You are on page 1of 37

Ikawalong Linggo

Ikalawang Markahan
Sintahang
Romeo at Juliet
Dula mula sa England
ni William Shakespeare

Isinalaysay-buod ni
Mark John A. Ayuso
Halaw sa Saling-Filipino
ni Gregorio C. Borlaza
Tayo’y Manalangin
Layunin:
a. Mailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa
napakinggan/nabasang usapan ng mga tauhan,
b. Maihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa
alinmang bansa sa daigdig;
c. Maipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito
(etimolohiya) at;
d. Maisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa.
Gawain 1:
Magbigay ng pamamaraan ng panliligaw at pagpaparamdam
ng pagmamahal noong unang panahon. Ihambing ito sa mga
kagawian ng kabataan ngayon.
Panliligaw at Pagmamahalan
Reaksiyon
Noon Ngayon
Gawain 1:
Magbigay ng pamamaraan ng panliligaw at pagpaparamdam ng pagmamahal noong
unang panahon. Ihambing ito sa mga kagawian ng kabataan ngayon.
Kasaysayan ng England
Ang England ay isang bansa na bahagi ng
United Kingdom. Kahangganan nito ang
Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran.
Sakop ng bansa ang higit sa gitna ng
katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya na
nasa Hilagang Atlantiko at higit 100 maliliit na
pulo gaya ng Isles of Sicilly at Isle of Wight.
Kasaysayan ng England
Kung sa panitikan naman, ang England ay
masasalamin sa epikong Beowulf noong ika-8 –
ika-11 siglo na itinuturing na pinakatanyag na
obra nito. Isa pa sa pinakamahalagang akdang
nagpatanyag sa larangan ng panitikan dito ay
ang The Canterbury Tales na akda ni Geoffrey
Chaucer (1343-1400). Ito rin ang sinasabing
akda na may malaking impluwensiya kay Dr.
Jose Rizal upang sulatin ang
Noli Me Tangere.
Kasaysayan ng England
Noong ika-16 hanggang ika-17 siglo sa
panahon ng Renaissance ay napatanyag ang
mga pamosong mandudula tulad nina Ben
Jonson, John Donne at William Shakespeare.
Si William Shakespeare (1564-1616) ang
itinuring na pinakadakilang manunulat sa
wikang Ingles. Sinulat niya ang tanyag na dula
tulad ng Julius Caesar (1599-1600) at
Anthony and Cleopatra (circa 1606-1607) na
hinango niya mula sa kasaysayang Greek at
Roman.
Ang Dulang

“Sintahang Romeo at Juliet”


