You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

CITY OF NAGA, CEBU


CABUNGAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
CABUNGAHAN, CITY OF NAGA, CEBU

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


SY: 2022-2023
Pangalan: ___________________________ Petsa: _____________________
Baitang at Seksiyon: __________________ Marka:_____________________

BAHAGI I - A. Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa


pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.
a. ponemang suprasegmental c. Ponema
b.ponemang segmental d. Morpema
2. Kung ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, ilang pantig ang mayroon
sa salitang KAPATIRAN?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
3. Ito ang tawag sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
a.antala b. diin c. haba d. tono
4. Kung ang ponema ay mga tunog na sinisimbolo ng mga titik ng ating alpabeto, ano naman ang
morpema?
a.pagpapantig ng salita c. walang katuturang mga tunog
b.pinagsama-samang tunog d. pinagsama-samang salita upang makabuo
upang makabuo ng pangungusap ng salita
5. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan
ng pahayag.
a. Antala b. diin c. haba d. tono
6. Tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ito ang pinakamaliit na yunit ng
salita.
a. morpema b. ponema c. suprasegmental d. tunog
7. Anong simbolo na nagpapahiwatig ng pagpapahaba ng bigkas ng pantig?
a. / b. ? c. . d. //
8. Anong simbolo naman ang nagpapahiwatig ng katapusan nang pagbasa ng pahayag o pangungusap.?
a. // b. . c. ? d. /
BAHAGI B
Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita/pangungusap sa Hanay A.
Hanay A HANAY B

1. /BU.kas/ a. hindi nakasara


2. /bukas/ b. susunod na araw/kinabukasan

3. /PU.no?/ a. umaapaw
4. /puno?/ b. katawan ng kahoy mula sa ugat
BAHAGI C
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kanina pagtatanong
2. Kanina pagpapahayag a. 213
3. magaling pagpapatibay b. 231
4. magaling pagtatanong

BAHAGI D
Panuto: Piliin ang titik ng wastong Antala/Hinto sa pagbigkas ng mga sumusunod na pahayag ayon sa isinasaad na
kahulugan nito na ipinapakita sa ibaba.
1. Ipinapakilala ng nagsasalita si Janice sa kanyang kaibigang si Rona.
a. Rita/ Janice ang kaibigan ko//
b. Rita/ Janice/ ang kaibigan ko//
c. Rita Janice/ ang kaibigan ko//
2. Itinatanggi ng nagsasalita na doctor ang tatay niya.
a. Hindi doktor ang tatay ko//
b. Hindi/ doktor ang tatay ko//
c. Hindi doktor/ ang tatay ko//

BAHAGI II
Panuto: Basahing mabuti ang mga aytem at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Isang uri ng akdang patulang may layuning manlibak, mang inis, mang uyam o manukso.
a. Bugtong b. Palaisipan c. Awiting Panudyo d. Tugmang de gulong
2. Isang simpleng paalala, babala o panudyo na nakikita sa mga pampublikong sasakyan na maaring nasa anyong
salawikain, kasabihan o maikling tula.
a. Bugtong b. Palaisipan c. Awiting Panudyo d. Tugmang de gulong
3. Sinusukat ang katalasan ng isipan at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang
sumagot.
a. Bugtong b. Palaisipan c. Awiting Panudyo d. Tugmang de gulong
4. Ang Tugmang de Gulong ay nagsisilbing paalala sa mga pasahero nakakatulong sa mga drayber upang mapadali
ang kanilang trabaho. Makikita sa mga pampublikong sasakyan ang mga pahayag na maaaring nasa anyong
salawikain, kasabihan o maikling tula.
a. Ang dalawang pahayag ay parehong tama.
b. Ang dalawang pahayag ay parehong mali.
c. Ang unang pahayag ay tama at ang ikalawa ay mali.
d. Ang unang pahayag ay mali at ang ikalawa ay tama.
Para sa bilang 5-9.
Piliin sa loob ng kahon ang hinihingi ng bawat bugtong.
a. sinampay b. pluma/pen c. sili d. banig

__5. Munting tampipi, puno ng salapi.


__6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
__7. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
__9. Hindi naman hari, hindi naman pari, nagsusuot ng sarisari.
BAHAGI III
Panuto: Suriin at unawain ang bawat aytem na makikita sa ibaba. Ibigay ang hinihinging kahulugan sa bawat aytem
sa pamamagitan ng pagpapangkat, konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, at kasingkahulugan at
kasalungat.
A. Tukuyin ang hindi kabilang sa pangkat ng mga salita.
1. namatanda, nanuno, nakulam, natahimik
a. natahimik b. natanda c. nanuno
2. panunukso, paglalaro, pag-iinis, panunuya.
a. panunukso b. paglalaro c. panunuya
3. matuwa, magpaalala, masiyahan, magalak
a. magalak b. magpaalala c. mapagmataas
4. mapagpala, mayabang, hambog, mapagmataas
a. mapagpala b. hambog c. mapagmataas
5. taglagas, taglamig, tag-init, tag-ani
a. Taglamig b. taglagas c. tag-ani
B. Basahing mabuti ang sumusunod na pangugunsap. Ibigay ang hinihinging kahulugan ng salitang nakasalungguhit
sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat.
1. Nakasukbit sa kanyang pantalon ang isang rosaryo, ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. Nakasabit b. nakadikit c.nakatali
2. Maraming tao ang nakasaksi sa banggaan ng bus at motor. Ano ang kahulugan ng salitang nakasaksi?
a. Nakakita b. nakarinig c. nakausap
3. Payapa ang aming nayon kaysa sa lungsod. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang payapa.
a. magulo b. maingay c. tahimik
4. Si Antonia ay dukha kung tawagin ng kaniyang kaklase. Ibigay ang kasalungat ng salitang dukha.
a. mayaman b. mahirap c. masayahin
C. Ibigay ang denotasyong kahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin sa bawat aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Nang dahil sa ginto ay nagkakagulo ang lahat.
a. Isang uri ng lupa b. bato c. metal
2. Pinasok ng ahas ang kanilang bahay.
a. Magnanakaw b. uri ng hayop b. masamang tao
D. Ibigay ang konotasyong kahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin sa bawat aytem. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
3. Nakasalubong ni Ethan ang isang pusang itim.
a. Isang uri ng hayop b. ngbabadya ng kamalasan c. kaligayahan
4. Si Harry ay may gintong kutsara na sa bibig mula nang siya ay isinilang.
a. Mahirap b. masaya c. mayaman
5. Si Pia ay isang magandang bulaklak sa hardin.
a. Uri ng halaman b. mabango c. dalaga

You might also like