You are on page 1of 5

Basak Night High School

Basak Lapu-Lapu City,Cebu

Pagsusuring pampanitikan
(Ikalawang markahan)

Ipinasa nina:

Leader:
Echavez,Aivie Ann
Member:
Pino,Emily
Lutero,JanKieth
Flora,Denzel Jeremy
Nares,Charilyn

Ipinasa kay:

Bernard Dela Pena


Guro
DULA

Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan .

Bahagi ng Dula:

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat
yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga
nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang
ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing


tauhan
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na
masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may
malulungkot na bahagi
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga
pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito

Mga Elemento ng Dula:

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng


isang dula
1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito
ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring
maganap sa kabuuang aksyon
2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng
pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid
ng kanyang kinakaharap
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding
pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari
B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo
lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa
dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa
matapos ito.
C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gumagamit upang
maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari
pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang
pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita
PAGSUSURING PANGNILALAMAN

PAKSA:
Dula mula sa England
(Sintahang Romeo at Juliet
Ni William Shakespeare)
TAUHAN:
Romeo - mula sa pamilya ng mga Montague
Juliet - nag-iisang anak ng mag-asawang Capulet
Tybalt - pinsan ni Juliet
Capulet - ama ni Juliet
Nars - ang tagapag-alaga ni Juliet
Padre - ang nakakaalam ng relasyon nina Romeo at Juliet
Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo
Butikaryo - gumagawa ng lason.
TAGPUAN:
- Sa bulwagan ng mga Capulet kung saan may nagaganap na kasiyahan.
- Sa tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo.
- Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet ang pari.

PAGKILALA SA MAY AKDA:


Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista.
Itunuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag
sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng soneta at mga
dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular na dulang trahedya ay ang Hamlet,
Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang kaniyang mga dula ay
isinalin sa iba’t ibang wika at ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang sa
kasalukuyan.

Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang


tula ni Arthur Brooke na tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet,
na isinulat noong 1562. Maaaring kilala rin niya ang popular na kuwento ni Romeo
at Juliet mula sa isang koleksyon ni William Painter, na pinamagatang The Palace
of Pleasure , na isinulat bago ang 1580. Samantalang ang iba naman ay
nagsasabing dahil sa kanyang murang edad ay gusto nitong mag eksperimento ng
iba't ibang mga ideya na hindi pa namamalas sa mga dula noong panahon na iyon.
Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-ibig at pagkamuhi. Ang pagganap
sa mabuti at masama.

URI NG PANITIKAN:
Ang Sintahang Romeo at Juliet ay isang dula na mula sa Inglatera.Ang Dula ay
akdang pampanitikan na ang layunin ay maitanghal sa pamamagitan ng
pananalita, kilos, at galaw ang kaisipan ng may-akda.

LAYUNIN NG AKDA:
Ipinapakita ng akda ng kahit ano pa ang uri o kalagayan ng pamumuhay ay
maaaring magmahal ng wagas sa kabila ng mga suliraning kinakaharap.

TEMA O PAKSA NG AKDA:


Ang pagkakaroon ng wagas na pag-ibig hanggang kamatayan.
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
- Sa unang tagpo ipinakita kung ano ang saloobin ng dalawang pangunahing
tauhan.
- Sa ikalawang tagpo naman ipinamalas kung saan at paano nagtagpo sina Romeo
at Juliet.
- Sa ikatlong tagpo naman naganap ang pagpapahayag ng nararamdaman nina
Romeo at Juliet sa isa't isa.
- Sa ikaapat na tagpo naman ang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan
kasama ang isang pari.
- Sa ikalimang tagpo naman ay nagtungo si Juliet para mangumpisal sa pari.
- Sa ikaanim na tagpo nakita ng nars ang halos walang buhay na si Juliet.
- Sa ikapitong tagpo nalaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet kaya humanap siya
ng taong gumagawa ng lason.
- Sa ikawalo at huling tagpo naman naganap ang pinakamatinding trahedya sa
pagmamahalan nina Romeo at Juliet nang inumin ni Romeo ang lason at sa muling
pagmulat ni Juliet ay nakita ang bangkay ni Romeo kaya itinarak niya ang balaraw
sa kanyang dibdib.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN:


Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay padayalogo o pagpapalitan ng mga salita
ng mga tauhan sa dula upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang
damdamin ng bawat tauhan na nagbibigay naman ng kakaibang kaisipan ng mga
mambabasa nito.

TEORYANG PAMPANITIKAN:
- Romantisismo dahil ipinakita ang wagas na pag-iibigan nina Romeo at Juliet.
- Klasismo dahil sa mga kaganapan noon na nararanasan natin hanggang ngayon.
- Realismo ang pagkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan ng kanilang mga pamilya.
- Feminismo dahil tinatanggalan si Juliet ng kalayaang magpasiya para sa sarili ng
kanyang mga magulang.
- Eksistensyalismo dahil nagdesisyon sila na ipaglaban pa rin ang kanilang
pagiibigan.
- Marksismo dahil sa alitan ng kanilang mga magulang.
- Sosyolohikal dahil sa pagpipilit ng mga magulang ni Juliet na ipakasal siya sa
ibang lalaki.
- Dekonstruksyon dahil sila ay nagpakamatay sila sa halip na harapin at umanin sa
kanilang mga magulang

BUOD:
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay
nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan.
Nabihag ng kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang
kamay nito at mula noon ay palihim na nagpupunta si Romeo sa tahanan ng mga
Capulet para makita ang sinisintang dalaga na nabighani na rin sa taglay na
katangian ng binata. Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng
pagkakaalit ng kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet sa ibang lalaki at sa ganitong
kadahilanan kaya naman si Juliet ay naisipang magkunwaring patay para
makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni
Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng dilag na
minamahal ay kinausap niya ang isang butikaryo para sa isang lason na kikitil din
sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni Juliet at nakita ang
walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang
dibdib.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:


Ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet na humantong sa kamatayan ay nagdulot ng
pagkakasundo ng kanilang mga pamilya. Isang trahedya na nagbunga ng isang
magandang pangyayari.

ARAL NA MAKUKUHA:
Para sa akin, ito ay ang ipaglaban kung ano ang gusto ng puso mo. Ngunit gawin
ito na may respeto pa rin sa sarili mo.

You might also like