You are on page 1of 2

Mahalagang Sangkap ng Maikling kuwento

1. Tauhan- ito ay isang mahalagang elento ng akdang pasalaysay tulad ng


maikling kwento, epiko parabola at pabula.
2. Tagpuan- ang tagouan ay tumutukoy sa lugar o pook, panahon at atmospera
(mood o emosyong bumabalot sa akda).
3. Banghay- tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa paksa.
3.1 Bahagi ng Banghay
 Panimulang Pangyayari- Ipinapakilala sa mga mambabasa
ang mga tauhan at tagpuan.
 Pataas na Anyo- sa bahaging ito tumitindi o tumataas ang
galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa sukdulan.
 Kasukdulan- Ipinapakita ang mataas na bahagi ng
kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari
sa buhay ng mga tauhan.
 Pababang Aksyon- ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting
pagbibigay linaw sa mga pangyayarisa akda.
 Wakas at katapusan- kinahihinatnan ng mga tauhan at ng
mga pangyayari sa akda ay inilalahad nto.
4. Tema- ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may akda sa
isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ay binibigyan ng layung makintal sa
isipang ng mga mambabasa.
5. Damdamin- isang sangkap na malaki ang bahagi sa pagbuo ng kintal sa
mambabasa, sapagkat ito ang tagakulay ng mga pangyayari sa loob ng isang
maikling katha. Maaaring ang mga tauhan ay kumikilos, nagsasalita at may
nilalayon ngunit hindi ito sapat upang magkatugon sa hinihingi ng sining.
Kailangan ang mga galaw, pangungusap at nilalayon ay magkaroon ng kulay o
damdamin.
6. Himig- ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandandaminng kuwento.
Maaring masaya ang kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at
maromansa.
7. Paningin- pananaw ng mga pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha.
Ito ay tumutukoy sa kung sino ang nakakakita a kung ano ang nilalaman ng
nakakakita.
Pangatling Panuhan- malayang nagsasalaysay ng mga panyayari sa kwento. Ang
nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng tauhan at sabihin kung
ano ang kanilang naiisip o nadarama.
Paningin sa Laguman- pagiging isa sa tauhan ng awtor sa tauhan
Panlahat na paningin- ang awtor ay maaaring mag palipat lipat ng tauhan. Siya
ngayon ang nakakabatid sa lahat ng pangyayari.
Mga salik ng Maikling Kwento
1. Kapanauhan- ang mga pangunahing tauhan ay isang pinakaugat ng maselang
pangyayaring inilahad.
2. Kaganyakan- pumupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa\
3. Kabanghayan- pagka sunod-sunod ng mga pangyayari
4. Suliranin o Tunggalian- tumutukoy ito sa paglalaban ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaarin tao laban sa kalikasan. Tao
laban sa sarili, tao laban sa tao, at tao laban sa lipunan.
5. Kasukdulan- ito ay ang pinakamataas at kapapanabik ng pangyayari na
nagaganap sa isang kuwento. Maaring lubos magtagumpay ang pangunahing
tauhansa kwento. Madalas itong nangyayari sa pinakaaabangan ng mga
mambabasa ng kwento.
6. Kakanyahan- ito ang istilo ng awtor
7. Kahimigan- ang damdaming ginagamit upang mapukaw at maikintak sa isipan
ng mambabasa.
Nakuha mula sa: https://www.scribd.com/presentation/446549768/Mahalagang-
Sangkap-ng-Maikling-Kwento

You might also like