You are on page 1of 13

PAGSASALING PAMPANITIKAN

Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 1

Modyul 009 Pagsasalin ng


iba’t ibang akdang Pampanitikan
LAYUNIN:
1. Nakikilala ang mga akdang nasa anyong ng tuluyan o prosa
2. Natutukoy ang ilang suliranin sa pagsasalin ng prosa
3. Nakababasa ng ilang halimbawang salin ng Sanaysay at Talumpati

Panimula:

Ang pagsasaling wika ay tulay sa dalawang magkaibang bansa at kultura,


sinusunukan nitong alisin ang pagitan sa dalawang magkainang kutura.sa
pagpasok ng ika-21 siglo makikitang mabilis na nakasasabay ang bawat bansa
sa iba’t ibang kultura, sa ganitong pagkakataon masasabing naging matagumpay
ang mga pagsasaling pampanitikan.

Sinasabing ang pangunahing gamapanin ng tagapagsalin ay mailipat ang


simulating wika patungo sa target na wika, ang tagapagsalin ay nagtataglay ng
katangian ng maingat na pagbibigay ng kahulugan na tinatalakay ng tekstong
isasalin.

Ang pagsasaling pampanitikan ay isang makatotohanang pagpapahyag


ng impomasyon. Ayon kay Uegine Nida at Taber (1982, 200) ay pagkamakatotoo
ay mahalaga dahil sa mambabasa , Ang mambabasa ang tagatanggap ng salin na
dapat maging masaya habang binabasa ang naturang dapat lamang na madama
ng mambabasa na s iya ay hindi nalalyo sa knyang kultura at wika.

Ang pagsasaling pmapatikan ay isang gawaing nagpapakita at


humuhubog sa tagapagsalin sa laranngan nng pagsulat, ang kahusayang taglay
ng isang tagasalin ay hindi matatawaran spagkat alam naman natin na
anumang akdang pampanitikan ay nagtataglagay ng mga salitang nakatago ang
kahulugan.

Sa modyul na ito subukin nating tuklasin ang ilan sa mga pangunahing


suliranin sa pagsasalin ng prosa o tuluyan , pagsasalin ng sanaysay at talumpati.

Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan


Course Module
Prosa- Malikhaing Pagsulat na gumagamit ng mga pangungusap na tuloy-tuloy,

• Ano mang anyo ng prosang isasalin ay kailangang kilalanin ng tagasalin ang anyo ng
panitikang kinabibilangan nito, kailangang maging natural ang daloy ng mga
pangungusap at hindi himig-salin.

• Mahalaga sa pagsasaling pampanitikan na ang tagasalin ay hindi lamang bilingual


kundi bi-kultural din.
Bikultural- may kaalamang at nauunawaan niya ang kultura at wika ng
dalawang wika.
• Ang pagsasalin ng prosa o tuluyan noong ika-20 siglo ay masasabing basta-basta
lamang, sapagkat hindi lahat ng sinasalin ay masasabing klasiko ang dating, sa
kasalukuyan, ang anumanng proyekto ng pagsasalin ay dapat nakapaloob sa pangkat
na may magpapayo kung ano ang karapat-dapat isalin, kailangang talakayin o pag-
aralan muna kung ano anng tekstong isasalin kung ito ba ay may kapakinabangan sa
mambabasa.

• Bilang isang tagapagsalin dapat ay manatiling bukas ang isip ng tagapagsalin kasama
ng kanyang mahusay na pag-aanalisa upang matukoy niya kung ang idyomang
tinutukoy niya sa Tunguhing lengwahe o hiram sa simulaing lenguwahe

• Batay sa aklat na inilathala ni Alfonso Santiago, may ilang mga Suliranin ang pagsasalin
ng Prosa

1. Problema sa Idyoma

Isa sa mga problema sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ay ang paggamit ng


idyoma sa mga prosa o tuluyang uri ang panitikan, ang mga akdang
pampanitikan na mula sa ingles ay mayaman sa idyomatiko, Ang idyoma ang
pinaka-puso ng lahat ng wika, hindi nabubuhay ang isang akda kung hindi
gagamitan ng idyoma. Kung ang lahat ng wika ay may kanya-kanya imbentaryo
ng salita, gayundin na ang lahat ng wika ay may kanya-kanyang imbentaryo ng
sariling mga idyoma.Katulad ng nabanggit sa ibang aralin ang tagapagsalin ay
dapat na may kaalaman sa kultura ng bansnag pinagmulan ng isasaling akda,
sapagkat ang idyoma ay naka-ugat sa kultura ng alinmang bansa.

Paano ba isinasalin ang Idyoma?

• Una, ang mga tayutay ay maaring isaling literal, makikita na ang mga
salitang bumubo sa idyoma ay tinutumbasan ng literal na kahulugan,
halimbawa:“iron hand” = “kamay na bakal” nagaganap ang ganitong uri
nng pagsasalin kahit ang dalawang wikang kasangkot ay hindi mag-
kaangkan.

• Pangalawa, tumbasan ang idyoma ng kapawa idyoma. Halimbawa:


“dress to kill” = nakapamburol
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 3
• Ikatlo, isalin ang diwa ng idyoma sa paraang idyomatiko

Halimbawa: Bread and Butter= Ikinabubuhay

2. Ang natural sa estruktura ng wika

• Ang pagkakaiba ng istruktura ng wika ang isa sa itinuturing sa suliranin


sa pagsasalin ng Prosa o ng kahit anong uri ng akdang pamanitikan, ang
pagkakaiba sa gramatika at sa kayarian ng pangungusap sa pagitan ng
Wikang Ingles at Filipino, ang ilan sa mga baguhang pagsasalin na hindi
maalam sa pagkakaiba ng gramtika ng dalawang wika aya karaniwang
natatangay sa gramatika ng isinasaling wika, halimbawa ang wikang
ingles madalas na nalulunod ang tagapagsalin sa gramatika ng wikang
ingles kaya naman himig ingles pa rin ang salin, makikita dito ang salita
sa salitang pagsasalin

3. Ang Panghihiram

• Maaring pagtakhan kung bakit ang panghihiram ang isa sa pangunahing


suliranin sa pagsasalin ng prosa. Ang dahilan kung bakit kasama ang
panghihiram sa dahilang sa bawat pangungusap na ating isinasalin ay
bibihira ang pagkakataong hindi tayo nahaharap sa panghihiram, lalo
pa’t ang ating isinasalin ay iba’t ibang takdang pampanitikan na nasa
anyong tuluyan tulad na lang halimbawa ng sanaysay, Talumpati at
Maikling kwento.

• Malaki ang suliranin ng tagapagsalin kung ang isasaling akda ay kargado


ng kulturang dayuhan na kadalasang nangyayari sa mga akdang nagmula
sa wikang Ingles, sa ganitong sitwasyo hindi maiiwasan ng tagapagsalin
ang panghihiram.

• Ang tagapagsalin ay nahaharap sa suliranin ng panghihiram sapagkat


kailangan niyang isa-isip kung alin ang mas tatangkilin ng target na
mambabasa, ang panghihiram ba sa Ingles o ang panghihiram kastila, isa
pa sa kailangang pagtuunan ng pansin ay ang pagbabaybay dahil ito ay
nasa anyong pasulat. Halimbawa nito ang “Liqiud” kung nagpasya ang
tagapagsalin na Ingles ang panghihiram at ang baybay nito ay “Likwid”,
kunga ang tagapagsalin ay nais ang panghihiram sa kastila “liquido” at
ang baybay nito ay “ likido”.

Ang Pagsasalin ng Sanasay

Course Module
SANAYSAY- Isang akdang pampanitikan sa nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
tumatalakay sa mga isyung panlipunan at naglalahad ng matayog na opinyon ng manunulat
kaugnay sa isang tiyak na paksa.
• Tinatawag itong essay sa ingles at essaier sa pranses, nangangahulugang
“pagtatangka”. Mayrong iba’t ibang anyo ang sanaysay rito ang naglalahad,
nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran.

• Sa pagsasalin ng sanaysay kailangang masuri ng tagapagsalin ang bawat


pangungusap, isa sa nagiging suliranin sa pagsasalin ng sanaysay ay ang
malalabong pangungusap, sapagkat ito ay pananaw ng manunulat sa isang
napapanahong paksa, hindi mai-aalis na magkaroon ito ng mga malabong
pangungusap.

• Mahusay ang isang tagapagsalin kung natutukoy niya ang malabong


pangungusap sa Simulaing wika at sa tunguhing wika, masasabing malabo ang
pangungusap kukng naghahatid ito ng isa o higit pang pagpapakahulugan o
kung hindi malinaw ang kahulugang nais ibahagi ng may-akda.

