You are on page 1of 10

MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

KABANATA ANG KASAYSAYAN NG TULANG PILIPINO


1

• Nakapagsasaliksik kaugnay ng kasaysayan ng panulaang Filipino;


• Nababakas ang kasaysayan ng panulaang Filipino.
Layunin
• Naibabahagi ang mga nakalap na impormasyon ukol sa kasaysayn
ng panulaang Filipino

ANG KASAYSAYAN NG TULANG PILIPINO

A. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili


nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling
pamahalaan (sa kaniyang baranggay), may sariling batas,
pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na
ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang
nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan
ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de
las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa
Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng
pagsulat na tinatawag na alibata.

Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y
patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa
kaliwa, pakanan.

Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon
ng palaspas o balat ng punongkahoy at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng
matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang mga
katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng mga
mananakop na Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga diyablo.

Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating
panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong-


bayan,(b) kantahing- bayan (c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong.

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 1


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

Ayon kay Lumbera, bago pa man dumating ang mga Kastila sa mga baybayin ng
Pilipinas, ang sinaunang lipunan ay mayroon nang sariling panitikan. Ang tawag sa
panitikang ito ay panitikang oral.

Bakit itinuturing na panitikan ang panitikang oral?

ü Una, dahil dito nag-umpisa ang lahat.


ü Pangalawa, dahil ginagamitan ito ng wika.
ü Pangatlo, dahil may taglay itong kultural na gampanin sa pangkat ng tao.

Mga Katangian ng Panitikang Oral:

ü Ang panitikang oral ang may pinakamahabang kasaysayan sa panitikan ng


Pilipinas.
ü Ang panitikang oral ay naipapasa sa susunod na henerasyon sa
pamamagitan ng pagsasalindila.
ü Maaaring awitin ang panitikang katutubo upang mapabilis ang
memorisasyon
ü Ang pinakamatandang miyembro ng isang kolektibo ang nagtuturo sa mga
batang miyembro upang masaulo ang panitikang oral.
ü Siya ang itinuturing na pinakamatalino sa pangkat dahil sa angking talas ng
isip
ü Ang panitikang oral ay pinagmamay-arian ng kolektibo.
ü Sinasalamin ng panitikang oral ang pangaraw-araw na pamumuhay ng
ating mga ninuno.

Paglalahat:

• Ang panitikang oral ang sinaunang panitikan ng ating mga ninuno.

• Ang panitikang oral ay may mga katangian¡ na nagpapakita na ang ating


mga ninuno ay may mayaman ng kaban ng panitikan.

Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at


kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at
epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga
Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil
marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw
pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang
lengguwaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang
panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 2


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

B. PANAHON NG KASTILA

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri,


paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang
Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang
tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at
karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong pumirmi na ang mga
dayuhan sa ating bansa karamihan sa kanila'y mga
maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang
nasesermon kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguwaheng
Espanyol kaya madali nilang naipakalat ang Kristiyanismo at
ang kulturang Espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan
ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang-ayon
sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura,
baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa
kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod
din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na
madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo
ng mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang


panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at
pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang
mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mga
Tugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 3


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinakapopular na anyong tula


noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay
ng Panginoong Hesucristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang
buhay mula noong siya ay ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang
sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang
saknong:

O Diyos sa kalangitan

Hari ng Sangkalupaan

Mabait, lubhang maalam

At puno ng karunungan.

Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din ngunit ito'y nagsasalaysay
sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan
ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay
tinatawag na Flores de Mayo.

Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa romansa.
Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang
tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y
salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan
at walang sangkap na kababalaghan.

Sa kapanahunang ito marahil walang hihigit pa sa gawa ni Francisco


"Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na naglantad laban
sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang mga akda tulad ng Florante at
Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas
censura dahil nagbalatkayo sa mga kritikong Kastila.Ngunit sa mga totoong
mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at
pangalawa ang laban sa imperiyalismong Espanya.

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 4


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

Tulad nang nanabanggit na sa unahan, nang matuto ang mga misyonerong


Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga
panitikang naisulat n gating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang
palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang
ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Mahilig din silang
umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa
nang may angkop na awitin.

Ang Mga Makata ng Panahon

Ang unang mga makatang itinuring sa panahon ng pananakop at pagpapalaganap


ay ang mga paring misyonero. Sila ang mga unang natuto ng wikang Tagalog.

1.Padre Francisco Blancas de San Jose ( Ama ng Tipograpiya sa Pilipinas ) – Arte y


Reglas dela Lrngua Tagala 1610

2.Alonzo de Santa Ana – ( kumilala sa sukat at tugma ng tula ) -Explicacion dela Doctrina
Cristian en la Lengua Tagala

3.Pedro de Herrera – nakilala dahil sa dalit

4.Fernando Bagongbanta –tinawag na ladino

5.Tomas Pinpin –Ama ng L:imbagan – isa ring ladino

6.Pedro Suarez Osorio – unang makatang Tagalog- nakilala sa pagsulat ng dalit

7. Felipe de Jesus – ang nagpakita ng muling pagbabalik ng talinghaga sa panulaang


Tagalog

8.Francisco Bencuchillo – tinalakay ang iba’t ibang sukat at taludturan sa tulang Tagalog

Ang Mga Akdang Patula

1. Bugtong
2. Sabi o Kasabihan
3. Salawikain
4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan
5. Pasyon
6. Awit at Korido

Ang Mga Tulang Pandulaan

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 5


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

1.Karagatan
2. Duplo
3. Dalit
4. Juego de Prenda
5.Panubong o Pamutong

C. PANAHON NG AMERIKANO

Ang tula ay ginagawang paraan ng pagpapahayag at pagpapalutang ng


damdamin, papuri, paghanga, pakikipagtalo, pag-awit at pag-ibig. May apat na taglay ang
tula ayon kay Lope K. Santos:

1.tugma
2. kariktan
3. sukat
4. talinghaga

Nagsulat ng tula ang mga Pilipinong may hilig sa tula. Humabi ng tula sa halos
lahat ng larangan tulad ng liriko, pandulaan,pasalaysay at pangkalikasan.

