You are on page 1of 14

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

Aralin Hinagpis ni Florante ( Saknong 1-25)


4 Alaala ni Laura (Saknong 26-68)
Ang Pag-ibig kay Flerida (Saknong 69-83)
MELC:
1. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang ekspresyon, tayutay at simbolo.
(F8PT-IVcd-34)
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.(F8PN-IVcd-
34
3. Nasusuri ang pangunahing kaisipan ng mga saknong na binasa.(F8PB-IVcd-
34)
4. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin.(F8PU-IVcd-36)

Susing Konsepto

Ang Hinagpis ni Florante


(Saknong 1-25)

Sa bahaging ito ay makikilala mon a si Florante, ang pangunahing


tauhan sa awit: isang matikas at magiting na heneral ng Albanya subalit sa
pagkakataong ito ay talunan.Basahin ang saknong 1-25 upang lubos mong
makilala si Florante.

1Sa isang madilim, gubat na mapanglaw


Dawag na matinik ay walang pagitan mapanglaw-malungkot
Halos naghihirap ang kay Pebong silang,
Dumalaw sa loob ng lubhang masukal. Pebo-bathala ng araw

2 Malaking kahoy ay inihahandog,


Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot:
Nakalulunos- nakatatakot
Huni ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong matimpi’t masasayang loob.

3 Tanang mga baging na namimilipit,


Sa sanga ng kahoy ay balot na tinik: Kulay luksa-kulay itim
May bulo ang bunga’t nagbibigay sakit
Sa kangino pa mang masagi’t malapit.

4 Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,


Pinakamaputing nag-uunos sa dahon;
Pawang kulay luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy

5Karamiha’y sipres at higerang 7 Ito’y gubat manding sa pinto’y


kutad malapit
Na ang lilim niyon ay nakasisindak; Sa Abernong Reyno ni Plutong
Ito’y walang bunga’t daho’y masungit,
malalapad Ang nasasakupang lupa’y dinidilig
Na nakadidilim sa loob ng gubat. Ng ilog Cocitong kamandag ang
tubig.
8 Sa may gitna nitong mapanglaw
6 Ang mga hayop pang dito’y na gubat
gumagala May punong higerang daho’y kulay
Karamiha’y syerpe’t basiliskong pupas
madla Dito nakagapos ang kahabag-habag
Hyena’t tigreng ganid na nagsisila Isang pinag-usig ng masamang
Ng buhay ng tao’y daiging kapwa. palad.
1
9 Bagong taong basal ang anyo at 13 “Mahiganting langit! Bangis mo’y
tindig, nasaan?
Kahit nakatali kamay,paa at leeg, Ngayo’y naniniig sa
Kung di si Narciso’y tunay na pagkagulaylay;
Adonis Bago’y ang bandila ng lalong
Mukha’y sumisilang sa gitna ng kasam-an
sakit. Sa Reynong Albania’y iwinawagay.

11Dangan doo’y walang Oreadas 14 “Sa loob at labas ng bayan kong


Nimfas, sawi,
Gubat na palasyo ng masidhing Kaliluha’y siyang nangyayaring
Harpias hari,
Nangaawa disi’t naakay lumiyag Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Sa himalang tipon ng karikta’t hirap. Ininis sa hukay ng dusa’t pighati

12 Ang abang uyamin ng dalita’t 15 Ang magandang asal ay


Ang dalawang mata’y bukal ang pinupukol.
kaparis: Sa laot ng dagat ng kutya’t
Sa luhang nanatak at tinangis- linggatong;
tangis, Balang magagaling ay ibinabaon
Ganito’y damdamin ng may awang At inililibing na walang kabaong.
dibdib.
16 Nguni ay ang lilo’t masasamang
10 Makinis ang balat at anaki’y loob
burok, Sa trono ng puri ay iniluluklok;
Pilik mata’t kilay mistulang At sa balang sukab na may asal
balantok hayop,
Bagong sapong ginto ang kulay ng Mabangong insenso ang isinusuob.”
buhok
Sangkap ng katawa’y pawang
magkakaayos.