• Ayon sa aklat ng pagsasalin ng Alfonso, may mga dahilan kung bakit nagiging
malabo ang isang pangungusap.

Una, Karamihan ng mga salita ay nagdadala ng higit sa isang kahulugan,


nagiging tiyak lamang ang kahulugan ng salita kung ito ay bahagi na ng
pangunggusap.

Pangalawa, Ang pagkakayos ng mga salita o pariralang bumubuo sa


pangungusap, May pagkakataon na nagiging malabo, o naiiba, ang
kahulugan ng isang pangungusap dahil lamang sa namaling posisyon ng
isang salita o parirala.

Ikatlo, Ang pagkakaltas ng mga salita dahil na rin sa hangaring


makatipid.

Narito ang halimbawa ng malabong pangungusap

“No one will speak to us”

Maaring maging salin:


“Wala sa amin ang nagsalita”

“wala sa amin ang kumausap”


PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 5

Narito naman ang halimbawa ng malinaw na pangungusap sa Ingles ngunit malabo ang
salin sa Filipino dahil sa balangkas ng pangungusap:

“The Doctor placed the statoscope on the table”

Malabong Salin:

“Inilagay / ang statoscope / sa mesa / ng Doctor”


1 2 3 4
Malinaw na Salin:

“Inilagay / ng Titser / sa mesa / ang statoscope.”


1 2 3 4
Halimbawang Salin ng Sanaysay

Ang Alegorya ng Yungib ni Plato


(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi
mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may
lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang
kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos
pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan
ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang
pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang
mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay
nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay
kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw
maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang
makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba
nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Course Module
Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi
ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa
pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan
ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga
bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila
ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa
sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati
niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip,
tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay
papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang
magiging tugon niya?

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya
lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na
kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit
upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang
mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan
hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at
magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi
niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang
maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang
mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning
na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa
liwanag ng araw na hatid ng umaga.

Tiyak.

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon
niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay
makapagninilay-nilay kung sino siya.

Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa


lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay
masanay sa pagtitig.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 7

Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa
kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang
mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at
kaawaan na lamang sila?

Tiyak at tumpak.

At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na
makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung
sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang
makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay
nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga
bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at
mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.

At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino
kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay
nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na
kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin)

hindi ba siya katawa-tawa?

Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas
mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang
iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga
dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo
ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng
kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.
Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking
opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at
matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na
maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay
yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay.
Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito .

Course Module
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang
magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali
lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad,
kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.

Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilaynilay
patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal?

Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay
mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at
magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang
uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag.

Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa
handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang
maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw?

At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa
isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag,
mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa
itaas ng liwanag patungo sa yungib.

Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halaga
ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng tao at ano ang pagkakaiba nito sa
sariling kaisipan. Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa
iyo upang masagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan
sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 9

Pagsasalin ng Talumpati

• Talumpati – Akdang Pampanitikan na nasa anyong tuluyan, maituturing na mabisang


salik sa pakikipagtalastasan, inilalahad ditto ang pananaw at opinyon ng manunulat
ukol sa napapanahong isyu karaniwan itong sinasalita sa harap ng madla

Ang kasimplehan ng paggamit ng retorika at kaayusan ng balarila ay higit na kailangan


upang maging mahusay ang pagkakabuo ng pangungusap, sa ganitong gawain mas
mapapalitaw ng manunulat ang kabisaan ng nasabing talumpati.

• Ang Pagsasalin ng talumpati ay karaniwang isinasagawa sa larangan ng akademya, ito


ay upang mas higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang ipihahayag ng isang kilalang
tao sa lipunan, Ang ilan sa talumpati ng mga kilalang tao sa mundo ay bahagi ng mga
talakayan sa aralin sa asignaturang Pilipino kaya naman nagkakaroon ng mga
pagsasalin ng talumpati.

• Kung babalikan natin ang mga nakalipas na aralin maaari nating iaakma ang mga
kaparaanan sa pagsasalin sa pagsasalin ng talumpati.

• Ang pagiging maingat ng tagapagsalin sa pagsasalin ay hinihingi upang hindi


magkaroon ng suliranin sa pagbibigay ng interpretasyon, ang talumpati ay maari nating
sabihing teknikal na sulatin sapagkat ito ay mula mismo nagsalita o bumigkas, sa
ganang akin hindi dapat magkaroon ng ibang pagpapakahulugan ang saling talumpati
sa orihinal na tulumpati.

