You are on page 1of 63

Pagsasaling Wika

Tagapag-ulat: Roldan B. Ubanan


Sandra Pardilla

Professor: Tobias A. Flores


Tinalakay sa mga naunang
pag-uulat ang mga
nagsasalungatang paraan sa
pagsasaling-wika, tulad ng salita
laban sa ideya, himig-orihinal
laban sa himig-salin, estilo-orihinal
ng awtor laban sa estilo ng
tagapagsalin at iba pa na
tumatalakay nang tuwiran at di-
tuwiran sa prosa o tuluyan kaugnay
ng pagsasaling-wika.
Tinalakay rin ang simulaing
“bawat wika ay may kanya-
kanyang natatanging
kakanyahan” na malaki ang
implikasyon sa pagsasalin ng
prosa. Pinagtuunan,
halimbawa, ng talakay sa
nasabing kabanata ang
pagkakaiba sa kayarian ng
Ingles at Filipino.
Anupat sa bawat talakay ay
binibigyang-diin ang katotohanang
sapagkat hindi magkaangkan ang
Ingles at Filipino, maraming hindi
pagkakatulad ang mga ito na siyang
pinag-uugatan ng maraming problema
sa pagsasalin.
Ang mga naturang pagtalakay sa mga
nakaraang paksa tungkol sa
pagsasaling wika ay nagpapatunay na
napakahirap ang magsalin sa pagitan
ng dalawang hindi magkaangkang
wika.
Mga
Pangunahing
Problema sa
Pagsasalin ng
Prosa
May tatlong pangunahing
problema sa pagsasalin ng
prosa at ito ay ang mga
sumusunod;
1. problema sa mga idyoma
2. problema sa panghihiram
3. problema sa
balangkas/kayarian ng mga
pangungusap
Ang mga problemang ito ay
natalakay na sa mga naunang
talakayan—pahapyaw o puspusan
at di-tuwiran o tuwiran.
Gayunpaman, talakayin pa rin
natin dito nang pabuod ang mga
konsepto at simulaing nabanggit
upang maging lunsaran natin sa
iba pang bagay tungkol sa
pagsasalin ng prosa.
Sa lahat halos ng pagkakataon ay
nagsasagawa tayo ng pagsasalin sa
layuning maipaunawa o maipaabot natin sa
pamamagitan ng wika ng ating target na
mga mambabasa ang anumang mensahe o
kaisipang sinulat ng awtor sa kanyang wika.
At sa buong proseso ng pagsasalin, ang
laging nasa isip natin ay komunikasyon ng
awtor at mambabasa sa pamamagitan
ng ating salin. At sapagkat ang mensahe o
kaisipan na sinulat ng awtor sa kanyang wika
na may natatangi at sarili ring kakanyahan,
kailangang ang proseso ay maisagawa sa
maayos at masining na pamamaraan.
At malaki ang maibubuti ng salin kung
maiigpawan ng tagapagsalin ang mga
problema tungkol sa mga idyoma, sa
panghihiram at sa gramatika o kayarian ng
dalawang wika.
Imposibleng makapagsalin nang maayos
ang isang taong ni hindi maunawaan ang
karamihan ng mga ekspresyong idyomatiko sa
wikang kanyang isinasalin. At lalo pang lulubha
ang problema kung isasalin niya nang literal
ang mga ekspresyong idyomatiko sa wikang
kanyang isinasalin sa dahilang hindi niya
‘hawak sa kanyang palad’ ang wikang
kanyang pinagsasalinan.
Tungkol sa panghihiram, maaring
pagkunutan ng noo ng iba kung bakit
napasama sa mga problema sa
pagsasalin ng prosa. Ang dahilan ay
sapagkat sa bawat pangungusap na
ating isinalin ay mabibihira ang
pagkakataon hindi tayo napapaharap
sa problema ng panghihiram, lalo na
kung ang tekstong isinasalin ay kargado
ng kulturang dayuhan na karaniwan
nang nangyayari kapag ang teksto ay
nasusulat sa wikang Ingles.
Ang dahilan, mangyari pa, ay sapagkat
maraming, konsepto sa wikang Ingles na wika
ng isang maunlad na maunlad na bansa ang
hindi bahagi ng ating kaunlaran o kultura,
kayat wala tayong mga salitang
maitutumbas sa mga ito. At kung gugunitain
natin ang ating napag-aralan sa
panghihiram, ang isang tagapagsalin sa
Filipino mula sa Ingles ay lagi ng
napapaharap sa napakahirap na problema
ng pamimili sa kung alin ang inaakala niyang
higit na mauunawaan ng kanyang target na
mambabasa—ang hiram ba sa Ingles o ang
hiram sa Kastila?
Bukod dito, sapagkat ang pinag-
uusapan nating pagsasaling-wika ay pasulat,
problema pa ring malaki ng tagapagsalin na
ang salitang Kastila ang kanyang hiramin,
ang susunod na magiging problema niya ay
kung paano niya ito babaybayin—“liquido” o
“likido”? At kung ang wikang Ingles naman
ang mapagpasyahan niyang hiramin, paano
nya rin ito babaybayin—“liquid” o “likwid”?
Wala sa mga aklat sa pagsasaling-wika ang
sagot dito, lalo na sa mga aklat na sinulat ng
mga Kano, halimbawa, na ang oryentasyon
ay wikang Ingles na walang problema sa
panghihiram.
Ang isa pang problema sa pagsasalin
ay ang pagkakaiba sa gramatika, sa
istruktura o kayarian ng mga pangungusap
sa Ingles at sa Filipino. Karamihan ng
nagsasalin, lalo na ang mga baguhan, ay
hindi namamalayang sila ay ‘nalulunod’ sa
gramatika ng wikang Ingles. Nabanggit nga
natin sa isang bahagi ng aklat na ito na
lubhang natatangay ng gramatika ng Ingles
ang tagapagsalin, kaya ang nagiging
resulta ng kanyang salin ay Ingles din na
tinagalog lamang ang mga salita.
Anupat masasabing maayos o
mahusay ang isang salin kapag
hindi halata ng mambabasa na
ang kanyang binabasa ay isang
salin. Maayos ang salin kung ang
tekstong ipinahayag ng awtor sa
natural at idyomatikong paraan sa
Ingles ay naisalin ng tagapagsalin
sa Filipino sa paraang natural at
idyomatiko rin.
Ibinigay ni Savory (AT:26) ang
sumusunod na tatlong pamatnubay na
tanong na ayon sa kanya ay dapat
laging itinatanong ng tagapagsalin sa
sarili habang nagsasagawa ng
pagsasalin:
Ano ba ang sinasabi ng awtor? (What
does the author say?)
Ano ba ang kanyang ibig sabihin?
(What does he mean?)
Paano ba niya ito sinabi? (How does
he say it?)
Sa biglang isip ay waring magkatulad
ang una at pangalawang tanong.
Sapagkat kapag nasabi natin kung ano
ang kanyang sinasabi, para na rin nating
sinabi kung ano ang kanyang ibig sabihin.
Subalit may ibig sabihin si Savory sa
dalawang pamatnubay na mga tanong
na ito. Siya’y naniniwala na hindi sapat na
maisalin lamang, halimbawa, ang
paimbabaw na kahulugan ng isang
pangungusap. Kailangang maunawaan
din ng nagsasalin kung ano ang intension
ng awtor.
Napakahalaga ng simulaing
ito, lalo na sa malikhaing uri ng
panitikan na tulad ng kwento at
tula. Karaniwan sa mga uring ito ng
panitikan ang mga pahiwatig at
matalinghagang pahayag na kung
hindi masasakyan ng tagapagsalin
ang intension ng awtor, malamang
na magkadiprensya ang kanyang
salin.
Ang ikatlong pamatnubay na tanong
ay nakatuon naman sa estilo ng
pagpapahayag ng awtor. Napag-aralan sa
dakong una na bawat awtor ay may
kanya-kanyang estilo sa pagsulat. Hanggat
maari ay dapat mapanatili ng tagapagsalin
ang estilo ng awtor. Hindi niya dapat ipalit
ang kanyang estilo sa estilo ng awtor
sapagkat saya’y tagapagsalin lamang. Ang
isang kwento, halimbawa, maisalin man sa
ibang wika ay kwento pa rin ng orihinal na
sumulat. Samakatwid, hindi mabago ang
kanyang estilo.
Sa bahaging ito ay angkop
sipiin ang sumusunod na tatlong
pangunahing batayan
panuntunan na ibinigay ni Lord
Woodhouselee na sinipi ni Savory
(AT:42). Makatutulong ang mga ito
sa dalawang paraan: habang
nagsasagawa ng pagsasalin at sa
pagtataya o pag-ebalweyt sa
salin.
A translation should give a complete transcript of
the ideas of the original work. (Ang salin ay
kailangan magtaglay ng buong diwa o ideya ng
orihinal.)
 The style and manner of writing should be of the
same character as that of the original. (Dapat na
ang estilo at paraan ng pagkakasalin ay katulad
ng sa orihinal.)
 A translation should have all the ease of original
composition. (Dapat taglayin ng salin ang luwag o
gaan ng pagpapahayag sa orihinal.)
Nakapaloob ang nabanggit na mga batayang
panuntunan sa kanyang aklat na Essay on the
Principles of Translation mahigit dalawang dantaon
na ang nakaraan, subalit masasabing totoo pa rin
ang mga ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
SEGMENTASYON:

ISANG GAWAIN
PARA SA MGA
BAGUHAN
Narito ang isang gawain na
angkop na angkop para sa
nagsisimula pa lamang sa
pagsasalin. Ito’y gawaing
bagamat mabusisi ay
mapaghahanguan naman ng
mahahalagang karanasan na
makatutulong sa mga baguhan
upang unti-unti nilang
mapayaman ang kanilang
karanasan.
 Ang pamaraang segmentasyon ay
magandang gamitin ng guro sa pagtuturo
ng panimulang kurso sa pagsasaling- wika.
Makukuha rito ng mga mag-aaral ang
maraming batayang kaalaman, mga teknik
at simulain sa pagsasaling- wika.
 Sa biglang isip, masasabing ito’y simple
lamang sapagkat pagtitilad-tilarin o
paghahati-hatiin lamang sa mga segment o
makahulugang yunit ang mga
pangungusap, isasalin ang mga ito, at
pagkatapos ay pagsasama-samahin at
isasaayos upang makabuo ng
idyomatikong salin.
 Gamitin
nating halimbawa ang sumusunod
na pangungusap na kinuha ng awtor na ito
sa isang pang-araw-araw na dyaryo
habang sinusulat niya ang bahaging ito:

“Deciding a case, the


Sandiganbayan, through Presiding
Justice Pamaran, noted the
anomaly of a ridiculously light
prison penalty for the crime of
bribery.”
“Deciding a case, the Sandiganbayan,
through Presiding Justice Pamaran, noted the
anomaly of a ridiculously light prison penalty
for the crime of bribery.”

HAKBANG 1: Paghahati ng pangungusap sa


mga segment o sa tinatawag na “transitional
unit”.
1. Deciding a case
2. the Sandiganbayan
3. through Presiding Justice Pamaran
4. noted the anomaly of a ridiculously light
prison penalty
5. for the crime of bribery
Pansinin na bawat
segment ay isang “thought
unit”. Kung ang isang
segment ay may kahabaan ,
maari itong hatiin sa dalawa
o higit pang segment upang
makatiyak na walang
makaliligtaang diwa ang
nagsasalin.
HAKBANG 2: Pagsasalin ng nabuong mga segment

