You are on page 1of 88

LEKSIKOGRAPIYA

NG MGA KAKANIN

SA BAWAT REHIYON

SA PILIPINAS

Jenilyn C. Manzon

AB FILIPINOLOHIYA 4-1

Prop. Mark Joseph Rafal


Editor

Bb. Angelique Fiedalan


Konsultant

Dr. Jennifor L. Aguilar


Tagapayo

1
National Capital Region

BIBINGKA | /bi.bing.ka/
Tinutukoy ng mismong pangalan nito kung paano
lutuin ang kakanin. Wika nga ng isang kanta, tumutukoy
ang bibingka sa bagay na iniluluto ng apoy sa ibabaw at
may apoy sa ilalim. Inihuhurno ito tulad ng keyk o tinapay.
Ngunit dahil walang hurno sa kanayunan noon, inimbento
ng mga Filipino ang ‘bibingkahan’.
Sinasabi rin na nagmula sa Goa, India ang bibingka
mula sa salitang ‘bebinca’. Subalit tulad ng biko, ang bib-
ingka ay mula sa Tsina, sa salitang-ugat nito na “bi”, na sa
Romanized Mandarin (Pinyin) ay nangangahulugang
“unripe grain” ayon sa Antropolohiyong si E. Arsenio Ma-
nuel na binanggit ni Felixberto Sta. Maria sa kanyang libro
na “The Governor-General Kitchen: Philippine Culinary
Vignettes and Period Recipes”.
Inihuhurno ang kakaning ito sa isang platong metal
na may saping dahon ng saging at isinasalang sa kalan ng
nagbabagang uling. Pagkatapos, ipinapatong sa plato ang
sampirasong kuwadradong yero na may nagbabagang bunot
ng niyog.
Sa kasagsagan ng panandaliang kapayapaan sa
Maynila noong 1935-1941 bago sumiklab ang ikalawang
digmaang pandaigdig, tinawag na bibingkang lalaki ang
bibingka na sinahugan ng pulang itlog at bibingkang babae
naman ang simpleng bersiyon nito na walang kahit anong
sahog sa ibabaw.

BIKO | /bi.ko/
Salitang hiram mula sa mga Tsino na may kapare-
has na kahulugan at baybay. Ito ay kakanin na may latik.
Pangunahing sangkap ay malagkit na kanin na pinakuluan
sa gatas ng niyog at pulang asukal hanggang sa matuyo.
Inihahanda sa iba’t ibang okasyon tulad ng piyesta, kasal at
kaarawan.

1
‘ ’

‘ ’
“ ”



2
GINATAANG BILO-BILO | /gi.na.ta.ang bi.lo.bi.lo/
Ang ginataang bilo-bilo ay may literal na kahulugan
na ‘binilog na malagkit na niluto sa minatamis na gata ng
niyog’. Ang ‘ginataan’ ay hinango mula sa ‘gata’, salitang
Tagalog para sa gatas ng niyog. Ang ‘bilo-bilo’ ay mula sa
tunog na nalilikha ng binilog na malagkit sa tuwing ito ay
napapakuluan. Ang pantig ay inuulit dahil sa swerte na dala
ng bilo-bilo.
Ang mga Tsino ang nagdala ng kaisipan na ang mga
malagkit na kakanin ay sumisimbolo sa pagdikit ng yaman
sa taong kumakain nito. Ang pag-uulit ng pantig ay sinasa-
bing nagpapadoble sa bisa nito.

HOPIA | /ho.pi.ya/
Ang ‘pia’, isang Hokkien na salita ay nangan-
gahulugang ‘keyk’ o ‘pastry’. Samantalang ang buong
salita na ‘hopia’ ay literal na nangangahulugang ‘good pas-
try’ ayon kay Doreen Fernandez sa kanyang libro na
“Palayok: Philippine Food Through Time”.
Ang hopia ay na tradisyunal na pinapalamanan ng
munggo o kundol. Pinakilala ito ng mga dayuhang Fu-
kienese mula sa Timog Tsina. Si Eng Bee Tin ang sikat na
gumagawa ng hopia sa Binondo, Maynila. Sila ay nagne-
negosyo na nito mula pa noong 1912. May mga bago na
ring uri nito tulad ng ube keso, ube langka, pinya at buko
pandan.
Sa bansang Hapon, ay may sarili ring berisyon na
tinatawag na ‘Hopiang Hapon’ na may palaman na adzuki
at may bulaklaking disenyo sa gitna.

3

’ ‘ ’ ‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’

4
INUTAK | /i.nu.tak/
Tinawag itong inutak dahil sa mala-utak nitong
hitsura. Kilala itong kakanin sa Pateros at Taguig. May
mga sangkap na ube na pinalaman sa bawat patong ng bib-
ingka. Kadalasang sinasamahan ng dalawang scoop ng va-
nilla ice cream. May iba’t ibang uri tulad ng tsokolate, mais
at quezo de bola.

KUTSINTA | /kut.sin.ta/
May mga nagsasabing ang ‘kutsinta’ ay hinango
mula sa kagamitang pangkusina na nagbigay ng hugis sa
nasabing kakanin. Sa kasamaang palad, ang pangalan ng
naturang kagamitan ay tuluyan nang naglaho sa kasaysa-
yan. Isa pang teorya ang nagsasabing ang salitang
‘kutsinta’ay mula sa Tsinong salita ‘kueh tsin tao’na tumu-
tukoy sa pinasingawang keyk o biskwit. Hindi ito malayo
sa katotohanan sapagkat nagsimula ang pakikipagkalakalan
sa Tsina noong ika-9 dantaon at ang kutsinta ay matatagpu-
an na mula noon. Nakilala ito dahil sa mala-kayumangging
kulay nito at mala-gulamang tekstura.

LUMPIA | /lum.pi.ya/
Ang ‘pia’, isang Hokkien na salita, ay nangan-
gahulugang ‘keyk’ o ‘pastry’. May iba’t iba itong barayti sa
Pilipinas ayon sa uri ng sangkap at paraan ng pagluluto. Ito
ay ang mga lumpiang shanghai, lumpiang ubod at ngohiong
lumpia. Ang ngohiong ay limang sangkap na pinaghalo –
paminta, cinnamon, sangki o anis, sibuyas at fennel o haras.

Ayon sa Oxford Companion of Food second edi-


tion, ang lumpia ay isang penomena na kumalat sa buong
Timog Silangang Asya at iba pang bahagi ng mundo. Ito ay
dinala ng mga dumayong Tsino mula sa probinsiya ng Fui-
jan sa Pilipinas at natuklasan ng mga Espanyol sa panahon
ng pananakop nito.

5

‘ ’

‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ’

6
PUTO BUMBONG | /pu.to bum.bong/
Nagmula ang salitang ‘puto’ sa Malay na ‘puttu’ na
nangangahulugang “bahagi” sa Filipino at “portioned” sa
Ingles. Samantalang ang ‘bumbong’ ay hinango mula sa
pangalan ng pinaglulutuan nito, ang silindrong kawayan na
hugis tubo. Pinapasingawan ito gamit ang ‘lansungan’ o
lutuang pasingawan o pakuluan na nakapatong sa isang
bandihadong puno ng kumukulong tubig. Ito ay may dala-
wang maliit na tubong kawayan sa ibabaw, ang bumbong,
kung saan ipinapasok ang mga sangkap sa paggawa ng puto
bumbong.
Kapag lumalabas na ang usok mula sa bumbong,
tandang luto na ito. Upang madaling matanggal ang puto,
nilalagyan ng kaunting mantikilya ang kawayan. Ang mga
nalutong puto bumbong ay ibinabalot sa sariwang dahon ng
saging, pinapahiran ng mantikilya at nilalagyan ng kinud-
nod na niyog at asukal sa ibabaw bago ihain.

SIOPAO | /si.yo.paw/
Ang ‘pao’, isang Hokkien na salita ng Tsina ay
nangangahulugang ‘to wrapped’ samantalang ‘baozi’ ang
orihinal nitong katawagan na nangangahulugang ‘steamed
buns’ ayon kay Kay Halsey sa kanyang librong ‘The Food
of China: A Journey for Food Lovers’. Ito ay nalikha bilang
mabilisang pagkain para sa manggagawa ng Fuijan
sapagkat maaari itong kainin kahit hindi na gumamit ng
tinidor o kutsara at ang labas na bahagi nito ay maaaring
balatan kapag nadumihan ng kamay. Ang tradisyunal sa
Tsina na asado sioapao ay gumagamit ng tinustang baboy
ngunit inayon sa panlasa ng mga Filipino na naging bola-
bola na may palamang giniling na baboy at pinakuluang
itlog.

7
‘ ’ ‘ ’
“ ” “ ”
‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’

8
SUMAN | /su.man/
Sinasabing ang suman ay ilang dantaon nang bahagi
ng tradisyon ng Pilipinas. Ang pangalan nito ay sinasabing
nag-ugat sa lumang Espanyol na parirala na “kakaning
nakabalot sa dahon, na mahaba ang bawat piraso” na inil-
arawan noon ni Antonio Pigafetta sa kanyang talaan na
“Primo viaggio intomo al mondo” na naisulat noong 1525,
ang unang mananalaysay sa unang eskpedisyon ng Espanya
sa unang pagdaong sa Pilipinas kasama si Magellan. Ang
mga rehiyonal na uri ng suman ay napapangalan batay sa
pamamaraan paano ito naihahanda at ang pangunahing
sangkap sa paggawa nito. Noong 1880’s, ginamit ang ka-
kanin na ito sa kolokyal na pahayag na ‘sinusuman ang ka-
tawan’ na nangangahulugang pagsusuot ng masikip na
damit. Samantala, ang paggawa ng suman sa probinsiya ay
nanatiling bahagi ng kultura sa tahanan, sa Manynila noong
1900’s ito ay naging bahagi ng pagnenegosyo.

