Professional Documents
Culture Documents
Ang dula ay patungkol sa una sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't
naging magkaaway, kung kaya't ang lahat ng kanilang kabataang mga tagapaglingkod ay naging
magkakaaway din. Ang kabataang mga lalaking naglilingkod para sa mga Montague at sa mga Capulet ay
nasali sa mga barkada o mga gangat naglalaban-laban sa mga kalye. Dahil sa naging gawi ang pagdadala
ng espada, kung minsan mayroong mga nasusugatan. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus.
Sinabi niya sa mga Montague at sa mga Capulet na dapat na mawala na ang mga paglalaban-laban, dahil
kung hindi ito titigil ay magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan, subalit napakahirap na kontrolin
ang kabataang mga lalaki.
Sa mga Montague ay mayroong nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang kabataan
na nagngangalang Romeo. Mayroon ding nag-iisang pansalinlahing supling ang mga Capulet, isang
babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, may edad na 13, na tinatawag na Julieta. Hindi
magkakilala ang dalawang kabataang sina Romeo at Julieta, dahil si Julieta ay hindi nagpupunta kahit
saan man na hindi kasama ang kaniyang yaya. Subalit nagkakilala sina Romeo at Julieta sa isang handaan
at sila ay umibig sa isa't isa. Ang kanilang pag-iibigan ay dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga
suliranin sa pagitan ng kanilang mga mag-anak, ngunit dahil nasa kanilang kabataan pa lamang sila, inisip
nilang mapapahamak lamang sila mula sa kanilang mga magulang, kung kaya't nagpakasal sila nang
palihim. Dahil sa kanilang lihim na pagpapakasal, isang magkakasunod na mga pangyayari ang naganap
na humantong sa maraming mga pagkamatay.
(Isang pang bersyon ng buod)
Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak
nina Senyor Montesco at SenyoraMontesco, ay naaantig sa
angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga na may
panantang magingdalaga habang siya ay nabubuhay pa na
kaya’t hindi nito.
Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio atkaibigang si
Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa
bahay ng mga Capulleto. Pumayagnaman si Romeo nang
mapag-alaman nitong ddalo rin si Rosalina. Sa naganap na
sayawan sa bahay ngmga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta
na anak ng kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor
atSenyora Capuletto.
Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na
sila sa isa’t isa. Kapwa nila batidna sila ay mga anak ng
magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin
sila. At dahil ditonagkasundo silang magpakasal
kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre
kumpesor ni Romeo.
Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt
at Mercutio ay naglaban at dahil dito ay nasawi
siMercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni
Mercutio at naging dahilan ng kanyang
paghihiganti,dahil sa kanyang paghihiganti. Napatay
ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga
magulang Romeongunit ang naging hatol ni Prinsipe
Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.
Sa pamamagitan ngkasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at
nangyari ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunitsa gabi ring
iyon ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capuletto si Julieta kay
Konde Paris upang silaay mapag-isang dibdib. Tutolsi Julieta dito kung
kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lozenzo upanghindi matuloy
ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Julieta ng likidong
pampatulog upangang naghihinagpis na binibi ay magmimistulang
bangkay sa loob ng apatnapung oras.
Naipabalita kayRomeo na si Julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni
Baltazar. Dahil dito bumili si Romeo sa isangmatandang albularyo ng
mabagsik na lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa
Verona.Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang
liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindipatay si Julieta. Nang
mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Julieta
at nangmakita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Julieta ay ininom
niya agad ang lason. At bago nangyari angpagpanaw ni Romeo ay
nagising si Julieta at natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sa pag hihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo,
ngunit hindi na niya naabutang buhay si Romeo upang
sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray
Lorenzo si Julieta dahil may mga tanod napaparating,
ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man
dumating ang mga tanod ay nakakita si Julieta ng isang
balaraw at siya ay nagpakamatay.
©tto
And shake the yoke of inauspicious stars , From this world-wearied flesh
Give me my
Romeo; and,
…my mind when he shall
misgives die, Take him
some and cut him out
consequence in little stars,
yet hanging And he will
in the stars… make the face
of heaven so
fine That all the
world will be in
love with night
Trivia Quizzes