You are on page 1of 6

Handa Akong Mamatay

Isinalin ni Doyle Camba

Mula sa "I am Prepared to Die" ni Nelson Mandela

Sinuri ng Grupong Lionel mula sa Pangkat ng 10-Maxwell

1 . PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Nelson Rolihlahla Mandela pinanganak noong Hulyo 18, 1918 ay isang politiko na naglingkod
bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si
Mandela sa paglaban sa mga gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng Pambansang Kongresong
Aprikano (ANC). Ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang talumpating ito ay dahil sa mga masasamang
nararanasan ng mga tao sa Aprika na patuloy na naghihirap, hindi makamit ang inaasam na kalayaan at
hindi pantay na pagtingin sa bawat isa. Si Mandela ay naging isang malawakang pigura sa laban sa
apartheid. Nang simulang ipatupad ang apartheid system, nakilala naman si Mandela dahil sa "Defiance
Campaign" ng ANC noong 1952.

Ilang beses siyang inaresto sa akusasyon ng sedition at nilitis sa Treason Trial noong 1956-1961
pero napawalang sala. Si Mandela ay co-founder ng militant group na Umkhonto we Sizwe (MK) na
nanguna sa bombing campaign laban sa gobyerno. Taong 1962 inaresto muli si Mandela at sa
pagkakataong ito ay nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo sa pananabotahe at
pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang gobyerno. Nakulong ng 27 taon si Mandela, una ay sa Robben
Island bago nalipat sa Pollsmoor Prison at Victor Verster Prison. Sa kanyang 27 taon na pagkakakulong
halos ang kabuoan ng panahon ay ang pananatili sa Pulo ng Robben. Dahil sa international campaign
para sa kaniyang paglaya, nakalabas ng kulungan si Mandela noong 1990. Pumanaw si Mandela dahil sa
impeksiyon sa baga noong Disyembre 5, 2013, sa kanyang tahanan sa Houghton, Johannesburg kapiling
ang kanyang pamilya. Siya ay 95 na taong gulang noong sya ay pumanaw na. Habang siya ay nabubuhay
pa ay lagi niya pinaglalaban ang pag alis ng diskriminasyon at ng sistema ng apartheid sa kanilang bansa.
Naranasan nya at nandun sya mismo nakikita ang paghihirap ng kanyang kapwang Aprikano kaya niya
naisulat ang talumpati na nagsisiwalat nang masamang gawain ng mga puti sa mga Aprikano at
nagpapakilos sa kapwa Aprikano na huwag din matakot na ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan
dahil sila ay ang bumubuo at pumipili ng mamumuno at sila ang nagdedesisyon kung sino ang nararapat
mamuno. Isinalaysay niya ang talumapti sa harap ng madaming tao sa panahon ng kanyang pamumuno.
2. URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan na ginamit sa 'Handa Akong Mamatay' o 'I am Prepared to Die' ay isang
talumpati. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinaparating sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang
masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong paksa sa
paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

Ang talumpati na ito ay isang talumpati na may paghahanda na nais magbigay kaalaman sa kanyang
tagapakinig tungkol sa kalagayan ng kanilang bansa. Ang kanyang talumpati ay kanyang sinaulo at binasa
bilang sangunian. Nagkapagbigay din sya ng mga mahahalagng impormasyon bilang isang patunay sa
kanyang mga sinabi na ito ay totoo. Halimbawa ang impormasyon na "Ayon sa datos na ayon sa South
African Institute of Race Relation 1963 na noong 1960 at 1961, ang ginagastos ng pamahalaan sa bawat
African na mag-aaral ay tinatayang R12.46. Sa parehong mga taon, ang ginagastos para sa mga batang
puti sa probinsya ng Cape ay R144.57". Gumamit siya ng mga angkop at mga salitang madaling
maiintindihan ng kanyang mga tagapakinig.

3. LAYUNIN NG AKDA

Ang talumpati ni Nelson Mandela ay naglalayon na ipaalam sa mga mamamayan ng Aprika, sa mga
puti at sa mga ibang bansa na may mga mas malala pang anyo ng diskrminasyon na nangyayari sa
kanilang bansa. Layon din nitong magpakilos at manghikayat sa tagapakinig na ipaglaban ang kanilang
kalayaan at huwag manatiling magpakontrol at magbulag-bulagan sa mga pang aalipin na ginagawa ng
mga puti sa mga itim sa mismong bansa nila. At gayon na din para sa mga puti na itigil ang ganitong
patakaran at diskriminasyon dahil hindi naman mahirap ibigay ang kanilang hinihinging kalayaan at
pantay na pagtitingin at sa mga taga ibang bansa na itigil na ang ganitong mentalidad na ang kulay ng
balat ang basihan ng kung sino ang mas angat at kung sino dapat ang nasa ibaba.