9




‘ ’

10
Cordillera Administrative Region
(CAR)
BINAKLE | /bi.nak.le/
Mula sa salitang-ugat nito na ‘bakle’ na lokal na
terminolohiya para sa pista ng pasasalamat ng mga Ifugao.
Ang ‘-in’ na gitlapi ay ginagamit bilang pantukoy na ang
bigas tuwing anihan ang ginagamit bilang panghanda sa
araw ng Bakle. Ang mga matatanda ang nagtatakda kung
kailan isasagawa ang bakle. Ang paghahanda sa binakle ay
inuumpisahan sa pagpapatuyo ng bagong ani na ‘ipuggo’ sa
‘hayungngan’. Matapos mapatuyo ang palay, ang ipa ay
hinihiwalay sa bigas nang mano-mano. Ang palay ay bina-
bayo sa ‘luhung’ sa pamamagitan ng ‘alu’. Ang darak ay
ihihiwalay sa nabayong palay. Ang ‘upok’ ay isasantabi
bilang pagkain ng mga baboy. Ang bigas na gagamitin para
sa ‘bakle’ ay itatabi sa ‘kulbung’ kahalo ang ‘dayakot’.
Ang dayakot ay ibababad sa tubig nang ilang oras pagkata-
pos ay babayuhin upang maging pinong harina. Ang harina
ay gagawing masa. Kapag mayroon nang ‘lungi’ hinahalo
ito, binabalot sa dahon ng saging o anahaw saka pasisinga-
wan.

DUOM | /du.om/
Ito ay kakanin ng mga Kankaney, pangkat-
etniko sa Kordillera, na ang pangunahing sangkap ay ang
mga batang butil ng bigas na hindi pa handa para anihin.
Ang mga batang butil ay tinatanggalan ng ipa na ba-
hadyang piniprito sa kawali o silyasi. Matapos ay ba-
bayuhin gamit ang lusong at pambayo upang matanggal
ang sunog na butil. Ang mga butil na napulbos ay ihihiwa-
lay mula sa dumi gamit ang bilao. Handa na itong kainin at
lalagyan lang ng asukal para sa matamis na lasa.

11
‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’
‘ ’

12
INANDILA | /i.nan.di.la/
Mula sa lalawigan ng Kalinga sa baryo ng Naneng
sa lungsod ng Tabuk, kilala ang inandila. Katumbas ng
palitaw sa Luzon subalit sa Kalinga ito ay mas mahaba,
makapal at pinalitan ang niyog ng latik at dinurog na mani.
Halaw ang pangalan nito sa katangian nitong mala-
dila ang lapad at laki. Sa katanyagan nito ay ipinagdiriwang
ang piyesta ng inandila. Sa kasaysayan ng lungsod ng
Tabuk, malaki ang ginagampan ng inandila sa mga ritwal at
tradisyon ng mga katutubo.
Halimbawa na ang ritwal na ‘umapo’, ang pagbisita
ng unang anak ng mag-asawa sa kanilang lolo at lola, ang
panahon ng pagsira sa lupa upang tayuan ng bahay, kasal at
bodong o matiwasay na kasunduan sa pagitan ng mga tribo.
Dinadala ito bilang regalo sa tuwing bumibista sa mga na-
katatanda o mga maysakit.

LINAPET | /li.na.pet/
Sa Gueday, Besao Mountain Province, ang kalen-
daryo ng pagsasaka bawat taon ay nagsisimula kapag ang
silahis ng araw sa pagsikat ng araw mula sa bato ng tuktok
ng bundok at tuwirang tumatama sa dulo ng bato ng ato ng
nayon. Kapag nangyayari ito, ang punong tagapamahala o
chieftain ay umuupo sa bato at dinedeklara ang ‘Kasilapet’.
Ito ang hudyat ng pagsisimula ng bagong panahon na
ipinagdiriwang ang kasaganahan ng sinundang pag-aani
panibagong masaganang taon. Sa panahong ito, ang mga
taga-nayon ay nagdiriwang ng kapistahan at inihahanda ang
kanilang kakanin na ‘linapet’na ipinangalan kasunod ng
nasabing pagdiriwang.

13
‘ ’

‘ ’

‘ ’

14
SUNDOT KULANGOT | /sun.dot. ku.la.ngot/
Isa itong bersiyon ng Kalamay na mula naman sa
Baguio City. Sa artikulong isinulat ni Nicai De Guzman na
‘A Comprehensive Crash Course to Kakanin’ sa
peryodikong Esquire, ang pangalan ng kakanin ay literal na
nangangahulugan na ‘picked booger’ dahil sa lagkit nito.
Ito ay pinapatamis ng molasses na nagbibigay ng kulay di-
to. Ito ay binabalot sa pinatuyong sisidlan ng bunga ng
punong banaba o sa kalahating sisidlan ng bunga ng pitogo
– uri ng puno ng niyog saka muling binabalot sa pulang
papel de hapon. Tinuturing ito bilang pinakamaliit na uri ng
pagbabalot ng Kalamay. Binebenta ito ng bawat tungkos at
kadalasang nasa kawayan at itinatali gamit ang lubid.

UBE HALAYA | /u.be. ha.la.ya/


Mula sa Kastila na ‘jalea’ na nangangahulugang
‘jam’ o ‘minatamis’. Pangunahing sangkap ay ube na bina-
balatan at pinapakuluan matapos madurog o kayurin. Pag-
sasamahin ang gata, ube at kondensada sa isang kawali na
may mantikilya at hahaluin hanggang lumapot.
Kapag lumapot na ito ay papalamigin sa isang
bandehada. Hinahain ito nang malamig na may binubud-
bod na niyog sa ibabaw o nilalagyan ng kondensada.

15
‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’

16
Rehiyon 1 (Ilocos)
BINANGEY | /bi.na.ngey/
Nagmula sa salitang “nungey” ng wikang Pangala-
tok na nangangahulugang ‘lutuin sa kawayan’. Ito ay ka-
kanin sa Pangasinan na ibinababad ang malagkit na bigas
sa gata at pinapasingawan sa kawayan habang nakadarang
sa apoy. Matatagpuan ito sa bayan ng Alaminos lalo na sa
Brgy. San Jose, na sinasabing ang pinakamasasarap na
binangey ay doon ginagawa. Ito ay binebenta na meryenda
sa Bolinao at Anda lalo na sa piyesta ng binangey.

DEREMEN | /de.re.men/
Ang deremen ay may literal na kahulugan na
‘pinipig’. Nagmula rin ito sa probinsiya ng Pangasinan. Ku-
lay puti ito kapag tuluyang lumago at napagiling. Nagiging
itim ang kulay nito kapag niluto sa loob ng kawayan at ti-
nusta sa baga. Hinahanda ito tuwing Araw ng mga Santo at
Araw ng mga Patay.

INKIWAR | /in.ki.war/
Mula sa salitang ugat na ‘kiwar’ na nangan-
gahulugang ‘tuloy-tuloy na paghalo’. Ito ay bersiyon ng
mga Ilokano na puting biko. Niluluto ang malagkit na bigas
sa gata ng niyog at binubudburan ng latik sa ibabaw pagka-
luto.

INLUBI | /in.lu.bi/
Mula sa salitang ugat nito na ‘lubi’ na nangan-
gahulugang ‘tinali’ o ‘lubid’ na nakukuha sa pagpapatuyo
ng niyog. Hinango ang pangalan ng kakanin sa pamamagi-
tan ng pagbabalot nito na ginagamitan ng lubi matapos ma-
luto. Pangunahing sangkap ay deremen o bigas na hindi pa
tuluyang nahihinog na tinusta habang nasa loob ng ka-
wayan at dinadarang sa baga. Ito ang nagbibigay ng kulay
berde sa kakanin. Matatagpuan lamang ito sa Pangasinan.

17
“ ”
‘ ’

‘ ’

‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’

18
PALITAW | /pa.li.taw/
Nagmula sa salitang ‘litaw’ dahil sa katangian ni-
tong lumilitaw at lumulutang kapag naluto. Sentro ang Pan-
gasinan sa kakaning ito. Tinatawag rin na pepalto sa Pam-
panga at palutang sa ilang bahagi ng Cavite, lahat ay
nangangahulugang ‘to float’.
Sa Alfonso, Cavite, ispesyal na pagkain ang palu-
tang sapagkat hinahada tuwing Bagong Taon, Pasko, sa
ikaapat na araw matapos may mamatay at ika-siyam na ar-
aw matapos ang maysakit ay gumaling. Ang palitaw ay
tinuturing na suwerte dahil sa salitang ugat nitong ‘litaw’ o
‘to appear, to shine’.
Iniluluto ito gamit ang malagkit na bigas na hi-
nugasan, binabad at giniling para maging harina ar hinalo
sa gatas ng niyog at asukal upang makagawa ng ‘dough’.
Hinati ito sa maliliit na piraso at ihuhulog sa kumukulong
tubig. Kapag naluto, ito ay aangat. Hahanguin at bubud-
buran ng niyog at pagugulungin sa asukal at sesame seeds.

