Professional Documents
Culture Documents
Sibat
73
Ulo’y ipinatong sa kaliwang kamay
at saka tinutop ang noo ng kanan,
anaki’y mayroong ginugunamgunam
isang mahalagang nalimutang bagay,
Hinawakan
74
Malao’y humilig, nagwalang-bahala,
di rin kumakati ang batis ng luha,
sa madlang himutok ay kasalamuha
Ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!”
Nababawasan; kumakaunti
Hinaing
75
Sa balang sandali ay sinasabugan
yaong buong gubat ng maraming ay! ay!
na nakikitono sa himig mapanglaw
ng panggabing ibon doo’y nagtatahan
76
Mapamaya-maya’y nagbangong nagulat
tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag
nalimbag sa mukha ang bangis ng Furias
“Di ko itutulot,” ang ipinapahayag.
Panangga
77
“At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
at di ang ama kong dapat na igalang,
hindi ko masasabi kung ang pikang tanga’y,
bubugo ng libo’t laksang kamatayan.
78
“Bababa si Marte mula sa itaas
at sa kalalima’y aahon ang Parkas,
Buong galit nila ay ibubulalas
yayakagin niring kamay kong marahas.
Yayayain
79
“Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
ang kabiyak niring kaluluwang angkin
liban na kay ama, ang sinuma’t alin
ay di igagalang ng tangang patalim.
Hawak
80
“O pagsintang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.”
Tatapakan o Aapihin
81
“At yuyurakan na ang lalong dakila,
bait, katuwira’y ipanganganyaya,
buong katungkula’y wawaling-bahala,
sampu ng hininga’y ipauubaya.”
Mali
82
“Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
salaming malinaw na sukat mahalin
na makatatatap, nang hindi sapitin
ang kahirapan kong di makayang bathin.”
Dalhin
83
Sa mawika ito luha’y pinaagos,
pika’y isinaksak saka naghimutok;
nagkataon namang parang isinagot
ang buntonghininga niyong nagagapos
Isang matikas na gerero na prinsipe ng Persia
ang dumating sa gubat. Ngalan niya ay Aladin
na may putong turbante at may kasuotang
Moro.
Tumigil sa paglalakad ang Moro at humanap ng
punongkahoy na puwedeng
mapagpapahingahan.
Umupo siya at doon ay nagsimulang
managhoy.
Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang
baba at ang isa naman ay sa sintido na tila
ang lalim ng iniisip o kaya'y iniisip niya ang
kanyang kasintahan, si Flerida.
Inagaw ng kanyang ama na si Sultan Ali-Adab ang
kaisa- isang babae na pinakamamahal at tanging
kaligayahan niya.
Si Aladin ay nakaramdam din ng galit at kung iba
man ang umagaw kay Flerida at hindi ang kanyang
ama ay hindi siya magdadalawang-isip na saktan ang
mga lalaki na tumangka na agawin si Flerida.
Matindi ang galit ni Aladin at sinabi niya na
makakapatay siya kung sino man ang hahadlang
sa kanya.
Nabanggit rin sa mga saknong na ito na
makapangyarihan ang pag-ibig sapagkat kapag
ikaw ay nasawi, madinting sakit ang dadanasin
mo.
Nasabi rin dito na nakita ni Aladin si Florante na
nakagapos sa isang punongkahoy at narinig ni
Aladin ang mga daing ni Forante tungkol sa
kanyang pagkasawi sa pag- ibig at sa pagtataksil
at sa pananakop ni Konde Adolfo sa Kaharian ng
Albanya.
Napatda si Aladin nang makita nya ang dalawang
leon na nais sumila kay Florante habang
nakagapos ito sa puno ng Higera.
MGA KATANUNGAN
1. Anong suliranin o problema ang dala-
dala ni A;adin sa kanyang paglalagalag
sa gubat?
2. Bakit naisipan niyang magparaya na
lang sa ama sa halip na ipaglaban ang
kanyang kasintahan?
3. Kung ikaw si Aladin, ano ang iyong
gagawin kapag inagaw ang iyong
minamahal o maging isang bagay na
napakahalaga sa iyo?
4. Mag-iisip ka bang gantihan ang taong ito
o magpaparaya ka ring tulad ng ginawa niya
lalo pa’t kapamilya o malapit sa iyo ang
gumawa nito? Ipaliwanag.
5. Kung babalikan mo ang kasaysayan ng
ating bayan, sino o ano ang sinasagisag ng
pagdating ni Aladin sa gubat habang
nakagapos at tila wala nang pag-asa ang
kaawa-awang si Florante? Ipaliwanag.
Sagutan Natin!!!
(Pumili ng kapartner para sa aktibidad na
ito at sagutan ito sa 1/2 Crosswise)
Aktibidad
A. Mga
Tanong: