You are on page 1of 264

PAGSASALING PAMPANITIKAN

001
[Kasaysayan ng Pagsasaling Wika sa Daigdig]

Modyul 001- Kasaysayan ng

Pagsasaling Wika sa Daigdig
LAYUNIN:
1. Nakikilala ang mga Dalubhasa sa larangan ng Pagsasaling Wika sa Daigdig
2. Naiisa-isa ang kontribusyon ng mga kilalang dalubhasa sa Pagsasaling
Wika
3. Nauunawaan ang kanilang mga pananaw kaugnay sa Pagsasaling Wika

Panimula:
Bawat akda ay may pinagmulang kuwento kung paano nabuo, gayun din ang iba pang
mga bagay, marami dito ang dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga dalubhasa na
larangan.
Katulad ng mga akdang isinalin mula sa isang wika patungo sa ibang wika, ang
ganitong uri ng panulat ay tunay na pinaglalaanan ng isa masusi at mabusising pag-aaral
sapagkat hindi biro ang magsagawa ng pagsasalin, kaya naman sa modyul na ito, ating
kilalanin ang mga Dalubhasa na nagbigay ng kani-kanilang talino upang magkaroon ng mga
batayan kung paano ba ang wastong pagsasalin batay na rin sa kani-kanilang mga teorya
at sariling karanasan sa Larangan ng Pagsasaling Wika.

Peter Newmark

• Isinilang sa Czech Republic noong Ika-12 ng Abril 1916 at namatay noong ika 9 ng
Hulyo, 2011
• Isang kilalang English Professor sa University of Surrey.
• Iginagalang na haligi sa pagbuo ng Translation Studies noong ika-20 siglo
• Naging bahagi ng komunismong samahan hanggang 2002 nang ipag-utos ng kanilang
pamahalaan ang pagtatanggal sa kurikulum ng pagtuturo ng Foreign Language sa 14
na paaralan
• Isang kilalang manunulat ng mga aklat na may kaugnayan sa Pagsasaling Wika ang ilan
sa mga aklat na kanyang naisulat ay ang mga sumusunod:

✓ A Book of Translation
✓ Paragraphs on Translation
Course Module
✓ About Translation
✓ More Paragraphs on Translation
✓ A text book of Tranlation

Pigura 1 Peter Newmark

URL:https://www.theguardian.com/education/2011/sep/28/peter-newmark-obituary
Date Retrieved: July 20, 2018

Ipinakilala ni Newnark ang kanyang kaalaman sa pagsasaling wika. Ayon sa kanya ang
Pagsasaling wika ay ang pagtatangkang isalin ang mensahe o pahayag nang hindi nababago ang
kahulugan.
• Ayon pa kay Newmark (1988) walang bansa, walang kultura ang nakababata upang
hindi tumanggap sa makabagong kaisipan, samakatuwid ang pagsasaling wika ang
laging posible.

• Sa kanyang aklat na The Theory of Translation Chapter 2: Analysis of the Text, inilahad
niya ang ilan sa mahahalagang punto sa Pagsasaling Wika.

PAGBASA NG TEKSTO

• Sa simula kailangang basahin ang teksto ayon sa dalawang layunin. Una, basahin ang
teksto upang alamin kung ano ang nilalaman nito. Ikalawa, basahin ito ayon sa
pananaw ng tagapagsalin. Isinasagawa ito upang matukoy ang layunin ng manunulat
kung bakit ito isinulat gayundin, upang mabatid ang angkop na uri ng pagsasalin.

• Sa pag-unawa ng teksto kailangan ang (1) pagbasa sa kabuuan ng teksto. (2) Masusing
pagbabasa.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
003

Pagbasa sa kabuuan

o Binabasa natin ang kabuuang konteksto upang makuha o maunawaan ang

pangunahing ideya na nais ibahagi ng manunulat. Kalimitan tayong gumamit
ng encyclopedia, textbook o mga pag-aaral upang lubos nating maunawaan ang
paksa at konsepto ng konteksto.
Masusing Pagbasa

• Sa masusing pagbabasa, nangangailangan ng malalimang pagbasa at

pagsusuri upang mabatid ang mga salitang nakapaloob sa konteksto at upang
matukoy ang mga talinghagang ginamit ng manunulat. Sa ganitong
pamamaraan malalaman ng tagapagsalin ang wastong paraan ng pagsasalin
na isasagawa.

NILALAYON NG TEKSTO
• Sa pagbabasa, tinutuklas natin ang layunin ng teksto. Hindi ito maihihiwalay sa pag-
unawa ng teksto. Maaring ang pamagat ng teksto ay may kalayuan sa konteksto
ngunit hindi ang layunin nito. Dapat na matukoy ng tagapagsalin ang layunin ng
teksto.

NILALAYON NG TAGAPAGSALIN

• Sa mga pagsasalin, palagian nang layunin ng tagapagsalin ay maitulad ang kanyang

isasalin sa layunin ng orihinal na manunulat ng isasaling teksto.

• Kadalasan na kailangan alamin muna ng tagpagsalin kung sino ang kanyang

mambabasa bago isagawa ang pagsasalin. Halimbawa, kung ang tagapagsalin ay
magsasalin ng isang manwal para sa mga mambabasang ‘di gaanong nakapag-aral,
kailangang mas malawak at mas madaling maunawaan ang paraan ng kanyang
pagkakasalin kaysa sa orihinal na manwal.

Course Module
ANG MAMBABASA

• Sa pagkakaroon ng barasyon ng wikang ginamit sa orihinal, dapat masuri ng

tagapagsalin ang pagkakaiba-iba ng mambabasa ng orihinal at ng salin. Mula dito ay
maari nang bumuo ng disisyon kung paano maglalaan ng atensyon sa mambabasa ang
isang salin.

• Kailangang batid ng tagapagsalin ang lebel o antas ng kanyang mambabasa, antas ng

edukasyon, kalagayan sa lipunan, edad at kasarian.

• Ang karaniwang pagsasalin ay nakalaan para sa mga nakapag-aral o yaong

nakababasa at nakauunawa kung saan ito ay nasa anyong impormal ngunit di
kolokyal ang gamit ng salita.

• Madalas na ipinagkakamali ng mga mag-aaral na nagsasagawa ng pagsasalin ay ang

paggamit ng mga kolokyal na salita. Makikita sa ganitong pamamaraan na ang tuon
ng kanilang pagsasalin ay pansarili lamang at hindi para sa mga mambabasa.

SETTING

• Mahalagang malaman ng tagapagsalin kung kailan naisulat ang isang akda, anong
panahon at maging kultura ng orihinal na manunulat.

• Ano ang halaga ng Tl (tunguhing lengwahe) sa SL ( Simulaing Lengwahe) o kung sino

ang babasa ng salin at ano ang kanilang kahingian.

• Bilang isang tagapagsalin, kailangan batid kung sino ang mambabasa ng SL. Kailangan
suriin kung ang mambabasa ba ay nasisiyahan, pamilyar sa paksa, sa kultura at
tanggap ba ang barasyon ng wikang ginamit.

• Mayroong tatlong (3) uri ng mambabasa, (1) ang bihasa o ekspertong mambabasa (2)
ang nakapag-aral (3) at ang nakababasa. Kailangang bigyang tuon ng tagapagsalin
kung mananatili ang Pagsasalin sa SL o bibigyang pansin ang mambabasa ng TL.

• Kung ang target na mambabasa ng tagapagsalin ay ang kasalukuyang panahon

kailangan naayon ang TL sa makabagong mambabasa.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
005

Dayagram ng Proseso ng Pagsasalin

Ni Newmark

Komprehensyon pagbuo

Simulaing Lengwahe Tunguhing lengwahe

Pigura 2: dayagram
URL; https://www.slideshare.net/zee_albasyouni/newmarks-theory-2
Date Retrieved: July 23, 2018

Theodore Savory

• Ipinanganak noong Abril 28, 1896 sa Londres, United Kingdom. Namatay noong Nobyembre
27, 1980

• Isa sa kinikilala sa Larangan ng pagsasaling Wika. Ang kanyang mga teorya sa pagsasalin ang
ilan sa ginawang batayan ng manunulat na si Alfonso Santiago sa pagbuo ng Aklat na Sining
ng Pagsasaling Wika.

• Ang kanyang Aklat na the Arts of Translation ang naging sandigan sa pagtalakay ng
kasaysayan ng Pagsasaling wika sa Daigdig.

Course Module
• Ayon kay Savory, Sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako isinasagawa ang pagsasalin. Ayon
sa layunin ng tagsalin maliban sa alisin ang hadlang sa pagitan ng dalawang wika.

Pigura 3: Theodore Horace Savory

URL:https://itsmebhang.files.wordpress.com/2015/07/8.jpg
Date Retreived: July 23,2018

• Batay sa aklat ni Santiago, ayon kay Savory ang pagsasaling wika noong Ikalabing-
dalawang siglo ay maaring napantayan na sa kasalukuyang panahon ngunit hindi pa
nahihigitan. Sinasabing nagsimula ang pagsasalin nang simulang isalin ang Biblia. Ang salin
ni Wycliffe ay sinundan ng salin ni Tyndale at Coverdale. Ngunit gayun pa man mas
kinilalang salin ay ang salin ni Martin Luther (1483-1646). Dito nagsimulang makilala sa
larangnan ng panitikan ang bansang Germany.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
007

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin), ang
kay Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang ang kauna-unahang
salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay
nakilala sa tawag na Douai Bible. Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya, naging
panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na
Kasulatan. Dito nga nakilala ang “Authorized Version”. Ang maituturing naman na pinakahuling
salin ng Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na inilimbag ng Oxford University. Sa
dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin ang muling pagsasalin
dahil sa mga sumusunod na dahilan:

(1) Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming
bahagi ng mga unang salin;
(2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya;
(3) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng
kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-kasaysayan-ng-pagsasalingwika-
sa-daigdig-at-sa-pilipinas/

• Ang pagsasalin sa Inglatera ay kinilala noong panahon ng unang Elizabeth. Bagamat mas
kinilala at sumigla noong panahon ng ikalawang Elizabeth, sinabi pa ni Savory na si
Thomas North ang kinilalang pinakadakila sa larangan ng pagsasalin. Naging sentro ng
pagsasalin noong panahon yaon ang pakikipagsapalaran at pananakop.

• Sinabi pa ni Savory na mapapangkat sa Dalawa ang tagasaling wika sa ingles ng panitikang

Griyego.

1. Hellenizer o pangkat ng makaluma

Layunin ng makaluma na maging tapat sa pagsasalin at panatilihin ang orihinal

na diwa at katangian ng kanilang isinasalin. Ang katapatan ng salin ay ang
paglilipat sa pinagsasalinang wika ng mga kakanyahan ng wikang isinasalin sa
paraan ng pagpapahayag, tulad ng pangungusap at mga idyoma.

Course Module
2. Modernizer o Makabago

Layunin ng mga makabago na makalikha ng mga salin sa kanilang wika. Mga

saling wala ng katangian at idyoma ng wikang isinalin at nagkaroon na ng mga
katangian at idyoma ng wikang pinagsasalinan.

• Inilahad ni Savory ang apat na kategorya ng pagsasaling wika,

1. Saling nagbibigay kabatiran

2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan ng karaniwang
mambabasa, na ang ibig sabihin lamang ng mga mambabasa ay ang nilalaman ng
akda
3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o
tula sa tula.
4. Saling siyentipiko o teknikal

Pigura 4: Kahusayan ng Tagapagsalin

URL: https://www.slideshare.net/JhengReyes/pagsasaling-wika-filipino-3
Date Retrived: July 23, 2018
• Ang pagiging mabisa ng isang pagsasalin ay nakasalalay sa kahusayan ng tagapagsalin mula
sa orihinal. Katulad ng makikita sa dayagram. Ang tagapagsalin ay dapat na mahusay sa
dalawang wikang kasangkot sa isasagawang pagsasalin. Ang mahusay na pagbibigay
kahulugan sa Wika 1 ay magbubunga ng kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa
Wika 2 at kung mahusay ang pagsusuring isinasagawa ng tagapagsalin sa nilalaman ng Wika
1 ay magkakaroon ng mabisang salin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
009

Eugene Nida

Pigura 5:Eugne Nida

URL: https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https://www.unitedbiblesocieties.org/wp-
Date Retrieved: July 23, 2018

• Ipinanganak: Nobyembre 11, 1914, Lungsod ng Oklahoma, Oklahoma, Estados Unidos

• Namatay: Agosto 25, 2011, Madrid, Espanya

• Edukasyon: University of California, Los Angeles, University of Southern California,

University of Michigan

• Sa loob ng 50 taon si Nida ang namuno sa programa ng pagsasalin ng American Bible Society
naging consultant din siya ng United Bible Societies

• Dahil sa kanyang mga naisulat na aklat at ilang mga extra-ordinaryong pagibigay lektura
nagawa niyang matulungan ang mga iskolar, ang iba pang tagapagsalin at ang mga
Course Module
espesyalita sa larangan ng Christian mission na magkaroon ng kaalaman sa epektibong
pakikipagkomunikasyon.

• “ Ang Pagsasaling- wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na

natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika. Una’y batay sa kahulugan
at ikalawa’y batay sa istilo”

• Ayon kay Nida may apat na istilo ang teksto,

1. Pasalaysay- Paglalahad ng sunod-sunod na pangyayari kung saan binibigyang diin

ang gamit ng pandiwa.

2. Palarawan – Hindi naglalahad ng mga kilos at nagbibigay diin sa pang-uri at

panuring.

3. Pagtalakay- isang pangangatwiran o pag-uugnay, nagbibigay diin sa mga abstrak

na pangalan.

4. Padayalogo – nagbibigay diin sa kolokyalismo at pakikipag-ugnayan.

• Ipinakilala ni Nida ang tatlong iba’t ibang dahilan sa Pagsasalin

✓ Ang kalikasan ng Mensahe

✓ Ang layunin ng manunulat at tagapagsalin

✓ Ang uri ng mambabasa

Kalikasan ng Mensahe/Pahayag

Ang nilalaman at ang porma o anyo ng mensahe ay mahalaga. Sa maraming

pangyayari, palagiang magkadikit ang nilalaman at ang porma ng teksto. May mga
pagkakataon na mas binibigyang tuon ang nilalaman kaysa sa anyo o porma ng teksto. Ngunit
kadalasan sa pagsasalin, mas nabibigyang atensyon ang nilalaman kaysa sa anyo o porma.

Layunin ng Manunulat at Tagapagsalin

Ang layunin ng tagapagsalin ay katulad ng layunin ng orihinal na manunulat. Tulad

halimbawa kung ang tagasalin ay magsasalin ng isang idyoma, ito ay isasalin niya sa TL
(Tunguhing Lengwahe) ayon sa kahulugan at hindi sa TL na salita sa salita.

Ang Mambabasa
PAGSASALING PAMPANITIKAN
00

11

Ang pagkilala sa mambabasa ay mahalaga sa isang salin. Inilahad ni Nida ang apat na
pag-uuring nakauunwa ng lahat kahit anong lengwahe.

1. Ang kakayahan ng mga bata

2. Ang kakayahan ng mga bagong nakauunawa
3. Ang kakayahang umunawa ng matatanda,
4. Ang mataas na kakayahan ng mga espesyalista tulad ng mga ( Doctors,
theologians, philosophers at scientists)

• Ipinakilala rin ni Nida ang dalawang oryentasyon sa pagsasalin; ang Fomal Equivalence at
Dynamic Equivalence.

Formal Equivalence
Ang tuon ay nasa mensahe, ang porma at anyo ang binibigyang pansin ng tagapagsalin sa
pagbuo ng isang salin. Halimbawa tula sa tula, pangungusap sa pangungusap at konsepto sa konsepto.
Ang mensahe ng salin ay katulad ng orihinal. Sa ganitong pamamaraan, makikita ang kaangkupan at
kawastuhan ng isang salin.
Sa ganitong uri ng pagsasalin, ang tagasalin ay tinatangkang bumuo ng literal at makabuluhang
salin na hindi nalalayo sa porma at nilalaman ng orihinal na teksto.

Dynamic Equivalence
Sa bahaging ito ang tagapagsalin ay hindi nakatuon sa pagtutulad ng TL sa SL. Ang
tagapagsalin ay mas nakatuon sa relasyon ng TL at ng Mensahe. Dito makikita na ang tagapagsalin ay
sinusubukang bumuo batay sa kanyang sariling ekspresyon gamit ang kanyang sariling lengwahe na
mauunawaan ng kanyang mambabasa kahit hindi niya nauunawaan ang pagkakabuo ng SL

Ang mga teorya at pag-aaral na isinagawa nina Newmark,

Savory, at Nida ang naging tuntungan ng ilang mga kilala sa
larangan ng Pagsasaling Wika upang maiparating sa bagong
henerasyon kung paano naisasagawa ang isang pagsasalin
at ano ang halaga nito sa mundo.

Course Module
References and Supplementary Materials
Books and Journals
1. Newmark Peter, (1988) A Theory of Translation, Prentice Hah International Ltd. 66Wood Lane
End, Hempstead Hertfordshire, HP2 4RG

2. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa engles) Ikatlong
Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

Online Supplementary Reading Materials

1. Peter Newmark Orbituary; https://www.theguardian.com/education/2011/sep/28/peter-

newmark-obituary Date Accessed: July 20, 2018
2. Mga Teorya ng Pagsasalin: https://dokumen.tips/documents/teaorya-ng-pagsasali-ayon-kay-
newmark.html Date Accessed: July 20,2018
3. Pagsasaling Wika: https://www.slideshare.net/allanortiz/pagsasaling-wika-23507045 Date
Accessed: July 23, 2018
4. Priciple of Correspondence: https://www.slideshare.net/Istoguu/eugene-nida-principles-of-
correspondence Date Accessed: July 23, 2018

Online Instructional Videos

1. Sining ng Pagsasling Wika ni Savory: https://www.powtoon.com/online-

presentation/glV2rdSwo8d/ang-sining-ng-pagsasaling-wika-
savory/?mode=Presentation Date Accessed: July 23, 2018
WEEK 001

KASAYSAYAN NG PAGSASALIN
SA DAIGDIG
PANIMULA:

Bawat akda ay may pinagmulang kwento kung paano nabuo, gayun din ang
iba pang mga bagay, marami dito ang dumadaan sa masusing pagsusuri ng
mga dalubhasa na larangan.
Katulad ng mga akdang isinalin mula sa isang wika patungo sa ibang wika,
ang ganitong uri ng panulat ay tunay na pinaglalaanan ng isa masusi at
mabusising pag-aaral sapagkat hindi biro ang magsagawa ng pagsasalin, kaya
naman sa modyul na ito ating kilalanin ang mga Dalubhasa na nagbigay ng
kani-kanilang talino upang magakaroon ng mga batayan kung paano ba ang
wastong pagsasalin batay na rin sa kani-kanilang mga teorya at sariling
karanasan sa Larangan ng Pagsasaling Wika.
Pigura 1 Peter Newmark
URL:https://www.theguardian.com/education/2011/sep/28/pet
er-newmark-obituary
Date Retrieved: July 20, 2018
PETER NEW MARK
• Isinilang sa Chech Republic noong Ika-
12 ng Abril 1916 at namatay noong ika
9 ng Hulyo 2011

• Isang kilalang Englis Professor sa

University of Surrey.

• Iginagalang na haligi sa pagbuo ng

Translation Studies noong ik-20 siglo
PETER NEW MARK

• Naging bahagi ng komunismong samahan

hanggang 2002 nang ipag-utos ng kanilang
pamahalaan ang pagtatanggal sa kurikulum ng
pagtuturo ng Foreign Language sa 14 na
paaralan

• Isang kilalang manunulat ng mga aklat na may

kaugnayan sa Pagsasaling Wika ang ilan sa mga
aklat na kanyang naisulat ay ang mga
sumusunod:
PETER NEW MARK

• Ayon pa kay Newmark (1988) walang bansa,

walang kultura ang nakababata upang hindi
tumanggap sa makabagong kaisipan,
samakatuwid ang pagsasaling wika ang laging
possible.

• Sa kanyang aklat na The Theory of Transalation

Chapter 2: Analysis of the Text: inilahad niya
ang ilan sa mahahalagang punto sa
Pagsasaling Wika.
Pagbasa ng Teksto

Sa simula kailangang basahin ang teksto ayon sa dalawang

layunin, una basahin ang teksto upang alamin kung ano ang nilalaman
nito, ikalawa basahin ito ayon sa pananaw pananaw ng tagapagsalin.
Isinasagawa ito upang matukoy ang layuni ng manunulat kung bakit ito
isinulat gayunidin, upang mabatid ang angkop na uri ng pagsasalin.

• Sa pag-unawa ng teksto kailangan ang (1) pagbasa sa kabuuan nng

teksto. (2) Masusing pagbabasa.
Pagbasa sa kabuuan
Binabasa natin ang kabuuang konteksto upang makuha o maunawaan
ang pangunahing ideya na nais ibahagi ng manunulat, kalimitan tayong
gumamit ng encyclopedia,textbook o mga pag-aaral upang lubos nating
maunawaan ang paksa at konsepto ng konteksto.

Masusing Pagbasa
Sa masusing pagbabasa nangangailangan ng malalimang pagbasa at
pagsusuri upang mabatid ang mga salaitang nakapaloob sa konteksto at
upang matukoy ang mga talinghagang ginamit ng manunulat, sa ganitong
pamamaraan malalaman tagapagsalin ang wastong paaraan ng pagsasaling
na isasagawa.
Nilalayon ng Teksto

Sa pagbabasa, tinutuklas natin ang layunin ng teksto,

hindi ito maihihiwalay sa pag-unawa ng teksto,
maaring angn pamagat ng teksto ay may kalayuan sa
konteskto ngunit hindi ang layunin nito. Dapat na
maatukoy ng tagapagsalin ang layunin ng teksto.
Nilalayon ng Tagapagsalin

Sa mga pagsasalin, palagian nang layuni ngn tagapagsalin ay

maitulad ang kanyang isasalin sa layunin ng orihinal na manunulat ng
isasaling teksto.
Kadalasan na kailangan alamin muna ng tagpagsalin kung sino
ang kanyang mambabasa bago isagawa ang pagsasalin, hallimbawa
kung ang tagapagsalin ay magsasalin ng isang manwal para sa mga
mambabasang ‘di gaanong nakapag-aral, kailangang mas malawak at
mas madaling maunawaan ang paraan ng kanyang pagkakasalin kaysa
sa orihinal na manwal.
Ang Mambabasa

• Sa pagkakaroon ng barasyon ng wikang ginamit sa orihinal, dapat

masuri ng tagapagsalin ang pagkakaiba-iba ng mambabasa ng
orihinal at ng salin, mula ditto ay maari nang bumuo ng disisyon
kung paano maglalaan ng atensyon sa mambabasa ng isang salin.

• Kailangang batid ng tagapagsalin ang lebel o antas ng kanyang

mambabasa, antas ng edukasyon, kalagayan sa lipunan, edad at
kasarian.
Ang Mambabasa

• Ang karaniwang pagsasalin ay nakalaan para sa mga nakapag-

aral o yaong nakababasa at nakauunawa kung saan ito ay nasa
anyong impormal ngunit di kolokya ang gamit ng salita.

• Madalas na ipinagkakamali ng mga mag-aaral na nagsasagawa ng

pagsasalin ay ang paggamit ng mga kolokya na salita,makikita sa
ganitong pamamaraan na ang tuon ng kanilang pagsasalin ay
pansarili lamang at hindi para sa mga mambabasa.
Setting

• Mahalagang malaman ng tagapagsalin kung kailan naisulat ang

isang akda, anong panahon at maging kultura ng orihinal na
manunulat

• Ano ang halaga ng Tl (tunguhing lengwahe) sa SL ( Simulaing

Lengwahe) o kung sino ang babasa ng salin at ano ang kanilang
kahingian.
Setting

• Bilang isanng tagapagsalin kailangan batid kung sino ang mambabasa ng SL,
kailangan suriin kung anng mambabasa ba ay nasisiyahan, pamilyar sa paksa,
sa kultura at tanggap ba ang barasyon ng wikang ginamit.

• May roong tatlong (3) uri ng mambabasa, (1) ang bihasa o ekspertong
mambabasa (2) ang nakapag-aral (3) ang nakababasa, kailangang bigyang tuon
ng tagapagsalin kung mananatili ang Pagsasalin sa SL o bibigyang pansin ang
mambabasa ng TL.

THEODORE SAVORY

• Ipinanganak noong Abril 28, 1896 sa Londres,

United Kingdom. Namatay noong Nobyembre 27,
1980

• Isa sa kinikilala sa Larangan ng pagsasaling Wika,

Ang kanyang mga teorya sa pagsasalin ang ilan sa
ginawang batayan ng manunulat na si Alfonso
Santiago sa pagbuo ng Aklat na Sining ng
Pagsasaling Wika.
THEODORE SAVORY

• Ang kanyang Aklat na the Arts of Translation ang

naging sandigan sa pagtalakay ng kasaysayan ng
Pagsasaling wika sa Daigdig.

• Ayon kay Savory, Sa lahat ng panahon at sa lahat

nng dako, isinasagawa ang pagsasalin, ayon sa
layunin ng tagsalin maliban sa alisin ang hadlang
sa pagitan ng dalawang wika.
• Batay sa aklat ni Santiago, Ayon sa Savory ang
pagsasaling wika noong Ikalabindalwang siglo ay
maaring napantayan na sa kasalukuyang panahon
ngunit hindi pa nahihigitan. Sinasabing
nagsimula ang pagsasalin nang simulang isalin
ang Biblia. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng
salin ni Tyndale at Coverdale. Ngunit gayun pa
man mas kinilalang salin ay ang salin ni Martin
Luther (1483-1646). Dito nagsimulang makilala
sa larangnan ng panitikan ang bansang Germany.

Ang pagsasalin sa Inglatera ay kinilala
noong panahon ng uang Elizabeth, bagamat
mas kinilala at sumigla noong panahon nng
ikalawang Elizabeth, sinabi pa ni Savory na
si Thomas North ang kinilalang
pinakadakila sa larangan nng pagsasalin,
nagaing sentro ng pagsasalin noong
panahon yaon ang pakikipagsapalaran at
pananakop.
Sinabi pa ni Savory na mapapangkat sa Dalawa ang tagasaling wika sa ingles ng panitikang Griyego.

1. Hellenizer o pangkat ng makaluma- layunin ng makaluma na maging tapat sa

pagsasalin at panatilihin ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin,
ang katapatan ng salin ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng mga
kakanyahan ng wikang isinasalin sa paraan ng pagpapahayag, tulad ng
pangungusap at mga idyoma.

2. Modernizer o Makabago- Layunin ng mga makabago na makalikha ng mga salin

sa kanilang wika, mga saling wala ng katangian at idyoma ng wikang isinalin at
nagkaroon na ng mga katangian at idyoma ng wikang pinagsasalinan.
Inilahad ni Savory ang apat na kategorya ng pagsasaling wika,

1. Saling nagbibigay kabatiran.

Ipinanganak: Nobyembre 11, 1914, Lungsod ng

Oklahoma, Oklahoma, Estados Unidos

Namatay: Agosto 25, 2011, Madrid, Espanya

Edukasyon: University of California, Los

Angeles, University of Southern California,
University of Michigan
“Ang Pagsasaling- wika ay muling paglalahad sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural
na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad
ng wika, una’y batay sa kahulugan at ikalawa’y
batay sa istilo”
Apat na istilo ng teksto

1. Pasalaysay- Paglalahad ng sunod-sunod na pangyayari kung saan binibigyang

diin ang gamit ng pandiwa

2. Palarawan – hindi naglalahad ng mga kilos at nagbibigay diinsa pang-uri at

panuring.

3. Pagtalakay- isang pangangatwiran o pag-uugnay, nagbibigay diin sa mga

abstrak na pangalan.

Tatlong iba’t ibang dahilan sa Pagsasalin

Kalikasan ng Mensahe/Pahayag

Ang nilalaman at ang porma o anyo ng mensahe ay mahalaga, sa maraming

pangyayari palagiang magkadikit ang nilalaman at ang porma ng teksto. May
mga pagkakataon na mas binibigyang tuon ang nilalaman kaysa sa anyo o
porma ng teksto. Ngunit kadalasan sa pagsasalin mas nabibigyang atensyon ang
nilalaman kaysa sa anyo o porma.
Layunin ng Manunulat at Tagapagsalin

Ang layunin ng tagapagsalin ay katulad ng layunin ng orihinal na manunulat.

Tulad halimbawa kung ang tagasalin ay magsasalin ng isang idyoma, ito ay
isasalin niya sa TL (Tunguhing Lengwahe) ayon sa kahulugan at hindi sa TL na
salita sa salita.
Ang Mambabasa

Ang pagkilala sa mambabasa ay mahalaga sa isang salin, inilahad ni Nida ang

apat na pag-uuring nakauunwa ng lahat kahit anong lengwahe.

theologians, philosophers at scienctist)
Dalawang oryentasyon sa pagsasalin ang Fomal Equivalence
at Dynamic Equivalence.
Formal Equivalence

Ang tuon ay nasa mensahe, ang porma at anyo ang binibigyang pansin ng
tagapagsalin sa pagbuo ng isang salin, halimbawa tula sa tula, pangungusap sa
pangungusap at konsepto sa konsepto ang mensahe ng salin ay katulad ng orihinal
sa ganitong pamamaraan makikita ang kaangkupa at kawastuhan ng isang salin.

Sa ganitong uri ng pagsasalin ang tagasalin ay tinatangkang bunuo ng literal at

makabuluhang salin na hindi nalalayo sa porma at nilalaman ng orihinal na teksto.
Dynamic Equivalence

Sa bahaging ito ang tagapagsalin ay hindi nakatuon sa pagtutulad ng

TL sa SL, ang tagapagsalin ay mas nakatuon sa relasyon ng TL at ng
Mensahe. Dito makikita na ang tagapagsalin ay sinusubukang bumuo batay
sa kanyang sariling ekspresyon gamit ang kanyang sariling lengwahe na
mauunawaan ng kanyang mambabasa kahit hindi niya nauunawaan ang
pagkakabuo ng SL
PAGSASALING PAMPANITIKAN
002
[KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS]

Modyul 002 Kasaysayan ng

Pagsasalin ng Wika sa Pilipinas
LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahalagan ng Pagsasaling Wika
2. Nakikilala ang iba’t ibang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas
3. Nababatid ang iba’t ibang akdang kanluranin na naisalin sa wikang
Filipino

PANIMULA
Ang Pagsasaling wika ay matagal nang isinasagawa sa bansa simula pa sa ating mga
ninuno. Ngunit mas nabigyang tuon ang pagsasalin nang dumating ang iba’t ibang
mananakop sa ating bansa, lalo nilang binigyang tuon ang pagsasaling wika, kabilang na rito
ang iba’t ibang akdang pampanitikan.

Kahalagahan ng Pagsasaling Wika

Sa pagdaan ng maraming taon, ang pagsasaling wika ay higit na nagkakaraoon ng puwang sa
larangan ng pagsulat. Maraming mga manunulat ang tumugon sa pagsasalin ng mga akdang
pampanitikan. Dahil dito unti-unti nagkaroon ng liwanag ang pagsasalin. Nagkakaroon din ng
ugnayan ang dalawang bansa kung saan nagmula ang mga akdang isinasalin.

• Nagbukas ng maraming oportinidad ang pagsasalin sa mga manunulat

• Ang pagsasalin ay isang mabisang paraan ng pagpapayaman ng bokabularyo ng mga mag-
aaral.
• Ang pagsasalin ay nakapagpapataas din ng kahusayan sa pagpapahayag sapagkat hindi
lamang iisang wika ang pinagtutuunan ng pag-aaral, dahil dalawa o higit pang wika.
• Ayon kay Bienvinido Lumbera(1982) ang mga layuning nagbubunsod sa pagsasalin ay ang
mga sumusunod:
✓ Una, sa pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda,
✓ Pagbibigay liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon,
✓ Ikatlo, pagpapakilala sa mga mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao.
Ang mga kaalaman at karunungang nababasa ngayon at napag-aaralan ay dulot ng pagsasaling wika.

Unang Yugto ng Pagsasaling Wika

Nakilala ang pagsasaling Wika nang dumating ang mga kastilang mananakop sa bansa. Sa mga
unang yugto ng pagsasalin, makikita ang kasiglahan nito nang simulang isalin ng mga
prayle ang bibliya.

• Nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling wika sa Pilipinas noong panahon ng

pananakop ng mga kastila.
• Ang Relihiyong Kristyano ang isa sa pangunahing dahilan ng pag-unlad ng pagsasalin
sa Pilipinas dahil sa bantulot na pagtuturo ng mga Kastila ng kanilang wika. Kaya naman
upang maituro ang Kristiyanismo sa mga Pilipino ay nagsagawa ang mga prayle ng
pagsasalin sa iba’t ibang katutubong wika.
• Dahil sa takot ng mga Kastila na matutunan ng mga Pilipino ang kanilang wika at upang
hindi makapag-alsa ang mga Pilipino, mas pinili ng mga Kastila na aralin ang wika ng
mga katutubo at magsagawa ng mga pagsasalin.
• Mas naging madali sa mga katutubo ang pagtanggap sa Kristiyanismo sapagkat
naririnig nila ito sa kanilang wika habang itinuturo ng mga prayle.
• Hindi maitatanggi na ang mga Kastila ang dahilan ng kasiglahan ng pagsasaling wika sa
kanilang panahon.
• Dahil sa hindi pagsunod ng ilang mga prayle sa dekreto ng hari ng Espanya na ituro ang
Kristiyanismo sa wikang Kastila kaya naman lumaganap ang pagsasalin sa Pilipinas.
• Ang mga prayleng namumuno sa Pilipinas ay may ilang mga dahilan kung bakit mas
pinili nilang magsalin ng mga akdang panrelihiyon sa wikang katutubo kaysa ituro ito
sa sarili nilang wika at sumuway sa dekreto ng hari ng Espanya:

UNA, batay na rin sa kanilang karanasan sa Timog at Hilagang Amerika, higit

na matagumapay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung wikang
katutubo ang kanilang gagamitin sa pagtuturo ng mga aral ng Bibliya.

IKALAWA, mas madaling maunawaan ng mga katutubong Pilipino ang

ibinabahaging aral ng mga prayle kung ito ay nasusulat at sinasalita ng mga
prayle gamit ang katutubong wika. Kaya mas higit nilang pinaunlad ang
kanilang mga sarili sa pag-aaral at pagsasalin ng mga aklat panrelihiyon sa
katutubong wika.

IKATLO, pinangangambahan ng mga prayle ang pagkatuto ng mga Pilipino ng

kanilang wika at maunawaan nito ang kanilang kalagayang politikal at sila ay
mag-alsa.

• Pinangunahan ni Theodoro A. Agoncillo ang pagsasalin ng mga ilang piling akda sa

ilalim ng – Tagalog Periodical literature. Narito ang ilan sa sipi ng isinagawang
pagsasalin.
➢ Garcia, Vicente. “ Ang Pagtulad Cay Cristo” (mula sa “The
limitation of Christ” ni Thomas A. Kempis: Imprenta de Santos y
Bernal, 1880)
➢ Angeles, Roman de los. “Buhay ni Sta. Maria Magdalena” (saling
patula mula sa ‘Historia de un Martir de Golgota.” Maynila:
Imprenta de Fajardo,1907)
➢ Belan, Gaspar Aquino de. “Manga Panalangin Pagtagobilin sa
Calolva nang tavong naghihingalo” (halaw sa aklat ni Tomas
Villacatin;Maynila:Imprenta de la Compania de Jesus,1760).
➢ Cortazar,Raimundo. “Ang pagcocompisal at paquiquinabang”
(Malabon: Tipo-Litografia del Asilo de Huerfanos de Ntra. Sra de
Consolacion,1895)
➢ Clain, Pablo. “Ang infieryong nabvbvcsan sa tavong Christiano at
nang hovag masoc doo” (saling halaw mula sa isang pamplet na
nilimbag sa “Convento nang Dilao”1973).

Pigura 1. Pagpapalaganap ng Kristyanimo

URL: https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-kasaysayan-ng-pagsasalingwika-sa-
daigdig-at-sa-pilipinas/
Date Retrieved: July 2, 2018.

• Sa kabuuan ay may 209 ang lahat ng nakatalang salin ni Theodoro Agoncillo na lahat ay
tumatalakay sa religious work na karamihan ay salin o adapsyon mulsa sa mga
manuskrip, pamphlet, aklat, at iba pa na orihinal na nasusulat sa wikang Kastila.
Kapansin pansinin na pinanatili ni Agoncillo ang aktwal na baybay ng mga salita na
ginamit ng manunulat.
• Sa unang yugto ng pagsasalin makikita natin na ang naging tuon ng pagsasalin ay ang
mga akdang may kinalaman sa kagamitang panrelihiyon.

IKALAWANG YUGTO NG PAGSASALIN

Sa Mahigit 300 daang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, marami ang naituro nila sa
mga Pilipino. Ang pagpapalaganap at pagtuturo ng relihiyong Kristyanismo. Umusbong din ang
pagsasalin sa panahon ng mga Kastila sa pilipinas. Ngunit hindi lamang sa panahon ng mga Kastila
nakilala ang pagsasalin. Mas kinilala ang pagsasalin sa pagdating ng mga Amerikanong mananakop
sa Pilipinas.

• Edukasyon ang ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa panahon ng kanilang

pananatili sa Pilipinas.

Pigura 2. Ang Sistema ng Edukasyon noong Panahon ng Amerikano>

URL: https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang- kasaysayan-ng-pagsasalingwika-sa-
daigdig-at-sa-pilipinas/
Date Retrieved: July 2,2018

• Naging maunlad ang pagsasalin sa pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas.

• Nagsimula ang pakikipag-uganayang intelektuwal sa panahon ng pananatili ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
• Sinimulang isinalin ang mga akdang pampanitikan mula sa kanluran sapagkat
lansakan ang pagpasok ng mga pampanitikang kaunlaranin.
• Isinalin din ang ilan sa mga kilalang akdang pambata na pinangunahan ng National
Bookstore, ipinasalin nito ang :
Si Pusang Nakabota (Puss N’ Boots),
Ang Natutulog na Kagandahan (Sleeping Beauty)
Ang Tatlong Munting Baboy (The Three Little Pigs).
Ang Prinsesa at ang Gisantes (The Princess and the Pea)
Si Jack at ang Puno ng Bitwelas. (Salin ng Jack and the Beanstalk)
Ang mga Duwende at ang Sapatero (The Dwarf and the shoemaker)
Munting Pulang Talukbong. (Salin ng The Little Red Riding hood)

• Nagsagawa din ng pagsasalin ang Goodwill Bookstore. Binigyan tuon naman nila ang
pagsasalin ng mga akda ng ilan sa mga dakilang pilosopo na sina Aristotle, Aquinas,
Kant at ng ilan pang piloposo.
• Karaniwang tampulan ng pagsasalin ay ang mga Dula na itinatanghal sa teatro,
sapagkat noong panahon ay wala pang telebisyon.
• Sa panahon din ng mga Amerikano masasabing uhaw-na-uhaw ang mga manunulat
sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikang kanluranin sapagkat ito ang ipinagkait
sa atin ng mga Kastila sa panahon ng kanilang pananakop. Kaya naman higit na naging
masigla ang pagsasalin sa panahong ito.
• Rolando Tinio ang kilala sa pagsasalin ng mga klasikong Dulaang lumaganap sa
Europa. Layunin ni Tinio na maipaabot sa kamalayan ng mga Pilipino ang mga
dulaang pandaigdig sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa wikang nauunawaan ng
higit na nakararaming Pilipino.

Pigura 3. Larawan ni Rolando Tinio

URL: https://www.google.com.ph/search?tbm=isch&sa=1&ei=UiY-W7qWHM7R-
QadybWoDA&q=rolando+tinio+works&oq=rolando+tinio
Date Retrieved: July 2, 2018

• Sinasabing ang pagsasalin sa panahon ng mga Amerikano ay pagsasaling –di tuwiran

sapagkat ang ilan sa mga salin ay hindi na mula sa orihinal na wika kundi bunga na
rin ng isang pagsasalin.
• May mga akdang pampanitikan na naitala sa Tagalog Periodical Literature ni
Agoncillo: Nobela 10, Maikling kwento 109, Drama19, Tula 51 at akdang panrelihiyon
109. Narito ang ilan sa naitalang sipi ng pagsasalin.

Maikling Nobela:

Diazon, Leonard A. & Gerardo Chanco. “Ang Buhay ay Pag-ibig” (mula sa “Vivir es
Amar” ni Manuel Ibo Alfaro, sa ang MITHI, okt. 1917- Mar.1918).
Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” (mula sa Lucha de Razas” ni Brandon sa
TALIBA, 1912).

Maikling Kwento:

Rosario, Deogracias A. “Dafne at Apollo”, Alamat ng Laurel”, (mula sa “A Book of

Fables” ni Bulfinch. ANG DEMOCRACIA, Hunyo 1913).
Mariano, Patricio. “Mga Alamat” (Mula sa El Filibusterismo” ni Jose P. Rizal. MULING
PAGSILANG, 1913)
Dula:

Balmaseda, Julian C. “Ang Kalupi ng Sakristan” (Mula sa “Memorias de un Sacristan”

TALIBA, Oktubre 21, 1920)

Mariano, Patricio, “Rizal” (mula sa 4-na-tagpong dula ni Juan Utor y Fernandez:

ipinalabas na Rizal Theater, Disyembre 30, 1909.
Rivera, Jose M. “Simoun” (mula sa El Filibusterismo” ni Jose Rizal, TALIBA, Hunyo
30-Hulyo 3, 1916;
Afan, Arsenio R. “Pulo ng Hiwaga” (mula sa “Gulliver’s Travels” ni Swift.
SAMPAGUITA, Setyembre 27, 1932- Pebrero 7, 1933;
Asistio, Narciso S. “Mutyang Pinaghaharap”(malayang salin mula sa “The American
Marquis” ni Nick Carter, Limbagan ni P. Sayno, balo ni Soriano
1923;
Gatmaitan, Pedro. “Noli Me Tangere” (mula sa :Noli Me Tangere” ni Jose Rizal,
Maynila: Ramon Roces Publication,1962.

Jesus, Jose Corazon de. “Mga Pusong Naglaho sa Dilim” (mula sa “Bancarotas de
Alma” ni Balmor TALIBA, Enero 14-Abril 9, 1928:
Tula:

Maderal, Ursula Q. “Isang araw na Maulan” (mula sa The Rainy Day” ni Henry
Wadsworth Longfellow, TALIBA Oktubre 21, 1920)
Almazor, Vicente. “ Ang aking Pahimakas” (mula sa “Mi Ultimo a Dios” ni Jose P. Rizal,
ANG DEMOCRACIA, Hunyo 19,1911.
Jesus, Jose Corazon de. “Blanca Nieve” (patulang salin mula sa kwentong “Blanca
Nieve”, ANG DEMOCRACIA, Dis 13,1919;
Silvester, Aniceto F. “Aking Ina” (mula sa Mother of Mine” ni Kipling. ANG MITHI,
Hunyo 25,1921.
Cruz, Andres Cristobal, “ Ang lahat ay Magkakapatid( mula sa aklat na “All Men are
Brothers” ; naglalarawan ng buhay at mga kaisipan ni Mahatma
Gandhi; Maynila: Regal Publishing House, 1969).

Tinio, Rolando at Mira Solganik. “Mga Tula ni Robert Rozhdestvensky”(tuwirang

salin mula sa wikang Ruso: Maynila: Sagisag, Ang Magasin ng
Pilipino, Agosto 1975).

Sa pagdaan ng Panahon patuloy ang pagsasalin sa wikang Filipino ng ilan sa

materyales mula sa Ingles. Nagsagawa rin ng pagsasalin ang Children’s Communication Center ng
mga akdang pambata.

Hindi lamang mga aklat na pambata ang binigyang tuon ng National book store sa
kanilang programa ng pagsasalin, naisalin din nila ang ilan sa mga kilalang akda na isinakomiks na
nasusulat sa Wikang Ingles. Narito ang ilan sa mga sipi:

Kasaysayan ng Dalawang Lungsod: (Salin ng A tale of Two Cities.)

Robinhood. (Salin ng Robinhood)

Ang Negosyante ng Venicia. (Salin ng The Merchant of Venice

Wuthering Heigths. (Salin ng Wuthering Heights).

Natutulog na Kagandahan. (Salin ng The Sleeping Beauty).

Ang Pangit na Bibe. (Salin ng The Ugly Duckling)

References and Supplementary Materials

Books and Journals

Almario, Virgilio, (2015) Introduksiyon sa Pagsasalin: Mga Panimulang Babasahin Hinggil sa

Teorya at Praktika ng Pagsasalin: Watson Building, JP Laurel, San Miguel, Maynila

Online Supplementary Reading Materials

1. Kahalagahan ng Pagsasalin; https://www.scribd.com/doc/311188993/Kahalagahan-Ng-

Pagsasalin; Accessed: July 2, 2018

2. Pagsasalingwika: Mabisang Paraan ng Pagpapayaman ng Bokabularyo at Pagpapaunlad ng

Kahusayan sa Pagpapahayag;
https://books.google.com.ph/books?id=QY2UCDSYFGAC&pg=PA262&lpg=PA262&dq=kahalagah
an+ng+pagsasaling+wika&source=bl&ots=rv4o1VsPia&sig=jrCoOQxx5ClF6vlObBxiyP-;
Accessed: July 2, 2018

Online Instructional Videos

1. Kahalagahan ng Pagsasalin; https://www.youtube.com/watch?v=4PhLLo9551Y; Date

Accessed: July 2, 2018
2. Pagsasaling Wika;https://www.youtube.com/watch?v=4wgILSoY2d0;
Accessed: July 2, 2018
3. Ang Pagsasaling Wika;https://prezi.com/ahwhdcknlmav/ang-pagsasaling-wika/
Accessed: July 2, 2018

Course Module
Pagsasaling Pampanitikan
003
KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS

Modyul 003 Kasaysayan ng

Pagsasaling Wika sa Pilipinas
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba pang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas
2. Nababatid ang antas ng kasiglahan ng pagsasalin sa bawat paglipas ng
panahon.
3. Nakikilala ang mga akdang naisalin sa iba pang yugto ng pagsasalin sa
Pilipinas.

PANIMULA
Sa bawat yugto ng pagsasalin sa Pilipinas ay may iba’t ibang antas ng kasiglahan. Ang
dalawang yugto ng pagsasalin ay nagpakita ng pag-unlad lalo na sa larangan ng panitikan.
Tuklasin ang kasiglahan ng iba pang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas.

IKATLONG YUGTO NG PAGSASALIN

• Sa ikatlong yugto ng pagsasaling wika sa Pilipinas, higit na pinagtuunan ang

pagsasalin ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.

• Dahil na rin sa patakarang bilinggwal sa sistema ng Edukasyon higit na umunlad ang

pagsasaling wika sa Pilipinas.

• Batay na rin sa Department Order No. 52 na nirebisa noong 1987, konstitusyon na

higit na marami ang asignaturang dapat ituro sa wikang tagalog kaya marapat lamang
na mas paunlarin pa ang pagsasalin ng mga akdang may kaugnayan sa Edukasyon.

• Ipinanukala ng EDCOM (Educational Commision) na dapat wikang Filipino na ang

gamiting panturo sa Elementarya at Sekondarya, kaya mas pinagsigla ang pagsasalin
ng mga aklat na pampaaralan.

• At dahil sa pananatili ng mga Amerikano sa bansa at pagpapalaganap ng Edukasyon,

karamihan sa mga kagamitang pampaaralan ay nasusulat sa wikang Ingles, kaya
naman malawakan ang isinagawang pagsasalin ng mga materyales at kagamitang
pampagtuturo.

Course Module
Kaalinsabay nito ang tuluyang pag-susulat ng mga aklat pampaaralan sa nasusulat
naman sa wikang Filipino.

Narito ang ilan sa mga halimbawa:

Almazor, Teresita, et al. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Ikaapat at Ikalimang Bahagi

ng “A Programmed Introduction to Linguistics” ni Cynthia D. Buchahan, PNC 1971.

Cailles, Isidro S. “Pagsasalin sa Pilipino ng Elementary Science IV: A Curriculum

Guide for Teacher,” PNC 1970.

Castillo, Felicidad B. Isang Pagsasalin sa Pilipino ng “Revised Program of the Girls

Scout of the Philippines,” PNC 1972.

Cruz, Araw A. Dela. “Pagsasalin sa Filipino ng Ikatlong Kabanata ng Tagalog

Reference Grammar,” PNC 1968.

Duarte, Benefrida M. “Isang Pagsasalin ng Unang Bahagi ng A Programmed

Introduction to Linguistics ni Cynthia Buchahan,” PNC 1971.

Fajardo, Virginia J. “ Isang Pagsasalin ng A Teaching Guide in Home Economics for

Grade VI, mula sa yunit VIII Hanggang yunit XIII,” PNC 1971

Gaela, Marciano, “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Teaching Guide for Good Manners
ang Right for Grade VI mula sa yunit XIV hanggang yunit XXVI,’ PNC1970

Gregorio, Consuelo T. “Isang Pggsasalin sa Pilipino ng A teachcers guide for Home

Economics for Grade V, mula yunit 1hanggang yunit VI,”PNC 1971

Laguna, Rachel C. “Isang Pagsasalin sa Pilipinong Dulang Educating Josefina ni Lilia

A. Villa, “PNC 1970

Leon, Luisa de M. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teaching Guide I Health

Education For Grade III, Mula sa yunit I hanggang yunit XII, “ PNC 1970.

Lontok, Rolando L. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng mga Katawagan sa Araling

Panlipunan sa Ikalima at Ikaanim na Baitang. “ PNC, 1972.

Manalili, Maria C. “ Isang Pagsasalin sa Pilipino ng A Teacher’s Guide in Home

Economics for Grade Five, mula sa yunit VII Hanggang yunit XII, “ PNC 1971

IKAAPAT NA YUGTO
Ang ikaapat na yugto ng pagsasalin ay mailalarawan ‘ding maunlad. Ito ang panahon
kung saaan ang mga akdang pampanitikan ay sinisimulang isalin sa wikang Tagalog. Ang
Pagsasalin ay higit na mahalaga upang matawag na mayroon tayong Panitikang Pambansa.
Mayaman ang Panitikan ng Pilipinas mula sa iba’t ibang rehiyon, ngunit higit itong
mapapayaman kung maisasalin ito sa wikang Filipino.

• LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary

Language Teacher Education) samahan na nagsagawa ng proyekto kaugnay sa
pagsasalin. Ito ay may dalawang bahagi; PAGSANGGUNI at PAGSASALIN.
Ang nasabing proyekto ay sinuportahan ng DECS at PNU noong 1987.

• Sinimulan ang proyekto sa pag-iimbita ng mga kilalang manunulat mula sa

iba’t ibang iskolar at manunulat mula sa pitong pangunahing wika, (Cebuano,
Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan.). Ang bawat
isa ay inaataasan na magdala ng kanilang mga obra na nasusulat sa kanilang
bernakular na wika.

• Matapos masuri ang mga akda ay sinimulan ang ikalawang bahagi ng palihan.
Sumailalim ang mga edukador at mga tagapagsalin sa isang sanayan upang
lubusan ang gagagwing pagsasalin ng mga akda mula sa iba’t ibang lugar.

• Nagkaroon ng ilang mga pagasasalin mula sa mga akdang pampanitikan na

Chinese-Filipino Literature ,Muslim at ilan pang panitikan na nagmula sa
minor na wika.

• Sa dalawang bahagi ng palihan at sanayan sa pagsasalin sa mga akdang

nasususulat sa pitong pangunahing wika, ang samahan ay nakabuo ng
dalawang bolyum na aklat ng mga saling panitikan sa wikang Filipino. Ito ay
batay sa ulat na ibinahagi ng SLATE sa DECS noong 1988 matapos nilang
isiaklat ang nasabing mga obra ng pagsasalin.

• Naisalin sa nasabing palihan at sanayan ang Alamat at Kwentong-Bayan- 14,

Dula -4, Kwento – 30, Sanaysay -8, Tula 50

Narito ang ilang mga akdang Pampanitikan na naisalin sa wikang

Filipino:

Acacio, Angel A. “ Pagsasalin ng Biag ni Lam-ang at Pag-aaral ng Matandang

Kalinangang Iloco na Inilalarawan ng Epiko,” PNC 1969

Andrade, Evencia. “ Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Talasalitaan ng mga

Piling Kwentong Bayan sa Maguindanao sa Wikang Filipino At Cebuano,” PNC:
1970

Cinco, Felicitas C. “ISang Pag-aaral at Pagsasalin sa Pilipino ng mga Alamat,

Kwentong Bayan, Talambuhay ng mga Bayani ng Pook, Katutubong Sayaw at
Awit, Mga Kaugalian at Pamahiin ng Kanlurang Samar,” PNC: 1968

Course Module
Palomo, Leon B. “Isang Pagsasalin ng mga Kwentong-Bayan, Pabula at
Makabagong Kwento Para sa Ikatlong Baitang” (Hango sa Salin ni Ollie
Lepero). PNC: 1959

Suarez, Lilia. A “A Translation in Filipino of: The Illianon Epic of Mindanao” by

E. Arsenio Manuel. Marso 1975.

Tuy, Ester Enriquez. “ Ang Epiko ng kabikulan,” PNC: 1967

Aquino, Feliciano B. “ Isang katipunan ng mga Salawikain, Bugtong at Awiting

Bayan ng mga Ibanag sa Lalawaigan ng Isabela, “ PNC: 1967

Arcilla, Felisa B. “ Mga Isinaling Kathang Bicol sa Pilipino,” PNC: Abril: 1967.

Besayte, Veronica. “Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Pilipino ng mga

Kwentong-Bayan ng Bicol- Albay sa Pilipino,” PNC: Marso, 1969.

Calma, Eufrosina L. “Isang Pagtitipon at Pagsasalin sa Pilipino ng mga

Tugmaang-Bayang Kapampangan,” PNC: Marso, 1969.

Dapar, Amelita G. “Mga Tulaang Sugbuhanon na Isinalin sa Pilipino,” PNC:

Hunyo, 1970

Diamante, Federico, Jr. “Isang Pagtitipon, Pagsusuri at Pagsasalin sa

Pilipino ng mga paniniwalang-Bayang Samar- Leyte,” PNC: Abril 1971.

Jamili, Paz B. “Mga Isinaling Alamat sa Pilipino ng lalawiganing Cebu, “ PNC:

Abril, 1970.

Lacambra, Natividad V. “Mga Isinaling Kathang-bayan ng Ilocos Sur,” PNC:

1970.

Morales, Gertudes. “Isang Pagtitipon at Pagsasalin ng mga Kaalamang-

Bayan ng Ibaloy sa Benguet.” PNC:1973

Pablo, Natividad Y. “Katipunan ng mga Alamat at Kwentong-Bayan ng

Lalawigan ng Bulubundukin sa Pilipinas,” PNC: Abril 1976.

Prudente, Praxedio L. “Isang Pagtitipon at Pagsasalin sa Pilipino ng Ilang

Alamat, Awiting Bayan, Pamahiin, Bugtong at Salawikaing Hiligaynon,”
PNC:1969.

Samuel, Irene B. “Isang Pagtitipon at Pagsasalin sa Pilipino ng mga

Salawikain, Bugtong, Paniniwalang-bayan at Awiting-Bayan Chabacano sa
lungsod nng Cavite,” PNC: Abri, 1972

• Nagsagawa din ang pambansang panitikan na kilala sa katagawanng GUMIL

(Gunglo Dagiti Manunurat ng mga Ilocano) ng mga realistikong pagsasalin.
Isinalin ng samahan ang ilan sa pilling Akda mula sa kanilang rehiyon. Ang
mga natapos nilang salin ay kanilang isinakalat at binigyan ng Pangalan
KURIDATAN.

• Dahil na rin sa kahusayan ng mga tagapagsalin at manunulat naisama ang

mga panitikan ng Ilokano sa pambansnag panitikan ng mga Bansa at kabilang
na mga akdang itinuturo sa paaralan.

Pigura 1: Larawan ng mga naitalagang opisyal ng GUMIL

URL:https://kitzibatan.files.wordpress.com/2015/07/gumil.jpg
Date Retrieved: July 6, 2018.

IKALIMANG YUGTO

• Ikalimang Yugto ng Pagsasalin – Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian

• Dahil sa pagbabago ng Kurikulum sa Sekondarya, naisama ang pagtuturo ng mga panitikang Afro-
Asian. Kaya naman sa ikalimang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas ay nanatiling masigla at kapaki-
pakinabang ang pagsasalin. Sinimulang isalin sa wikang Filipino ang mga Akdang Afro-asian
bilang pagsunod na rin sa larangan at pangangailangan sa pagtuturo.

• Ayon kay Isagani Cruz “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang
malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.” Ang pahayag na ito ni Isagani ay tila naging
susi upang maisama ang akdang Afro-Asian sa kurikulum sa sistema ng edukasyon at nagsilbing

Course Module
pagwawasto na rin sa mga nakaraang pagkakamali dahil sa lubhang pagkahumaling natin sa
panitikang kanluranin.

Pigura 2: Larawan ni Isagani Cruz

URL:https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=631&tbm=isch&sa=1&ei=KFJDW865O
JCdhwOZjo-IDQ&q=isagani+cruz/
Date Retrieved: July 6, 2018

• Ang ilang pangkat ng mga manunulat na nagsalin ng ilang piling panitikan ng mga kalapit
bansa ay naging matagumpay dahil na rin sa ipinakitang suporta ng Toyota Foundation, na
naniniwala sa kanilang simulain sa pagpapa-unlad ng pagsasalin sa bansa. Ang Translation
Project ay naisagwa sa pakikipagtulungan ng Solidarity Foundation.

• Sina Rolando Tinio at Behn Cervantes ay nagpatuloy naman sa pagsasalin ng mga

banyagang akda sa larangan ng drama. Layunin nilang ibahagi sa mga Pilipino ang mga
dakilang dula ng daigdig.

(Pigura 3: Larawan nina Cervantes at Tinio)

URL:https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=631&tbm=isch&sa=1&ei=-
1BDW7WTFYTv-
Date Retrieved: July 6, 2018

• Hindi lang Toyata Foundation at Solidarity Foundation ang nagsagawa ng pagpapaunlad ng

pagsasaling wika sa Pilipinas narito rin ang NCAA(National Commission on Culture and Arts) na
dating PCCA(Presidential Commission on Culture and Arts) ay nakipag-ugnayan sa iba’t ibang
samahan katulad na lamang ng PETA (Philippine Educational Theatre Association) at iba pang
samahang pangwika.

• Komisyon ng wikang Pambansa ang namamahala kung ang pagsasaling wika ang pag-uusapan,
Kinikilala sa larangang ito ang komisyon na dating (surian/linangan ng wikang pambansa) na
sadyang itinatag ng pamahalaan upang pangalagaan ang wika.

• Sinimulang isalin ng ahensyang ito ang mga karatula mula sa iba’t ibang gusali ng pamahalaan,
gayundin ang maseselangdokumento, tulad ng mga papeles, para sa mga kasunduang panlabas, at
maging ang saligang batas ng Pilipinas. Alinsunod na rin sa kautusang nilagdaan ni Pangulong
Marcos noong Oktubre 24, 1967.

• Sa kabila ng pagiging maunlad ng pagsasalin sa Pilipinas hindi pa rin maitatangging ang sining ng
pagsasaling wika ay hindi nakalalayo sa pinagsimulan nito. Nanatili ito mula sa kanyang
pagkakabuo at hindi na muli pang-umusad kung ihahambing sa mga pagsasaling nagaganap sa
ibang bansa lalo na sa bansang Japan na pinag-uukulan ng pamahaalan ng pondo upang maisalin
ang mga akda ng daigdig sa wikang Nihongo.

• Ayon kay Punong komisyoner Ponciano B.P Pineda, tumanggap siya ng liham buhat sa isang
bansa sa Europe at hinihingi ang listahan ng mga registered translator sa bansa upang maisama
sa mga talaan ng mga tagsalin na ilalabas bilang aklat ng sanggunian. Ngunit sa kasaamang palad
walang kinikilalang registered translator sa bansa.

Course Module
Pigura 4: Larawan ni Ponciano PB Pineda
https://www.google.com.ph/search?q=ponciano+pineda&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahU
KEwis-
Date Retrieved: July 6, 2018

PAGSASALIN SA KASALUKUYANG PANAHON

• Ang isa sa malubhang suliranin na kinahaharap ng isang tagapagsalin sa wikang Filipino ay

ang mga katawagan, dahil sa isyu ng pagiging istandardisado ng wika na maaring itumbas
sa wikang Ingles. Malimit na mangyari na hindi tiyak ang mga naibibigay na katumbas ng
salita lalo kung ito ay usapang teknikal.

• Sa kasalukuyan, marami na ang kumukuha ng Masterado na ang espesyalisasyon ay

pagsasaling wika, bukod pa sa mga nagpapakadaluhasa sa larangan ng Filipino.

• Maraming pag-aaral na rin ang naisagawa kaugnay sa pagsasaling wika. Ipinakikita lamang
dito na ang pagsasalin sa bansa ay hindi nawawala, bagkus unti-unti pa itong lumalago sa
paglipas ng panahon dahil sa pangangailangan pang –akademiko.

• Isa na rin ito sa kinikilalang disiplina sa larangan ng pagsulat dahil sa naging ambag nito sa
panitikan, naging dakuyan nang wika ang pagsasalin, dahil sa napapawi ng tagasalin ang
hadlang upang maunawaan ang akdang pampanitikan na mula sa ibang bansa

Ang Pagsasalin ay isang sining na hindi madaling gawin. Kung ang

isang pintura ay kakailanganin timplahin ang mga kulay upang
maging maganda ang kanyang obra maestro, ang tagapagsalin naman
ay kakailanganin aralin at unawaing mabuti ang dalawang kasangkot
na wika, ngunit hindi lang wika ang dapat unawain ng tagapagsalin,
gayundin ang kultura ng bansang pinagmulan ng akdang isasalin.
Gayunpaman, nakakalungkot isipin na walang pagkakakilanlan ang
tagapagsalin sapagkat lagi lamang itong naka-anino sa awtor ng
akdang isinalin.

References and Supplementary Materials

Books and Journals

1. Almario, Virgilio,(2015) Introduksiyon sa Pagsasalin: Mga Panimulang Babasahin Hinggil

sa Teorya at Praktika ng Pagsasalin: Watson Building, JP Laurel, San Miguel, Maynila

2. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa Engles)

Ikatlong Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

Online Supplementary Reading Materials

1. Pagsasaling Wika: http://pagsasalingwika.blogspot.com/2010/11/pagsasaling-

wika.html Date Accessed: July 6,2018
2. Kasaysayan ng Pagsasaling wika: https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-
kasaysayan-ng-pagsasalingwika-sa-daigdig-at-sa-pilipinas/ Date Accessed: July
6,2018
3. Kasaysayan ng Wikang Pambansa: http://gabayngwika.blogspot.com
/2009/08/kasaysayan-ng-wikang-pambansa.html Date Accesse: (July 6, 2018)

Online Instructional Video

1. Kasaysayan ng Pagsasalin: https://prezi.com/bda884xbql6o/kasaysayan-ng-
pagsasaling-wika-sa-pilipinas/ Date Accessed: July 6, 2018
Course Module
2. Pagsasaling Wika: https://www.youtube.com/watch?v=4wgILSoY2d0 Date
Accessed: July 6,2018
3. Kasaysayan ng Pagsasalin: https://www.youtube.com/watch?v=5yPEb6TlqIA
Date Accessed: July 28, 2018
Pagsasaling Pampanitikan
1
Katangian ng Pagsasaling Wika

Modyul 004 Katangian ng Pagsasaling Wika

Layunin:
1. Nababatid ang katangian dapat na taglayin sa isang tagapagsalin
2. Naisa-isa ang mga salungatan sa pagsasagawa ng isang pagsasalin
3. Nauunawaan ang mga hakbang na kailangan isa-alang-alang sa
pagsasagawa ng Panghihiram

PANIMULA

Sa bawat akdang pampanitikan na ating nababasa ay hindi natin batid kung

ano at paano ito nabuo at paano naipalabas ng manunulat sa kanyang isipan ang obra. At
bawat manunulat ng isang obra ay nagtataglay ng kakaibang katangian, sapagkat hindi
basta nabubuo ang isang akdang pampanitikan sa isang iglap lamang, ito ay masusuing
pinag-isipan at prinoseso ng manunulat. Katulad na lamang sa pagsasaling wika, hindi
basta naisasalin ang isang akda. Ito rin ay dumaraan sa mga pagsusuri at ang mga
tagapagsalin ay mayroong mga katangiang dapat na taglay upang maging matagumpay
at higit na kapanipaniwala ang tapos na salin. Tuklasin natin sa modyul na ito ang mga
katangian na dapat taglay ng isang tagapagsalin.

KATANGIAN NG TAGAPAGSALIN

1. Sapat na Kaalaman sa Dalawang Wikang Sangkot sa Pagsasalin

• Ayon Kay Nida ito ang “First and most obvious requirement of any
Transalator”
Sapagkat ang sinumang magsasalin na hindi nakauunawa ng ibang
wika ay hindi kailanman makapagsasagawa ng anumang pagsasalin.

Course Module
• Ang kakapusan ng kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay makapagdudulot ng panganib. Sapagkat hindi lahat
ng nakauunawa o nakababatid ng ilan pang mga wika ay maari ng
makapagsalin. Kinakailangan pa ng masusing pag-aaral kaugnay sa
dalawang wikang sangkot sa isasagawang pagsasalin, sabihin pa na
ang tatangkaing isalin ay akdang pampanitikan.

2. Sapat na Kaalaman sa Gramatika ng dalawang Wikang Kasangkot

• Hindi lahat ng may kakayahang magsalita ng dalawang wika ay

masasabi nang may kakayahan din sa pagsasaling Wika. Kung ang
isang Guro ay nakapagsasalita ng Wikang Ingles at Wikang Filipino,
ito ba ay maituturing na tagapagsalin? May mga nakapagsasalita ng
parehong wika ngunit hindi nakauunawa ng paraan ng pagkakabuo
ng salita.

• Ang sinumang magtatangkang magsalin dapat ay may sapat na

kaalaman sa Gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
isasagawang pagsasalin. Ang wastong kaalaman ay higit na
makatutulong sa pagsasalin lalo na kung Ingles at Filipino ang
wikang sangkot sa pagsasalin sapagkat ang dalawang wikang ito ay
magkalayo kapag gramatika ang pinag-uusapan.

• Madalas na ang Ingles at Filipino ang dalawang wikang sangkot sa

pagsasalin. Mahalagang malaman ng tagapagsalin na ang wikang
ingles ay may sariling paraan ng pagbabalangkas ng pangungusap
ganun din ang paglalapi at pagbuo ng ng mga parirala na hindi
nailalapat sa Filipino.

• Dapat na maunawaan ng tagapagsalin ang kalakasan at kahinaan ng

dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang katangian ng
simulaing lengwahe ang dapat na mailapat sa tunguhing lengwahe.

• Ang kaalaman ng tagapagsalin sa gramatika ng dalawang wikang

kasangkot sa pagsasalin ay sadyang kailangan ng tagapagsalin.

GRAMATIKA- ang pag-aaral hinggil sa isang wika,

pagbabalangkas ng mga salita, pagsasa-ayos ng salita upang
mabuo ang pangungusap.

Kailangan isaalang-alang ng tagapagsalin ang higit na natural na

estruktura, wastong gamit ng salita, at paraan ng paghahanay ng
mga salita ng dalawang kasangkot na wika.
Pagsasaling Pampanitikan
3
Katangian ng Pagsasaling Wika

Halimbawa:

English: Mother cooked delicious food for us.

Unang Salin: Ang Nanay ay niluto ang masarap na pagkain para sa atin.

Ikalawang salin: Nagluto ang Nanay ng masarap na pagkain para sa

atin.

Pansinin ang unang salin na pangungusap. Ito ay nasa anyong di-karaniwan.

Makikita na sinundan nito ang ayos ng pangungusap na Ingles kung saan
nauna ang Paksa (subject sa Ingles). Pansinin ang ikalawang salin. Ito ay nasa
anyong karaniwan kung saan nauuna ang panag-uri kaysa sa simuno.

Sa usaping pagsulat sa Filipino, mas katanggap-tanggap ang karaniwang ayos

ng pangungusap dahil sa anyo nitong pormal.

• Higit na magiging maayos ang isang salin kung wasto ang gamit ng gramatika,
kaya naman nararapat na ang isang tagapagsalin ay may sapat na pang-unawa
sa gramatika ng dalawang kasangkot na Wika.

3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

• Ang isang tagapagsalin na may sapat na kaalaaman sa Paksa ay higit na

nakalalamang sa iba pang tagapagsalin. Nararapat lamang na may kaalaman
ang isang tagapagsalin sapagkat higit niyang maisasalin ang isang akda kung
ang paksa ay tiyak niyang nababatid at nauunawaan.

• Kung ang tagapagsalin na walang interes sa paksa o akdang isasalin ay hindi

na dapat pang sumubok magsalin, makatutulong ng malaki sa isang
tagapagsalin kung higit ang interes nito sa paksang isasalin. Makatutulong din
kung ang tagpagsalin ay may kabatiran sa orihinal na sumulat ng akdang
isasalin, sapagkat mauunawaan niya ang paraan at uri ng pagsusulat ng
orihinal na manunulat.

4. Sapat na Kaalaman sa Kultura ng Dalawang Bansang Kaugnay sa Pagsasalin

• Ang bawat wika ay may kaugnay na kultura. Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakanyahan. Ang tagapagsalin ay nararapat na may malinaw na
kaalaman sa kultura ng isasaling akda, upang maisagawa niya ang pagsasalin.

Course Module
• Halimbawa na lamang kung ang manunulat ay tatangkaing isalin ang akdang
“Mulan”. Kinakailangan na alam niya ang kultura ng mga hapon upang maisalin
niya ang akda nang hindi lumalayo sa totoong diwa ng akda na inilahad ng
orihinal na manunulat.

• Ang pagkaka-alam sa kulturang ng pinagmulan ng akdang isasalin ay higit na

matibay na sandigan upang mabuo ang isang salin.

SALUNGATAN SA PAGSASALING WIKA

1. Salita laban sa Diwa

• May ilang mga tagapagsalin na nagsasabing hindi angkop na gamitin sa

pagsasalin ang paglalapat lamang sa eksaktong salin ng salitang isinasalin. Mas
nagiging mainam sa ilang tagapagsalin na ang ilalapat ay ang Diwa o ang nais
na ipaunawa ng manunulat sa kanyang akda. Ang salungatang ito ay
karaniwan kinahaharap ng ilan sa mga tagapagsalin.

• Ang pagsasalin sa kahulugan ng sinasabi ng awtor ngunit sa paraang nababago

at nadadagdagan ang kanyang wika dahil sa wikang Ingles at Filipino ay hindi
mag-kaangkang wika kaya nagkaakaroon ng malaking pagbabago kung ang
tagapagsalin ay nagsalin ng salita laban sa diwang nais ipahatid ng orihinal na
manunulat.

• Ang salungatan Salita laban sa Diwa ang isa sa suliranin na kinahaharap ng

isang tagapagsalin, sapagkat tungkulin ng tagapagsalin ang maging matapat sa
kanyang isinasalin. Batid ng mga tagapagsalin na sila ay tulay lamang na nag-
uugnay sa orihinal na manunulat at sa mambabasa.

• kung ang isasalin ng tagapagsalin ay “idioms” paano kaya niya ito isasalin kung
ang gagamitin niya ay literal o salita sa salita, hindi ba’t mas mainam kung
salita sa diwa.

Halimbawa:

Idiom: Don’t judge the books by its cover.

Salin: salita sa salita

Huwag husgahan ang aklat sa kanyang pabalat.

Salin: Salita sa Diwa

Pagsasaling Pampanitikan
5
Katangian ng Pagsasaling Wika

Huwag manghusga sa di kakilala.

2. “Himig-Orihinal” laban sa “Himig-salin”

• Batay sa iba’t ibang mga pahayag, ang isang salin ay nararapat lamang na
maging tunog ng orihinal na akda kapag binasa. Kung ang pagkakasalin ng
isang akda ay literal, masasabing ito ay “himig salin”, ngunit nagkakaroon ng
kaibahan kung ang isinasalin ay idyomatikong pahayag sapagkat karaniwan
itong isinasalin batay sa diwa nito kaya ito ay nagiging “himig orihinal”.

• Ang isang salin ay nagiging himig salin kung ang paraan ng pagkakasalin ay
literal at salita sa salita. Makikitang tinutumbasan lamang ng tagapagsalin ang
isinasaling salita o pahayag. Sa paraan ng himig salin kadalasang makikita ang
pagtutumbas ng salitang Ingles sa Filipino.

Halimbawa ng Himig salin:

A piece of cake

Salin: Piraso ng matamis na tinapay

Miss the Boat

Salin: Nalimutang Bangka

Once in a blue Moon

Salin: Minsan sa asul buwan

• Nagiging himig salin ang isang salin sapagkat ang tagapagsalin ay ibinibigay
ang kahulugan ng idyomatikong pahayag at hindi ang katumbas na salita nito.
Kaya naman ang mga mambabasa ay kalimitang hindi napapansin na ang
kanilang binabasa ay isang salin dahil ito ay himig orihinal.

Halimbawa ng himig orihinal:

A piece of cake
Salin: madali lang/madaling gawin.

Course Module
Miss the Boat
Salin: Lumagpas na pagkakataon

Once in a blue Moon

Salin: Bihirang mangyari

• Marami sa mga tagapagsalin ay naniniwalang ang isang salin ay dapat maging

himig orihinal at natural. Naniniwala sila na ang akdang isinalin sa Ingles ay
hindi dapat na maging tunog Ingles o iyong Ingles na isina-Filipino lamang
magkaiba ang ganitong pananaw kapag pagsasalin ang pinag-uusapan. Ang
isang salin ay dapat na mabasa ng maayos ng mambabasa. Karamihan sa mga
mambabasa na bumabasa ng isang salin ay yaong hindi gaanong maalam sa
wikang Ingles. Sa madaling sabi, ang mambabasa ay mas nanaisin na ang salin
ay nasa himig orihinal at hindi himig salin sapagkat higit nilang mauunawaan
ang salin sa wikang Filipino.

3. “Estilo ng Manunulat” laban sa “Estilo ng Tagapagsalin”

Dapat bang manatili ang istilo ng manunulat?

• Ang bawat manunulat ay may kaniya-kaniyang istilo sa pagbuo ng kanilang

obra. Ang bawat likha ay inaari nilang supling na nabuo sa masikhay nilang
pagsasanib ng mga salita at imahinasyon. Sa bawat akda na kanilang
isinusulat ay nailalagay nila kahit ang kanilang mga sariling karanasan at
kwentong buhay kaya ang ilan sa mga akda ay ibinibilang sa mga orihinal na
likha. Sinisikap ng manunulat na pag-ugnayin ang teksto at ang kanilang
mambabasa gamit ang kanilang istilo ng manunulat kung saan madaling
naihahanay ng mambabasa ang kanilang karanasan sa akdang binabasa. Ang
ganitong istilo ng manunulat ay malimit na gingamit sa mga likhang
pampanitkan.

• May ilang mga manunulat na gumagamit ng mga pangungusap na mahaba o

iyong ang bawat ideya ay ipinaliliwanag ng salita. May ilan namang pumipili
ng eksaktong salita na maglalarawan ng kanilang ideya upang hind maging
mahaba at marami ang gagamiting salita.

• Sa pagsasaling Wika, pinagtatalunan kung dapat bang gamitin ng tagapagsalin

ang kanyang istilo o panatilihin ang istilo ng orihinal na manunulat.

• Kung pagmamasdan natin, karamihan sa mga mambabasa ng isang salin ay

hindi nauuri kung ang kanilang binabasang saling akda ay nanatili sa orihinal
nitong istilo o istilo ba ay istilo ng ng tagapagsalin.
Pagsasaling Pampanitikan
7
Katangian ng Pagsasaling Wika

Samakatuwid, batay na rin sa pagpapaliwanag nararapat lamang na manatili ang

istilo ng manunulat.

Dapat bang gamitin ng tagapagsalin ang kanyang sariling istilo ng

pagsulat?

• Sa ibang pagtanaw, ang tagapagsalin ay maihahanay din sa mga manunulat

at nag-aari din ng iba’t ibang istilo ng pagsulat, at ang pagsasalin ay isa ng uri
ng pagsulat na maaring gamitan ng istilo sa pagsulat.

• Batay sa mga eksperto walang karapatan ang tagapagsalin na baguhin ang

istilo ng kanyang isinasalin, sapagkat ang kanyang tungkulin lamang ay alisin
ang hadlang sa pagitan ng dalawang wika upang maunawaan ng mga
mambabasa ang akdang pampanitikan na nasusulat sa wikang Ingles.

• Karaniwan sa pagsasalin, hindi napapansin ng tagapagsalin na nagagamit na

niya ang kanyang istilo sa pagsulat lalo na kung ang isinasalin ay mga akdang
nagtataglay ng matatalinghagang pagpapahayag at ang layunin niya ay
mailapit sa mga mambabasa ang obra na kanyang isinasalin. Kaya naman
hindi rin natin masisisi ang tagapagsalin kung hindi sinasadyang nagagamit
na ang kanyang sariling istilo sa pagsulat.

4. “Panahon ng Awtor” laban sa “Panahon ng Tagapagsalin”

• Bawat akdang pampanitikan ay may panahon kinabibilangan. Ito ang isa sa

mga suliranin ng ilan sa mga tagapgsalin. Kung ang panitikang isasalin ay
naisulat noong panahon kung saan ang karaniwang ginagamit na wika ay old
english at ang tagapagsalin ay nagsimulang linangin ang kanyang kakayahan
sa pagsasalin sa panahong kasalukuyan, makikitang nagkakaroon ng suliranin
ang mga tagapagsalin sa pagpili ng salitang itutumbas sa salitang isasalin.

• Ayon sa halimbawang ibinigay ni Savory ang “Don Quixote” ay isinulat noong

1605. Kung ang akdang ito ay isasalin sa kasalukuyang panahon dapat bang
panatilihin ang gamit ng old English o maaring palitan ng tagapagsalin ng
naayon sa kanyang panahon at sa panahon ng mga target na mambabasa.

• Kung ang layunin ng tagapagsalin ay upang lumikha sa isipan ng mambabasa

tulad ng emosyong nalikha ng orihinal na nobela sa isipan ng mambabasa,
kailangang muling isalin ito sa makabagong Ingles. Halos karamihan sa mga
mambabasa ay mas ninanais na makabasa ng mga akda na nasusulat sa

Course Module
makabagong Ingles at ang makabagong Ingles ay mas madaling isalin sa
wikang Filipino. Mas nasusundan ng tagapagsalin sa wikang Filipino ang
makabagong Ingles.

• Ibigay ding halimbawa ni Savory ang “Canterbury Tales” na isinulat ni Chaucer

sa matandang Ingles. Alam natin na malaki na ang pagkakaiba ng Ingles ni
Chaucer at ng Ingles sa kasalukuyang henerasyon. Ang Orihinal na
“Canterbury Tales” ay hindi nauunawaang mabuti ng maraming mambabasa
sa ngayon, kaya’t ayon kay Savory mas makakabuting isalin ito sa makabagong
Ingles kung saan ito ang gramatikang gamitin ng mga bagong Tagapagsalin na
mas nauunawaan ng makabagong mambabasa.

5. “Maaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaring Baguhin”

Ang isang akda ba ay maaring baguhin, bawasan o dagdagan ang isang

piyesang isinasalin lamang?

• Si Lord Woodhouselee, na isang kilalang pilosopo at manunulat na binanggit

ni Savory sa kanyang aklat na nagsasabi diumano na di dapat bawasan,
dagdagan o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya ng piyesang kanyang
isinasalin. Ang ganitong pagdaragdag o pagbabawas o kahit ang pagpapalit ng
anumang ideya sa isang akda ay pagpapakita ng kawalang respeto sa
manunulat.

• Ang pangunahing tunguhin lamang ng tagapagsalin ay tanggalin ang hadlang

sa pagitan ng dalawang wikang isinasalin upang maunawaan ng target na
mambabasa. Kaya naman ang pagbabago, pagbabawas o pagdaragdag ay hindi
sinasang-ayunan ng ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin.

• Ngunit may mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang pagdaragdag lalo pa

kung ang ilan sa mga salita at kinakailangan iayon sa panahon kung saan ang
mga mambabasa ay naangkop, kinakailangan lamang ng tagapagsalin na
humingi muna ng permiso sa awtor.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM NG SALITA

• Sinasabing isang katangian ng Wikang Filipino ay ang pagiging daynamiko

nito, dahil sa mabillis nitong pagbabago at pag-unlad at isa ang panghihiram
sa malaking naitutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wikang
pambansa. Kalimitan na sa wikang Ingles tayo nanghihiram. Malaki man ang
pagkakaiba ng ortagrapiya ng wikang Filipino sa wikang Ingles, malimit pa rin
tayong nanghihiram dito dahil na rin sa karaniwang nasa wikang ito ang mga
akdang nasusumpungang isalin ng ilan sa mga tagapagsalin.
Pagsasaling Pampanitikan
9
Katangian ng Pagsasaling Wika

• Ang panghihiram ay hindi lamang nagaganap sa pagitan ng wikang Ingles,

nanghihiram din tayo sa iba’t ibang wikang katutubo sa kapuluan. Ang
ganitong panghihiram ay hindi nagdududulot ng suliranin katulad ng sa
wikang Ingles.

• Ang panghihiram ay isa sa mga simulaing kasangkot sa usapin ng pagsasaling

wika.

Mga Uri ng Panghihiram

• Panghihiram na Dayalektal

Ang dayalektal na panghihiram ay nagaganap lamang sa pagitan ng iba’t ibang

barayti ng dayalekto tulad na lamang ng Tagalog. Meron itong Tagalog
Bulacan, Tagalog Rizal, Tagalog Quezon, Tagalog Laguna, Tagalog Cavite,
Tagalog Batangas, Tagalog Nueva Ecija at ang pinakagamitin ng lahat ay ang
Tagalog Maynila.

Bawat uri ng Tagalog ay may kakanyahan. Maari itong makita sa paglalapi, sa

balangkas ng pangungusap at maging sa kahulugan. Sinasabing ang Tagalog
Maynila ang itinuturing na Norms o pinakaistandard dahil sa ito ang ginagamit
sa pinakasentro ng sibilisasyon. Sa pagsasalin, kung ang piyesang isasalin ay
isinulat ng manunulat gamit ang Tagalog Maynila at isasalin ng isang
tagapagsalin na ang target na mambabasa ay mga taga-bulacan at upang
maisalin ang piyesa kailangan niyang hiramin ang dayalekto ng tagalog
bulacan upang mas higit na makatotohanan.

Halimbawa:

Orihinal:

Pinagtatalunan ng mag-asawa kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan.

Salin:

Pinagtatalunan ng mag-asawa kung sino ang mag-uurong ng pinagkainan.

Course Module
• Panghihiram na kultural

Ang panghihiram na kultural ay laganap sa iba’t ibang wika ng isang bansa o

sa mga wikain ng mga bansang nagkakaroon ng ugnayan.

Halimbawa: Ang panghihiram ng Filipino ng mga sa lita sa iba’t ibang wikain

sa bansa na nagpapakilala ng kultura tulad ng mga salitang Ilocano na
naglalawaran ng kanilang kultura. Halimbawa nito ay ang mga salitang,
“pinakbet” “diningding” at “saluyot”

Panghihiram ng Filipino sa mga salita ng daigdig na naglalarawan ng kanilang

kultura tulad na lamang ng “siopao” “karate” “ “aquarium” “notbuk”.

• Panghihiram na Politikal

Ang panghihiram politikal ay nagaganap kung ang dalawang wika ay umiiral

sa iisang bansa. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap lamang kung ang isang
bansa ay sumailalim sa pananakop. Ang panghihiram na politikal ay iisa
lamang ang direksyon mula sa wika ng sumakop patungo sa wika ng sinakop.

Ang pagsakop sa atin ng Kastila at Amerikano ay nagresulta sa Panghihiram

na Politikal. Hindi maitatangging ilan sa mga salitang gamitin natin ay hiniram
natin sa dalawang pangunahing bansa na sumakop sa Pilipinas sa loob ng
daang taon.

Dalawang Paraan ng Panghihiram

• Tuwirang Hiram- hinihiram ng buo ang salita mula sa mga banyaga at

inaangkop ang bigkas at ang baybay ng salitang hiniram sa ortagrapiyang
Filipino.

Halimbawa:

Cheque- tseke
Jeep- Dyip
Antenna- Antena

• Ganap na Hiram – Hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang

pagbabago sa anyo.

Halimbawa:

Computer
Pagsasaling Pampanitikan
11
Katangian ng Pagsasaling Wika

Xerox
cake

Books and Journals

1. Almario, Virgilio, (2016) Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para
sa baguhan: Komisyong ng Wikang Filipino, Watson Building, JP Laurel, San
Miguel, Maynila

2. Darren Joernal, Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin: Tumblr.com,

April 2, 2015

3. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa

engles) Ikatlong Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

References

Online Supplementary Reading Materials

1. Pagsasaling Wika: https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-17-

pagsasaling-wika:
Accessed: July 18, 2018
2. Pagsasaling Wika: https://www.slideshare.net/audreyjana3/pagsasaling-wika-
57697459; July 18, 2018
3. Gabay ng Mag-aaral: Panghihiram ng mga Salita:
https://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html
Accesed; July 18, 2018

Online Instructional Video

1. SONA: Pagsasalin sa Wikang Filipino, may sinusundang proseso:
https://www.youtube.com/watch?v=UowWHj6xk_A&t=7s
Accesed: August 3, 2018

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Batayan ng Pagsasalin] 1

Modyul 005- Batayan ng Pagsasalin

LAYUNIN:
1. Natutukoy ang ilan sa mahahalagang Gabay sa Pagsasaling Wika
2. Naiisa-isa ang mga paraan ng isang mabisang Pagsasalin
3. Nauunawaan ang wastong Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

Panimula:

Sa pagsasali, mayroong mga paraan upang maisagawa ito ng maayos at maging

kapaki-pakinabang sa lahat. May ilang mga gabay sa pagsasalin na makatutulong sa
mga tagapagsalin upang higit na mapabuti ang isasagawang pagsasalin.
Matutunghayan natin sa modyul na ito ang ilan sa mga Gabay sa pagsasalin upang
higit na masining ang pagsasalin.

Gabay sa Pagsasalin
“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na
katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika. Una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay
sa istilo.” - Peter Newmark.

• Sa Pagsasagawa ng pagsasaling-wika, kailangang tiyakin ng tagapagsalin na maihahatid ng

wasto ang mensaheng nais ipaalam ng orihinal na manunulat. Kaya nariton ang ilan sa mga
Gabay sa Pagsasalin na maaring gawing batayan ng tagapagsalin sa kanyang isasagawang
salin.

1. Alamin ang paksa ng isasalin. May mga pagkakataon na kakailanganin ng mananaliksik na

magsaliksik kaugnay sa Paksa ng isasaling wika. Ang ganitong hakbang ay higit na
makatutulong sa tagapagsalin na lubos na maunawaan ang paksang isasalin. Ang pagkakaroon
ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng isasalin ay nakapagbibigay ng kridibilidad sa
tagapagsalin.

2. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto. Ang pagkaunawa ng tagapagsalin sa

tekstong isinasalin ay isang hakbang upang mas maisalin ng maayos ang teksto. Ang lubos na
pagkaunawa ng tagapagsalin sa teksto ay nagbibigay daan din sa tagasalin na ipaliwanag ang

Course Module
teksto. Gayunpaman hindi pa rin ito nagbibigay karapatan sa tagapagsalin na baguhin o
dagdagan ang ideya ng isinasaling teksto.

3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Ang malawak
na kaalaman ng tagapagsalin sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasaling isasagawa, sa ilang
mga pagtalakay isinisaad na hindi pagtutumbas ng salita ang pagsasalin, mas angkop na
tumbasan ng kahulugan ang nais ipahatid ng salitang isinasalin upang mailantad ang tunay na
diwa ng isinasaling teksto.

4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Ang kaalaman ng
manunulat sa wastong gamit ng salita at gramatika ay higit na makakatulong upang mapili
ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Lubos na mailalapat ng
tagapagsalin ang salin na maaring natural o tunog orihinal kung mahusay na mapipili ng
tagapagsalin ang mga salita.

5. Sumulat ng isang burador. Ang pagbuo ng isang burador ay hakbang upang magkaroon ng
pagkakataon ang tagpagsalin na maiwasto ang ilan sa mga hindi malinaw na salin o mga
maling salin ng salita o parirala.

6. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan. Matapos sumulat ng burador, muling isulat
ang salin at ipabasa sa mga eksperto sa wikang iyong ginamit. Sa isinagawang pagsasalin, kung
ikaw ay nagsalin ng isang akda mula sa wikang Tagalog patungo sa wikang Ilocano, mas
makatutulong kung hahanap ng isang eksperto sa larangan ng wikang Ilocano. Ang eksperto
sa nasabing wika ay makapagbibigay ng puna na higit na makapagpapaganda sa isinagawang
salin.

7. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa tagapagsalin

kung taglay niya ang kaalaman sa genre ng piyesang kanyang isasalin. Halimbawa kung ang
tagapagsalin ay walang sapat na kaalaman sa tula, hindi nito mailalapat ng mahusay na salin
sapagkat maaring wala rin siyang sapat na kaalaman sa paggamit ng mga tayutay na
nagpapadalisay sa isang tula. Gayundin ang pagtutumbas dito. Isama pa ang sukat at tugma ng
tulang kanyang isasalin na kinakailangang mapanatili kung tula ang iyong isasalin. Ang
kaalaman sa genre ng isasaling piyesa ay sangkap upang makabuo ng isang epektibong salin.

8. Isaalang-alang ang kultura ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. Mahalagang nauunawaan ng

tagapagsalin ang kultura ng wikang kanyang isasalin upang maibigay niya ang angkop na
diwang nais ipahatid ng manunulat. Halimbawa ang salitang “Giesha” na mula sa bansang
Hapon. Kung ang tagapagsalin ay hindi nauunawaan ang kultura ng salitang Hapon, hindi
maibibigay ng tagapagsalin ang diwa at tunay na kahulugan ng salitang “Giesha”. Sa ibang
pagtanaw, kailangan bigyan din ng pansin ang pagkakaayos ng dokumento o pagkakasulat na
ibinabatay nila sa kanilang kinasanayang kultura.

9. Sa pagsasagawa ng pagsasalin, kakailanganin ng tagapagsalin ang mahabang pisi ng pasensya

sapagkat walang anumang salin ang nakukuha agad ang ninanais na salin sa unang
pagtatangka. Sadyang dumadaan ang ganitong gawain sa mga proseso upang mas maging
mabisa sa isasagawang salin. Ang pagkakaroon ng mas malawak na karanasan ang
humuhubog sa kahusayan ng isang tagapagsalin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Batayan ng Pagsasalin] 3

• Batay sa Linux for Schools: Localization and Translation Ang iyong gawain ay dapat ipahatid
ang nilalaman, kaya huwag matakot na lokalisahin ang orihinal na teksto kahit na ito'y ibang-
iba (dapat akma, siyempre). Basahin ang orihinal na teksto, unawain ang nilalaman nito, at
isaalang-alang kung paano mo nais na ibalangkas ang teksto sa iyong wika (kung hindi mo pa
naririnig ang orihinal na teksto).

• Habang nagsasagawa ng pagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya ng mas tiyak na mga

patnubay upang mapahusay ang pagsalin.

Narito ang ilang mga panimulang Gabay sa Pagsasaling-Wika:

1. Sa pagsasalin ay laging isa-isip ay ang pagtitipid ng mga salita.

• Ang isang pagsasalin ay humahaba dahil sa mahahabang pagungusap na

ginagamit ng tagapagsalin sa isinasaling piyesa. Mahalagang marunong ang
tagapagsalin na pumili ng eksaktong salitang gagamitin upang malimitahan ang
paggamit ng salita. Hindi maitatangging sa pagpapahaba ng salita kariwang
nalalayo ang kahulugang nais ipakahulugan ng manunulat.

2. Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi na nang
pangungusap.

• May kahulugan ang bawat salita ngunit nagkakaroon ito ng ibang kahulugan
kapag ito ay nagiging bahagi ng isang pangungusap. Kaya naman hindi
nararapat na isalin ang salita laban sa salita, dapat na batid ng tagapagsalin kung
paano ginamit ang salita sa loob ng isang pangungusap o pahayag upang
maibigay niya ang eksaktong salin na nais ipabatid ng manunulat.

Halimbawa: (Rice: Bigas) ngunit kapag ginamit na ito sa loob ng pangungusap

ay nagkakaroon na ito ng iba pang kahulugan.

The Philippines suffered a Rice Shortage.

Ang Pilipinas ay Dumaranas ng Kakulangan sa Bigas.

Filipino’s love to eat Rice.

Mahilig Kumain ng Kanin ang mga Pilipino.

Course Module
3. Paggamit ng eupemismo kung tahasan ang pahayag sa wikang Ingles.

• Ang Eupemismo ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagpapagaan upang

hindi lubos makasakit ng damdamin, makapagpalungkot o makapagpagalit. Sa
pagsasalin, ginagamit ang eupemismo kung ang salitang Ingles na isasalin sa
wikang Filipino ay tahasang ginamit.

Halimbawa:

The Filipino woman was a raped victim during Japanese regime.

Salin sa Filipino:

Ang mga Filipina ay biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon.

Ginamitan ng eupemismo:

Pinagsamantalahan ang kababaihan noong panahon ng Hapon.

4. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasalin.

• Ang paggamit ng diksyunaryo ay bahagi ng pagsasalin, ngunit tandaan na ang

isang tagapagsalin ay hindi dapat nagpapatali sa diksyunaryo dahil maaring
humarap ang tagapagsalin sa suliranin na salita laban sa salita kung saan
tinutumbasan lamang ng salin ang salita at hindi naibibigay ang tunay na diwa
na nais ipakahulugan ng manunulat.

Mabisang Pagsasalin

Sa kaniyang teorya, inilahad ni Peter Newmark (1988) ang mga paraang maaaring gamitin ng
isang tagapagsalin upang maging mabunga at matagumpay ang kaniyang pagsasalin.

1) Pagsasaling Salita-sa-Salita (One-on-one Translation)

Tinatawag din itong literal na salin kung saan tinutumbasan ng tagapagsalin ng eksaktong
salita ang salitang isinasalin.

• Pranses: Un beau jardin

• Ingles: A beautiful garden
• Filipino: Isang magandang hardin
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Batayan ng Pagsasalin] 5

2) Naturalisasyon (Naturalisation)
May pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal na pagbigkas at
pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika

• Coup d’etat – kudeta

• Television – telebisyon

3) Leksikal na kasingkahulugan (Lexical Synonymy)

Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng
pinagmulang wika

• ‘old’ car – ‘lumang’ kotse

• ‘old’ woman – ‘matandang’ babae

4) Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent)

Itinuturing itong malapit o halos wastong salin, kadalasang inaangkop lamang ang pagsasalin
sa kultura ng pagsasalinang wika. (approximate translation)

• American – coffee break

• English – tea break
• Filipino – meriyenda

5) Adaptasyon o Panghihiram (Transference)

Ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan words (salitang hiram) na ibig
sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulang wika
patungo sa tunguhang wika.

• Italian: spaghetti – English: sausage

• Filipino: spaghetti – Filipino: sausage

6) Malaya (Free Translation)

Ayon kina Almario, et al (2009) ito ay “malaya at walang kontrol at parang hindi na isang
salin”
• Ingles: Tone down your voice.
• Filipino: Hinaan mo ang iyong boses.
Course Module
7) Idyomatiko

Ayon kay Almario (2009) kung ang pahayag ay idyomatiko, marapat na tumbasan din ito ng
pahayag na idyomatiko

• Ingles: Light of the family

• Filipino: Ilaw ng tahanan

Ang Pagsasalin sa Filipino mula Ingles

1. Bawat wika ay naka-ugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.

• Nararapat na kilalanin ng tagapagsalin kung sino ang target niyang mambabasa.

Bigyang tuon ang wika na kanilang ginagamit. Ang bawat wika ay naka-ugat sa
kultura ng gumagamit nito. Sa ganitong pagkakataon, mas mauunawaan ng
mambabasa ang akdag isinalin ng tagapagsalin ang isinaling akda.

• Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan bilang kasangkapan sa

pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Mabisa ang wikang
Ingles sa pagpapahayag ng kulturang Amerikano habang mabisa naman ang
wikang Filipino sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

• Kung mauunawaan ng tagapagsalin ang implikasyon sa pagsasaling wika ng

malaking pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin,
maisasalin niya nang buong husay ang materyales na nasusulat sa wikang
Ingles, gayundin kung ito ay nasusulat sa wikang Ingles.

2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.

• Nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga wikang hindi magkakaangkan dahil na rin

sa angkin nitong kakanyahan, tulad ng wikang ingles at ng wikang Filipino.
Malaki ang pagkakaiba ng dalawang wika kung pag-uusapan ang kakanyahan
nito. Sa pagbuo pa lamang ng pangungusap ay nagkakaroon na ng pagkakaiba.
Ang mga ganitong aspeto ay kinakailangang bigyang pansin ng tagapagsalin
upang maging mabisa ang isinasaling akda.

• Bawat wika ay may sariling paraan ng pagkakabuo ng mga salita, tulad na

lamang ng wikang Filipino na mayaman sa paglalapi, habang ang wikang Ingles
naman ay mayaman sa paggamit ng idyomatikong ekspresyon.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Batayan ng Pagsasalin] 7

• Sa Wikang Filipino ay may Sistema ng paglalapi, ang Filipino ay may gitlapi

(infix) samantalang wala ito sa wikang Ingles. May mga salita mula sa ibang wika
na kailangan baybayin muna sa wikang Filipino upang ito ay magitlapian.

• May kakanyahan ang wikang Filipino na ang Pangalan (Noun) ay nagagawang

pandiwa gamit lamang ang paraan ng paglalapi. Halimbawa ang salitang “tubo”
ay maaring maging pandiwa gaya na lamang ng “tubuhin/ tubuhin kita” ang
ganitong pormat ay wala sa Ingles hindi maari ang ( I will pipping you). Pansinin
din ang “man” sa ingles ito ay mayroong kahulugan sapagkat ito ay isang salita
habang sa Filipino ang (-man) ay isa lamang panlapi.

• Tingnan naman natin ang balangkas ng pangunguusap. Sa Filipino, mayroon

tayong dalawang ayos ng pangungusap; ang karaniwang ayos at ang di-
karaniwang ayos.

Halimbawa:

Tumakbo nang matulin ang bata. (panaguri+simuno)

Ang bata ay tumakbo nang matulin. (simuno+panaguri)

Habang sa Ingles ay iisa lamang ang ayos ng pangungusap at hindi maaring

pagkapalit ng pwesto ang (Subject+predicate , predicate+subject)

Halimbawa:

The boy is running fast. (subject+predicate)

Hindi naman tatanggapin sa Ingles ang,

Running fast is the boy. (predicate+subject)

• Sa pagsasaling wika dapat na batid ng tagapagsalin ang mga kakanyahan at

kalakasan ng wikang magiging sangkot sa isasagawang pagsasalin. Ang
katangian ng wikang isasalin ay hindi dapat taglayin ng wikang pagsasalinan.

3. Bigyang pagpapahalaga ang uri ng Wikang Filipino sa kasalukuyang

sinasalita ng bayan.

• Ang Wikang Filipino ay tinatawag na daynamiko. Mabilis na nagbabago sa bawat

paglipas ng panahon. May iba’t ibang bagong salitang umusbong sa bawat
henerasyon, gayunpaman dapat na tandaan ng tagapagsalin na ang pagsasalin
ay isang pormal na sulatin na kailangan gamitan ng mga pormal na salita, kaya
Course Module
naman kinakailangn na bigyang pansin ng tagapagsalin ang mga bagong salita
na umusbong kung ito ba ay naayon sa isinasagawang salin.

Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles

1. Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitang Ingles at babaybayin

ito sa palabaybayang Filipino at kukunin ang katumbas nito at baybayin sa
wikang Tagalog. Halimbawa ang salitang “ Authomatic” ang katumbas nito
sa kastila ay “Automatico” kasunod nito ay babaybayin sa wikang Filipino
na “Awtomatiko”

2. Paghiram sa katawagang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa

palabaybayang Filipino. Ang ganitong paraan sy isinasagawa lamang kung
hindi maaring isagawa ang unang paraan, at kung walang katutubong salita
na magagamit bilang salin ng katawagang Ingles.

3. Panghihiram sa katawagang Ingles na walang pagbabago sa ispeling.

Ginagamit lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo
ang bigkas sa ispeling at kung konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito
nang walang pagbabago.

Halimbawa:

Ingles- Filipino
Reporter Reporter
Editor Editor
Printer printer
Laptop Laptop

Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula ay masasabing

estabilisado. Pag pinag-usapan ang pagsasaling wika mula sa Ingles, ang
gamit ng mga ito ay hindi na kailangan pang isalin sa wikang Filipino.
Halimbawa na lamang dito ay ang (PTA mula sa Parent Teachers
Association) hindi na kailangan pang isalin dahil ito ay tanggap at palasak
na ang pagkakagamit.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Batayan ng Pagsasalin] 9

References and Supplementary Materials

Books and Journals
1. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika ( sa filipino mula sa engles)

1. Mga Simulain sa Pagsasaling Wika: https://prezi.com/pj-ytg5vcww8/mga-simulain-sa-

pagsasaling-wika/
Date Accessed: September 18,2018

2. Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles-pagkuha ng katuumbas sa kastila:

https://www.coursehero.com/file/18781196/Mga-Paraan-sa-Panghihiram-sa-Ingles/
Date Accessed: September 28,2018

3. Panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling wika:

https://www.slideshare.net/GinalynRed/pagsasaling-wikareportmaed
Date Accessed: September 20, 2018

2. Modyul 17: Pagsasaling wika: https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-17-

pagsasaling-wika Date Accessed: September 18, 2018

Online Instructional Videos

1. Klasrum: ilang halimbawa ng mga salita sa Probinsya na iba ang kahulugan sa
tagalog: https://www.youtube.com/watch?v=tw0pixbEQCo
Date Accessed: September 18, 2018

2. Klasrum: Ilang halimbawa ng salitang Ingles, may katumbas na wikang Pilipino

https://www.youtube.com/watch?v=YA-ans78i8o&t=15s
Date Accessed: September 18, 2018

3. Klasrum: Filipino Words with no direct English translation:

https://www.youtube.com/watch?v=BngLnPWF8co
Date Accessed: September 20,2018

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 1

Modyul 006- Mga uri ng Pagsasalin

(Jakobson)
LAYUNIN:
1. Nakikilala si Jakobson bilang isang dalubhasa na nagpapakilala ng
ibang uri ng pagsasalin
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagsasalin na ipinakilala ni Jakobson
3. Nauunawaan ang gamit ng iba pang uri ng pagsasalin

Panimula:
Ang pagsulat ng isang salin ay larangang nililinang sa pamamagitan ng
iba’t ibang pamamaraaan. May ilan sa mga dalubhasa ang nagpakilala ng kanilang
mga pamamaraan sa isang mahusay na pagsasalin. Sa modyul na ito, tuklasin natin
ang ilan sa uri ng pagsasalin na ipinakilala ni Roman Jakobson.

Roman Jakobson

Si Roman Jakobson ay isinilang noong Ika-11 ng Oktubre 1896 sa Russian

Federation at binawian ng buhay noong ika-18 ng Hulyo taong 1982.
Noong 1915, ay naging kasapi si Jakobson ng Russian Formalist sa kanilang
paaralan. Isa si Jakobson sa mga naging pinuno ng Samahan ng Influential Prague Circle.
Noong panahon ng pananakop ng mga Nazis sa Czechoslovakia, napilitan si Jakobson na
magtungo at tuluyang manirahan sa Amerika noong 1942.
Naging pangunahing kasapi siya ng Linguistics Circle of New York at
nanungkulan bilang Ikalawang pangulo hanggang 1949. Nagturo si Jakobson sa iba’t ibang
unibersidad sa Amerika kabilang na dito ang kilalang unibersidad na Harvard University. Dahil
na rin sa kanyang mga turo, nakatulong si Jakobson upang mapagtagpo ang European at
American Linguistics.
Kinilala si Jakobson bilang isang maipluwensyang lingwist noong Ika-20 siglo
dahil pinangunahan niya ang pagbuo ng Structural Analysis of Language. Naging inspirasyon
ni Jakobson ang mga likha at pag-aaral ni Ferdinand Saussure, at mas pinaunlad ang Technique
for the analysis of sound system in languages ni Nikolai Trubetzkoy.

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 2

Sa larangan naman ng pagsasalin, ipinakilala ni Jakobson ang iba’t ibang uri.

1. Intralingual na Pagsasalin o ulit salita (rewording)

• Ito ay pag-babago lamang ng salita sa loob ng magkatulad na salita. Ito ay pagbibigay

ng interpretasyon sa mga berbal na simbolo sa tulong ng iba pang mga simbolo sa
magkatulad na wika.

• Sa pagsasagawa ng pagsasalin gamit ang intralingual na pagsasalin, ang tagapagsalin

ay nagsasagawa ng muling paglalahad ng ideya ng kanyang isinasalin sa magkatulad na
wika. Isinasagawa ng tagapagsalin ang pagbabago ng salita gamit ang mga simbolo ng
katulad ng isinasaling wika.

• Ang pagbabago ng salita o pangungusap ay maibibilang sa uri ng pagsasalin. Dito

ipinakikita ng tagapagsalin ang kanyang husay sa pagbibigay interpretasyon sa mga
simbolo. Isinasalin ng tagapagsalin ang isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay
interpretasyon sa tulong ng pagbabago lamang ng mga salita o pangungusap sa
magkatulad na wika.

• Sa Intralingual na pagsasalin ay naisasagawa ang Paraprasis. Ang paraprasis o

paraphrase ay ang muling paghahayag ng kahulugan ng isang teksto o talata na
gumagamit ng ibang mga salita. Sa madaling sabi, ito ang pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng ibang pangungusap o ibang mga salita.

Halimbawa:

in some instances, you may choose simply to paraphrase a text.

Salin:

Sa ilang pagkakataon ay maaaring mas gusto mong sabihin ang isang teksto sa ibang
pananalita

Intralingual na Salin:

May panahon na nais mong ibahin ang teskto.

Mapapansin sa uri ng saling intralingual, higit na naging maikli ang paglalahad o ang
naisagawang salin. Makikita rin na ang tagapagsalin ay naging matipid sa paggamit ng salita
ngunit hindi nawala ang nais ipakahulugan o ang ideya ng manunulat.

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 3

2. Interlingual na pagsasalin ( translation Proper)

• Ang layunin ng ganitong uri ng pagsasalin ay mag-interpret o sumuri at

ipahayag ang nilalaman ng mga berbal na simbolo.

• Ang Interlingual na pagsasalin ay uri ng pagsasalin na pinaka-gamitin ng

tagapagsalin. Dito hindi lamang sa salita nakapokus ang nagsasalin kundi sa
eksaktong salitang katumbas ng simbolo.

• Ang pagbibigay interpretasyon sa mga simbolo ang pinaka-pokus ng interligual

na pagsasalin. Ang malayang pagpapakuhulugan sa tekstong isinasalin ang
binibigyang tuon ng tagapagsalin. Iniiwasan din ng tagapagsalin ang pagsasalin
gamit ang salita sa salita.

• Sa pagsasaling Interlingual, mahalagang batid ng tagapagsalin ang kultura ng

bansa kung saan nagmula ang isasaling akda, gayundin ang kultura ng
pagsasalinang wika.

• Halimbawa: Sa Ingles ang salitang rice iisa lamang ang paraan ng pagkakagamit
sa iba’t ibang pangungusap. Samantala sa pilipinas ang rice ay mayroon iba’t
ibang kahulugan na nakadenpe kung paano ginamit sa pangungusap.

3. Intersemiotiko (transmutation/pagbabago)

• Pagsasalin ng mensahe mula sa masistimatikong simbolo. Nakatuon ang uri ng

pagsasalin sa mga salita. Binibigyang diin ang kabuuang mensahe na kailangang
maipahayag. Ito ang binibigyang pansin ng tagapagsalin sa halip na ang mga
berbal na simbolo (salita).

• Ang pagsasaling Intersemiotioko ay isang pagbibigay interpretasyon sa mga

berbal na simbolo sa tulong ng mga di-berbal na simbolo. Ang interesemiotiko
ay kadalasang gingamit sa pagsasalin ng mga ilang akdang pampanitikan.

Halimbawa ang akdang nakasulat ay maaring isalin ng tagapagsalin patungo sa

pelikula, o ang isang aklat ay maaring isalin sa komiks o ibang mga media
platform.

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 4

4. Teknikal na Pagsasalin

• Ang pagsasaling Teknikal ay gawaing nakapokus lamang sa impormasyon,

terminolohiya at estruktura ng pangungusap. Madalas na ipinagkakamali ng ilan
na pinakamadali ang pagsasaling teknikal dahil na rin sa makabagong paraan at
teknolohiyang ginagamit.

• Ang pagsasaling teknilal ay itinuturing na informative at referensyal. Ang mga

salitang isinasalin ay tiyak ang kahulugan at di kakakitaan ng damdamin o ang
pagiging ekspresibo ng tagapagsalin. Karaniwang literal ang pagsasaling
teknikal.

• Sa pagsasaling Teknikal, karaniwang nakapokus ang nagsasalin sa

impormasyon, terminolohiyia at estruktura ng pangungusap. Sa ganitong uri ng
pagsasalin, ang nagsasalin ay nag-papaalipin sa diksyunaryo sapagkat
kadalasang tinutumbasan lamang ng tagapagsalin ang salita nang saling salita.

• Sa makabagong panahon, marami ang nag-iisip na madali ang gawaing

pagsasalin lalo pa ito ay teknikal, basta ang nagsasalin ay maalam gumamit ng
kompyuter. Madali na para dito ang pagsasalin, bubuksan lamang niya ang
www.google translate.com at sa isang iglap ay tapos na ang kanyang salin.

• Nakapagsasalin man tayo gamit ang google translate, sa kasalukuyan wala parin
tayong maituturing na mahusay na MT o Machine Translator, sapagkat kung
papansinin ang salin na sumailalim sa google translate ay mali-mali at
karamihan ay hindi makatotohanan ang salin. Ang ganitong senaryo ay
nagdudulot ng suliranin sa mga nagsasagawa ng pagsasalin dahil mas
bumababa ang kredibilidad ng isang tagapagsalin.

Mga Uri ng tekstong teknikal

1. Teksbuk
2. Gabay o Manwal
3. Encyclopedia
4. Mga artikulong siyentipiko at akademiko
5. Patakaran at pamamaraan
6. Dokumentomg legal
7. Technical Report
8. Brochures
9. Mga liham
10. Katitikan ng pulong
11. Taunang ulat
Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 5

12. Manuskrito ng mga talumpati

13. Panyam
14. Survey form

• Ayon kay Almrio(p.75), ang pagsasaling teknikal kabilâ ng dominasyon ng Ingles

bílang wikang pandaigdig, maituturing ang pagsasaling teknikal bílang tunay at
aktibong wika ng globalisasyon. Dahil sa globalisasyon ay mas tumindi ang interes
sa pagpapalitan ng impormasyon, na pinasisigla pa ng mga imbensiyong teknolohiko
upang mas maganap ang sinasabing “walang hangganang”[borderless]
komunikasyon, at kayâ lalong natatanghal ang napakahalagang papel ng pagsasalin.

• Malinaw ding ang pagiging teknikal ang ikinaiiba ng tekstong teknikal sa tekstong
pampanitikan. Hindi ito tulad ng tekstong pampanitikan na napapalamutian ng mga
tayutay at may gámit ang mga salita sa paraang iba sa mga pakahulugan sa
diksiyonaryo. Binabása ang panitikan para sa idinudulot nitóng kasiyahan; binabása
ang akdang pang-agham at panteknolohiya para sa isang tiyak na gámit nitó sa
bumabása. (p.75-76)

• Isang karaniwang patnubay sa pagsulat ng tekstong teknikal ang: (1) magsulat para sa
iyong mambabasá at magsulat nang malinaw; (2) alisin ang di-kailangang paguulit; (3)
iwasan ang di-kailangang pang-uri at panuring; (4) gumamit ng payak na salita at payak
na pahayag; (5)gumamit ng tinig na aktibo at himig na apirmatibo; (6) sumipi ng mga
sanggunian, pangungusap ng eksperto, at totoong resulta ng pagsubok; (7) tiyaking
malinis ang ispeling at gámit ng bantas. Ngunit ipinapayo ding: (1) akitin ang madla;
(2) umisip ng naiiba at bagong pang-uri; ulat at (3) sikaping mamangha ang bumabása
tungkol sa paksa; (4) kumbinsihin ang bumabása sa layunin ng teksto. (p.80)

• Kailangan ng tagasaling teknikal ang sumusunod na mga katangian: (1) kaalaman sa

paksa, (2) mga kasanayan sa saliksik, (3) mga kasanayan sa pagtuturo, at (4) mga
kasanayan sa pagsulat. Sa unang tingin lámang sa mga inihanay ay wari ngang higit
pang maraming kahingian ang pagsasaling teknikal kaysa pagsasaling pampanitikan.
(p.84)

• Kailangan, sa gayon, na maging komunikatibo ang pagsasaling teknikal. Sabi nga ng

mga eksperto, kailangan itong (1) nakaangkop sa target na mambabasá, at (2) may
layuning maglingkod sa target na mambabasá. Napakautilitaryo ang pagsasaling
teknikal, at narito ang kaibahan nitó sa malaking bahagi ng pagsasaling pampanitikan.
Higit na sinusukat sa pagsasaling teknikal ang naidudulot nitóng serbisyo sa madla ng
TL.

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 6

5. Pagsasaling Pampanitikan

• Ang pagsasaling pampanitikan ay isang uri ng pagsasaling naiiba sa karaniwan at

paangkalahatang konseptong ng pagsasalin.

• Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang imahinasyon, matayog na kasipan at

ang epektibong panunulat ng isang may akda.

• Ang pagsasaling pampanitikan ay nangangailangan ng pagsubaybay sa mga salitang

ginamit at kung ano ang nais ipakahulugan ng manunulat. Nararapat din na bigyang
pansin ang ayos ng pangungusap at ang sapat na kaalaman ng tagapagsalin.

• Sa pagsasagawa ng pagsasaling pampanitikan nararapat na ang tagasalin ay may:

✓ malalim na kaalaman sa mga katangian ng iba’t ibang genre

✓ nagtataglay ng kahusayan sa pagpapakahulugan
✓ may sapat na kaalaman sa iba’t ibang teoryang Pampanitikan
✓ at, may malawak na bokabularyo

• Sa pagsasaling pampanitikan, hindi lamang balarila at anyo ng pangungusp ang

binibigyang konsiderasyon, kundi maging ang pamamarirala, pamimili at pagsasama-
sama ng mga istilo ng awtor.

• Ang isang magtatangkang magsagawa ng pagsasaling pampanitikan ay kinakailangan

na mahusay na mambabasa ng akdang pampanitikan, may mataas na kakayahan sa
simulating lengguwahe (SL) at sa tunguhang lengguwahe (TL), at dapat na taglay ang
mataas na pagpapahalaga sa teksto.

• Ang isang tagapagsalin ng akdang pampanitikan ay nararapat na masaklaw ang

kamulatan sa kasaysayang pampanitikan, may kakayahan sa kritikal na pagsusuri ng
isang akda at nagtataglay ng kahusayan sa malikhaing pagsulat.

Mahalaga din naman ang pagsisikap na maglista ng mga ginagamit na

pantumbas sa mga terminolohiya sa bawat disiplina upang maging palagiang
sanggunian sa pagsasalin para sa layuning maging konsistent. Ang konsistensi
ay isang makabuluhang tungkulin sa pagsusulat at pagsasaling teknikal.

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Mga Uri ng Pagsasalin (Jakobson) 7

References and Supplementary Materials

Books and Journals

1. Zethsen, Karen, Intralingual Translation: An Attempt at Description, Meta: Journal de
traducteurs, Vol.54, Issue 4, p.795-812, 2009

2. Da silva Clayton, Adriano, On Jakobson’s Intersemiotic Translations in Asterix Comics,

ledijournals, article, 1233/1255

3. Raquel, Buban, Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga, Vol.

261, Pahina 117-127, January 1, 2014. Journal

4. Almario, Virgilio, (2016) Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa

baguhan: Komisyong ng Wikang Filipino, Watson Building, JP Laurel, San Miguel, Maynila

Online Supplementary Reading Materials

1. Pagsasaling Wika:
https://docslide.net/documents/pagsasaling-wika-56aea2e5c03e7.html
Date Accessed: September 28,2018
2. Transalation:Definition and Example: https://www.thoughtco.com/translation-language-
1692560
Date Accessed: October 1. 2018
3. Intrallingual vs. Interlingual Translation: URL:http://cssc.au.dk/en/research/translation-
and-interpreting/pit-project/intralingualvsinterlingualtranslaiton/
Date Accessed: October 1, 2018
4. Jakobson: https://www.slideshare.net/9315/jakobson?from_action=save
Date Accessed: October 1, 2018

Online Instructional Videos

1. Types of translation: https://www.youtube.com/watch?v=MzdAAXiT9cE

Date Accessed: October 3, 2018

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Katangian ng Pagsasaling Wika 1

Modyul 007 Katangian ng

Pagsasaling Wika (Belhaag)
LAYUNIN:
1. Nakikilala si Belhaag bilang mahusay ma manunulat na nagpakilala
ng iba’t ibang katangian ng pagsasaling Wika
2. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng pagsasalin na ipinakilala ni
Belhaag.
3. Nauunawaan ang gamit ng katangian ng pagsasalin sa pagsasaling
wika.

Panimula:
Ang pagsasalin ay may mahalagang gampanin sa pagpapataas ng
kamalayan at pang-unawa sa pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat bansa. Ang
pagsasaling pampanitikan ang isa sa may ambag sa pagtaas ng kabatiran nang
mambabasa sa kultura at paniniwala ng ibang bansa. Sa patuloy na pagdami ng
nagkakaroon ng interes na matutunan ang wika ng ibang bansa, ang pagsasaling
pampanitikan ay nagkaroon ng malaking gampanin sa pagpapalawak ng kalaaman ng
mambabasa sa ibang wika, at dahil dito ang tagapagsalin ay kinakailangan na may
sapat na kabatiran sa wika at kultura ng pinagmulan ng isasaling akda gayundin ang
kanyang malawak na kabatiran sa wikang pagsasalinan ng akda. Sa modyul na ito,
kilalanin at alamin ang iba’t ibang katangian ng pagsasalin na ipinakilala ni Belhaag.

Katangian ng Pagsasaling Pamapanitikan

1. Ekspresibo

• Naglalarawan ito ng damdaming personal na saloobin at paniniwala, sa isang

pagsasalin mas nagiging makatotohanan at nanalapit sa orihinal ang isang salin kung
ang tagapagsalin ay nagkakaroong ng personal na ugnayan sa akdang kanyang
isinasalin. Kung tinatanaw ng tagapagsalin ang mga pangayayari sa akda na katulad ng
nagaganap o naganap sa kanyang buhay, sa ganitong kaparaanan mas naibibigay ng
tagasalin ang wastong ekspresyon na nais ipadama ng manunulat sa mambabasa.

• Ang sariling karanasan ng tagasalin ay nakapaloob dito, ngunit hindi

nangangahulugang napapalitan ang tunay na nais ipakahulugan ng pagsasaling Wika.

Course Module
• Malaya ang paraan ng pagsasalin sa katangiang ekspresibo mahalaga sa katangiang ito
ng pagsasalin na mailabas kung ano tunay na naiisip at nararamdaan ng isang tao. Ang
katangiang ito ay naglalayong magpahayag.

• Ang katangiang ekspresibo sa pagsasalin ay nagpapakita ng malawak na imahinasyon

at malalim na damdamin ng tagapagsalin sa bawat akdang pampanitikan. Ang
ekspresibong katangian ang karaniwanng sumasalamin sa katauhan ng tagapagsalin
sapagkat dito ay malaya niyang naipahahayag ang kanyang sariling saloobin sa
isinasaling akda. Naipakikita rin dito ang husay nang isang tagapagsalin, sapagkat
sabihin pang inilalahad ng tagapagsalin ang kanyang damdamin, kasabay nito tinitiyak
ng tagapagsalin na hindi malalayo sa orihinal ang akdang isinasalin.

• Ang ekspresibong katangian ng pagsasalin ay nagtataglay nang layuning makapaghatid

ng mga tiyak na impormasyon.

2. Konatatibo

• Ang katangiang konotatibo sa pagsasaling wika ay nagtataglay ng pahiwatig na

emosyon o pansariling saloobin.

• Ang pagsasaling pampanitikan na nagtataglay ng konotatibong katangian ay

maaring mag-iba-iba ayon sa saloobin at karanasan ng tagapagsalin. Ang
salitang ginamit ng manunulat ay maaring bigyang pagpapakahulugan ng
tagapagsalin. Maaring bigyan ng tagapagsalin ng kahulugan ang salitang ginamit
ng manunulat batay sa istilo ng nagsalin nang hindi nalalayo o naiiba sa nais
ipakahulugan ng manunulat.

• Sa paggamit ng konotatibo sa pagsasaling wika, nagkakaroon ng ibang

pagpapakahulugan ang tagapagsalin sa ginamit na salita ng manunulat.
Halimbawa ang salitang Dagat , maaring magkaroon ng ibang kahulugan tulad
ng malalim, malawak, mayaman, kabuhayan at iba pa.

• Ang malawak na pagkaunawa sa paggamit ng konotatibong katangian ay higit

na makakatulong sa pagsasalin ng akdang pampanaitikan. Nagkakaroon ng
karagdagang substansya ang isang obra. Halimbawa, kung ang tagapagsalin ay
magsasalin ng isang tula o nang maikling kwento. Maibibigay ng tagapagsalin
ang kanyang malawak na imahinasyon at interpretasyon sa isinasaling akda sa
tulong ng konotatibong katangian.

• Ang konotatibong katangian ng pagsasalin ay nagpapakita ng intensyunal na

pagpapakahulugan ng tagapagsalin sa mga salitang ginamit sa loob ng isang
akdang isinasalin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Katangian ng Pagsasaling Wika 3

3. Pragmatiks

• Ang pragmatiks ay isang sanghay ng lingwistika na inilalarawan bilang pag-

aaral ng ugnayan ng mga anyong lingwistiko at ang gumagamit nito. Sa madaling
banggit, ito ang ugnayan ng wika at tao.

• Ayon kay yule 1996

Pigura 1:Paul Alan Yule

http://euclidpragmatiks.blogspot.com/
Retrieved: October 2018

➢ Binibigyang pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong

panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika

➢ Binibigyang pansin ang kaangkupan ng gamit ng wika sa isang

partikular at tiyak na sitwasyon.

• Ayon kay Fraser 2010:

➢ Nakapaloob sa pragmatiks ang pagpaparating ng mensaheng

ninanais, kasama ang lahat ng iba pang kahulugan sa anumang
kontekstong sosyo-kultural.

Course Module
• Ayon kay Chomsky:

Pigura 2: Chomsky
http://euclidpragmatiks.blogspot.com/
Retrieved: October 2018

➢ Tumutukoy sa kaalaman kung paano naiuugnay ang wika sa

sitwasyon sa pinaggagamitan ng wika.

• Ayon kina Badayos at mga Kasama 2010:

Ang pragmatik ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan

sa komunikasyon.

1. Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati, pagbibigay

impormasyon, pagnanais, paghiling at pagbigay pangako.

2. Panghihiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa

pangangailangan o inaasahan ng tagapakinig/sitwasyon.

3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong

dulog gaya ng pagkukuwento, pagbibigay ulat at iba pa.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Katangian ng Pagsasaling Wika 5

• Ayon kay Paul Grice:

Pigura3: Herbert Paul Grice

https://siobhanchapman.co.uk/2013/03/15/grices-
centenary/
Retrieved: October 2018

➢ Ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa

tagapagsalita. Sa panukala ni Grice, ipinakilala niya ang apat na
patakaran na may kinalaman sa talasatasan, (patakaran sa dami,
patakaran sa uri, patakaran sa pagiging akma at patakaran sa
pamamaraan). Ang apat na patakaran ay iaayon natin sa
pagsasaling pampanitikan.

1. Patakaran sa dami

➢ Kailangang tiyakin ng tagapagsalin ang mga impormasyong

isasalin ay wasto at naayon sa hinihingi ng mambabasa . Tinitiyak
din ng tagapagsalin ang karakter at dami ng mambabasa.

2. Patakaran sa uri

➢ Kailangang malinaw sa tagapagsalin ang uri ng genre na kanyang

isasalin upang makapagbigay ng sapat na impormasyon.
Course Module
Hinihingi din na ang tagapagsalin ay hindi nararapat na magsalin
hanggat hindi napatutunayan kung ang isasaling mga
impormasyon ay may katotohanan, o kung ito ay kulang sa mga
patunay na hindi dapat ito isalin. Halimbawa kung ang
tagapagsalin ay magsasalin ng isang bahagi ng saligang batas,
nararapat lamang na tiyakin ng tagapagsalin ang mga
impormasyong ibabahagi sa mga mambabasa.

3. Patakaran sa pagiging akma

➢ Kailangang tiyak ng tagapagsalin ang paksang isasalin na

makabuluhan sa mga mambabasa at wasto at akma ang mga
salitang mapipili upang maging mahusay ang isang salin.

4. Patakaran sa pamamaraan

➢ Hinihingi sa patakarang ito na ang tagapagsalin ay may sapat na

kaalaman sa iba’t ibang pamamaraan. Ang bawat pamamaraan sa
pagsasalin ay may kinaaangkupang genre ng panitikan o
anumang uri ng teksto. Ang kaalaman sa pamamaraan ng
pagsasalin ay makatutulong upang mailahad ang mga
impormasyon ng malinaw at madaling maunawaan ng
mambabasa.

Pragmatik sa Pagsasaling Wika

o Sa pagsasaling pampanitikan mahalaga ang pragmatik. Binibigyan daan ng

karampatang pagpapahalaga ang pang-araw-araw na komunikasyon. Sa ganitong
kaparaanan mas nagiging madali at may kabisaan ang isinagawang pagsasalin dahil
hindi nagiging buo ang isang komunikasyon kung walang pragmatik.

o Ang pragmatik ay tumutukoy sa kakayahang iparating ang lantad at di-lantad na

kahulugaan ng isang konteksto. Sa pagsasalin ng isang akdang pamapanitikan, ang
pragmatik ay nagkakaroon ng malaking ambag sapagkat ayon kay Yule, ang bawat
salita ay may kahulugan sa tagapakinig. Gayundin sa pagsasalin, kailangan ang
tagapagsalin ay may kaalaman sa pragmatik upang maisalin nito ang kahulugan ng
salita sa loob ng konteksto na nararapat maunawaan ng mambabasa.

o Saligan ng pragmatik ang pag-aaral ng wika. Sa pagsasalin mahalagang nauunawaan

ng tagapagsalin ang wika ng isasaling akda.

o Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin kung ang pragmatik ng Simulaing wika ay

naiiba sa Tunguhing wika. Ang magkaibang wika ay mayroong magkaibang pragmatik
at anyo ng komunikasyon. Ang pagkakaroon ng magkaibang pramatik ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin ang karaniwang suliranin ng tagapagsalin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Katangian ng Pagsasaling Wika 7

4. Subhektibo

• Masining na pagsasalin o pagpapahayag, layunin nitong maglahad ng katotohanan,

kaya lamang ay nakukulayan ng imahinasyon at pananaw ng may akda. Ang pagsasalin
sa ilalim ng subhektibong katangian ay maihahalintulad sa pagsasaling tunog orihinal,
dahil ang ganitong uri ng pagsasalin ay nagpapakita ng malawak na imahinasyon ng
nagsalin, Binibigyan ng tagapagsalin ng malinaw na interpretasyon ang akdang isasalin
ngunit mas nangingibabaw ang kanyang imahinasyon at masining na paglalarawan sa
mga impormasyon na kailangang maisalin sa tunguhing wika.

• Sa subhektibong katangian ng pagsasalin, higit na nalilinang ang kaalaman ng

tagapagsalin sa kultura ng bansang pinagmulan ng akdang isasalin. Kasabay nito ang
paggamit ng tagapagsalin ng malawak na imahinasyon. Sa subhektibong katangian ng
pagsasalin, ang paggamit ng imahinasyon ang higit na binibigyang halaga upang
mailahad ang mga impormasyong nais maunawaan ng mambabasa.

References and Supplementary Materials

1. Almario, Virgilio, (2016) Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa

2. Bahaa-Eddin Abulhas san Hassan, (2011) Literary Translation: Aspect pg Pragmatic

Meaning, 12 Back Chapman Street, Newcastle upon Tyne, NE6 2XX, UK

Online Supplementary Reading Materials

1. Konotasyon: https://www.scribd.com/doc/125860196/konotasyon
Date Accessed: October 25,2018
2. Pragmatik:https://www.slideshare.net/IamLaurenMayne/pragmatiks-filipino-1
Date Accessed: October 25, 2018
3. Pragmatik: https://www.scribd.com/presentation/328135753/Pragmatiks
Date Accessed: October 25, 2018

Online Instructional Videos

Course Module
1. Konotatibo at Denotatibong Pagpapakaluhugan:
https://www.powtoon.com/online-presentation/bS8blCkdCGP/konotatibo-at-
denotatibo/?mode=Presentation&locale=en
Date Accessed: October 31, 2018
2. Pragmatika:https://www.youtube.com/watch?v=2kF3hDs1D7Q
Date Accessed: October 31, 2018
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Ang Pagsasalin ng Tula] 1

Modyul 008- Ang Pagsasalin ng Tula

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang ilan sa pangunahing suliranin kung bakit mas

mahirap ang pagsasalin ng tula.
2. Naiisa-isa ang mga Teknik sa pagsasalin ng Tula.
3. Nauunawan ang mga salungatang nagaganap sa pagsasaling ng isang
tula.

Panimula:

Ang pagsasalin ng akdang pampanitikan ay nagtataglay ng gawaing

masinop at mabisang pagsasanib ng estetika at diwa upang magkahugis ang
kahulugan.

Sa pagsasalin ng tula kailangang kilalanin ng tagapagsalin ng pinagmulan

ng kasaysayan, kultura at panlipunang kalagayan na hinuhubog sa tula upanng
maipaunawa sa mambabasa ng pagsasalinang wika.

Ang tula ay akdang pampanitikang masasabi nating higit na nagtataglay

ng iba’t ibang uri ng damdamin. Karaniwan na dito ang masidhing damdamin,
malungkot at masaya. Ang mga damdaming nabanggit ay nararapat lamang na
maisalin ng tagapagsalin sa magkatulad na sidhi ng damdamin. Kung inyong
natutunan ang ilan sa mga nakalipas na aralin ang mga katangian ng pagsasalin
na atin nang natalakay ay maari ninyong mailapat sa inyong pagsubok na
magsalin ng isang tula.

Mahirap daw magsalin ng isang tula sapagkat ang damdamin nito ay

karaniwang sinasaliwan ng tugmaan gayundin ng sukat upang higit na mailapat
ng manunulat ang damdaming nais niya ibahagi sa kanyang tula. Ang sukat at
tugma ang mahalagang sangkap ng isang tula.

Sa modyul na ito ay subukin nating tuklasin ang ilan sa mga salungatan

sa pagsasalin ng tula, kasabay nito ang pag-alam pa natin sa mga teknik na
maaari nating magamit sa pagsasalin ng tula.

Course Module
Bakit ba mahirap ang magsalin ng tula?

• Ayon kay New Mark, ang pagsasalin ng tula ay isang larangan kung saan ang diin ay
nalalagay sa pagbuo ng isang bago at malayang tula. Dito ang literal sa salin ay laging
napupulaan. Ang totoo, walang masasabing ganap na pagsasalin ayon naman kay
Alfonso Santiago (1976).

• Ang pagsasalin ng tula ay inihahalintulad sa pagsasalin ng isang basong tubig sa ibang

baso. Dito makikita na sa pagsasalin ng tubig hindi lahat naisasalin, ang basong
pinanggalingan ng tubig ay nanatiling basa, isang indikasyon na may naiwang tubig sa
nasabing baso. Ito ay patunay lamang na hindi lahat naisasalin. Tulad ng pagsasalin ng
tula, hindi buong-buo at ganap ang salin. Maaring ang diwang nais ipakahulugan ng
may akda ay hindi ganap na naisalin ng tagapagsalin.

• Ayon sa mga dalubhasa sa pagsasalin, tunay na mas mahirap ang pagsasalin ng di-teknikal na
sulatin kaysa sa teknikal na sulatin. Sinasabing ang sulating teknikal kapag naunawaan na ng
tagapagsalin ay agad niya itong maisasalin ngunit ang di-teknikal na sulatin ay kailangan
pang unawain ang diwanng nais ipabatid ng mununulat bago ito maisalin.

• Narito ang ilan kung bakit mas mahirap ang pagsasalin ng Tula:

1. Mas mahirap maunawaan ang diwang nais ipahatid ng manunulat. Sa pagsulat

ng tula, ang bawat manunulat ay nagbabahagi ng kanilang sariling karanasan,
saloobin, opinyon at maging ang masidhing damdamin, kaya naman ang ganitong
mga katangian ng tula ay karniwang hindi naaabot ng kaalaman ng tagapagsalin.
Sabihin pa na ang tagapagsalin ay nagkaroon ng katulad na karanasan ngunit hindi
natin masasabing katulad din ang kanilang damdamin, kaya naman sinasabing
hindi madali ang pagsasalin ng isang tula.

2. Gumagamit ang makata ng tayutay. Ang isa sa katangian ng tula ay ang

pagtataglay nito ng ritmo at nang talinghaga, kung saan itinatago ng manunulat ang
kahulugan ng kanyang mga salita sa paggamit ng mga tayutay. Sa usapin ng
pagsasalin ang pagsasalin ng tayutay ang isa sa pinakamahirap na gawain,
sapagakat maaring magkaroon ng iba’t ibang pagkaunawa ang mga tagapagsalin sa
tayutay na ginamit sa loob ng pangungusap. Alam naman natin na may iba’t ibang
uri ang tayutay.

A. Pag-uugnay o Paghahambing

➢ Simili (Pagtutulad)
➢ Metapora (Pagwawangis)
➢ Alusyon
➢ Metomiya( Pagpapalit-tawag)
➢ Sinekdoke
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Ang Pagsasalin ng Tula] 3

B. Paglalarawan

➢ Pagmamalabis o eksaherasyon (Hyperbole)

➢ Apostrope (Pagtawag)
➢ Paradoks

C. Pagsasatunog

➢ Paghahambing (Onomatopeya)

3. Kailangan pangalagaan ang istilo ng awtor lalo na kung kumbensyunal ang

pagkakasulat. Ang bawat manunulat ay mayroong iba’t ibang istilo sa pagsulat ng
tula. Sa pagsasalin iniwasan na maging himig ng tagapagsalin ang isinasaling tula
upang hindi mawala ang orihinalidad nito.

4. Magkaibang kultura ng orihinal na sumulat at ng tagapagsalin. Ang

pagkakaiba ng kultura ng manunulat sa tagapagsalin ay nagkaroon ng malaking
epekto sa pagsasalin sapagkat may mga salita na iba ang pagpapakahulugan batay
sa kultura ng manunulat sa pagpapakahulugan batay sa kultura ng tagapagsalin.

5. Panahon ng Pagkakasulat. Sinasabing ang wika ay dinamiko at mabilis na

nagbabago. Sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga bagong salita, gayundin
ng gumamit ng salita ay nagbabago rin. Kung ang tula ay isinulat noong panahon pa
ng sinaunang Ingles at ang magsasalin ay nasa kasalukuyang kalagayan ng wika,
tiyak na magkakaroon ng suliranin ang tagapagsalin sa pagsasalin ng tula.

Mga Karaniwang Teknik sa Pagsasalin ng tula

• Ayon kay Santaigao, una sa lahat, ang pagsasalin ng tula ay kailangang malaman ng
tagapagsalin kung orihinal o may tugma. Ang mga tula sa Filipino, tulad ng sa Ingles,
Aleman at Pranses ay karaniwang may tugma, samantalang ang sa Latin at Griyego ay
likas na wala.(p148)

• May ilang tagapagsalin na gumagamit ng iba’t ibang teknik sa pagsasalin ng tula. Ang
ilan ay kinukuha muna ang kahulugan ng tula bago isalin upang matiyak na maisalin
ang diwa at kahulugan na ipinahihiwatig ng manunulat.

Course Module
Teknik sa Pagsasalin ng Tula

Unang Hakbang- PAGPAPAKAHULUGAN

Istilo A: May dalawang Istilo ang Teknik na pagpapakahulugan. Ang una ay ang linya por linya.
Dito sinusubukan isalin ng tagapagsalin na isalin ang tula bawat linya, nang hindi inaalam ang
kabuuang kahulugan ng tulang isinasalin.
Narito ang halimbawa ng isinaling tula na linya por linya:

Chasing Dreams

You’ve come this far,

Where else would want to go?
You’ve reached this far,
What else would you want to do?

Chase your dreams

Follow your heart
Keep moving forward
Always pray hard
Salin:

Ikaw napunta ka sa ganito kalayo,

Saan mo pa nais magpunta?
Ikaw nakarating sa ganito kalayo
Ano pa ang nais mong gawin?

Habulin mo ang iyong panaginip

Sundan ang iyong puso
Patuloy kang sumulong
Laging manalangin
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Ang Pagsasalin ng Tula] 5

Istilo B: Kung hindi linya por linya ang gagamitin ng tagapagsalin, maaari niyang gamitin ang
“paraphrasing” o pagpapakahulugan. Dito maaaring magkapalit-palit ng posisyon ang linya ng tula.
Sa hakbang na ito, inuunawa muna ng tagapagsalin ang nais ipakahulugan ng manunulat sa tula.
Pansinin na ang taludturan ay maaring maging tuluyan.

Narito ang Halimbawa ng isinaling tula na “Paraphrasing”.

1. Malayo na ang iyong napuntahan, saan pa ang nais mong puntahan, narating mo ang ganito
kalayo, ano pa ang nais mong gawin.
2. Lumapit ka sa iyong pangarap, sundin moa ng iyong puso, magpatuloy ka sa pagsulong at
palaging manalangin.

Ikalawang Hakbang- PAGBUO NG PANSAMANTALANG TALUDTOD

Pagkatapos ng pagpapakahulugan, ang tagapagsalin ay sisimulan nang bumuo ng

taludtod na may sukat at tugma na nakabatay sa nauna nang pagpapakahulugang ginawa sa bawat
linya. at susuriin ang natapos na taludtod at lilikha ng linya por linya ng nasabing salin. Ang
tagapagsalin ay lilikha ng borador upang kinisin ang natapos na salin.

Narito ang halimbawa ng pagbuo ng pansamantalang taludtod:

1.
A: Ikaw napunta ka sa ganito kalayo,
B: Saan mo pa nais magpunta?
C: Ikaw nakarating sa ganito kalayo
D: Ano pa ang nais mong gawin?

2.
A: Habulin mo ang iyong panaginip
B: Sundan ang iyong puso
C: Patuloy kang sumulong
D: Laging manalangin

Course Module
Paghabol sa Panaginip

Narating mo na ang hangganan

Saan mo pa nais magtungo?
Malayo na ang iyong narating
Ano pa ang nais mong gawin?

Habulin mo ng iyong pangarap

Sundin mo ang iyong puso
Magpatuloy ka sa pagsulong
Panatilihin ang pananalangin

• Pansinin ang naunang pagsasalin ng tula sa Istilo A kung saan ipinakita ang
pagkakasalin ng linya por linya. Mapapansin na nagkaroon ng pagkakaiba sa ilan sa
mga salitang naisalin sapagkat sa bahaging ito isinalin ang tula sa pamamagitan ng
pagpapakahulugan sa bawat linya at sa kabuuan ng mensaheng nais ipaunawa ng
manunulat.

Mga Salungatan sa Pagsasalin ng Tula

• Sa pagsasalin ng tula kinakailangan na masusing pagsusuri dahil sa kakaibang porma

ng tula na kailangang masundan ng tagasalin. Nagkakaroon ng iba’t ibang pananaw
kung paano nga ba isasalin ang tula.

• May iba’t ibang paniniwala ang karamihan sa mga dalubhasa sa larangan ng pagsasalin
ukol sa kung paano nga ba ang wastong paraan ng pagsasalin ng tula. Sinasabing ang
tulang may sukat ay kailangang isalin ng may sukat din sapagkat magiging mahina ang
salin kung hindi mapananatili ang sukat at anyo ng tula.

• Pansinin ang paraan ng pagkakasalin ng tula sa (pahina 5) sa Istilo B, hindi ba’t isinalin
ang tula sa paraang tuluyan at nawala ang porma nito bilang isang tulang may sukat at
tugma? Sinasabing sa pagsasalin ng tula sa paraang tuluyan ang pinakamahinang
paraan ng pagsasalin. Ayon sa mga dalubhasa, upang maging makatarungan sa makata,
sumulat ng tula. Dapat ang tagpagsalin ay makata rin upang maisalin ng wasto at sa
paraang patula din, Wika nga ni savory “none but a poet should undertake the
translation of poetry”.

• Sa ibang paniniwala ng pagsasalin ng tula, sinabi diumano ni Hilaire Belloc na ang

pagsasalin sa isang tula ay higit na mahusay kung ito ay isasalin sa paraang tuluyan.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
[Ang Pagsasalin ng Tula] 7
Ang ganitong pahayag ay pinatunayan ni Sir John Denham nang isalin nito ang Aenid.
Isinalin niya ang panimula na may layuning isalin ang diwang nais ipahatid ng may akda
at hindi ang lumikha ng bagong tula.

• Ipinaliwanag ni Savory na ang pagsasalin ng tula at nararapat na nasa anyong patula

din. Ang ganitong paraan ng pagsasalin ay humahamon sa kakayahan ng tagapagsalin
sa paggamit ng mga tayutay na akma sa isinasaling tula. Kasabay nito ang kahusayan
ng tagasalin na ayusin sa pormang taudturan at hindi sa anyong tuluyan.

• Ang Paniniwalang ito ni Savory ay katulad din ng Paniniwala ni Eugene Nida

(1964:157),

A lyric poem translated as prose is not an adequate equivalent of the original,

though it may reproduce the conceptual content, it falls far short of reproducing
the emotional intensity and flavor, however translating of some types of poetry by
prose may be dictated by important considerations.

• Ibinigay ni Savory ang halimbawa sa kanyang aklat ang sumusunod:

Bahagi ng isang tula ni Catullus sa Latin:

Odi et amo, Quare id faciam fortasse requires,

Nescio, sed fieri sentio et excrucior.

Saling tuluyan:

I hate and I love. Why I do so, perhaps you ask.

I do not know, But I feel it and I am in agony.

Saling patula ni Krause:

I hate yet love, you ask how this can be,

I only know it’s truth and agony.
Sa dalawang salin na ipinakita ni Savory, malinaw na pinatunayan na higit na mainam ang
pagsasalin ng tula sa anyong patula din, sapagkat napananatili nto ang ritmo o indayog ng orihinal na
nailalahad pa rin sa mga mambabasa.

Course Module
Gayunpaman, sabi sa mga nakaraang aralin ay walang perpektong salin. Ang
maghuhusga pa rin sa kaparaanan na gagamitin sa pagsasalin ng tula ay ang
mismong tagapagsalin.

1. Gabay ng Mag-aarl: Tayutay:
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/tayutay.htmlhttps://teksbok.blogspot.com/201
3/01/tayutay.html Date Accessed: October 25,2018

2. Pampanitikan sa Pagsasalin: http://panitikan.ph/wp-content/uploads/2018/03/ANG-

PAMPANITIKAN-SA-PAGSASALIN-2018.pdf Date Accessed: October 20,2018

3. Pagsasalin ng Poesya o Tula: https://www.slideshare.net/sitio1/pagsasalingwika-

poesya-o-tula Date Accessed: October 20, 2018

Online Instructional Videos

1. Sangkap ng tula: https://www.youtube.com/watch?v=KDKbPaHSv0o

Date Accessed: October 20, 2018

2. Tayutay: https://www.youtube.com/watch?v=tRWDyK_v-z0
Date Accessed: October 20, 2018
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 1

Modyul 009 Pagsasalin ng

iba’t ibang akdang Pampanitikan
LAYUNIN:
1. Nakikilala ang mga akdang nasa anyong ng tuluyan o prosa
2. Natutukoy ang ilang suliranin sa pagsasalin ng prosa
3. Nakababasa ng ilang halimbawang salin ng Sanaysay at Talumpati

Panimula:

Ang pagsasaling wika ay tulay sa dalawang magkaibang bansa at kultura,

sinusunukan nitong alisin ang pagitan sa dalawang magkainang kutura.sa
pagpasok ng ika-21 siglo makikitang mabilis na nakasasabay ang bawat bansa
sa iba’t ibang kultura, sa ganitong pagkakataon masasabing naging matagumpay
ang mga pagsasaling pampanitikan.

Sinasabing ang pangunahing gamapanin ng tagapagsalin ay mailipat ang

simulating wika patungo sa target na wika, ang tagapagsalin ay nagtataglay ng
katangian ng maingat na pagbibigay ng kahulugan na tinatalakay ng tekstong
isasalin.

Ang pagsasaling pampanitikan ay isang makatotohanang pagpapahyag

ng impomasyon. Ayon kay Uegine Nida at Taber (1982, 200) ay pagkamakatotoo
ay mahalaga dahil sa mambabasa , Ang mambabasa ang tagatanggap ng salin na
dapat maging masaya habang binabasa ang naturang dapat lamang na madama
ng mambabasa na s iya ay hindi nalalyo sa knyang kultura at wika.

Ang pagsasaling pmapatikan ay isang gawaing nagpapakita at

humuhubog sa tagapagsalin sa laranngan nng pagsulat, ang kahusayang taglay
ng isang tagasalin ay hindi matatawaran spagkat alam naman natin na
anumang akdang pampanitikan ay nagtataglagay ng mga salitang nakatago ang
kahulugan.

Sa modyul na ito subukin nating tuklasin ang ilan sa mga pangunahing

suliranin sa pagsasalin ng prosa o tuluyan , pagsasalin ng sanaysay at talumpati.

Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan

Course Module
Prosa- Malikhaing Pagsulat na gumagamit ng mga pangungusap na tuloy-tuloy,

• Ano mang anyo ng prosang isasalin ay kailangang kilalanin ng tagasalin ang anyo ng
panitikang kinabibilangan nito, kailangang maging natural ang daloy ng mga
pangungusap at hindi himig-salin.

• Mahalaga sa pagsasaling pampanitikan na ang tagasalin ay hindi lamang bilingual

kundi bi-kultural din.
Bikultural- may kaalamang at nauunawaan niya ang kultura at wika ng
dalawang wika.
• Ang pagsasalin ng prosa o tuluyan noong ika-20 siglo ay masasabing basta-basta
lamang, sapagkat hindi lahat ng sinasalin ay masasabing klasiko ang dating, sa
kasalukuyan, ang anumanng proyekto ng pagsasalin ay dapat nakapaloob sa pangkat
na may magpapayo kung ano ang karapat-dapat isalin, kailangang talakayin o pag-
aralan muna kung ano anng tekstong isasalin kung ito ba ay may kapakinabangan sa
mambabasa.

• Bilang isang tagapagsalin dapat ay manatiling bukas ang isip ng tagapagsalin kasama
ng kanyang mahusay na pag-aanalisa upang matukoy niya kung ang idyomang
tinutukoy niya sa Tunguhing lengwahe o hiram sa simulaing lenguwahe

• Batay sa aklat na inilathala ni Alfonso Santiago, may ilang mga Suliranin ang pagsasalin
ng Prosa

1. Problema sa Idyoma

Isa sa mga problema sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ay ang paggamit ng

idyoma sa mga prosa o tuluyang uri ang panitikan, ang mga akdang
pampanitikan na mula sa ingles ay mayaman sa idyomatiko, Ang idyoma ang
pinaka-puso ng lahat ng wika, hindi nabubuhay ang isang akda kung hindi
gagamitan ng idyoma. Kung ang lahat ng wika ay may kanya-kanya imbentaryo
ng salita, gayundin na ang lahat ng wika ay may kanya-kanyang imbentaryo ng
sariling mga idyoma.Katulad ng nabanggit sa ibang aralin ang tagapagsalin ay
dapat na may kaalaman sa kultura ng bansnag pinagmulan ng isasaling akda,
sapagkat ang idyoma ay naka-ugat sa kultura ng alinmang bansa.

Paano ba isinasalin ang Idyoma?

• Una, ang mga tayutay ay maaring isaling literal, makikita na ang mga
salitang bumubo sa idyoma ay tinutumbasan ng literal na kahulugan,
halimbawa:“iron hand” = “kamay na bakal” nagaganap ang ganitong uri
nng pagsasalin kahit ang dalawang wikang kasangkot ay hindi mag-
kaangkan.

• Pangalawa, tumbasan ang idyoma ng kapawa idyoma. Halimbawa:

“dress to kill” = nakapamburol
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 3
• Ikatlo, isalin ang diwa ng idyoma sa paraang idyomatiko

Halimbawa: Bread and Butter= Ikinabubuhay

2. Ang natural sa estruktura ng wika

• Ang pagkakaiba ng istruktura ng wika ang isa sa itinuturing sa suliranin

sa pagsasalin ng Prosa o ng kahit anong uri ng akdang pamanitikan, ang
pagkakaiba sa gramatika at sa kayarian ng pangungusap sa pagitan ng
Wikang Ingles at Filipino, ang ilan sa mga baguhang pagsasalin na hindi
maalam sa pagkakaiba ng gramtika ng dalawang wika aya karaniwang
natatangay sa gramatika ng isinasaling wika, halimbawa ang wikang
ingles madalas na nalulunod ang tagapagsalin sa gramatika ng wikang
ingles kaya naman himig ingles pa rin ang salin, makikita dito ang salita
sa salitang pagsasalin

3. Ang Panghihiram

• Maaring pagtakhan kung bakit ang panghihiram ang isa sa pangunahing

suliranin sa pagsasalin ng prosa. Ang dahilan kung bakit kasama ang
panghihiram sa dahilang sa bawat pangungusap na ating isinasalin ay
bibihira ang pagkakataong hindi tayo nahaharap sa panghihiram, lalo
pa’t ang ating isinasalin ay iba’t ibang takdang pampanitikan na nasa
anyong tuluyan tulad na lang halimbawa ng sanaysay, Talumpati at
Maikling kwento.

• Malaki ang suliranin ng tagapagsalin kung ang isasaling akda ay kargado

ng kulturang dayuhan na kadalasang nangyayari sa mga akdang nagmula
sa wikang Ingles, sa ganitong sitwasyo hindi maiiwasan ng tagapagsalin
ang panghihiram.

• Ang tagapagsalin ay nahaharap sa suliranin ng panghihiram sapagkat

kailangan niyang isa-isip kung alin ang mas tatangkilin ng target na
mambabasa, ang panghihiram ba sa Ingles o ang panghihiram kastila, isa
pa sa kailangang pagtuunan ng pansin ay ang pagbabaybay dahil ito ay
nasa anyong pasulat. Halimbawa nito ang “Liqiud” kung nagpasya ang
tagapagsalin na Ingles ang panghihiram at ang baybay nito ay “Likwid”,
kunga ang tagapagsalin ay nais ang panghihiram sa kastila “liquido” at
ang baybay nito ay “ likido”.

Ang Pagsasalin ng Sanasay

Course Module
SANAYSAY- Isang akdang pampanitikan sa nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
tumatalakay sa mga isyung panlipunan at naglalahad ng matayog na opinyon ng manunulat
kaugnay sa isang tiyak na paksa.
• Tinatawag itong essay sa ingles at essaier sa pranses, nangangahulugang
“pagtatangka”. Mayrong iba’t ibang anyo ang sanaysay rito ang naglalahad,
nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran.

• Sa pagsasalin ng sanaysay kailangang masuri ng tagapagsalin ang bawat

pangungusap, isa sa nagiging suliranin sa pagsasalin ng sanaysay ay ang
malalabong pangungusap, sapagkat ito ay pananaw ng manunulat sa isang
napapanahong paksa, hindi mai-aalis na magkaroon ito ng mga malabong
pangungusap.

• Mahusay ang isang tagapagsalin kung natutukoy niya ang malabong

pangungusap sa Simulaing wika at sa tunguhing wika, masasabing malabo ang
pangungusap kukng naghahatid ito ng isa o higit pang pagpapakahulugan o
kung hindi malinaw ang kahulugang nais ibahagi ng may-akda.

• Ayon sa aklat ng pagsasalin ng Alfonso, may mga dahilan kung bakit nagiging
malabo ang isang pangungusap.

Una, Karamihan ng mga salita ay nagdadala ng higit sa isang kahulugan,

nagiging tiyak lamang ang kahulugan ng salita kung ito ay bahagi na ng
pangunggusap.

Pangalawa, Ang pagkakayos ng mga salita o pariralang bumubuo sa

pangungusap, May pagkakataon na nagiging malabo, o naiiba, ang
kahulugan ng isang pangungusap dahil lamang sa namaling posisyon ng
isang salita o parirala.

Ikatlo, Ang pagkakaltas ng mga salita dahil na rin sa hangaring

makatipid.

Narito ang halimbawa ng malabong pangungusap

“No one will speak to us”

Maaring maging salin:

“Wala sa amin ang nagsalita”

“wala sa amin ang kumausap”

PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 5

Narito naman ang halimbawa ng malinaw na pangungusap sa Ingles ngunit malabo ang
salin sa Filipino dahil sa balangkas ng pangungusap:

“The Doctor placed the statoscope on the table”

Malabong Salin:

“Inilagay / ang statoscope / sa mesa / ng Doctor”

1 2 3 4
Malinaw na Salin:

“Inilagay / ng Titser / sa mesa / ang statoscope.”

1 2 3 4
Halimbawang Salin ng Sanaysay

Ang Alegorya ng Yungib ni Plato

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi
mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may
lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang
kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos
pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan
ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang
pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang
mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay
nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay
kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw
maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang
makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba
nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Course Module
Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi
ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa
pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan
ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga
bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila
ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa
sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati
niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip,
tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay
papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang
magiging tugon niya?

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya
lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na
kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit
upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang
mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan
hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at
magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi
niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang
maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang
mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning
na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa
liwanag ng araw na hatid ng umaga.

Tiyak.

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon
niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay
makapagninilay-nilay kung sino siya.

Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa

lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay
masanay sa pagtitig.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 7

Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa
kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang
mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at
kaawaan na lamang sila?

Tiyak at tumpak.

At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na
makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung
sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang
makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay
nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga
bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at
mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.

At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino
kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay
nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na
kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin)

hindi ba siya katawa-tawa?

Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas
mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang
iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga
dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo
ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng
kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.
Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking
opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at
matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na
maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay
yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay.
Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito .

Course Module
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang
magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali
lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad,
kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.

Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilaynilay
patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal?

Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay
mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at
magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang
uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag.

Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa
handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang
maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw?

At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa
isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag,
mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa
itaas ng liwanag patungo sa yungib.

Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halaga
ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng tao at ano ang pagkakaiba nito sa
sariling kaisipan. Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa
iyo upang masagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan
sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 9

Pagsasalin ng Talumpati

• Talumpati – Akdang Pampanitikan na nasa anyong tuluyan, maituturing na mabisang

salik sa pakikipagtalastasan, inilalahad ditto ang pananaw at opinyon ng manunulat
ukol sa napapanahong isyu karaniwan itong sinasalita sa harap ng madla

Ang kasimplehan ng paggamit ng retorika at kaayusan ng balarila ay higit na kailangan

upang maging mahusay ang pagkakabuo ng pangungusap, sa ganitong gawain mas
mapapalitaw ng manunulat ang kabisaan ng nasabing talumpati.

• Ang Pagsasalin ng talumpati ay karaniwang isinasagawa sa larangan ng akademya, ito

ay upang mas higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang ipihahayag ng isang kilalang
tao sa lipunan, Ang ilan sa talumpati ng mga kilalang tao sa mundo ay bahagi ng mga
talakayan sa aralin sa asignaturang Pilipino kaya naman nagkakaroon ng mga
pagsasalin ng talumpati.

• Kung babalikan natin ang mga nakalipas na aralin maaari nating iaakma ang mga
kaparaanan sa pagsasalin sa pagsasalin ng talumpati.

• Ang pagiging maingat ng tagapagsalin sa pagsasalin ay hinihingi upang hindi

magkaroon ng suliranin sa pagbibigay ng interpretasyon, ang talumpati ay maari nating
sabihing teknikal na sulatin sapagkat ito ay mula mismo nagsalita o bumigkas, sa
ganang akin hindi dapat magkaroon ng ibang pagpapakahulugan ang saling talumpati
sa orihinal na tulumpati.

• Halimbawa na lamang ang talumpati ni pangulong Rodrigo Duterte, ang tagapagsalin

ay kailangan maging maingat at matapat sapagkat ang ilan sa mga tinalakay ay
mahalaga at hindi dapat na magkaroon ng ibang interpretasyon sapagkat maari itong
magdulot ng kalituhan sa nakinig at bumasa.

• Dapat tandaan sa pagsasalin ng Talumpati:

➢ Basahin muna ang buong talumpati

➢ Isagawa ang unang burador
➢ Balikan ang natapos na burador, tiyakin ang mga wastong gamit ng salita
at ang wastong pagkakabuo ng pangungusap.
➢ Ipabasa sa iba ang salin
➢ Rebisahin ang salin batay sa mga naibigay na suhestiyon.

Course Module
Halimbawa ng Saling Talumpati ni Pangulong Duterte
Isinalin ng Rappler
Palasyo ng Malacañang ǀ 30 Hunyo 2016
Sanggunian (Sa Ingles):
http://newsinfo.inquirer.net/793344/full-text-president-rodrigo-duterte-inauguration-
speech#ixzz4D78gz98H

Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang maging Pangulo ako; Pangulong Joseph
Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker Feliciano
Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan; Punòng Mahistrado Maria Lourdes Sereno
at mga Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe Pinto at mga miyembro ng
Diplomatic Corps; mga bagong hirang na miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa
pamahalaan; mga kababayan.

Walang pinunò, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa anumang bagay na mahalaga o
makabuluhan sa bansa kung wala siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin niyang
pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.

Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang administrasyong
ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso,
ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na
iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.

Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang matugunan
kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan; kriminalidad sa lansangan,
at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at ang
kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin
ang mga suliraning ito ay mga palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at
dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas
mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon. Ngunit
mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang
masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.

Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat nating harapin.
Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho ng tiwala sa
sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging
maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.

Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa hulí ang lahat.
Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa pagbebenta at
paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong pamamaraan ay lihis sa
karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin
ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang
kinasadlakan.

Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang mga
relasyong pampamilya.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 11
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente
at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla,
bumalik silá kung saan nag-umpisa.

Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali.

Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa na
mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na umaalinsunod
sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang labang ito at kailangang tuloy-tuloy.

Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo.
Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.

Ang katápatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.

Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-
anay nga Kausaban”– ang mga salitâng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga islogang ito ang
nása aking isip hindi lámang para sa tanging layuning makuha ang boto ng mga botante. “Tinud-anay nga
kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay na pagbabago. Dito patungo ang ating
gobyerno).”

Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong uhaw na
uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na maging permanente at
makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.

Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat na may
tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.

Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa
mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at nagmaliw, at nais nating
maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging
mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako. Magkakasáma, magkakabalikat,
nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.

May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na magsisilbing pundasyon ng

administrasyong ito.

“Ang pagsúkat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag táyo sa kasaganaan ng mga mayaman; ang
sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos.” – Franklin Delano Roosevelt.

Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito: “ Hindi mo mapalalakas ang
mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa
pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo matutulungan ang sumasahod sa
pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan
ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .”

Course Module
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit
pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang magtungo sa mga
detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.

Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang mga rekisito
at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas. Inaatas ko sa
lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang
pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.

Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot
ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na at naghihintay ng
pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang laro ay malî.

Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinusúlong ang transparensi sa lahat ng mga kontrata,
proyekto, at transaksiyon sa negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon tungo sa
perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad.

Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at maghihiwalay táyo nang
mas maaga sa inaasahan.

Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon, hayaan ninyong ulitin ko na igagálang
ng Republika ng Filipinas ang mga kasunduan at internasyonal na obligasyon.

Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na ipatutupad ang lahat ng pinirmahang
kasunduang pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal at legal. Nagagalak ako sa
pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid na Muslim at mga pinunò nilá, at sa tugon ng lahat sa aking
panawagan para sa kapayapaan.

Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang matiyak ang
pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.

Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo na inihalal ako sa pagkapangulo
upang pagsilbihan ang buong bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao,
o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.

Kung kayâ’t hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na pangungusap na isinulat ng táong hindi
ko na maalala ang pangalan. Sinabi niya: “Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway na
sasaktan.”

Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa pagsisimula ng
krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.

Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang pakikiramay sa
Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na
pakikiramay.

Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas.
Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng iba’t ibang akdang Pampanitikan 13

1. Pagsasalin ng Prosa:
https://www.scribd.com/presentation/360533240/Pagsasalin-Ng-Prosa
Date Accessed: November 11, 2018

2. Salin: https://salin.wordpress.com/2009/11/24/pagiging-masaya/
Date Accessed: November 11, 2018

Online Instructional Videos

1. Talumpati: https://www.youtube.com/watch?v=8jVoDPu-6io
Date Accessed: October 20, 2018

2. Sanaysay: https://www.youtube.com/watch?v=tGhQQR_y4rQ
Date Accessed: October 20, 2018

Course Module
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 1

Week 012- Pagsasalin ng

Kwentong Piksyon
LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga paraan sa pagsasalin ng kwentong piksyon

2. Nauunawaan ang mga dapat na taglay ng isang tagasalin ng kwentong
Piksyon.
3. Nakasusuri ng mga akdang piksyon na naisalin sa wikang Filipino

Panimula:

Karaniwan sa pagsasaling wika, kapag ang isang tagapagsalin ay natapos

na ang isinagawang salin, lumalagay na sa kanilang isipan na tapos na ang
kanilang obligasyon sa pagsasalin.

Sa pagsasaling wika hindi natatapos sa pagsasalin ang tungkulin ng

tagapagsaling wika, nararapat na tiyakin ng tagapagsalin ang kahusayan ng
akdang isinalin at ang kapakinabangan nito sa mga mambabasa.

Ang pagsasalin ng mga akdang di –piksyon ay isang gawaing

kinakailangan ng masususing pag-aanalisa ng mga salita upang maibigay ang
eksaktong salin.

Sa modyul na ito tatalakayin at ibibigay ang iba’t ibang uri ng akdang di-
piksyon na naisalin sa wikang Filipino.

PAGSASALIN NG KWENTONG PIKSYON

• Kung ang isang salin ay hindi napuna ng mambabasa na ang kanyang binabasang akda ay
bunga ng isang salin masasabing ito ay maayos na pagkakasalin. Nagagawa ng tagapagsalin
na gawing natural ang daloy ng isinaling akdang pampanitikan kung ang idyomatikong
paraan sa Ingles ay naisalin sa wikang Filipino sa paraang natula at idymatiko rin ang salin
ay masasabing mahusay.

• Sa aklat ni Santiago (p.207) ibinigay ni savory ang tatlong pamatnubay na tanong na ayon sa
kanya ay dapat laging tinatanong ng tagapagsalin sa sarili habang nagsasagawa ng
pagsasalin.