PUTONG CALASIAO | /pu.tong. ca.la.si.yaw/


Nagmula ang salitang ‘calasiao’ mula sa katutubong
salita na “Kalasian” na nangangahulugang “lugar kung saan
madalas tumatama ang kidlat” mula sa salitang ugat na
“lasi” na may kahulugang “kidlat”. Sa pagdating ng mga
Kastila, tinawag nila ang lugar bilang ‘Lugar de Rayos’ ,
literal na salin ng salitang Kalasian. Kilala ang kakanin na
ito sa Pangasinan.

PATUPAT | /pa.tu.pat/
Hango ito sa kakanin ng Malaysia at Indonesia na
‘kerupat’. Nagmula ito sa salitang ‘tumpat’ na nangan-
gahulugang ‘siksik’ dahil sa katangian nitong nasisiksik
ang kanin sa loob ng dahon ng niyog kapag naluto ito. Ito
ay kakaning nakabalot sa dahon ng niyog. Ang dahon ng
niyog ay hinahabi at maging maliit na kubiko kung saan
binubusan ng bigas at iniluluto sa kumukulong katas ng
tubo.

19
‘ ’


‘ ’ ‘

‘ ’

‘ ’
“ ” “
” “ ”
“ ”
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’

20
TINUBONG | /ti.nu.bong/
Bersiyon ng Kalamay sa Ilocos Sur. Ang salitang
‘tinubong’ ay nagmula sa salitang ‘tubong’ ang espasyo sa
loob ng kawayan. Nilalagyan ng dahon ng sago ang
kawayan upang maiwasan dumikit ang deko (malagkit na
kanin) habang idinadarang ito at unti-unting niluluto sa
mahinang apoy. Pangunahing sangkap ay malagkit na
bigas, gata, asukal at asin. Ginagamitan ng maiikling ka-
wayan sa pagluluto. Gumagamit ng bao ng niyog at dahon
ng saging bilang pantakip nito habang niluluto.

TUPIG | /tu.pig/
Mula sa salitang ugat ito na ‘dippig’ na nangan-
gahulugang ‘patag’. Nagmula ito sa probinsya ng Pan-
gasinan. Kilala din ang tupig bilang ‘intemtem’ at sa gaw-
ing hilaga ng Ilocos, tinatawag naman itong ‘kangkanen’.
Pangunahing sangkap ay malagkit na bigas, asukal at gata.
Hinahanda tuwing Araw ng mga Santo.

UNDAY-UNDAY | /un.day. un.day/


Ang ‘unday’ ay nangangahulugang ‘bilog’. Ito ay
bersiyon ng palitaw na sinasabawan ng latik. Kadalasang
hinahanda ito tuwing Mahal na Araw sa Pangasinan. Nila-
lako din ito bilang pasalubong sa mga dumadayo sa lugar.
Pangunahin nitong sangkap ay galapong, asukal, linga at
latik.

21
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’
‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’

22
Rehiyon 2 (Cagayan Valley)
BINALAY | /bi.na.lay/
Hango sa salitang ‘mabbalay’ ng Wikang Ibanag na
nangangahulugang ‘to solidify’ o ‘patigasin’. Iporma at
hanguin sa bagong anyo na mula sa minasang malagkit na
bigas ay bibigyang hugis bilang binalay.
Sa paghahanda nito, ang malagkit na bigas na bina-
bad nang buong magdamag ay pinapakuluan nang dala-
wang oras at nilalagyan ng panutsa sa ibabaw. Tumatagal
ito ng isang linggo bago mapanis. Tinatawag din itong den-
delot sa ilang bahagi ng Isabela at Cagayan. Hinahanda ito
tuwing Kuwaresma at ito lang ang kinakain ng mga Ibanag
dahil tinuturing nila ang binalay bilang katawan ni Kristo at
ang ‘laro’ o minatamis na niyog bilang dugo.

INATATA | /i.na.ta.ta/
Mula sa dalawang salita na ‘ina’ at ‘tata’ na tumutu-
koy sa tawag sa magulang. Ito ay sumasalamin sa paghi-
hirap ng mga magulang sa pagbalot ng nasabing kakanin.
Pangunahing sangkap ay malagkit na bigas, gata, asukal at
konting asin. Tinatali ito sa sampu na parang sinturon ng
mga bala na dikit-dikit. Matatagpuan ito sa lungsod ng Ilag-
an, Isabela.

PAWA | /pa.wa/
Nagmula sa salitang ugat na ‘pau’ ng Hokkien na
nangangahulugang ‘ibalot’ o ‘balutin’. Makikita ang ka-
kanin na ito sa Piat, Cagayan Valley. Ito ay kakaning bi-
nilog na may lamang buo o dinurog na mani sa loob saka
ito pauusukan para maluto.

23
‘ ’ ‘
’ ‘ ’

‘ ’

‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’

24
SUMAN MORIECOS | /su.man. mo.ri.ye.kos/
Ang ‘marueco’ ay nangangahulugang ‘moroccan’.
Ito ay inimbento ni Aling Francing Antonio-Recto, katutu-
bong Cabatuan ng Isabela na 25 taon na nilang ginagawa.
Nagsimula lamang ito bilang isang maliit na negosyo sa
likod bahay hanggang sa nakilala sa buong Isabela. Sinasa-
bing may kaugnayan ito sa Fort Morieco sa hilaga ng mga
isla ng Molucca na 1500 milya ang layo sa Halmahera.

SINABALU | /si.na.ba.lu/
Kakaning nagmula sa bayan ng Rizal sa Cagayan.
Ang sinabalu ay tumutukoy din sa ‘lutuin sa kawayan’. Ito
ang inihahanda tuwing Pasko na sumusukat ng 2 talampa-
kan hanggang isang metro ang haba, 2 o 3 pulgada ang laki
ng bilog noong 1930’s pa. Malagkit na bigas, gata at asukal
na niluluto sa kawayan at tinatakpan gamit ng dahon ng
saging sa dulo nito. Ang kawayan ay ay tinutusta sa ilalim
ng mga baga sa mababaw na hukay. Pinapares ito sa mainit
na tsokolate.

25
‘ ’ ‘ ’

‘ ’

26
Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
CARIOCA| /ka.ri.yo.ka/
Tinatawag na ‘tungi-tungi’ sa Kapampangan na
nangangahulugang ‘to skewer’ o ‘tuhugin’. Ito ay binilog
mula sa galapong at minatamis na niyog. Kadalasang
makikitang binebenta sa mga tabi ng kalsada.

GORGORIA | /gor.go.ri.ya/
Tinatawag ding ‘gugurya’ at ‘golloria’ sa Bataan.
Ang salitang gorgoria ay ginagamit para sa malawak na uri
ng mga nilulutong kakanin na gumagamit ng harina. Ito ay
ginagamit upang ilarawan at tukuyin ang dalawang uri ng
produkto sa Bataan -- ang biskwit at cookie. Isa itong uri ng
kakanin na maaaring itago ng ilang araw at hindi agad na-
sisira kumpara sa iba pang kakanin. Isa rin itong biskwit na
pangunahing sangkap ang harina, itlog at gatas.

INANGIT | /i.na.ngit/
Mula sa salitang-ugat na ‘angit’ ng Indo-Malay na
nangangahulugan ‘toasted’ o ‘tinusta’ at ‘cooked’ o
‘niluto’. Kinakain ito kasama ng sampelot o ginataang bilo-
bilo. Pangunahing sangkap ay malagkit na bigas, gata, asin,
at panlasang pandan. Matatagpuan ito sa Bulacan.

MOCHI | /mo.tsi/
Nagmula ito sa Pampanga. May mga sangkap na
malagkit na bigas, asukal, tubig at mantika na pinapala-
manan ng matatamis na munggo at nilalagyan ng gata ng
niyog sa ibabaw. Hugis daliri ang hitsura. Nagmula ito sa
Japan o sa mga Hapon na tinatawag ding ‘mochi’ at sa Ko-
rea na ‘tteok’. Walang eksaktong nakaaalam ang pinag-
mulan ng mochi subalit may pagkakahalintulad ito sa buchi
ng Tsina ngunit imbes na linga ay gata ng niyog ang ini-
lalagay sa ibabaw.

27
‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’

28
PASTILLAS DE ANGAT | /pas.til.yas. de. a.ngat/
Ipinangalan sa bayan ng Angat. Ang ‘angat’ sa Ta-
galog ay nangangahulugang ‘uplifted’ o ‘elevated’. Ang
pastillas de angat ay uri ng pastillas de leche , matamis at
maasukal ngunit ang pastillas de angat ay kakaiba dahil
hindi ito nababalutan ng asukal kumpara sa ibang bayan ng
Bulacan. Ang minatamis na ito ay hinahada sa mga ma-
laking plato at babasagin.

PATCU | /pat.ku/
Mula sa korapsiyon na salitang 'pasko'. Pangunah-
ing sangkap ay pinaghalong itlog at gata saka pinipirito.
Mabilis na binabaliktad ito upang hindi masunog. Matapos
maluto ay nilalagyan ng niyog sa ibabaw at nirorolyo saka
ito binabalot sa dahon ng saging upang kumapit ang amoy.
Matatagpuan lamang ito sa Sta. Rita at Guagua, Pampanga.
Iilan lang ang nakakaalam nito dahil sa iilan na lamang din
ang nagluluto.

