You are on page 1of 2

Pangalan: Fritchei O.

Telebangco
Gr&Seksyon: 10 Santa Regina
Guro Sa Filipino:

SINTAHANG ROMEO AT JULIET


ni William Shakespeare
MulasaInglatera

URI NG PANITIKAN:
Ang Sintahang Romeo at Juliet ay isang dula na mula sa Inglatera. Ang Dula ay akdang pampanitikan na ang layunin ay
maitanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos, at galawang kaisipan ng may-akda.

BANSANG PINAGMULAN
Verona, Italy at ang bansang pinag mulan ng kwentong Romeo and Juliet

PAGKILALA SA MAY-AKDA:
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Itunuturing na isa sa
pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang
maestro sa paggawa ng soneta at mga dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular na dulang trahedya ay ang
Hamlet, Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang kaniyang mga dula ay isinalin sa iba’t ibang
wika at ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang sa kasalukuyan.

Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang tula ni Arthur Brooke na
tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet, na isinulat noong 1562. Maaaring kilala rin niya ang
popular na kuwento ni Romeo at Juliet mula sa isang koleksyon ni William Painter, na pinamagatang The
Palace of Pleasure , na isinulat bago ang 1580. Samantalang ang iba naman ay nagsasabing dahil sa kanyang
murang edad ay gusto nitong mag eksperimento ng iba't ibang mga ideya na hindi pa namamalas sa mga dula
noong panahon na iyon. Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-ibig at pagkamuhi. Ang pagganap sa
mabuti at masama.
LAYUNIN NG AKDA:
Ipinapakita ng akda ng kahit ano pa anguri o kalagayan ng pamumuhay ay maaaring magmahal ng wagas sa kabilang
mga suliraning kinakaharap.

TEMA O PAKSA NG AKDA:


Ang pagkakaroon ng wagas napag-ibig hanggang kamatayan.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:


Romeo – mula sa pamilyang mga Montague
Juliet - nag-iisang anakng mag-asawang Capulet
Tybalt - pinsanni Juliet
Capulet -
Nars - ang taga pag-alaga ni Juliet
Padre - ang nakaka alam ng relasyon nina Romeo at Juliet
Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo
Butikaryo - gumagaw ang lason.

TAGPUAN/PANAHON:
- Sa bulwagan ng mga Capulet kungsaan may nagaganap na kasiyahan.
- Sa tahanan ng mga Capulet kung saan pa lihim nanag puntasi Romeo.
- Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet angpari.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:

- Sa unang tagpo ipinakita kung ano ang saloobin ng dalawang pangunahing tauhan.
- Sa ikalawang tagpo naman ipinamalas kung saan at paano nagtagpo sina Romeo at Juliet.
- Sa ikatlong tagpo naman naganap ang pagpapahayag ng nararamdaman nina Romeo at Juliet sa isa't isa.
- Sa ikaapat na tagpo naman ang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang pari.
- Sa ikalimang tagpo naman ay nagtungo si Juliet para mangumpisal sa pari.
- Sa ikaanim na tagpo nakita ng nars ang halos walang buhay na si Juliet.
- Sa ikapitong tagpo nalaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet kaya humanap siya ng taong gumagawa ng lason.
- Sa ikawalo at huling tagpo naman naganap ang pinakamatinding trahedya sa pagmamahalan nina Romeo at Juliet nang
inumin ni Romeo ang lason at sa muling pagmulat ni Juliet ay nakita ang bangkay ni Romeo kaya itinarak niya ang
balaraw sa kanyang dibdib.

KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA:


Ang kultura na makikitang nakapaloob sa akdang Romeo at Juliet ni William Shakespeare ay ang relihiyon at pamumuhay
ng tao. Makikita rito ang pakikipagkita at paghingi ng payo ni Romeo at Juliet sa padre sa simbahan. SI Padre Laurence din
ang naging tulay ng kanilang pagmamahalan. Sa konsepto naman ng pamumuhay ay makikita ang marangyang
pamumuhay ni Juliet at ang tradisyon ng napagkasunduang kasal.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:


Ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet na humantong sa kamatayan ay nagdulot ng pagkakasundo ng kanilang mga
pamilya. Isang trahedya na nagbunga ng isang magandang pangyayari.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:


Ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet na humantong sa kamatayan ay nagdulot ng pagkakasundo ng kanila ng mga
pamilya. Isang trahedya na nagbungang isang magandang pangyayari.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN:


Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay padayalogo o pagpapalitan ng mga salita ng mga tauhan sa dula upang mas
madaling maunawaan ng mga mambabasa ang damdamin ng bawat tauhan na nag bibigay naman ng kakaibang
kaisipan ng mga mambabasa nito.

LEKSYON
ang unang leksyon ay: huwag mag pa dalosdalos sa pagpapasya . ang pangalawang leksyon ay : isipin sa pamamagitan ng
mga desisyon . ang ika tatlo ay leksiyon dito : batang pagibig o infatuation ay hindi magandang dahilan upang patayin mo
ang sarili mo . ang unang leksiyon sa buhay; huwag gagawang ma bilis na pagpapasya dahil ang maling disisyon ay
maaaring mapunta sa kapahamakan

You might also like