Professional Documents
Culture Documents
003
KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS
PANIMULA
Sa bawat yugto ng pagsasalin sa Pilipinas ay may iba’t ibang antas ng kasiglahan. Ang
dalawang yugto ng pagsasalin ay nagpakita ng pag-unlad lalo na sa larangan ng panitikan.
Tuklasin ang kasiglahan ng iba pang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas.
Course Module
Kaalinsabay nito ang tuluyang pag-susulat ng mga aklat pampaaralan sa nasusulat
naman sa wikang Filipino.
Gaela, Marciano, “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Teaching Guide for Good Manners
ang Right for Grade VI mula sa yunit XIV hanggang yunit XXVI,’ PNC1970
IKAAPAT NA YUGTO
Ang ikaapat na yugto ng pagsasalin ay mailalarawan ‘ding maunlad. Ito ang panahon
kung saaan ang mga akdang pampanitikan ay sinisimulang isalin sa wikang Tagalog. Ang
Pagsasalin ay higit na mahalaga upang matawag na mayroon tayong Panitikang Pambansa.
Mayaman ang Panitikan ng Pilipinas mula sa iba’t ibang rehiyon, ngunit higit itong
mapapayaman kung maisasalin ito sa wikang Filipino.
Pagsasaling Pampanitikan
003
KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS
Matapos masuri ang mga akda ay sinimulan ang ikalawang bahagi ng palihan.
Sumailalim ang mga edukador at mga tagapagsalin sa isang sanayan upang
lubusan ang gagagwing pagsasalin ng mga akda mula sa iba’t ibang lugar.
Course Module
Palomo, Leon B. “Isang Pagsasalin ng mga Kwentong-Bayan, Pabula at
Makabagong Kwento Para sa Ikatlong Baitang” (Hango sa Salin ni Ollie
Lepero). PNC: 1959
Arcilla, Felisa B. “ Mga Isinaling Kathang Bicol sa Pilipino,” PNC: Abril: 1967.
IKALIMANG YUGTO
Dahil sa pagbabago ng Kurikulum sa Sekondarya, naisama ang pagtuturo ng mga panitikang Afro-
Asian. Kaya naman sa ikalimang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas ay nanatiling masigla at kapaki-
pakinabang ang pagsasalin. Sinimulang isalin sa wikang Filipino ang mga Akdang Afro-asian
bilang pagsunod na rin sa larangan at pangangailangan sa pagtuturo.
Ayon kay Isagani Cruz “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang
malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.” Ang pahayag na ito ni Isagani ay tila naging
susi upang maisama ang akdang Afro-Asian sa kurikulum sa sistema ng edukasyon at nagsilbing
Course Module
pagwawasto na rin sa mga nakaraang pagkakamali dahil sa lubhang pagkahumaling natin sa
panitikang kanluranin.
Ang ilang pangkat ng mga manunulat na nagsalin ng ilang piling panitikan ng mga kalapit
bansa ay naging matagumpay dahil na rin sa ipinakitang suporta ng Toyota Foundation, na
naniniwala sa kanilang simulain sa pagpapa-unlad ng pagsasalin sa bansa. Ang Translation
Project ay naisagwa sa pakikipagtulungan ng Solidarity Foundation.
Komisyon ng wikang Pambansa ang namamahala kung ang pagsasaling wika ang pag-uusapan,
Kinikilala sa larangang ito ang komisyon na dating (surian/linangan ng wikang pambansa) na
sadyang itinatag ng pamahalaan upang pangalagaan ang wika.
Sinimulang isalin ng ahensyang ito ang mga karatula mula sa iba’t ibang gusali ng pamahalaan,
gayundin ang maseselangdokumento, tulad ng mga papeles, para sa mga kasunduang panlabas, at
maging ang saligang batas ng Pilipinas. Alinsunod na rin sa kautusang nilagdaan ni Pangulong
Marcos noong Oktubre 24, 1967.
Sa kabila ng pagiging maunlad ng pagsasalin sa Pilipinas hindi pa rin maitatangging ang sining ng
pagsasaling wika ay hindi nakalalayo sa pinagsimulan nito. Nanatili ito mula sa kanyang
pagkakabuo at hindi na muli pang-umusad kung ihahambing sa mga pagsasaling nagaganap sa
ibang bansa lalo na sa bansang Japan na pinag-uukulan ng pamahaalan ng pondo upang maisalin
ang mga akda ng daigdig sa wikang Nihongo.
Ayon kay Punong komisyoner Ponciano B.P Pineda, tumanggap siya ng liham buhat sa isang
bansa sa Europe at hinihingi ang listahan ng mga registered translator sa bansa upang maisama
sa mga talaan ng mga tagsalin na ilalabas bilang aklat ng sanggunian. Ngunit sa kasaamang palad
walang kinikilalang registered translator sa bansa.
Course Module
Pigura 4: Larawan ni Ponciano PB Pineda
https://www.google.com.ph/search?q=ponciano+pineda&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahU
KEwis-
Date Retrieved: July 6, 2018
Maraming pag-aaral na rin ang naisagawa kaugnay sa pagsasaling wika. Ipinakikita lamang
dito na ang pagsasalin sa bansa ay hindi nawawala, bagkus unti-unti pa itong lumalago sa
paglipas ng panahon dahil sa pangangailangan pang –akademiko.
Isa na rin ito sa kinikilalang disiplina sa larangan ng pagsulat dahil sa naging ambag nito sa
panitikan, naging dakuyan nang wika ang pagsasalin, dahil sa napapawi ng tagasalin ang
hadlang upang maunawaan ang akdang pampanitikan na mula sa ibang bansa
Pagsasaling Pampanitikan
003
KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS