You are on page 1of 7

MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

KABANATA 2:
KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS

Layunin:

a.) Nalalaman ang iba’t ibang yugto ng pagsasaling-wika sa Pilipinas.


b.) Natutukoy at naipapaliwanag sa batayang kaalaman ng pagsasalin
c.) Nalalaman ang iba’t ibang pagbabago sa kasaysayan ng
pagsasaling-wika sa Pilipinas.

UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN – Panahon ng Kastila


Ang pagsasaling-wika ng Pilipinas ay
masasabing nagsimulang magkaanyo noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila,
kaugnay ng pagpapalaganap ng
Kristyanismo. Kinakailangan ng mga
panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa iba
pang katutubong wika sa kapuluan ang mga
katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga
dasal at iba pa, sa ikadadali ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.

Kung maaalala natin na nadiskubre ni Magellan ang


ating kapuluan noong 1521, ngunit ang mismong
pananakop o kolonisasyon ng Espanya ay nagsimula ng
taong 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong
pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi,
kasama ang sundalong-pare na si Fr. Andres de Urdaneta.
Tatlong-daan at tatlong taon na naipasailalim sa
kapangyarihan ng bansang Espanya ang Pilipinas. Sa
mga panahong iyon ay pinairal ng mananakop ang
kanyang dalawang magkakawing na layunin: Ang
Kristiyanismo at Espanisasyon ng bansang Pilipinas.

PAHINA 17
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Subalit gaya ng nasasaad sa kasaysayan naging bantilawan o urong-sulong ang


naging sistema ang pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas. Narito ang ilang
kadahilanan ung bakit hindi naging tuloy-tuloy ang paglaganap ng wikang kastila sa
Pilipinas.

• Unang dahilan: Batay sa kanilang karanasan sa timog at Hilagang Amerika, higit


na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa pamamagitan
ng paggamit ng mga wika ng mga katutubo at dahil narin mas madali silang mag-
aral ng mga wika ng mga katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng
wikang Kastila.

• Ikalawang dahilan: Mas katanggap-tanggap sa katutubo ang marinig na ginagamit


ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos.

• Ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga kastila: May lihim silang
pangamba na baka kung matuto ang mga “indios” ng wikang Kastila ay maging
kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang politakal at
kalabanin sila.

Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ang


matuturing na unang yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-
wika.

Narito ang ilan sa mga salin sa tagalog ng mga


akdang pangrelihiyon na hinalaw ng awtor sa isang lathalain
na dating Surian ng Wikang Pambansa – Tagalog Periodical
Literature, Teodoro A. Agoncillo (nagtipon), Maynila:1953
(Pinanatili rito ni Agoncillo ang aktuwal na ginamit ng mga
awtor.)

1. Calderon, Sofronio C. “Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos” (saling halaw sa


mga akda ni Buffalo Bill; walang petsa)
2. Amezquita, Luis de Troy Predicador. “Catecismo na Pinaglaanan nang mga
Pangadyi at Maikling Casaysayan na Dapat Pag-aralan ng Taong Cristiano”
(mula sa “Catecismo…”; walang awtor).

PAHINA 18
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

3. Angeles, Roman de los. “Buhay ni Sta. Maria Magdelena” (salig patula mula sa
: Historia de un Martir de Golgota.” Maynila: Imprenta de Fajardo, 1907)
4. Benchuchillo, Francisco. “Caragliang Pagsasalita Nang Aral na Maganda ni
Sta. Rita de Casia” (mula sa “Sta. Ritade Casia” ni Fr. Benchuchillo)
5. Belen, Gaspar Aquino de. “Manga Panalanging Pagtagobilin sa Calolva nang
tavong naghihingal” (salin mula sa aklat ni Tomas Villacatin; Maynila: Imprenta
de la Compania de Jesus, 1760.)

Sa nabanggit na koleksyon ni Agoncillo ay 209 na lahat ang nakatalang “Religious


Works” na karamihan ay salin o adaptasyon mula sa mga manuskrito, pamphlet, aklat at
iba pa na orihinal na nasusulat sa wikang Kastila. Inamin niya sa kanyang “Introduction”
na ang koleksyon ay isang maliit na bahagi lamang na kabuuang dapat matipon.

Dito’y malalagom natin na ang naging tuon ng mga isinagawang pagsasalin noong
panahon ng Kastila ay tungkol sa mga materyales na panrelihiyon, kaugnay ng
pagpapalaganap ng Krisyanismo.

IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN - Panahon ng Amerikano

Nang pumalit ang Amerika sa España


bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na
rin, ang ginampanan ng pagsasaling-wika.
Kung ang naging isa sa pangunahing
kasangkapan ng pananakop ng mga kastila
ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng
Amerikano ay aklat o edukasyon sa
pamamagitan ng wikang Ingles. Ang mga
Pilipino ay napilitang pag-aralan ang
pagsasalita at pagsulat sa Ingles.

Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal


na nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa
wikang pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga
isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro na siyang pinakapopular na
libangan ng mga tao sapagkat wala pa noong sinehan o televisyon.
Mapapansin din ang dami ng mga salin sa iba’t ibang genre ng
panitikan sapagkat sa Panahon ng Amerikano nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang maramihan ang mga iyon mula sa
Kanluran.

Narito ang ilan sa mga salin na hinalaw din sa aklat ni Agoncillo:

PAHINA 19
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Maikling Nobela

• Dianzon, Leonardo A & Gerardo Chanco. “Ang Buhay ay Pag-ibig” (mula sa “


Vivir es Amar” ni Manuel Alfaro, sa Ang MITHI, Okt. 1917 - Mar. 1918).
• Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” (mula sa “ Lucha de Razas” nib radon,
sa TALIBA, 1912) .

Maikling Kwento
• Mariano, Patricio. “Mga Alamat” (mula sa “ El Filibusterismo” ni Jose P. Rizal.
MULING PAGSILANG, 1904).
• Rosario, Deogracias A. “Dafne at Apolo”, Alamat ng Laurel”, (mula sa “ A Book
of Fables ni Bulfinch. ANG DEMOGRACIA, Hunyo, 1913).

Tula
• Almanzor, Vicente. “Ang Aking Pahimakas” (mula sa “ Mi UltimoAdios” ni Jose
Rizal , ANG DEMOCRACIA, Hunyo 19,1911)
• Balmaseda, Julian C. “Ang Kalupi ng Sakristan” (mula sa “ Memorias de un
Sacristan” . TALIBA, Nobyembre 24, 1915)

Dula
• Balmaseda, Julian C. “Ang Hampas-Lupa” (mula sa iisahing tagpong “The
Vagabond” ni Jacinto Venavente. SAMPAGUITA, Disyembre8, 1925)
• Mariano, Patricio, “Rizal” ( mula sa4- na tagpong dula ni Juan Utor y Fernandez;
ipinalabas sa Rizal Theater, Disyembre 30, 1909)

Karamihan sa mga isinaling dula ay


itinanghal sa mga teatro. Noong mga
panahong iyon ay teatro ang siyang pinaka
popular na libangan ng mga tao sapagkat
wala pa noong mga sinehan at telebisyon.
Mapapansin din ang dami ng mga salin sa
iba’t ibang uri o genre ng mga panitikan
sapagkat sa panahon ng Americano
nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang
lansakan ang mga iyon mula sa Kanluran.

PAHINA 20
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Naging masigla noon ang pagsasalin sa wikang pambansa, lalo na ngmga akdang
klasika.
Anupat sa pagdaraan ng mga taon ay patuloy ang pagsasalin sa Filipino ng
karamihan ay mga materyales na mula sa Ingles - kalimutan ay papuntaputaki o
kanyakanya; kung minsan naman ay organisado.

IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN – Patakarang Bilingual

Sa ikatlong yugto ng kasiglahan ay


nakadiin sa pagsasalin sa Filipino ng
mga kagamitang pampagtuturong
nakasulat sa Ingles. Ang mga
kagamitang pampaaralan ay
tumutukoy sa mga aklat, patnubay,
sanggunian, gramatika at iba pa. Ito ay
nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal
sa ating sistema ng Edukasyon Department Order No. 52. series of 198, na nagsasaad
na “Ang Pambansang Wika sa bansa ay Filipino at kailangan itong pagyamanin at
pagyabungin batay sa mga umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika”. Higit na
marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles, nangangahulugan na lalong
pasiglahin ang pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nakasulat sa
Ingles.

Nangangahulugan, samakatuwid, na lalong dapat


pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang
pampagtuturong nasusulat sa Ingles at kung masusunod ang
rekomendasyon ng EDCOM (Educationa Commission). Filipino
na ang dapat na wikang panturo sa elementary at sekundarya
pagsapit ng taong 2000. At sapagkat ang karunungan ng bansa
at ng daigdig ay sa pamamagitan ng wikang Ingles pa higit na
natatamo, kinakailangan ang malawakang o lansakng pagsasalin
ng mga materyales at kagamitang pampagtuturo, kaalinsabay
pagsasalin ng mga materyales at kagamitang pampagtuturo, kaalinsabay ng
isinasagawang tuwirang pagsusulat sa Filipino ng mga manunulat ng mayroon nang
gayong kakayahan.