17 Kaliluha’t sama ang ulo’y


nagtayo 21 Ang lahat ng ito, maawaing
At ang kabaita’y kimi’t nagyuko; langit,
Santong katwira’y lugami at hapo, Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?
Ang luha na lamang ang pinatutulo. Simula ka ng buong katuwira’t bait,
Pinapayagan mong ilubog ng lupit.
18 At ang balang bibig na
binubukalan 22 Makapangyarihang kamay Mo’y
Ng sabing magaling at katotohanan, ikilos,
Agad binibiyak at sinisikangan Papamilansikin ang kalis ng poot;
Ng kalis ng lalong dustang Sa Reynong Albania’y kusang
kamatayan. ibulusok
Ang Iyong higante sa masamang –
19 O taksil na pita sa yama’t loob.’’
mataas!
O hangad sa puring hanging 23 Bakit kalangita’y bingi ka sa
lumilipas! akin,
Ikaw ang dahilan ng kasam-ang Ang tapat kong luhog ay hindi Mo
lahat dinggin?
At niring nasapit na kahabag- Diyata’t sa isang alipusta’t iring,
habag.” Sampung tainga mo’y
ipinangunguliling?”
20 Sa korona dahil ang Haring
Linceo 24 Datapuwa’t sino ang tatarok
At sa kayamanan ng Dukeng ama kayo,
ko, Sa mahal Mong lihim, Diyos na
Ang ipinapangahas ng Konde Adolfo dakila?
Sabugan ng sama ang Albaniang Walang nangyayari sa balat ng
Reyno. lupa,

2
Di ma’y kagalingang iyong Kung ayaw na ngayong dinigin ng
ninanasa.” Langit
Ang sigaw ng aking malumbay na
25”Ay! Di saan ngayon ako boses!”
mangangapit!
Saan ipupukol ang itinangis-tangis,

Sipres-isang punong mataas at may mga tuwid na sanga


Higera-isang punong may malalpad na dahon na hindi namumunga
Basilisko-halimaw na mukhang butiki Kaliluhan-kasamaan
Pupas-itim na itimPagkagulaylay-pagkakahandusay
Narciso-isang makisig na binata sa Mitolohiyang Griyego
Averno-pintuan ng impyernoPluto-hari ng kadiliman

Alaala ni Laura
(Saknong 26-68)
Mababasa sa bahaging ito ang pag-alaala ni Florante sa minamahal niyang si
Laura na siyang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang mga
alaalang ito ay napapalitan ng selos sa sa tuwing sasagi sa isipan na si Laura
ay masaya sa piling ni Konde Adolfo. Sa mga saknong na ito ay
matutunghayan mo ang pagdadalamhati ni Florante subalit sa kabila nito ay
nakatatagpo siya ng lakas dahil sa pag-ibig ni Laura.

26 "Kung siya mong ibig na ako'y 31 "Nguni, sa aba ko! sawing


magdusa, kapalaran!
Langit na mataas, aking mababata; ano pang halaga ng gayong
isagi mo lamang sa puso ni Laura-- suyuan ...
ako'y minsan-minsang mapag- kung ang sing-ibig ko'y sa
alaala." katahimikan
ay humuhilig na sa ibang
27 "At dito sa laot ng dusa't kandungan?
hinagpis,
malawak na lubhang aking tinawid, 32 "Sa sinapupunan ni Konde
gunita ni Laura sa naabang ibig, Adolfo,
siya ko na lamang ligaya sa dibidib. aking natatanaw si Laurang sinta
ko;
28 "Munting gunamgunam ng sinta kamataya'y nahan ang dating
ko't mutya bangis mo,
nang dahil sa aki'y dakila kong nang di ko damdamin ang hirap na
tuwa; ito?"
higit na malaking hirap at dalita,
parusa ng taong lilo't walang awa. 33 Dito hinimatay sa
paghihinagpis,
29 "Sa pagkagapos ko'y kung sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
gunigunihin, ulo'y nalungayngay, luha'y
malamig nang bangkay akong bumalisbis,
nahihimbing; kinagagapusang kahoy ay nadilig.
na tinatagisan ng sula ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang 34 Magmula sa yapak hanggang sa
hangga mandin. ulunan,
nalimbag ang bangis ng
30 "Kung apuhapin ko sa sariling kapighatian;
isip, at ang panibugho'y gumamit ng
ang suyuan namin ng pili kong ibig; asal
ang pagluha niya kung ako'y may na lalong marahas, lilong
hapis, kamatayan.
nagiging ligaya yaring madlang
sakit. 35 Ang kahima't sinong hindi
maramdamin,
kung ito'y makita magmamahabagin;
3
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.

