You are on page 1of 3

Ang unang yugto ng pagsasalin ay ang

panahon ng Espanyol ngunit pagkatapos ng


pag-alsa ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol, pumalit naman ang mga Amerikano
at sinimulan ang ikalawang yugto ng
pagsasaling wika sa Pilipinas. Agad na nagbago
ang wikang kasanayan ng mga tagasalin dahil
sa pananakop ng mga Amerikano. Hinubog nila
ang ating mga isipan sa pamamagitan ng edukasyon at tinuruan tayo ng kanilang wika, ang Ingles.
Bunga nito, dumami ang bilang ng mga salin mula sa wikang banyaga patungo sa ating katutubong
wika.

Naging modelo si Jose Rizal sa kaganapang ito. Isinalin niya at ipinadala sa Pilipinas ang
mga kwentong pambata ni Hans Christian Andersen at ang Wilhem Tell ni Schiller para magkaroon
ng bagong babasahin ang kanyang pamangkin. Tiyak na pinili ni Rizal na isalin ang mga ito dahil
mayroon itong mensahe na nakakapag-alab ng damdaming makabayan. Ang kwento ni Andersen
ay naglalaman ng mga mensahe patungkol sa relihiyon at ang Wilhem Tell naman ay isang dulang
nagpapakita ng pag-aklas ng bida laban sa mga dayuhang mananakop.
Bukod sa mga nobela at dula, isinalin din mula sa wikang Ingles ang mga mahahalagang
dokumentong pampolitika o may kaugnayan sa politika. Lihim na kumalat sa Maynila ang salin
ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naging Ang mga Karampatan ng Tawo
noong 1891 na naglalaman ng buod ng diwa ng Rebolusyong Pranses at listahan ng mga
karapatang pantao. Hindi lang ang mga akda mula sa dayuhang manunulat ang isinasalin sa
Tagalog kundi madalas din tangkilikin ng mga lokal na tagasalin ang mga akda ni Jose Rizal.

Isinalin ni Marcelo H. del Pilar ang


sanaysay ni Jose Rizal na pinamagatang Amor
Patrio na mas kilala na ngayon sa pamagat na Ang
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na inilimbag ng
Diariong Tagalog noong ika-20 ng Agosto, taong
1882. Naging tagahanga din ng mga akda ni Rizal
si Andres Bonifacio. Hinango at binuo niya ang
kanyang tula na Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
pagkatapos mailimbag ang isinaling bersyon ng Amor Patrio at muling itinula ang Mi Ultimo Adios
sa Tagalog na Huling Paalam. Pagkaraan ng ilang taon, isinalin muli nina Ildefonso Santos, Jose
Villa Panganiban, C.M. Vega at Antonio B. Valeriano ang Mi Ultimo Adios at nagkaroon din ng
ibang salin sa wikang katutubo at wikang banyaga.

Dahil nagmula ito sa kontekstong Espanyol, ang Pambansang Awit na sinulat ni Jose Palma
noong 1899 ay isinalin nina Ildefonso Santos at J.C. Balmaseda noong 1940 at binago naman
noong 1956. Nang dumating naman ang panahon ng Amerikano, nagkaroon ito ng salin sa Ingles
na isinulat ni Camilo Osias at ginamit ang bersyon na ito hanggang sa panahon ng Komonwelt.
Nagkaroon din ang Pambansang Awit ng iba’t ibang salin sa katutubong wika gaya ng Sebwano
at Ilonggo.
Noong 1953, nilikha ang Tagalog Periodical Literature. Isa itong index isinaayos ni
Teodoro A. Agoncillo upang mabilang ang mga nalathalang akda noong panahon ng Amerikano.
Sa nasabing listahan, lumalabas na kahit iba na ang nananakop, patuloy pa rin ang paglalathala ng
mga pangrelihiyong akda mula pa sa panahon ng Espanyol ngunit hindi maikakaila ang pagdami
ng akdang pampanitikan: 109 na maikling kwento, 87 na nobela, 51 na tula, 19 na dula at 2
panitikang bayan.

Masasabing malaki ang naging impluwensiya ng malikhaing pagsulat bago pa sumiklab


ang digmaan. Maraming Pilipino ang nagsalin ng iba’t ibang akda mula sa mga sikat na banyagang
manunulat patungo sa ating katutubong wika gaya ni Gerardo Chanco na isinalin ang Camille ni
Dumas bilang Sa Gitna ng Lusak. Nagmula naman ang Natapos na ang Lahat ni Narciso Asistio
mula sa akda ni Tolstoi na Anna Karenina at ang pagsalin ni Dionisio San Agustin sa sikat na
akdang Don Quixote ni Miguel de Cervantes.

Higit na dumami ang mga nagsasalin pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


ngunit hindi gaanong nabigyang pansin ang pagsasalin ng lokal na akda patungo sa ibang
banyagang wika gaya ng Espanyol at Ingles. Maswerte na lamang si Emilio Jacinto dahil naisalin
ang kanyang dalawang akda sa wikang banyaga at isinipi pa sa ibang akda ng ibang manunulat.
Ang kanyang “Pahayag” at “Sa mga Kababayan” ay isinalin sa wikang Espanyol ni Juan Caro y
Mora at isinipi sa Archivo del bibliofilo filipino ni Wenceslao Retana sa Manifiesto at Philippine
Islands nina Emma Blair at James Robertson.

Almario, Virgilio S., (2003). Patnubay sa Pagsasalin: Ikalawang Edisyon. National Commission
for Culture and the Arts/Anvil Publishing.

You might also like