Narito ang ilang halimbawa:


• Almanzor, Teresita, ebal. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Ikaapat at Ikalimang
Bahagi ng A Programmed Introduction to Linguistics ni Cynthia D. Buchahan,"
PNC, 1971.
• Cailles, Isidro S. "Pagsasalin sa Pilipino ng Elementary Science IV: A Curriculum
Guide for Teachers." PNC, 1970.
• Castillo, Felicidad B. "Isang Pagsasalin sa Pilipinong Revised Program of the Girl
Scouts of the Philippines," PNC, 1972.

PAHINA 21
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

• Cruz, Araw A.de la. "Pagsasalin sa Pilipino ng Ikatlong Kabanata ng Tagalog


Reference Grammar." PNC 1968.
• Duarte, Benefrida M. "Isang Pagsasalin sa Pilipino ng UnANG Bahagi ng A
Programmed Introduction to Linguistics ni Cynthia Buchanan," PNC 1971.
• Fajardo, Virginia J."Isang Pagsasalin ng A Teaching Guide in Home Economics
for Grade VI. MulaSa Unit VIII Hanggang Unit XIII," PNC1971.

IKAAPAT NA YUGTO NG KASIGLAHAN - Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan


Di – Tagalog

Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong


panitikang di –Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa
ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng
panitikang talagang matatawag na “pambansa.”

Napakayaman ng panitikan ng Pilipinas kung


maisasalin lamang sa Filipino at maipalilimbag ang
panitikan ng iba't ibang wikang katutubo. Kung
magkakaroon lamang tayo ng isang panitikan na sadyang kumakatawan sa ating
pambansang kaisipan, matatagpuan natin ang atingsariliat hindi tayo matatawag na mga
"nawawalang kaluluwa" sa sariling bayan.

Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng


LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary
Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng
Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at
Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga


pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano,
Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga
piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang
bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang


linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga piling
tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na
kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa.
Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-
Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga
minor na wikain ng bansa.

Sa kabuuan, kapansin-pansin ang naging makabuluhang pagkakahabi ng


kasaysayan ng pagsasalin sa buong mundo hanggang umabot ito maging sa Pilipinas.

PAHINA 22
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Maraming magandang dulot ito ngunit patuloy pa ring kumakaharap sa maraming


suliranin.

Ang sumusunod ay ilang halimbawang salin ng ating mga katutubong panitikan na


hinalaw naman sa talaan ng mga tesis ng mga estudyante sa paaralang gradwado ng
PNU:

• Acacio,Angeka A. "Pagsasaling ng Biag ni Lam-ang at Pag-aaral ng


Matandang Kalinangang Iloco na Inilalarawan ng Epiko," PNC1969.

• Andrade, Evencia. "Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Talasalitaan ng mga


Piling Kwentong-bayan na Maguindanao sa wikang Pilipino at Cebuano,"
PNC: 1970.

• Palomo, Leon B. "Isang Pagsasalin ng mga Kwentong-bayan, Pabula at


Makabagong Kwentong Para sa Ikatlong Baitang" (Hango sa Salin ni Ollie
Lepero). PNC: 1959.

• Aquino, Feliciano B. "Isang Katipunan ng mga Salawikain, Bugtong at


Awiting Bayan ng mga Ibanag sa Lalawigan ng Isabela," PNC: 1967.

• Arcilla, Felisa B. "Mga Isinaling Kathang Bicol sa Pilipino," PNC: Abril, 1967.

• Dapar, Amelita G. "Mga Tulang Sugbuhanon na Isinalin sa Pilipino," PNC:


Hunyo, 1970.

Upang mas maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=aCpAOwbi9mA&t=15s

Upang mas maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://prezi.com/bda884xbql6o/kasaysayan-ng-pagsasaling-wika-sa-pilipinas/

Upang mas maunawaan ang talakayan buksan ang mga link na ito:
https://prezi.com/aac5na_6bpwz/kasaysayan-ng-pagsasaling-wika-sa-pilipinas/

https://itsmebhang.wordpress.com/2015/07/25/kasaysayan-ng-pagsasaling-wika/
Alfonso O. Santiago (2005). Sining ng Pagsasaling-Wika, Rex Bookstore
Patrocinio V. Villafuerte (2000). Introduksyon sa Pagsasaling-wika: Grandwater Publications and Research
Corporation PAHINA 23

You might also like