PUTONG PULO | /pu.tong. pu.lo/


Kilalang kakanin sa bayan ng Valenzuela sa Bulac-
an na kilala noon bilang bayan ng ‘Polo’ noong 1920.
Pinangalanan ang kakanin sa bayan mismo ng Polo.
Pinangaralan ito ng Manuel Quezon Presidential Award
dahil sa kakaiba nitong lasa at tumatagal nang ilang araw
matapos mapabilang sa Manila Carnival noong 1931.
Pangunahing sangkap ay malagkit na kanin na pinausukan
at hinaluan ng achuete dahilan para magkaroon ito ng
pinaghalong pula at kayumanggang kulay. Ito ay nilalagyan
ng manipis na keso sa ibabaw.

29
‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’

30
SAPIN-SAPIN | /sa.pin. sa.pin/
Mula sa salitang ‘sapin’ hinango ang kakanin na
nangangahulugang ‘blanket’ sa Ingles. Ang sapin ay tumu-
tukoy sa bawat patong ng kakanin. Ayon sa tala ni Gilda
Cordero, na ang sapin-sapin ay inaangkin ng lahat ng
probinsiya sa Gitnang Luzon , isa na rito ang Nueve Ecija.
Ang bersiyon sa probinsiyang ito ay may anim o pitong pa-
tong, makrema at natutunaw agad sa bibig.

SUMAN BULAGTA | /su.man. bu.lag.ta/


Kilala rin bilang suman sa lihiya at bulagta naman
sa Gitnang Luzon. Ang ‘bulagta’ ay nangangahulugang
‘tumumba’, ‘lupasay’ o ‘nakatihaya’ sa Tagalog subalit si-
nasabing ang ‘bulagta’ ay nanggaling sa wikang Kapam-
pangansa probinsiya ng Pampanga. Pangunahing sangkap
ay malagkit na bigas at lihiya o sosa at hinugis ng parisukat
pagkatapos ay binalot sa dahon sa saging saka pinakuluan.

TAMALES | /ta.ma.les/
Nagsimula ang tamales sa MesoAmerica noon pang
8000 hanggang 5000 BC. Maaaring dinala ito mula Mexico
papuntang Sentral at North Amerika hanggang makapunta
sa Asya. Sinasabing nagmula ang tamales sa ‘tamal’ sa mga
katutubong wika sa Mesoamerica. Sa Pilipinas, ang ta-
males ay makikita sa Pampanga. Ito ay kakaning gamit ang
balat ng mais o dahon ng niyog.

TIBOK-TIBOK | /ti.bok. ti.bok/


Galing ito sa probinsiya ng Pampanga na pangunah-
ing sangkap ay gatas ng kalabaw. Ang ‘tibok’ ay literal na
nangangahulugan na “heartbeat” o pagtibok ng puso.
Tinawag itong tibok-tibok dahil sa tunog na nalilikha nito
kapag naluto na, ang mga bulang makikita sa ibabaw nito
na parang pulso ng tumitibok na puso. May pagkakahawig
ito sa maja blanca maliban sa gatas ng kalabaw na ginamit
at hindi gata ng niyog.

31
‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’

‘ ’

‘ ’
“ ”

32
Rehiyon 4-A (CALABARZON)
BAGETS | /ba.gets/
Ito ay pinangalan mula sa sikat na pelikula ng deka-
da ‘80s na ‘bagets’. Ito ay pinaghalong makapuno,
munggo, leche flan at ube. Matatagpuan sa Paete, Laguna.

BAGKAT | /bag.kat/
Lokal na termino para sa ‘matamis na bao’ ng La-
guna. Samantalang ang ‘binagkat’ ay pangkaraniwang gi-
nagamit sa mga probinsiya ng Tagalog.

BIBINGKOY | /bi.bing.koy/
Pinaghanguan ng kakanin na ito ay ang ‘tang yuan’,
may kaparehas na sangkap tulad ng sa palitaw at bilo-bilo
kung saan ang galapong ay hinalo sa tubig at binilog. Ang
pinag-ugatan nito ay matutukoy sa Fuijan, China, bilang
ang ‘tang yuan’ ay Hokkien na salita na nangangahulugang
‘maliliit na bilog sa sabaw’. Ang bibingkoy ay klasikong
paghango ng mga Chabacano sa ‘tang yuan’. Ang mga
pinatag na bilog ng galapong ay nakahanda na at nilalagyan
sa loob ng minasang munggo.
Ang mga pinatag na galapong ay nakasalansan sa
kaldero at niluluto tulad ng bibingka. Ito ay hinahanda na
may kasamang malagkit na sabaw ng gata na dinagdagan
ng piraso ng kamoteng kahoy, langka at bilo-bilo. Ang
sabaw ay lasang pandan na pinatamis ng panutsa.

BUDIN | /bu.din/
Ito ay lokal na terminolohiya para sa kamoteng
kahoy na ginawang kakanin o’cassava cake’. Matatagpuan
ito sa Calle Budin ng Tayabas, Quezon.

33
‘ ‘ ’

‘ ’
‘ ’

‘ ’

‘ ’
‘ ’
‘ ’

’ ’

34
ESPASOL | /es.pa.sol/
Matatagpuan ito sa Laguna. Pangunahing sangkap
ay malagkit na bigas o pinipig na tinusta hanggang maging
harina na pinalasa ng dayap, asukal, gatas ng niyog. Mata-
pos lutuin sa mahinang apoy, ihuhugis sa pinong parisukat
at ipapagulong sa galapong.

HIBOK-HIBOK | /hi.bok. hi.bok/


Tinawag na hibok-hibok dahil sa katangian nito ka-
pag naluluto. Mukhang bundok na parang bundok Hibok-
hibok at ang pagtibok ng bula nito sa ibabaw habang ku-
mukulo. Ito ay gawa sa munggo na binilog sa galapong.
Ang mga binilog na munggo sa galapong ay pagtat-
abihin sa malaking lanyera saka ito iluluto sa gata. Mata-
tagpuan ito sa Taytay, Rizal.
May pagkakahawig ito sa tibok-tibok ng Pampanga
tulad ng bula na nabubuo kapag kumukulo subalit ang
hibok-hibok ay gumagamit ng gata samantalang ang tibok-
tibok ay gatas ng kalabaw.

MACHE | /ma.tse/
Kilala ang Laguna sa kanilang mga kakanin na
pangunahing sangkap ang niyog subalit iilan lang ang pam-
ilyar sa kakanin na mache. Nagmula ang salitang ‘mache’
sa wikang Pranses na nangangahulugang ‘nguyain’ o ‘to
chew’.

35
‘ ’
‘ ’ ‘ ’

36
MINUKMOK | /mi.nuk.mok/
Mula ito sa ritwal na gumagawa ng “mukmok”, na
tinatawag na ‘mukmukan’ o ‘pagmumukmok’ na malaki
ang nagawa noon. Pangunahing sangkap ay dinurog din na
kamoteng kahoy na hinaluan ng gatas, asukal, mantikilya,
at baboy. Ginagawang laok at hinuhugis ng ibon, puso, at
iba pa. Ang mga modernong uri nito ay dinaragdagan ng
ginadgad na mani at keso.
Nagsisilbi itong istratehiya sa panliligaw noon sa
mga baryo. Ang mga kalalakihan ay pinaparamdam ang
kanilang intensiyon sa pamamagitan ng pagbabayo upang
ipanalo ang puso ng kanilang mga napag-iinteresahan na
kanilang iniibig. Ang sining ng panliligaw sa mukmukan ay
kadalasang nagbibihis bilang biruan.

NILUPAK | /ni.lu.pak/
Nagiging linupak o nilupac ang pagbaybay depende
sa lugar sa Batangas. Mula ito sa salitang ugat na ‘lupak’ na
nangangahulugang ‘durugin’ o ‘bayuhin’ ang pinaghan-
guan ng pangalan ng kakanin. Tradisyunal na ginagamit
ang lusong at pambayo upang dikdikin ang kamoteng
kahoy. Hinahaluan ng asukal, niyog at kondensada at man-
tikilya hanggang maabot ang lagkit na nais.

ONDE-ONDE | /on.de.on.de/
Isa itong baryasyon ng kakanin sa Indonesia ng
tinatawag ring ‘onde-onde’ o ‘klepon’. Pinapalamanan ng
katas ng pandan sa loob. Samantalang sa Cavite, ito naman
ay pinapalamanan sa loob ng panutsa. Umaangat din ito sa
kumukulong tubig kapag naluto.
Nangangahulugan na ‘saan’ ang onde-onde sa
Kastila at ‘alon’ sa bansang Turkey. Samantalang ang sa
wikang Malay ang onde-onde ay kabilang sa ‘kueh’, ka-
tumbas ng kakanin sa Pilipinas.

37
“ ”
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’
‘ ’

38
PILIPIT | /pi.li.pit/
Mula sa salitang Tagalog na “pilit’ na nangan-
gahulugang ‘strained’ o pinilit, na ‘binaluktot’. Tinatawag
ding ‘linubid’ at ‘pinisi’ na tumutukoy sa tali. Ang ka-
kaning ito ay binatay ang hitsura sa tali. Ito ay gawa sa
malagkit na bigas at nilublob sa kumukulong mantika at
papagulungin sa asukal na pula. Matatagpuan ito Lucban,
Quezon.

PITSI-PITSI | /pit.si. pit.si/


Mula Araucanian na ‘pichi’ na nangagahulugang
“small” na ginamit ng mga Amerikanong Espanyol noong
19th century.
Sinasabing nagmula ito sa probinsiya ng Quezon,
kilala sa kanilang Pahiyas Festival na idinaraos tuwing ika-
15 ng Mayo bilang pasasalamat kay San Isidro Labrador
para sa masaganang ani. Pangunahin nitong sangkap ay ka-
moteng kahoy sa Tagalog at balinghoy sa Hiligaynon. Ka-
pag pinasingawan, nagiging malagkit. Kapag naluto ay
binubudburan ng niyog o kaya ay keso.

