Professional Documents
Culture Documents
Basak,Lapu-Lapu City,Cebu
Pagsusuring Pampanitikan
(Ikalawang Markahan)
Ipinasa nina:
Leader:
Echavez,Aivie Ann
Member:
Pino,Emily
Lutero,JanKieth
Flora,Denzel Jeremy
Nares,Charilyn
Gojo,Raymark
Ipinasa kay:
Bernard De la Peña
Guro
DULA
Bahagi ng Dula:
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat
yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga
nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang
ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
PAMAGAT:
Dula mula sa England
(Sintahang Romeo at Juliet
Ni William Shakespeare)
TAUHAN:
Romeo - mula sa pamilya ng mga Montague
Juliet - nag-iisang anak ng mag-asawang Capulet
Tybalt - pinsan ni Juliet
Capulet - ama ni Juliet
Nars - ang tagapag-alaga ni Juliet
Padre - ang nakakaalam ng relasyon nina Romeo at Juliet
Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo
Butikaryo - gumagawa ng lason.
TAGPUAN:
- Sa bulwagan ng mga Capulet kung saan may nagaganap na kasiyahan.
- Sa tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo.
- Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet ang pari.
URI NG DULA:
-Ang ROMEO AT JULIET ay isang uri ng dulang trahedya at may halong romansa.
PAGKILALA SA MAY AKDA:
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista.
Itunuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag
sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng soneta at mga
dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular na dulang trahedya ay ang Hamlet,
Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang kaniyang mga dula ay
isinalin sa iba’t ibang wika at ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang sa
kasalukuyan.
Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang
tula ni Arthur Brooke na tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet,
na isinulat noong 1562. Maaaring kilala rin niya ang popular na kuwento ni Romeo
at Juliet mula sa isang koleksyon ni William Painter, na pinamagatang The Palace
of Pleasure , na isinulat bago ang 1580. Samantalang ang iba naman ay
nagsasabing dahil sa kanyang murang edad ay gusto nitong mag eksperimento ng
iba't ibang mga ideya na hindi pa namamalas sa mga dula noong panahon na iyon.
Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-ibig at pagkamuhi. Ang pagganap
sa mabuti at masama.
BANGHAY:
- Sa unang tagpo ipinakita kung ano ang saloobin ng dalawang pangunahing
tauhan.
- Sa ikalawang tagpo naman ipinamalas kung saan at paano nagtagpo sina Romeo
at Juliet.
- Sa ikatlong tagpo naman naganap ang pagpapahayag ng nararamdaman nina
Romeo at Juliet sa isa't isa.
- Sa ikaapat na tagpo naman ang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan
kasama ang isang pari.
- Sa ikalimang tagpo naman ay nagtungo si Juliet para mangumpisal sa pari.
- Sa ikaanim na tagpo nakita ng nars ang halos walang buhay na si Juliet.
- Sa ikapitong tagpo nalaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet kaya humanap siya
ng taong gumagawa ng lason.
- Sa ikawalo at huling tagpo naman naganap ang pinakamatinding trahedya sa
pagmamahalan nina Romeo at Juliet nang inumin ni Romeo ang lason at sa muling
pagmulat ni Juliet ay nakita ang bangkay ni Romeo kaya itinarak niya ang balaraw
sa kanyang dibdib.
DIYALOGO:
Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay padayalogo o pagpapalitan ng mga salita
ng mga tauhan sa dula upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang
damdamin ng bawat tauhan na nagbibigay naman ng kakaibang kaisipan ng mga
mambabasa nito.
YUGTO:
Unang Tagpo: Inisip ni Romeo na walang makakapalit kay Juliet sa puso niya, kahit
sino pang magandang babae na kanyang makaharap ay hindi siya matuturuang
kalimutan si Juliet. Samantalang iniisip ni Juliet ang sinabi ng kanyang ina tungkol
sa lalaking nais siyang ligawan.
Pangalawang Tagpo: Dumalo sa piging si Romeo at batid niya ang umaapaw na
kagandahan ni Juliet. Pinakita ni Tybalt ang kanyang pagkapuot kay Romeo nang
sabihin niya sa tiyuhin niyang Capulet na si Romeo ay isang Montague at dapat na
paalisin sa piging na ito. Sinabi ng tiyuhing Capulet na hindi siya dapat paalisin
dahil batid niya ang dangal ng kanyang pagkatao. Nagkita si Romeo at Juliet at sila
ay naghalikan.
Ikatlong Tagpo: Sa yugtong ito ay ang pagkakabunyag ng pangalan ni Romeo
bilang Montague. Dito rin ang pagtatapatan ng pag-ibig sa pagitan ni Romeo at
Juliet. Ipinangako ni Romeo ang tunay niyang pagmamahal kay Juliet.
Ika-apat na Tagpo: Ang pagkikita ni Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang
pari.
Ikalimang Tagpo: Ang pagpatay ni Tybalt kay Mercurio at ang pagtutuos nila ni
Romeo.
Ika-anim na Tagpo: Inisip ni Juliet ang pagpapakasal niya kay Paris.
Ikapitong Tagpo: Binigyan ni Padre Laurence ng lason si Juliet upang solusyon sa
paghadlang sa pagpapakasal niya kay Paris.
Ikawalong Tagpo: Ininom ni Juliet ang lason.
Ikasiyam na Tagpo: Nalaman ni Romeo ang sinapit ni Juliet. Dahil dito, pumunta
siya sa isang butikaryo upang humingi ng lason upang magpakamatay na rin.
Ikasampung Tagpo: Nalaman ni Padre Laurence ang sinapit ni Romeo.
Ikalabing-isang Tagpo: Nagpakamatay si Romeo. Nagising mula sa hiram na
kamatayan si Juliet at nang malaman na nagpakamatay na si Romeo ay sinaksak
niya ang kanyang sarili.
ARAL NA MAKUKUHA:
Para sa akin, ito ay ang ipaglaban kung ano ang gusto ng puso mo. Ngunit gawin
ito na may respeto pa rin sa sarili mo.