You are on page 1of 11

Pagsasaling Pampanitikan

1
Katangian ng Pagsasaling Wika

Modyul 004 Katangian ng Pagsasaling Wika

Layunin:
1. Nababatid ang katangiang dapat na taglayin sa isang tagapagsalin
2. Naisa-isa ang mga salungatan sa pagsasagawa ng isang pagsasalin
3. Nauunawaan ang mga hakbang na kailangan isaalang-alang sa
pagsasagawa ng Panghihiram

PANIMULA

Sa bawat akdang pampanitikan na ating nababasa ay hindi natin batid kung


ano at paano ito nabuo at paano naipalabas ng manunulat sa kanyang isipan ang obra. At
bawat manunulat ng isang obra ay nagtataglay ng kakaibang katangian, sapagkat hindi
basta nabubuo ang isang akdang pampanitikan sa isang iglap lamang, ito ay masusuing
pinag-isipan at prinoseso ng manunulat. Katulad na lamang sa pagsasaling wika, hindi
basta naisasalin ang isang akda. Ito rin ay dumaraan sa mga pagsusuri at ang mga
tagapagsalin ay mayroong mga katangiang dapat na taglay upang maging matagumpay
at higit na kapanipaniwala ang tapos na salin. Tuklasin natin sa modyul na ito ang mga
katangian na dapat taglay ng isang tagapagsalin.

KATANGIAN NG TAGAPAGSALIN

1. Sapat na Kaalaman sa Dalawang Wikang Sangkot sa Pagsasalin

 Ayon Kay Nida ito ang “First and most obvious requirement of any
Transalator”
Sapagkat ang sinumang magsasalin na hindi nakauunawa ng ibang
wika ay hindi kailanman makapagsasagawa ng anumang pagsasalin.

Course Module
 Ang kakapusan ng kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay makapagdudulot ng panganib. Sapagkat hindi lahat
ng nakauunawa o nakababatid ng ilan pang mga wika ay maari ng
makapagsalin. Kinakailangan pa ng masusing pag-aaral kaugnay sa
dalawang wikang sangkot sa isasagawang pagsasalin, sabihin pa na
ang tatangkaing isalin ay akdang pampanitikan.

2. Sapat na Kaalaman sa Gramatika ng Dalawang Wikang Kasangkot

 Hindi lahat ng may kakayahang magsalita ng dalawang wika ay


masasabi na may kakayahan din sa pagsasaling Wika. Kung ang
isang Guro ay nakapagsasalita ng Wikang Ingles at Wikang Filipino,
ito ba ay maituturing na tagapagsalin? May mga nakapagsasalita ng
parehong wika ngunit hindi nakauunawa ng paraan ng pagkakabuo
ng salita.

 Ang sinumang magtatangkang magsalin ay dapat may sapat na


kaalaman sa Gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
isasagawang pagsasalin. Ang wastong kaalaman ay higit na
makatutulong sa pagsasalin lalo na kung Ingles at Filipino ang
wikang sangkot sa pagsasalin sapagkat ang dalawang wikang ito ay
magkalayo kapag gramatika ang pinag-uusapan.

 Madalas na ang Ingles at Filipino ang dalawang wikang sangkot sa


pagsasalin. Mahalagang malaman ng tagapagsalin na ang wikang
ingles ay may sariling paraan ng pagbabalangkas ng pangungusap,
ganun din ang paglalapi at pagbuo ng ng mga parirala na hindi
nailalapat sa Filipino.

 Dapat na maunawaan ng tagapagsalin ang kalakasan at kahinaan ng


dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang katangian ng
simulaing lengwahe ang dapat na mailapat sa tunguhing lengwahe.

 Ang kaalaman ng tagapagsalin sa gramatika ng dalawang wikang


kasangkot sa pagsasalin ay sadyang kailangan ng tagapagsalin.