PUTO SECO | /pu.to. se.co/


Nangangahulugan itong “dry puto”. Sa Espanyol,
ang ‘seco’ ay nanganguhulugang ‘dry’ o ‘tuyo’. Nagmula
ito sa Lucban, Quezon. Nakilala ito dahil sa kasing laki
lamang ng normal na kagat. Matigas sa labas ngunit natu-
tunaw agad sa dila kapag kinakain kaya hindi mahirap
nguyain. Pangunahing sangkap nito ay cornstarch at mo-
chiko flour.

39
“ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
“ ”

“ ”
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’

40
SUMAN ANTALA | /su.man. an.ta.la/
Ipinangalan ang suman sa paraan ng pagluluto nito.
Mula sa salitang ‘antala’ na nangangahulugang ‘delayed’ o
‘hindi pagtùloy’. Sa paghahanda nito ay hinahalo na ang
malagkit na harina ng bigas, gata at konting asin sa ma-
laking kawali. Hahaluin hanggang maging malapot subalit
hahanguin agad at hindi na tinatapos ang pagkaluto. Sa hi-
walay na kawali na sinapinan ng dahon ng saging ililipat
ang malagkit at muling paiinitin sa mahinang apoy. Nag-
mula ito sa San Mateo, Rizal.

SUMAN SA LIHIYA | /su.man. sa. li.hi.ya/


Tinatawag ding suman magkayakap, suman mag-
asawa at suman makapatanong. Ito ay dahil sa paraan ng
pagluluto nito kung saan itinatali ang suman na parang
magkayakap saka ito hinuhulog sa kumukulong tubig. Wala
itong lasa dahil kailangan kainin na may niyog o asukal.
Nagmula ito sa probinsiya ng Batangas.

TIKOY GUMACA | /ti.koy. gu.ma.ka/


Hango mula sa ‘tikoy’ ng Tsina na ‘sweet cakes’ na
binibigkas sa Mandarin bilang ‘tián guô’. Ang bersiyon ng
tikoy sa Pilipinas ay nagmula sa timog na baryasyon ng
Tsino tulad ng Hokkien na ang pagbigkas ay ‘ti (matamis)
+ kóe, kueh ‘(keyk na mula sa bigas)’. Samantalang ang
tikoy gumaca na mula sa Gumaca, Quezon Province ay bin-
abalot sa dahon ng anahaw at tinatali ang bawat dulo nito.
Kadalasan ay binabalot din sa papel de hapon bago binaba-
lot sa dahon ng anahaw.

41
‘ ’ ‘ ’
‘ ù ’

‘ ’ ‘ ’
‘ Á Ô’

ó ‘ ’

42
Rehiyon 4-B (MIMAROPA)
BIBINGKANG LALAKI | /bi.bing.kang. la.la.ki/
Sa tuwing tinatanong sa mga lokal na residente
bakit lalaki, pabiro ang pagsagot na ‘may itlog kasi’. Ang
bibingkang ito ay may itlog na pula sa ibabaw. Imbes na
pampaalsa ang ginagamit ay tuba ang nilalagay na nagbib-
igay ng malambot at mamasa-masa na katangian.

BIBINGKANG PINAHIRAN | /bi.bing.kang. pi.na.hi.ran/


Isa itong baryasyon ng bibingka na matatagpuan sa
bayan ng Boac, Marinduque. Nagmula ang pinahiran sa
salitang ugat na ‘pahid’ na nangangahulugang ‘lagyan ng
likido’. Pangunahing sangkap ay galapong, makapal at
minatamis na bao na ginagamit sa pagpapahid sa ibabaw
nito.

PANGANAN | /pa.nga.nan/
Pinangalanan ito pagkatapos sa katangian o hugis
nito. Ito ay may mala-daliri na hitsura. Pangunahin din ni-
tong sangkap ay harina ng uraro. Isa ito sa mga sikat na
pasalubong sa Boac, Marinduque na dinadayo ng mga tu-
rista habang pangkaraniwan na itong minandal ng mga Ma-
rinduqueños.

PASTILLAS | /pas.til.yas/
Nagmula ito sa salitang ‘pastel’ na isang uri ng ‘pie’
sa Espanya na ginamit ng mga taga Morocco na ‘bestila’ na
ginamit ng mga Pilipino bilang ‘pastillas’. Ang pastillas ng
Occidental Mindoro ay gumagamit ng gatas ng kalabaw
bilang pangunahing sangkap.

43
‘ ’

‘ ’ ‘

‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’

44
PIANONO | /pi.ya.no.no/
Mula sa salitang Espanyol na ‘pio nono’ na nangan-
gahulugang ‘pious nine’ na hango sa Spanish Swiss roll
cake. Ito ay bilang pagkilala kay Pope Pius IX. Ito ay
binubuo ng mga patong ng tinapay na pangunahing
sangkap ay itlog, asukal at harina. Kapag lumamig ay pina-
palaman pa ng iba at pinapagulong mula sa dulo.

TININTA |/ ti.nin.ta/
Mula sa salitang ugat na ‘tinta’ na tumutukoy sa
itim at lila na kulay ng bigas na ginamit sa paggawa ng ka-
kanin na ito. Hinahanda ito tuwing Pista ng Moriones sa
Marinduque.

Uraro | /u.r a.r o/


Ito ay biskwit na pinangalan pagkatapos ng halaman
na tinatawag ding ‘uraro’. Sa kabilang banda ay tinatawag
ng mga Marinduqueños na ‘arrowroot’ subalit binibigkas
nilang ‘arurut’. Ito ay inaabot ng sampung buwan bago
anihin o isang beses sa isang taon lamang ang anihan.
Inaabot nang matagal na proseso bago makuha ang harina
ng uraro. Ito ay madaling matunaw sa bibig tulad ng syl-
vanas sa Dumaguete. Pinakilala ito ng panaderya na ‘The
Rejano’s Bakery’ sa bayan ng Sta.Cruz sa Marinduque na
gumagawa na ng mga tinapay at biskwit mula noong 1946.

45
‘ ’
‘ ’

‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’ ’

46
Rehiyon 5 (Bicol)
BADUYA | /ba.du.ya/
Katumbas sa Tagalog ng ‘maruya’ na mga hiniwang
piraso ng saging saka binabad sa harina at pinirito. Mula ito
sa Naga, Bikol.

BINUTONG | /bi.nu.tong/
Mula sa salitang ugat na ‘butong’ ng Hiligaynon na
nangangahulugang ‘young coconut’ o ‘murang niyog’ na
hindi pa umaabot sa paghinog. Tinatawag ding ‘but-ong’.
Mula ito sa probinsiya ng Bikol. Pangunahing sangkap ay
malagkit na bigas at gata ng niyog.

KALINGKING | /ka.ling.king/
Pangunahing sangkap ay kamote. Tinawag itong
‘kalingking’ dahil sa mala-‘daliri’ na hitsura nito. Ito ay
ginadgad na kamote na pinagulong sa harina saka ito iprito
sa kumukulong mantika. Kinakain ito nang may asukal.
Nagmula ito sa probinsiya ng Bicol.

MAJA BLANCA | /ma.ha. blan.ka/


Nagmula sa salitang ‘manjar blanco’na may
kaugnayan sa iba pang kakanin sa Espanya tulad ng blanc-
mange. Nangangahulugan ang pangalan ng kakanin na
“white delicacy”.
Ang maja blanca ay kilala sa malagkit na katangian
nito na parang gelatin na may kremang kulay. Ang Maja
Blanca ay nangangahulugan ding “fair woman”.

47
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’

‘ ’
“ ”

“ ”

48
Rehiyon 6 (Kanlurang Visayas)

ALUPI | /a.lu.pi/
Mula sa salitang ugat na ‘lupi’ ng Bisaya sa Iloilo
na nangangahulugang ‘to fold’ o tupuin dahil sa paraan ng
paghahanda nito. Ito ay kakaning mula sa balingkoy o ka-
moteng kahoy na hinaluan ng gata at asukal saka binalot sa
dahon ng saging para pakuluan o pasingawan.

BAYE-BAYE | /ba.ye.ba.ye/
Kakaning nagmula sa Iloilo at Negros Occidental.
Nagmula sa salitang ‘bayoha’ na nangangahulugang ‘to
pound’ o ‘bayuhin’.Sinasabing nagmula ang pangalan nito
sa matagal na pagbabayo ng bagong aning palay na tinusta
at ginawang pinipig. Sinasabing matrabaho ang paggawa
nito dahil sa matagal na pagbayo ng palay at dalawang
beses na pagtusta at pagluto nito kaya puro lalaki lamang
ang gumagawa ng nasabing kakanin. Pangunahing sangkap
nito ay pinipig, kinayod na niyog at asukal. Hinahanda ito
tuwing Araw ng mga Patay na Tigkalalag o Kalag-kalag sa
wikang Hiligaynon.

HIMUGO | /hi.mu.go/
Mula sa isla ng Panay partikular na sa Antique, nag-
mula ang himugo. May pagkakahalintulad at kamukha ito
ng bukayo subalit hindi ito niluluto. Ginagawa ito sa pama-
magitan ng pagdidikdik at paghahalo ng murang niyog,
pinipig at asukal na muscovado gamit ang lanso. Ang mga
sangkap na ito ay dinidikdik nang magkasama hanggang sa
lumagkit ito. Saka ito hinuhulma at nilalagay sa dahon ng
saging. Sa ibang bersiyon ay gumagamit naman ng butil ng
mais.