Tulang Pangkalikasan

Makata Akda
Jose Corazon de Jesus Ang Bato
Lope K. Santos Ang Bundok
Amado V. Hernandez-Makata ng Ang Panahon
Manggagawa
Ildefonso Santos
Teodoro Gener

Tulang Pandamdamin/Liriko

1. Soneto

Makata Akda
Fernando B. Monleon Soneto ng Buhay

2. Elehiya

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 6


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

Makata Akda
Bienvenido A. Ramos Awit sa Isang Bangkay
Manuel Viray
Pedro Gatmaitan Tungkos ng Alaala
Ińigo Ed Regalado Laura
Lope K. Santos Puso at Diwa (aklat)
Julian Cruz Balmaceda Bukas at Ulila
Jose Corazon de Jesus Pagbabalik
Bienvenido Ramos
Carlos Gatmaitan

Tulang Pasalaysay

Makata Akda
Pedro Gatmaitan Kasal
Florentino Collantes Lumang Simbahan
Lope K. Santos-Ama ng Balarila Buhay Panggigera
Julian Cruz Balmaceda Naku! Ang Maynila!

Tulang Pandulaan

1. Balagtasan

Makata Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


Jose Corazon de Jesus (Huseng Paruparo (Hari ng Balagtasan) - Unang
Baute) Gantimpala
Florentino Collates (Kuntil Butil) Bubuyog - Ikalawang Gantimpla
Sofia Enriquez Kampupot
Lakandiwa Lakandiwa
Cresenciano C. Marquez Hari ng Balgtasan 1969
Pedro Gatmaitan Ikatlong Gantimpala

2. Batutian

Makata
Jose Corazon de Jesus (Huseng Parangal sa kanya
Baute)

3. Pagpuputong

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 7


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

MGA TULA NA MAGANDANG MAGING PAKSA NG TALAKAYAN SA KLASE

Makata Akda
Ildefonso Santos ( Ilaw Silangan ) Ang Guryon , Ang Mangingisda
Amado V. Hernandez Ang Bayani, Ang Panday, Ang Makina, Kalansay
Jose Corazon de Jesus Kahit Saan, Ang Bato
Lope K. Santos Pagtatapat
Cirio H. Panganiban Hiwaga ng Buhay
Teodoro Gener Ang Buhay
Florentino Collantes Pangaral sa Bagong Kasal

C. PANAHON NG HAPONES

Isang sangay ng panitikang Pilipino na naapektuhan ng kahirapan ng papel noong


panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito
ang napakaiksing tula na tinatawag na haiku isang tulang binubuo ng labimpitong pantig
na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawang
taludtod ay may pitong pantig at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig.

Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang tanaga na binubuo ng apat na taludtod
na may pitong pitong pantig ang bawat isang taludto, may sukat at may tugma.

Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog


na kaisipan, matiim na damdamin at di mapasusubaliang kariktan.

Binuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Ito’y maikli ring
katulad ng haiku .

Katangian ng Tula

1.maikli

2. namayani ang mga tulang may malayang taludturan; walang sukat kadalasa’y walang
tugma

3. marami ang gumagad sa haiku

4. nagtataglay ng talinghaga

Uri ng Tula

1.karaniwang anyo

2. malayang taludturan na pinakamarami ay haiku

3. tanaga

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 8


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

Mga Halimbawa ng Bawat Uri

1.Karaninwang Anyo

Ang mga tula ko’y huwag mong sunugin


Sila’y sugo lamang ng aking paggiliw
Kung ang nagkasala’y ang puso ko giliw
Puso ko ang iyong sunugin…durugin
-Alfredo esteban
Liwayway Pebrero 13, 1943

Umiibig ako at ang iniibig


Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit
-Teodoro Gener
Pag-ibig

2.Malayang Taludturan

Tula
Ako Ako’y ako

Pulot Pagnilisik
Ng pukyutan Na makinis at makintab
Dinalisay na bulaklak Pag nililo
Tamis akong dinalisay Hugis
Higing Huibog
Hmimig Gayumang
Ng matamis na tugtugin Luwalhating pandaigdig
Naglalambing Ako’y
Ako’y Hibla
Lambat Ng liwanag na makulay
Ng lumukot Maningning na sinag-tala
Ng malumay sa silahis Di magato
Hinhin Ng kahapo’y ngayo’t bukas
Yumi Pugtuin mo’y di mapugto
Ng damdaming talusaling Sa gawing at batang dopi
Sa ubod man

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 9


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 - PANULAANG FILIPINO

3. Haikku ni Gonzalo Flores

Tutubi

Hila mo’y tabak…


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.

Haraya
Ano man sa daigdig,
Maaaring magamit
Anomang nasaisip
Di-sukat maiipit.

Tag-init

Alipatong lumapag
Sa lupa nagkabitak
Sa kahoy nalugayak
Sa puso naglagablab

Mag-atas, R.U.. et al., (1994). Panitikang


Kayumanggi(Pangkolehiyo),Manila, 24K Printing Co.,Inc.

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-katutubo.html

http://denzholgado.weebly.com/uploads/2/2/6/0/22600822/ang
_kasaysayan_ng_panulaang_filipino.pdf

https://teksbok.blogspot.com/2011/06/kasaysayan-ng-tulang-
pilipino.html

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 10


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal

You might also like