• Halimbawa na lamang ang talumpati ni pangulong Rodrigo Duterte, ang tagapagsalin


ay kailangan maging maingat at matapat sapagkat ang ilan sa mga tinalakay ay
mahalaga at hindi dapat na magkaroon ng ibang interpretasyon sapagkat maari itong
magdulot ng kalituhan sa nakinig at bumasa.

• Dapat tandaan sa pagsasalin ng Talumpati:

➢ Basahin muna ang buong talumpati


➢ Isagawa ang unang burador
➢ Balikan ang natapos na burador, tiyakin ang mga wastong gamit ng salita
at ang wastong pagkakabuo ng pangungusap.
➢ Ipabasa sa iba ang salin
➢ Rebisahin ang salin batay sa mga naibigay na suhestiyon.

Course Module
Halimbawa ng Saling Talumpati ni Pangulong Duterte
Isinalin ng Rappler
Palasyo ng Malacañang ǀ 30 Hunyo 2016
Sanggunian (Sa Ingles):
http://newsinfo.inquirer.net/793344/full-text-president-rodrigo-duterte-inauguration-
speech#ixzz4D78gz98H

Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph
Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano
Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno
at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng
Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa
pamahalaan; mga kababayan.

Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o
makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang
pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.

Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong
ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso,
ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na
iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.

Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan
kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan,
at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang
kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin
ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at
dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas
mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon. Ngunit
mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang
masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.

Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin.
Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa
sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging
maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.

Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa hulí ang lahat.
Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at
paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong pamamaraan ay lihis sa
karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin
ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang
kinasadlakan.

Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang mga
relasyong pampamilya.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 11
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente
at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla,
bumalik silá kung saan nag-umpisa.

Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali.

Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa na
mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na umaalinsunod
sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.

Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo.
Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.

Ang katápatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.

Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-
anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang
nása aking isip hindi lámang para sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga
kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito patungo ang ating
gobyerno).”

Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong uhaw na
uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na maging permanente at
makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.

Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat na may
tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.

Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa
mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at nagmaliw, at nais nating
maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging
mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako. Magkakasáma, magkakabalikat,
nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.

May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na magsisilbing pundasyon ng


administrasyong ito.

“Ang pagsúkat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag táyo sa kasaganaan ng mga mayaman; ang
sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos.” – Franklin Delano Roosevelt.

Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “ Hindi mo mapalalakas ang
mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa
pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa
pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan
ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”

Course Module
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit
pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang magtungo sa mga
detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.

Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang mga rekisito
at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas. Inaatas ko sa
lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang
pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.

Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot
ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na at naghihintay ng
pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang laro ay malî.

Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinusúlong ang transparensi sa lahat ng mga kontrata,
proyekto, at transaksiyon sa negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon tungo sa
perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad.

Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at maghihiwalay táyo nang
mas maaga sa inaasahan.

Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon, hayaan ninyong ulitin ko na igagálang
ng Republika ng Filipinas ang mga kasunduan at internasyonal na obligasyon.

Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na ipatutupad ang lahat ng pinirmahang
kasunduang pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal at legal. Nagagalak ako sa
pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid na Muslim at mga pinunò nilá, at sa tugon ng lahat sa aking
panawagan para sa kapayapaan.

Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang matiyak ang
pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.

Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo na inihalal ako sa pagkapangulo
upang pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao,
o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.

Kung kayâ’t hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na pangungusap na isinulat ng táong hindi
ko na maalala ang pangalan. Sinabi niya: “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na
sasaktan.”

Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa pagsisimula ng
krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.

Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang pakikiramay sa
Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na
pakikiramay.

Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas.
Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 13

References and Supplementary Materials

1. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa engles)


Ikatlong Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

Online Supplementary Reading Materials


1. Pagsasalin ng Prosa:
https://www.scribd.com/presentation/360533240/Pagsasalin-Ng-Prosa
Date Accessed: November 11, 2018

2. Salin: https://salin.wordpress.com/2009/11/24/pagiging-masaya/
Date Accessed: November 11, 2018

Online Instructional Videos

1. Talumpati: https://www.youtube.com/watch?v=8jVoDPu-6io
Date Accessed: October 20, 2018

2. Sanaysay: https://www.youtube.com/watch?v=tGhQQR_y4rQ
Date Accessed: October 20, 2018

Course Module

You might also like