36 Sukay na ang tingnan ang mukha ko ang lunas sa madlang


lugaming anyo hilahil.
nitong sa dalita'y hindi makakibo, 43 "Di kung ako'y utusang
aakayin biglang umiyak ang puso, manggubat
kung wala nang luhang sa mata'y ng hari mong ama sa alinmang
itulo. Ciudad,
kung ginagawa mo ang aking
37 Gaano ang awang bubugso sa
sagisag,
dibdib
ng may karamdamang maanyong dalawa mong mata'y nanalong ng
tumitig, perlas?
kung ang panambita't daing ay
marinig 44 "Ang aking plumahe kung
nang mahimasmasan ang tipon ng itinatahi
sakit? ang parang korales na iyong daliri,
buntunghininga mo'y nakikiugali
38 Halos buong gubat ay sa kilos ng gintong ipinananahi.
nasasabugan
ng dinaing-daing lubhang 45 "Makailan Laurang sa aki'y iabot,
malumbay, basa pa ng luha bandang isusuot;
na inuulit pa at isinisigaw
ibinibigay mo ay naghihimutok,
sagot sa malayo niyong
takot masugatan sa pakikihamok.
alingawngaw.

39 "Ay! Laurang poo'y bakit isinuyo 46 "Baluti't koleto'y di mo


sa iba ang sintang sa aki'y pangako; papayagang
at pinagliluhan ang tapat na puso, madampi't malapat sa aking
pinaggugulan mo ng luhang tumulo? katawan,
kundi tingnan muna't baka may
40 "Di sinumpaan mo sa harap ng kalawang
Langit ay nanganganib kang damit ko'y
na di maglililo sa aking pag-ibig? marumhan.
ipinabigay ko naman yaring dibdib, 47 "Sinisiyasat mo ang tibay at
wala sa gunita itong masasapit! kintab
na kung sayaran man ng taga'y
41 "Katiwala ako't ang iyong dumulas;
kariktan, at kung malayo mang iyong
kapilas ng langit anaki'y matibay; minamalas,
tapat ang puso mo't di sa gitna ng hukbo'y makilala agad.
nagunamgunam 48 "Pahihiyasan mo ang aking
na ang paglililo'y nasa kagandahan. turbante
ng perlas, topasyo't maningning na
42 "Hindi ko akalaing iyong rubi;
sasayangin bukod ang magalaw na batong
maraming luha mong ginugol sa d'yamante,
akin; puno ng ngalan mong isang letrang
taguring madalas na ako ang giliw, L.

49 "Hanggang ako'y wala't manalo man ako'y kung bagong


nakikipaghamok, nanasok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob; nakikita mo na'y may dala pang takot.

4
50 "Buong panganib mo'y baka 55 "Halina, Laura ko't aking kailangan
nagkasugat, ngayon, ang lingap mo nang naunang
di maniniwala kung di masiyasat; araw;
at kung magkagurlis nang munti sa ngayon hinihingi ang iyong pagdamay--
balat,hinuhugasan mo ng luhang ang abang sinta mo'y nasa kamatayan.
nanatak.
56 "At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humahanap ng maraming luha;
51 "Kung ako'y mayroong kahapisang sukat ang kapatak na makaapula,
munti, kung sa may pagsintang puso mo'y
tatanungin mo na kung ano ang sanhi; magmula.
hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi. 57 "Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig,
tingnan ang sugat kong di gawa ng
kalis;
hugasan ang dugong nanalong sa gitgit
sa kamay ko, paa't natataling liig.

58 "Halina, irog ko't ang damit ko'y


52 "Hindi ka tutugot kung di tingnan,
matalastas, ang hindi mo ibig dumamping
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas; kalawang:
dadalhin sa hardi't doon ihahanap kalagin ang lubid at iyong bihisan,
ng ikaaaliw sa mga bulaklak. matinding dusa ko'y nang gumaan-
gaan.
53 "Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko'y kusang isasabit; 59 "Ang mga mata mo ay iyong ititig
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit, dini sa anyo kong sadlakan ang sakit,
pag-uupandin mong lumbay ko'y upang di mapigil ang takbong mabilis
mapaknit. niring abang buhay sa ikapapatid.