Course Module
1. Ano ang sinsabi ng awtor?
2. Ano ba ang kanyang ibig sabihin?
3. Paano ba niya ito sinabi?

• Mapapansin na ang dalawang magkasunod na tanong na inilahad ni Savory ay tila magtulad

lamang, ngunit ito ay ipinaliwanag ni Savory. Ayon sa kanya, hindi sapat na basta maisalin
lamang ang akda. Halimbawa, ang paimbabaw na kahuluguan ng isang pangungusap,
kailangan ma maunawaan ng tagapagsalin ang nais ipaunawa ng manunulat.

• Ang pamamaraan na inilahad ni Savory ay mahalaga lalo na kung ang isasalin ay mga
masining na akdang pampanitikan tulad na lamang ng maikling kwento. Karaniwan sa
ganitong mga uri ng panitikan ay naglalahad ng mga matatalinghagang pahayag na dapat na
maunawaan ng tagapagsalin upang hindi magkaroon ng suliranin sa kanyang salin.

• Ang Ikatlong tanong ay nakatuon sa kung paano ba isinulat ng manunulat ang kanyang akda.
Kung babalikan natin ang mga nakalipas na aralin, matatandaan na hindi dapat gamitin ng
tagapagsalin ang kanyang istilo bagkus dapat ay panatilihin niya ang istilo ng manunulat.

SEGMENTASYON

• Ang segmentasyon ay gawaing mabusisi ngunit mapaghahanguan naman ng karanasan sa

pagsasalin lalo na kung ang isasali ay mga kwentong piksyon na dapat lamang paglaanan ng
panahon at oras. Lalo pa kung ang magsasalin ay baguhan pa lamang sa larangan ng
pagsasaling wika. Ang Segmentasyon ay karaniwang gamit panturo ng mga guro sa kurso sa
pagsasaling wika.

• Sa madaling pagtingin, ang segmentasyon ay may kasimplehan sapagkat ang tagapagsalin ay

magsasagawa lamang ng patilad-tilarin o hahati-hatiin ang mga makahulugang yunit ng mga
pangungusap. Isa-isa itong isasalin at pagkatapos ay bubuoin upang mabuo ang
makabuluhang salin.

• Higit na magiging epektibo ang paraang segmentasyon kung ang tagapagsalin ay may sapat
na kaalaman sa pagbuo ng natural na ayos ng pangugusap. Ang kahusayan ng tagapagsalin sa
pagbabago-bago ng mga salita o segment upang makabuo ng wastong pangungusap ang
makapagpapahusay sa isinasagawang salin.

• Ang segmentasyo ay nahahati sa iba’t ibang hakbang batay sa aklat ni Alfonso

Santiago.(p.209-211)

“I’m not surprised because my mother claims to be an expert on mountain shadows in

the desert. “
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 3
Hakbang 1- Paghahati-hati ng pangungusap sa mga segment o sa tinatawag na
“transitional units” (gamitin natin ang pangungusap sa itaas).

1. I’m not surprised

2. Because
3. My mother claims to be an expert
4. On mountain shadows
5. In the desert

Pansinin ang bawat segment ay isang “thought unit” kung ang isang segment ay may
kahabaan, maari itong hatiin sa dalawa o higit pang segment upang walang makalimutang
diwa ng isasalin.
Hakbang 2- Pagsasalin sa nabuong segment

Segment salin
1. I’m not surprised 1. Hindi na ako nagulat
2. Because 2. dahil
3. My mother claims to be an expert 3. inangkin ni nanay na
Mahusay siya
4. On the mountain shadows 4. Sa mga anino ng bundok
5. In the desert 5. Sa desyerto

Hakbang 3- Pagsasaayos ng mga saling segment

Kailangang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga segment na isinalin upang maging

gramatikal, natural at hindi himig-salin.Sa bahaging ito ay maaring magkaroon ng mga
pagbabawas o pagdaragdag ng mga salita, o kaya’y pagbabago o pagpapalit upang umangkop
sa balangkas at kakanyahan ng Filipino.

Ang unang-unang dapat gawin ay tingnan kung ang pandiwang “inangkin” ay maaring nang
alisin upang maging natural o idyomatiko ang pangungusap.
Tingnan sa ibaba ang naging resulta pagkatapos alisin ang pandiwang “inangkin”.

1. Hindi na ako nagulat

2. Dahil
3. Sabi ni nanay na mahusay siya
4. Sa mga anino ng bundok
5. Sa desyerto
Course Module
Ang nabuong pangungusap ay waring maaari nang tanggapin, ngunit maaari pa marahil ayusin
ang iba pang segment.

Hakbang 4 – Pagsasama-sama ng nabuong mga pangungusap

Ipagpalagay nating ang mga pangungusap sa isang talata ay dumaan sa ganitong proseso ng
segmentasyon. Ang pinakahuling hakbang ay ang pagsasama-sama ng mga pangungusap
upang mabuo ang talata. Sa pagbubuong ito ay pagtutuunan ng pansin ng tagapagsalin ang
ilang bagay, tulad ng mga sumusunod:

1. Pagsusuri kung maayos ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap (coherence). Dito

ay kakailanganin ng tagapagsalin ang kaalaman sa paggamit ng tinatawag na “cohesive
devices” tulad ng mga salita at pariralang “kung gayon, gayunpaman, mangyari pa, sa
kabilang dako, gaya ng nabanggit na”.

2. Pag-alam kung may mga salitang paulit-ulit na ginamit kayat tingnan kung maaring
kaltasin o palitan.

3. Pagsusuri kung may mga pangungusap na maaaring pag-isahin; dalawang pangungusap

na maaaring gawing isang pangungusap lamang.

4. Pagsusuri kung may pangungusap na dapat hatiin at gawing dalawang pangungusap

upang maging malinaw ang diwa. Tiyakin lamang na ang pagsasagawa ng alinman sa mga
bilang 3 at 4 ay hindi mauuwi sa pakikialam sa estilo ng awtor.

Pagsasalin ng Maikling Kwento

Maikling Kwento- isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga

pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa at nababasa sa isang upuan lamang.

Elemento ng Maikling Kwento

1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang mga tauhan sa loob ng kwento.

2. Saglit na kasiglahan- bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang

suliraning inihahanap ng lunas. Dito panandaliang pinagtatagpo ang mga tauhang
nasasangkot sa suliranin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 5
3. Suliranin – Sa bahaging ito ng kwento makikita ang problemang kinahaharap ng tauhan
sa kwento, dito ang mambabasa ay papagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang
damdamin.

4. Tunggalian – Ang tunggalian ay nahahati sa apat

• Tunggalian tao laban sa tao- labanan sa pagitan ng tauhan sa kapawa niya

tauhan.
• Tunggalian tao laban sa sarili- labanan ng tauhan sa kanyang sarili
• Tunggalian tao laban sa kalikasan- labanan ng tao sa pwersa ng kalikasan
• Tunggalian ng tao laban sa lipunan- Labanan ng tao laban sa kanyang
lipunang ginagalawan.

5. Kasukdulan – ito ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan, dito

makakamtam ng tauhan ang kanyang kabiguan o tagumpay sa kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan- ito ang tulay sa wakas ng kwento

7. Wakas- makikita sa bahaging ito ang kinahinatnan ng mga suliranin na kinaharap ng mga
tauhan.

8. Tauhan- ito ang nagpapagalaw ng kwento.

• Ang pagsasalin ay makatutulong nang malaki sa pangangailangan ng panitikan at

lipunan. Sa panahong ito, mabilis na pagkakalapit-lapit ng mga tao dahil sa pag-unlad
ng mga paraan ng paglalakbay. Lubhang kailangan ang wastong pagkakaunawaan.

• Ang pagtuturo ng pagsasalin ay magkakaroon ng tatlong magkakaugnay na layunin.

Mabigyan ng mga mag-aaral ng isang dagdag na kaalaman, mapasigla ang pagsasalin
ng mga maririkit na akdang banyaga na makapagpapayaman ng ating panitikan at
madudulutan ng ibayong sigla ang pagtuturo ng mga kursong panlipunnan.

• Sa pagsasalin ng maiklling kwento, tunguhin ng tagapagsalin na maging magkatulad

ng reaksyon ng mga mambabasa ng mga salin at ng mga mambabasa ng orihinal na
wika.

• Kailangang tiyakin ng tagapagsalin na walang nababawas o naidagdag na ideya.

Kailangan ding bantayan kung natural na tama ang baybay ng salita at balarila.

• Sa pagsasalin ng maikling kwento laging tandaan ang pagsasagawa ng unang burador.

Matapos isagawa ang segmentasyon, maari nang simulan ang unang buarador.
Tandaang ang isinasalin ay ang diwa at hindi ang salita sa loob ng akda.

Course Module
• Matapos ang pagbuo ng unang burador simulan na itong muling isulat. Kailangan
maging obhektibo ang tagapagsalin upang Makita niya ang kahinaan at kamalian ng
isinagawang salin.

• Sa pagwawasto ng isinagawang salin mas mainam kung itatabi muli ang orihinal at
ang salin, tapos ay basahin nang malakas upang madinig ng tagapagsalin ang mga
mali. Kung madulas ang pagbasa masasabi nating walang mali sa salin ngunit kung sa
bawat pagbasa ay natitigilan tiyak na may mali sa salin.

• Itala ang mga nakitang pagkakamali o ang mga salitang kinakailangang kaltasin, at
muling rebisahin ang salin. Hanggang sa mabuo ang pinal na kopya.

MAIKLING KWENTO (PAGSASALIN)

Ang Lamesa ng Mayaman

Kung nakikita niyo lang na nakaupo kami dito sa luma, gasgas-gasgas na gawang bahay na lamesa sa
aming kusina, malalaman niyong hindi kami mayaman.

Pero ang tatay ko, pilit na sinasabi sa akin na mayaman daw kami.

Hindi ba niya napapansin ang lumang sapatos ko na tagpi-tagpi? O kaya ang pantalon na may butas
ng kapatid kong nasa unang baitang sa elementarya? At bakit iniisip pa niya na may nakaparadang
sasakyan sa harap ng aming tahanan?

“Hindi niyo ko maloloko,” sabi ko. “Mahirap tayo! Ang mga mayayaman ba eh uupo sa ganitong klase
ng lamesa?”

Hinipo ng aking nanay ang parte ng lamesa at sinabing, “Aba, mayaman tayo at umuupo tayo dito
araw-araw.”

Minsan inisip ko na ako na lang ang bukod tangi sa pamilya na may ‘sense’ ang sinasabi.

Siguro dapat kong sabihin sa kanila na kinuha lang nila ang gamit ng paggawa ng lamesang ito sa
mga tinapon na bagay ng iba. Tapos nagdiwang pa sila nang natapos ito.

Naiintindihan ko naman, gusto ko naman ang lamesang ito. Ang sinasabi ko lang eh, hindi naman
siguro galing yan sa bilihan ng mga magagandang kagamitan. Hindi lang kasi talaga iyan tulad ng
mga lamesa kung saan umuupo ang mga mayayaman.

Pero ang iniisip ng nanay ko na kung ang lahat ng mga namumuno sa buong mundo ay magsasama-
sama sa isang palakaibigan na lamesang kahoy sa isang kusina, maaari nilang ma-solve ang kanilang
mga
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 7
problema wala pang isang oras ang makakalipas.

Ngunit ngayong gabi, ito ay aming kusina at aming pagtatalo at aming pamilyang pagpupulong at
ang aming tinapay na nakahain sa ginta ng aming lamesa.

Ako ang nagpatawag ng pagpupulong at ang pag-uusapan namin ay tungkol sa pera sapagkat hindi
na ito sapat sa amin.

Ang sabi ko sa aking mga magulang ay dapat magkaroon na silang pareho ng mas magandang
trabaho para makabili kami ng maraming magagandang bagong gamit. At sinabi ko ding mukha
akong kawawa sa aming paaralan.

“Ayoko ng ganoon,” ang sabi ko, “pero makakatulong kung magkakaroon po kayong pareho ng konte
pang ambisyon.”

Nagulat sila. Makikita mong hindi nila iniisip ang mga bagay na kailangan namin.

Mula dito, masasabi kong ang mga magulang ko ay may kakaibang pag-iisip tungkol sa
pagtratrabaho.

Ang iniisip nilang trabaho na karapat dapat sa kanila ay ang mga trabaho sa labas lamang.

Gusto nila ng disyerto, bundok, bulkan, gubat kapag sila ay nagtratrabaho. Gusto din nila na nakikita
ang magandang kulay ng kalangitan.

Palagi silang magkasamang nagtratrabaho, at ang paborito nilang ginagawa ay ang pagsasala ng
ginto.

Gustong gusto nilang naglalakad sa malawak na butas ng bulkas, tuyong daanan ng ilog, kung saan
ang maliliit na butil ng ginto ay natatagpuan.

Palagi nilang sinasabi na may truck daw na may alam kung saan ang daan para mahanap ang mga
ginto – pero hindi ako naniniwala.

Pagkatapos ng ilang buwan, palagi silang may ibinibentang maliliit na ginto, pero masasabi mong
hindi sila nito napapayaman.

Sa nakikita ko, isa na naman nila itong palusot para makapag-kampo sa isang maganda’t malawak
na lugar sa kagubatan.

Nagtatanim sila ng mga sweet corns. Kumukuha sila ng mga sili, kamatis, kalabasa. Nagtatayo ng
matibay

na bakod o kaya’y tinuturuan ang mga batang kabayo.

Course Module
Sinasabi nilang hindi nila kayang matutunan ang mga bagay o trabaho sa looban.

Ngayon, siyempre, tanong ng tatay ko, “ilang tao ang mapagpalang katulad natin?”

Pero pinatawag ko itong pagpupulong at sabi kong, “kung makakakuha ka ng pera kapag
nagtrabaho ka sa isang malaking gusali sa bayan.”

“Tandaan mo ang ating unang rule,” ang sabi niya. “Kailangan nating makita ang kalangitan.”

“Pwede ka namang tumingin sa bintana,” sabi ko.

Pero hindi nila iniisip ang ganoong bagay.

Nakita mo ba ang ibing kong sabihin tungkol sa pagiging may ‘sense’?

Sa wakas, nagsalita na ang nanay ko, “O sige, Mountain Girl. Ipapaliwanag na namin sa iyo kung
papaano natin kinukuha an gating pera. Kayo ang taga-lista ngayong gabi.”

Binigyan niya kami ng tig-isang lapis at ilang pirasong papel.

Binigyan din niya ang aking bunsong kapatid, kahit na uupo lang siya doon at magkukunwaring
nagsusulat kapag kami ay magsusulat, o magguguhit ng mga taong nagsasayaw sa ilalim ng
kalangitan.

Ah, oo nga pala, hindi Mountain Girl ang pangalan ko.

Yun lang ang tawag nila sa akin kasi pinanganak ako sa kubo sa gilid ng bundok kung saan ay
naghahanap sila ng ginto minsan sa Arizona.

Sabi nila, iyon daw ay isang mahiwagang lugar, ang pinakamagandang bundok na kanilang inakyat.

Siguro nga, pero alam mo naman kung gaano kakaiba ang pag-iisip nung dalawa.

Gusto nilang ang una kong masilayan ay ang gilid ng bundok na iyon kaya binuhat nila ako ng
nakataas ang kanilang kamay sa labas nang papasikat ang araw kung saan ay walong minuto pa
lamang ako.

Ang totoo niyan, gustong gusto ko pa rin ang pagsikat ng araw.

At ang kapatid ko, ang tawag nila sa kanya ay Ocean Boy. Sabi nila, dahil nasa akin na ang
pinakamagandang bundok para sa una kong sulyap sa mundo, inisip nilang maghanap ng
pinakamagandang karagatan para sa bunso kong kapatid. Sa pagkakaalam ko, inikot nila ang buong
Mexico para maghanap ng karagatan na may kagubatan. At kailangan nilang hanapin ang may kulay
ube-asul na kalangitan at ang eksaktong kulay berdeng alon na gusto nila.

Itinaas din nila siya para makita ang mga alon na iyon para sa kanyang unang tingin.

Balang araw kaming lahat ay babalik sa berdeng karagatan ng aking kapatid at sa aking mataas ng
bundok. Pero sa ngayon (kahit na sinasabi nilang napakayaman namin) hindi nila kami madala kahit
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 9
saan man lang.

Hindi nga katakataka ang pagtawag ko sa pulong na ito tungkol sa pera.

Naniniwala ka bang ang tatay ko ay nakaupo dito at tinitignan ako diretso sa mata at sinasabing,
“pero, Mountain Girl, akala ko alam mo kung gaano tayo kayaman.”

Ang sabi ko, “hindi naman tayo lalayo sa usapan kung hindi niyo aaminin na mahirap lamang tayo.”

“Papatunayan ko sa’yo ngayon din,” ang sabi niya. “Gumawa tayo ng listahan ng mga perang
nagagastos natin sa isang taon.”

“Magkano ba?” ang tanong ko. “Isusulat ko na.”

Pero ang sabi niya, “huwag masyadong mabilis. Maraming bagay pa ang iisipin natin bago
pagsasama-samahin.”

“Anong klaseng mga bagay?”

Ang sabi ng nanay, “hindi lang naman natin pinangbabayad ang pera, anak. Meron tayong espesyal
na plano kung kaya’t nakakabayad din tayo sa paglubog ng araw at sa oras ng paglalakbay sa mga
bundok at paghahanap ng mga pugad ng ibon.”

Ang sabi ko, “pwede niyo ba akong bigyan muna ng numero na isusulat sa papel?”

Nagsimula kami sa one million pesos.

Ganyan ang presyo na sinabi ni tatay sa pagtratrabaho niya sa labas, kung saan nakikita niya ang
kalangitan maghapon at nararamdaman ang hangin at naaamoy ang ulan isang oras bago pa tumulo
ang mga patak nito.

Sabi niya na ganoon daw ang halaga kung saan (kapag gusto niyang kumanta) maaari siyang
kumanta ng malakas na malakas, walang pipigil sa’yo.

Kasusulat ko pa lamang ng one million pesos ngunit ang sabi ni nanay, “Dapat pala one million and
five hundred thousand pesos kasi mga five hundred thousand ang halaga ng naririnig mong pag-
iyak ng coyote pabalik sa burol.”

Kaya sinulat ko one million five hundred thousand pesos.

At naalala di niya na gusto niyang makita ang malalayong bundok na nagbabago ang kulay mga
sampung beses sa isang araw.

Course Module
“Nagkakahalaga iyon ng two hundred fifty thousand pesos para sa akin,” ang sabi niya.

Hindi ako nagtaka kasi sinasabi ni nanay na mahusay siya sa mga anino ng bundok sa desyerto. Sabi
niya masasabi niya ang oras sa pagpapalit ng iyon ng kulay mula sa madaling araw hanggang sa
magdilim.

Pinagsama ko ang sinulat ko at ang kinalabasan ay one million seven hundred fifty thousand pesos.

Nag-isip pa si tatay ng iba. “Kapag namukadkad ang cactus, dapat nandoon ka at pinapanood mo
sapagkat maaaring iyon ang kulay na hindi mo na makikita muli sa mga susunod na araw ng iyong
buhay. Magkano sa tingin mo ang halaga ng kulay na iyon?”

“Bente pesos?” ang hirit ng kapatid ko.

Pero napagdesisyunan nila iyon ng isa pang two hundred fifty thousand pesos.

Kaya ngayon ang isinulat ko ay two million pesos.

Nakalimutan ko pa pala na gusto ni tatay gayahin ang mga huni ng ibon. Kaya niyang gayahin kahit
anong uri ng ibon, pero ang pinakamaganda ay ang paggaya niya sa mga puting kalapati, raven, sa
mga pulang buntot ng hawks at quails. Magaling din siya sa tunog ng agila at ng kuwago. Siyempre,
kailangang pagsamahin ang pang-umagang ibon at pang-gabing ibon na nagkakahalaga ng
kalahating milyon.

Pinagsama-sama ko muli ang lahat at ang sinulat ko ay two million five hundred thousand pesos.

Ngayon ang sabi ni nanay, “Tignan natin kung magkano ang total ni Mountain Girl.”

Nagsisimula na akong mahuli ng malalim nilang pag-iisip kung kaya’t isinuggest ko na five hundred
thousand ang halaga ko kahit na nagsisimula ng tumawa ang kapatid ko.

“Huwag mong minamaliit ang sarili mo,” ang sabi ni tatay. “ Tandaan mo ang lahat ng magagandang
bagay na inilista mo para sa atin.”

Tama siya. Ginawa ko. Gumawa ako ng listahan ng pinakamagandang libro na nabasa na natin at
listahan ng mga librong gusto nating basahin muli. Gumawa din ako ng listahan ng mga hayop na
nakita na natin at ng mga hayop na gusto pa nating makita sa kagubatan – hindi sa zoo o kulungan.

Ang akin ay ang Mountain Lion. Napapanaginipan ko siya apat na beses, at nakikita ko ang mga
yapak niya. Ang pinili ni tatay ay ang mabangis na oso. Si nanay naman ay pinili ang wolf at gusto
niyang marinig ang tawag nito. At ang kapatid ko naman ay hindi malaman kung ano ang pipiliin sa
dolphin at whale. Natandaan ko ang lahat dahil isinulat ko sa listahan.

Napagdesisyunan nila na ako ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Sabi ko sa isip ko na hindi siguro pero isinulat ko na rin.

PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 11

Lumalabas na ang bawat isa sa amin ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Ngayon ay meron nang four billion, two million and five hundred thousand pesos.

Sa huli, sabi ng kapatid ko na dapat may isang daang piso pa para sa pagtulog namin sa labas sa
ilalim ng mga bituin.

Sabi ng lahat na hindi sapat ang isang daan. Kinausap naming siya na gawin na lang twenty five
thousand pesos.

Ngayon, ang papel ko ay may four billion, two million and five hundred twenty five thousand pesos
– at hindi pa kami nagsisimulang magbilang ng totoong pera.

Sa totoo lang, ang parte ng salapi ay hindi na ganoon kahalaga.

Sinuggest ko na hindi naman na iyon kailangan ilagay sa listahan ng aming kayamanan.

Kung kaya’t dito na nagtatapos ang aming pagpupulong.

Sila ay lumabas ng bahay para makita ang maliwanag na buwan. Pero ako ay nakaupo pa rin sa
aming maganda’t gawang bahay na lamesang pangkusina na may isang tinapay na lamang ang
natira, at isinusulat ko ang kuwentong ito tungkol sa amin.

Hinipo ko ang lamesa at natutuwa ako dahil sa amin ito.

Tingin ko, ang magiging pamagat ng kuwento kong ito ay Ang Lamesa ng Mayaman.

Abigail Faith Cawili

Ang Lamesa ng Mayaman
Hango sa "The Table Where Rich People Sit"
ni "Byrd Baylor"

References and Supplementary Materials

1. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika (sa filipino mula sa Ingles) Ikatlong

1. Retorika:
https://books.google.com.ph/books?id=ehEBKKc18n0C&pg=PA55&lpg=PA55&dq
=tatlong+paraan+ng+pagsasalin+ng+panitikan&source
Date Accessed; November 20, 2018
2. Pagsasalin ng Prosa:

Date Accessed: November 12, 2018
3. Maikling Kwento: https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
Date accessed: November 26, 2018
4. PagsasalinMaikling Kwento: http://afaithlcawili.blogspot.com/2009/09/kung-
nakikita-niyo-lang-na-nakaupo-kami.html
Date Accessed: November 26, 2018

Online Instructional Videos

1. Maikling kwento: https://www.powtoon.com/online-
presentation/fiKe2RQmE9Y/elemento-ng-maikling-
kuwento/?mode=movie&locale=en
Date Accessed: November 23,2018

You might also like