SEGMENT SALIN
1. Deciding a case 1. Sa pagpapasya ng isang
2. the kaso
Sandiganbayan 2. ang Sandiganbayan
3. through Presiding 3. sa pamamagitan ng
Justice Pamaran Tagapangulong Hukom
4. noted the Pamaran
anomaly of a 4. napansin ang anomalya
ridiculously ng isang kakatwang
light prison penalty kagaanan ng parusang
5. for the crime of pagkabilanggo
bribery 5. para sa krimeng
panunuhol
HAKBANG 3: Pagsasaayos ng mga
saling segment
Malinaw na kailangang ayusin
ang pagkakasunod-sunod ng mga
segment na isinalin upang maging
gramatikal, natural at hindi himig-salin.
Sa bahaging ito ay maaring
magkaroon ng mga pagbabawas o
pagdaragdag ng mga salita, o kaya’y
pagbabago o pagpapalit upang
umangkop sa balangkas at
kakanyahan ng Filipino.
Tingnan sa ibaba ang naging resulta
pagkatapos mailipat ang pandiwang
“napansin” at iba pang kinailangang
pagbabago:
1. Sa pagpapasya ng isang kaso
2. napansin ng Sandiganbayan
3. sa pamamagitan ng Tagapangulong
Hukom Pamaran
4. ang anomalya ng isang kakatwang
kaganaan ng parusang pagkabilanggo
5. para sa krimeng panunuhol
Ang nabuong pangungusap ay
waring maari nang tanggapin, ngunit
maari pa marahil ayusin ang mga
segment #4 at 5 upang maging natural
na natural ang daloy ng pangungusap.
Sa segment # 4 “anomalya ng
isang kaktwang kagaanan ng parusang
pagkabilanggo”- ay maari nang alisin
ang “ anomalya ng isang”, gayundin
ang kabilaang panlaping “ka-..-an” sa
salitang “kaganaan” at pagkatapos ay
idagdag sa dulo ng pangungusap ang
salitang “ipinataw”
Sa segment # 5 naman ay waring
mas maganda kung papalitan ng
“salang panunuhol” ang “ krimeng
panunuhol”. Totoong ang
“panunuhol” (bribery) ay isang
krimen ngunit waring higit na
karaniwan sa bibig ng bayan ang
“salang panunuhol” kaysa
“krimeng panunuhol”. Kaya ganito
ang magiging salin.
“Deciding a Sa pagpapasya
case, the ng isang kaso,
Sandiganbayan, napansin ng
through Presiding Sandiganbayan, sa
Justice Pamaran, pamamagitan ng
noted the anomaly Tagapangulong si
of a ridiculously Hukom Pamaran,
light prison penalty ang kakatwang
for the crime of gaan ng parusang
bribery.” ipinataw sa salang
panunuhol.
Sa katatapos na halimbawa, may ilang
paraan o teknik na madaling matutukoy,
tulad ang mga sumusunod:.
1. Paglilipat (Transposition). Ang inilipat
ng lugar ay ang salitang “napansin”.
2. Pagbabawas ( Deletion) .Ang
tinanggal o kinaltas ay ang pariralang
“ang anomalya ng isang” at ang
kabilaang panlaping “ka-…-an”.
3. Pagdaragdag (Addition) .Ang
idinagdag ay ang salitang “ipinataw”
4. Pagpapalit( Replacement) .Ang
“krimeng panunuhol” ay pinalitan ng
“salang panunuhol”.
HAKBANG 4: Pagsasama-sama ng
nabuong mga pangungusap
Ipagpalagay nating ang mga
pangungusap sa isang saklong ay
nagdaan na sa ganitong proseso ng
segmentasyon. Ang pinakahuling
hakbang ay ang pagsasama-sama ng
mga pangungusap upang mabuo
ang saklong. Sa pagbubuong ito ay
pagtutuunan ng pansin ng
tagapagsalin ang ilang bagay, tulad
ng mga sumusunod:
1. Pagsusuri kung maayos ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap (coherence). Dito ay
kakailanganin ng tagapagsalin ang
kaalaman sa paggamit ng tinatawag
na “cohesive devices”, tulad ng mga
salita at pariralang “ kung gayon,
gayunpaman, mangyari pa, kabilang
dako, gaya ng nabanggit na”, at
marami pang iba.
2. Pag-alam kung may mga salitang
paulit-ulit na ginamit kaya’t tingnan
kung maaaring kaltasin o palitan.
3. Pagsusuri kung may mga
pangungusap na maaring pag-
isahin;dalawang pangungusap na
maaring gawing isang pangungusap
lamang.
4. Pagsusuri kung may pangungusap na
di dapat hatiin at gawing dalawang
pangungusap upang maging malinaw
ang diwa. Tiyakin lamang na ang
pagsasagawa ng alinman sa mga
bilang 3 at 4 ay hindi mauuwi sa
pakikialam sa estilo ng awtor.
Kung ang awtor ay sadyang mahilig sa
paggamit ng “ kilometrikong” mga
pangungusap, huwag gagawing “choppy”
ang kanyang mga pangungusap.

Narito pa ang isang halimbawa ng


paraang segmentasyon na hinango sa term
paper ni Julie Wong, isang estudyante ng
awtor na ito sa isang klase sa pagsasaling –
wika. Bahagi lamang ang ating kinuha upang
magkaroon lamang ng ideya ang isang
tagapagsalin sa iba’t ibang posibleng
modipikasyon ng paraang segmentasyon.
Ang pyesa sa Ingles ay ang
talumpati ng dating Pangulong
Corazon Aquino (“I Will Not Betray the
Cause of Peace”) na kanyang binigkas
sa Kongreso ng Estados Unidos ng
America noong 1986 pagkahalal na
pagkahalal niya bilang Pangulo ng
Pilipinas.