GRAMATIKA- ang pag-aaral hinggil sa isang wika,


pagbabalangkas ng mga salita, pagsasa-ayos ng salita upang
mabuo ang pangungusap.

Kailangan isaalang-alang ng tagapagsalin ang higit na natural na


estruktura, wastong gamit ng salita, at paraan ng paghahanay ng
mga salita ng dalawang kasangkot na wika.
Pagsasaling Pampanitikan
3
Katangian ng Pagsasaling Wika

Halimbawa:

English: Mother cooked delicious food for us.

Unang Salin: Ang Nanay ay niluto ang masarap na pagkain para sa atin.

Ikalawang salin: Nagluto ang Nanay ng masarap na pagkain para sa


atin.

Pansinin ang unang salin na pangungusap. Ito ay nasa anyong di-karaniwan.


Makikita na sinundan nito ang ayos ng pangungusap na Ingles kung saan
nauna ang Paksa (subject sa Ingles). Pansinin ang ikalawang salin. Ito ay nasa
anyong karaniwan kung saan nauuna ang panag-uri kaysa sa simuno.

Sa usaping pagsulat sa Filipino, mas katanggap-tanggap ang karaniwang ayos


ng pangungusap dahil sa anyo nitong pormal.

 Higit na magiging maayos ang isang salin kung wasto ang gamit ng gramatika,
kaya naman nararapat na ang isang tagapagsalin ay may sapat na pang-unawa
sa gramatika ng dalawang kasangkot na Wika.

3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

 Ang isang tagapagsalin na may sapat na kaalaaman sa Paksa ay higit na


nakalalamang sa iba pang tagapagsalin. Nararapat lamang na may kaalaman
ang isang tagapagsalin sapagkat higit niyang maisasalin ang isang akda kung
ang paksa ay tiyak niyang nababatid at nauunawaan.

 Kung ang tagapagsalin na walang interes sa paksa o akdang isasalin ay hindi


na dapat pang sumubok magsalin, makatutulong ng malaki sa isang
tagapagsalin kung higit ang interes nito sa paksang isasalin. Makatutulong din
kung ang tagpagsalin ay may kabatiran sa orihinal na sumulat ng akdang
isasalin, sapagkat mauunawaan niya ang paraan at uri ng pagsusulat ng
orihinal na manunulat.

4. Sapat na Kaalaman sa Kultura ng Dalawang Bansang Kaugnay sa Pagsasalin

 Ang bawat wika ay may kaugnay na kultura. Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakanyahan. Ang tagapagsalin ay nararapat na may malinaw na
kaalaman sa kultura ng isasaling akda, upang maisagawa niya ang pagsasalin.

Course Module
 Halimbawa na lamang kung ang manunulat ay tatangkaing isalin ang akdang
“Mulan”, kinakailangan na alam niya ang kultura ng mga hapon upang maisalin
niya ang akda nang hindi lumalayo sa totoong diwa ng akda na inilahad ng
orihinal na manunulat.

 Ang pagkakaalam sa kulturang pinagmulan ng akdang isasalin ay higit na


matibay na sandigan upang mabuo ang isang salin.

SALUNGATAN SA PAGSASALING WIKA

1. Salita laban sa Diwa

 May ilang mga tagapagsalin na nagsasabing hindi angkop na gamitin sa


pagsasalin ang paglalapat lamang sa eksaktong salin ng salitang isinasalin. Mas
nagiging mainam sa ilang tagapagsalin na ang ilalapat ay ang diwa o ang nais
na ipaunawa ng manunulat sa kanyang akda. Ang salungatang ito ay
karaniwan kinahaharap ng ilan sa mga tagapagsalin.

 Ang pagsasalin sa kahulugan ng sinasabi ng awtor ngunit sa paraang nababago


at nadadagdagan ang kanyang wika dahil sa wikang Ingles at Filipino ay hindi
magka-angkang wika kaya nagkaakaroon ng malaking pagbabago kung ang
tagapagsalin ay nagsalin ng salita laban sa diwang nais ipahatid ng orihinal na
manunulat.