54 "At kung ang hapis ko'y hindi 60 "Wala na Laura't ikaw na nga
masawata, lamang
sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha; ang makalulunas niring kahirapan;
napasaan ngayon ang gayong aruga, damhin ng kamay mo ang aking
sa dala kong sakit ay di iapula? katawan
at bangkay man ako'y muling
mabubuhay!

61 "Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking


hirap! 65 "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
wala na si Laurang laging tinatawag! pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
napalayu-layo't di na lumiliyag, dini sa buhay ko'y siyang magsasadlak
ipinagkanulo ang sinta kong tapat. sa libingang laan ng masamang palad.

62 "Sa abang kandunga'y ipinagbiyaya 66 "O, Konde Adolfo, inilapat mo man


ang pusong akin na at ako'y dinaya; sa akin ang hirap ng sansinubukan,
buong pag-ibig ko'y ipinanganyaya, ang kabangisan mo'y pinasasalamatan,
nilimot ang sinta'y sinayang ang luha. ang puso ni Laura'y kung di inagaw."

67 Dito naghimutok nang kasindak-


63 "Alin pa ang hirap na di sa akin sindak
may kamatayan pang di ko na umalingawngaw sa loob ng gubat;
daramdamin? tinangay ang diwa't karamadamang
ulila sa ama't inang nag-angkin, hawak
walang kaibiga't nilimot ng giliw. ng buntunghininga't luhang lumagaslas.

64 "Dusa sa puri kong kusang 68 “Sa puno ng kahoy na


siniphayo, napayukayok;
palasong may lasong natirik sa puso; ang ibig ay supil ng lubid na gapos;
habag sa ama ko'y tunod na tumimo, bangkay na mistula't ang kulay ng
ako'y sinusunog niring panibugho. burok
ng kanyang mukha'y naging puting
lubos.

Lilo-taksilAruga-alaga
Apuhapin-hanapinIapula-ipanggamot
Hapis-dusalingap-pagmamahal
Sinapupunan-kandunganlumiliyag-umiibig
Sinisiyasat-sinusuriIpinagkanulo-trinaydor
5
Magkagurlis-magasgasanSiniphayo-binigo
Malining-malamanNapayukayok-napasubsob
Mapaknit-mawala
Ang Pag-ibig kay Flerida
(Saknong 69-83)
Makikilala mo sa bahaging ito si Aladin, isang gererong Moro na prinsepe ng Persya
na dumating sa kagubatang kinaroroonan ni Florante dala rin ang isang suliranin.
Inagaw ng sariling ama na si Sulatan Ali Adab ang pinakamamahal niyang si Flerida.
Sa labis na hinagpis ay napadpad siya sa kagubatan. Sa araling ito ay lubos mong
mauunawaan ang mga hinagpis ni Aladin at ang kanyang pagpaparaya.

69 Nagkataong siyang pagdating sa 74 Malao'y humilig, nagwalang-bahala,


gubat di rin kumakati ang batis ng luha;
ng isang gererong bayani ang tikas, sa madlang himutok ay kasalamuha
putong na turbante ay kalingas-lingas ang wikang: "Flerida'y tapos na ang
pananamit moro sa Persyang siyudad. tuwa!"
70 Pinigil ang lakad at nagtanaw- 75 Sa balang sandali ay sinasabugan
tanaw, yaong buong gubat ng maraming "Ay!
anaki'y ninitang pagpapahingahan, Ay!"
di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan na nakikitono sa huning mapanglaw
ang pika't adarga't nagdaop ng kamay. ng panggabing ibong doo'y nagtatahan.
71 Saka tumingala't mata'y itinirik 76 Pamaya-maya'y nabangong nagulat,
sa bubong ng kahoy na takip sa Langit, tinangnan ang pika't sampu ng kalasag;
istatuwa manding nakatayo'y umid, nalimbag sa mukha ang bangis ng
ang buntunghininga niya'y walang furias--
patid. "Di ko itutulot!" ang ipinahayag.
72 Nang magdamdam-ngawit sa 77 "At kung kay Flerida'y iba ang
pagayong anyo, umagaw
sa puno ng isang kahoy ay umupo, at di ang ama kong dapat na igalang,
nagwikang "O palad!" sabay ang hindi ko masabi kung ang pikang
pagtulo tangan--
sa mata ng luhang anaki'y palaso. bubuga ng libo't laksang kamatayan!
73 Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay 78 "Bababa si Marte mula sa itaas
at saka tinutop ang noo ng kanan; at kailalima'y aahon ang Parcas;
isang mayroong ginugunamgunam-- ang buntunghininga niya'y walang
isang mahalagang nalimutang bagay. patid.