Pangungusap 1: “Three years ago, I


America in grief to bury my husband,
Ninoy Aquino”.
Pangungusap 1: “Three years ago, I
America in grief to bury my husband,
Ninoy Aquino”.
a. Three years ago a. Tatlong taon
ang nakalilipas
b. I left America b. nilisan ko ang
America
c. in grief c. na
nagdadalamhati
d. to bury my husband d. upang
ilibing ang
aking asawa
e. Ninoy Aquino e. Ninoy Aquino
I. Mga Pagbabago
1. Pagdaragdag ng pang- abay na
“na” sa pagitan ng “taon” at “ang
nakalipas” sa segment # a, upang
makuha ang tunay na diwang ibig
ipahayag ng awtor sa pariralang
“three years ago”
Tatlong taon ang nakalilipas=
Tatlong taon na ang nakalilipas
2. Rekonstruksyon ng mga
segment #b at c upang higit na
maging tiyak ang diwang ibig
ipahatid ng awtor. (Sino ang
nagdadalamhati: ang awtor o
ang America?)
Nilisan ko ang America na
nagdadalamhati=
Nagdadalamhati kong nilisan
ang America.
3. Pagdaragdag ng di malayang pang-
angkop na “-ng” at ng panandang “si”
sa pagitan ng “asawa” at “Ninoy” sa
mga segment # d at e upang maging
natural at madulas ang bigkas.
Upang ilibing ang aking asawa, Ninoy
Aquino.= Upang ilibing ang aking
asawang si Ninoy Aquino

II. Nabuong Pangungusap


“Tatlong taon na ang nakalilipas,
nagdadalamhati kong nilisan ang
America upang ilibing ang aking
asawang si Ninoy Aquino”
Pangungusap 2- “I thought I had left it
also to lay to rest his restless dream of
Philippine freedom.”
a. I thought a. Akala ko
b. I had left it b. nilisan ko ito
c. also to lay to rest c. upang
ipahinga na rin
d. his restless dream d. ang kanyang
di mapalagay
na pangarap
e. of Philippine freedom e. ng
kalayaan
ng Pilipinas
I. Mga Pagbabago
1. Pagdaragdag ng pang-ugnay na “ay”
sa pagitan ng “ko” at “nilisan” upang
maging natural ang bigkis kapag
pinagsama ang mga segment # a at b
Akalo ko nilisan ko ito= Akala ko ay
nilisan ko ito
(Maaring palitan ng koma ang “ay”)
2. Pagpapalit ng pandiwang “malimot”
sa pandiwang “ipahinga” sa segment #c
upang maging idyomatiko.
Upang ipahinga na rin= upang malimot
na rin
3. Pagpapalit ng pang- uring
“marubdob” sa pang- uring “di
mapalagay” sa segment #d upang
maging idyomatiko
Ang kanyang di mapalagay na
pangarap= ang kanyang marubdob na
pangarap
4. Pagpapalit ng pang- ukol na “para sa”
sa panandang “ng” sa unahan ng
segment #e upang makuha ang diwang
ibig ipahayag ng awtor sa pariralang “of
Philippine freedom”.
ng kalayaan ng Pilipinas= para sa
kalayaan ng Pilipinas
II. Nabuong Pangungusap:
“Akala ko’y nilisan ko ito
upang malimot na rin ang
kanyang marubdob na
pangarap para sa
kalayaan ng Pilipinas.”
Pangungusap 3: “Today, I have
returned as President of a free
people.”
a. Today a. Ngayon,
b. I have returned b. ako’y
nagbalik
c. as President c. bilang
Pangulo
d. of a free people d. ng isang
malayang
mga tao.
I. Mga Pagbabago
1. Pagpapalit ng “ng isang
malayang sambayanan” sa
segment #d upang maging
idyomatiko
Ng isang malayang mga tao= ng
isang malayang sambayanan
(Paliwanag: Maari ring isalin ang “of a
free people” ng isang malayang
bansa o lahi.” Ngunit ipinalalagay ng
tagapagsalin na ibig ituon ng awtor
ang paksa sa “mamamayan” kaysa
“bansa” sapagkat siya’y naging
Pangulo dahil sa People Power o
kapangyarihan ng mga
mamamayan.)
II. Nabuong Pangungusap
“Ngayon, ako’y nagbalik bilang
Pangulo ng isang malayang
sambayanan.
Pangungusap 6: “ So in giving, we
receive; in losing we find;and out of
defeat, we snatched our victory”.
a. So in giving a. kaya sa pagbibigay
b. we receive; b. kami ay
tumanggap
c. in losing c. sa pagkawal
d. we find d. aming natagpuan
e. and out of defeat e. at sa
pagkatalo,
f. we, snatched f. aming naagaw
g. our victory g. ang aming
tagumpay.
I. Mga pagbabago: Wala
II. Nabuong Pangungusap
“Kaya sa pagbibigay , kami ay
tumanggap; sa pagkawal,
aming natagpuan; at sa
pagkatalo, aming naagaw an
gaming tagumpay.”
Malalabong
Pangungusap:
Sa Wikang
Isinasalin at sa
Pinagsalinan
Ang isang mabuting tagapagsalin
ay may natatanging kakayahan na
wala sa karaniwang tagagamit ng
wika . Iyon ay ang kakayahan sa
pagkilala sa malalabong
pangungusap sa wikang isinasalin at
sa wikang pinagsasalinan. Sa seksyong
ito ay tatangkaing mapatalas ang
kakayahan ng mga nagsisimula pa
lamang sa larangang ito; ang
kakayahan sa pagbibigay ng iba’t
ibang maaring maging kahulugan ng
isang pangungusap sa Ingles at sa
Filipino.
Ang malalabong
pangungusap ay karaniwang-
karaniwan sa lahat ng wika sa
daigdig. Malabo ang
pangungusap kapag
naghahatid ito ng higit sa isang
kahulugan o kung walang
malinaw na kahulugang
mahango rito.
Maraming dahilan kung bakit nagiging
Malabo ang isang pangungusap. Una,
karamihan ng mga salita ay nagdadala ng
higit sa isang, kahulugan. Nagiging tiyak
lamang, humigit-kumulang, ang kahulugan
ng isang salita kapag ito’y nagiing bahagina
ng pangungusap. Ikalawang dahilan ay ang
pagkakaayos ng mga salita o pariralang
bumubuo ng pangungusap. Maraming
pagkakataon na lumalabo, kundi man
naiiba, ang kahulugan ng isang
pangungusap dahil lamang sa isang salita o
parirala na ‘naligaw’ ng lugar o pusisyon sa
pangungusap. Ikatlo ay ang pagkakaltas ng
mga salita sa pangungusap dahil sa
hangaring makapagtipid.
Anupat ang mahusay na
tagapagsalin ay madaling makakilala
sa malalabong pangungusap na nasa
tekstong Ingles na kanyang isinasalin,
gayundin sa kanyang isinasagawang
pagsasalin sa Filipino. Maraming
pagkakataon na hindi nagiging
maayos ang salin sapagkat hindi
nakuha ng tagapagsalin ang
particular na kahulugan ng malabong
pangungusap sa Ingles. At marami rin
ang pagkakataon na ang isang
malinaw na pangungusap ay nagiging
Malabo sa salin sapagkat hindi naging
maingat ang tagapagsalin.
Narito ang halimbawa ng malabong
pangungusap sa Igles:
“ Flying big kites can be dangerous.”
Maaring maging salin sa Filipino:
“ Maaaring mapanganib ang lumipad na
malalaking saranggola.”
(Big kites that are flying can be
dangerous.)