 Ang salungatan salita laban sa diwa ang isa sa suliranin na kinahaharap ng


isang tagapagsalin, sapagkat tungkulin ng tagapagsalin ang maging matapat sa
kanyang isinasalin. Batid ng mga tagapagsalin na sila ay tulay lamang na nag-
uugnay sa orihinal na manunulat at sa mambabasa.

 kung ang isasalin ng tagapagsalin ay “idioms” paano kaya niya ito isasalin kung
ang gagamitin niya ay literal o salita sa salita, hindi ba’t mas mainam kung
salita sa diwa.

Halimbawa:

Idiom: Don’t judge the books by its cover.

Salin: salita sa salita

Huwag husgahan ang aklat sa kanyang pabalat.

Salin: Salita sa Diwa


Pagsasaling Pampanitikan
5
Katangian ng Pagsasaling Wika

Huwag manghusga sa di kakilala.

2. “Himig-Orihinal” laban sa “Himig-salin”

 Batay sa iba’t ibang mga pahayag, ang isang salin ay nararapat lamang na
maging tunog ng orihinal na akda kapag binasa. Kung ang pagkakasalin ng
isang akda ay literal, masasabing ito ay “himig salin”, ngunit nagkakaroon ng
kaibahan kung ang isinasalin ay idyomatikong pahayag sapagkat karaniwan
itong isinasalin batay sa diwa nito kaya ito ay nagiging “himig orihinal”.

 Ang isang salin ay nagiging himig salin kung ang paraan ng pagkakasalin ay
literal at salita sa salita. Makikitang tinutumbasan lamang ng tagapagsalin ang
isinasaling salita o pahayag. Sa paraan ng himig salin kadalasang makikita ang
pagtutumbas ng salitang Ingles sa Filipino.

Halimbawa ng Himig salin:

A piece of cake

Salin: Piraso ng matamis na tinapay

Miss the Boat

Salin: Nalimutang Bangka

Once in a blue Moon

Salin: Minsan sa asul na buwan

 Nagiging himig salin ang isang salin sapagkat ang tagapagsalin ay ibinibigay
ang kahulugan ng idyomatikong pahayag at hindi ang katumbas na salita nito.
Kaya naman ang mga mambabasa ay kalimitang hindi napapansin na ang
kanilang binabasa ay isang salin dahil ito ay himig orihinal.

Halimbawa ng himig orihinal:

A piece of cake
Salin: madali lang/madaling gawin.

Course Module
Miss the Boat
Salin: Lumagpas na pagkakataon

Once in a blue Moon


Salin: Bihirang mangyari

 Marami sa mga tagapagsalin ay naniniwalang ang isang salin ay dapat maging


himig orihinal at natural. Naniniwala sila na ang akdang isinalin sa Ingles ay
hindi dapat na maging tunog Ingles o iyong Ingles na isina-Filipino lamang.
Magkaiba ang ganitong pananaw kapag pagsasalin ang pinag-uusapan. Ang
isang salin ay dapat na mabasa ng maayos ng mambabasa. Karamihan sa mga
mambabasa na bumabasa ng isang salin ay yaong hindi gaanong maalam sa
wikang Ingles. Sa madaling sabi, ang mambabasa ay mas nanaisin na ang salin
ay nasa himig orihinal at hindi himig salin sapagkat higit nilang mauunawaan
ang salin sa wikang Filipino.

3. “Estilo ng Manunulat” laban sa “Estilo ng Tagapagsalin”

Dapat bang manatili ang istilo ng manunulat?