49
‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’

50
PILIT TAPUL | /pi.lit. ta.pul/
Ito ay na kakanin na hinanda mula sa kulay lila na
malagkit na bigas. Sa Cebuano, ang ‘pilit’ ay nangan-
gahulugang ‘malagkit’ samantalang ang ‘tapul’ ay tumutu-
koy sa lila o ‘violet’. Ang ‘pilit’ ay lumang salita sa Pasipi-
ko—ito ay muling binigyang kahulugan ng Proto-Malayo-
Polynesian bilang ‘pilit’ na nangangahulugang ‘to stick’ o
‘dumikit’.

PINAGI | /pi.na.gi/
Mula sa salitang ugat na ‘pagi’ o ‘stingray’. Ang
paghahanda ng suman na ito sa Panay ay hinango mula sa
pagbabalot nito na nagreresulta sa hugis pagi na hayop.

PUTO LANSON | /pu.to. lan.son/


Kilala rin bilang putong taktak, aripahol at sinakol.
Mula sa pasingawan, mayroon itong mga lalagyan na
binubuhasan ng malagkit na bigas na hinaluan ng gata at
asukal. Sa proseso ng paghahanda hinango ang pangalan
dahil kailangan pang taktakin ang maliit na bandehada
upang malaglag ang kakanin. Nagmula ang kakanin na ito
sa lalawigan ng Iloilo.

SUMAN SA IBUS | /su.man. sa. i.bus/


Tumutukoy ang ibus sa ‘dahon ng niyog’ na gi-
nagamit sa pagbalot ng suman na matatagpuan sa Iloilo.
Tulad ng iba pang suman, pangunahing sangkap ay
malagkit na bigas, gata ng niyog, asukal at asin. Nagkaiba
lang sa paraan ng paghahanda sa lalagyan nito na gawa sa
ibus o dahon ng niyog. Nilalagyan ng luyang dilaw dahilan
para maging kulay dilaw ang suman.

51
‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’ —
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’

‘ ’ ‘ ’

‘ ’

52
YAMYAM | /yam.yam/
Mula sa salitang ‘igname’ mula sa Portuegese na
salitang ‘inhame’ o Kastilang ‘igname’ mula sa Kanlurang
Aprikano ‘to eat’ o ‘kainin’. At hanggang sa Malay ay ‘ubi’
na naging ube sa Pilipinas. Tinatawag na ‘yamyam’ ang
kamoteng kahoy na hinaluan ng iba pang sangkap.

53
‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’
‘ ’

54
Rehiyon 7 (Gitnang Visayas)
BADBARANAY | /bad.ba.ra.nay/
Nangangahulugan itong ‘to unravel’. Kilala rin ito
sa tawag na ‘pinawikan’. Ang badbaranay ay kakaning
hugis pawikan na makikita sa Cebu at Dumaguete. Bigas na
nilalagay sa loob ng lukay at saka pinapakuluan.

BINANGKAL | /bi.nang.kal/
Mula sa salitang ‘bangkal’ na lokal na katawagan sa
puno na Leichhardt tree Nauclea orientalis na namumunga
ng namumunga ng bulaklak at prutas. Ipinangalan dito ang
kakanin dahil sa paggaya sa bunga ng puno. Ang binangkal
na ito ay parang doughnut mula isla ng Cebu. Ito ay inulu-
lubog sa kumukulong mantika na pinagulong sa sesame
seeds. Kinakain ito kasama ng mainit na tsokolate at kape.

Budbod Kabog | /bud.bod. ka.bog/


Mula sa dalawang salita na bumubuo sa pangalan
ng kakanin, hinango ang kahulugan nito. Ang ‘budbod’ na
nangangahulugang ‘balutin’ o ‘binalot’ samantalang ang
‘kabug’ ay nagmula sa pangalan ng halaman ng dawa na
ang mga butil ay natagpuan sa kuweba ng Catmon,
Dumaguete ng Cebu. Mula sa isang kuwento ng mga mata-
tanda, sinasabing ang mga butil na ito na kinakain ng mga
paniki ay naisipan ng isang magsasaka na hindi ito nakala-
lason dahil kinakain ng mga paniki. Ito ay niluto ngunit wa-
lang lasa. Matapos niyon ay nag-eksperimento na bayuhin
muna ang mga butil ng dawa bago lutuin at nilagyan ng
asukal ay nagresulta sa masarap na lasa nito.

55
‘ ’
‘ ’

‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’

56
KALAMAY | /ka.la.may/
Ang salitang kalamay ay kasingkahulugan sa
Ilonggo ng ‘asukal’. Sa Cebu, ang kalamay ay tumutukoy
sa ‘matamis na bao’ na minsan ay tinatawag ding ‘kamay’
na lokal na termino para sa asukal. Ito ay pampatamis sa
suman, biko at bukayo sa Leyte. Ayon sa mga tala ito na ay
umiiral na mula noong panahon ng mga Espanyol. Noong
1877, ang kakanin na ito ay inilarawan bilang may iba’t
ibang berisyon ayon kay Felixberto Sta. Maria sa kanyang
libro na “The Governor-General Kitchen: Philippine Culi-
nary Vignettes and Period Recipes”.
Sa Ilocos at Pangasinan, ito ay ginagawa nang may
katas ng tuba at nakuha ang itsura ng binurong peras. Sa
Laguna, ito ay nilalagyan ng gata ng niyog at binebenta sa
kawayan. Kadalasan ay hinahain nang may ginadgad na
niyog. Kinakain ito sa loob ng bao ng niyog noon pang
1880’s sa Ilocos. Pangunahing sangkap ay galapong, gata
ng niyog at asukal.

KINASING | /ki.na.sing/
Kakaning hango sa hugis nito na sa salitang ugat na
‘kasing’ na nangangahulugang ‘turumpo’ dahil sa hugis
nito. Ito ay may nilutong kanin sa loob at matatagpuan sa
Cebu.

MASI | /ma.si/
Mula sa salitang ‘masimasima’ ng Sebwano na
nangangahulugang ‘manguya’. Ito ay mula sa galapong na
binilog na may mani sa loob, asukal at gata. Matatagpuan
ito sa Liloan, Cebu.

57
‘ ’ ‘ ’
‘ ’



‘ ’
‘ ’

‘ ’
‘ ’

58
PINTOS | /pin.tos/
Mula sa pinaikling ‘pinutos’ na nangangahulugang
‘to wrap’ o ‘ibalot’. Pangunahing sangkap ay ginadgad na
mais na ginawang harina, pampaalsa, asukal, mantikilya at
gatas na binabalot nang maliliit na parihaba sa balat ng
mais saka ito pasisingawan. Matatagpuan ito sa probinsiya
ng Cebu.

PUSU O PUSO | /pu.su/


Ang ‘pusu’ o ‘puso’ ay hango sa Bisaya, na tumutu-
koy sa ‘bunga’ o ‘bulak’, na nangangahulugang prutas o
bulaklak. Tulad ng bulaklak ng saging na mas kilala bilang
puso ng saging ay nakahiwalay sa mismong puno nito.
Ang pusu ay sumisimbolo para sa paniniwala ng mga sug-
bu-anon sa pagbubuntis at panganganak. Ito ay may lamang
pinakuluang bigas na ginagamit bilang alay sa mga diyos
para sa magandang ani na tinatawag na ‘hikayan’ at pag-
aalis ng sapi o pagpapagaling sa maysakit na tinatawag na
‘yamyam’.

PUTO BULI | /pu.to. bu.li/


Mula sa punong “buri’ hinango ang pangalan ng
kakanin. Sa buri nagmumula ang unaw na ginagamit bilang
malagkit. Tinatawa na ‘nabuli’ ang tradisyunal na pagkanta
habang niluluto ang puto buli. Ito ay dahil pinapaniwalaan
ng mga Sebwano na mas sumasarap ang puto buli kapag
kinakantahan. Mula ito sa Cebu.

59
‘ ’ ‘
’ ‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’

“ ’
‘ ’

60
PUTO MAYA | /pu.to ma.ya/
Nanggaling ang kakanin na ito sa probinsiya ng Ce-
bu at Bohol. Pangunahing sangkap nito ay malagkit na
kanin na pinakuluan sa gata ng niyog. Matatagpuan ang
mga ito sa palengke ng Dumaguete na tinatawag na
‘bangkerohan’ na inihahain at binebenta sa maliit na plato
na nakabalot sa dahon ng saging. May katangian itong mas
malapit sa biko kaysa sa puto. Dahil dito, ginamit ang puto
maya bilang metapora, ‘gaya-gaya puto maya’ na nangan-
gahulugang ‘kopyahin ang isang tao o bagay ngunit hindi
lubos na magagaya’. Katulad ng proseso ng pagluluto ng
puto maya na niluluto ito tulad ng karaniwang puto subalit
mas hawig sa biko ang kinalalabasan.
Sa Malaysia, ay mayroong ‘puto mayam’, isa ring
pinaghanguan mula sa orihinal na puto maya. Ito ay nag-
mula sa mga Tamils, mga nakatira sa Timog India at ilang
bahagi ng Sri Lanka.

SUMAN TIKTIK | /su.man tik.tik/


Mula sa wikang Bisaya, ang ‘tiktik’ ay ang lokal na
terminolohiya para sa ‘corn flour’ o harinang nagmula sa
giniling na mais. Nagmula ito sa Cebu.

