You are on page 1of 1

Ang hinagpis ni Florante

Sa isang madilim at walang kabuhay buhay na halos hindi na masinagan ng araw sa


sobrang rami na ng halaman na nakapaligid makikita natin si Florante na nakagapos sa isang
pouno na walang magawa kundi sumigaw at magalit, marami ng dilikado na hayop ang
nakapaligid sa kanya tulad serpente at basilisko. Walang magawa si Florante kundi ang isipin ay
nasa piling na ng mortal na kaaway si Laura at akala niya siya pinagtaksilan ni Laura kasi iniwan
sya nito. Malungkot sya na mag-isa sa napakalawak na gubat at isipin na ang kanilang Reynang
Albanya ay sinakop. Sa kanyang galit na ang kanyang minamahal na Laura ay kanyang mortal na
kaaway ay nawalan sya ng pag-asa sa diyos at sinisi niya ito at naramdaman din niya wala nang
pakialam ang kaharian sa kanya dahil hindi siya hinanap. Ang hindi niya alam ay wala nang
magawa si Laura dahil sa takot niyang masaktan sya kung mananatili sya ng nagpapakita na
mahal niya si Florante.. Si Florante ay nangungulila sa presensya ni Laura at hindi niya mapigilan
na isipin kung paano sya pinagtaksilan ni Laura, dahil ito ay kanyang mahal na kasintahan. Sa
yaman ng kanyang ama pakiramdam nya na sya ay pinabayaan, kasi pwedi naman magpapunta
ng mga tauhan ang kanyang ama upang sya ayhanapin sa dilim at mapanglaw na kagubatan na
nandoon sya nakagapos at nagdurusa.

You might also like