 Ang bawat manunulat ay may kaniya-kaniyang istilo sa pagbuo ng kanilang


obra. Ang bawat likha ay inaari nilang supling na nabuo sa masikhay nilang
pagsasanib ng mga salita at imahinasyon. Sa bawat akda na kanilang
isinusulat ay nailalagay nila kahit ang kanilang mga sariling karanasan at
kwentong buhay kaya ang ilan sa mga akda ay ibinibilang sa mga orihinal na
likha. Sinisikap ng manunulat na pag-ugnayin ang teksto at ang kanilang
mambabasa gamit ang kanilang istilo ng manunulat kung saan madaling
naihahanay ng mambabasa ang kanilang karanasan sa akdang binabasa. Ang
ganitong istilo ng manunulat ay malimit na ginagamit sa mga likhang
pampanitkan.

 May ilang mga manunulat na gumagamit ng mga pangungusap na mahaba o


iyong ang bawat ideya ay ipinaliliwanag ng salita. May ilan namang pumipili
ng eksaktong salita na maglalarawan ng kanilang ideya upang hindi maging
mahaba at marami ang gagamiting salita.

 Sa pagsasaling wika, pinagtatalunan kung dapat bang gamitin ng tagapagsalin


ang kanyang istilo o panatilihin ang istilo ng orihinal na manunulat.

 Kung pagmamasdan natin, karamihan sa mga mambabasa ng isang salin ay


hindi nauuri kung ang kanilang binabasang saling akda ay nanatili sa orihinal
nitong istilo o istilo ba ay istilo ng ng tagapagsalin.
Pagsasaling Pampanitikan
7
Katangian ng Pagsasaling Wika

Samakatuwid, batay na rin sa pagpapaliwanag nararapat lamang na manatili ang


istilo ng manunulat.

Dapat bang gamitin ng tagapagsalin ang kanyang sariling istilo ng


pagsulat?

 Sa ibang pagtanaw, ang tagapagsalin ay maihahanay din sa mga manunulat


at nag-aari din ng iba’t ibang istilo ng pagsulat, at ang pagsasalin ay isa ng uri
ng pagsulat na maaring gamitan ng istilo sa pagsulat.

 Batay sa mga eksperto walang karapatan ang tagapagsalin na baguhin ang


istilo ng kanyang isinasalin, sapagkat ang kanyang tungkulin lamang ay alisin
ang hadlang sa pagitan ng dalawang wika upang maunawaan ng mga
mambabasa ang akdang pampanitikan na nasusulat sa wikang Ingles.

 Karaniwan sa pagsasalin, hindi napapansin ng tagapagsalin na nagagamit na


niya ang kanyang istilo sa pagsulat lalo na kung ang isinasalin ay mga akdang
nagtataglay ng matatalinghagang pagpapahayag at ang layunin niya ay
mailapit sa mga mambabasa ang obra na kanyang isinasalin. Kaya naman
hindi rin natin masisisi ang tagapagsalin kung hindi sinasadyang nagagamit
na ang kanyang sariling istilo sa pagsulat.

4. “Panahon ng Awtor” laban sa “Panahon ng Tagapagsalin”

 Bawat akdang pampanitikan ay may panahong kinabibilangan. Ito ang isa sa


mga suliranin ng ilan sa mga tagapagsalin. Kung ang panitikang isasalin ay
naisulat noong panahon kung saan ang karaniwang ginagamit na wika ay old
english at ang tagapagsalin ay nagsimulang linangin ang kanyang kakayahan
sa pagsasalin sa panahong kasalukuyan, makikitang nagkakaroon ng suliranin
ang mga tagapagsalin sa pagpili ng salitang itutumbas sa salitang isasalin.

 Ayon sa halimbawang ibinigay ni Savory ang “Don Quixote” ay isinulat noong


1605. Kung ang akdang ito ay isasalin sa kasalukuyang panahon dapat bang
panatilihin ang gamit ng old English o maaring palitan ng tagapagsalin ng
naayon sa kanyang panahon at sa panahon ng mga target na mambabasa.