Mailalapat ang Teoryang Sosyolohikal sa talumpati. Ang teoryang ito ay naglalayon ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. At ito ay may paksang
nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento, ang talumpati rin ay nagiging salamin sa mga
tunay na nangyayari sa lipunan. Ito nga ang malalang diskriminasyon at pagmamalabis ng mga puti sa
kanilang kapangyarihan na ihiwalay at pababain ang mga itim sa kanilang lebel. Ang Teoryang Realismo
ay maaari ring ilapat sa talumpati dahil pinakita dito ang mga karanasan at nasasaksihan ng may akda sa
kanyang lipunan. At iyon nga ang may akda ay isa sa mamamayan at dating presidente ng Timog Aprika
kung saan ito ay nakakaranas ng hindi pantay na karapatan sa mga itim at ang patuloy na pagtanggal ng
mga puti sa dignidad bilang tao ng mga mamamayan ng Africa sa pangingibabaw ng kapangyarihan ng
puti sa mismong bayan ng mga itim. Ang Teoryang Marxismo na kung saan ito ay nagpapakita na ang tao
ng bansang Africa ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika sa sarili nilang bayan.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng talumpati ni Nelson Mandela ay tungkol paglalaban at pagbubunyag sa hindi makatao
at diskriminasyon ng mga puti sa mga Africano sa kanilang sariling lupa. Isinalaysay ni Nelson Mandela
ang iba't ibang punto kung saan sa kanila mismong lupa ay hindi sila nagiging malaya. Kanyang ibinahagi
na ang mga Africano ay hindi sapat ang kinikita, biktima ng malnutrisyon at iba pang sakit, kapos sa
edukasyon at hindi naitatrato ng ayon sa batas, ito ay sa kadahilanang ang mga puti ay mas piniling
gipitin ang mga Africano kaysa na tulungan sila sa kanilang sariling lupa.

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Ang mga karakter sa akdang ito ay hindi mga fictional characters bagkus, ay mga totoong tao na
nakaranas ng mga nasabing pangyayari sa akda ng "Handa akong Mamatay" ni Nelson Mandela. Ang mga
Europeo ay ang nang-api sa mga katutubong Aprikano, sila ang pinakanaapektuhan noong mga panahon
na ito dahil sa diskriminasyon na makikita kalimitan sa trabaho at paaralan. Isa ring bahagi ang misyong
may-akda dahil siya ay lumalaban para maisaayos ang batas na umiiral sa kanilang bansa.

6. TAGPUAN/PANAHON
Ang mga pangyayari sa akda ay nangyari noong 1961 sa bansang South Africa. Maaaring maraming
taon na ang nakalipas nang mag-umpisa sa bansa nila ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa
mamamayan ng kanilang bansa kaya sinusubukan nilang baguhin ito noong Hunyo, 1961 sa polisiya ng
National Liberation Movement (NLM).

7. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Habang binabasa ang tula ay mapapansin mo na sa simula ay tila mababaw pa ang pinaglalaban
ngunit palalim na ng palalim at patindi ng patindi ang mga pahayag ng talumpati laban sa mga puti
habang tumatagal ang pagabsa sa talupating iyon. Ang nilalaman ng talumpati ay ang ukol sa hindi
pagpantay ng karapatan ng mga Aprikano at pagkakaroon ng diskriminasyon sa kanila. Ninanais ng
tagapagsalaysay na maging pantay-pantay ang karapatan ng mga Aprikano sa bansa. Dahil doon,
karamihan ng mga bata ay hindi makapag-aral at hindi makapagtrabaho ayon sa kanilang kapabilidad.

Ang suliraning ito ay pangkaraniwan at nangyari pa ito mula noong ginagawang alipin ng mga
mananakop ang mga Aprikano at nung panahon pa ng pananakop ng mga kanluraning bansa. Ngunit ang
talumpating katulad na ito ay hindi pangkaraniwan dahil unti lang ang may lakas na loob ipaglaban ang
kalayaan at ibulgar ang mga kasamaan at pang aaliping ginagawa ng mga puti sa mga itim, dahil sa takot.
Positibo ang talumpati at naglalaman ang talumpati ng tahasaang paglalaban ng kalayaan, pantay na
karapatan at pag takwil ng diskriminasyon.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga sumusnod ay ang kaisipan o ideyang nakapaloob sa talumpati:

Huwag matakot na ipaglaban ang sa tingin mong tama kung ito ay makakatulong sa nakararami.