“Maaaring mapanganib ang


pagpapalipad ng malalaking
saranggola ”
(Flying of big kites can be dangerous.)
Narito naman ang halimbawa
ng malinaw na pangungusap sa
Ingles ngunit Malabo ang salin sa
Filipino dahil balangkas ng
pangungusap:
“The teacher placed the book on
the table.”
Malabong salin:
“Inilagay ang aklat sa mesa ng
titser.”
Ang saling ito ay maaring
mangahulugan na hindi ang titser
ang naglagay ng aklat sa mesa at
ang mesa ay pag-aari ng titser.
Malinaw na hindi ganito ang ibig
sabihin sa pangungusap sa Ingles.
Magiging malinaw ang salin at
tatami sa diwang isinasaad sa
Ingles sa pamamagitan lamang ng
pagpapalit ng lugar o pusisiyon ng
mga pariralang “sa mesa” at “ng
titser”, tulad ng sumusunod:
Malabong salin:

1 2 3 4
“ inilagay / ang aklat / sa mesa / ng titser.”
Malinaw na salin:

1 2 3 4
“ Inilagay / ng titser / sa mesa / ang
aklat.”

(o kaya ay ang kabalikang ayos o kayarian)


2 (+ay) 1 4
“ Ang aklat / ay/ inilagay / ng titser
3
/ sa mesa.”
Anupat kung ibig ng isang
tagapagsalin na maging
maayos ang kanyang salin,
ang isa sa kanyang dapat
iwasan ay ang pagbibigay ng
malalabong pangungusap.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like