TRES MARIAS | /tres. ma.ri.yas/


Nagmula ang pangalan nito sa Kastila na “three
Marys”. Mayroong tatlong masà na pinagsama-sama sa
Tres Marias. Una ang dawa, pangalawa ay galapong na
may tsokolate at pangatlo ay karaniwang kanin. Nagmula
ito sa Dumaguete.

61
‘ ’

‘ ’ ‘

‘ ’

‘ ’
‘ ’


” à

62
Rehiyon 8 (Silangang Visayas)

BALISUNGSONG | /ba.li.sung.song/
Pinangalan ang kakanin sa hugis nito. Ang
‘balisungsong’ ng mga Bicolano ay nangangahulugang
‘cone’ at ‘funnel’ o ‘apa’ sa Tagalog. Pangunahing
sangkap ay galapong, gata, niyog at asukal. Nagmula ito sa
Bikol at Sorsogon.

BINAGOL | /bi.na.gol/
Hinango mula sa ‘bagol’ na salitang Waray na
nangangahulugang ‘coconut shell’. Ito ang ginagamit na
lalagyan matapos maluto ng binagol. Pangunahing sangkap
ay malagkit na kanin, talyan, at mani. May pagkakahawig
ito sa kalamay subalit talyan ang pangunahing sangkap na
nagmula sa isla ng Leyte at Samar.

SALUKARA | /sa.lu.ka.ra/
Pangunahing sangkap ay giniling na bigas, niyog at
asukal. Piniprito ito para maluto. Kaya nitong tumagal na
limang araw bago masira. Mula ito sa Samar.

SUMAN MORON | /su.man. mo.ron/


Ang ‘moron’ ay mula sa sa wikang Waray na tumu-
tukoy sa tsokolate na ginamit sa galapong. Pangunahing
sangkap ay malagkit na bigas, gata, ebaporada, gatas, vanil-
la at tsokolate. Kaiba sa ibang suman, kilala ang moron sa
tsokolate nitong lasa. Ang pinaghalo-halong sangkap nito
ay lumilikha ng tamang timpla upang madaling matunaw sa
bibig. Matatagpuan ito sa Tacloban, Leyte.

63
‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’

‘ ’

64
Rehiyon 9
(Zamboanga Peninsula)

LUKOT-LUKOT | /lu.kot. lu.kot/


Mula sa salitang ‘lokot’ ng Hiligaynon na nangan-
gahulugang ‘to roll up’ o ‘irolyo’. Pangunahing sangkap ay
bigas na ilang beses binabayo upang maging pino at mag-
ing pulbos. Hinahalo ang kaunting tubig at asukal hang-
gang maging malagkit. Nililipat sa isang pansala na tina-
tawag na ‘ulayan’ na may maliliit ng butas saka inirorolyo
gamit ang dalawang kutsara na yari sa kahoy na tinatawag
na ‘gagawi’. Matatagpuan ito sa Zamboanga.

65
‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’

66
Rehiyon 10 (Hilagang Mindanao)

BINAKI | /bi.na.ki/
Mula sa wikang Sebwano nangangahulugan ang
‘binaki’ ng ‘wrapped in a pouch’ o ‘binalot sa isang la-
lagyan’. Mula ito sa salitang ‘baki-baki’ na nangan-
gahulugang ‘pouch made of leaves’ o ‘lalagyan na yari sa
dahon’. Ang binaki ay pinasingawan na kakanin na
pangunahing sangkap ay harina na mula sa giniling na
mais, hinaluan ng gatas, mantikilya, pampaalsa, puti o pu-
lang asukal saka ito ilalagay nang pahaba sa balat ng mais
at pasisingawan. Matatagpuan ito sa probinsiya ng Bukid-
non.

TINAMBIRAN | /ti.nam.bi.ran/
Mula sa salitang ‘tambid’ na nangangahulugang ‘to
lay something across something else’ at ‘ambihas’ na
nangangahulugang ‘two things face to face but one slightly
behind or to the side’. Ito ay may pagkakahawig sa suman
moron ngunit bigas na kulay lila ang gamit bilang sangkap
na binabalot sa dahon ng saging. Inimbento ito ni Dionesia
‘Nene’ dela Peña ng Misamis Oriental na kanyang bineben-
ta sa lungsod ng Oroquieta.
Sa Biliran, Leyte, ang tinambiran ay pinapalamanan
ng mangga o langka habang pinalasa ng tsokolate at binalot
sa dahon ng anahaw.

67
rehiyon 10 (hilagaN mindanW)

‘ ’
‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘
’ ‘ ’

‘ ’ ‘
’ ‘ ’

‘ ’

68
Rehiyon 11 (Davao)

BARUBED | /ba.ru.bed/
Ito ay tamale na gawa sa bigas ng Kanlurang Min-
danao sa wikang Maguindanaoan.

BARUBOD | /ba.ru.bod/
Mula sa wikang Maranaw na tumutukoy sa kulay
lila na malagkit na tinatawag na ‘tapul’ na binigyang lasa
ng durian.

PANGANAN SISING | /pa.nga.nan. si.sing/


Kakanin ito na mula sa probinsiya ng Zamboanga.
Pangunahing sangkap ay galapong, munggo, puting asukal
at mantika ng gulay o mais. Sa paggawa nito ay magkahi-
walay na binababad sa palanggana ang galapong at munggo
hanggang sa lumambot saka ito salain nang mabuti.
Bayuhin ang dalawa nang magkasama at ibilad. Ihalo ang
natitirang sangkap sa minasang galapong at munggo. Ihugis
ito tulad ng singsing at iprito hanggang maging kulay ginto.

69
‘ ’

70
Rehiyon 12
(SOCSKSARGEN)

LEBAK | /le.bak/
Katawagan para sa turon na malagkit sa Sultan
Kudarat. Pinangalanan ang kakanin na ito sa pinagmulang
bayan din na Lebak na nangangahulugang ‘mababaw’ dahil
ang gawing silangan ng nasabing bayan ay bundok saman-
talang ang kanlurang bahagi ay Dagat ng Celebes kung
kaya’t ang pagitan ng dalawa ay mababaw na parte ng
Lebak.

TINAGTAG | /ti.nag.tag/
Mula sa salitang-ugat na ‘tagtag’ na nangan-
gahulugang ‘to hit, beat or tap’ o ‘hampasin, paluin at tuk-
tukin’. Kilala ito sa mga Maguindanaoan. Pangunahing
sangkap ay giniling na bigas, asukal na hinalo sa kaunting
tubig. Kapag naging malagkit, ilalagay ito sa pangulayan
(pansala gamit ang bao ng niyog). Ang masa ay dadaan sa
maliliit na butas na lalabas bilang mahahabang hibla na
diretsong mahuhulog sa kawaling may mantika. Ang
pangulayan ay dinuduyan nang paikot upang ang mga hibla
ay makabubuo ng hugis lambat sa kawali. Ang mga nahu-
log na hibla ay mabilis maluluto hanggang maging kulay
ginto at maging malutong.
Bago ito lutuin, humihingi muna ng pahintulot ang
mga Maguindanaon kay Allah. Hinahanda ito tuwing pista,
kasal o Ramadan. Isinasagawa ang pagluluto nitong habang
sinasabayan ng palo ng balabad (drumstick) at dabakan
(drum).

71
‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘

72
Rehiyon 13 (CARAGA)

BUDBUD HINAMBID | /bud.bud. hi.nam.bid/


Nangangahulugang ‘crossing’ sa Butuan o
pagpatong ng hita sa isa pang hita ang ‘hinampid’ na
hinantulad sa paggawa ng kakanin na ito dahil sa paraan ng
pagpilipit ng masà.

NILAMBIRAN | /ni.lam.bi.ran/
Nangangahulugang ‘intertwined’ o ‘pulupot’ na
may kaparehas na konsepto ng hinambid na pinupulupot o
pinipilit ang puting masà at ang lilang masà na may gata at
asukal. Ang dalawang masà ay niluluto nang hiwalay saka
hinahabi nang magkasama at binabalot sa dahon ng saging
upang tuluyang maluto. Matatagpuan ang kakaning ito sa
Butuan.

PALAGSING | /pa.lag.sing/
Isang bersiyon ng suman ngunit pangunahing
sangkap ay mula sa gawgaw ng puno ng saksak na hinalo
sa gata at asukal na pula. Kinakain ito nang may kasamang
tsokolate o kape. Matatagpuan ito sa Butuan.

SAYONGSONG | /sa.yong.song/
Mula ito sa probinsiya ng Surigao na binabalot sa
dahon ng saging na may pagkakahawig sa balisungsong at
puto. Hugis triangulo ito na pangunahing sangkap ay gala-
pong, asukal na pula, kalamansi juice, tinustang mani, at
gata. May mga nagsasabing kalasa nito ang puto ngunit
may halong gata.

73
‘ ’
‘ ’
à

‘ ’ ‘ ’
à à
à

74
Autonomous Region of Muslim
Mindanao (ARMM)

BALOLON | /ba.lo.lon/
Parang lumpia ang hitsura subalit ang laman ay hin-
di toge kundi niyog at muscovado.

BANGBANG PASUNG | /ban.bang. pa.sung/


Kakaning hugis apa mula sa harina, galapong, at
minsan ay ginagamitan din ng kamoteng kahoy. Ang bang-
bang ay halos matatagpuan sa mga sa bayan ng Jolo at iba
pang lugar kung saan nakatira ang mga Tausug. Maaga rin
itong itinitinda sa mga komunidad ng mga Tausug. May
pagkakahawig ang pangalan ng kakanin na ito sa Malaysia
na ‘Kuih tepung pasung’ subalit ang kakanin na ito sa Ma-
laysia ay may halong gata samantalang ang pasung ng Tau-
sug ay wala.
Ang ‘pasung’ ng mga Tausug ay nangangahulugang
‘to handcuff’, ‘stocks’, ‘ shackles’ at ‘fetters’. Ang pasung
ay nakuha sa kakayahan ng patpat na ginagamit sa paggawa
ng kakanin na ito kung saan ay ginagamit upang tahiin o
pagkabitin ang dulo ng hugis apa na dahon ng saging.