Hindi magandang basihan ang kulay ng isang tao kung paano siya dapat tratuhin dahil tayong lahat ay
pantay-pantay sa paningin Niya kaya hindi dapat tayo nangmamaliit sa iba at mang apak ng kanilang
pagkatao.
Kailanman ay hindi uunlad ang bansang walang kalaayan sapagkat nagsisilbi ang bansang iyon na lumpo
o manika na kontrolado ng iba. Masasabing maunlad nga ang bansang iyon kumpara sa ibang bansa
ngunit kung ikukumpara ito sa kalayaan ay talong talo ito, kung ikukumpara ang mga mamamayan ng
bansang iyon sa mga puting mananakop. Ang pagtutulungan ay isang rebolusyon sa mga puti ngunit sa
itim ay isa itong paglaban sa demokrasya at dito takot ang puti.

9. ISTILO NG PAGKASULAT NG AKDA

Sa unang pagbasa palang ay mauunawaan agad ng mga mambabasa ang gustong ipahayag ng may
akda dahil sa simula palang ay makikita na nating may gusto siyang ipaglaban at yun ay ang kalayaan.
Ang istilo ng pagkakasulat na ginamit ni Nelson Mandale sa kanyang akda ay maramdamin, seryoso at
masasabing may ipinaglalaban dahil ang pakiramdam niya na ang kanyang kagustuhan at ng kapwa
niyang Aprikano ay ang kalayaan o maging malaya sa sariling bansa. Dahil sa talumpating ito ipinapakita
na ang mga itim o mga Aprikano ay hindi malaya o kontrolado ng pang aalipin ng mga puti dahil sila ay
nakakulong sa mga makapangyarihan at ito ay ang mga puti.

Ipinapakita rin dito na gusto ng mga Aprikano na maging pantay ang patingin sa mga itim at puti ng
walang minamaliit at walang naapakang pagkatao at magkaroon ng kalayaan sa sariling bansa, kaya ang
mga Aprikano ay nawawalan na ng dignidad bilang tao dahil sa nararanasan nila na dulot ng
pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga puti at ang pahayag na ipinaglalaban sa talumapti ay totoo at
hindi gawa-gawa lamang na paghihirap, ito ay nangyayari at kanyang nakikita at napapansin sa kanilang
lipunan.

10. BUOD

Ang Africa ang isa sa pinakamayamang bansa sa mundo ngunit ang mga puti ang nakikinabang sa
yaman nito, hindi ang mga nakatira na mga itim o Africans. Ang pagtatrato sa mga itim at mga puti ay
magkaiba. Masama ang tingin sa mga itim at mabuti tingin sa mga puti. May malaking pinagkakaiba sa
pagtatrato ng pamahalaan sa itim kung ikukumpara sa mga puti na sinasabi na malaking hadlang sa
paglago ng ekonomiya. Una, ang mga puti ay libreng mag aral mahirap man sila o mayaman, ang mga
itim naman ay hirap makapasok sa isang paaralan at iilan lamang ang nakakagawa nito. Mayroon rin
pinagkaiba sa kalidad ng edukasyon sa pagitan ng mga puti at itim. Ang sunod naman ay ang
pagkakahiwalay ng trabaho na ayon sa kulay ng tao. Ang mga trabaho na matataas sweldo ay
nakareserba para sa mga puti, at ang mga mababa ang sweldo ay para sa itim. Kung may kailangan
kargahin o linisin ang isang lalaking puti, agad siyang maghahanap ng African upang gawin ito para sa
kanya. At kung sa parehang larangan man, mas mataas parin ang sahod ng mga puti kesa sa mga itim.
Ngunit walang karapatan na magwelga o mag rally ang mga itim sa pamahalaan sapagkat mayroon batas
na hindi iyon pinahihintulutan na gawin ng mga itim. Mayroon rin tinatawag na passbook policy na kung
saan ay pinahihintulutan nito ang pamamanman ng pulisya sa mga Aprikano kahit ano mang oras. Dahil
dito maraming Aprikano ang ikinukulong. Dito makikita na ang nais lamang ng mga Aprikano ay maging
pantay ang kanilang karapatan sa mga puti at nais nilang makuha ang bahagi nila sa Africa. Nais nilang
patas na sahod na naaayon sa kanilang kapabilidad. Nais ng mga Aprikano na hindi sila ipatapon sa lugar
na malayo sa kanilang trabaho. Nais nila na magkaroon ng sariling bahay kasama ang pamilya, hindi yung
nagrerenta lang sila ng tirahan na kahit kailan ay hindi magiging sa kanila at marami pang karapatan na
nais nilang makamit. Ngunit ang higit sa lahat, nais nila ay ang pantay na karapatan, dahil kung wala ang
mga ito ay panghabang-buhay na magiging lumpo sila. Para sa mga puti sa Africa iyon ay rebolusyonaryo,
sapagakat ang nakakaraming botante ay mga African. At takot ang puti sa demokrasya.

You might also like