79 Nang magdamdam-ngawit sa bait, katuwira'y ipanganganyaya;


pagayong anyo, buong katungkula'y wawala-ing-bahala,
sa puno ng isang kahoy ay umupo, sampu ng hininga'y ipauubaya.
nagwikang "O palad!" sabay ang 82 "Itong kinaratnan ng palad ko linsil
pagtulo salaming malinaw na sukat mahalin
sa mata ng luhang anaki'y palaso. ng makatatatap, nang hindi sapitin
80 "O, pagsintang labis ng ang kahirapan kong di makayang
kapangyarihan, bathin."
sampung mag-aama'y iyong 83 Sa mawika ito luha'y pinaagos,
nasasaklaw; pika'y isinaksak saka naghimutok;
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, nagkataon namang parang isinagot
hahamaking lahat masunod ka lamang! ang buntunghininga niyaong
81 "At yuyurakan na ang lalong dakila-- nagagapos.

tikas-tindigtangan -hawak
Pika-sibatYuyurakan-tatapakan
Alam mo -mali
Adarga-pananggalinsil ba?
Umid-hindi makapagsalita bathin-dalhin6
Ang katawagang Persiya ay ginamit ng mga historyador mula sa kanluran para tukuyin
Tinutop-hinawakanHimutok-hinaing
ang bansang Iran, ang mga mamamayan nito at mga kaharian dito. Ito ay nagmula sa salitang
griyego para sa Iran, ang Persis.
Gawain1
Panuto: Ibigay ang matalinhagang kahulugan na tinataglay ng sumusunod na
mga pahayag mula sa mga saknong na tinalakay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel

1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante.


A. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansang Pilipinas sa
panahon ng mga kastila.
B. Ang madadawag na kagubatang matatagpuan sa bansang Pilipinas.
C. Ang malungkot at masasamang karanasan ng mga Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila.

2. Ang mga sipres at higerang kutad na may mga lilim na nakasisindak.


A. Ang mga Kastila na may masamang layunin sa mga Pilipino.
B. Ang kadiliman at kalungkutan na pinagdaraanan ng bansang
Pilipinas.
C. Ang kawalang pag-asa na makalabas sa nakatatakot na kagubatan.

3. Ang pahayag na ;” O taksil na pita sa yama’t mataas,”, ay maituturing na


isang tayutay na nasa uring __________________.
A. Simile, sapagkat nagpakita ng pagtutulad ng dalawang bagay.
B. Metapora, sapagkat nagpamalas ng pagwawangis ng mga bagay.
C. Panawagan, sapagkat kapansin-pansing mayroong tinatawag ang
nagsasalita.
4. Ang pahayag na, “korona ng hari”, ay tumutukoy sa _______________.
A. Kayamanan ng hari
B. Kapangyarihan ng hari
C. Dunong ng hari

5. Ang pahayag na , “ sa mata ng luhang, anaki’y palaso” ay


nangangahulugang _____________________.
A. Nagpapakita ng kawalang Kalayaan
B. Nagpapakita ng labis-labis na pagluha
C. Nagpapakita ng lbis na kasiyahan

Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang OKEY kung ang pahayag ay nagpapamas ng
mahahalagang pangyayari mula sa binasang mga saknong at isulat naman ang
KOKEY kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mula sa saknong 1-25 “Ang Hinagpis ni Florante”
__________1. Ang labis na panibugho niya sa kaisipang si Laura ay masaya na
sa piling ni Konde Adolfo.
__________2. Ang pag-alaala sa malagim na kamatayan ng mga magulang mula
sa kamay ni Konde Adolfo.
__________3. Ang kahilingan ni Florante na maparusahan ng Diyos ang
kasamaan na ginawa ni Konde Adolfo.
__________4. Ang paglalarawan sa kagubatan na kinaroroonan ni Florante at
ang kanyang malungkot na panambitan.
7
Mula sa saknong 26-68 “ Alaala ni Laura
___________5. Ang mga paghahandang ginagawa ni Laura sa tuwing sasabak sa
giyera si Florante.
___________6. Ang pagpapadama ni Laura ng pag-ibig kay Konde Adolfo.
___________7. Ang labis nap ag-iingat at pagpapahalaga ni Laura kay Florante.