 Kung ang layunin ng tagapagsalin ay upang lumikha sa isipan ng mambabasa


tulad ng emosyong nalikha ng orihinal na nobela sa isipan ng mambabasa,
kailangang muling isalin ito sa makabagong Ingles. Halos karamihan sa mga
mambabasa ay mas ninanais na makabasa ng mga akda na nasusulat sa

Course Module
makabagong Ingles at ang makabagong Ingles ay mas madaling isalin sa
wikang Filipino. Mas nasusundan ng tagapagsalin sa wikang Filipino ang
makabagong Ingles.

 Ibinigay ding halimbawa ni Savory ang “Canterbury Tales” na isinulat ni


Chaucer sa matandang Ingles. Alam natin na malaki na ang pagkakaiba ng
Ingles ni Chaucer at ng Ingles sa kasalukuyang henerasyon. Ang orihinal na
“Canterbury Tales” ay hindi nauunawaang mabuti ng maraming mambabasa
sa ngayon, kaya’t ayon kay Savory mas makakabuting isalin ito sa makabagong
Ingles kung saan ito ang gramatikang gamitin ng mga bagong Tagapagsalin na
mas nauunawaan ng makabagong mambabasa.

5. “Maaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaring Baguhin”

Ang isang akda ba ay maaring baguhin, bawasan o dagdagan ang isang


piyesang isinasalin lamang?

 Si Lord Woodhouselee, na isang kilalang pilosopo at manunulat na binanggit


ni Savory sa kanyang aklat na nagsasabi diumano na di dapat bawasan,
dagdagan o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya ng piyesang kanyang
isinasalin. Ang ganitong pagdaragdag o pagbabawas o kahit ang pagpapalit ng
anumang ideya sa isang akda ay pagpapakita ng kawalang respeto sa
manunulat.

 Ang pangunahing tunguhin lamang ng tagapagsalin ay tanggalin ang hadlang


sa pagitan ng dalawang wikang isinasalin upang maunawaan ng target na
mambabasa. Kaya naman ang pagbabago, pagbabawas o pagdaragdag ay hindi
sinasang-ayunan ng ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin.

 Ngunit may mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang pagdaragdag lalo pa


kung ang ilan sa mga salita ay kinakailangan iayon sa panahon kung saan ang
mga mambabasa ay naangkop, kinakailangan lamang ng tagapagsalin na
humingi muna ng permiso sa awtor.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM NG SALITA

 Sinasabing isang katangian ng Wikang Filipino ay ang pagiging daynamiko


nito, dahil sa mabillis nitong pagbabago at pag-unlad at isa ang panghihiram
sa malaking naitutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wikang
pambansa. Kalimitan na sa wikang Ingles tayo nanghihiram. Malaki man ang
pagkakaiba ng ortograpiya ng wikang Filipino sa wikang Ingles, malimit pa rin
tayong nanghihiram dito dahil na rin sa karaniwang nasa wikang ito ang mga
akdang nasusumpungang isalin ng ilan sa mga tagapagsalin.
Pagsasaling Pampanitikan
9
Katangian ng Pagsasaling Wika

 Ang panghihiram ay hindi lamang nagaganap sa pagitan ng wikang Ingles,


nanghihiram din tayo sa iba’t ibang wikang katutubo sa kapuluan. Ang
ganitong panghihiram ay hindi nagdududulot ng suliranin katulad ng sa
wikang Ingles.

 Ang panghihiram ay isa sa mga simulaing kasangkot sa usapin ng pagsasaling


wika.

Mga Uri ng Panghihiram

 Panghihiram na Dayalektal

Ang dayalektal na panghihiram ay nagaganap lamang sa pagitan ng iba’t ibang


barayti ng dayalekto tulad na lamang ng Tagalog. Meron itong Tagalog
Bulacan, Tagalog Rizal, Tagalog Quezon, Tagalog Laguna, Tagalog Cavite,
Tagalog Batangas, Tagalog Nueva Ecija at ang pinakagamitin ng lahat ay ang
Tagalog Maynila.

