10 – GENEROSITY 1. ANO NGA BA ANG WIKANG “IBANAG”? Ang wikang Ibanag ay hango sa salitang Bannag “ilog” na ang ibigsabihin ay “galing sa ilog” sa kadahilanang ang mga taong Ibanag ay naninirahan malapit sa ilog ng Cagayan. Ito ang itinuturing na pinakasosyal na wika ng Hilagang Cordillera na may kaugnayan sa iba pang lenggwahe sa Cagayan Valley: Gaddang, Itawis, Agta, Atta, Yogad, at Isneg. May iba’t ibang paraan kung paano bigkasin o gamitin ang Ibanag sa ibat ibang lugar tulad ng Isabela at Cagayan o sa parte ng Hilagang Silangang Rehiyon ng Pilipinas. Ang Ibanag sa Tuguegarao ang sinasabing pamantayang dayalekto ngunit, ang Ibanag sa hilagang Cagayan ang posibleng pinakamalapit sa sinaunang Ibanag dahil ang Cagayan ang orihinal na pinagmulan ng Ibanag. Sa Tuguegarao Ibanag naman maaaring nahaluan na ng Itawis. SaIsabela Ibanag naman, posibleng nahaluan ng Gaddang. 2. SINO – SINO ANG MGA GUMAGAMIT NG WIKANG ITO AT SINO ANG NAGPAKILALA NITO? Sinasabi na bago pa dumating ang mga Espanyol, Irraya ang wika sa Tugegarao. Ipinakilala ng mga Espanyol ang Ibanag sa bayan ng Lal-lo(ngayon ay Nueva Segovia) at ginawang lingua franca ng Hilagang Silangan Rehiyon ng Pilipinas. Ngunit napalitan ito nang ipinakilala ang Ilokano. Halos lahat ng tao na matatagpuan sa Isabela, Cagayan Valley, at Cagayan ang kadalasang gumagamit nito. Ayon sa 2005 UNSD (United Nations Statistics Division), tinatayang 277,000 ang gumagamit ng wikang ito.
3. KAILAN NAIPAKILALA ANG WIKANG ITO?
Nang dumating ang mga Espanyol, Irraya ang lenggwaheng ginagamit ng mga taga – Tuguegarao. Ngunit nang dumating sila, ipinakilala nila ang Ibanag sa mga tao ditto at ginawa itong lingua franca ng rehiyon ng Isabela at Cagayan. Noong Oct. 2012, mas binuhay pa ang wikang ito at isinama sa MTB (Mother-Tongue Based) Program upang maitur sa mga paaralan sa Pilipinas. 4. SAAN MATATAGPUAN ANG WIKANG ITO AT SAAN ITO NAGMULA? Ang wikang Ibanag ay kadalasang ginagamit o binibigkas sa lugar ng Isabela, Cagayan, at Cagayan Valley, partikular na sa Tuguegarao, Solana, Abulug, Cabagan, at Ilagan. Nagmula ito sa Isabela at Cagayan. Ngunit sinasabi na ang Ibanag sa Hilagang Cagayan ang orihinal o pinakamalapit sa sinaunang Ibanag dahil sa Hilagang Cagayan mismo nanggaling ang Ibanag.
5. PAANO BINIBIGKAS ANG LENGGWAHENG ITO AT
PAANO ITO SINUSULAT? Ang Ibanag sa Cauayan at Ilagan sa Isabela ay may madiin na punto samantala naman sa Tuguegarao ay tunog – Espanyol ngunit sa Hilagang Cagayan naman ay mas madiin ang punto. Ang Ibanag sa bayan ng Abulug, Aparri, Camalaniugan, Pamplona at Lallo, pinapalitan ang “p” sa “f”. Meron ding mga salita sa Ibanag ng Hilagang Cagayan ay may kaibahan sa Tuguegarao at Isabela. Mayroon din na, halimbawa ang salitang umay (pumunta) ay binibigkas bilang ume. May mga katinig din ditto na hind makikita sa ibang lenggwahe sa Pilipinas tulad ng “f”, “v”, at “z”. Sa makalumang pagsusulat, ginagamit ang mala-Espanyol o ang pagsulat ng /c/ o /qu/ para sa /k/. Ngunit mas makabago at ponetika na ang ginagamit at itinuturo ngayon katulad ng paraan ng pagsusulat ng Filipino, Bisaya at Ilokano. Tinaggal din ang mga tahimik na titik o “silent letters”. Ito ang nirekomenda ng DepEd’s MTB at Ibanag Heritage Foundation Inc. Halimbawa 1: Quiminac cami tab bavi – Kami ay kumain ng karne (Lumang pagsusulat) : Kiminak kami ta bavi – Kami ay kumain ng karne (Modernong pagsusulat)