You are on page 1of 3

Mga Makatuturang Teoryang Panlingguwistika

“Sa mataas o mababàng antas,” ayon kay G. Steiner, “bawat wika ay nagbibigay ng
sarili nitóng pagbása sa búhay.” (Steiner, 1975:473). Ang maliwanag na kamalayan ng
isang indibidwal ay hindi nagpapahintulot sa katahimikan na limitahan ang mga tanáwin
ng kaniyang karanasan at mawalang lahat iyon. Ang wika ay nagtatalâ at nagsasaayos
ng realidad; nagtatatag ng kapuwa kadali ang maunawaan at palítang kultural na
pagkakakilanlan.
Sa bagay na ito, ang pagkanaiibá ng tao ay isang mahalagang salik sa pagtatatag ng
mga hanggahan ng wika. Ang nukleong katulad na mga nagsasalitâ— na may iisang
wika na nagpapakilála sa kaniláng pagkakamag-anak at lokasyon—ay nagiging isang
komunidad kasáma ang lahat ng mga potensiyal na makalikha ng masalimuot na
estruktura ng interaksiyon, ng pagkakaunawaan at pagtugon ng mga tao. Ang
komunikasyon ay kailangang-kailangan sa balanse ng isang lipunan at sa pag-unlad ng
bawat isa sa lipunang ito. Ang wika aymatibay na pantukoy sa etnisidad ng isang
pangkat. Ang búhay ng pangkat bílang isang naiibáng grupo ay maaaring
makita, samakatwid, batay sa kakayaháng pangwika nitó na magbahagi at
magpanatili nang pagitna ang nakaimbak na mga karanasan at kaalaman. At ang
panitikan, na bumubuo sa gayong kolektibong mga karanasan ng realidad ang
pangunahing paraan sa pagpapalakas ng etnisidad. Ang panitikan ay hindi lámang
tugon ng tao sa hubog panlingguwistika kundi ito ay wika mismong nililikha sa
loob ng kontekstong panlipunan. Hanggang ngayon, ang ideá na ang panitikan at
ang wika ay organikong magkaugnay, na parehong pinalalawak o pinaliliit ang
kaniláng pag-iral ay siyáng inaakala. Tangi sa roon, ipinapaliwanag din na ang
panitikan ay wika, ang hulí ay nagbibigay ng nakalilikhang modelo ng realidad
na kasáma at naipapahayag sa una.
Sa pamamagitan ng paggámit ng kritikal na stylistics, ang tekstong Kapampangan ay
inaanalisa bílang ilustrasyon ng panitikan, sa aktuwalidad ay wika. Ang pagpapalagay ni
Fowler hinggil sa panitikan bílang wika, na may diin sa paggámit ng “pinakamayaman at
pinakaangkop na modelong panlingguwistika” ay totoong may kaugnayan sa pag-aaral
na ito. Sabi niya, Upang matugunan ang gawaing ito,ang modelong panlingguwistika ay
dapat magtaglay ng sumusunod na malawak na mga katangian. Kailangan itong
komprehensibo sa pagpapaliwanag sa kabuuang lawak ng dimensiyon ng estrukturang
panlingguwistika, partikular ang pragmatikong dimensiyon. Kailangan itong may
kakayaháng makapagtalâ ng mga tungkulin ng inilahad na konstruksiyong
panlingguwistika (tunay na teksto), partikular
ang nakahuhubog- ng kaisipang tungkulin (Halliday’s ‘ideational’). Kailangang kilalanin
nitó
ang batayang panlipunan ng pagkabuo ng mga kahulugan. (Halliday’s ‘social semiotic’
tingnan, Halliday, 1978 at Kress, 1976). (Fowler sa Weber, ed. 1996:199)
Sa gayon ding paraan, sinabi nina Hodge at Kress na “Ang kritikal na

56
lingguwistika ay isang teorya ng wika na may layuning magpaliwanag tungkol sa
pasalitâng wika bílang isang penomenong panlipunan . . . ” (Hodge at Kress,
1988:vii). Ang mga pakahulugang panlingguwistikang ito ay nagbibigay-diin sa

ideáng ang wika ay isang penomenong panlipunan at ang teksto ng wika ay nag-
iiwan ng mga intrinsikong nilalaman na ang mga puwersang panlipunan,

pampolitika, at pangkasaysayan ang nagpapasiya. Ang mga salik na ito na laging


itinuturing bílang “extra textual” ay malinaw na bahagi at kasáma ng mga teksto at
anyo ng diskurso sapagkat tinatakda ng mga ito ang pagpapadalisay ng estruktura at
nilalaman ng wika. Ito ang nagpapaliwanag sa kahalagahang nakaugnay dito at sa
katumpakan ng tinatawag na “ekstra-literaryo”—mga salik na humuhubog sa mga
tekstong pampanitikan. Ang panitikan, sa pinakamataas na lawak nitó ay nabubuo
bílang isang bahaging panlingguwistika na ang organikong kaisahán ay aktuwal na
nagsasáma ng nabanggit na mga sangkap na puwersa.
Ang isa pang argumento ay may kaugnayan sa korolaryong pagpapalagay,
gaya ng, ang tapós na teksto ay hindi umiiral sa hungkag na kapaligiran, ngunit
bílang wika, maaari namang magsilbi itong puwersang nakaaapekto sa mga
gumagamit. Sa ganoon, kahit ang panitikan ay hindi maituturing na isang
katauhang nakapag- iisa at walang pinapanigan o nanlilibang lámang na likhang
sining, kundi malakas na puwersang nagsisilbi sa mga tiyak na pangkat na
nakikinabang.
Natukoy ng isang tulang Kapampangan ang napiling pasalitâng sining,

pangunahing tungkulin ang pagiging matulain, bílang “mensaheng nagbibigay-


diin sa sarili, kumukuha ng atensiyon sa sarili nitóng balangkas ng tunog, diksiyon, at

palaugnayan. (Scholes,1974:26). Ang “Bangungot” (“Nightmare”) ni Jose Gallardo


ay ang tekstong tula na itinatanghal sa ilang dahilan. Isang bagay, isinulat iyon ng
isang makatang gumaganap bílang pangunahing hugpúngan sa panahon ng
maagang panitikang Kapampangan (mga 1900-bago magka-Digmaan) at ng
naglalahong kasalukuyang panitikang Kapampangan. Sa gayon, ang manunulat sa
pamamagitan ng kaniyang kakayahán sa paggámit ng wika ay inaasahang may
“isang uring ‘pragmatikong diksiyonaryo’ na ang komunikatibo at mahahalagang
mga anyong panlipunan ay inaasahang nakaimbak.” (Fowler sa Weber, ed.,
1996:202) Ito ay maaaring mangahulugan ng mahalagang interaksiyon sa kaniyang
teksto, mambabasá, at kultura. Sa ibá, ang teksto na itinuturing na makabago,
sapagkat “napag-eksperimentuhan ang anyo ng wika” (Thorn-borrow at Wareing,
1998) ay isang “sining pasalita” na gumagalugad sa kakayaháng pangkagamitan ng
wika. Nakatutuwa, ang kalagayang kultural ni Gallardo ay nagpapahintulot sa
kaniyang samantalahin ang mga kodigong gámit niya—partikular tungkol sa
paghahalo niya ng kodigo upang makalikha hindi lámang ng epekto ng estilo kundi
upang makalikha rin ng estimulong pananalita túngo sa anumang paggagamítan ng
wika, na nakatutok sa tagapakinig o mambabasáng Kapampangan na pinakagusto
niyang gisingin mula sa kultural na pagkakatulog.

You might also like