You are on page 1of 15

Filipino 9

Ikalawang
Markahan
Inihanda ni:
NYMPHA M.
DUMDUM
Guro
PONEMANG
SUPRASEGMENTA
L
PONEMA
Isa sa mga yunit ng tunog na
nagpapakita ng kaibahan ng isang salita
mula pa sa isa pang salita ng partikular
na wika.

Pundamental at teoretikong yunit ng


tunog na nagbubuklod ng salita.
Nakabubuo ng ibang kahulugan kapag
pinapalitan ang isang ponema nito.
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
• Makahulugang tunog.
• Malinaw na naipahahayag ang damdamin,
saloobin, at kaisipan.
• Natutukoy ang kahulugan, layunin o
intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin (stress), tono, o
intonasyon (pitch) at antala o hinto
(juncture) sa pagbibigkas at pagsasalita.
Ito ay ang mga sumusunod:
• Diin (stress)
• Tono o Intonasyon (pitch)
• Antala/Hinto (juncture)
DIIN
• Ay ang bigat ng pagbigkas ng
pantig na maaaring makapag-
iba sa kahulugan ng mga salita
maging ang mga ito man ay
magkapareho ng baybay
(spelling).
DIIN
HALIMBAWA:

HaPON- bigkas mabilis at may diin sa


ikalawang pantig. (Japanese)
HApon- bigkas malumay at may diin sa
unang pantig. (Afternoon)
DIIN
HALIMBAWA:

BUhay- bigkas malumay at may diin sa


unang pantig. (Life)
buHAY- bigkas mabilis at may diin sa
ikalawang pantig. (Alive)
TONO/INTONASYON
• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t-ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa kapwa.
TONO/INTONASYON
• Ang pagbigkas ng salita ay
maihahalintulad sa musika, may tono at
intonasyon- may bahaging katamtaman, at
mataas.
• Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin o makapagbigay ng bagong
kahulugan ang pagbabago ng tono o
intonasyon.
TONO/INTONASYON
• Subukin mong magsalita nang hindi
nababago ang tono o intonasyon at hindi
mo maipararating nang tama ang iyong
mensahe.
TONO/INTONASYON
HALIMBAWA:

NAGPAPAHAYAG: Madali lang ito.


NAGTATANONG: Madali lang ito?
NAGBUBUNYI: Madali lang ito!
ANTALA/ HINTO
Ay tumutukoy sa saglit na pagpigil ng
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. May hinto bago
magsimula ang isang pangungusap kung may
kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na
maunawaan ang nais nitong ipahayag. Kuwit (,)
ang ginagamit sa hinto.
ANTALA/ HINTO
HALIMBAWA
Hindi siya si Kessa.
(Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si
Kessa ang pinag-uusapan).
Hindi, si Kessa.
(Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi”
na si Kessa ang pinag-uusapan).
ANTALA/ HINTO
HALIMBAWA
Hindi siya, si Kessa.
(Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya” na
hindi ibang tao ang nasa isip kundi si Kessa.)

You might also like