BIYAMBOGAN | /bi.yam.bo.gan/
Niluluto ang aroan at binabalot sa dahon ng saging,
nilalagay sa carajay na may abo at paiinitin sa katamta-
mang apoy.

BROA | /bro.a/
Ito ay tinatawag ding ‘ladyfinger’ o ‘sponge bis-
cuit’. Sa Lanao del Sur, ito ay malambot ngunit siksik na
madaling makagat at hindi malutong. Hinahanda kasama ng
tsokolate o kape.

75

‘ ’ ‘
’ ‘ ’ ‘ ’ ‘ ’

‘ ’ ‘

76
DALOG | /da.log/
Pinakuluan na gabi at minatamis sa gata ng niyog.
Kadalasang hinahanda kasama ng tapioca o ube.

DODOL | /do.dol/
Isa itong Indo-Malay na salita. Sa wikang Malay ito
ay nangangahulugang “confectionary” sa Ingles at “kendi o
minatamis” sa Filipino. Isa itong tradisyunal na kakanin ng
mga Maranaw. Kadalasang inihahanda tuwing Iftar ng
Ramadan. Pangunahing sangkap ay durian na niluto sa ga-
tas ng niyog at hinaluan ng asukal na pula. Kadalasang
nakabalot sa dahon ng saging at makulay na cellophane.
Inihahain ang dodol bilang simbolo ng karangyaan.

KUNING | /ku.ning/
Nagmula ito sa wikang Malay na may kahulugang
‘yellow’o ‘dilaw’ kung kaya’t kadalasang isinasalin na
‘dilaw na kanin’ ngunit minsan ay ‘turmeric rice’ o ‘kaning
may luyang dilaw’. Ito ay kaning iniluto sa luyang dilaw na
pinalasa ng asin, dahon ng laurel, at mantika. Pagkain ito
ng mga Maranaw sa Lungsod ng Marawi, probinsiya ng
Lanao.

LOKATIS | /lo.ka.tis/
Ito ay parang pretzel o doughnut ang hitsura. Ito ay
minatamis na tsokolate ang lasa. Nakuha ang pangalan nito
matapos makita ng mga Amerikano napahiyaw ng ‘Look at
this!’ na kahit ang mga dayuhan ay hindi alam kung ano
ito.

77
“ ” “

‘ ’ ‘ ’ ’ ‘
’ ‘ ’ ‘


78
PABOROT | /pa.bo.rot/
Nangangahulugan ang ‘paborot’ ng ‘to blow up’ o
‘lumobo’ sa Bisaya. Ito ay dahil sa katangian na palobo ang
hitsura ngunit ito ay minatamis na mula sa galapong na bi-
nilog at pinirito sa maraming mantika. Ito ay pinakinang sa
asukal. Matatagpuan sa Lanao del Sur.

PAKBOL | /pak.bol/
Ito ay saging na binalot sa minasang kamoteng
kahoy.

PANGGI-PANGGI | /pang.gi. pang.gi/


Ito ay uri ng minatamis ng mga Tausug. Tinatawag
din nila itong ‘ligut-ligut’. Ang ‘ligut’ ay nangan-
gahulugang ‘rotation’, ‘whirl’, o ‘revolution’. Ito ay sa ka-
dahilanang sa paggawa nito ay kailangan ipaikot ang masa
na mukhang numero otso ‘8’. Ang ‘panggi’ naman ay
nangangahulugang ‘kamoteng kahoy’ o ‘tapioca’. Sinasa-
bayan ito ng kape o tsokolate.
Kadalasan itong hinahanda sa bawat okasyon ng
mga Tausug. Saa gabi ng ‘Pagjaga-jaga’ o sa gabi ng
okasyon, ito ay hinahanda sa mga dumadalo.

PIYOLES | /pi.yo.les/
Nililinis ang aroan, nilalagyan ng palapa sa loob at
kinikiskis mabuti. Binabalutan ng apat hanggang limang
beses ng dahon ng saging. Binabaon sa abo ng katutubong
lutuan at gumagawa ng apoy sa ilalim nito. Kapag naluto
ay alisin saka ihain. Ito ay kakanin ng mga Maranao.

79
‘ ’ ‘ ’
‘ ’

‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ‘ ’
‘ ’ ‘ ’ ‘
’ ‘ ’

‘ ’

80
TAMOKONSI | /ta.mo.kon.si/
Ito ay malambot na parang pugita ang hitsura. Hini-
hila at hinuhugis na parang pretzel. Pangunahing sangkap
ay harina mula sa bigas.

TAPAY A BANGGALA | /ta.pay. a. bang.gala/


Ang ‘banggala’ ay lokal na termino para sa ka-
moteng kahoy samantalang ang ‘tapay’ ay katumbas ng
‘suman’ sa tagalog. Ang dinurog na kamoteng kahoy ay
hinalo sa gata ng niyog at pinatamis ng asukal. Ito ay mi-
nasa sa maliliit na piraso at binalot sa dahon ng saging saka
pinasingawan.

TIOMPE A BANGGALA | /ti.yom.pe. a. bang.ga.la/


Ang ‘banggala’ ay lokal na termino para sa ka-
moteng kahoy samantalang ang ‘tiompe’ ay tumutukoy sa
‘hotcake’ o piniritong harina. Sa kabuuan ay pinulbos ang
kamoteng kahoy at ginawang masa na hinaluan ng
maraming mantikilya saka ito pinirito.

TIYAKOBONG | /ti.ya.ko.bong/
Ang tiyakobong na may aroan ay hinahanda kasama
ng palapa.Upang maluto nang mabuti, pinapatuyo sa araw o
sa ginatungan na baga.

81
‘ ’
‘ ’ ‘ ’

‘ ’
‘ ’ ‘ ’

82
WADJIT | /wad.jit/
Tinatawag din itong ‘hiyuwal’. Nakuha ang pan-
galan ng kakanin na ito sa paraan ng paghahalo nito sa ka-
wali gamit ang malaking sandok. May ilang paniniwala ang
mga Tausug na hindi ito puwede kainin ng mga batang hin-
di pa nakakapagsalita Sa kadahilanang napagbubuhol nito
ang dila ng bata. May paniniwala na kapag ang bata ay hin-
di nakapagsasalita nang maayos ay maaaring nakakain ito
ng wadjit.
Itim ang pangkaraniwang kulay ng wadjit dahil sa
itim na malagkit na ginagamit subalit may iilan na
gumagamit ng putting malagkit na bigas saka ito lalagyan
ng pampakulay. Maaaring ihanda ang wadjit ng hindi na
binabalot sa dahon ng saging. Karamihan sa mga wadjit na
binebenta sa bayan ng Sandakan ay nilalagay lang ito sa
bandeha. Hinahati ito ayon sa halaga ng kakanin. May mga
wadjit na binebenta rin na nakabalot sa dahon ng saging.

83
‘ ’

84
SANGGUNIAN:

Claudio, V. S. (1977). Dictionary of Foods. Maynila:


G.M.S Publishing Corporation.
Doreen G. Fernandez, E. A. (1988). Sarap: Essays on Phil-
ippine Food. Maynila: Hiyas Press.
Ingel, M. (2002). The Iloko. In Katutubo Series: Profiles of
Philippine Cultural Communities. National Center
for Culture and the Arts.
Juan, A. C. (2009). Aklanon of Panay`. In Monograph De-
velopment Project. Maynila: National Center for
Culture and the Arts.
Limikid, B. (2002). Mansaka. Maynila: National Center for
Culture and the Arts.
Maria, F. P. (2006). The Governor- General's Kitchen. In
Philippine Vignettes and Period Recipes. Pasig:
Anvil Publishing.
Mayor, O. o. (2005). Tanauan: A City of Charms and Char-
acter. Tanauan : Community Affairs Division.
Translation, F. I. (2015). Sagisag Kultura 3: Kultura at
Edukasyon. Maynila`: National Center for Culture
and the Arts.

85
Nagtapos si MJ Rafal ng Bachelor of
Arts in History sa Polytechnic University of
the Philippines. Nakapagturo ng mga asigna-
tura sa Filipino at Kasaysayan sa iba't ibang
unibersidad sa Pilipinas kasama na ang Pa-
mantasang Lungsod ng Maynila at Philip-
pine Normal University. Kasalukuyan si-
yang instruktor sa PUP at volunteer staff sa
Center for Creative Writing ng nabanggit na
unibersidad. Miyembro siya ng Kilometer
64 Writers Collective.

86
Si Angelique Fiedalan ay nagtamo ng
karangalang Cum Laude sa kursong Batsi-
lyer ng Artes sa Filipinolohiya noong 2016
sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Translator at Proofreader sa WS Pacific Pub-
lications Inc. mula Hulyo hanggang Setyem-
bre 2016.Nagturo sa STI College Makati
mula noong Abril 2016 hanggang Nobyem-
bre 2017 at kasalukuyang Proofreader sa pa-
hayagan ng Abante Tabloid. Siya rin ay nag-
susulat ng mga dyornal, balita at artikulo.

87

You might also like