ay mula sa England na obra ni
William Shakespeare
na isinalin sa Wikang Filipino ni
Gregorio C. Borlaza
Ano ang Dula?
Ito ay isang uri ng panitikan. Nahahati sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan
sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang isipan.
Ano ang Dula?
• Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng
panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao
gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at
isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang
magsilbing salamin ng buhay na naglalayong
makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng
mensahe.
DULA
Mga Bahagi
1. Yugto. Kung paano hinahati ang dula. Katumbas nito
ang kabanata sa isang nobela. Puwedeng isang buong
yugto ang isang dula (kaya tinatawag na iisahing
yugtong dula), puwedeng dalawa (dadalawahing
yugtong dula) o tatlo (tatatluhing yugtong dula).
DULA
Mga Bahagi
2. Tagpo. Bahaging nagpapakita ng
panahon at lugar na pinagganapan ng mga
pangyayari sa dula.
3. Eksena. Paglabas-pasok ng mga
tauhang gumaganap sa tanghalan
DULA
Mga Elemento
1.Iskrip. Pinaka-kaluluwa ng isang dula;
walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor. Nagsasabuhay sa
mga tauhang nasa iskrip.
3. Tanghalan. Pook na pinagdarausan ng
isang dula; entablado.
DULA
Mga Elemento
4. Direktor. Namamahala at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng
dula.
5. Manonood. Sumasaksi sa
pagtatanghal ng dula.
URI NG
DULA
1.Komedya-
ang uring ito’y nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo.
Ang wakas ay kasiya-siya sa mga
manonood.
URI NG
DULA
2.Melodrama-
ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa
mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y
may malulungkot na sangkap. Kung minsan
ay labis ang pananalita at damdamin sa uring
ito.
URI NG
DULA
3. Tragikomedya
Kung magkahalo ang katatawanan at
kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare
na laging may mga tauhang katawa-tawa
tulad ng payaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging
malungkot na dahil nasasawi o namamatay
URI NG
DULA
(Pokus ng Aralin)
4. Trahedya-
sa dulang ito’y mahigpit na tunggalian.
Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng
masisidhing damdamin.
Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay
ng mga pangunahing tauhan.
URI NG
DULA
(Pokus ng Aralin)
4. Trahedya-
sa dulang ito’y mahigpit na tunggalian.
Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng
masisidhing damdamin.
Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay
ng mga pangunahing tauhan.
Ano ang Dulang Trahedya?
Ito ay isang dula na ang bida ay
hahantong sa malungkot na wakas o sa
kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong
dulang may malungkot ngunit makabuluhang
wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama
mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa
maagang mga bantog na tagapagsulat ng
trahedya sa Gresya ay sina
Aeschylus, Sophocles, at
Euripides.
“Sintahang Romeo at Juliet”
Ang Romeo at Juliet ay isang dulang trahedya na
isinulat ni William Shakespeare tungkol sa dalawang
maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung
kaya’t naging magkaaway.
Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang
kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging
taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet
(Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina Romeus at
Julieta) ni Arthur Brooke noong 1962 at muling
isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of
Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter
noong 1567.
Sintahang Romeo at Juliet
Isinalaysay-buod ni Mark John A. Ayuso
Halaw sa Saling-Filipino ni Gregorio C. Borlaza
Panoorin ang buod ng Dula:
Sintahang Romeo at Juliet
Isinulat ni William Shakespeare
Halaw sa Saling-Filipino ni Gregorio C. Borlaza
Sintahang Romeo at Juliet
Isinulat ni William Shakespeare
Halaw sa Saling-Filipino ni Gregorio C. Borlaza
Gawain 2: Sagutin ang mga tanong.
1. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t isa?
2. Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at
Juliet?
3. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa
lalaking iniibig mo, ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo? Paano?
Pangatuwiranan.
4. Hanggang kailan dapat ipaglaban ang pag-ibig?
5. Ano ang masasabi mo sa sinapit nina Romeo at Juliet? Maituturing ba
itong wagas na pag-ibig? Patunayan.
Etimolohiya
Halimbawa ng Etimolohiya:
Gawain 3: Ang sumusunod na mga salita ay hiram natin sa
Wikang Kastila. Sa tulong ng tsart sa ibaba, himayin mo ang
etimolohiya (kasaysayan/pagbabago) ng mga gawain. Gawin sa
kwaderno.
Mga Salita Orihinal na Anyo Katumbas na Salita sa Kahulugan
(Wikang Kastila) Filipino
1. bintana ventana durungawan bahagi ng bahay
2. butikaryo/ botikaryo
3. espada
4. gwapo
5. hardin
6. Huwebes
7. kasal
8. kwarto
9. pader
10. pamilya
Pokus sa Kagamitan
Tawag sa instrumento o kasangkapan
sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng
pandiwa na gumaganap bilang paksa o
simuno ng pangungusap. Gumagamit ang
pokus na ito ng mga panlaping ipang- , ma +
ipang-.
Pokus sa Kagamitan
Halimbawa:
1. Ipanlalaban niya ang sarili niyang mga kuko
sa malalaking bato.
2. Ipinambaril niya ito sa kawawang anak.
3. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang
sampung libong piso.
Pokus sa Pinaglaanan/Kalaanan
Kapag ang pinaglaanan ng
kilos ay ang paksa o simuno ng
pangungusap. Ginagamit sa
pokus na ito ang mga panlaping
makadiwang i- , ipag- , ma+pag-
, ipagpa-.
Pokus sa Pinaglaanan/Kalaanan
Halimbawa:
1. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng
kaniyang dalaga.
2. Upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa
kaniyang anak.
3. Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak
ng Alkalde.
Panoorin ang dulang
trahedya ni Rogelio R. Sicat na
na ibinuod ni Eric O. Carino na
“Moses, Moses”.
Bigyang-pansin ang pokus
ng mga pandiwang
nakasalungguhit sa dula.
Moses, Moses
Dula ni Rogelio R Sicat
Repleksiyon:
Nauunawaan ko na __________________.

Nababatid ko na_____________________.

Napag-isip-isip ko na__________________.

You might also like