Mula sa saknong 69-83 “Ang Pag-ibig kay Flerida:”


___________8.Ang labis na gutom at pagod ni Aladin bunga ng paghahanap kay
Flerida.
___________9. Ang pagluha ni Aladin dahil sa malungkot na kinasapitan ng
pag-ibig kay Flerida.
___________10. Ang pag-agaw ng isang ama sa minamahal ng anak at ang
pagganti ng anak sa kaniyang ama.

8
Gawain 3
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba sa pamamagitan ng paglalahad at
pagsusuri ng pangunahing kaisipan na tinataglay ng mga piling saknong mula
sa binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

9
Mga saknong Pagpapakahulugan sa mga saknong

10
14 “Sa loob at labas ng bayan kong Ang ibig sabihin ng saknong na ito
sawi, ay…
Kaliluha’y siyang nangyayaring
hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati

55"Halina, Laura ko't aking Kung ihahambing sa kasalukuyan


kailangan ang saknong na ito ay
ngayon, ang lingap mo nang maihahambing sa…
naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong
pagdamay--
ang abang sinta mo'y nasa
kamatayan.
80 "O, pagsintang labis ng Batay sa saknong, ang pag-ibig ay …
kapangyarihan,
sampung mag-aama'y iyong
nasasaklaw;
pag ikaw ang nasok sa puso
ninuman,
hahamaking lahat masunod ka
lamang!

Gawain 4
Panuto: Bumuo o lumikha ng isang monologo kaugnay ng sitwasyong ilalahad
ng guro sa ibaba. Ipahayag ang monologo gamit ang mga damdamin gaya ng
pagkagalit, pagkatakot, kasiyahan at kalungkutan.
Sitwasyon;
Isang umaga, maaga kang pumasok sa eskwela upang makiisa sa
paglilinis ng bakuran sa harap ng inyong silid-aralan. Habang naglilinis Nakita
mo ang hinahangaan mong kamag-aaral mula sa kabilang pangkat/seksyon.
Hindi mo nais na malaman niya ang iyong lihim na paghanga, subalit bigla
kang inulit ng iyong matalik na kaibigan kaya nabunyag sa buong klase at sa
hinahangaan mo ang iyong sekreto. Ipahayag ang iyong damdamin sa
isang makabuluhang monologo na binubuo ng sampung pangungusap.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Kaangkupan ng mga damdaming tinataglay ng monologo-40
Nilalaman at kaugnayan sa sitwasyong inilahad 40
Wastong gamit ng mga salita at bantas 20

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang mga
kasagutan sa sagutang papel.
 Ano-ano ang mga bagay na dahilan ng hinagpis ni Florante? Isa-isahin
ang mga ito.
 Ilarawan mo si Laura bilang isang kasintahan. Ipaliwanag!
 Bilang isang mag-aaral, ano ang maipapayo mo kay Florante sa kanyang
pag-aakalang pinagtaksilan siya ng minamahal na si Laura.
 Kung ikaw si Aladin, ano ang iyong gagawin kaoag inagaw ang iyong
minamahal?
 Kung babalikan mo ang kasaysayan ng ating bayan, ano o sino ang
sinasagisag ng pagdating ni Aladin sa gubat habang naghihirap si
Florante?

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. A
11
2. B
3. C
4. B
5. B

Gawain 2
1. OKEY
2. KOKEY
3. OKEY
4. OKEY
5. OKEY
6. KOKEY
7. OKEY
8. KOKEY
9. OKEY
10. OKEY

Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 4
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
Publishing House, Inc. Quezon City
Obra Maestra II

Inihanda ni:

RHEA T. BEJASA, Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:

Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

12
Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay –Filipino

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

14

You might also like