Bawat uri ng Tagalog ay may kakanyahan. Maaari itong makita sa paglalapi,


sa balangkas ng pangungusap at maging sa kahulugan. Sinasabing ang Tagalog
Maynila ang itinuturing na Norms o pinakaistandard dahil sa ito ang ginagamit
sa pinakasentro ng sibilisasyon. Sa pagsasalin, kung ang piyesang isasalin ay
isinulat ng manunulat gamit ang Tagalog Maynila at isasalin ng isang
tagapagsalin na ang target na mambabasa ay mga taga-Bulacan at upang
maisalin ang piyesa, kailangan niyang hiramin ang dayalekto ng Tagalog
Bulacan upang mas higit na makatotohanan.

Halimbawa:

Orihinal:

Pinagtatalunan ng mag-asawa kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan.

Salin:

Pinagtatalunan ng mag-asawa kung sino ang mag-uurong ng pinagkainan.

Course Module
 Panghihiram na kultural

Ang panghihiram na kultural ay laganap sa iba’t ibang wika ng isang bansa o


sa mga wikain ng mga bansang nagkakaroon ng ugnayan.

Halimbawa: Ang panghihiram ng Filipino ng mga salita sa iba’t ibang wikain sa


bansa na nagpapakilala ng kultura tulad ng mga salitang Ilocano na
naglalawaran ng kanilang kultura. Halimbawa nito ay ang mga salitang,
“pinakbet” “diningding” at “saluyot”

Panghihiram ng Filipino sa mga salita ng daigdig na naglalarawan ng kanilang


kultura tulad na lamang ng “siopao,” “karate,” “aquarium,” at “notbuk”.

 Panghihiram na Politikal

Ang panghihiram politikal ay nagaganap kung ang dalawang wika ay umiiral


sa iisang bansa. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap lamang kung ang isang
bansa ay sumailalim sa pananakop. Ang panghihiram na politikal ay iisa
lamang ang direksyon mula sa wika ng sumakop patungo sa wika ng sinakop.

Ang pagsakop sa atin ng Kastila at Amerikano ay nagresulta sa Panghihiram


na Politikal. Hindi maitatangging ilan sa mga salitang gamitin natin ay hiniram
natin sa dalawang pangunahing bansa na sumakop sa Pilipinas sa loob ng
daang taon.

Dalawang Paraan ng Panghihiram

 Tuwirang Hiram- hinihiram ng buo ang salita mula sa mga banyaga at


inaangkop ang bigkas at ang baybay ng salitang hiniram sa ortograpiyang
Filipino.

Halimbawa:

Cheque- tseke
Jeep- Dyip
Antenna- Antena

 Ganap na Hiram – Hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang


pagbabago sa anyo.

Halimbawa:

Computer
Pagsasaling Pampanitikan
11
Katangian ng Pagsasaling Wika

Xerox
cake

Books and Journals


1. Almario, Virgilio, (2016) Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para
sa baguhan: Komisyong ng Wikang Filipino, Watson Building, JP Laurel, San
Miguel, Maynila

2. Darren Joernal, Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin: Tumblr.com,


April 2, 2015

3. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa


engles) Ikatlong Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

References

Online Supplementary Reading Materials

1. Pagsasaling Wika: https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-17-


pagsasaling-wika:
Accessed: July 18, 2018
2. Pagsasaling Wika: https://www.slideshare.net/audreyjana3/pagsasaling-wika-
57697459; July 18, 2018
3. Gabay ng Mag-aaral: Panghihiram ng mga Salita:
https://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html
Accesed; July 18, 2018

Online Instructional Video


1. SONA: Pagsasalin sa Wikang Filipino, may sinusundang proseso:
https://www.youtube.com/watch?v=UowWHj6xk_A&t=7s
Accesed: August 3, 2018

Course Module

You might also like