri ng paghahambing?
Indicator 3
 Paano natutukoy kung ang paghahambing ay magkatulad o di-magkatulad?
Apply a range of teaching
 Kailan ginagamit ang hambingang pasahol? palamang?
strategies to develop critical and
modernisasyon/katamtaman?
creative thinking, as well as other
 Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pahayag sa paghahambing?
higher-order thinking skills.
E. Paglinang ng kasanayan #1 Gawain 1 (Pangkatang Gawain batay sa Multiple Intelligences)
Indicator 5 Pangkat 1- (Naturalistic Intelligence)
Manage learner behavior  Pagsulat ng Talata
constructively by applying Panuto: Sumulat ng isang talata mula sa larawan na binubuo ng hindi kukulang sa 3 pangungusap
positive and non-violent na ginagamitan ng mga uri ng paghahambing.
discipline to ensure learning- Pangkat 2- (Musical Intelligence)
focused environments  Pagsulat ng Awitin
Panuto: Sumulat ng maikling awitin na may 1-2 saknong mula sa larawan gamit ang mga uri ng
paghahambing.
Pangkat 3- (Logical-Mathematical Intelligence)
 Pagbuo ng Puzzle
Panuto: Bumuo ng “palaisipang krosword” (crossword puzzle) gamit ang 5 halimbawa ng mga uri
ng paghahambing.
Pangkat 4- (Verbal-Linguistic Intelligence)
 Sabayang Pagbasa/Pagbigkas
Panuto: Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang mga uri ng paghahambing at gawin ang sabayang
pagbasa.
(Ang Rubrik sa pangkatang gawain ay makikita sa powerpoint presentation)
 Paglalahad ng mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain.
 Pagsagot sa mga tanong:
 Ano-ano ang dalawang uri ng paghahambing na ginamit sa pangkat 1, 2, 3, at 4?
 Paano nakatutulong ang ginamit na paghahambing sa pangungusap?

Indicator 4
Manage classroom structure to
engage learners, individually or
Page1

in groups, in meaningful
exploration, discovery and hands-
on activities within a range of
physical learning environments

F. Praktikal na aplikasyon sa  Paano natin mailalapat ang mga pahayag sa paghahambing sa pang-araw-araw na
kasanayan pamumuhay?
G. Paglalahat Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
Indicator 7  Ano ang ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng

Teacher: Mrs. Renee C. Ariate (T-III)


Plan, manage and implement tao, bagay, ideya at pangyayari?
developmentally sequenced teaching  Ano-ano ang dalawang uri ng paghahambing?
and learning processes to meet  Kailan ginagamit ang sumusunod na uri ng paghahambing?
curriculum requirements and varied  ka, magkasing, magka, kasing, magsing, pares, tulad, kahawig, hawig,
teaching contexts.
mistula, mukha at kamukha
 lalo, di-gaano, di-gasino, di-totoo
 lalo, higit, mas, kaysa, kay, labis, di-hamak
 medyo
 Bakit mahalagang malaman ang tamang paggamit ng paghahambing?
H. Aplikasyon Magpapakita ng 2 larawan at bibigyan ng paghahambing ng mga mag-aaral.
Suriin ang paraan ng paghahambing sa mga pangngalan o panghalip sa bawat
I. Ebalwasyon pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pahambing na magkatulad
b. Pahambing na palamang
c. Pahambing na pasahol
1. Mas maingay ang kalsada sa lungsod kaysa nayon.
2. Sina Lina at Fe ay kapuwa masipag na kasambahay.
3. Ang bag ko ay higit na malaki kaysa bag mo.
4. Ang trapik sa kalye ninyo at sa kalye namin ay magkasinghaba.
5. Kasing edad niya ang kapatid mo.
6. Ayon kay nanay, mas matamis ang mangga kaysa mansanas.
7. Hindi gaanong mahal ang nabili kong sapatos ngayon kaysa noong nakaraang
taon.
8. Mas malayo ang Baguio kaysa sa Tagaytay.
9. Hindi gaanong malinis ang kaniyang silid kaysa kay Liza.
10. Parehong matalino ang magpinsan.
J. Kasunduan Takdang Aralin:
Ihambing ang binasang Alamat ng Baysay sa iba pang mga alamat na nabasa.
Gumamit ng limang pangungusap na may pahambing na magkatulad at limang
pangungusap para sa pahambing na di-magkatulad.
I. MGA TALA
II. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: ________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.: _________
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: __________
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. _________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? _______________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? __________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? ________________

Inihanda ni: Iniwasto ni:


RENEE C. ARIATE
Page1

Subject Teacher ALICE B. MAGLINTE


Filipino Coordinator

Teacher: Mrs. Renee C. Ariate (T-III)


Page1

Teacher: Mrs. Renee C. Ariate (T-III)

You might also like